636. Ang Pagbaba ng Banal na Espiritu. Katapusan ng Messianic Cycle.

Abril 27, 1947.

Walang mga tinig o ingay ang maririnig sa loob ng bahay ng Hapunan. Wala sa mga disipulo ang naroroon, wala akong marinig man lamang na masasabi ko na may mga taong nagkaipun-ipon sa ibang mga silid ng bahay. Naroon lamang ang presensya at ang mga tinig ng Labindalawa at ng Kabanalbanalang Birhen na naipon sa bulwagan ng Hapunan.

Ang silid ay nagmumukhang mas maluwang, sapagkat iba ang pagkakaayos ng mga muwebles at ginawang libre ang gitna ng silid at ang dalawang pader. Ang malaking mesa na ginamit para sa Hapunan ay itinulak sa tabi ng ikatlong pader, at sa pagitan nila at ng pader, at sa dalawang makipot na mga dulo din ng mesa, inilagay nila ang mga sopang-upuan na ginamit para sa Hapunan at ang bangkito rin na ginamit ni Jesus sa Paghuhugas ng mga paa. Ngunit ang sopang mga kama ay hindi nakapatukod sa mesa, katulad na ito ay ganito noon Hapunan, bagkus nakapaayon dito, upang ang mga apostol ay makakaupo dito nang hindi nakukuha ang lahat na espasyo, at may natira silang isang lugar na bakante, ang tanging isang nakapatukod sa mesa, lahat para sa Banal na Birhen, Na siyang nasa sentro ng mesa, sa lugar na inokupa ni Jesus noong Hapunan.

Ang mesa ay walang mga mantel o mga gamit, walang nakalagay sa mga patungan sa tabi, at ang mga dekorasyon sa mga pader ay wala na. Tanging ang tsandelyer sa gitna ang may liwanag, ngunit isang lampara lamang ang may sindi, ang iba pang mga lampara sa paikot ng kakaibang tsandelyer ay patay.

Ang mga bintana ay sarado at may trangka ng mabibigat na metal na baras. Ngunit ang isang sinag ng araw ay nakakapasok nang may katapangan sa pamamagitan ng isang munting butas at katulad ng isang mahabang maliit na karayom ito ay bumababa sa sahig napoporma ang isang bilog na ilaw ng sikat ng araw.

²Ang Banal na Birhen, nakaupong nag-iisa sa Kanyang upuan, ay nasa tabi Niya sina Pedro at Juan, sa kanilang mga upuan, si Pedro sa kanan Niya, si Juan sa kaliwa. Si Matthias, ang bagong apostol, ay nasa pagitan nina Santiago ni Alfeo at ni Tadeo. Sa harapan Niya, ang Ating Ginang ay may isang malaking mababang baul ng maitim na kahoy, na nakasarado. Si Maria ay nakabihis ng madilim na asul na damit. Ang Kanyang buhok ay natatakpan ng isang maputing belo, na sa ibabaw nito ay nakapatong ang gilid ng Kanyang manta. Ang lahat na iba pa ay walang takip sa kanilang mga ulo.

Si Maria ay nagbabasa nang dahan-dahan sa isang malakas na tinig. Ngunit sa dahilan na ang liwanag na nakakarating doon ay napakahina, sa palagay ko sa halip ng nagbabasa inuulit ng Kanyang puso ang mga salitang nakasulat sa rolyo na hawak Niyang nakaladlad. Ang iba ay sinusundan Siya sa katahimikan, nagninilay. Paminsan-minsan sila ay tumutugon, kapag ito ay kinakailangan.

Ang mukha ni Maria ay nagbago ang anyo gawa ng isang nagtatalik-sa-kaligayahan na ngiti. Iniisip ko kung ano kaya ang Kanyang nakikita, na nakakapagpaapoy sa Kanyang mga mata, katulad ng dalawang maliwanag na mga bituin, at nagagawa ang Kanyang kulay-gatas na mga pisngi na mamula, na tila ang sinag ng isang malarosas na apoy ay tumatama sa Kanya! Siya talaga ang mistikang Rosas...

Ang mga apostol ay yumuyukong paharap, umupong medyo nakatagilid, upang makita ang Kanyang mukha, habang ngumingiti Siyang napakagiliw at nagbabasa at ang Kanyang tinig ay nakakatulad ang awit ng isang anghel. At si Pedro ay labis na naaantig ang damdamin na dalawang malalaking luha ang pumatak mula sa kanyang mga mata, at dumadaloy sa mga kulubot ng dalawang tabi ng kanyang ilong upang mawala sa palumpungan ng kanyang maputing balbas. Ngunit si Juan ay nahahawa ng birheng ngiti at napaaapoy katulad Niya nang may pagmamahal, habang sinusundan ng kanyang mga mata ang binabasa ng Birhen sa rolyo at, noong nag-abot siya sa Kanyang ng bagong rolyo siya ay tumingin at ngumiti sa Kanya.

