638. Ang Banal na Birhen Maninirahan sa Gethsemane Kasama si Juan, na Hinulaan ang Pag-akyat sa Langit kay Maria.

Agosto 21 1951.

¹Si Maria ay nasa loob pa rin ng bahay ng silid ng Hapunan. Ganap na nag-iisa sa Kanyang dating silid. Siya ay nananahi ng ilang napaka pinong linen, katulad ng mahabang makipot na mga mantel ng mesa. Paminsan-minsan tinataas Niya ang Kanyang ulo upang tumingin sa hardin at tantiyahin kung gayon ang oras ng araw sa pamamagitan ng tama ng sinag ng araw sa mga pader. At kung Siya ay makarinig ng isang ingay sa loob ng bahay o sa kalsada, Siya ay nakikinig nang mabuti. Tila may hinihintay Siyang isang tao.

Mga ilang oras ang nakaraan. Pagkatapos nagkaroon ng isang katok sa pinto ng bahay, sinundan ng mga pagkaluskos ng mga sandalyas ng sinuman na nagmamadaling buksan ito. Mga tinig ng kalalakihan ang maririnig sa koridor at ito ay palakas nang palakas at papalapit nang papalapit.

Si Maria ay nakikinig... Pagkatapos Siya ay bumulalas: «Naririto na ba sila?! Ano ba ang nangyari?!» Habang binibigkas pa Niya ang mga salitang ito, may kumatok sa pinto ng Kanyang silid. «Pasok, mga kapatid kay Jesus, Aking Panginoon» tugon ni Maria.

Si Lazarus at si Jose ng Arimathea ay pumasok, at binabati Siya nang may malalim na pagpipitagan sinabi nila: «Pinagpala Kayo sa lahat na mga ina! Ang mga lingkod ng Inyong Anak at aming Panginoon ay binabati Kayo», at nagpapatirapa sila upang halikan ang laylayan ng Kanyang damit.

«Ang Panginoon ay mangyaring lagi ninyong makasama. Para sa anong dahilan, at habang ang pagkaligalig ng mga nang-uusig sa Kristo at sa Kanyang mga tagasunod ay hindi pa tumitigil, na kayo ay nagpunta sa Akin?»

«Una sa lahat ay upang makita Kayo. Sapagkat ang makita Kayo ay ang nakikita pa rin Siya, at kung gayon hindi kami masyadong nalulungkot dahil sa Kanyang pag-alis mula sa Lupa. At pagkatapos upang imungkahi sa Inyo kung ano ang aming mapagpasyahan na gawin, pagkatapos ng isang pagpupulong sa aking bahay ng mga mas mapagmahal at mas matatapat na mga lingkod ni Jesus, Inyong Anak at aming Panginoon» si Lazarus ang tumutugon sa Kanya.

«Sabihin sa Akin. Ang inyong pagmamahal ang magsasalita sa Akin, at sa pamamagitan ng Aking pagmamahal makikinig Ako sa inyo.»

