633. Pagpapaalam sa Kanyang Ina Bago ang Pag-akyat sa Langit.

Pebrero 22, 1944.

¹Lagi kong nakikita kung saan si Maria nakatira. Ang mga tanda ng Pasyon ay nawala na. Ang Birhen ay nakaupo at nagbabasa. Maaaring ito ay mga banal na aklat, sapagkat wala Siyang ibang binabasa sa rolyong hawak-hawak ng Kanyang mga kamay. Siya ay hindi na napahihirapan. Ang Kanyang mukha ay mas mahigpit kaysa ng bago ang Pasyon, mas magulang. Ngunit hindi na ito ang matrahedyang mukhang iyon. Ito ay maringal ngunit panatag.

Tila umaga ngayon sapagkat ang araw ay matingkad nang sumisikat at sa pamamagitan ng nakabukas na bintana pinaliliwanagan nito ang tahimik na silid, ngunit makikita ng isa na ang hardin, napaliligiran ng matataas na pader at patungo rito kung saan ang bintana ay nagbubukas, ay nananariwa pa sa hamog.

Si Jesus ay pumasok. Suot pa rin Niya ang magandang damit ng umaga ng Resureksiyon. Ang Kanyang mukha ay may lumalabas na kaningningan at ang Kanyang mga sugat ay katulad ng maliliit na mga araw.

Si Maria ay lumuhod na ngumingiti, pagkatapos tumayo at hinahalikan ang Kanyang kanang Kamay. Si Jesus ay dinidiin Siya sa Kanyang Puso at hinahalikan ang Kanyang noo, ngumingiti, at humihingi sa Kanya ng isang halik, na binibigay din ni Maria sa Kanyang Noo.

²«Inay. Ang Aking pamamalagi sa Lupa ay tapos na. Aakyat na Ako sa Aking Ama. Ako ay naparito upang espesyal na magpaalam sa Inyo at upang ipakita ang Aking Sarili muli sa Inyo dahil Ako ay mamamalagi sa Langit. Hindi posible para sa Akin na ipakita Ko ang Aking Sarili sa mga tao sa maringal na damit na ito. Hindi nila matatagalan ang kagandahan ng Aking maluwalhating Katawan. Mahihigitan nito sa ngayon ang kanilang mga posibilidad. Ngunit sa Inyo, oo, Inay. At Ako ay naparito upang pasayahin Kayong muli nito. Halikan Ninyo ang Aking mga Sugat, upang sa Langit maamoy Ko sana ang pabango ng Inyong mga labì at ang katamisan ng Aking Dugo ay sana manatili sa mga labì para sa Inyo.

Ngunit makatiyak, Kayo Inay, na hindi Ko Kayo kailanman iiwanan. Lalabas lamang Ako mula sa Inyong puso para sa kaunting mga sandaling kinakailangan para sa konsagrasyon ng Tinapay at ng Alak, upang bumalik muli diyan, pagkatapos na mapatikal sa Inyo nang may-kahirapan, nang may pananabik ng pagmamahal katulad ng Inyong sarili, o Aking buháy na Langit na Ako ang Langit nito. Hindi tayo kailanman magiging magkasama nang higit pa katulad ng magmula ngayon. Dati ay naroon ang Aking embriyonal na kawalang-kakayahan, pagkatapos ang Aking pagiging bata, pagkatapos ang pakikibaka sa buhay at sa trabaho, pagkatapos ang Aking misyon, at pagkatapos ang Krus at ang Sepulkro upang mapalayo Ako sa Inyo at mapigilan Akong masabi sa Inyo kung gaano Ko Kayo kamahal. Ngunit ngayon Ako ay mapapasainyo hindi na bilang isang nilikhang pinoporma, hindi na bilang malapit sa Inyo sa pagitan ng mga hadlang ng mundo na nagpipigil sa pagtutugma ng dalawang nagmamahalan sa isa’t isa. Ngayon Ako ay mapapasainyo bilang Diyos, at wala, wala sa Lupa at sa Langit ang makapaghihiwalay sa Akin mula sa Inyo, sa Inyo mula sa Akin, Banal na Ina. Magsasalita Ako ng mga salita ng di-maipahayag na pagmamahal sa Inyo, bibigyan Ko Kayo ng mga lambing ng di-maisasawikang kabaitan. At mamahalin Ninyo Ako para sa mga hindi nagmamahal sa Akin.