³Ang pagbabasa ay tapos na. Ang tinig ni Maria ay tumigil. Ang pagkaluskos ng mga rolyong nilulukot at binubuksan ay nagtapos. Si Maria ay binubuhos ang Kanyang Sarili sa pagdarasal, dinidiin ang Kanyang mga kamay sa Kanyang dibdib at isinasandal ang Kanyang ulo sa kaban. Ang mga apostol ay ginagaya Siya...

Ang isang napakalakas at magandang-pakinggang ugong, na nakakatulad ang hangin at ang lira, nakakatulad din ng pag-awit ng tao at ng tunog ng isang perpektong organo, ay bigla na lamang lumabas sa katahimikan ng umaga. Ito ay lumitaw sa malapit, paganda na nang paganda at palakas na nang palakas ang tunog, at sa pamamagitan ng panginginig nito pinupuno nito ang Lupa, pinalalawig ito at  pinararamdam ito sa bahay, sa mga pader, sa mga muwebles. Ang apoy ng tsandelyer, magpahanggang ngayon walang-galaw sa kapayapaan ng saradong silid, ay kumukurap na tila hinihipan ito ng hangin at ang maliliit na kadena ng tsandelyer ay kumakalansing nanginginig sa ilalim ng dating ng sobrenatural na tunog na tumatama dito.

Ang mga apostol ay itinaas ang kanilang mga ulo natatakot, at dahil na ang napakagandang ugong na iyon, kung saan naroroon ang lahat na pinakamagagandang nota na binigay ng Diyos sa mga Langit at Lupa, ay papalapit nang papalapit sa kanila, at ilang ay tumayo nakahandang tumakbo, ang iba ay nagyuyumukyok sa sahig tinatakpan ang kanilang mga ulo sa pamamagitan ng kanilang mga kamay at manta, o dinadagukan ang kanilang mga dibdib humihingi sa Diyos ng kapatawaran, ang iba ay sumisiksik kay Maria, takot-na-takot na nawawala ang kanilang pagpipigil na laging mayroon sila sa paggalang para sa Kapuru-puruhang Ina. Tanging si Juan lamang ang hindi natatakot, sapagkat nakikita niya ang maliwanag na kapayapaan ng lugod na kitang-kita sa mukha ni Maria, Na itinataas ang Kanyang ulo ngumingiti sa isang bagay na Siya lamang ang nakaaalam, at Na pagkatapos ay lumuluhod binubukas ang Kanyang mga kamay, at ang dalawang asul na pakpak ng Kanyang manta nabuksan nang gayon ay tumatakip kina Pedro at Juan, na gumaya na sa Kanya, lumuluhod. Ngunit ang lahat na ito, na inabot ako ng ilang mga minuto upang maisalarawan, ay nangyari sa loob ng wala pang isang minuto.

⁴At pagkatapos ang Liwanag, ang Apoy, ang Banal na Espiritu ay pumasok, nang may huling malakas na magandang pakinggan na ingay, sa porma ng isang napakaliwanag na umaapoy na bola, patungo sa saradong silid, nang wala kahit alin na pinto o bintana na ginagalaw, at nananatiling paligid-ligid nang isang minuto sa itaas ng ulo ni Maria, mga tatlong dangkal sa itaas ng ulo ni Maria, na ngayon wala nang takip, sapagkat si Maria, noong makita ang Apoy na Paraklito, ay itinaas ang Kanyang mga kamay upang panawagan Siya at naitingala ang Kanyang ulo nang may isang sigaw ng lugod, nang may ngiti ng walang hangganang pagmamahal. At, pagkatapos ng sandaling iyon kung saan ang lahat ng Apoy ng Banal na Espiritu, lahat ng Pagmamahal, ay naipon sa Kanyang Esposa, ang Kabanalbanalang Bola ay naghiwalay sa labintatlong mahimig na napakaliwanag na mga apoy, ng napakaningning na isang liwanag na walang makalupang maikukumpara na makapagsasalarawan, at ito ay bumababa upang halikan ang noo ng bawat apostol.