²Si Jose ng Arimathea ay nagsisimula ngayon na magsalita at nagsasabi: «Babae, nalalaman Ninyo at nasabi Ninyo ito, na ang pagkaligalig, at ang mas malala pa, nagpapatuloy pa rin ito laban sa lahat ng naging malapít sa Inyong Anak at sa Diyos, maging sa pamamagitan ng pagkakamag-anak, o pananampalataya, o pagkakaibigan. At nalalaman namin na wala Kayong balak na iwanan ang mga lugar na ito, kung saan Ninyo nakita ang perpektong manipestasyon ng dibino at pagkataong kalikasan ng Inyong Anak, ang Kanyang totál na mortipikasyon, at Kanyang totál na kaluwalhatian, sa pamamagitan ng Kanyang Pasyon at Kamatayan bilang totoong Tao, sa pamamagitan ng Kanyang maluwalhating Resureksiyon at Pag-akyat sa Langit, bilang totoong Diyos. At nalalaman din namin na ayaw Ninyong iwanan ang mga apostol nang nag-iisa, dahil ibig Ninyong maging isang Ina at gabay sa kanila sa kanilang unang mga pagsubok, Kayo, ang  Sentro ng Dibinong Karunungan, Kayo, ang Esposa ng Espiritu Tagabunyag ng Eternal na mga Katotohanan, Kayo, eternal na minamahal na Anak-na-Babae ng Ama Na mula sa eternidad pinili Kayo bilang Ina ng Kanyang Bugtong na Anak, Kayo, ang Ina ng Salitang ito ng Ama, Na tiyak na nagturo sa Inyo ng Kanyang walang-hangganan at pinaka perpektong Karunungan at Doktrina, kahit bago pa man Siya pinanganak sa Inyo, bilang isang nilalang na nabubuo, o Siya ay kasama Ninyo bilang isang Anak Na lumalago sa edad at karunungan hanggang sa Siya ay maging ang Guro ng mga guro. Sinabi sa amin ni Juan noong araw pagkatapos ng unang kahanga-hangang sermon at apostoladong manipestasyon, na nangyari sampung araw pagkaraan ng Pag-akyat sa Langit ni Jesus. Kayo din ay nalaman Ninyo dahil nakita Ninyo ito sa Gethsemane sa araw ng Pag-akyat ng Inyong Anak sa Kanyang Ama, at dahil nasabihan Kayo ni Pedro, ni Juan at ng iba pang mga apostol, na si Lazarus at ako, kaagad pagkatapos ng Kamatayan at Resureksiyon, ay sinimulan ang pagtayo ng isang pader sa paligid ng aking pangkusinang-hardin malapit sa Golgotha at sa Gethsemane sa Mount of Olives, upang ang mga lugar na iyon, napabanal ng Dibinong Dugo ng Martir, na pumatak, sayang!, napainitan ng lagnat sa Gethsemane, at nanigas at namuó sa aking hardin, ay hindi sana malapastangan ng mga kaaway ni Jesus. Ang pader ay natapos na, at kapwa si Lazarus at ako, at ang kanyang mga kapatid kasama niya at ang mga apostol, na labis na maghihirap hindi na Kayo makakasama rito, ay nagsasabi sa Inyo: “Kunin Ninyo bilang tirahan ang bahay nina Jonah at Maria, ang mga tagapag-alaga ng Gethsemane”.

³At sina Jonah at Maria? Ang bahay na iyon ay maliit, at gusto Ko ang pag-iisa. Laging gustung-gusto Ko ito. At mas gusto Kong lalo ito ngayon, sapagkat kailangan Ko ito upang mawala Ako sa Diyos, sa Aking Jesus, upang hindi  sana Ako mamatay sa pighati, bilang hindi Ko na Siya nakakasama rito. Hindi tama na masilayan ng mga mata ng tao ang mga misteryo ng Diyos, sapagkat Siya ay Diyos na ngayon nang higit pa kailanman. Ako Babae, si Jesus Tao. Ngunit ang aming Pagkatao noon, at ngayon, ay iba kaysa sa bawat iba pa, kapwa dahil sa aming inmunidad sa kasalanan, at sa orihinal na kasalanan din, at dahil sa aming relasyon sa Diyos Isa at Sang-tatlo. Kami ay nag-iisa sa mga bagay na ito sa lahat na mga nilalang sa kasalukuyan, nakaraan at hinaharap. Ngayon ang tao, kahit na ang pinaka mabuti at pinaka mahinahon, ay natural at walang-salang mag-uusyoso, lalo na kung siya ay malapit sa mahigit pa sa pangkaraniwan na manipestasyon. At tanging si Jesus at Ako lamang, habang Siya ay noon nasa Lupa pa, ang nakaaalam kung anong mga paghihirap... oo, pati na rin hiya, pagkabalisa, pahirap ay nararanasan kapag ang pag-uusyoso ay nakikialam, nanonood, nag-iispiya sa aming mga lihim sa Diyos. Ito ay kapareho ng kami ay tila inilagay na hubad sa gitna ng isang liwasan. Isipin ang Aking nakaraan, kung gaano Ko laging hinahanap ang kalihiman, katahimikan, gaano Ko laging tinatago, sa ilalim ng hitsura ng pangkaraniwang buhay ng isang mahirap na babae, ang mga misteryo ng Diyos sa Akin. Isipin na, upang hindi Ko maibunyag ito kahit na sa Aking esposong si Jose, kung gaano Ko halos nagawa siya, isang makatarungan na tao, na maging isang di-makatarungan. Tanging ang pakikialam lamang ng anghel ang nakapagpigil sa panganib na iyon. Isipin ang buhay na napaka-aba, tagò, pangkaraniwan, na isinabuhay ni Jesus sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon, kung gaano Siya kadaling humihiwalay at nakapag-iisa noong Siya ay ang Guro. Kinailangan Niyang gumawa ng mga himala at magturo, sapagkat iyon ay ang Kanyang misyon. Ngunit, sinabi Niya Mismo sa Akin, naghirap Siya – isa sa maraming rason para sa kahigpitan at kalungkutan na lumalabas sa Kanyang malaking makapangyarihan na mga mata – naghirap Siya, sinasabi Ko kanina, dahil sa pagbubunyi ng mga pulutong, dahil sa mahigit kumulang na mabuting pag-uusyoso sa kanilang panonood sa bawat aksiyon Niya. Gaano karaming beses Niyang iniutos sa Kanyang mga disipulo at sa Kanyang mga pinagaling nang mahimala, nagsasabing: “Huwag ninyong babanggitin ang inyong nakita. Huwag banggitin kung ano ang Aking ginawa sa inyo”!... Ngayon ayaw Kong may mga mata ng tao na mag-uusyoso sa mga misteryo ng Diyos sa Akin, mga misteryo na tumigil na, kasabay ng pagbalik sa Langit ni Jesus, Aking Anak at Aking Diyos, hindi, bagkus, sa kabaligtaran tumatagal, at sasabihin Ko na ito ay dumarami, salamat sa Kanyang kabutihan, at upang mapanatili Akong buháy, hanggang sa ang oras ay dumating na, na siyang Aking hinihintay-hintay nang labis, na makasama Ko Siya magpasawalanghanggan. ⁴Gusto Kong kasama si Juan lamang. Sapagkat siya ay mahinahon, magalang, nagmamahal kasama Ko katulad ng isa pang Jesus. Ngunit malalaman nina Jonah at Maria....»

