632. Ang Suplementaryong Paskuwa.

Abril 23, 1947.

¹Ang utos ni Jesus ay nasunod nang hanggang sa letra mismo, sa pagkakataong ito, at ang Bethany ay nagsisiksikan sa mga disipulo. Ang mga parang, mga landas, mga lootan, ang taniman ng mga punong-olibo ni Lazarus ay puno nila, at sa dahilan na ang mga espasyo ay hindi sapat na matanggap ang napakaraming tao, na ayaw makasira ng ari-arian ng kaibigan ni Jesus, ang marami sa kanila ay kumalat din sa mga taniman ng olibo na nasa pagitan ng Bethany at Herusalem sa mga tabi ng daan ng Mount of Olives. Mas malapit sa bahay ay ang mga disipulo ng unang mga araw, ang marami pang iba ay nasa mas malayu-layo. Mga mukhang hindi masyadong kilala o ganap na di-kilala. Ngunit sino ba ngayon ang makaka-alaala ng napakaraming mga mukha at banggitin ang kanilang mga pangalan? Sa palagay ko sila ay mga daan-daan karami. Panaka-naka, sa gitna ng kaguluhan, ang isang mukha o isang pangalan ay magpapaalaala sa akin ng mga mukhang nakita sa pagitan ng mga tinulungan at nakumberti ni Jesus, kahit hanggang sa huling oras. Ngunit wala sa aking kakayahan ang maalaala ang napakaraming mga mukha at mga pangalan, at makilala silang lahat. Ito ay magiging katulad na asahan akong makilala kung sina ang kasama sa mga tao na nagsiksikan sa mga kalsada ng Herusalem noong Linggo ng Palaspas o noong Biyernes Santo, o nagtakip sa Kalbaryo ng isang alpombra ng mga mukha, ang karamihan nito napapunta roon gawa ng poot.

Ang mga apostol ay labas-pasok sa bahay ni Simon, iniikutan ang mga tao para mapanatili silang tahimik o tugunan ang kanilang mga katanungan. Sina Lazarus at Maximinus ay tumutulong di sa kanila. Sa mga bintana ng balkonahe sa mas mataas na palapag makikita ng isa ang lahat na mga mukha ng mga babaeng disipulo na lilitaw at mawawala: ubanin o kulay-kapeng mga ulo, na sa pagitan nito magniningning ang magagandang ulo nina Maria ni Lazarus at ni Aurea. Paminsan-minsan may dudungaw, titingin at aalis. Silang lahat ay naroroon, talagang silang lahat, ang mga nakababata at ang matatanda, pati ang mga hindi kailanman pumupunta, katulad ni Sarah ng Aphek. Sa ibabaw ng terasa maraming bata ang naglalaro, ang mga inipon ni Sarah, ang mga apo ni Anna ng Merom, sina Maria at Matthias, ang maliit na batang si Shalem, na dating pilay at siyang ang apo ni Nahum at ngayon ay masaya at malusog, at ilan pa. Isang kawan ng masasayang maliliit na bata, binabantayan ni Marjiam at ng iba pang bata-pang mga disipulo, katulad ng maliit na pastol ng Enon at si Jaia ng Pella. Kasama sa mga bata na nakikita ko ngayon ay ang maliit na batang lalaki ng Sidon, na dating bulag. Walang-duda na siya ay dinala ng kanyang ama.

²Ang araw ay nagsisimula nang lumubog sa isang napakaningning na maliwanag na kalangitan. Si Pedro ay humihingi ng payo kay Lazarus at sa kanyang mga kasamahan.

«Sa aking palagay mas mabuting pauwiin na ang mga tao. Anong masasabi ninyo? Ni hindi rin Siya darating ngayon. At marami sa mga taong ito ay kailangan na kainin ang maliit na Paskuwa ngayong gabi» sabi ni Pedro.

«Oo. Mas mabuting pauwiin na sila. Baka tamang nagpasya ang Panginoon na huwag pumunta ngayon. Ang lahat na mga taga-Templong iyon ay nag-ipun-ipon sa Herusalem. Hindi ko alam kung papaano nila nalaman na Siya ay darating at...» sabi ni Lazarus.

