631. Ang Huling mga pagtuturo Bago ang Araw ng Pag-akyat sa Langit.

¹Nagsimula sana ako sa pamamagitan ng isang bagong kopyahang-aklat. Ngunit sa dahilan na si Martha ay may sakit, dito ako nágsulat pagkatapos sinipa ko ito sa bagong aklat.

--------------------

Abril 22, 1947.

²Nasa itaas sila ng isa pang bundok, na mas punó ng mga kakahuyan, hindi malayo sa Nazareth, patungo kung saan ang isang daan ay bumabaybay sa paanan ng bundok.

Si Jesus ay ginawa silang maupo nang pabilog, ang mga apostol mas malapit sa Kanya, sa likuran nila ang mga disipulo (ang mga kasama sa pitumpu’t dalawa na hindi umalis dito at doon) kasama si Zacharias at si Jose. Si Marjiam ay nasa paanan Niya sa isang pribilehiyong pusisyon.

Si Jesus ay nagsalita kaagad noong sila ay mga nakaupo at tahimik na, maasikasong nakikinig sa Kanyang mga salita. Sinasabi Niya:

«Makinig nang mabuti sa Akin, sapagkat sasabihin Ko sa inyo ang mga bagay na napakalaki ang kahalagahan. Hindi ninyo ito maiintindihan lahat, ni hindi ninyo ito maiintindihan nang mabuti. Ngunit Siya Na darating pagkatapos Ko, ay gagawin kayong maintindihan ito. Kung kaya't, makinig sa Akin.

Walang ibang mas kumbinsido kaysa sa inyo, na kung wala ang tulong ng Diyos ang tao ay madaling makagawa ng kasalanan, dahil ang kanyang napakahinang pagkatao ay pinahina pa lalo ng Kasalanan. Kung gayon Ako ay magiging isang di-mabuting Tagapagtubos, kung pagkatapos na mabigyan kayo ng labis upang matubos kayo, hindi Ko kayo binigyan din ng pamamaraan na mapanatili kayo sa mga epekto ng Aking Sakripisyo.

Nalalaman ninyo na ang lahat na pagiging madali na makagawa ng kasalanan ay nanggagaling mula sa Kasalanan na, sa pagkait sa mga tao ng Grasya, sila ay nawawalan ng kanilang lakas: ng pagkakaisa sa Grasya. Sinabi ninyo: “Ngunit naibigay Ninyo sa amin ang Grasya”. Hindi. Iyon ay naibigay sa makatarungan hanggang sa Aking Kamatayan. Upang maibigay iyan sa mga tao sa hinaharap isang paraan ang kailangan. Isang paraan na hindi lamang magiging isang pigura ng ritwal, bagkus sa mga tatanggap nito talagang itatatak nito ang tunay na karakter ng mga anak ng Diyos, katulad na ito ay kina Adan at Eba, na ang kaninong mga kaluluwang binigyan ng buhay ng Grasya, ay nagtataglay ng makalangit na mga regalo, binigay ng Diyos sa Kanyang minamahal na mga nilikha.

Nalalaman ninyo kung ano ang nagkaroon ang tao at kung ano ang nawala ng tao. Ngayon, sa pamamagitan ng Aking Sakripisyo, ang mga geyt ng Grasya ay nabuksan at ang ilog nito ay makakababa sa lahat na manghihingi nito dala ng kanilang pagmamahal para sa Akin. Ang mga tao kung gayon ay magkakaroon ng karakter ng mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng mga merito ng Panganay sa mga tao, mga merito Niya Na nagsasalita sa inyo, inyong Tagapagtubos, inyong eternal na Pontipise, inyong Kapatid sa Ama, inyong Guro. Ito ay sa gawa ni Jesucristo at sa pamamagitan ni Jesucristo na ang kasalukuyan at hinaharap na mga tao ay kakamtin ang Langit at kalulugdan ang Diyos, ang huling pakay ng tao. Hanggang sa kasalukuyang panahon, kahit na ang pinaka makatarungan sa mga makatarungan, bagamat tinuli bilang mga anak ng piniling sambayanan, ay hindi nakamit ang pakay na iyan. Bagamat ang kanilang mga birtud ay tiningnan ng Diyos, at ang kanilang mga lugar ay nakahanda na sa Langit, ang huli ay isinara at ang pagsasaya sa Diyos ay ipinagkait sa kanila, sapagkat sa kanilang mga kaluluwa, pinagpalang mga taniman ng mga bulaklak namumulaklak sa bawat birtud, ay naroon din ang isinumpang punungkahoy ng Orihinal na Kasalanan, at walang pagkilos, gaano pa man kabanal ito, ang makasira dito;  ni hindi rin posibleng mapasok ang Langit nang may mga ugat at mga dahon ng napakasamang punongkahoy.

⁴Sa Araw ng Preparasyon ang mga buntung-hininga ng mga patriyarka at mga propeta, at ng lahat ng makatarungan ng Israel, napahinahon ng lugod gawa ng napangyaring Panunubos, at ang kanilang mga kaluluwa, mas maputi pa sa niyebe sa bundok, ganyan ang kanilang birtud, ay nawalan ng tanging Mantsa na naghihiwalay sa kanila mula sa Langit.

Ngunit ang mundo ay nagpapatuloy. Mga henerasyon at mga henerasyon ay lumilitaw at lilitaw. Mga sambayanan at mga sambayanan ay pupunta sa Kristo. Maaari bang mamatay ang Kristo sa bawat bagong henerasyon upang mailigtas ito, o para sa bawat sambayanan na pumupunta sa Kanya? Hindi. Hindi Siya maaari. Ang Kristo ay namatay nang minsan, at Siya ay hindi na maaaring mamatay ulit, magpakailanman. Kung gayon, ang mga henerasyon bang ito, ang mga sambayanan bang ito, ay kailangan maging marunong sa pamamagitan ng Aking Salita, ngunit hindi kakamtin ang Langit at kalulugdan ang Diyos, sapagkat sila ay nasalanta ng Orihinal na Kasalanan? Hindi. Ito ay hindi magiging makatarungan, ni para sa kanila, sapagkat ang kanilang pagmamahal para sa Akin ay magiging walang kabuluhan, ni para sa Akin, sapagkat Ako ay lalabas na namatay para sa napakakaunti. Kung gayon? Papaano ang iba't ibang mga bagay mapagkakasundo? Alin na bagong himala ang gagawin ng Kristo, at gumawa na Siya ng napakarami, bago iwanan ang mundo para sa pagbalik sa Langit, pagkatapos na mahalin ang mga tao hanggang sa sukdulan ng mamatay para sa kanila?

⁵Gumawa na Siya ng isa, sa pag-iwan sa inyo ng Kanyang Katawan at Kanyang Dugo bilang isang magpapalakas at magpapabanal na pagkain at bilang isang alaala ng Kanyang pagmamahal, sa pagbigay sa inyo ng utos na gawin kung ano ang Akin ginawa sa pag-alaala sa Akin at bilang isang nagpapabanal na paraan para sa mga disipulo, para sa mga disipulo ng mga disipulo, hanggang sa katapusan ng panahon.

Ngunit noong gabing iyon, noong kayo ay napadalisay na sa panlabas, naaalaala ba ninyo kung ano ang Aking ginawa? Nagtali Ako sa baywang ng isang tuwalya at hinugasan Ko ang inyong mga paa, at sa isa sa inyo, na naiskandalo sa napaka-abang gawain, sinabi Ko: “Kung hindi kita huhugasan, hindi ka magkakaroon ng bahagi ng mayroon din Ako”. Hindi ninyo naintindihan kung ano ang ibig Kong sabihin, kung anong bahagi ang Aking tinutukoy, kung alin na simbolo ang Aking isinasagawa. Bueno, sasabihin Ko sa inyo. Bukod sa ituro sa inyo ang kababaang-loob at ang pangangailangan ng pagiging puro, upang makapasok at makabahagi sa Aking Kaharian, bilang karagdagan na dalhin nang may-kabaitan sa inyong pansin na mula sa isang tao, na makatarungan, at kung gayon puro sa kanyang espiritu at katalinuhan, ang Diyos ay humihingi lamang ng isang huling paghuhugas ng bahagi na gawa ng pangangailangan ay napakadaling makuntamina kahit na sa makatarungang mga tao, kahit ng alikabok lamang na sa pamamagitan ng kinakailangang pakikihalubilo sa mga tao ay naikakalat din sa malilinis na mga galamay, ng mga katawan, tinuruan Ko kayo ng isa pang bagay. Hinugasan Ko ang inyong mga paa, ang pinakamababang parte ng katawan, ang isa na napapadikit sa putik at alikabok, kung minsan sa maruruming bagay, upang mahayag ang laman, ang materyal na bahagi ng tao na laging may ilang imperpeksiyon, maliban sa mga walang Orihinal na Kasalanan, sa pamamagitan ng gawa ng Diyos o ng Kalikasan ng Diyos, at ang gayong mga imperpeksiyon kung minsan ay napakaliit na tanging ang Diyos lamang ang nakakakita, ngunit talagang kailangan na bantayan ng isa, upang sana hindi ito lumaki at maging natural na mga ugali, at malabanan upang maalis.

