634. Ang Pagpapaalam at ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoon.

Abril 24, 1947.

¹Habang nagliliwanag ang araw ang silanganing kalangitan ay nagkakakulay ng malabnaw na rosas. Si Jesus ay naglalakad kasama ang Kanyang Ina sa tabi ng mga dalisdis ng Gethsemane. Walang mga salitang sinasabi, tanging mga sulyap lamang ng di-maisasalarawang pagmamahalan ang makikita. Ang mga salita ay maaaring nasabi na. Baka hindi kailanman man lamang ito binigkas. Ang dalawang mga kaluluwa ay nakapagsalita na. Ang mga kaluluwa ng Kristo at ng Ina ng Kristo. Ngayon ito ay nagmamahal na pagninilay-nilay, naggagantihang pagninilay-nilay. Ang mahamog na kalikasan, ang purong liwanag ng umaga ay nalalaman ito, ang mababait na mga nilikha ng Diyos: ang mga yerba, mga bulaklak, mga ibon, mga paruparo ay nag-aalam nito. Ang mga tao ay wala rito.

Ako nga ay hindi mapakali bilang nandito sa pagpapaalam na ito. «Panginoon. Ako ay hindi karapat-dapat!» ang aking bulalas sa pagitan ng mga luhang bumabagsak mula sa aking mga mata, habang tinitingnan ko ang huling mga oras ng makalupang pagsasama ng Ina at ng Kanyang Anak, at ang tingin ko nakarating na tayo sa katapusan ng nagmamahal na kapaguran, ibig sabihin si Jesus, si Maria at ang abang, maliit na di-karapat-dapat na bata, na ginusto ni Jesus bilang saksi tungkol sa lahat ng oras ng Mesiyas, na ang kaninong pangalan ay Maria, ngunit ibig ni Jesus tawaging «munting Juan» o «matamis na biyoleta ng Krus» din.

Oo. Munting Juan. Munti, sapagkat ako ay isang wala lamang. Juan, sapagkat ako ang isang talagang ginawan ng Diyos ng malalaking pabor, at dahil, sa isang di-masukat sa kaliitan nito – ngunit iyan lamang ang mayroon ako, at sa pagbibigay ng lahat na mayroon ako alam ko na nagbibigay ako sa isang perpektong sukat na nagpapasaya kay Jesus, sapagkat Siya ang «lahat» ng aking kawalan – at dahil sa di-masukat sa kaliitan nito, ako, katulad ng dakilang minamahal na Juan, ay naibigay ang lahat kong pagmamahal kay Jesus at kay Maria, bumabahagi sa mga luha at mga ngiti nila, sumusunod sa kanila, naghihirap ang damdamin nakikita silang pinalulungkot at sa hindi sila maipagsanggalang mula sa poot ng mundo nang maitaya ang aking pinaka buhay mismo, at ngayon ito ay pumipintig kasama ang pagtibok ng kanilang mga puso para sa kung ano ang magtatapos magpakailanpaman...

Oo, matamis na biyoleta. Isang matamis na biyoleta na nagsikap na manatiling nakatago sa pagitan ng mga damo upang si Jesus ay hindi ito iwasan, dahil labis Niyang mahal ang lahat na nilikha, dahil sila ang gawa ng Kanyang Ama, ngunit kailangan na ipitin Niya ako sa ilalim ng Kanyang dibinong paa, at sana mamatay akong nailalabas ang aking magaang amoy sa pagsisikap na mapaganda ang Kanyang yapak sa magaspang na matigas na lupa. Oo, matamis na biyoleta ng Krus. At ang Kanyang Dugo ay pinunó ang aking takupis kahit na mapayuko pa ito sa lupa...

O! aking Minamahal Na, una, pinunó ako ng Inyong Dugo, ginagawa akong pagnilayan ko ang Inyong sinugatang mga paa, ipinako sa kahoy «... at sa paanan ng krus ay may isang maliit na tanim ng mabangong mga biyoleta na namumulaklak, at mga patak ng dibinong Dugo ay bumabagsak sa mabangong maliit na tanim na namumulaklak...» Isang malayong alaala, at laging napakalapit at naririto! Isang paghahanda sa kung magiging ano ako pagkatapos: Inyong bunganga na ngayon ay ganap nang nawisikan ng Inyong Dugo, ng Inyong pawis at mga luha, ng mga luha ni Maria Inyong Ina, at hindi na nangangamoy na mabango ng mga biyoleta bagkus ng Inyo na lamang, aking Natatangi at Nag-iisang Pagmamahal, ng dibinong pabangong iyon na kagabi ay nagpahupa sa aking kapighatian, at pumunta sa akin, kasing tamis ng isang halik, kasing nakapagpapaginhawa katulad ng Langit mismo, at ginagawa akong makalimutan ko ang lahat upang mabuhay sa Inyo lamang...

³Nasa akin ang Inyong pangako sa akin. Alam ko na hindi Kayo mawawala sa akin. Nangako Kayo sa akin at ang Inyong pangako ay tapat: iyon ay ang pangako ng Diyos. Mapapasaakin pa Kayo, magpakailanpaman. Tanging kapag lamang ako ay magkasala ng pagmamalaki, pagsisinungaling, pagsuway, mawawala Kayo sa akin, ganyan ang sinabi Ninyo, ngunit nalalaman Ninyo na, na ang Inyong Grasya nakasuporta sa aking kalooban, ayaw kong magkasala, at umaasa ako na hindi ako magkakasala, sapagkat susupurtahan Ninyo ako. Ako ay hindi isang puno ng terebinto. Alam ko. Ako ay isang matamis na biyoleta. Isang maselan na tangkay na mababaluktot ng paa ng isang maliit na ibon at ng bigat din ng isang salagubang. Ngunit Kayo ang aking lakas, o Panginoon. At ang aking pagmamahal para sa Inyo ay ang aking pakpak.

Hindi Kayo mawawala sa akin. Nangako Kayo sa akin. Kayo ay darating, ganap na para sa akin, upang magbigay ng lugod sa Inyong namamatay na matamis na biyoleta. Ngunit hindi ako makasarili, Panginoon. Nalalaman Ninyo. Nalalaman Ninyo na gugustuhin kong hindi na Kayo makita ko, bagkus makita ng mas marami pang mga tao, na gusto kong maniwala sa Inyo. Nabigyan na Ninyo ako nang labis, at ako ay hindi karapat-dapat nito.  Namahal na Ninyo ako katulad nang Kayo lamang ang nakaaalam kung papaano magmahal sa Inyong minamahal na mga anak.

Iniisip ko kung gaano kaaya-ayang makita Kayong «buháy» bilang Tao sa pagitan ng mga tao. At sa palagay ko hindi ko na Kayo makikitang ganyan. Ang lahat ay nakita na at nasabi na. nalalaman ko rin na hindi Kayo makakansela sa aking isip sa Inyong mga aksiyon ng Tao sa pagitan ng mga tao, at na hindi ako mangangailangan ng mga aklat upang maalaala Kayo katulad nang naging Kayo nga dati: magiging sapat na para sa akin na tumingin sa loob ko mismo kung saan ang lahat ng Inyong pamumuhay ay nakapirming may di-mabuburang mga titik. Ngunit iyon ay matamis, matamis...