«At kahit pa? Ano pa ang kanilang magagawa sa Kanya?» sabi ni Tadeo nang galít.

«Nakakalimutan mo na sila ay sila. At ang mga salita Kong ito ay sinasabi ang lahat. Kahit na kung wala silang magagawa sa Kanya ng pananakit, makagagawa sila ng malaki sa mga taong ito na mga nagpunta upang sambahin Siya. At ayaw ng Panginoon na masaktan ang Kanyang mga naniniwala. At pagkatapos! Sa iyo bang palagay na sila, nabubulagan ng kanilang kasalanan at ng kanilang naiisip, na laging iyon at iyon din, kasama ng magkakaibang mga idea sa loob ng kanilang mga ulo, ay wala ring idea na ang Panginoon ay bumangon, ibig sabihin, na Siya ay hindi kailanman namatay at Siya ay nakalabas mula dito katulad ng isa na nagising mismo o sa pamamagitan ng tulong ng marami? Hindi mo nalalaman kung anong kaguluhan ng mga kaisipan, anong pagkakabuhol-buhol, anong bagyo ng mga haka-haka ang nasa loob ng kanilang mga ulo. Nilikha nila ang lahat na iyan upang hindi tanggapin ang katotohanan. Talagang masasabi natin na ang dating mga magkakasabwat noon ay nagkahati-hati ngayon, sa parehong dahilan na dating nagbuklud-buklod sa kanila. At may ilang mga tao ang nadala ng kanilang mga idea. Kita mo? Ang ilan ay wala na sa grupo ng mga disipulo...» sabi ni Lazarus.

«At pabayaan silang umalis! May ibang mas mabubuti ang dumating. Tiyak, na ang mga nagsabi sa Sanhedrin na ang Panginoon ay darating sa ika-labing-apat na araw ng ikalawang buwan, ay ang mga taong kasama sa mga umalis. At pagkatapos ng pagsabi sa kabila wala na silang lakas-ng-loob na pumunta rito. Ano ba kayo! Tigilan na ito! Tama na ang tungkol sa mga traydor!» sabi ni Bartolomeo.

«Lagi tayong magkakaroon ng ilan, aking mahal na kaibigan! Ang tao!... Napakadali niyang nagpadala sa mga impresyon at sa mga panggigiit. Ngunit hindi tayo dapat matakot. Ang Panginoon ay sinabi Niya na hindi tayo dapat na matakot» sabi ng Zealot.

«Hindi tayo natatakot. Noong mga ilang araw pa lamang ang nakakaraan tayo ay natatakot pa rin. Naaalaala ba ninyo? Ako, sa ganang akin, ay natatakot ng tungkol sa pagbalik dito. Ngayon ako ay tila hindi na masyadong natatakot. Ngunit hindi ko pinagkakatiwalaan ang aking sarili nang labis, at kayo rin ay dapat na huwag ninyong pagkatiwalaan nang labis ang inyong Cephas. Napatunayan ko nang minsan na ako ay gawa sa luwad na gumuguho, halip na solidong granito. ³Bueno, ating pauwiin ang mga taong ito. Ito ay iyong katungkulan, Lazarus.»

«Hindi, Simon Pedro. Ito ay iyo. Ikaw ang hepe...» sabi ni Lazarus nang mabait, niyayakap ang balikat ni Pedro at tinutulak siyang paharap sa hagdanan at pataas, hanggang sa terasa na pumapaligid sa bahay ni Simon.

Si Pedro ay gumagawa ng pagkilos na ang ibig sabihin ibig niyang magsalita at ang mga taong  nasa malapit ay nanahimik at ang mga nasa mas malayo ay kumilos papalapit sa kanya. Si Pedro ay naghintay hanggang sa ang karamihan sa kanila ay malapit na, pagkatapos siya ay nagsalita: «Mga taong mula sa bawat bahagi ng Israel, makinig. Hinihimok ko kayo na bumalik na sa bayan. Ang araw ay nawala na upang lumubog. Kung kaya't, lakad. Kung Siya ay dumating. Paaalamin namin kayo anuman ang mangyari. Ang Diyos ay sumainyo.»