⁶Kung kaya't hinugasan Ko ang inyong mga paa. Kailan? Bago pirasuhin ang tinapay at bago ang alak at gawin silang maging Aking Katawan at Aking Dugo. Sapagkat Ako ang Kordero ng Diyos, at hindi Ako maaaring bumaba kung saan naroon ang marka ni Satanas. Kung kaya't hinugasan Ko muna kayo. Pagkatapos binigay Ko ang Aking Sarili sa inyo. Kayo rin ay huhugasan ninyo sa pamamagitan ng Binyag ang mga pupunta sa Akin, upang hindi sana nila tanggapin ang Aking Katawan nang di sila karapat-dapat Nito at hindi sana Ito maging isang nakakatakot na sentensiyang kamatayan para sa kanila.

Kayo ay nababagabag. Nagtitinginan kayo sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng inyong mga mata kayo ay nagtatanong: “At si Judas, kung gayon?” Sinasabi Ko sa inyo: “Si Judas ay kinain niya ang kanyang kamatayan”. Ang kataastaasang gawain ng pagmamahal ay hindi nahipo ang kanyang puso. Ang huling tangka ng kanyang Guro ay sumalpok sa bato ng kanyang puso, at sa batong iyon, sa lugar ng tanda na Tau, ay nakaukit ang nakakatakot na tanda ni Satanas, ang tanda ng Halimaw.

Kung kaya't hinugasan Ko kayo bago kayo tanggapin sa bangkete ng Eukaristiya, bago pakinggan ang kumpisal ng inyong mga kasalanan, bago ilagay ang Banal na Espiritu sa inyo at dahil dito kapwa ang karakter ng tunay na mga Kristiyano na kinumpirmahan muli sa Grasya, at ng Aking mga Pari. Gawin na ganito rin ang gawin sa iba pa na inyong ihahanda para sa Kristiyanong pamumuhay.

⁷Magbinyag sa pamamagitan ng tubig sa Ngalan ng Diyos Isa at Sang-tatlo at sa pamamagitan ng Aking walang-hangganang mga Merito, upang ang Orihinal na Kasalanan ay sana makansela mula sa mga puso, ang mga kasalanan ay sana mapatawad, ang Grasya at ang Banal na mga Birtud ay mailagay muli, at ang Banal na Espiritu ay sana bumaba upang manirahan sa ikinunsagrang mga templo, ibig sabihin, sa mga katawan ng mga tao na namumuhay sa Grasya ng Panginoon.

Ang tubig ba ay kinakailangan upang makansela ang Kasalanan? Ang tubig ay hindi nito nahihipo ang kaluluwa. Ngunit hindi rin nahihipo ng di-materyal na tanda ang paningin ng tao, na labis na materyal sa lahat ng kanyang pagkilos. Mailalagay Ko rin nang mabuti ang Búhay nang walang nakikitang pamamaraan. Ngunit sino ang maniniwala rito? Ilan ang mga tao na may katatagan na maniniwala kung hindi sila nakakakita? Kung kaya't kunin ang nagpapadalisay na tubig ng lumang Mosaic na Batas, ang tubig na ginagamit upang padalisayin ang di-malilinis na tao at tanggapin silang muli sa mga kampo, pagkatapos na sila ay nakuntamina ng isang bangkay. Sa katunayan, ang bawat taong pinanganganak ay kontaminado, sa pakakahalubilo sa isang kaluluwa na patay sa Grasya. Kung kaya't padalisayin ito mula sa di-malinis na pagkahalubilo sa pamamagitan ng nagpapadalisay na tubig at gawing karapatdapat na makapasok sa eternal na Templo.

At gawin ang tubig na maging isang mahal na bagay sa inyo... Pagkaraan ng pagbabayad-kasalanan at panunubos sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon ng mahirap na pamumuhay, na nagtapos sa Pasyon, pagkatapos na maibigay ang lahat ng Aking Dugo para sa mga kasalanan ng mga tao, ang nakabubuting mga tubig na maghuhugas sa Orihinal na Kasalanan ay diyan pagkatapos kinuha sa naubusang-dugo ng inialay na Katawan ng Martir. Sa pamamagitan ng inialay na Sakripisyo natubos Ko kayo mula sa mantsang iyan. Kung noong nasa punto na ng kamatayan ang isang dibinong himala ay nagawa Akong bumaba mula sa krus, sasabihin Ko sa inyong totoo na sa pamamagitan ng dugong Aking pinadaloy matutubos Ko ang mga kasalanan, ngunit hindi ang Kasalanan. Ang ganap na katuparan nito ay kinakailangan. Talaga, ang nakabubuting tubig na siyang binabanggit ni Ezekiel ay lumabas mula sa Aking Tabi na ito. Ilubog ang mga kaluluwa rito, upang sila ay umahon mula rito na wala kahit anong mantsa, upang tanggapin ang Banal na Espiritu Na, sa pag-alaala sa hiningang iyon na ginawa ng Tagapaglikha kay Adan upang maibigay sa kanya ang espiritu at imahe at pagkakatulad ng Kanyang Sarili, ay darating upang huminga at manirahan sa mga puso ng mga tao na mga natubos.

Magbinyag sa pamamagitan ng Aking Binyag, ngunit sa Ngalan ng Diyos Sang-tatlo, sapagkat, talaga,  kung hindi nagusto ang Ama at ang Espiritu ay hindi kumilos, ang Salita ay hindi nagkatawang-tao at hindi kayo nagkaroon ng Panunubos. Kung kaya't ito ay makatarungan at tama na ang bawat tao ay tanggapin ang Buhay sa pamamagitan ng Mga nagsama-sama sa kagustuhan na ibigay ito sa kanya, binabanggit ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu sa pagbibinyag, na kinukuha ang pangalan na Kristiyano dahil sa Akin, upang maihiwalay ito sa mga iba noong nakaraan at sa hinaharap, na mga ritwal, ngunit hindi isang di-mabuburang mga tanda sa inmortal na bahagi.

⁸Kunin ang Tinapay at ang Alak katulad ng ginawa Ko, at pagpalain ito, pirasuhin at iabot sa Ngalan Ko; at gawin ang mga Kristiyano na kanin Ako. At tungkol sa Tinapay at Alak gumawa ng pag-aalay sa Ama ng mga Langit, kinakain ito pagkatapos sa pag-alaala ng Sakripisyo na inalay Ko at pinangyari Ko sa Krus para sa inyong kaligtasan. Ako, Pari at Biktima, sa pamamagitan ng Sarili Ko ay inialay at kinunsumo Ko ang Aking Sarili, katulad na walang ibang makagagawa niyan sa Akin, kung hindi Ko ginusto. Kayo, Aking mga Pari, gawin iyan sa pag-alaala tungkol sa Akin at upang ang walang-hangganang mga kayamanan ng Aking Sakripisyo ay sana tumaas nang nangungusap sa Diyos, at bumabang paborable sa lahat na nananawagan para dito nang may matatag na pananampalataya.

Matatag na pananampalataya, sinabi Ko. Walang siyensiya ang kinakailangan upang magkaroon ang isa ng Pagkaing Eukaristiya at ng Sakripisyong Eukaristiya, bagkus pananampalataya. Pananampalataya na sa tinapay na iyon at sa alak na iyon, na ikokonsagra sa Ngalan Ko ng isang pinahintulutan Ko at ng mga darating pagkatapos Ko – ikaw, Pedro, ang bagong Pontipise ng bagong Simbahan, ikaw Santiago ni Alfeo, ikaw Juan, ikaw Andres, ikaw Simon, ikaw Felipe, ikaw Bartolomeo, ikaw Tomas, ikaw Judas Tadeo, ikaw Mateo, ikaw Santiago ni Zebedeo – ay ang Aking totoong Katawan, Aking totoong Dugo, at siya na kumakain nito ay tinatanggap Ako sa Laman, Dugo, Kaluluwa at Dibinidad at siya na nag-aalay ay talagang inaalay niya si Jesucristo, katulad nang inialay Niya ang Kanyang Sarili para sa mga kasalanan ng mundo. Ang isang bata o isang mangmang na tao ay makatatanggap sa Akin, katulad lamang ng isang may pinag-aralang tao at isang adulto. At ang isang bata at isang mangmang na tao ay tatanggap ng gayon ding mga kalamangan mula sa Sakripisyong  inialay, katulad ng magkakaroon ang kahit sinuman sa inyo. Sapat na na ang pananampalataya at ang grasya ng Panginoon ay nasa kanila.

⁹Ngunit malapit na kayong tumanggap ng isang bagong Binyag, ang Binyag ng Banal na Espiritu. Ito ay ipinangako Ko sa inyo at ibibigay ito sa inyo. Ang pinaka Banal na Espiritu ay bababa sa inyo. Sasabihin Ko sa inyo kung kailan. At kayo ay magiging punung-puno Nito, sa kapunuan ng saserdotal na  mga regalo. Magagawa ninyo, kung gayon, katulad ng ginawa Ko sa inyo, na ilagay ang Espiritu na kayo ay punung-puno, na kumpirmahan ang mga Kristiyano sa grasya at ilagay ang mga regalo ng Paraklito sa kanila. Bilang isang makaharing Sakramento, mababa lamang nang kaunti sa Pagpapari, kailangan na mayroon itong solemnidad ng Mosaic na mga konsagrasyon na may pagpapatong ng mga kamay at may unsiyon ng pinabanguhang langis, na minsan ay ginagamit upang konsagrahin ang mga Pari.