Ngunit ang apoy na bumababa kay Maria ay hindi isang dila ng isang tuwid na apoy sa Kanyang noo na hinahalikan nito, bagkus ito ay isang korona na umaakap at nagpapaikot sa ulo ng Birhen katulad ng isang girnalda, kinukoronahan bilang Reyna ang Anak na Babae, ang Ina, ang Esposa ng Diyos, ang Walang-bahid na Birhen, ang Ganap na Maganda, ang Eternal na Minamahal, ang Eternal na Dalaga Na walang maaaring magpahiya, o wala kahit sa ano, Na pinatanda ng kapighatian ngunit pinapanibago ng lugod ng Resureksiyon, bumabahagi sa Kanyang Anak sa katingkaran ng kagandahan at kasariwaan ng mga katawan, ng hitsura, ng sigla... bilang may pauna na ng kagandahan ng Kanyang maluwalhating Katawan na tinanggap sa Langit upang maging ang bulaklak ng Paraiso.

Ang Banal na Espiritu ay ginagawa ang Kanyang mga apoy na suminag sa paligid ng ulo ng Kanyang Minamahal. Anong mga salita ang Kanyang sinasabi sa Kanya? Mahiwaga! Ang mukha ni Maria ay nagbago ang anyo nang may sobrenatural na lugod at ngumingiti sa pamamagitan ng mga ngiti ng mga Serapin, habang ang mga luha ng kasiyahan ay sumisinag katulad ng mga brilyante sa Kanyang mga pisngi, nasisinagan katulad nito ng Liwanag ng Banal na Espiritu.

⁵Ang Apoy ay nananatiling gayon nang matagal-tagal... Pagkatapos ito ay nawala... Bilang alaala ng pagbaba nito nananatili ang isang halimuyak na walang makalupang bulaklak ang makapagbibigay... Ang Pabango ng Paraiso...

Ang mga apostol ay inaayos ang kanilang mga sarili... Si Maria ay nananatili sa Kanyang labis-na-naliligayahan na kalagayan. Kanya lamang dinidiin ang Kanyang mga kamay sa Kanyang dibdib, sinasara ang Kanyang mga mata, tinutungo ang Kanyang ulo... Ang Kanyang pakikipagusap sa Diyos ay nagpapatuloy... walang pakiramdam sa lahat na bagay... Walang sinuman ang mangahas na manggambala sa Kanya.

Si Juan tinuturo Siya, ay nagsabi: «Siya ay ang altar. At ang Kaluwalhatian ng Panginoon ay tumigil sa Kanyang kaluwalhatian...»

«Oo. Huwag nating balisahin ang Kanyang lugod. Bagkus lumakad tayo at ipahayag ang Panginoon at gawin natin na malaman ng mga tao ang Kanyang mga gawa at ang Kanyang mga salita» sabi ni Pedro nang may sobrenatural na kapusukan.

«Tayo na! Tayo na! Ang Espiritu ng Diyos ay lumalagablab sa loob ko» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«At tayo ay tinutulak nito na kumilos. Lahat tayo. Tayo na at ebanghelyuhan ang mga tao.»

Sila ay lumabas na tila sila ay tinutulak o hinihila ng isang hangin o ng isang malakas na puwersa.

--------------------

jesus sinasabi

⁶Sinasabi ni Jesus:

«At dito ang Gawain, na naidikta ng Aking pagmamahal para sa inyo at na inyong tinanggap sa pamamagitan ng pagmamahal na nagkaroon ang isang nilikha para sa Akin at para sa inyo, ay tapos na. Ito ay natapos ngayong araw, ang araw ng pag-alaala kay Santa Zita mula sa Lucca, ang mapagpakumbabang dalaga na naglingkod sa kanyang Panginoon nang may karidad sa Simbahan ng Lucca, kung saan, mula sa malalayong lugar,  dinala Ko ang Aking munting Juan, upang paglingkuran Ako nang may karidad at nang may gayon ding pagmamahal na mayroon si Santa Zita para sa lahat na di-masayang mga tao.  Si Zita ay madalas magbigay ng tinapay sa mahihirap, inaalaala na Ako ay nasa bawat isa sa kanila, at na pagpapalain siya, na, katabi Ko, ay magbibigay ng tinapay at inumin sa nagugutom at nauuhaw. Si Maria-Juan ay binigay ang Aking mga salita sa mga pinanghihinaan sa kamangmangan o sa kakulangan ng interes o sa pagdududa sa Pananampalataya, inaalaala na sinabi ng Karunungan na ang mga nagtatrabaho nang mabuti upang makilala ang Diyos, ay magniningning katulad ng mga bituin sa eternidad, nagbibigay kaluwalhatian sa kanilang Pag-ibig upang makilala ito at mahalin, at sa maraming mga tao.