Siya ay umalis, pumunta sa isang maaliwalas na silid kung saan, sa paligid ng Banal na Birhen, ay naroon ang lahat na mas matatapat na babaeng disipulo at kasama na rin ang ibang mga babae na nagmamahal sa Panginoon bilang kanilang Guro, bagamat hindi kailanman sumunod sa Kanya sa Kanyang mga paglalakbay. At si Pedro ay pumunta at naupo sa isang sulok, tinitingnan si Maria Na ngumingiti sa kanya.

Ang mga tao sa labas ay unti-unting naghihiwalay sa dalawang grupo: ang isa sa grupo ng mga mananatili at ang isa sa grupo ng mga babalik sa bayan. Mga tinig ng mga adulto na tumatawag sa mga bata, matitiling na tinig ng mga bata na tumutugon sa kanila. Pagkatapos ang umuugong na ingay ay nawawala.

«At ngayon» sabi ni Pedro «tayo ay aalis na rin...»

«Ama, ngunit sinabi ng Panginoon na Siya ay darating!...»

«Eh! Alam ko! Ngunit, katulad ng nakikita mo, hindi Siya nakarating. At ito ang araw na Kanyang tinuran...»

⁴«Oo, at ang aking kapatid ay naihanda na ang lahat para sa inyo, at naririto na si Mark ni Jonas, na naparito upang dalhin kayo roon at buksan ang geyt para sa inyo. Ngunit pupunta rin ako. Kaming lahat ay pupunta. Si Lazarus ay naghanda para sa lahat» sabi ni Maria ng Magdala. 

«At saan natin kakanin ang hapunan kasama ang napakaraming tao?»

«Ang Gethsemane mismo ang magiging Hapunang silid. Sa loob ng bahay ay para sa mga sinabi ni Jesus. Sa labas, malapit sa bahay, ang mga mesa para sa iba pa. Iyan ang ginusto Niya.»

«Sino? Si Lazarus?»

«Ang Panginoon.»

«Ang Panginoong? Ngunit kailan Siya dumating?»

«Dumating Siya... Ano naman ito sa iyo kung kailan? Siya ay dumating at nagsalita Siya kay Lazarus.»

«Sa palagay ko Siya ay darating, at mahigit pa diyan, na Siya ay nakarating na sa bawat isa sa atin, kahit na kung wala sa atin ang nagsasabi na ganito, iniingatan ang lugod na iyan bilang kanyang pinakamamahal na perlas, na natatakot pa nga siyang ipakita ito, natatakot na mawalan ito ng napakaningning na liwanag nito. Ang lihim ng Hari!» sabi ni Bartolomeo, at tinitingnan niya ang grupo ng mga birhen na disipulo, na ang kaninong mga mukha ay namumula na tila ang mga sinag ng lumulubog na araw pinaapoy ang mga ito, ngunit iyon ay isang espirituwal na apoy ng labis na lugod na nagpapaliwanag sa kanila.

Si Maria, ang Birhen ng mga birhen, lahat puti sa Kanyang linen na damit, isang liryo na nakabihis ng puti, ay tinutungo ang Kanyang ulo ngumingiti, nang hindi nagsasalita. Gaano Niya nakakatulad, sa sandaling ito, ang bata-pang Birhen ng Anunsiyasyon!

«Tiyak iyan... Hindi Niya tayo pababayaan nang nag-iisa, kahit na kung hindi Siya lumitaw nang nakikita. Sasabihin ko na Siya ito na siyang naglagay ng mga kaisipan sa aking abang puso at lalo pa sa aking abang isip...» pagtanggap ni Mateo.

Ang iba ay hindi nagsasalita... sila ay nagtitinginan sa isa’t isa habang sinusuot nila ang kani-kanilang manta, pinag-aaralan ang bawat isa. Ngunit ang pinaka pangangalaga na ginagawa ng iba na matakpan ang kanilang mga mukha hanggat maaari, upang mapanatiling nakatago ang dagsa ng espirituwal na lugod gawa ng pag-alaala sa dibinong lihim na pakikipagtagpo, ay binubunyag ito bilang ang alagang-alagang kaluguran.