Ngayon Kayo ay paakyat na sa Langit... Mawawalan na ang Lupa ng Jesus. Si Maria ng Krus ay mawawalan na ng Jesus, ng Guro Tagapagligtas. Mananatili Kayo sa kanya bilang ang pinakamatamis ng Diyos, at hindi na Kayo ulit magbubuhos ng Dugo bagkus makalangit na pulot-pukyutan sa takupis ng biyoleta ng Inyong matamis na biyoleta... Ako ay lumuluha... Ako ay naging Inyong disipulo kasama ang iba pang mga babaeng disipulo sa tabi ng mga daan ng mga bundok at mga kakahuyan, sa tabi ng tigang na maalikabok na mga daan ng mga kapatagan, sa lawa at malapit sa magandang ilog ng Inyong Amangbayan. Kayo ay paalis na ngayon at tanging sa akin na lamang na alaala makikita ko ang Bethlehem at Nazareth sa ibabaw ng kanilang mga burol na kulay berde sa mga punong-olibo, at ang Jericho umaapoy sa ilalim ng araw at kasama ang naglalagaslasang mga puno ng palmera, ang mapagkaibigan na Bethany, at ang Engedi, isang perlas na nawawala sa mga disyerto, at ang magandang Samaria, at ang matabang mga kapatagan ng Sharon at Esdraelon, at ang kakaibang mataas na kapatagan sa ibayo ng Jordan, at ang masamang-panaginip ng Dead Sea, at ang maaaraw na mga bayan sa mga baybaying Mediterraneo, at ang Herusalem, ang bayan ng Inyong kapighatian, ang mga daang pataas at pababa nito, ang mga arko, ang mga liwasan, ang mga arabal, ang mga bubon at mga tangke, ang mga burol at kahit na ang malungkot na lambak ng mga ketongin, kung saan labis na awa Ninyo ang kumalat... At ang bahay ng Silid Hapunan... at ang maliit na pontanya na tumatangis sa malapit... ang maliit na tulay sa Kidron, ang lugar kung saan Kayo pinagpawisan ng dugo... ang saradong bakuran sa Praetorium...

Ah! hindi! ang lahat na siyang ang Inyong kapighatian ay naririto. Ito ay mananatili magpakailanpaman...  Kailangan kong hanapin ang lahat na mga alaalang bagay upang makita ito, ngunit ang Inyong panalangin sa Gethsemane, ang paghahagupit sa Inyo, ang Inyong pag-akyat sa Golgotha, ang Inyong aguniya at kamatayan, at ang kapighatian ng Inyong Ina, hindi, kailangan kong huwag hanapin ito: sila ay laging naririyan. Baka makalimutan ko sila sa Paraiso... at ito ay tila imposible para sa akin na sila ay makakalimutan kahit doon... Naaalaala ko ang lahat tungkol sa nakapangingilabot ng mga oras na iyon. Kahit na ang hugis ng bato kung saan Kayo bumagsak. Kahit na ang buko ng isang pulang rosas na humampas sa bato na nagsara sa Inyong sepulkro, at nagmukhang isang patak ng dugo sa granito... Ang aking pinaka dibinong Pagmamahal, ang Inyong Pasyon ay buháy sa aking isip... at dinudurog nito ang aking puso...

--------------------

⁴Nagliwanag na ang araw nang ganap. Ang araw ay mataas na at ang mga tinig ng mga apostol ay maririnig. Ito ay isang senyas para kay Jesus at Maria.  Sila ay tumigil. Tiningnan nila ang isa’t isa. Ang Isa sa harapan ng Isa pa, pagkatapos si Jesus ay ibinuka ang Kanyang mga kamay at idinidiin ang Kanyang Ina sa Kanyang dibdib... O! Siya ay talagang isang Tao, ang Anak ng isang Babae! Upang paniwalaan ito sapat nang panuurin ang pagpapaalam na ito! Ang pagmamahal ay umaapaw sa isang ulan ng mga halik para sa minamahal na Ina.  Ang pagmamahal ay pinupuno ang minamahal na Anak ng mga halik. Sila ay tila hindi makapaghiwalay. Kapag sila ay nasa punto na na maghiwalay, isa pang yakap ang magkakabit sa kanila muli at sa pagitan ng mga halik mga salita ng paggagantihan na mga pagpapalà ang mabibigkas... O! talagang ang Anak ng Tao ang aalis at iiwanan Siya Na nagpanganak sa Kanya! Talagang ang Ina Na, upang maibigay Siyang pabalik sa Kanyang Ama, ang nagpapahayo sa Kanyang Anak, ang Tanda ng Pagmamahal para sa Kapuru-puruhang Ina... ang Diyos Na humahalik sa Ina ng Diyos!...

Sa bandang huli ang Babae, bilang isang nilalang, ay lumuhod sa paanan ng Kanyang Diyos, Na Kanya ring Anak, at ang Kanyang Anak, Na siyang Diyos, ay pinapataw ang Kanyang mga kamay sa ulo ng Inang Birhen, ng Eternal na Minamahal, at pinagpapala Siya sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, at pagkatapos Siya ay yumuko upang makatayo Siya, nang may isang huling halik sa Kanyang noo, na kasing puti ng isang petalo ng isang liryo sa ilalim ng Kanyang ginintuang buhok napakabata pang tingnan...

⁵Naglakad silang muli patungo sa bahay, at walang sinuman, nakikita kung gaano sila kakalmanteng naglalakad nang magkatabi, ang mag-iisip tungkol sa buhos ng pagmamahal na nangibabaw sa kanila kani-kanina pa lamang. Ngunit gaanong kaibahan ay mayroon din doon, sa pagpapaalaman na ito, sa pagitan ng kalungkutan ng iba pang mga pagpapaalam ng nakaraan at sa pahirap ng pagpapaalam ng Ina sa Kanyang Anak, Na pinatay at maiiwanan nang nag-iisa sa loob ng Sepulkro!... Sa kasalukuyang kaso, bagamat ang kanilang mga mata ay nagniningning sa natural na mga luha ng mga lilisan mula sa kanilang mga minamahal, ang kanilang mga labì ay ngumingiti dala ng lugod ng pagkakaalam na ang Minamahal na ito ay patungo sa Luklukan na nababagay sa Kanyang Kaluwalhatian...

«Panginoon! Sa labas doon, sa pagitan ng bundok at Bethany ay naroon ang lahat na sinabi Ninyo sa Inyong Ina na ibig Ninyong pagpalain ngayong araw» sabi ni Pedro.

«Mabuti. Pupunta  tayo sa kanila ngayon. Ngunit halina muna kayo. Ibig Kong pagsaluhan nating lahat muli ang tinapay.»

Pumunta sila sa silid kung saan sampung araw ang nakaraan naroon ang mga babae para sa hapunan ng ika-labing-apat na araw ng ikalawang buwan. Si Maria ay sinasamahan si Jesus magpahanggang ngayon, pagkatapos Siya ay humiwalay. Si Jesus ay nananatiling kasama ang labing-isa.