Si Lazarus ay pinutol Siya: «Iyan ay nagawa na, o Banal na Ina! Inasikaso na namin iyan. Si Mark, anak ni Jonah, ay kasama sa mga disipulo. Si Maria, kanyang ina at si Jonah, kanyang ama, ay nasa Bethany na.»

«Ngunit ang taniman ng mga punong-olibo? Kinakailangan itong mapangalagaan!» tugon ni Maria sa kanya.

«Kapag panahon lamang na magpungos, mag-araro at mamitas ng mga olibo. Kung kaya't, tanging ilang mga araw lamang taun-taon at magiging mas kakaunting mga araw pa nga, sapagkat sa mga panahon na iyan pasasamahin kay Mark ang aking mga katulong sa Bethany. Kayo, Ina, kung ibig Ninyo kaming gawing masaya, ang aking mga kapatid at ako, ay pupunta sa Bethany sa mga araw na iyon, sa nangungulilang bahay ng Zealot. At tayo ay magiging magkakalapit, ngunit ang aming mga mata ay hindi magkukulang ng paggalang tungkol sa Inyong mga pakikipagkita sa Diyos.»

«Ngunit ang gawaan ng langis?...»

«Nailipat na ito sa Bethany. Ang Gethsemane, ganap na nababakuran, ang ari-arian na mas pang pag-aari ni Lazarus ni Theophilus, ay naghihintay sa Inyo, Maria. At tinitiyak ko sa Inyo na ang mga kaaway ni Jesus, dala ng takot sa Roma, ay hindi mangangahas na lapastanganin ang kapayapaan nito at ang Inyo.»

