635. Ang Pagpili kay Matthias.

Abril 26, 1947.

¹Ito ay isang tahimik na gabi. Ang liwanag ay nawawalang unti-unti at ang kalangitan purpura magpahanggang ngayon, ay nagiging maselan na amethystine na kisame. Maya-maya lamang ay madilim na, ngunit sa kasalukuyan ay may liwanag pa, at ang kaunting liwanag na ito ay kaaya-aya pagkatapos ng labis na nakakasunog na sikat ng araw.

Ang saradong-bakuran ng bahay ng silid-Hapunan, isang malaking yarda sa pagitan ng mapuputing pader ng bahay, ay nagsisiksikan sa mga tao katulad ng mga gabi pagkatapos ng Resureksiyon. At ang isang magkakatugmang pagbulong ng mga panalangin, napuputol paminsan-minsan ng mga pagtigil ng pagninilay, ay tumataas mula sa mga taong ito na nakalubog sa pág-iisíp.

Habang ang liwanag ay pahina nang pahina sa bakuran, napaliligiran katulad nito ng matataas na pader ng bahay, ang ilang mga tao ay nagdadala ng mga lampara at inilalagay ito sa mesa, malapit dito kung saan ang mga apostol ay nag-ipun-ipon: si Pedro ay nasa gitna, sina Santiago ni Alfeo at si Juan ay katabi niya, at pagkatapos ang iba pa. Ang kumukurap-kurap na liwanag ng maliliit na apoy ay sumisinag pataas sa mga mukha ng mga apostol, nagagawa ang kanilang mga katangian na mangibabaw at pinakikita ang kanilang mga ekspresyon: nakatutok ang ekspresyon ni Pedro, na tila siya ay inapura sa kanyang pagsisikap na magampanan nang karapat-dapat ang unang mga gawaing ito ng kanyang ministeryo; asetikong banayad ang ekspresyon  ng mukha ni Santiago ni Alfeo; payapa at nangangarap ang kay Juan, at katabi niya ang nag-iisip na mukha ni Bartolomeo, sinusundan ng hitsura ng mukha na punung-puno ng búhay ni Tomas, at pagkatapos ang kay Andres, natatakpan ng kanyang kababaang-loob na nagagawa siyang manatili na ang kanyang mga mata halos nakasarado, ang kanyang ulo medyo nakayuko: tila nagsasabi siya: “Hindi ako karapat-dapat”; malapit sa kanya ay si Mateo, ang isang siko nakatukod sa palad ng isa pang kamay, ang kanyang ulo nakasandal sa palad ng nakataas na kamay; at pagkatapos si Santiago ni Alfeo, si Tadeo, kasama ang kanyang ma-awtoridad na mukha at ang kanyang mga mata na nagpapaalaala nang labis sa isa tungkol sa mga mata ni Jesus, kasama ang kulay at ekspresyon nito: isang tunay na mamumunò sa mga pulutong.

Kahit na ngayon napananatili niyang tahimik ang pagpupulong, sa ilalim ng apoy ng kanyang mga mata, nang higit pa kaysa  ng lahat magkakasama na; gayunpaman mula sa kanyang di-kinukusang maharlikang karingalan, ang pakiramdam ng kanyang puso puno ng paninimdim ay makikitang lumilitaw, lalo na kapag panahon na para sa kanya na isahimig ang panalangin. Noong sinasabi niya ang salmo: «Hindi sa amin, Panginoon, hindi sa amin, bagkus sa Inyong Pangalan magbigay ng kaluwalhatian para sa Inyong awa at katapatan, upang ang mga nasyon ay hindi sana magsabi: “Nasaan ang kanilang Diyos?» siya ay totoong nagdarasal sa pamamagitan ng kanyang kaluluwa nakatingala sa harapan Niya Na pumili sa kanya, at ang pinaka malakas na damdamin ay nanginginig sa kanyang tinig; kasama sa lahat ng kanyang pagdarasal sinasabi rin niya: «Hindi ako karapat-dapat na paglingkuran Kayo, Na napaka perpekto.»