Hindi. Huwag tingnan ang isa’t isa nang takot-na-takot! Hindi Ako nagsasalita ng mga mapaglapastangang mga salita! Hindi Ko kayo tinuturuan ng mapaglapastangang mga pagkilos! Ang dignidad ng isang Kristiyano ay ganyan, inuulit Ko ito, na iyan ay mababa lamang nang kaunti sa isang pagpapari. Saan nakatira ang mga pari? Sa Templo. At ang isang Kristiyano ay magiging isang buháy na templo. Ano ang ginagawa ng mga pari? Naglilingkod sila sa Diyos sa pamamagitan ng mga dasal, mga sakripisyo at inaalagaan ang mga naniniwala. Iyan ang kailangan na dapat sana nilang ginawa... At ang isang Kristiyano ay maglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng dasal at sakripisyo at ng pangkapatiran na pagmamahal.

¹⁰At makikinig kayo sa pangungumpisal ng mga kasalanan, katulad na nakinig Ako sa inyo  at sa pangungumpisal ng marami at Ako ay nagpatawad kung saan nakakita Ako ng totoong pagsisisi.

Kayo ba ay nababalisa? Bakit? Natatakot ba kayo na baka hindi ninyo makita ang pagkakaiba? Sa ibang mga okasyon Ako ay nakapagsalita na ng tungkol sa kasalanan at sa paghuhusga sa kasalanan. Ngunit alalahanin, sa paghuhusga, na isipin ang tungkol sa pitong mga kondisyon kung saan ang isang aksiyon ay baka makasalanan o hindi at ang tungkol sa iba't ibang bigat nito. Sasariwain Ko ito. Kailan nagkasala ang isa at kung ilang beses, sino ang nagkasala, kanino nagkasala, sa pamamagitan ng ano nagkasala, alin ang bagay ng pagkakasala, ano ang pinagmulan, bakit nagkasala ang isa. Ngunit huwag matakot. Ang Banal na Espiritu ay tutulungan kayo.

Ang ipinakikiusap Ko sa inyo nang buong puso Ko ay ang pamalagiin ang isang banal na pamumuhay. Palalaguin nito ang sobrenatural na mga liwanag sa inyo hanggang sa sukdulan, na kayo ay magtatagumpay na mabasa ninyo ang mga puso ng mga tao nang hindi kayo nagkakamali, at magagawa ninyo, nang may pagmamahal o nang may awtoridad, na sabihin sa mga makasalanan, na natatakot na ilabas ang kanilang kasalanan o tumatangging ikumpisal ito, kung ano ang kalagayan ng kanilang mga puso, natutulungan ang nahihiya at pinahihiya ang ayaw magsisisi. Alalahanin na ang Lupa ay malapit nang mawalan ng Tagapagkalag-ng-sala nito at na kayo ay kailangan na maging kung ano Ako noon: makatarungan, matiyaga, maawain, ngunit hindi mahina. Sinabi Ko sa inyo: ang inyong kakalagan sa Lupa ay kakalagan sa Langit at ang inyong tatalian dito ay tatalian sa Langit. Kung gayon nang may sukát na pag-aaral husgahan ang bawat tao nang hindi pinahihintulutan ang inyong mga sarili na maging marumi dahil sa mga nagugustuhan at di-nagugustuhan, dahil sa mga regalo o mga pananakot, bilang walang-kinikilingan sa lahat ng bagay at sa lahat na tao katulad na ganito ang Diyos, isinasaisip ang kahinaan ng tao at ang mga patibong ng kanyang mga kaaway.

Pinaaalalahanan Ko kayo na kung minsan pinahihintulutan din ng Diyos ang Kanyang mga pinili na bumagsak, hindi dahil gusto Niyang makita silang bumagsak, bagkus dahil ang isang malaking kalamangan ay sana lumabas mula sa isang pagkabagsak. Kung kaya't inalok ang inyong mga kamay sa mga bumabagsak, sapagkat hindi ninyo nalalaman kung ang pagbagsak na iyon ay ang pagreremedyong krisis ng isang sakit na namamatay na magpakailanman, mag-iiwan sa dugo ng isang puripikasyon na magdadala ng kalusugan. Sa kaso natin: isang magdadala ng kabanalan.

Maging mahigpit sa halip sa mga walang paggalang para sa Aking Dugo, at na ang kanilang mga kaluluwa kalilinis pa lamang ng dibinong paligo, tinatapon ang kanilang mga sarili sa dumi nang isa at sandaan na beses. Huwag silang isumpa, ngunit maging mahigpit, hikayatin sila, punahin sila nang pitumpu’t pitong beses, at isipin ang ibigay sa kanila ang pinaka sukdulan na kaparusahan ng pagputol sa kanila mula sa piniling sambayanan, kapag lamang ang kanilang pagmamatigas na manatili sa isang pagkakamali na naka-iiskandalo sa mga kapatid, ay napilitan kayong gumawa ng hakbang upang hindi kayo maging kasabwat sa kanilang mga ginagawa. Alalahanin kung ano ang Aking sinabi: “Kung ang inyong kapatid ay nagkasala, ituwid siya sa pagitan ninyong dalawa. Kung siya ay hindi makinig sa inyo, ituwid siya sa presensya ng dalawa o tatlong saksi. Kung iyan ay hindi sapat, bigyan alam ang Simbahan. Kung siya ay hindi makinig kahit na sa Simbahan, ituring siyang isang Hentil at isang publikano”.

¹¹Sa Mosaic na relihiyon ang kasal ay isang kontrata.  Sa bagong Kristiyanong relihiyon gawin itong isang sagradong walang-pagkasirang hakbang, kung saan ang grasya ng Panginoon ay nawa bumaba upang gawin ang mag-asawa na dalawang ministro Niya sa pagpapalawig ng lahi ng tao. Sa pinaka-unang mga sandali pa lamang payuhan ang konsorte na kasama na sa bagong relihiyon na kombertihin ang konsorte, na hindi kabilang sa mga naniniwala, na sumapi at maging bahagi nito, upang maiwasan ang masakit na mga pagkakahiwalay ng mga kaisipan, at dahil dito ng kapayapaan, na atin ding napupuna sa pagitan natin mismo. Ngunit pagdating sa usapan tungkol sa mga kapwa naniniwala sa Panginoon, walang kahit ano pa mang rason na paghiwalayin kung ano ang pinagsama ng Diyos. At kung ang konsorte ay Kristiyano at napangasawa ang isang pagano, pinapayuhan Ko ang konsorteng iyan na dalhin ang kanyang krus nang may tiyaga, kababaang-loob at may lakas din, hanggang sa sukdulan na mamatay sa pagsasanggalang sa kanyang pananampalataya, ngunit na hindi niya hinihiwalayan ang konsorte na kanyang pinakasalan nang may ganap na kusang-loob. Ito ang Aking payo para sa mas perpektong may-asawang pamumuhay, hanggang maging posible, sa paglaganap ng Kristiyanismo, na magkaroon ng mga kasalan sa pagitan ng mga naniniwala. Diyan gawin ang pagsasama na maging sagrado at walang-pagkasira, at ang pagmamahal maging banal.

Magiging masama, kung dahil sa katigasan ng mga puso, mangyari sa bagong pananampalataya kung ano ang nangyari sa lumang pananampalataya: pinapayagan ang pagtalikod at pagsasawalang-bisa sa kasal upang maiwasan ang iskandalo na nalikha ng kahalayan ng tao. Sinasabi Ko sa inyong totoo na ang bawat isa ay kailangan na pasanin ang kanyang krus sa bawat estado, sa buhay may-asawa rin. At sinasabi Ko rin sa inyong totoo na dapat walang anumang panggigipit ang magpapatahimik sa inyong awtoridad sa pagsasabing: “Iyan ay laban sa batas” sa mga gustong magpakasal sa ikalawang beses bago mamatay ang isa sa mga konsorte. Mas mabuti pa, sasabihin Ko sa inyo, na ang isang bulok na bahagi ay matanggal, nang kusa nito mismo o sinusundan ng iba pa, kaysa panatilihin sila sa loob ng Katawan ng Simbahan, pagkalooban ito ng isang bagay na salungat sa kabanalan ng kasal, iniiskandalo ang aba at ginagawa silang magsalita ng hindi maganda sa integridad ng mga saserdote at sa kahalagahan ng kayamanan at kapangyarihan.

Ang kasal ay isang mabigat at banal na hakbang. At upang mapatunayan iyan, Ako ay sumama sa isang kasalan at ginawa Ko ang Aking unang himala roon. Ngunit kasawiang-palad kung ito ay mapunta sa kahalayan at kapritso. Gawin ang kasal, ang natural na kontrata sa pagitan ng lalaki at babae, na tumaas sa isang espirituwal na kontrata, na sa pamamagitan nito ang mga kaluluwa ng dalawang tao na nagmamahalan sa isa’t isa nanumpang paglilingkuran ang Panginoon sa naggagantihang pagmamahal, ay nag-aalay sa Panginoon sa pagsunod sa Kanyang utos ng pagpapakarami na magbibigay ng mga anak sa Panginoon.