Sa mesa ay may ilang inihaw na karne, ilang keso at maliliit na maitim na mga olibo, isang maliit na amphora ng alak at isang mas malaking amphora na may tubig, at ilang piraso ng tinapay. Isang simpleng hain, hindi inihanda para sa isang importanteng seremonya, bagkus para lamang sa pangangailangan na makakain ng ilang pagkain.

Si Jesus ay nag-aalay at ginagawa ang pagbabahagi. Siya ay nasa gitna sa pagitan nina Pedro at Santiago ni Alfeo. Tinawag Niya sila para sa mga lugar na iyon. Sina Juan, Judas ni Alfeo at Santiago ay nasa Kanyang harapan. Sina Tomas, Felipe at Mateo ay nasa isang tabi, sina Andres, Bartolomeo at ang Zealot ay nasa isa pang tabi. Kung gayon nakikita ng lahat si Jesus... Isang mabilis, tahimik na kainan. Ang mga apostol, na nasa kanilang huling araw ng nakakasama si Jesus, sa kabila ng magkakasunod na mga aparisyon, kapwa pangmaramihang at indibidwal, mula sa araw ng Resureksiyon, ay napuno ng pagmamahal, ay hindi makaalis-alis sa may-pagpipigil at pagpipitagan na iyon na laging siyang nangyayari sa kanilang mga pagpupulong kasama ang Nabuhay-ng-maguli na Jesus.

Ang pagkain ay tapos na. Si Jesus ay ibinuka ang Kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa, sa Kanyang pangkaraniwang pagkilos kapag nakakaharap ang isang di-maiiwasan na pangyayari, at nagsabi:

«Bueno. Ang oras ay dumating na kung kailan kailangan Kong iwanan kayo upang bumalik sa Aking Ama. Pakinggan ang huling mga salita ng inyong Guro.

Huwag umalis sa Herusalem sa loob ng mga araw na ito. Si Lazarus, kung kanino Ako nagsalita, ay tiniyak ang katuparan ng mga mithiin ng kanyang Guro, at binibigay niya ang kanyang bahay ng Huling Hapunan, upang kayo ay may matutuluyan sa pagdaraos ng inyong mga pagpupulong at pagkukunsagra sa panalangin. Manatili roon sa loob ng mga araw na ito at magdasal nang masugid upang maging handa para sa pagdating ng Banal na Espiritu, na magkukumpleto sa inyo para sa inyong misyon. Tandaan na Ako, bagamat Ako ay Diyos, ay inihanda ang Aking Sarili sa pamamagitan ng mahigpit na pagtitika para sa Aking ministeryo ng tagapag-ebanghelyo. Ang inyong paghahanda ay magiging mas madali at mas madali at mas maikli at mas maikli. Ngunit wala Akong inilalapat na kahit ano mula sa inyo. Sapat na na manalangin kayo nang masigasig, kasama ang pitumpu’t dalawa at sa ilalim ng gabay ng Aking Ina, Na Aking ipinagkakatiwala sa inyo nang may pagtingin ng isang Anak. Siya ay magiging para sa inyo isang Ina at Tagapagturo ng pagmamahal at perpektong karunungan.

Maaaring maipadala Ko kayo sa ibang lugar upang ihanda ang inyong mga sarili sa pagtanggap sa Banal na Espiritu, sa halip ibig Kong manatili kayo rito, sapagkat ito ay Herusalem, ang tagatatwa, na kailangan na gulatin sa pagpapatuloy ng dibinong mga kababalaghan, na ibinibigay bilang tugon sa mga pagtatatwa nito. Sa ibang pagkakataon, ang Banal na Espiritu ay gagawin kayong maintindihan ninyo ang pangangailangan na ang Simbahan ay dapat na lumitaw sa bayan lamang na ito, na sa punto ng pananaw ng tao ay siyang ang pinaka di-karapat-dapat na dito ito mapunta. Subalit ang Herusalem ay laging Herusalem, kahit na kung ito ay natatabunan ng kasalanan at ang pagpatay-sa-diyos ay dito nangyari. Walang kahit ano ang makatutulong dito, ito ay isinumpa. Ngunit kung ito ay isinumpa, hindi lahat ng mga mamamayan nito ay isinumpa. Manatili rito para sa kaunting makatarungan na mga tao na nasa sinapupunan nito, at manatili rito sapagkat ito ang maharlikang bayan at ang bayan ng Templo, at dahil, katulad ng inihula ng mga propeta, dito, kung saan ang Haring Mesiyas ay pinahiran ng langis at pinagbunyi at pinalaki, dito magsisimula ang Kanyang kaharian sa mundo, at dito muli, kung saan tinanggap ng sinagoga mula sa Diyos ang kasiraang-puri ng pagtatatwa para sa napakaraming nakapangingilabot na mga krimen nito, ang Templo ay kailangan na lumitaw, at ang mga sambayanan ng lahat ng mga bansa ay pupuntahan ito. Basahin ang mga propeta. Ang lahat ay hinulaan doon. Ang Aking Ina muna, ang Espiritu Paraklito saka na, ang gagawa sa inyo na maintindihan ninyo ang mga salita ng mga propeta para sa panahong ito ng panahon.

⁷Manatili rito hanggang sa ang Herusalem ay itakwil kayo, katulad na itinakwil Ako, at kapootan ang Aking Simbahan katulad na kinapootan Ako, pinag-iisipan ang mga hakbang upang mapatay ito. Pagkatapos dalhin ang diyosesis ng pinakamamahal na Simbahan Kong ito sa ibang lugar, sapagkat ito ay kailangan na hindi mamatay. Sinasabi Ko sa inyo: kahit na ang impiyerno ay hindi mangingibabaw laban dito. Ngunit kung ang Diyos ay binibigay sa inyo ang katiyakan ng Kanyang proteksiyon, huwag sulsulan ang Langit sa paglalapat ng lahat mula sa Langit. Pumunta sa Ephraim katulad na pumunta roon ang inyong Guro sapagkat hindi iyon ang oras para sa Kanya na mahuli ng Kanyang mga kaaway. Sinasabi Ko Ephraim, ang ibig-sabihin ang lupain ng mga diyus-diyusan at ng mga pagano. Ngunit hindi ang Ephraim sa Palestina ang inyong dapat piliin bilang ang diyosesis ng Aking Simbahan. Alalahanin kung ilang beses Ako nagsalita sa inyo, magkakasama kayong lahat o nang indibidwal, pinangungunahan kayo na kayo ay lalakad sa mga daan ng Lupa upang makarating sa puso nito at itatag ang Aking Simbahan doon.  Ito ay mula sa puso ng tao na ang dugo ay umiikot sa buong mga miyembro nito. Ito ay mula sa puso ng mundo na ang Kristiyanismo ay kailangan na kumalat sa buong Lupa.