«Bueno, sabihin iyan!» bulalas ng iba. «Hindi kami maninibugho! Hindi kami masyado pakialamero na makaalam. Ngunit kami ay mapagiginhawahan ng pag-asa na hindi kami pagkakaitan ng pagtingin para sa kabutihan! Alalahanin ang mga salita ni Raphael kay Tobias: “Talagang tama ang itago ang lihim ng hari, ngunit mas honorable na ibunyag at ipahayag ang mga gawain ng Diyos”. Tama ang anghel ng Diyos! Itago ang lihim ng mga salita na binigay Niya sa inyo, ngunit ibunyag ang Kanyang patuloy na pagmamahal para sa atin.»

Si Santiago ni Alfeo ay tinitingnan si Maria, na tila ibig niyang mapaliwanagan siya Niya, at nakikita na sa pamamagitan ng Kanyang ngiti Siya ay sumasang-ayon, sinabi niya: «Totoo. Nakita ko ang Panginoon.» Wala nang iba pa. At siya lamang ang nagsalita nang gayon. Ang dalawang iba pa, na tinakpan nang mabuti ang kanilang mga sarili, ay walang binibigkas kahit anong salita.

⁵Lahat sila ay lumabas nang grupu-grupo, ang labing-isa nauuna, pagkatapos si Lazarus at ang kanyang mga kapatid at ang mga babaeng disipulo sa paligid ni Maria, huli ang mga pastol at ang marami sa pitumpu’t dalawang mga disipulo. Sila ay umalis patungo sa Herusalem sa pamamagitan ng mas mataas na daan na magdadala sa isa sa Mount of Olives. Ang mga batang mga nanatili ay tumatakbo nang pabalik at paabante nang masaya.

Si Mark ay pinakikita sa kanila ang isang landas na umiiwas sa Field of the Galilean at sa mas abalang mga lugar at nagpapatungong diretso sa bagong bakuran ng Garden of Gethsemane. Binuksan niya ang geyt, pinararaan sila, at sinasara ito. Maraming mga disipulo ang nagbubulung-bulungan sa isa’t isa at ang ilan ay lumalakad upang magtanong sa mga apostol, at kay Juan lalo na. Ngunit sumisenyas sila na maghintay, dahil hindi pa iyon ang oras upang gawin ang kanilang tinatanong, at silang lahat ay nanatiling tahimik.

Gaanong kapayapaan ang nasa malawak na taniman ng mga punong-olibo, hinahalikan pa ng huling mga sinag ng araw sa mas mataas na bahagi, samantalang ang mabababang bahagi ay nasa loob na ng lilim! Ang banayad na paglagaslas ng hangin sa mga platang-berdeng mga dahon at ang nagpapasayang siyap ng mga ibon ang bumabati sa namamatay na araw.

Naririto ang maliit na bahay ng tagapag-alaga. Sa ibabaw ng terasa, na siyang ang bubungan, si Lazarus ay nagpatayo ng ilang mga tent, upang ang terasa ay naging isang bukás na mataas na silid hapunan para sa mga disipulo na hindi nakakain ng kanilang Paskuwa noong nakaraang buwan. Sa ibaba, sa napakalinis na hapag-giikan, ay mayroon pang mga mesa. Sa loob ng bahay, sa pinakamagandang silid, ay ang mesa para sa mga babaeng disipulo.

Ang inihaw na mga tupa, ang mga letsugas, ang walang-lebadurang tinapay, at ang mapula-pulang sawsawan ay dinadala sa iba't ibang mesa ng mga hindi nakapagdiwang ng Paskuwa, at ang ritwal na kalis ay inilagay sa mga mesa. Ngunit sa ibabaw ng mesa ng mga babae ay walang kalis, bagkus may kasing dami ng mga puswelo katulad ng dami ng mga taong nakaupo sa mesa. Ang mga babae ay kitang-kitang pinagpapaliban sa bahaging iyon ng seremonya. Sa ibabaw ng mesa ng mga nakapag-Paskuwa sa tamang oras ay naroon ang tupa, ngunit walang tinapay na walang-lebadura at walang mga letsugas na may mapula-pulang sawsawan.

⁶Si Lazarus at si Maximinus ang nangangasiwa sa lahat. At si Lazarus ay niyuyukuan si Pedro upang sabihan ng kung ano na nagawa ang hepeng apostol na iiling nang todo ang kanyang ulo sa mahigpit na pagtanggi.

