637. Si Pedro Pinagdiriwang ang Eukaristiya sa Isang pagpupulong ng Unang mga Kristiyano.

¹Konklusyon ng Gawain, ibig sabihin: Mula sa Pentekostes hanggang sa Pag-akyat sa Langit sa Banal na Birhen Maria. Unang episodyo (3-6-1944). Si Pedro, hindi na ang isang magaspang na mangingisda, sa kanyang bagong kapasidad ng Pontipise.

--------------------

Hunyo 3, 1944

²Ito ang isa sa pinaka unang pagpupulong ng mga Kristiyano, sa mga araw pagkatapos na pagkatapos ng Pentekostes.

Ang labindalawang apostol ay labindalawa na muli, sapagkat si Matthias, napili na sa lugar ng traydor, ay kasama na nila. At ang katotohanan na ang lahat na labindalawa ay naroroon ay nagpapatunay na hindi pa sila naghihiwa-hiwalay upang mag-ebanghelyo, ayon sa utos ng Panginoon. Kung gayon maaaring  katatapos pa lamang ng Pentekostes, at ang pang-uusig ng Sanhedrin laban sa mga lingkod ni Jesucristo ay hindi pa nagsisimula. Sapagkat kung ito ay nakapagsimula na, hindi sila makapagdiriwang nang may labis na kakalmahan, at nang hindi gumagawa ng labis na mga pagtitiyak sa kanilang kaligtasan, sa loob ng bahay na kilalang-kilala ng mga taga-Templo, ibig sabihin ang bahay ng silid-hapunan, at eksakto sa loob mismo ng silid kung saan ginanap ang Huling Hapunan, itinatag ang Eukaristiya, nangyari ang totoo at total na pagkanulo pati ang Panunubos.

Ang malaking silid, bagaman, ay nagkaroon ng isang pagbabago, kinakailangan para sa bagong gagampanan nito bilang isang simbahan, at siyang hinihingi ng bilang ng mga naniniwala. Ang malaking mesa ay hindi na malapit sa pader ng maliit na hagdanan, bagkus ito ay malapit, o kung baga nakadikit sa pader na nakaharap dito, upang kahit na ang mga hindi makakapasok sa silid Hapunan, na nagsisiksikan na sa mga tao – sa silid Hapunan, ang unang Simbahan ng mga Kristiyano – ay makikita nila kung ano ang nangyayari doon, sumisilip sa pamasukan na koridor, malapit sa maliit na pintuan, na ganap na bukas, na siyang daanan patungo sa silid.

Sa loob ng silid ay naroon ang mga lalaki at mga babae ng lahat na mga edad. Sa isang grupo ng mga babae, malapit sa mesa, ngunit nasa isang sulok, ay naroon si Maria, ang Ina, napaliligiran nina Martha at Maria ni Lazarus, ni Nike, ni Eliza, ni Maria ni Alfeo, ni Salome, si Johanna ni Chuza, sa maikling pananalita, ng marami sa mga babaeng disipulo, kapwa mga Hudyo at hindi-Hudyo, na mga pinagaling ni Jesus, pinaginhawahan, naibanghelyuhan, at naging mga tupa ng Kanyang kawan. Kabilang sa mga lalaki ay naroon sina Nicodemus, Lazarus, Jose ng Arimathea, isang malaking bilang ng mga disipulo, kasama rito si Stephen, si Hermas, ang mga pastol, si Elisha ang anak ng lider ng sinagoga ng Engedi, at marami pa. Naroon din si Longinus, hindi nakasuot ng damit-militar, bagkus siya ay tila isang pangkaraniwan na mamamayan, na may isang mahaba na kulay-abong tunika. Pagkatapos marami pa, na tiyak na pumasok sa kawan ng Kristo pagkatapos ng Pentekostes at ng unang pag-eebanghelyo ng Labindalawa.

³Si Pedro ay nagsasalita rin ngayon, nag-eebanghelyo at nagtuturo sa mga taong naroroon. Nagsasalita siyang muli tungkol sa Huling Hapunan. Muli, dahil mula sa kanyang mga salita malinaw na siya ay nakapagsalita ng tungkol dito.