¹²At saka... Santiago, natatandaan mo ba ang paguusap sa Mount Carmel? Mula ng oras na iyon na nagsalita Ako sa iyo tungkol dito.  Ngunit ang iba ay hindi nag-aalam... Nakita ninyo si Maria ni Lazarus na nagpahid ng ungguwento sa Aking mga galamay noong hapunan ng Sabbath sa Bethany. Sinabi Ko noon sa inyo: “Inihanda niya Ako para sa Aking paglilibing”. Sa katunayan iyon nga ang kanyang ginawa. Hindi para sa Aking paglilibing, sapagkat akala niya ang kapighatian na iyon ay malayo pa, bagkus upang padalisayin at pabanguhan ang Aking mga galamay dahil sa mga dumi ng daan, upang sana Ako ay umakyat sa trono na may pabango ng balsamong langis.

Ang buhay ng isang tao ay isang daan. Ang pagpasok ng tao sa susunod na buhay ay kailangan na maging isang pagpasok sa Kaharian. Ang bawat hari ay pinapahiran ng langis at nilalagyan ng pabango bago akyatin ang kanyang trono at ipakita ang kanyang sarili sa kanyang sambayanan. Ang Kristiyano rin ay ang anak ng isang hari, at nilalakad niya ang kanyang daan, ang kanyang mga hakbang patungo sa kaharian kung saan ang Ama ay doon siya tinatawag. Ang kamatayan ng isang Kristiyano ay walang iba bagkus ang pagpasok sa Kaharian upang akyatin ang trono na inihanda ng Ama para sa kanya. Ang kamatayan ay hindi nakakatakot para sa kanya na hindi natatakot sa Diyos. Nalalaman na siya ay nasa loob ng Kanyang grasya. Ngunit gawin na ang damit niya na aakyat sa trono ay mapadalisay mula sa lahat ng basura, upang sana mapanatili itong maganda para sa resureksiyon, at gawing mapadalisay ang kanyang espiritu, upang magningning sana ito sa trono na inihanda ng Ama para sa kanya at lumabas siyang marangal katulad na ito ang nababagay sa isang anak ng gayong kadakilang hari. Gawin ang pagpapahid ng langis sa namamatay na mga Kristiyano, o kung baga, sa mga Kristiyanong pinanganganak sa eternal na buhay, gawin itong maging isang paglaki ng Grasya, ang pagwawalang-bisa ng mga kasalanan na ganap na pinagsisisihan ng tao, ang mamumukaw ng taimtim na paghahangad para sa Kabutihan, ang tagapagbigay ng lakas para sa kataastaasang pakikibaka.

Ulitin ang ginawa ni Maria sa mga katawan ng mga pinili. At gawin na walang sinuman ang mag-isip na ito ay hindi sa kanya karapat-dapat. Tinanggap Ko ang balsamong langis na iyon mula sa isang babae. Ang bawat Kristiyano ay kailangan na isipin na ang kanyang sarili ay napararangalan nito, bilang isang kataastaasang grasya ng Simbahan na ang kaninong anak ay siya, at kailangan na tanggapin ito mula sa pari upang malinisan ng huling mga mantsa. At ang bawat pari ay kailangan na maging masaya na maulit sa katawan ng kanyang namamatay na kapatid, ang pagpapakita ng pagmamahal na ginawa ni Maria sa naghihirap na Kristo. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang inyong hindi ginawa sa Akin noon, pinababayaan ang isang babae na mahigitan kayo, at ngayon iniisip ninyo ang tungkol dito nang may labis na panghihinayang, ay magagawa ninyo sa hinaharap at sa kung ilang beses dahil yuyukuan ninyo ang isang namamatay upang maihanda siya para sa kanyang pakikipagtagpo sa Diyos. Ako ay nasa mga pulubi at sa namamatay na mga tao, sa mga peregrino, sa mga ulila, sa mga balo, sa mga preso, sa mga nagugutom, nauuhaw o giniginaw, sa naghihirap ang damdamin o napapagod. Ako ay nasa lahat na miyembro ng Aking mistikal na Katawan, na siyang ang pagsasamahan ng lahat ng Aking mga naniniwala. Mahalin Ako sa kanila at makagagawa kayo ng pagsusulit para sa inyong kawalang-interes sa napakaraming mga pagkakataon., nagbibigay ng malaking lugod sa Akin at labis na kaluwalhatian sa inyong mga sarili.

¹³Pangwakas, isipin na ang mundo, ang edad, ang mga sakit, ang panahon, ang mga pang-uusig ay nagsasabwatan laban sa inyo. Kung gayon huwag maging sakim sa kung ano ang inyong tinanggap at huwag maging pabayà. Sa dahilan na ito ipaabot ang Pagpapari sa Ngalan Ko sa pinakamagagaling na disipulo, upang ang Lupa ay sana huwag mawalan ng mga pari. At tiyakin na ang sagradong karakter ay ipagkakaloob pagkaraan ng mahigpit na pagsusuri, hindi sa salita, bagkus sa mga gawa niya na humihiling na maging isang pari, o niya na sa tingin ninyo angkop na maging isang pari.

Isipin kung ano ang isang Pari. Ang mabuti na kanyang magagawa. Ang masamang kanyang magagawa. Nagkaroon na kayo ng halimbawa kung ano ang magagawa ng isang pari na nawala sa kanyang sagradong karakter. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang bansang ito ay magkakawatak-watak dahil sa mga kasalanan ng Templo. Ngunit sasabihin Ko rin sa inyong totoo na ang Lupa rin ay masisira kapag ang abominasyon ng pagkakaligaw ay maapektuhan ang bagong Pagpapari, sa pagpasunod sa mga tao sa pagtalikod sa relihiyon upang yapusin ang mga doktrina ng impiyerno. Pagkatapos ang anak ni Satanas ay lalabas at ang mga tao ay uungol sa nakamamatay na takot, dahil tanging kakaunti lamang ang mananatiling tapat sa Panginoon, at diyan din, pagkaraan ng nakapangingilabot na kombulsiyon, ang katapusan ay darating pagkatapos ng pananagumpay ng Diyos at ng Kanyang kaunting mga Napili, at ang galit ng Diyos sa lahat na isinumpa. Kapahamakan, tatlong beses na kapahamakan kung sa kakaunting iyon ay wala pa rin mga santo, ang huling mga pabelyon ng Templo ng Kristo! Kapahamakan, tatlong beses na kapahamakan, kung upang mapaginhawahan ang huling mga Kristiyano, ay walang natitirang tunay na mga Pari, katulad na magkakaroon ang  unang mga Kristiyano. Talaga ang huling pang-uusig ay magiging nakapangingilabot, dahil ito ay hindi magiging pang-uusig ng mga tao bagkus ng anak ni Satanas at ng kanyang mga tagasunod. Mga Pari?  Ang mga Pari ng huling oras ay kailangan na maging mas higit pa kaysa mga pari, magiging mabangis-na-mabangis ang pang-uusig ng mga pangkat ng Antikristo. Katulad ng lalaking nakadamit ng linen, napakabanal na mapunta sa tabi ng Panginoon, sa bisyon ni Ezekiel, kailangan na sila ay maging walang-kapaguran sa pagmamarka ng isang Tau sa pamamagitan ng kanilang perpeksiyon sa mga espiritu ng kaunting tapat na mga pari, upang ang apoy ng marami ay hindi sana makansela nito ang tandang iyan. Mga Pari? Mga Anghel. Mga anghel na winawagayway ang insensaryo ng mga insenso ng kanilang mga birtud upang mapadalisay ang ere ng masamang singaw ni Satanas. Mga anghel? Mahigit pa kaysa mga anghel: iba pang mga Kristo, iba pang Aking Sarili, upang ang mga naniniwala ng huling mga panahon ay makapagpursige sana hanggang sa katapusan. Iyan kung ano sila dapat maging.

¹⁴Ngunit ang hinaharap na mabuti at masama ay may mga ugat sa kasalukuyan. Ang mga huho ng niyebe ay nagsisimula sa isang manipis na piraso ng niyebe. Ang isang pari na di-karapat-dapat, di-dalisay, erehe, di-tapat, di-maniwala, malahininga o malamig, mapurol, walang-lasa, mahalay, ay sampung beses na nakapipinsala kaysa sa isang naniniwala na may parehong mga kasalanan, at nakapanghihila siya ng mas marami pa na gumawa ng kasalanan. Ang kapabayaan sa Pagpapari, ang pagtanggap ng di-dalisay na mga doktrina, ang pagkamakasarili, ang kasakiman, ang kiling sa pagkakasala sa Pagpapari, alam ninyo kung ano ang resulta ng mga ito: pagpatay sa diyos. Ngayon, sa hinaharap na mga panahon, ang Anak ng Diyos ay hindi na maaaring mapatay pa, ngunit ang pananampalataya sa Diyos, ang idea tungkol sa Diyos, ay maaari. Kung gayon ang isang pagpatay-sa-diyos ay maaaring mapangyari, na magiging mas walang-pagreremedyo, sapagkat ito ay walang resureksiyon. O! ito ay maaaring mapangyari, oo. Nakikita Ko... Ito ay posibleng magawa, dahil sa napakaraming mga Judas ng Kerioth sa hinaharap na mga panahon. Gaanong nakapangingilabot!...