Si Felipe, sa tabi niya, ang kanyang mukha may tanda na ng edad, bagamat siya ay punung-puno pa rin na pagkalalaki, ay nagmumukhang katulad ng isang tao na may pinagninilay-nilayan na isang tanawin na siya lamang ang nakaaalam, at siya ay nakatayo na ang kanyang mga kamay nakadiin sa kanyang mga pisngi, nakayuko nang kaunti at medyo nalulungkot... samantalang ang Zealot ay nakatingin sa itaas, sa malayo, na may magiliw na ngiti na pinakikisig ang kanyang mukha, na hindi maganda, ngunit kaakit-akit dahil sa seryosong katangian nito. Si Santiago ni Zebedeo, mapusok at nanginginig, ay sinasabi ang kanyang mga panalangin na tila nakikipagusap pa rin siya sa kanyang minamahal na Guro, at ang ika-labindalawang salmo ay binigkas nang madalian ng kanyang umaapoy na espiritu.

²Nagtapos sila sa pamamagitan ng mahaba at magandang salmo 118, na may isinasagot silang tugon sa bawat isa, nang dalawang ikot upang makumpleto ang isinasagot na tugon. Pagkatapos silang lahat ay mananahimik hanggang si Pedro, na nakaupo, ay tumayo, na tila tinutulak siya ng isang inspirasyon, nagdarasal sa malakas na tinig na ang kanyang mga kamay nakaunat katulad ng madalas gawin ng Panginoon: «Ipadala ang Inyong Espiritu sa amin, o Panginoon, upang kami ay makakita sa Kanyang Liwanag.»

«Maran atha» sinasabi nilang lahat.

Si Pedro ay sinusuma ang kanyang mga naiisip sa isang maalab na tahimik na panalangin, ngunit baka mas nakikinig siya kaysa sa nananalangin, o kung man lamang naghihintay siya para sa mga salita ng liwanag... Pagkatapos tinataas niya muli ang kanyang ulo at sa muli inuunat niya ang kanyang mga kamay, na kanyang nailupi sa kanyang dibdib, at sa dahilan na siya ay maliit kompara sa karamihan ng kanyang mga kasamahan, umakyat siya sa isang upuan upang mangibabaw sa maliit na pulutong na nagsisiksikan sa bakuran, at makita ng lahat. At ang lahat, nakikita na siya ay magsasalita, ay naging tahimik at tinitingnan siya nang maasikaso.

³«Aking mga kapatid, ito ay kinakailangan na ang Banal na Kasulatan na siyang hula ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng bunganga ni David at tungkol kay Judas ay magawa. Si Judas sa katunayan ay ang nagpasunod sa mga nanghuli sa Panginoon at ating Pinagpalang Guro: si Jesus.

Siya, si Judas, ay dating isa sa atin, at pinagkatiwalaan ng ministeryong ito. Ngunit ang pagkapili sa kanya ay naging kasiraan para sa kanya, sapagkat pinasok siya ni Satanas sa pamamagitan ng maraming pamamaraan at mula sa pagiging apostol ni Jesus siya ay naging ang nagkanulo sa kanyang Panginoon. Akala niya siya ay magtatagumpay at magbubunyi at kung gayon naipaghiganti ang kanyang sarili sa Banal na Guro, Na bumigo sa di-malinis na mga pag-asa ng kanyang puso na puno ng bawat kiling sa pagkakasala. Ngunit noong akala niya na siya ay magtatagumpay at magbubunyi, nagisnan niya na ang tao na ginagawa ang sarili na alipin ni Satanas, ng laman, ng mundo, ay hindi nagtatagumpay, sa kabaligtaran kakain ng alikabok katulad ng isang natalo. At nalaman niya na ang pagkain na binigay ng tao at ni Satanas ay napakapait at ganap na iba sa matamis na simpleng tinapay na binibigay ng Diyos sa Kanyang mga anak. Nalaman niya kung gayon ang pagkawalang-pag-asa at kinapootan niya ang buong mundo pagkatapos na kapootan ang Diyos, at kanyang isinumpa ang lahat na naibigay sa kanya ng mundo at pinatay niya ang kanyang sarili sa pagbitay sa kanyang sarili mula sa isang puno ng olibo sa taniman ng mga olibo na kanyang binili sa pamamagitan ng kanyang mga kasamaan, at noong araw na ang Kristo ay bumangon nang maluwalhati mula sa kamatayan, ang kanyang bulok at inuuod  nang katawan ay pumutok at ang kanyang mga laman-loob ay kumalat sa lupa sa paanan ng puno ng olibo, ginagawa ang lugar na iyon na di-malinis.