«Gayunpaman... ito ay iyong katungkulan» sabi ni Felipe, na nasa tabi niya.

Ngunit tinuturo ni Pedro si Santiago ni Alfeo: «Ito ay katungkulan niya.»

Habang pinag-uusapan nila ito, ang Panginoon ay lumitaw sa unahan ng hapag-giikan at nagwika ng pagbátì: «Kapayapaan sa inyo.»

Lahat sila ay tumayo at ang ingay ay nabigyan ng babala ang mga babae kung ano ang nangyayari. Sila ay nasa punto nang lumabas, ngunit si Jesus ay pumasok sa bahay binabati silang lahat.

Si Maria ay nagsabi: «Anak!» at sinasamba Niya Siya nang mas malalim kaysa ng iba, tinuturuan sila sa pamamagitan ng Kanyang ginagawa na, kahit gaano pa man si Jesus naging isang kaibigan, isang kaibigang gayon o isang kamag-anak na gayon kahit naging Kanya pang Anak, Siya ay laging Diyos, at kailangan na sambahin bilang Diyos. Laging sinasamba, nang ay nagsasambang espiritu, kahit na kung ang Kanyang pagmamahal para sa atin ay punung-puno na ibigay Niya ang Kanyang Sarili nang may buong pagtitiwala, bilang ating Kapatid at Esposo.

«Kapayapaan sa Inyo, Inay. Maupo at kumain. Ako ay pupunta sa itaas, kung saan si Marjiam ay naghihintay sa kanyang gantimpala.»

Lumabas Siya upang akyatin ang maliit na hagdanan at tumawag Siya sa malakas na tinig: «Simon Pedro at Santiago ni Alfeo. Halikayo.»

Ang dalawang Kanyang tinawag ay dumating sa likuran Niya at Siya ay naupo sa gitnang mesa, kung saan naroroon si Marjiam, at Kanyang sinabi sa dalawang Apostol: «Gagawin ninyo ang Aking sinabi sa inyo» at kay Matthias, na nakaupo sa dulo ng mesa, sinabi Niya: «Simulan ang bangkete ng Paskuwa.» Ngayong gabi itinabi ni Jesus si Marjiam, kung saan si Juan ay dating naroroon. Sina Pedro at Santiago ay nasa likuran ng Panginoon naghihintay ng Kanyang mga utos.

⁷At ang bangkete ay ipinagdiriwang nang may parehong ritwal ng Paskuwang Hapunan: mga himno, mga pagtanong, mga pagbuhos. Hindi ko alam kung ganito rin ito sa ibang mga mesa. Nakatingin akong lagi kung saan naroroon si Jesus, maliban kung ang Kanyang kalooban ay pinatitingin ako sa ibang lugar, at nakakalimutan ko ang lahat na mapagnilayan ang aking Panginoon, Na inaalay na Niya ngayon ang pinakamagagandang piraso ng Kanyang tupa – inilagay Niya ito sa Kanyang pinggan ngunit wala Siyang kinakain ng kahit ano nito, ni wala rin Siyang kinukuhang kahit anong letsugas o sawsawan, at hindi Siya umiinom sa Kalis – at binibigay Niya ang magagandang piraso kay Marjiam, na talagang lubos na nasisiyahan.

Sa simula sumenyas Siya kay Pedro na yumuko at makinig sa Kanya, at si Pedro pagkatapos na pakinggan Siya ay nagsabi sa malakas na tinig: «Sa sandaling ito inalay ng Panginoon ang kalis para sa ating lahat, dahil Siya ang Ama at ang Ulo ng Kanyang Pamilya.»

Ngayon sumenyas Siya muli kay Pedro, na nakikinig muli at pagkatapos tumayo at nagsabi: «At sa sandaling ito ang Panginoon ay tinalian ang Kanyang baywang ng tuwalya upang padalisayin kami at turuan kami kung ano ang aming dapat gawin upang kanin nang karapat-dapat ang pang-Eukaristiyang Sakripisyo.»