Ang Aking Simbahan nasira ng sariling mga ministro nito! Habang sinusuportahan Ko ito sa tulong ng mga biktima. At sila, ang mga Pari, na may mga sutana lamang at wala ng kaluluwa ng isang Pari, na tumutulong sa pagpalikot ns mga alon na pinagagalaw ng pang-impiyernong Ahas laban sa iyong bangka, Pedro. Tumayo! Bangon! Ipaabot ang utos na ito sa mga susunod sa inyo: “Ang mga kamay nasa timon, ang hagupit nasa nadiskaril na mga tao na gustong madiskaril, at sikapin na patatagin ang bangka ng Diyos”. Humampas, ngunit magligtas at magpatuloy. Maging mahigpit, sapagkat makatarungan ang kaparusahan sa mga mandarambong. Ipagsanggalang ang tagong-kayamanan ng pananampalataya. Hawakan nang mataas ang lampara, katulad ng isang pagoda sa ibabaw na masalimuot na dagat, upang ang mga sumusunod sa iyong bangka ay makakita at hindi maglaho. Pastol at piloto para sa piligrosong mga panahon, magkalap, maggabay, hawakang mataas ang Aking Ebanghelyo, sapagkat ang kaligtasan ay diyan matatagpuan at hindi sa ano pa man na siyensiya.

¹⁵Ang araw ay darating kung kailan, katulad na ito ang nangyari sa atin sa Israel, ngunit mas matindi pa nga, ang Pagpapari ay iisipin nito na ito ay isang piling grupo, sapagkat nalalaman nito ang kalabisan at hindi na nalalaman ang kung ano ang kinakailangan, o nalalaman nito ito sa may-kabingihan na porma kung saan ang mga Pari ay alam na ngayon kung ano ang Batas: sa kasuutan nito, labis-labis na napabibigatan ng mga palawit, ngunit hindi sa espiritu nito. Ang mga araw ay darating kung kailan ang lahat na mga aklat ay papalitan nito ang Aklat, at gagamitin lamang Ito katulad ng paggamit ng isang taong napipilitan, katulad ng isang magbubukid na nag-aararo, naghahasik, gumagapas, nang wala nang pagninilay-nilay tungkol sa magandang katalagahan na siyang ang pagpaparami ng mga butil na pinagbabágo taun-taon: ang isang butil ay tinatapon sa nabungkal na lupa at ito ay nagiging isang tangkay, nagiging isang tainga ng butil, pagkatapos nagiging harina at pagkatapos nagiging tinapay sa pamamagitan ng makaamang pagmamahal ng Diyos. Sino ba, na pagkatapos na isubo ang isang piraso ng tinapay sa kanyang bunganga, ay itinataas ang kanyang espiritu sa Kanya Na naglikha sa unang butil at sa loob ng mga panahon ginagawa itong tumubo muli at lumago, binibigyan ng tamang dami ng ulan at init, upang ito ay sana magbukad at lumaki at mahinog nang hindi nabubulok o nasusunog sa init? Gayon din naman ang panahon ay darating kung kailan ang Ebanghelyo ay ituturong maganda ng siyensiya, ngunit masama sa pananaw espirituwal.

Ngayon, ano ang siyensiya kung nagkukulang ito ng karunungan? Ito ay dayami. Dayaming umaalsa ngunit hindi nagpapabusog. At sasabihin Ko sa inyong totoo na ang panahon ay darating kung saan napakaraming Pari ang magiging katulad ng mga tambak ng umalsang mga dayami, na tatayong tuwid sa pagmamalaki ng pagiging magang-maga, na tila naibigay nila sa sarili nila ang lahat na tainga ng trigo na kumokorona sa dayami, na tila ang mga tainga ay nasa mga tuktok pa rin ng dayami, at iisipin na ang mga ito ay ang lahat sapagkat, sa halip na sandakot na trigo, ang totoong pagkain na siyang ang espiritu ng Ebanghelyo, mapapasakanila ang lahat na dayaming iyon: isang tambak! Isang tambak! Ngunit ang dayami ba ay magiging sapat na? Ni hindi iyan sasapat para sa tiyan ng isang pantrabahong hayop, at kung ang panginoon nito ay hindi pinalalakas ang hayop ng kumpay at ng sariwang mga yerba, ang pinagtatrabahong hayop na pinapakain lamang ng dayami ay manghihina at baka mamatay pa. Gayunpaman sasabihin Ko sa inyo na ang oras ay darating kung kailan ang mga Pari, kinakalimutan na sa pamamagitan ng kaunting tainga ng trigo itinuro Ko sa mga espiritu ang Katotohanan, at kinakalimutan din kung ano ang ginugol ng Panginoon para sa totoong tinapay na iyan ng espiritu, kinuhang ganap at tanging mula sa Dibinong Karunungan lamang, binigkas ng Dibinong Salita, binigyan ng dangal sa doktrinal na porma nito, walang-kapaguran sa pag-ulit-ulit nito, upang ang katotohanan na binigkas ay hindi mawala, aba sa porma nito, walang huwad na mga kislap ng pantaong mga siyensiya, walang mga pagtatapos sa kasaysayan at sa heograpiya, ay hindi pangangalagaan ang kaluluwa nito, bagkus ang kasuutan na idadamit dito, upang ipakita sa mga pulutong kung gaano karaming bagay ang nalalaman nila, at ang espiritu ng Ebanghelyo ay mawawala sa mga ito, sa ilalim ng mga pagguho ng siyensiya ng tao. At kung hindi nila ito taglay, papaano nila ito ibabahagi? Ano ang maibibigay ng namamagang mga tambak ng mga dayami sa mga naniniwala?  Dayami. Anong pagkain ang makukuha ng mga espiritu ng mga naniniwala mula dito? Sapat lang na mapasunod ang isang kaawa-awang sawing-palad na namamatay na búhay. Anong bunga ang mahihinog mula sa gayong pagtuturo at mula sa di-perpektong kaalaman tungkol sa Ebanghelyo? Ang kalamigan ng mga puso, ang pagpapalit sa tanging totoong doktrina ng mga doktrinang eretiko, ng mga doktrina at mga idea na mahigit pang eretiko, ang paghahanda sa larangan na pabor sa Halimaw para sa kanyang pansamantalang malamig na madilim na nakapangingilabot na kaharian.

Totoong sasabihin Ko sa inyo na, katulad na pinararami ng Ama at ng Tagapaglikha ang mga bituin upang ang kalangitan ay hindi sana maubusan nito dahil mga namamatay, kapag ang kanilang mga buhay ay nagtatapos, ganyan din kakailanganin Kong mag-ebanghelyo nang libu-libong ulit sa mga disipulo na Aking ikakalat sa mga tao sa hinaharap na mga panahon. At sasabihin Ko ring totoo sa inyo na ang kapalaran ng mga disipulong ito ay magiging katulad ng Akin: ang sinagoga at mapagmalaking mga tao ay uusigin sila katulad ng inusig Ako. Ngunit kapwa sila at Ako ay may aming gantimpala: ang paggawa sa Kalooban ng Diyos at ang paglilingkod sa Kanya kahit hanggang sa kamatayan sa isang krus, upang sana ang Kanyang kaluwalhatian ay magningning at ang kaalaman tungkol sa Kanya ay hindi sana mawala.

¹⁶Ngunit kayo, Pontipise, at kayo, mga Pastol, mag-ingat na ang espiritu ng Ebanghelyo ay hindi sana mawala sa inyo at sa mga susunod sa inyo, at walang-kapaguran na magdasal sa Banal na Espiritu na ang Pentekostes ay sana patuloy na papanariwain sa inyo – hindi ninyo naiintindihan ang ibig Kong sabihin, ngunit malapit na ninyong maintindihan  upang sana maintindihan ninyo ang lahat na mga wika at mapili at makilala ang Aking mga tinig mula sa mga tinig ng Unggoy ng Diyos: si Satanas. At huwag pahintulutan ang Aking mga tinig sa hinaharap na maging walang-laman. At ang bawat isa sa kanila ay isang pagkilos ng awa Ko upang tulungan kayo, at habang mas dumarami ang mga dahilan na sa pamamagitan nito nakikita Ko na kailangan ng Kristiyanismo ang mga tinig na ito upang malampasan ang mga bagyo ng mga panahon, mas lalong darami ang mga ito.

Pastol at piloto, Pedro! Pastol at piloto. Hindi magiging sapat para sa iyo isang araw na maging pastol kung hindi ka isang piloto, at maging piloto kung hindi ka pastol. Kailangan na ikaw ay maging ang dalawa upang mapanatiling magkakasama ang mga tupa, dahil ang mga galamay at mababangis na panaklaw ng impiyerno ay susubukan na maagaw sila mula sa iyo, o ang himig ng huwad na imposibleng mga pangako ay rarahuyuin ka, at upang makapagpatuloy sa pamamagitan ng bangka na nakukulong sa gitna ng lahat na hangin na umiihip mula sa hilaga, timog, silangan at kanluran, hinahampas at iniitsa ng mga puwersa ng mga kalaliman, tinatamaan ng mga palaso pinakakawalan ng mga mamamánà ng Halimaw, sinusunog ng hininga ng dragon, na ang mga tabi ng bangka hinahampas ng buntot nito, upang ang mga pabayà ay masunog at mamatay, bumabagsak sa masalimuot na dagat.