Sa kasalukuyan ang Aking Simbahan ay katulad ng isang nilalang na naipaglihi na ngunit binubuo pa sa loob ng matris. Ang Herusalem ay ang matris nito, at sa loob nito ang maliit pang puso, sa paligid nito kung saan ang kakaunting miyembro ng bumubukadkad na Simbahan ay nag-iipun-ipon, ay binibigay nito ang maliit na mga tulak ng dugo sa mga miyembro nito. Ngunit, kapag ang itinakdang oras ng Diyos ay dumating na, ang may pagka-tiyahin na matris ay palalayasin nito ang nilikhang nabuo sa sinapupunan nito, at pupunta ito sa isang bagong lupain, at lálaki ito roon nagiging isang malaking Katawan na kalát sa buong Lupa, at ang mga pintig ng malakas na puso ng Simbahan ay lalaganap sa lahat ng dakilang Katawan. Ang mga pintig ng puso ng Simbahan, malaya sa lahat na mga kaugnayan sa Templo, eternal at matagumpay sa ibabaw ng mga labí ng nawala at nasirang Templo, namumuhay sa puso ng mundo, ay sasabihin sa mga Hebreo at mga Hentil na tanging ang Diyos lamang ang nagtatagumpay at di-nawawalan ng kung ano ang gusto Niya, at na walang kapootan ng mga tao o ng mga grupo ng mga diyus-diyusan ang makapagpipigil sa Kanyang kalooban.

Ngunit ito ay mangyayari saka na, at sa oras na iyan malalaman ninyo kung ano ang gagawin. Ang Espiritu ng Diyos ay pangungunahan kayo. Huwag matakot. Sa pansamantala idaos ang unang pagpupulong ng mga naniniwala sa Herusalem. Pagkatapos mas marami pang pagpupulong ang mangyayari habang lumalaki ang kanilang mga bilang. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mamamayan ng Aking Kaharian ay lálaking mabilis katulad ng mga binhing inihasik sa napakatabang lupa. Ang Aking sambayanan ay kakalat sa buong Lupa. Ang Panginoon ay nagsasabi sa Panginoon: “Dahil ginawa mo ito, at alang-alang sa Akin hindi mo ipinagpaliban ang iyong sarili, pagpapalain kita at gagawin Ko ang iyong mga inapu na maging kasing dami ng mga bituin sa langit at ng mga buhangin sa dalampasigan. Ang iyong mga inapu ay mapapasakanila ang mga geyt ng kanilang mga kaaway at sa iyong mga inapu ang lahat na mga nasyon sa Lupa ay pagpapalain”. Ang Aking Pangalan, ang Aking Tanda at ang Aking Batas ay mga pagpapalà, saan man ito kilalanin bilang siyang naghahari.

⁸Ang Banal na Espiritu, ang Santipikador ay malapit nang dumating at kayo ay mapupuno Niya. Tiyakin na kayo ay kasing puro ng lahat na kailangang lumapit sa Panginoon.  Ako rin noon ay Panginoon katulad Niya. Ngunit naglagay Ako ng damit sa ibabaw ng Aking Dibinidad upang makapanatiling kasama ninyo, at hindi lamang upang turuan at tubusin kayo sa pamamagitan ng mga sangkap at dugo ng damit na iyon, bagkus upang madala rin ang Banal ng mga Banal sa pagitan ng mga tao, nang hindi ito nag-aalangan na ang bawat tao, kahit na ang isang di-puro, ay maaari Siyang tingnan, Siya na kinatatakutan ng Serapin na tingnan. Ngunit ang Banal na Espiritu ay darating na walang damit na laman, at bababa sa inyo dala ang Kanyang pitong regalo at papayuhan kayo. Ngayon, ang payo ng Diyos ay isang gayong ka-makalangit na bagay, na kinakailangan na maging handa para dito nang may isang kabayanihan ng kalooban ng isang perpeksiyon, na sana magawa kayong nakakatulad ang Ama at ang Banal na Espiritu. Kung gayon, perpektong karidad at perpektong pagmamahal upang maintindihan ang Pagmamahal at tanggapin Siya sa mga trono ng inyong mga puso.

Mawala sa daloy ng kontemplasyon. Magpursige na makalimot na kayo ay mga tao at pagsikapan na maging Serapin. Itapon ang inyong mga sarili sa pugon, patungo sa mga apoy ng kontemplasyon. Ang kontemplasyon tungkol sa Diyos ay katulad ng isang kislap na kumikislap mula sa pagkuskos ng asero sa batong pingkian at nagbibigay ng apoy at liwanag. Ang apoy na tumutupok sa malabo at laging di-purong materyal at ginagawa itong maging maningning at purong apoy ay puripikasyon.

Hindi mapapasainyo ang Kaharian ng Diyos, kung wala kayong pagmamahal. Sapagkat ang Kaharian ng Diyos ay ang Pagmamahal, at nagpapakita kasama ang Pag-ibig, at sa pamamagitan ng Pagmamahal ito ay naitatatag sa inyong mga puso sa kaningningan ng isang napakalaking liwanag, lumalagos at naghahasik, nag-aalis ng kamangmangan at nagbibigay ng karunungan, tinutupok ang tao at nililikha ang diyos, ang anak ng Diyos, ang Aking kapatid, ang hari ng trono na inihanda ng Diyos para sa mga ibinibigay ang mga sarili sa Diyos, upang kamtin ang Diyos, ang Diyos, ang Diyos lamang. Kung kaya't maging puro at banal sa pamamagitan ng taimtim na panalangin na nagpapabanal sa tao, sapagkat inilulubog siya nito sa apoy ng Diyos, na siyang ang karidad.

Kailangan na kayo ay maging banal. Hindi ayon sa pagkumparang ibig-sabihin na mayroon ang mga salitang ito magpahanggang ngayon, bagkus sa absulutong kahulugan na ibinigay Ko dito, katulad na iminungkahi Ko ang Kabanalan ng Panginoon bilang ang ehemplo nito at limitasyon, ibig sabihin, perpektong Kabanalan. Sa pagitan natin ang Templo ay tinawag na banal, banal ang lugar kung nasaan ang altar, ang Banal ng mga Banal ang may belong lugar kung saan ang kaban at ang propitiatory  ay tinatago. Ngunit talagang sasabihin Ko sa inyo na ang mga nagtataglay ng Grasya at namumuhay sa kabanalan dala ng pagmamahal para sa Panginoon, ay mas banal pa kaysa sa Banal ng mga Banal, sapagkat ang Diyos ay hindi lamang tumutuntong doon, katulad na sa propitiatory na nasa loob ng Templo, upang ibigay ang Aking mga utos, bagkus naninirahan Siya roon upang ibigay ang Kanyang pagmamahal.

¹⁰Naaalaala ba ninyo ang Aking mga salita noong Huling Hapunan? Ipinangako Ko sa inyo ang Banal na Espiritu.  Bueno, malapit na Siyang dumating upang binyagán kayo, hindi sa pamamagitan ng tubig, katulad ng ginawa ni Juan sa inyo, inihahanda kayo para sa Akin, bagkus sa pamamagitan ng apoy upang ihanda kayo na maglingkod sa Panginoon, katulad ng iyon ang Kanyang gustong gawin, kung kaya't Siya ay mapupunta rito, sa loob ng kaunting mga araw. At pagkatapos ng Kanyang pagdating ang inyong mga kakayahan ay lálaking di-masusukat, at maiintindihan ninyo ang mga salita ng inyong Hari, at magagawa ang mga gawain na sinabi Niyang inyong gawin, upang maikalat ang Kanyang Kaharian sa buong Lupa.»

«Kung gayon Inyo bang itatayong muli ang Kaharian ng Israel pagkatapos, pagkatapos ng pagdating ng Banal na Espiritu?» nagtanong sila pinuputol Siya.