Ang hapunan ay nagpapatuloy hanggang sa isa pang senyas si Pedro ay nagsabi muli: «Sa sandaling ito ang Panginoon pagkatapos na nakuha ang tinapay at ang alak, inalay Niya ito, at nagdarasal ito ay Kanyang benendisyunan, at pagkatapos na mapira-piraso ang tinapay, inabot ito sa amin nagsasabing: “Ito ay ang Aking Katawan at ito ay ang Aking Dugo ng bagong eternal na Tipan, at ito ay padadanakin para sa inyo at para sa marami para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan”.»

Si Jesus ay tumayo. Siya ay lubos na kahanga-hanga. Inutusan Niya sina Pedro at Santiago na kumuha ng isang tinapay at pira-pirasuhin ito at magpuno ng alak sa isang kalis, ang pinakamalaking kalis na naroroon sa mga mesa. Sumunod sila at hinahawakan ang tinapay at ang alak sa harapan Niya, at si Jesus ay iniunat ang Kanyang mga kamay sa ibabaw nito at nagdarasal nang walang ibang pinakikitang ginagawa bagkus ang Kanyang nasisiyahan na tingin...

«Ipamigay ang mga kapirasong tinapay at ialok ang pangkapatiran na kalis. Sa tuwing gagawin ninyo ito, gagawin ninyo ito sa pag-alaala sa Akin.»

Ang dalawang Apostol ay sumunod, punung-puno ng pagpipitagan...

Habang ang pamimigay ng Tinapay at Alak ay ginagawa, si Jesus ay bumaba sa mga kababaihan. Sa aking palagay, ngunit hindi ko ito nakikita, sapagkat hindi ako pumupunta sa kinaroroonan nila, pinangangasiwaan ni Jesus ang pagbibigay ng Kumunyon sa Kanyang Ina sa pamamagitan ng Kanyang sariling mga kamay. Ito ang aking naiisip, ngunit hindi ko alam kung ito ang totoo. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan Niyang pumunta roon, kung ito ay hindi para gawin ito.

⁸Pagkatapos umakyat Siya ulit sa terasa. Hindi na Siya umuupo pa. Ang hapunan ay malapit nang matapos.  Siya ay nagtanong: «Ang lahat ba ay naubos?»

«Ang lahat ay naubos, Panginoon.»

«Katulad ng Aking ginawa sa Krus. Tumayo. Tayo ay magdasal.»

Inunat Niya ang Kanyang mga kamay, na tila Siya ay nasa Krus, at Kanyang isinasaawit ang panalangin na Ama Namin.

Hindi ko malaman kung bakit ako lumuluha. Sa palagay ito ay dahil ito ang huling pagkakataon na maririnig Ko Siyang dinarasal ito... At, sa dahilan na wala kailanman na kahit sinong pintor o eskultor ang makapagbibigay sa atin ng totoong imahe ni Jesus, kung kaya't walang sinuman, maging gaano pa man siya kabanal, ang makapagdarasal ng Ama Namin nang gayon kakisig at nang napakamalumanay din. Lagi kong labis na hahanap-hanapin ang mga Ama Namin na aking narinig mula kay Jesus, isang tunay na pakikipagusap ng Kanyang kaluluwa sa pinakamamahal at sinasambang Ama sa Langit, isang sigaw ng karangalan, ng pagsunod, ng pananampalataya, ng pagpapailalim, ng kababaang-loob, ng awa, ng mithiin, ng pagtitiwala... lahat!

«Humayo. At harinawang ang Grasya ng Panginoon ay mapunta sa inyong lahat at sana samahan kayo ng Kanyang kapayapaan» sabi ni Jesus pinahahayo sila. At Siya ay nawala sa paningin sa loob ng matingkad na liwanag na magpahanggang ngayon nahihigitan ang sinag ng buwan, dahil ang buwan ngayon ay kabilugan at nasa tuktok ng ibabaw ng tahimik na Hardin, at ng liwanag ng mga lamparang inilagay sa mga mesa.

Wala kahit isang tinig. Mga luha sa mga mukha, pagsamba sa loob ng mga puso... at wala nang iba pa. Ang gabi ay nagbabantay at nakaaalam, kasama ang mga anghel, ang pagtibok ng mga pinagpalang mga pusong iyon.

010313

 



Sunod na kabanata