Sinasabi niya: «Sinasabi ko sa inyong muli» at labis niyang dinidiinan ang mga salitang ito «ang tungkol sa Hapunan na ito kung saan, bago isinakripisyo ng mga tao, si Jesus ang Nazareno, ayon sa tawag sa Kanya dati, si Jesucristo, ang Anak ng Diyos at ating Tagapagligtas, ayon sa ito na ang itatawag sa Kanya at pinaniniwalaan ng lahat ng ating mga puso at isip, sapagkat ang ating kaligtasan ay nasa pananampalatayang ito, ay isinakripisyo ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng Kanyang Sariling kalooban, at dala ng kalabisan ng pagmamahal, ibinibigay ang Kanyang Sarili sa Pagkain at Inumin sa mga tao at sinasabi sa atin, Kanyang mga lingkod at mga tagapagpatuloy: “Gawin ito sa pag-alaala sa Akin”. At iyan ang ating ginagawa, ngunit, o mga tao, dahil tayo, Kanyang mga saksi, ay naniniwala na sa Tinapay at sa Alak, inalay at napagpala, katulad ng ginawa Niya, sa pag-alaala sa Kanya at dala ng pagsunod sa Kanyang dibinong utos, ay nariyan ang kanyang Kabanalbanalang Katawan at ang Kanyang Kabanalbanalang Dugo, ang Katawan at ang Dugo na iyan na siyang Katawan at Dugo ng isang Diyos, ng Anak ng Kataastaasang Diyos, at na sila ay ipinako sa krus at pinadaloy para sa kabutihan at sa ikabubuhay ng mga tao, upang kayo rin, lahat kayo, na mga naparito upang maging bahagi ng totoo, bago, inmortal na Simbahan, inihula ng mga Propeta at itinayo ng Kristo, ay paniwalaan ito. Maniwala at pagpalain ang Panginoon Na sa atin – Kanyang mga taga-pako-sa-krus, kung hindi man sa materyal, tiyak na sa moral at espirituwal na paraan, dahil sa ating kahinaan sa paglilingkod sa Kanya, dahil sa atin kapurulan sa pag-intindi sa Kanya, dahil sa ating karuwagan sa pag-abandona sa Kanya tinatakbuhan Siya sa Kanyang kataastaasang oras, sa ating, hindi, bagkus, sa aking personal na pagkanulo ng isang tao na natatakot at naduduwag hanggang sa sukdulan na tanggihan at itatwa Siya at itanggi na ako ay Kanyang disipulo, at mahigit pa riyan, ang una sa Kanyang mga lingkod (at malalaking luha ang dumaloy sa mukha ni Pedro) bago ang unang oras, doon, sa Korte ng Templo – maniwala at pagpalain, sinasabi ko, ang Panginoon, Na nag-iiwan ng eternal na tanda na ito ng kapatawaran sa atin. Maniwala at pagpalain ang Panginoon, Na pinahihintulutan ang mga, na hindi nakakilala sa Kanya noong Siya ay ang Nazareno, na makilala Siya ngayon na Siya ay ang Salitang nagkatawang-tao Na kasama na muli ang Kanyang Ama. Halikayo at bumahagi. Sinabi Niya: “Siya na kumakain ng Aking laman at umiinom ng Aking Dugo ay magkakaroon ng eternal na Buhay.” At hindi natin naintindihan noon (at si Pedro ay umiiyak muli). Hindi natin naintindihan sapagkat mahina tayo na makaintindi. Ngunit ngayon ang Banal na Espiritu ay pinaliwanagan ang ating katalinuhan, pinalakas ang ating pananampalataya, naglagay ng karidad sa atin, at naiintindihan natin. At sa ngalan ng Kataastaasang Diyos, ng Diyos ni Abraham, ni Jacob, ni Moses, sa kataastaasang pangalan ng Diyos Na nagsalita kay Isaiah, kay Jeremiah, kay Ezekiel, kay Daniel at sa iba pang mga Propeta, sinusumpa namin sa inyo na ito ang katotohanan at nakikiusap kami sa inyo na maniwala, upang kayo ay sana magkaroon ng eternal na Buhay.»