«O! dahil ganito na ito!» bulalas ni Maria. At dinidiin Niya ang Kanyang mga kamay sa Kanyang dibdib, at tinitingnan sila, nang may hitsura ng halos nagtatalik sa kaligayahan, napaka ligaya nito, na may ngiting anghel sa Kanyang mga labì at may mga luha ng lugod sa Kanyang magagandang pilikmata, Siya ay nagpapatuloy: «Si Juan at Ako! Mag-isa! Kaming dalawa nag-iisa lamang! Nag-iisa! Sa kapayapaan! Sa kapayapaan na iyan!  Kung saan, totoo, na Siya ay naghirap nang labis na Siya ay pinagpawisan ng dugo at  tinanggap Niya ang kataastaasang kapighatiang moral ng masamang halik na iyon at ang unang...» ang isang hikbi at ang isang napaka-sakit na alaala ang nagpatigil sa Kanyang mga salita at nagpabalisa sa Kanyang mukha na, sa loob ng kaunting mga sandali, nagkaroon muli ng kapigha-pighating ekspresyon ng mga araw ng Pasyon at ng Kamatayan ng Kanyang Anak. At pagkatapos pinagpanumbalik Niya ang Kanyang Sarili at nagsabi: «Doon, kung saan Siya bumalik sa walang-hangganang kapayapaan ng Paraiso! Padadalhan Ko kaagad si Maria ni Alfeo ng mga tagubilin na tingnan ang Aking maliit na bahay sa Nazareth, na napakamahal sa Akin, sapagkat ang misteryo ay doon pinangyari at ang Aking esposo, napaka puro at banal, ay doon namatay, at doon si Jesus lumaki. Napakamahal! Ngunit hindi kailanman kasing tulad nang labis ng mga lugar na ito kung saan Niya itinatag ang Ritwal ng mga ritwal, at Siya ay naging Tinapay, Dugo, Búhay para sa mga tao, at Siya ay naghirap at nanubos, at itinatag Niya ang Kanyang Simbahan at, sa pamamagitan ng Kanyang huling pagpapalà, ginawa Niya ang lahat na mga bagay ng Sangnilikha na maging mabuti at banal. Mananatili Ako. Oo. Mananatili Ako rito. Pupunta Ako sa Gethsemane. At mula doon, naglalakad sa labas ng mga pader, makakarating Ako sa Golgotha, at sa iyong pangkusinang-hardin, Jose, kung saan Ako lumuha nang labis, at makakapunta Ako sa bahay mo, Lazarus, kung saan Ako laging nagkaroon ng labis na pagmamahal, sa Aking Anak muna, at pagkatapos para sa Aking Sarili. ⁵Ngunit ibig Kong...»

«Ano, Banal na Ina?» kapwa sila tinanong Siya.

«Gusto Ko rin na makabalik dito. Sapagkat kasama ang mga apostol, nagpasya kami, maliban na kami ay pahintulutan ni Lazarus...»

«Ang lahat na ibig Ninyo, Ina. Ang lahat na mayroon ako, ay sa Inyo. Dati madalas kong sabihin ang ganyan kay Jesus. Ngayon sinasabi ko ito sa Inyo. At kung tinatanggap Ninyo ang aking regalo, ito ay laging ako ang tumatanggap ng isang grasya.»

«Anak, hayaan Akong tawagin kitang ganyan, ibig Kong pahintulutan mo kami na gawin ang bahay na ito, ibig sabihin ang silid Hapunan, na isang lugar para sa mga pagpupulong para sa pangkapatiran na agape.»

«Iyan ay makatarungan. Sa lugar na ito ang Inyong Anak ay itinatag ang bagong eternal na Ritwal, tinatag Niya ang Kanyang bagong Simbahan, itinataas ang Kanyang mga apostol at mga disipulo sa isang bagong Pagiging-Pontipise at Pagpapari. Makatarungan na ang silid na iyon ay dapat na maging ang unang templo ng bagong  relihiyon: ang binhi na bukas ay magiging isang punungkahoy, at pagkatapos magiging isang napakalaking kakahuyan, ang embriyon na bukas ay magiging isang kumpletong mahalagang organismo, at na lálaki pa nang lálaki sa taas, sa lalim at sa lapad, kumakalat sa buong Lupa. Alin na mesa at altar ang mas banal pa kaysa sa kung saan Niya hinati-hati ang Tinapay at ipinatong ang Kalis ng bagong Ritwal, na tatagal nang kasing tagal ng Lupa?»

«Iyan ay totoo, Lazarus. At, tingnan? Para diyan tinatahi Ko ang malinis na mga sapin na linen sa mesa. Sapagkat naniniwala Ako, katulad na walang sinuman ang maniniwala nang may kaparehong lakas, na ang Tinapay at Alak ay Siya, sa Kanyang Laman at sa Kanyang Dugo; Kabanalbanalan at pinaka-inosenteng Laman, nanúnubos na Dugo, binibigay na Pagkain at Inumin ng Búhay sa mga tao. Harinawang ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu ay pagpalain kayo, o mabubuting marurunong na tao, na laging naging maawain sa Anak at sa Kanyang Ina.»