At, karagdagan pa, ito ay natapos ngayong araw, ang araw kung saan itinaas ng Simbahan sa mga altar ang purong liryo ng mga parang na si Maria Theresa Goretti, ang liryo na ang kaninong tangkay ay sinira habang ang korola nito ay isang buko pa lamang. At sino pa ba ang sumira nito kung hindi bagkus si Satanas, naiinggit sa kadalisayan na iyon na suminag nang mahigit pa kaysa sa kanyang matagal nang anghelikal na aspekto? Sinira dahil iyon ay sagrado sa Dibinong Mangingibig. Si Maria, birhen at martir ng siglo ng paglalapastangan na ito, kung saan ang karangalan din ng Babae ay hinahamak, dinuduraan ng laway ng mga ahas upang mapagkaitan ang kapangyarihan ng Diyos na makapagbigay ng isang di-narumihang tirahan ang Kanyang Salita, Na nagkakatawang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, upang mailigtas ang mga naniniwala sa Kanya. Si Maria-Juan din ay martir ng Kapootan, na ayaw na ang Aking mga kababalaghan ay maipagdiwang ng Gawain, ang sandata na makapag-aagaw ng napakaraming mga bibiktimahin mula sa kanya. Ngunit nalalaman ni Maria-Juan, katulad na nalaman din ni Maria Theresa, na ang martiryo, maging ano pa man ang pangalan at aspekto nito, ay ang susi na nagbubukas nang walang pag-antala sa Kaharian ng Langit sa mga naghihirap upang maipagpatuloy ang Aking Pasyon.

⁷Ang Gawain ay tapos na. At sa pamamagitan ng katapusan na ito, sa pamamagitan ng pagbaba ng Banal na Espiritu, natatapos ang Messianic cycle, na pinaliwanagan ng Aking Karunungan mula sa pagsimula nito: ang Imakuladang Paglilihi kay Maria, hanggang sa pagtatapos nito: ang pagbaba ng Banal na Espiritu.  Ang lath ng Messianic cycle ay ang gawa ng Espiritu ng Pagmamahal, para sa mga nakakakita nang maayos. Ito kung gayon ay tama na simulan ito sa pamamagitan ng misteryo ng Imakuladang Paglilihi sa Esposa ng Pagmamahal, at tapusin ito sa pamamagitan ng selyo ng Apoy Paraklito sa Simbahan ng Kristo.

Ang ibinunyag na mga gawain ng Diyos, ng Pagmamahal ng Diyos, ay nagtatapos sa pamamagitan ng Pentekostes. Mula diyan ang mahal na misteryosong gawain ng Diyos ay nagpapatuloy sa Kanyang mga naniniwala, nagkakaisa sa Ngalan ni Jesus sa Isa, Banal, Katoliko, Apostolado, Romanong Simbahan; at ang Simbahan, ibig sabihin, ang asamblea ng mga naniniwala – ang mga pastol, mga tupa at mga kordero – ay makapagpapatuloy nang hindi nagkakamali dahil sa patuloy na espirituwal na operasyon ng Pagmamahal, ng Teologo ng mga teologo, Siya na pumoporma sa totoong mga teologo, ibig sabihin, ang mga napalubog na sa Diyos at nasa kanilang mga sarili ang Diyos – ang buhay ng Diyos nasa kanila sa pamamagitan ng pamamahala ng Espiritu ng Diyos na gumagabay sa kanila – ibig sabihin, ang totoong mga “anak ng Diyos” ayon sa konsepto ni Pablo.

⁸At sa katapusan ng Gawain, muling Aking babanggitin ang reklamo na Aking nilalagay sa katapusan ng bawat taon ng pag-eebanghelyo, at sa Aking kapighatian nakikita ang Aking regalo na hinahamak, sinasabi Ko sa lahat sa inyo: “Hindi na kayo magkakaroon ng kahit ano pa mang iba, sapagkat hindi ninyo natanggap itong Aking ibinigay sa inyo”. At sinasabi Ko rin na ang tungkol sa ginawa Kong malaman ninyo noong nakaraang tag-init (21.5.46) upang tawagin kayong lahat sa tamang landas: “Hindi ninyo Ako makikita hanggang dumating ang araw kung kailangan sasabihin ninyo: ‘Pinagpala Siya Na dumating sa ngalan ng Panginoon’ “.»

Ang Gawain ay natapos ngayong araw ika 27 ng Abril 1947.

Viareggio, Via Fratti 113 – Maria Valtorta.

011013

 



Sunod na kabanata