Pastol at piloto sa delikadong mga panahon. At ang iyong kompas ay ang Ebanghelyo.  Diyan ay may Buhay at Kaligtasan. At ang lahat ay sinabi diyan. Bawat artikulo ng banal na mga Alituntunin, bawat kasagutan para sa marami at sari-saring mga kaso ng mga kaluluwa ay naririyan. At tiyakin na ang mga Pari at mga naniniwala ay hindi lalayo mula diyan, at na walang pagdududa ang lalabas diyan. Ang Ebanghelyo ay Ako Mismo. Mula sa Aking kapanganakan hanggang sa Aking kamatayan. Sa Ebanghelyo ay nariyan ang Diyos. Sapagkat ang mga gawain ng Ama, ng Anak, ng Banal na Espiritu ay makikita diyan. Ang Ebanghelyo ay pag-ibig. Sinabi Ko: “Ang Aking Salita ay Buhay”. Sinabi Ko: “Ang Diyos ay Pag-ibig”.  Kung gayon gawin na malaman ng mga tao ang Aking Salita at magkaroon ng pagmamahal diyan, ibig sabihin, sa Diyos, upang taglayin ang Kaharian ng Diyos. Sapagkat siya na wala sa kanya ang Diyos, ay wala sa kanya ang Buhay. Sapagkat ang mga hindi tumatanggap sa Salita ng Ama ay hindi maaaring maging kaisa ng Ama, maging kaisa Ko at ng Banal na Espiritu sa Langit, at hindi sila maaaring mapasama sa tanging iisang Kawan, na kasing banal ayon sa gusto Ko. Hindi sila magiging mga usbong na ikinabit sa Baging, sapagkat siya na tinatanggihan niya, ang kabuuan o ang bahagi, ng Aking Salita ay isang miyembro ng kung saan ang katas ng Baging ay hindi na dumadaloy. Ang Aking Salita ay katas na nagpapalakas, nagagawa ang isa na tumubo at mabunga.

¹⁷Gagawin ninyo ang lahat na iyan sa pag-alaala sa Akin, katulad ng itinuro Ko sa inyo. Napakarami pang kailangang sabihin tungkol sa nasabi Ko na sa inyo ngayon. Ngunit Akin lamang inihasik ang binhi. Ang Banal na Espiritu ay gagawin itong tumubo sa loob ninyo. Gusto Kong Ako Mismo ang magbigay sa inyo ng binhi, sapagkat nalalaman Ko ang inyong mga puso at nalalaman Ko kung papaano kayo magkakamali nang may takot sa espirituwal na di-materyal na mga utos. Ang takot sa panloloko ay mapaparalisa ang lahat na kalooban sa loob ninyo. Kung kaya't Ako ang una na nagsasalita sa inyo tungkol sa lahat na mga bagay, pagkatapos ang Paraklito ay paaalalahanan kayo tungkol sa Aking mga salita at lilinawin ito nang detalyado. At kayo ay hindi matatakot, sapagkat maaalaala ninyo na binigay Ko sa inyo ang unang binhi. Pahintulutan ninyo ang inyong mga sarili na gabayan ng Banal na Espiritu. Kung ang Aking kamay ay mabait sa paggabay sa inyo, ang Kanyang Liwanag ay napakabanayad. Siya ang pagmamahal ng Diyos. Kung kaya't aalis Ako nang masaya, sapagkat nalalaman Ko na Siya ang papalit sa Aking lugar at pasusundin kayo sa kaalaman tungkol sa Diyos. Hindi pa ninyo Siya nakikilala, bagamat nagsalita Ako nang labis sa inyo tungkol sa Kanya. Ngunit ito ay hindi ninyo kasalanan. Ginawa ninyo ang lahat upang maintindihan Ako at kayo kung gayon ay mapapangatwiranan, kahit na kung sa loob ng tatlong taon kakaunti ang inyong naintindihan. Ang kakulangan sa Grasya ay napapurol ang inyong mga espiritu. Kahit na ngayon kakaunti ang inyong naiintindihan, sa kabila na ang Grasya ng Diyos ay bumaba sa inyo mula sa Aking krus. Kayo ay nasa pangangailangan ng Apoy. Isang araw Ako ay nagsalita sa isa sa inyo tungkol dito, habang naglalakad sa mga daan malapit sa Jordan.

Ang oras ay dumating na. babalik na Ako sa Aking Ama, ngunit hindi Ko kayo iniiwanan nang nag-iisa, sapagkat iniiwan Ko sa inyo ang Eukaristiya, ibig sabihin, ang inyong Jesus ginawang pagkain para sa mga tao. At iniiwan Ko sa inyo ang Kaibigan: ang Paraklito. Gagabayan Niya kayo. Nililipat Ko ang inyong mga kaluluwa mula sa Aking liwanag patungo sa Kanyang Liwanag, at tatapusin Niya ang pormasyon ninyo.»

«Iiwanan na ba Ninyo kami ngayon? Sa bundok na ito?» Silang lahat ay nangungulila.

«Hindi. Hindi pa. Ngunit ang oras ay lumilipad at mamaya lamang ay iyan na ang sandali.»

«O! huwag Ninyo akong iwanan sa Lupa nang wala Kayo, Panginoon.  Minahal ko Kayo mula sa Inyong kapanganakan hanggang sa Inyong Kamatayan, mula sa Inyong Kamatayan hanggang sa Inyong Resureksiyon, at lagi.  Ngunit napakalungkot nito na malaman na Kayo ay wala na sa pagitan namin! Pinakinggan Ninyo ang panalangin ng ama ni Elisha. Pinagbigyan Ninyo ang napakarami. Pakinggan Ninyo ang Akin, Panginoon!» nakikiusap si Isaac nakaluhod na ang kanyang mga kamay nakaunat.

«Ang buhay na mayroon ka pa ay magiging isang sermon sa Akin, baka ang kaluwalhatian ng pagiging martir. Naging isang martir ka dala ng pagmamahal para sa Akin, isang sanggol, ngayon ba ay natatakot ka ng pagiging martir para sa Akin maluwalhati?»

«Ito ay magiging aking kaluwalhatian na sundan Kayo, Panginoon. Ako ay mahirap at tanga. Anuman ang maibibigay ko, binibigay ko nang may mabuting kalooban. Ngayon ay ito ang aking gusto: ang sundan Kayo. Ngunit mangyari ang ayon sa ibig Ninyo, ngayon at lagi.»

¹⁸Si Jesus ay pinapatong ang Kanyang kamay sa ulo ni Isaac, at pinababayaan ito rito sa isang matagal na haplos, habang nagsasalita Siya sa kanilang lahat nagsasabing: «Wala ba kayong itatanong sa Akin? Ito ang huling mga pagtuturo. Magsalita sa inyong Guro... nakikita ba ninyo kung papaano ang maliliit nakakabagay Ko?» Sa katunayan si Marjiam din ay sinasandal ang kanyang ulo sa katawan ni Jesus, dinidiin ang kanyang sarili sa Kanya, at si Isaac ay hindi nagpakita ng kahit anong kakimian sa pagsasaad ng kanyang gusto.

«Talaga... Oo... Mayroon kaming isang bagay na itatanong...» sabi ni Pedro.

«Itanong ito.»

«Bueno... Kagabi, pagkatapos na makaalis Kayo, kami ay nag-uusap-usap tungkol sa sinabi Ninyo. Ngayon ibang mga salita ang umuudyok sa amin tungkol sa kung ano ang Inyong sinabi. Kahapon at ngayong araw din, titingnan ito nang maayos ng isa, nagsalita Kayong tila ang mga erehe at mga pagkakahiwa-hiwalay ay mangyayari, at malapit na. ginagawa kami nito na isipin na kailangan namin na maging napaka mahinahon sa mga gustong sumama sa amin. Sapagkat ang binhi ng erehiya at paghihiwalay ay tiyak na magiging nasa kanila.»

«Sa palagay ba ninyo? At ang Israel ba ay hindi pa hatí sa pagpunta sa Akin? Ang ibig ninyong sabihin ay ito: na ang Israel, na nagmamahal sa Akin, ay hindi kailanman magiging eretiko at hatí. Tama ba ito? Ngunit siya ba ay kailanman naging isa sa loob ng matagal na panahon, kahit na noong lumang pormasyon?  At siya ba ay naging isa sa pagsunod sa Akin? Totoong sasabihin Ko sa inyo na ang ugat ng erehiya ay nasa kanya.»

«Ngunit...»