«Kung gayon ito ay napagpasyahan na. Kunin ito. Iyan ang susi na magbubukas sa iba't ibang mga geyt ng bakuran ng Gethsemane. At ito ang susi ng bahay. At maging masaya, hanggang sa ipinagkakaloob ng Diyos sa Inyo na maging masaya at hanggang sa gusto ng aming abang pagmamahal na Kayo ay maging masaya.»

Ngayon na si Lazarus ay nakatapos na sa pagsasalita, si Jose ng Arimathea naman ang nagsabi: «At ito ang susi sa bakuran ng aking pangkusinang-hardin.»

«Ngunit ikaw... mas lalong may karapatan kang pumasok doon!»

«May isa pa akong susi, Maria. Ang mga hardinero ng mga gulay ay isang makatarungan na tao, at gayon din ang kanyang anak. Sila lamang ang matatagpuan Ninyo roon. At kami ay magiging mahinahon at magalang.»

«Harinawang pagpalain ka ulit ng Diyos» pag-ulit ni Maria.

«Salamat sa Inyo, Ina. Ang aming pagmamahal at ang kapayapaan ng Diyos ay sa Inyo, lagi.» Nagpatirapa sila pagkatapos ng huling pagbati, hinahalikan nilang muli ang laylayan ng Kanyang damit at sila ay umalis.

⁶Kalalabas pa lamang nila sa bahay, kung kailangan isa pang malumanay na katok sa pinto ng silid na kinaroroonan ni Maria ang narinig.

«Pasok» sabi ni Maria.

Si Juan ay hindi na hinintay na sabihin pa ulit iyon ni Maria. Siya ay pumasok at isinara ang pinto, medyo nag-aalala. Siya ay nagtanong: «Ano ang gusto nina Jose at Lazarus? Mayroon bang kahit anong peligro?»

«Wala, anak. Nariyan lamang ang kasiyahan ng isang kahilingan Ko. Isang kahilingan Ko at ng ibang mga tao. Nalalaman mo kung gaano si Pedro at si Santiago ni Alfeo, ang una ang Pontipise, ang huli ang ulo ng simbahan ng Herusalem, ay nalulungkot na isipin na mawawala Ako, dahil natatakot sila na hindi nila malalaman kung ano ang kanilang gagawin kung wala Ako. Si Santiago lalo na. Ni kahit ang espesyal na aparisyon ng Aking Anak sa kanya, at ang pagkapili sa kanya sa pamamagitan ng kalooban ni Jesus, ay hindi makapagpaginhawa at makapagpalakas sa kanya. Ngunit ang iba rin!... Si Lazarus ngayon ay napagbibigyan ang pangkalahatan na hiling na ito at ginagawa tayong ang mga panginoon ng Gethsemane. Ikaw at Ako. Ganap na mag-iisa doon. Naririto ang mga susi. At ito ang susi ng pangkusinang-hardin ni Jose... Makakapunta tayo sa Sepulkro, sa Bethany, nang hindi na pumupunta sa bayan... At makakapunta sa Golgotha... At makakapunta rito sa tuwing may pagkakapatiran na agape. Si Lazarus at si Jose ay ipinagkakaloob sa atin ang lahat.»

«Sila ay tunay na dalawang makatarungan na mga tao. Si Lazarus ay tumanggap nang labis kay Jesus. Iyan ay totoo. Ngunit, kahit bago pa man tumanggap, binibigay niya lagi ang lahat kay Jesus. Masaya ba Kayo, Inay?»

«Oo, Juan. Labis! Mabubuhay Ako, hanggang sa tagal ng gusto ito ng Diyos, tinutulungan sina Pedro at Santiago at lahat kayo, at tutulungan Ko ang unang mga kristiyano sa bawat paraan. Kung ang mga Judaean, ang mga Pariseo at ang mga pari ay hindi rin magiging mababangis na hayop sa Akin, katulad na sila ay naging ganyan para sa Aking Anak, maihihinga Ko ang Aking huling hininga kung saan Siya umakyat sa Kanyang Ama.»