«Hindi na magkakaroon ng Kaharian ng Israel, bagkus Aking Kaharian. At ito ay mangyayari kung kailan sinabi ito ng Ama. Ito ay hindi para sa inyo na malaman ang mga panahon at ang mga sandali na itinabi ng Ama para sa Kanyang Sarili sa Kanyang kapangyarihan. Ngunit kayo, sa pansamantala, ay tatanggapin ang birtud ng Banal na Espiritu Na lulukob sa inyo, at kayo ang magiging Aking mga saksi sa Herusalem, sa Judaea at sa Samaria at hanggang sa mga hangganan ng Lupa, nagtatatag ng mga pagpupulong kung saan ang mga tao ay nagkikita-kita sa Ngalan Ko; nagbibinyag sa mga tao sa Kabanalbanalang Pangalan ng Ama, ng Anak, ng Banal na Espiritu, katulad ng sinabi Ko sa inyo, upang mapasakanila sana ang Grasya at sila ay mabuhay sana sa Panginoon; tinuturo ang Ebanghelyo sa lahat, tinuturo kung ano ang itinuro Ko sa inyo, ginagawa kung ano ang Aking iniutos sa inyo na gawin. At Ako ay makakasama ninyo araw-araw hanggang sa katapusan ng mundo.

¹¹At gusto Ko rin ito: si Santiago, ang Aking kapatid, ang siyang manggulo sa mga pagpupulong sa Herusalem. Si Pedro, bilang ulo ng lahat ng Simbahan, ay madalas na lalakad sa apostoladong mga paglalakbay, sapagkat ang lahat ng mga baguhan ay gugustuhin na makilala ang Pontipiseng Supremong Ulo ng Simbahan. Ngunit malaki ang magiging pagtaas ng Aking kapatid sa mga naniniwala ng unang Simbahan na ito.  Ang mga tao ay laging mga tao at nakakakita sila bilang mga tao. Iisipin nila na si Santiago ay ang pagpapatuloy Ko, tanging dahil lamang na siya ay Aking kapatid. Sasabihin Ko sa inyong totoo na siya ay mas dakila at mas katulad ng Kristo dahil sa kanyang karunungan kaysa dahil sa pagkakamag-anak. Ngunit ganito ito. Ang mga tao, na hindi naghanap para sa Akin habang Ako ay nasa pagitan nila, ay ngayon maghahanap para sa Akin sa kanya na isang kamag-anak Ko. At ikaw, Simon Pedro, ay nakatalaga sa iba pang mga karangalan...»

«Iyan hindi ako karapat-dapat, Panginoon. Sinabi ko sa Inyo noong nagpakita Kayo sa akin at sinasabi ko ulit sa Inyo ngayon sa presensya ng lahat. Kayo ay mabuti, dibinong mabuti, bukod sa pagiging marunong, at tama ang pagkahusga Ninyo sa akin, na nagtatwa sa Inyo sa bayan na ito, hindi angkop na maging espirituwal na ulo. Ibig Ninyong mapaliban ako sa napakaraming makatarungan na mga panunuya...»

«Naging pare-pareho tayong lahat, maliban sa dalawa, Simon. Ako rin ay tumakbo. Hindi dahil dito, bagkus dahil sa mga rason na Kanyang binanggit, ang Panginoon ay itinalaga ako sa lugar na ito; ngunit ikaw ay aking Hepe, Simon ni Jonah, at kinikilala kita bilang ganyan, at sa presensya ng Panginoon at ng lahat na aking mga kasamahan nagpapahayag ako ng pagsunod sa iyo. Ibibigay ko sa iyo ang magagawa ko upang matulungan ka sa iyong ministeryo, ngunit nakikiusap ako sa iyo, ibigay mo sa akin ang iyong mga utos, sapagkat ikaw ang ulo at ako ang nasasakupan, Noong ako ay pinaalalahanan ng Panginoon tungkol sa isang paguusap noong matagal nang araw iniyuko ko ang aking ulo nagsasabing: “Mangyari ang Inyong kalooban”. Sasabihin ko rin ang ganyan sa iyo, sapagkat, kapag ang Panginoon ay iniwanan na tayo, ikaw ang Kanyang magiging Kinatawan sa Lupa. At tayo ay magmamahalan sa isa’t isa, nagtutulungan sa saserdotal na ministeryo» sabi ni Santiago, yumuyukod mula sa kanyang kinalalagyan upang magbigay paggalang kay Pedro.

«Oo. Mahalin ang isa’t isa, nagtutulungan nang gantihan, sapagkat iyan ang bagong utos at ang tanda na kayo ay talagang na kay Kristo.

¹¹Huwag mabalisa para sa kahit na anong dahilan. Ang Diyos ay kasama ninyo. Magagawa ninyo kung ano ang gusto Ko sa inyo. Hindi Ako magpapataw ng mga bagay sa inyo kung hindi ninyo ito magagawa, sapagkat ayaw Ko ang inyong kasiraan, sa kabaligtaran gusto Ko ang inyong kaluwalhatian. Bueno. Ihahanda Ko ang inyong mga lugar sa tabi ng Aking trono. Manatiling nagkakaisa sa Akin at sa Ama sa pagmamahal. Patawarin ang mundo na napopoot sa inyo. Tawaging mga anak at mga kapatid ang mga lumalapit sa inyo, o nasa inyo na dala ng pagmamahal para sa Akin.

Maging nasa kapayapaan nalalaman na Ako ay laging nakahandang tulungan kayong madala ninyo ang inyong mga krus. Makakasama ninyo Ako sa inyong gawain sa inyong ministeryo at sa mga oras ng pang-uusig, at hindi kayo maglalaho, hindi kayo babagsak kahit na kung ang mga nakakakita sa pamamagitan ng mga mata ng mundo ay ito ang palagay. Kayo ay sisiilin, pagdaramdamin. Mapapagod, pahihirapan, ngunit ang Aking lugod ay mapapasainyo, sapagkat tutulungan Ko kayo sa lahat. Sasabihin Ko sa inyong totoo na, kapag nasa inyo ang Pagmamahal bilang isang Kaibigan, maiintindihan ninyo na ang lahat na ipinaghirap at isinabuhay para sa Aking pagmamahal ay nagiging magaan, kahit na kung ito ay mabigat na pahirap ng mundo. Sapagkat para sa kanya na dinaramtan ng pagmamahal ang kanyang lahat na pagkilos, maging ito man ay buluntad o ipinataw, ang pamatok ng buhay at ng mundo ay nagiging isang pamatok na binigay sa kanya ng Diyos, binigay Ko.  At inuulit Ko sa inyo na ang Aking pasanin ay laging proporsiyonado sa inyong lakas at ang Aking pamatok ay magaan, sapagkat tinutulungan Ko kayo na dalhin ito.