Ang nanunubos na Dugo ay umulan sa Golgotha at napadalisay ang Lupa, sapagkat iyon ay ang Dugo ng Anak ng Diyos, Na nagkatawang-tao para sa atin. Sa burol malapit sa lugar ng may masamang pangalan na Konseho, hindi dugo, hindi mga luha ng mabuting paninisi ng konsiyensya, bagkus ang dumi ng bulok na mga laman-loob ang umulan sa alikabok. Sapagkat walang ibang Dugo ang maihahalo sa Kabanalbanalang Dugo sa mga araw na iyon ng puripikasyon, kung saan ang Kordero ay hinuhugasan tayo sa Kanyang Dugo, at lalo nang hindi posible para sa Lupa, na umiinom noon ng Dugo ng Anak ng Diyos, na uminom din ng dugo ng anak ni Satanas.

Ang nangyari ay alam-na-alam. At nalalaman din na si Judas, sa kanyang pagngangalit ng isang naisumpang kaluluwa, ay ibinalik ang pera ng di-magandang transaksiyon sa Templo, ibinabato iyon, di-malinis katulad niyon, sa mukha ng Mataas na Pari. At nalalaman din na sa pamamagitan ng pera, na kinuha sa Tesoreriya ng Templo, ngunit hindi na maaaring ibalik doon, sapagkat iyon ay ang halaga ng dugo, ang prinsipe ng mga Pari at ng mga Nakatatanda, pagkatapos na nagka-usap-usap sila, ay siyang ibinili sa bukid ng manggagawa ng palayok, katulad ng sinabi sa mga propesiya, binabanggit pati ang presyo. At ang lugar ay bababa sa angkanang-darating sa ilalim ng pangalan na Hakeldama. Kung kaya't ang lahat ng tungkol kay Judas ay nasabi na, at gawin na kahit ang alaala ng kanyang mukha ay mawala mula sa atin, ngunit ating ilagay sa isip ang mga pamamaraan, na mula sa pagiging tinawag ng Panginoon sa Makalangit na Kaharian, siya ay bumaba sa pagiging prinsipe sa Kaharian ng eternal na kadiliman, upang tayo ay hindi sana mapapunta roon sa ating kapabayaan, nagiging iba pang mga Judas para sa Salita na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos at siyang ang Kristo pa rin, ang Guro sa pagitan natin.

⁴Ngunit nakasulat sa aklat ng mga Salmo: “Gawin ang kanilang bahay na maging disyerto, gawing walang manirahan dito at gawin na ang kanyang tanggapan makuha ng iba”. Kung kaya't kinakailangan na ang isa sa mga taong ito, na matagal nang nasa atin lagi sa lahat ng panahon na ang Panginoong Jesus ay nakasama natin, paparoo’t paparito, simula pa nang Pagbibinyag ni Juan hanggang sa araw na sa gitna natin Siya ay umakyat sa Langit, ay italaga na maging saksi kasama natin tungkol sa Kanyang Resureksiyon. At kinakailangan na gawin ito nang mabilis na mabilis, upang siya ay kasama natin sa Pagbibinyag ng Apoy, na ang tungkol dito ang Panginoon ay nagsalita sa atin, upang siya, na hindi tumanggap sa Banal na Espiritu mula sa Guro, ay sana tanggapin itong diretso mula sa Diyos at mapaliwanagan at masantipika nito, at mapasakanya sana ang mga birtud na ating tatanggapin, at sana siya ay maghusga at magpatawad at gawin kung ano ang ating gagawin, at ang kanyang mga pagkilos ay sana maging balido at banal.

Ibig kong imungkahi na piliin siya mula sa pagitan ng pinakamatapat sa tapat na mga disipulo, ang mga naghirap para sa Kanya nananatiling tapat din noong Siya ay ang Isa Na Di-kilala sa mundo. Ang marami sa kanila ay nakarating sa atin mula kay Juan, ang Prekursor ng Mesiyas, mga espiritung hinubog sa loob ng buong mga taon para sa paglilingkod sa Diyos. Ang Panginoon ay gustung-gusto sila, at ang pinakagustung-gusto sa kanila ay si Isaac, na labis na naghirap dahil sa sanggol na si Jesus. Ngunit nalalaman ninyo na ang kanyang puso ay nadurog sa loob ng sumunod na gabi pagkatapos ng Pag-akyat ng Panginoon sa Langit. Huwag natin siyang ipagluksa. Sinamahan na niya ang kanyang Panginoon. Iyon lamang ang mithiin ng kanyang puso... At atin din... Ngunit kailangan na paghirapan natin ang ating pasyon. Ito ay ipinaghirap na ni Isaac. Kung kaya't kakailanganin na magmungkahi kayo ng ilang mga pangalan mula sa mga ito, upang ang ika-labindalawang apostol ay sana maitalaga ayon sa mga kaugalian ng ating sambayanan, ipinauubaya ang kapangyarihan ng pagpapahiwatig, sa pinaka grabeng mga sirkunstansiya, sa Panginoon, sa Kanya Na nakaaalam.»