«Ngunit siya ay naging mapagsamba sa mga diyus-diyusan at eretiko nang matagal na mga panahon sa ilalim ng pagbabalatkayong katapatan. Nalalaman ninyo ang kanyang mga diyus-diyusan. At ang kanyang mga erehiya. Ang mga Hentil ay magiging mas mabubuti pa kaysa sa kanya. Iyan kung bakit hindi Ko sila iniliban, at sinasabi Ko sa inyo na gawin kung ano ang Aking ginawa. Iyan ang magiging isa sa pinakamahirap na mga bagay para sa inyo. Alam Ko. Ngunit alalahanin ang mga propeta. Hinulaan nila ang bokasyon ng mga Hentil at ang katigasan ng mga Judaean. Bakit gusto ninyong isara ang mga geyt ng Kaharian sa mga nagmamahal sa Akin at pumupunta sa Liwanag na siyang hinahanap ng kanilang mga kaluluwa? Sa akala ba ninyo sila ay mas malalaki pang mga makasalanan kaysa sa inyo, sapagkat hindi pa nila nakikilala ang Diyos, sapagkat sinusundan nila ang kanilang relihiyon at susundan nila ito hanggang sa ang kanilang pansin ay makuha ng atin? Hindi ninyo kailangan na isara. Sasabihin Ko sa inyo nang maraming beses na sila ay mas mabubuti pa kaysa sa inyo sapagkat, habang sila ay may isang relihiyon na hindi banal, alam nila kung papaano maging makatarungan. Walang pagkukulang ng makatarungang mga tao sa kahit alin na bansa at relihiyon. Ang Diyos ay nakikita ang mga gawa ng mga tao, hindi ang kanilang mga salita. At kung nakikita Niya na ang isang Hentil, dala ng katarungan ng kanyang puso, ay ginagawa ayon sa kalikasan kung ano ang pinanunúto ng Batas ng Sinai, bakit Niya siya titingnan na kasuklam-suklam? Hindi ba’t mas karapat-dapat ng merito na ang isang tao, na hindi nagmamalay ng utos ng Diyos na huwag gawin ang bagay na ito o iyon dahil iyon ay masama, kinusa niyang huwag gawin kung ano ang sinasabi sa kanya ng kanyang pangangatwiran na iyon ay hindi mabuti at pangatawanan ito nang tapat, kaysa sa napaka masasabi lamang na merito niya na, nakikilala ang Diyos, nalalaman ang saklaw ng tao at ng Batas na nagagawa siyang makuha ang meritong iyon, sumasang-ayon sa mga kompromiso at mga plano, upang magamit ang perpektong utos na maparumi  ng isang kalooban? Ano sa palagay ninyo? Na nauunawaan ng Diyos ang mga paraan na nilikha ng Israel dala ng pagsunod upang hindi masyadong maisakripisyo ang kanyang kiling sa pagkakasala? Ano sa palagay ninyo? Na kapag ang isang Hentil ay yumao mula sa mundong ito, at siya ay makatarungan sa mga mata ng Diyos dahil sinunod niya ang tamang batas na ipinataw ng kanyang konsiyensya sa sarili nito mismo, siya ay titingnan ng Diyos na isang dimonyo? Sasabihin Ko sa inyo: ang Diyos ay huhusgahan ang mga pagkilos ng mga tao, at ang Kristo, ang Hukom ng lahat ng mga tao, ay gagantimpalaan ang mga tao na sa kanila ang mithiin ng kanilang mga kaluluwa ay isang tinig ng isang nakikilalang batas upang marating ang huling abot ng tao, na siyang ang makasamang muli ang kanyang Tagapaglikha, ang Diyos na di-kilala ng mga Hentil, ngunit ang Diyos Na sa pakiramdam nila ay Totoo at Banal, sa kabila ng iginuhit na mga tanawin ng kahit alin na huwad na Olympus.

¹⁹Mas higit pa, mag-ingat na huwag maging ang dahilan ng iskandalo ng mga Hentil. Naging madalas na na ang pangalan ng Diyos ay nalalapastangan sa pagitan ng mga Hentil dahil sa kagagawan ng mga anak ng sambayanan ng Diyos. Huwag tingnan ang inyong mga sarili na siyang tanging absulutong mga tesorero ng Aking mga regalo at ng Aking mga merito. Ako ay namatay para sa mga Judaean at para sa mga Hentil. Ang Aking Kaharian ay magiging pag-aari ng lahat na mga tao. Huwag samantalahin ang pasensya na ibinigay sa inyo ng Diyos magpahanggang ngayon, sa pagsasabing: “Tayo ay pinahihintulutan ng lahat”. Hindi. Sasabihin Ko sa inyo. Wala na ang sambayanan na ito o ang sambayanan na iyon. Ang nandiyan ay ang Aking Sambayanan. At sa loob nito ang mga plorera na ginagamit sa paglilingkod sa Templo at ang mga plorera na ngayon ay inilalatag sa mga mesa ng Diyos ay may parehong halaga. At mahigit pa riyan, ang maraming mga plorera na ginamit sa paglilingkod sa Templo, ngunit hindi mga plorera ng Diyos, ay itatapon sa isang sulok, at sa lugar ng mga ito doon sa altar ay ilalagay ang mga plorera na hindi pa nakaaalam ng insenso, langis, alak o balsamo, bagkus nananabik na mapunuan ng mga ito at magamit para sa kaluwalhatian ng Panginoon.

Huwag humiling nang labis sa mga Hentil. Magiging sapat na para sa kanila ang magkaroon ng pananampalataya at ang sundin ang Aking Salita. Ang bagong pagtutuli ay pinapalitan ang lumang pagtutuli. Ang tao ay kailangan na matuli sa kanyang puso, magmula ngayon; sa kanyang espiritu, mas mabuti pa nga kaysa sa kanyang puso, sapagkat ang dugo ng tinuli, nagsisimbolo sa puripikasyon mula sa kiling-sa-pagkakasala na hindi napasali si Adan dahil sa dibinong pagiging-anak, ay napalitan ng Aking kapuru-puruhan na Dugo. Ito ay balido kapwa para sa mga tinuli at sa mga hindi tinuli sa kanilang mga katawan, maliban na ang huli ay tinanggap ang Aking Binyag at tinatakwil nila si Satanas, ang mundo, ang laman, dala ng pagmamahal para sa Akin. Huwag kamuhian ang di-tuli. Ang Diyos ay hindi kinamuhian si Abraham. Dahil sa kanyang katarungan pinili siya ng Diyos bilang ang ulo ng Kanyang Sambayanan kahit bago pa sinaktan ng pagtutuli ang kanyang laman. Kung ang Diyos ay nilapitan Niya si Abraham na hindi tuli, upang ibigay sa kanya ang Kanyang mga utos, malalapitan ninyo ang di-tuli upang ituro sa kanila an Batas ng Panginoon. Isipin kung gaano karaming mga kasalanan at  kung anong kasalanan ang nagawa ng mga tuli. Kung kaya't huwag maging matigas sa mga Hentil.»

²⁰«Ngunit kinailangan ba namin na sabihin sa kanila ang Inyong itinuro sa amin? Wala silang maiintindihan na kahit ano, sapagkat hindi nila nalalaman ang Batas.»

«Sinasabi ninyo iyan. Ngunit ang Israel ba, na nalalaman nila ang Batas at ang mga Propeta, ay nakaintindi?»

«Iyan ay totoo.»

«Ngunit mag-ingat. Sasabihin ninyo kung ano ang pinapayo ng Espiritu na sabihin ninyo, nang letra-por-letra, nang walang kahit anong pagkatakot, nang hindi ninyo ito mismo ginugustong gawin. Kapag ang huwad na mga propeta ay lumabas mula sa mga naniniwala, at pinagtatapat nila ang kanilang mga idea na tila sila ay inspirado, at sila ay ang mga erehe, diyan ninyo lalabanan ang kanilang mga doktrinang eretiko sa pamamagitan ng mga pamamaraan na mas matatag kaysa sa mga salita. Ngunit huwag mag-alala. Ang Banal na Espiritu ay gagabayan kayo. Hindi Ako kailanman nagsasalita ng kahit ano na baka hindi mangyari.»

«At ano ang aming gagawin sa mga eretiko?»

«Labanan ang erehiya mismo ng inyong buong lakas, ngunit sa bawat pamamaraan subukan na kombertihin ang mga erehe sa Panginoon. Huwag kailanman mapagod sa paghahanap para sa mga tupa na mga naligaw upang madala silang pabalik sa Kawan. Magdasal, maghirap, gawin ang mga tao na magdasal, umikot pinakikiusapan ang puro, ang mabuti, ang mapagbigay na mga kapatid para sa mga sakripisyo at mga paghihirap, sapagkat ito ang pamamaraan upang makumberti ang inyong mga kapatid. Ang Pasyon ng Kristo ay nagpapatuloy sa mga Kristiyano. Hindi Ko kayo ipinaliban sa dakilang gawain na ito, na siyang ang Panunubos sa mundo. Kayong lahat ay miyembro ng isang isang katawan. Magtulungan kayo, at gawin ang mga malalakas at malulusog na magtrabaho para sa mas mahihina, at ang mga nagkakaisa iabot ang kanilang mga kamay at tawagin ang kanilang mga kapatid na mga nasa malayo.»

«Ngunit magkakaroon ba ng sinuman, pagkatapos na sila ay naging mga magkakapatid sa isang bahay?»

«Magkakaroon ng ilan.»

«Bakit?»

«Para sa napakaraming dahilan. Nasa kanila pa rin ang Aking Pangalan. At ang mahigit pa rito, ipagmamalaki nila ang Pangalan na iyan. Magtatrabaho sila upang makilala ito. Tutulong sila na makilala Ako hanggang sa kalayu-layuang mga hangganan ng Lupa. Pabayaan silang gawin ito, sapagkat, pinaaalalahanan Ko kayo, ang sinuman na hindi laban sa Akin ay para sa Akin. Ngunit, kaawa-awang mga anak! Ang kanilang gawain ay laging magiging may kulang, ang kanilang mga merito ay laging di-perpekto. Hindi sila maaaring mapunta sa Akin kung sila ay nakahiwalay sa Baging. Ang kanilang mga ginagawa ay laging magiging di-kumpleto. Kayo, sinasabi Ko kayo, tinutukoy ang mga hahalili sa inyo sa hinaharap, ay kailangan na naroroon sila sa kinaroroonan nila. Huwag sabihin na katulad sa mga Pariseo: “Hindi ako pupunta upang hindi ako mahawa”. O nang may-katamaran: “Ako ay hindi pupunta, sapagkat mayroon na ng nagpapahayag tungkol sa Panginoon”. O nang may pangamba: “Hindi ako pupunta upang hindi ako mapalayas nila”. Pumunta. Sinasabi Ko sa inyo: pumunta. Sa lahat na mga tao. Hanggang sa mga hangganan ng mundo. Upang ang lahat ng Aking Doktrina at ang Aking tanging Simbahan ay sana makilala at ang mga kaluluwa ay sana mangyaring maging bahagi nito.»