O! Inay, sa pamamagitan ng Inyong perpektong pagmamahal, pupunuan Ninyo ang sukat ng pagmamahal na hindi ibinibigay ng mundo sa Kristo. Kung kaya't, sa halip na isang pagpapaalam, ang Akin ay ang pagbati ng isa na lumalabas nang sandali, na tila Ako ay lalabas upang mamitas ng mga rosas at mga liryo sa mabulaklak na hardin na ito. Ngunit mula sa Langit dadalhan Ko kayo ng iba pang mga rosas at iba pang mga liryo, mas magaganda pa kaysa sa mga ito na namulaklak dito. Pupunuin Ko ang Inyong puso nito, Inay, upang makalimutan Ninyo ang baho ng Lupa, na ayaw na maging banal, at upang maibigay sa Inyo nang abante ang ere ng napakagandang Paraiso, kung saan Kayo ay hinihintay nang may labis na pagmamahal.

At ang Pag-ibig, Na hindi makapaghintay, ay darating sa Inyo sa loob ng sampung araw. Gawin Ninyo ang Inyong Sarili na napakaganda sa pamamagitan ng Inyong napakagandang kaluguran, o Birheng Ina, sapagkat ang Inyong Esposo ay darating. Ang Taglamig ay tapos na... ang mga na ubasan nasa pamumulaklak ay naglalabas ng kanilang amoy, at Siya ay umaawit: “Bangon, o pinakamagandang isa, Halika, Aking Nobya, ikaw ay kokoronahan”. Sa pamamagitan ng Kanyang apoy, kokoronahan Niya Kayo, o Banal na Ina, at gagawin Kayong masaya sa pamamagitan ng Kanyang espiritu, na ilalalin sa Inyo kasama ang lahat na kagandahan nito, o Reyna ng Karunungan, Kanyang Reyna, Na nakaintindi sa Kanya mula pa nang pagsibol ng Inyong buhay at nagmahal sa Kanya katulad nang wala pang nilikha ang kailanman nakapagmahal.

Inay, Ako ay tataas sa Ating Ama. Sa Inyo, Pinagpalang Ina, ang pagpapalà ng Inyong Anak.»

Si Maria ay sumisinag sa pamamagitan ng Kanyang labis na kaligayahan, sa loob ng silid na maningning pa sa liwanag ng Kristo.

--------------------

jesus sinasabi

³Sinasabi ni Jesus:

«Huwag pag-usapan, mga tao, kung posible o di-posible para sa Akin na magpalit ng damit. Ako ay hindi na ang tao na limitado ng mga pangangailangan ng tao. Nasa Akin na ang Sansinukuban bilang Aking tuntungan at ang lahat na mga kapangyarihan bilang Aking masunuring mga lingkod. At kung, habang Ako ay ang Ebanghelista, nagawa Kong magbago ang Aking anyo sa Tabor, hindi Ko ba magagawang magbago ang Aking anyo para sa Aking Ina, noong Ako ay naging ang maluwalhating Kristo? O kung baga, baguhin ang Aking Sarili para sa mga tao at magpakita sa Kanya katulad na Ako ay ngayon, dibino, maluwalhati, nagbagong-anyo, mula sa Tao katulad na pinakita Ko ang Aking Sarili sa lahat kung Ano talaga Ako noon? Gayunpaman nakita Niya Ako, kaawa-awang Ina, nabago-ang-anyo gawa ng mga pahirap. Tama lang na makita Niya Ako Na nagbago ang anyo gawa ng Kaluwalhatian.