⁵Pinakikinggan nila ang isa’t isa. Pagkaraan ng maikling oras ang pinaka importanteng mga disipulo (sa pagitan ng mga hindi pastol), nang may pagsang-ayon ng sampung apostol, ay sinabi kay Pedro na minumungkahi nila si Jose, ang anak ni Jose ng Saba, upang parangalan ang kanyang ama, isang martir para sa Kristo, sa pamamagitan ng kanyang anak, isang tapat na disipulo, at si Matthias, para sa gayon ding mga rason katulad ng para kay Jose, at, sa karagdagan pa, upang parangalan din ang kanyang guro: si Juan Bautista.

At sa dahilan na si Pedro ay sumang-ayon, ginawa nila ang dalawa na lumapit sa harapan sa mesa at sa pansamantala sila ay nananalangin na ang kanilang mga kamay nakaunat paharap sa dating ginagawa ng mga Hebreo: Kataastaasang Panginoon, Ama, Anak at Espiritu Santo, ang Tangi at Sang-tatlo na Diyos, Na nalalaman ang mga puso ng mga tao, ipakita sa amin kung alin sa dalawang ito ang Inyong pinili upang kunin ang ministeryo at apostoladong lugar ni Judas, na naligaw sa katotohanan, at magpatuloy sa kanyang lugar.»

«Maran atha» lahat sila ay tumugon nang sabay-sabay.

Sa dahilan na sila ay walang dais o kahit ano na kanilang mapagugulong, at sa dahilan na ayaw din nilang gumamit ng mga sentimos para sa pakay na ito, kumuha sila ng maliliit na bato sa paligid sa yarda, ilang kaawa-awang maliliit na bato, na magkasing dami ang maputi at maitim, at nagpasya sila na ang maputi ay para kay Matthias, at ang iba pa ay kay Jose. Inilagay nila ito sa isang bag, pagkatapos na inalisan ng lamang ang bag, inalug-alog nila ito at binigay ito kay Pedro na, pagkatapos na bendisyunan ito, ipinasok niya ang kanyang kamay dito, nagdarasal na ang kanyang mga mata nakatingin sa kalangitan, na puno ng mga bituin, at naglabas ng isang maliit na bato: kasing puti ng niyebe. Ang Panginoon ay ipinakita na si Matthias ang kapalit ni Judas.

Si Pedro ay pumunta sa harapan ng mesa at niyayakap siya «upang gawin siyang katulad ng kanyang sarili» sinasabi niya. Ang iba ring sampu pa ay ito rin ang ginagawa sa gitna ng palakpakan ng maliit na pulutong.

⁶Sa katapusan si Pedro,  pagkatapos na makabalik sa kanyang lugar hawak sa kamay ang napiling apostol na nasa tabi niya – kung kaya't si Pedro ay ngayon nasa pagitan na ni Matthias at ni Santiago ni Alfeo – ay nagsabi: «Halika sa lugar na itinabi ng Diyos para sa iyo at sa pamamagitan ng iyong katarungan kanselahin ang alaala ni Judas, tinutulungan kami, iyong mga kapatid, na gawin ang mga gawain na sinabi ni Jesus sa atin na gawin. Harinawang ang grasya ng Ating Panginoong Jesucristo ay laging mapasaiyo.»

Nagsasalita siya sa iba pa, pinahahayo sila...

Habang ang mga disipulo ay naghihiwa-hiwalay nang unti-unti sa pamamagitan ng isang sekundaryong labasan, ang mga apostol ay bumalik sa bahay dinadala si Matthias kay Maria, Na malalim sa pananalangin sa loob ng Kanyang silid, upang ang bagong apostol ay tanggapin din sana niya ang salita ng pagbati at pagkapili mula sa Ina ng Diyos.

010813

 



Sunod na kabanata