Nalalaman ninyo na ang mundo ay hindi marunong magmahal. Ngunit magmula ngayon mamahalin ninyo ang mundo nang may isang sobrenatural na pagmamahal, upang maturuan itong magmahal. At kung nakikita kayong inuusig, sasabihin nila sa inyo: “Ganyan ba kung papaano kayo mahalin ng Diyos? Ginagawa kayong maghirap, pinamimighati kayo?  Kung gayon hindi sulit na mapasa-Diyos”, tumugon: “Ang kapighatian ay hindi nanggagaling sa Diyos. Ngunit pinahihintulutan ito ng Diyos, at nalalaman namin ang dahilan at ipinagmamalaki namin ang pagkakaroon ng bahagi na si Jesus Tagapagligtas, ang Anak ng Diyos, ay nagkaroon”. Tumugon: “Ipinagmamalaki namin  ang pagkakapako sa krus at ang  pagpapatuloy ng Pasyon ng aming Jesus”. Tumugon sa pamamagitan ng mga salita ng Karunungan: “Ang kamatayan at kapighatian ay dinala sa mundo gawa ng inggit ng dimonyo, ngunit ang Diyos ay hindi ang tagagawa ng kamatayan at kapighatian at Siya ay hindi nagkakaroon ng kasiyahan sa kapighatian ng mga nilalang. Ang lahat na nanggagaling sa Kanya ay búhay at kasiya-siya”. Tumugon: “Sa kasalukuyan kami ay tila inuusig at natatalo, ngunit sa araw ng Diyos, kapag marami na ang nagbago, kaming makatarungan na mga tao, na dati inuusig sa Lupa, ay tatayong maluwalhati sa harapan ng mga naniil at nanghamak sa amin”. Ngunit sabihin din sa kanila: “Halika sa amin! Halika sa Búhay at sa Kapayapaan. Ayaw ng aming Panginoon ang inyong kasiraan, bagkus ang inyong kaligtasan. Iyan kung bakit pinadala Niya ang Kanyang Minamahal na Anak, upang kayong lahat ay sana máligtas”.

At magbunyi sa pakikibahagi sa Aking mga paghihirap, upang pagkatapos kayo ay sana nasa kaluwalhatian kasama Ko. “Ako ang inyong magiging may-kalabisan na dakilang gantimpala” ang Panginoon kay Abraham pinangakuan ang lahat ng Kanyang matatapat na lingkod. Nalalaman ninyo kung papaano nasasakop ang Kaharian ng Langit: sa pamamagitan ng lakas, at nakakarating doon ang isa sa pamamagitan ng maraming mga pagsubok. Ngunit siya na nagpupursige katulad na Ako ay nagpursige ay makakarating sa kinaroroonan Ko.  Nasabi Ko na sa inyo kung alin ang daan at kung alin ang pintuan na magdadala sa Kaharian ng Langit, at Ako ang unang nakaraan dito at nakabalik sa Ama sa pamamagitan nito. Kung nagkaroon ng isa pa, itinuro Ko sana ito sa inyo, sapagkat naaawa Ako sa kahinaan ninyo bilang mga tao. Ngunit wala nang iba pa... At tinuturo sa inyo ito bilang ang tanging daan at ang tanging pintuan, sinasabi Ko rin sa inyo, inuulit Ko sa inyo kung alin ang gamot na nagbibigay ng lakas upang makalakad dito at makapasok. Ito ay ang pagmamahal. Laging pagmamahal. Ang lahat ay posible kapag may pagmamahal sa loob natin. At ang Pagmamahal Na nagmamahal sa inyo ay ibibigay sa inyo ang lahat na pagmamahal, kung sa Aking Pangalan humihingi kayo ng labis na pagmamahal katulad na maging mga atleta sa kabanalan.

¹³Ngayon magbigayan tayo sa isa’t isa ng halik ng paghihiwalay, Aking minamahal na mga kaibigan.»

Siya ay tumayo upang yakapin sila. Ginagaya Siya nilang lahat. Ngunit, habang si Jesus ay ngumingiti nang mapayapa, isang ngiti na totoong dibinong maganda, sila ay umiiyak, silang lahat ay balisá, at si Juan, tinatapon ang sarili sa dibdib ni Jesus, nayayanig ng lahat ng paghikbi na napakarahas na mawasak ang kanyang dibdib, sa katauhan ng lahat, dahil nadama niya ang hiling ng lahat, ay nagtanong: «Ibigay sa amin ang Inyo man lamang na Tinapay, na sana mapalakas kami nito sa oras na ito!»

«Mangyari ito!» tugon ni Jesus sa Kanya. At kumukuha ng isang piraso ng tinapay, hinahati-hati Niya ito, pagkatapos na maialay at mapagpala ito, inuulit ang mga salita ng ritwal. At ganoon din ang Kanyang ginagawa sa alak, inuulit pagkatapos: «Gawin ito sa pag-alaala sa Akin» at dinadagdag Niya: «Na siyang nag-iwan sa inyo ng pangakong ito ng Aking pagmamahal, na mamalagi pa rin at lagi sa inyo hanggang makasama Ko kayo sa Langit.» Pinagpapala Niya sila at nagsasabi: «At ngayon tayo na.»

Lumabas sila sa silid, sa bahay...

Sina Jonah, Maria at Mark ay naroon sa labas, at lumuhod sila sinasamba si Jesus.

«Harinawang ang kapayapaan ay manatiling kasama kayo. At harinawang ang Panginoon ang gantimpalaan kayo para sa ibinigay ninyo sa Akin» sabi ni Jesus, pinagpapala sila habang dumaraan.

Si Mark ay tumayo nagsasabing: «Panginoon, ang mga taniman ng mga punong-olibo sa daan ng Bethany ay puno ng mga disipulo naghihintay sa Inyo.»

«Lakad at sabihin sa kanila na pumunta sa Field of the Galileans.»

Si Mark ay kumuripas ng takbo sa pamamagitan ng lahat ng bilis ng kanyang bata-pang mga paa.

«Kung gayon, silang lahat ay dumating» sabi ng mga apostol sa isa’t isa.

Sa mas malayu-layo sa tabi, nakaupo sa pagitan ni Marjiam at ni Maria ni Clopas, ay naroon ang Ina ng Panginoon. At si Maria ay tumayo noong makita Niya si Jesus na dumarating,, sinasamba Siya nang lahat ng pagtibok ng Kanyang puso ng Ina at naniwala.

«Halikayo, Inay, at ikaw din, Maria...» sabi ni Jesus inaanyayahan sila, noong makita Niya silang nakatayong walang-galaw, natitigilan ng Kanyang mahestad na sumisinag katulad noong umaga ng Resureksiyon. Ngunit ayaw ni Jesus na manaig sa pamamagitan ng Kanyang mahestad, at may-kabaitan Niyang tinanong si Maria ni Alfeo: «Nag-iisa ba kayo?»