Si Pedro ay puno ng dignidad habang nagsasalita. Wala na sa kanya ang kahit na ano ng kanyang kung baga kagaspangan ng mangingisda ng matagal nang araw. Siya ay umakyat sa isang bangkito upang magsalita at makita at mapakinggan nang mabuti, sapagkat, maliit katulad niya, kung siya ay nanatiling nakatayo sa sahig ng silid, hindi sana siya makikita ng mga nasa malayo, samantalang ibig niyang mangibabaw sa pulutong. Siya ay nagsasalita nang mahinahon, sa tamang tinig, nang may pagkilos ng isang totoong orador. Ang kanyang mga mata, laging nangungusap, ay ngayon mas elokwente kaysa kailanman. Ang pagmamahal, pananampalataya, awtoridad, pagsisisi, lahat sumisinag sa pamamagitan ng kanyang mga mata pinangungunahan at pinalalakas ang kanyang mga salita

Siya ngayon ay nakatapos na sa pagsasalita. Siya ay bumaba mula sa bangkito at dumaraan sa likuran ng malaking mesa, sa espasyo sa pagitan ng mesa at ng pader, at naghihintay.

Sina Santiago at Judas, ibig sabihin ang dalawang anak ni Alfeo at mga pinsan ng Kristo, ay naglalatag na isang maputing tela sa mesa. Upang magawa ito binuhat nila ang malaking mababang kaban, na nasa gitna ng mesa, at nilalatag nila ang napaka pinong linen na tela sa ibabaw din ng takip nito

Ang apostol na si Juan ay pumunta kay Maria at may hinihingi mula sa Kanya. Si Maria ay may inaalis na isang klase ng maliit na susi mula sa Kanyang leeg at ibinigay ito kay Juan. Kinuha ito ni Juan, bumalik sa kaban, binuksan ito, ibinababa ang harapan na takip hanggang lumapat ito sa ibabaw ng mesa at tinatakpan ng ikatlong linen na tela.

Sa loob ng kaban ay may isang pahalang na partisyon na humahati rito sa dalawang  seksiyon. Sa mas mababang seksiyon ay naroon ang isang kalis at ang isang metal na pinggan. Sa mas mataas na seksiyon, sa gitna, ay naroon ang kalis na ginamit ni Jesus sa Huling Hapunan at para sa unang Eukaristiya, ang tira na kasama sa hinati-hati Niya, nakalatag sa isang maliit na pinggan na kasing mahalaga katulad ng kalis. Sa mga tabi ng kalis at ng maliit na pinggan na nakapatong dito, sa isang tabi ay naroon ang korona ng mga tinik, ang mga pako at ang espongha. Sa kabilang tabi ang isa sa mga shroud, nakarolyo, ang belo na ipinamunas ni Nike sa Mukha ni Jesus, at ang isang binigay ni Maria sa Kanyang Anak upang maitali sa Kanyang mga pigi. Sa ibaba ay naroon ang iba pang mga bagay, ngunit dahil ito ay kung baga natatakpan at walang sinuman ang nagsasalita tungkol dito o pinakikita ito, hindi malaman kung anu-ano ito. Ang mga iba pa, sa halip, at maaaring makita, ay pinakikita ni Juan at ni Judas ni Alfeo sa mga taong naroroon, at ang mga tao ay lumuluhod sa harapan ng mga ito. Ngunit ni ang kalis o ang maliit na pinggan ng tinapay ay hinihipo o pinakikita, ni hindi nilaladlad ang Shroud, bagkus tanging ang nakarolyo lamang na tela ang pinakikita, sinasabi kung ano ito. Baka hindi ito nilaladlad ni Juan at ni Judas upang hindi manariwa kay Maria ang malulungkot na alaala ng malulupit na mga pagpapahirap sa Kanyang Anak.