⁴Huwag pag-usapan kung Ako ay talagang maaaring mapapunta kay Maria. Kung sinasabi ninyo na ang Diyos ay nasa Langit at nasa lupa at nasa kahit saan, bakit ninyo pagdududahan kung Ako ay kasabay na nasa Langit at nasa loob ng Puso ni Maria, Na noon ay isang buháy na Langit? Kung naniniwala kayo na Ako ay nasa Banal na Sakramento at nasa loob ng inyong ciboria, bakit kayo makapagdududa kung Ako ay nasa loob ng pinakapuro at pinakamainit na Ciborium na siyang ang Puso ng Aking Ina?

Ano ba ang Eukaristiya? Ito ay ang Aking Katawan at ang Aking Dugo kaisa ng Aking Kaluluwa at ng Aking Dibinidad. Bueno, noong Siya ay buntis sa Akin, ano pa ang mayroon Siya sa loob ng Kanyang sinapupunan? Wala ba sa Kanya ang Anak ng Diyos, ang Salita ng Ama kasama ang Kanyang Katawan, Dugo, Kaluluwa at Dibinidad? Hindi kaya Ako napapunta sa inyo dahil napapunta Ako kay Maria at binigay Niya Ako sa inyo, pagkatapos na dalhin Ako nang siyam na buwan? Bueno, katulad na iniwan Ko ang Langit upang manirahan sa loob ng sinapupunan ni Maria, gayon din  ngayon na iniiwan Ko ang Lupa, Aking tinatalaga ang sinapupunan ni Maria bilang Aking Ciborium. At alin na ciborium, alin na katedral, ang mas maganda at banal pa kaysa sa ito?

Ang Banal na Komunyon ay isang himala ng pagmamahal na Aking ginawa para sa inyo, mga tao. Ngunit sa taluktok ng Aking kaisipan ng pagmamahal, ay naroon ang kaisipan ng walang-hangganang pagmamahal na makapamuhay kasama ang Aking Ina at magawa Siyang makapamuhay kasama Ako hanggang kami ay mapagsasamang muli sa Langit. Ginawa Ko ang unang himala para sa lugod ng Aking Ina, sa Cana sa Galilee. Ang huling himala, o kung baga, ang huli sa mga himala, para sa konsolasyon ni Maria, sa Herusalem. Ang Eukaristiya at ang belo ng veronica. Ang huli, upang makapaglagay ng isang patak ng pulot sa kapaitan ng nangungulilang Ina. Ang una, upang mapigilan Siyang maramdaman na si Jesus ay wala na sa Lupa.

Ang lahat, ang lahat, ang lahat, ngunit subukan at intindihin ito nang minsan pa, ay napasainyo sa pamamagitan ni Maria! Kailangan na mahalin at pagpalain ninyo Siya sa bawat paghinga ninyo.

⁵Ang belo ng veronica ay isa ring pantaboy sa inyong may-pag-aalinlangan na mga kaluluwa. Dahil sa kayo, o mga rationalist, o malahiningang mga tao na paurung-sulong sa inyong pananampalataya, naglalakad sa gitna ng tigang na mga iksaminasyon, ikumpara ang mukha ng veronica sa mukha ng Holy Shroud. Ang isa ay ang Mukha ng isang buháy na tao, ang isa pa ang Mukha ng isang patay na tao. Ngunit ang haba, ang lapad, ang mga tipong somatic, ang porma, ang mga pagkakakilanlan na mga katangian, ay magkapareho. Pagsapawin ang mga imahe. Makikita ninyo na ito ay magkatugma. Iyon ay Ako. Ako Na ibig kayong paalalahanan kung papaano Ako noon at kung papaano ang kinalabasan Ko dala ng pagmamahal para sa inyo. Kung kayo ay hindi naligaw, kung kayo ay hindi bulag, ang dalawang Mukhang iyon ay sapat na sanang madala kayo sa pagmamahal., sa pagsisisi, sa Diyos.

Ang Anak ng Diyos ay iniiwan kayo, pinagpapala kayo kasama ang Ama at ang Banal na Espiritu.»

010413

 

 



Sunod na kabanata