«Ang ibang mga babae... ang iba ay nasa unahan... Kasama ang mga pastol at... si Lazarus at ang kanyang pamilya... Ngunit iniwanan nila kami rito, sapagkat... O! Jesus! Jesus! Jesus!... Papaano ako makatatagal nang hindi ko na Kayo ulit nakikita, pinagpalang Jesus, aking Diyos, ako na nagmahal sa Inyo kahit bago pa Kayo pinanganak, ako na umiyak nang labis sa Inyo noong hindi ko malaman kung nasaan Kayo pagkatapos ng pamamaslang sa mga bata... Ako na ang aking araw ay nasa Inyong ngiti noong nakabalik Kayo, at lahat, ang lahat ng mga pagpapalà sa akin?... Gaano karaming mga pagpapalà! Gaano karami ang naibigay Ninyo sa akin!... Ngayon ako ay talagang nagiging mahirap, isang balo, lubos na nag-iisa!... Habang Kayo ay naririto, nandiyan ng lahat!... Sa palagay ko naranasan ko ang lahat na kapighatian nang gabing iyon... ngunit ang pinaka-kapighatian, ang lahat na kapighatian ng araw na iyon ay napalabo ang aking isip at... oo, iyon ay hindi kasing lalim katulad ngayon... At pagkatapos... nandoon ang katotohanan na Kayo ay babangon. Ako ay tila hindi ko mapaniwalaan iyon, ngunit ngayon nadama ko na pinaniwalaan ko iyon, sapagkat hindi ko naramdaman ang nararamdaman ko ngayon...» sabi niya umiiyak at humihingal, labis siyang nasasakal ng kanyang mga luha.

«Aking mabuting Maria, ikaw ay nag-aalala katulad-na-katulad ng isang batang lalaki, na ang iniisip hindi siya minamahal ng kanyang ina at pinabayaan na siya, sapagkat siya ay umalis papunta sa bayan upang ibili siya ng regalo na magpapasaya sa kanya, at babalik pagkatapos sa kanya upang punuin siya ng mga halik at mga regalo. At hindi ba’t iyan ang ginagawa Ko sa iyo? Ako ba ay hindi aalis upang maghanda ng lugod para sa iyo? Ako ba ay hindi babalik at sabihin sa iyo: “Halika, Aking mahal na kamag-anak at minamahal na disipulo, ina ng Aking minamahal na mga disipulo”? Hindi Ko ba iniiwan sa iyo ang Aking pagmamahal? Ibibigay Ko ba sa iyo ang Aking pagmamahal, Maria? Nalalalaman mo kung minamahal kita! Huwag umiyak nang ganyan, bagkus magbunyi, sapagkat hindi mo na Ako makikitang hinahamak at pinapagod, hindi na tinutugis at mayaman na lamang sa pagmamahal ng kaunting mga tao. At kasama ang Aking pagmamahal iniiwan Ko sa iyo ang Aking Ina. Si Juan ay magiging katulad ng isang anak sa Kanya, at hinihingi Ko sa iyo na maging isang mabuting kapatid na babae sa Kanya, katulad na ikaw ay naging laging ganito. Kita mo? Ang Aking Ina ay hindi umiiyak. Nalalaman Niya na, kung ang Kanyang nostalhiya para sa Akin ay ang apoy na uubos sa Kanyang puso, ang paghihintay ay laging magiging maikli kompara sa malaking lugod ng isang eternal na pagsasama, at nalalaman din Niya na ang paghihiwalay naming ito ay hindi magiging labis na absuluto upang gawin Siyang magsabi: “Wala na sa Akin ang Aking Anak”. Iyan ang Kanyang sigaw ng kapighatian sa araw na iyon ng kapighatian. Ngayon ang pag-asa ay umaawit sa loob ng Kanyang puso: “Alam Ko na ang Aking Anak ay tumataas patungo sa Kanyang Ama, ngunit hindi Niya Ako iiwanan nang wala ang Kanyang espirituwal na pagmamahal”. Iyan ang iyong pinaniniwalaan, at ang lahat... ¹⁵Naririto na ang ibang mga lalaki at mga babae. Naririto ang Aking mga pastol.»

Ang mga mukha nina Lazarus at ng kanyang mga kapatid kasama ng lahat na mga katulong sa Bethany, ang mukha ni Johanna katulad ng isang rosas sa ilalim ng isang belo ng ulan, at ang mga mukha nina Eliza at Nike, na markado na ng edad – at ang mga kulubot ay ngayon napalalim ng kirot, laging kirot para sa mga nilalang, kahit na kung ang kaluluwa ay nagbubunyi dahil sa tagumpay ng Panginoon – ang mukha ni Anastasica, ang katulad-ng-liryong mga mukha ng unang mga birhen, at ang asetikong mukha ni Isaac, ang inspiradong mukha ni Matthias, ang biril na mukha ni Manaen, at ang mahigpit na mga mukha nina Jose at Nicodemus... Mga mukha, mga mukha, mga mukha...

Si Jesus ay tinatawag sa Kanyang Sarili ang mga pastol, si Lazarus, si Jose, si Nicodemus, si Manaen, si Maximinus at ang iba pa ng pitumpu’t dalawang mga disipulo. Ngunit partikular na pinananatili Niyang malapit sa Kanyang Sarili ang mga pastol nagsasabing: «Naririto. Kayo ay malapit sa Panginoon Na nanggaling sa Langit, nakayuko sa pagkapuksa sa Kanya, kayo ay kailangan na malapit sa Kanya Na babalik na sa Langit, na ang inyong mga kaluluwa nagbubunyi dahil sa pagluluwalhati sa Kanya. Naging karapat-dapat kayo ng lugar na ito, sapagkat kayo ay naniwala sa kabila na ang lahat na sirkunstansiya ay hindi paborable, at nagawa ninyong maghirap para sa inyong pananampalataya. Pinasasalamatan Ko kayo para sa inyong tapat na pagmamahal. Pinasasalamatan Ko kayong lahat. Ikaw, Aking kaibigan na Lazarus, ikaw, Jose, at ikaw, Nicodemus, na naawa sa Kristo kung kailan ang gawin iyon ay delikado. Ikaw Manaen, na kinamuhian ang maruming mga pabor ng isang di-malinis na tao upang masundan Ako sa Aking daan. Ikaw, Stephen, mabulaklak na korona ng katarungan, na iniwan kung ano ang di-perpekto para sa kung ano ang perpekto at kokoronahan ng isang girnalda, na hindi mo pa ngayon nalalaman, ngunit ibabalita sa iyo ng mga anghel. Ikaw, Juan, para sa maikling panahon kapatid sa pinakapurong dibdib at mas lumapit sa Liwanag kaysa sa nakikita. Ikaw, Nicolaus, na, bilang isang proselito, ay nagawa mong mapaginhawahan Ako para sa kapighatian ng mga anak ng Nasyon na ito. At kayo, mabubuting babaeng mga disipulo, mas malalakas, sa inyong kabaitan, kaysa kay Judith. At ikaw, Marjiam, Aking bata, at magmula ngayon tatawagin kang Martial, sa pag-alaala sa Romanong batang lalaki na napatay sa daan at inihiga sa geyt ni Lazarus na may nanghahamon na mga titik: “At ngayon sabihin sa Galilean na buhayin kang muli, kung Siya ay ang Kristo at nakabangon mula sa kamatayan”, ang hulí sa mga inosente na nawalan ng kanilang buhay sa Palestina upang mapaglingkuran din Ako nang hindi sila nagmamalay, at una sa mga inosente ng bawat Nasyon na, bilang nakapunta sa Kristo, ay kapopootan para diyan at kikitlan ng buhay nang wala sa panahon, katulad ng mga buko ng mga bulaklak na tinanggal sa mga tangkay bago bumukadkad. At harinawang ang pangalan na ito, o Martial, maipakita sa iyo ang iyong patutunguhan sa hinaharap: maging ang apostol sa barbarong mga bansa at madala sila sa iyong Panginoon, katulad na ang Aking pagmamahal ay nakuha ang Romanong batang lalaki patungo sa Langit. Kayong lahat ay pinagpapala Ko sa pagpapaalam na ito, katulad na mula sa Ama pinananawagan Ko ang gantimpala para sa mga nagpaginhawa sa nakapamimighating paglalakbay ng Anak ng Tao. Pagpalain ang Sangkatauhan sa piling bahaging mayroon sa pagitan ng mga Hebreo at mga Hentil, at pinahiwatig ang sarili sa pagmamahal nito para sa Akin. Pagpalain ang Lupa kasama ang mga yerba at mga bulaklak nito, at ang mga bunga nito na nagbigay sa Akin ng kasiyahan at pampalakas nang napakaraming beses. Pagpalain ang Lupa kasama ang mga tubig at ang pagka-malahininga nito, para sa mga ibon at sa mga hayop nito na sa maraming pagkakataon ay nahigitan ang tao sa pagbibigay ng kaginhawahan sa Anak ng Tao. Pagpalain nawa kayo, araw, at ikaw, dagat, at kayo, mga bundok, mga burol, mga kapatagan. Pagpalain kayo, mga bituin, Aking mga kasa-kasama sa Aking mga pananalangin sa gabi at sa Aking kapighatian. At ikaw, buwan, na nagbigay liwanag sa Akin habang Ako ay naglalagalag sa paligid sa Aking mga paglalakbay ng tagapag-ebanghelyo. Harinawang kayong lahat na mga nilikha ay pagpalain, ang mga gawa ng Aking Ama, Aking mga kasa-kasama sa mortal na oras na ito, mapagkaibigan sa Kanya Na iniwan Niya ang Langit upang mapaginhawahan ang pinahihirapan na Sangkatauhan ng mga problema ng Kasalanan na nagpapahiwalay mula sa Diyos. At harinawang pagpalain din kayo, kayong inosenteng mga instrumento ng Aking pahirap: mga tinik, mga metal, kahoy, pinilipit na abaka, sapagkat natulungan ninyo Akong magampanan Ko ang kalooban ng Aking Ama!»