Nang ang bahaging ito ng seremonya ay tapos na, ang mga apostol sa isang koro ay sinasa-awit ang mga panalangin, sasabihin ko ilang mga salmo, sapagkat inaawit nila ito katulad ng  madalas gawin ng mga Hebreo sa kanilang mga sinagoga o sa kanilang mga paglalakbay bilang mga peregrino patungo sa Herusalem para sa mga solemnidad na pinanunúto ng Batas. Ang koro ng mga apostol ay sinasamahan ng pulutong kung kaya't ito ay nagiging mas lalo pang kahanga-hanga.

Sa katapusan naglalabas sila ng ilang tinapay na nasa maliit na pinggan, na nasa mas mababang seksiyon ng kaban, at ilan ding maliliit na amphora, na gawa din sa metal.

Si Juan, na nakaluhod sa kabila ng mesa – samantalang si Pedro ay laging nasa pagitan ng mesa at ng pader, ngunit nakaharap sa pulutong – inaabot ang trey kasama ang tinapay kay Pedro, na tinataas ito at inaalay ito. Pagkatapos pinagpapala niya ito at nilalatag sa ibabaw ng kaban.

Si Judas ni Alfeo, na nakaluhod din sa tabi ni Juan, noong siya naman ang kailangan na kumilos, iniabot kay Pedro ang kalis ng nasa mas mababang seksiyon at ang dalawang amphora na dating malapit sa maliit na pinggan ng tinapay, at si Pedro ay binubuhos ang laman nito sa kalis, na pagkatapos kanyang tinataas at inaalay, katulad ng kanyang ginawa sa tinapay. Pinagpapala din niya ang kalis at nilalapag sa ibabaw ng kaban sa tabi ng tinapay.

Nagsasawika sila ng marami pang mga dasal. Si Pedro ay hinahati-hati niya ang tinapay sa maraming  maliliit na piraso, habang ang mga tao ay nagpapatirapa nang mas lalo pa, at sinasabi niya: «Ito ang Aking Katawan. Gawin ito sa pag-alaala sa Akin».

Siya ay lumabas mula sa likuran ng mesa, dala-dala ang trey na puno ng maliliit na piraso ng tinapay, at bilang unang bagay siya ay pumunta kay Maria at binibigyan Siya ng isang piraso. Pagkatapos pumunta siya sa harapan ng mesa at pinamimigay ang konsagradong Tinapay sa lahat na lumalapit sa kanya upang magkaroon nito. Ilang piraso ng maliliit na tinapay ang naiwan, at nasa trey pa rin, ito ay inilagay sa kaban.

Ngayon kanyang kinukuha ang kalis at pinamimigay ito, laging nagsisimula kay Maria, sa mga naroroon. Si Juan at si Judas ay sinusundan siya dala ang maliit na mga amphora  at dinadagdag nila ang laman kapag ang kalis ay nauubusan, habang si Pedro ay inuulit ang pagtaas, ang pag-aalay at ang pagpapalà upang ikonsagra ang laman.

Kapag ang lahat na humihingi na makatanggap ng Eukaristiya ay nasiyahan na, ang mga apostol ay inuubos ang tinapay at alak na natira. Pagkatapos umaawit silang muli ng isa pang salmo o himno at pagkatapos nito pinagpapala ni Pedro ang pulutong na, pagkatapos ng kanyang pagpapalà, ay umaalis nang unti-unti.

Si Maria, ang Ina, Na laging nananatiling nakaluhod sa loob ng buong seremonya ng konsagrasyon at ng pamimigay ng Tinapay at Alak, ay tumayo at pumunta sa kaban. Yumuyuko Siya sa ibabaw ng mesa na ang Kanyang noo nahihipo ang mas mataas na seksiyon ng kaban, kung saan ang kalis at ang maliit na pinggan na ginamit ni Jesus sa Huling Hapunan ay nakalagay, at hinahalikan Niya ang mga gilid nito. Isang halik na para din sa lahat na mga alaalang bagay na naiipon doon.

011113

 



Sunod na kabanata