²¹«Ang kailangan ba naming sabihan sila o isulat ang lahat ng Inyong mga ikinilos?»

«Nasabi Ko na sa inyo. Ang Banal na Espiritu ay papayuhan kayo kung ano ang tamang sasabihin o kung ano ang dapat na ipanahimik, ayon sa mga panahon. Makikita ninyo ito! Kung ano ang Aking ginawa ay paniniwalaan o itatatwa, at kung minsan gagamitin bilang armas laban sa Akin, minanipulang katulad nito ng mga kamay na napopoot sa Akin. Tinawag nila Akong Beelzebub noong, bilang isang Guro, gumawa Ako ng mga himala sa presensya ng lahat. At ano na ang kanilang sasabihin ngayon, kapag nalaman nila na kumilos Ako sa gayong isang sobrenatural na paraan? Mas lalo nila Akong isusumpa. At kayo ay uusigin bago pa ang oras. Kung kaya't manahimik hanggang panahon na upang magsalita.»

«Ngunit kung ang oras na iyan ay dumating kung kami, mga saksi, ay patay na?»

«Sa Aking Simbahan ay laging magkakaroon ng mga pari, mga doktor, mga propeta, mga tagapagpalayas ng masamang espiritu, mga kompesor, mga taong gumagawa ng mga himala o mga inspirado, katulad na ito ay kinakailangan upang ang mga tao ay makakuha sa Simbahan ng kung ano ang kinakailangan. Ang Langit: ang Simbahang karapatan Matagumpay ay hindi pababayaan nang nag-iisa ang Simbahang Nagtuturo, at ang huli ay tutulungan ang Simbahang militante.  Sila ay hindi tatlong katawan. Sila ay isang Katawan lamang. Walang dibisyon sa pagitan nila, bagkus komunyon ng pagmamahal at ng pakay: ang mahalin ang Karidad at kalugdan ito sa Langit, ang Kaharian nito. At para sa dahilan na ito ang Simbahang Militante ay kailangan na maglaan ng pagmamahal para sa mga pagkukusa ng bahaging iyon nito na, nakatalaga na sa Simbahang Matagumpay, ay ipinagpapaliban pa rin dito, dahil sa nakasisiyang pagbabayad-sala para sa mga kasalanan na absulbihan ngunit hindi pa ganap na napagbayaran-sala magpatungkol sa Perpektong Dibinong Katarungan. Sa loob ng mistikang Katawan ang lahat ay kailangang gawin sa pagmamahal at sa pamamagitan ng pagmamahal. Sapagkat ang pagmamahal ay ang dugo na umiikot dito. Tulungan ang inyong mga kapatid na pinadadalisay. Dahil sinabi Ko sa inyo na ang mga gawaing korporyal ay nakakakuha ng isang gantimpala para sa inyo, sa Langit, kung kaya't sabi Ko sa inyo na ang mga gawaing espirituwal din ay nakakakuha nito para sa inyo. At totoong sinasabi Ko sa inyo na ang isang panalangin para sa kaluluwa ng mga patay, na sana makapasok sila sa kapayapaan, ay isang dakilang gawain ng awa, para sa kung saan pagpapalain kayo ng Diyos at ang mga kaluluwa para kung kanino kayo ay nanalangin ay magiging mapagpasalamat. Kapag kayong lahat, sa resureksiyon ng mga katawan, ay naipon na sa harapan ng Kristo Hukom, sa pagitan ng lahat na Aking pagpapalain, makakasama rin doon ang mga nagpakita ng pagmamahal para sa kanilang mga kapatid na pinadadalisay, gumagawa ng mga pag-aalay at nagdarasal para sa kanilang kapayapaan. Sasabihin Ko sa inyo. Wala ni isa sa mabubuting ginawa ang maiiwan na walang bunga, at marami ang magniningning nang maliwanag sa Langit, na hindi man lamang nagturo, nangasiwa, gumawa ng apostoladong mga paglalakbay, gumawa ng espesyal na mga panata, bagkus dahil lamang sila ay nanalangin at naghirap upang makapagbigay ng kapayapaan sa mga kaluluwa na pinadadalisay, upang madala ang mga tao sa kombersiyon. Sila rin, mga pari na di-kilala ng mundo, di-kilalang mga apostol, mga biktima na tanging ang Diyos lamang ang nakakakita, ay tatanggap ng gantimpala ng mga manggagawa ng Panginoon, dahil ang kanilang mga pamumuhay ay ginawa nilang isang walang-tigil na sakripisyo ng pagmamahal para sa kanilang mga kapatid at para sa kaluwalhatian ng Diyos. Sasabihin Ko sa inyong totoo na makakarating ang isa sa eternal na buhay sa pamamagitan ng maraming daan, at ito ay isa sa mga ito, at napakalapit nito sa Aking Puso. ²²Mayroon pa ba kayong ibang itatanong? Magsalita.»

«Panginoon, kahapon at hindi lamang kahapon, iniisip namin na sinabi Ninyo: “Uupo kayo sa labindalawang trono upang husgahan ang labindalawang tribu ng Israel”.  Ngunit ngayon kami ay labing-isa...»

«Piliin ang ika-labindalawa. Katungkulan mo, Pedro, na gawin ito.»

«Akin? Hindi akin, Panginoon! Hinihiling ko sa Inyo na piliin siya.»

«Pinili ang Aking Labindalawa minsan at pinorma Ko sila. Pagkatapos itinalaga Ko ang kanilang hepe. Pagkatapos binigyan Ko sila ng Grasya at isinalin Ko ang Banal na Espiritu sa kanila. Panahon na nila ngayon na maglakad, sapagkat sila ay hindi na mga sanggol  na hindi pa nabibitawan na hindi makapaglakad.»

«Ngunit sabihin man lamang sa amin kung saan kami maghahanap...»

«Naririto kayo. Ito ang piling bahagi ng kawan» sabi ni Jesus, itinuturo ang kamay nang paikot sa pitumpu’t dalawang naroroon.

«Hindi kami, Panginoon. Hindi kami. Ang lugar ng taksil ay natatakot kami» sabi nila nangungusap.

«Kunin natin si Lazarus. Sumasang-ayon ba Kayo, Panginoon?»

Si Jesus ay tahimik.

«Si Jose ng Arimathea?... Si Nicodemus?...»

Si Jesus ay tahimik.

«Oo! Kunin natin si Lazarus.»

«At gusto ba ninyong ibigay sa perpektong kaibigan ang lugar na ayaw ninyo?» tanong ni Jesus.

«Panginoon, ibig kong magsalita ng isang bagay» sabi ng Zealot.

«Magsalita.»

«Natitiyak ko na si Lazarus alang-alang sa Inyo ay tatanggapin din ang puwestong iyan at panghahawakan iyan sa isang perpektong pamamaraan na makakalimutan ng mga tao kung kaninong lugar dati iyan. Ngunit hindi sa aking palagay tamang gawin iyan dahil sa ibang mga rason. Ang espirituwal na mga birtud ni Lazarus ay maaaring matagpuan sa maraming abang mga tao ng Inyong kawan. At sa aking palagay mas mabuting ibigay sa kanila ang pagkakataon, upang ang mga naniniwala ay hindi sasabihin na ang ating hinahanap lamang ay kapangyarihan at kayamanan, katulad ng ginagawa ng mga Pariseo, sa halip na birtud lamang.»

«Tama ka, Simon. At ang iyong sinabi ay mas lalong totoo, dahil sa ikaw ay nagsalita nang may katarungan, nang hindi ka napipigilan magsalita ng iyong pakikipagkaibigan kay Lazarus.»

«Kung gayon ating italaga si Marjiam bilang ang ika-labindalawang apostol. Siya ay isang bata.»

«Upang makansela ang nakakatakot na bakanteng lugar na iyan, tatanggapin ko iyan, ngunit ako ay hindi karapat-dapat nito. Papaano ang ako, isang bata, magsasalita sa isang adulto? Panginoon, kailangan na magsalita Kayo kung tama ako.»

«Tama ka. Ngunit huwag kayong magmadali. Ang oras ay darating at kayo ay masusorpresa na lahat ay nagkakapareho ang opinyon. Magdasal, sa pansamantala. Ako ay aalis. Humayo upang magdasal. Pinakakawalan Ko kayo sa pansamantala. Tiyakin na kayong lahat ay nasa Bethany sa ika-labing-apat ng Civ.»

Siya ay tumayo, habang silang lahat ay lumuluhod pinagpapatirapa ang kanilang sarili na ang kanilang mga mukha nasa damo. Pinagpapala Niya sila at ang liwanag, na nagbabalita at nangunguna sa Kanya kapag Siya ay dumarating katulad na Siya ay tinatanggap nito kapag Siya ay umaalis, ay niyayakap Siya at itinatago Siya sa paningin, hinihigop Siya muli.

123012

 

 



Sunod na kabanata