Gaanong dumadagundong ang tinig ni Jesus! Kumakalat ito sa malahiningang kakalmahan ng ere, katulad ng tansong batingaw na pinalo, ito ay tumatagal nang alun-alon sa dagat ng mga mukhang nakatingin sa Kanya mula sa lahat na mga  direksiyon.

Sasabihin ko na may daan-daang bilang ng mga tao sa paligid ni Jesus habang Siya ay tumataas, kasama ang mas minamahal na mga disipulo, patungo sa tuktok ng Mount of Olives. Ngunit noong si Jesus ay nakarating sa Field of the Galileans, kung saan walang mga tolda sa panahong ito sa pagitan ng dalawang kapistahan, sinabi Niya sa Kanyang mga disipulo: «Patigilin ang mga tao sa kanilang kinaroroonan, at pagkatapos sundan Ako.»

¹⁶Umakyat pa Siya sa mas mataas pa, hanggang sa layo ng pinakamataas na taluktok ng bundok, ang isang mas malapit sa Bethany, na pinaghahari nito mula sa itaas, kaysa ang Herusalem. Malapit sa Kanya ay ang Kanyang Ina, ang mga Apostol, si Lazarus, ang mga pastol si Marjiam. Sa mas malayo, sa isang kalahating pabilog, ay ang iba pang mga disipulo upang mapigilan ang mga tao.

Si Jesus ay nakatayo sa isang malapad na bato, na nakausli nang kaunti at nangingibabaw sa kaputian nito sa pagitan ng mga damo ng isang mahawan na lugar. Siya ay matingkad na naliliwanagan ng araw na nagagawa ang Kanyang damit na magningning nang kasing puti ng niyebe at ang Kanyang buhok katulad ng ginto. Ang Kanyang mga mata ay kumikislap sa isang dibinong liwanag. Binubukas Niya ang Kanyang mga kamay sa pagpapahiwatig ng isang pagyakap. Tila ibig Niyang idiin sa Kanyang dibdib ang mga multitud ng Lupa, na nakikita ng Kanyang espiritu na kinakatawan sa pulutong na iyon. Ang Kanyang di-malilimutan na di-matutularan na tinig ay ibinigay nito ang huling utos: «Humayo! Humayo sa Ngalan Ko upang ebanghelyuhan ang mga tao hanggang sa mga dulo ng Lupa. Ang Diyos ay mapasainyo. Harinawang paginhawahan kayo ng Kanyang Pagmamahal, gabayan sana kayo ng Kanyang Liwanag, manirahan sana sa inyo ang Kanyang Kapayapaan hanggang marating ninyo ang eternal na buhay.»

Siya ay nagbago ang anyo sa kagandahan.. Makisig! Kasing kisig at mas mahigit pa nga kaysa ng noon Siya sa Tabor. Lahat sila ay lumuhod sumasamba. Habang Siya ay tumataas na mula sa bato kung saan Siya nakatayo, tumitingin Siyang muli para sa mukha ng Kanyang Ina, at ang Kanyang ngiti ay narating ang isang lakas na walang sinuman ang kailanman makapagsasalarawan... Iyon ay ang Kanyang huling paalam sa Kanyang Ina. Siya ay tumataas, tumataas... Ang araw, ngayon mas libre nang upang halikan Siya, dahil walang kadahunan, ni kahit isang manipis na dahon, ang humahadlang sa mga sinag nito, pinaniningning sa pamamagitan ng kariktan nito ang Diyos-Tao, Na kasama ang Kanyang Kabanalbanalang Katawan ay umaakyat sa Langit, pinakikita ang Kanyang maluwalhating mga Sugat na nagniningning katulad ng buháy na mga rubi. Ang iba pa ay isang malaperlas na ngiti ng liwanag. At ito ay talagang ang Liwanag na pinakikita ang sarili para sa kung ano ito, sa huling sandaling ito katulad noon gabi ng Pasko. Ang Sangnilikha ay kumikislap sa liwanag ng Kristo Na umaakyat. Isang liwanag na nahihigitan ang liwanag ng araw. Isang mas mahigit-pa-sa-tao at napaka kaaya-ayang liwanag. Isang liwanag na bumababa mula sa Langit upang tagpuin ang Liwanag na umaakyat patungo doon. At si Jesucristo, ang Salita ng Diyos, ay nawawala sa paningin ng mga tao sa karagatang ito ng kaningningan...

Sa lupa, tanging dalawang ingay lamang (ang narinig) sa malalim na katahimikan ng nagtatalik-sa-galak na mga pulutong: ang sigaw ni Maria noong si Jesus ay nawala: «Jesus!», at ang pag-iyak ni Isaac. Ang iba ay natulala nang may relihiyosong pagkamangha, at sila ay nananatili roon, na tila sila ay naghihintay, hanggang dalawang anghelikal na kasing puti ng niyebe na mga liwanag, sa porma ng tao, ang nagpakita inuulit ang mga salitang binanggit sa unang kabanata ng Mga Gawa ng mga Apostol.

010613

 

 



Sunod na kabanata