«Kayo rin ba ay aakyat sa Langit, Inay.»

«Hindi. Ako ay hindi si Jesus. Ako ay pinanganak sa isang pagkataong pamamaraan.»

«Ngunit walang bahid ng orihinal na kasalanan. Ako ay isang abang mangmang na mangingisda. Magpatungkol sa mga doktrina at mga Iskriptura ang alam ko lamang ay kung ano ang tinuro sa akin ng Guro. Ngunit katulad ko ang isang bata, sapagkat ako ay puro. At kung gayon, baka mas may nalalaman pa ako kaysa sa mga Rabbi ng Israel, sapagkat, iyan ang sinabi Niya, tinatago ng Diyos ang mga bagay sa marunong at binubunyag ito sa maliliit at mga puro, At iyan kung bakit iniisip, o mas mabuti pa, ang pakiramdam ko mapapasa-Inyo ang kapalaran na nagkaroon sana si Eba, kung siya ay hindi nagkasala. At mas lalo pa nga, sapagkat hindi Kayo naging ang esposa ng isang Adan-tao, bagkus ng Diyos, upang ibigay sa Lupa ang bagong Adan na tapat sa Grasya. Ang Tagapaglikha, noong nilalang Niya ang ating unang mga magulang, ay hindi sila itinalagang mamatay, ibig sabihin ang pagkabulok ng pinaka-perpektong katawan na nilikha Niya, at ginawang pinaka-noble sa lahat ng mga katawan ng nilikha, sapagkat iyon ay pinagkalooban ng isang espirituwal na kaluluwa at ng gratis na mga regalo ng Diyos, na sa pamamagitan nito tatawagin silang “inampon na mga anak ng Diyos”, ngunit ang ibig Niya para sa kanila ay ang isang pagdaan lamang mula sa makalupang Paraiso patungo sa isang makalangit. Ngayon Kayo ay hindi kailanman nagkaroon ng kabit anong bahid ng kasalanan sa Inyong kaluluwa. Ni kahit na ang dakilang pangkaraniwang kasalanan, ang pamana ni Adan sa lahat ng mga tao, ang nakaapekto sa Inyo, sapagkat ipinagpaliban Kayo ng Diyos dito sa pamamagitan ng isang bukod-tanging pribilehiyo, katulad na mula sa walang-hanggan, Kayo ay naitalagang maging ang Kaban ng Salita. At ang Kaban, kahit na ang isa na, sayang! walang laman bagkus malamig, tuyo, patay na mga bagay, sapagkat, sa katunayan, ang sambayanan ng Diyos ay hindi nila iyon isinabuhay katulad ng nararapat iyon, ay at kailangan na laging purung-puro.  Ang Kaban purung-puro, oo. Ngunit sa mga taong lumalapit dito, ang Pontipise at mga Pari, sino talaga ang kasing puro Ninyo? Walang sinuman. Iyan kung bakit sa pakiramdam ko Kayo, ang ikalawang Eba, at Eba na tapat sa Grasya, ay hindi nakatalaga sa kamatayan.»

«Ang Aking Anak, ang ikalawang Adan, ang Grasya mismo, laging masunurin sa Kanyang Ama, sa Akin, sa isang perpekto paraan, ay namatay. At anong klaseng kamatayan!»

«Siya ay naparito upang maging ang Tagapagtubos, Inay.  Iniwan Niya ang Kanyang Ama, ang Langit, kinuha Niya ang Laman sa Kanyang Sarili, upang matubos ang mga tao, sa pamamagitan ng Kanyang Sakripisyo, ibigay sa kanilang muli ang Grasya, at pagkatapos itaas silang muli sa ranggo ng mga ampong mga anak ng Diyos, mga tagapagmana ng Langit. Kinailangan Niyang mamatay. At ang Kanyang Kabanalbanalang Pagkatao ay namatay. At Kayo ay namatay sa Inyong puso nakikita ang Kanyang malupit na pahirap at ang Kanyang kamatayan. Naipaghirap na Ninyo ang lahat upang maging ang tagapagtubos kasama Niya. Ako ay isang abang tangang bata, ngunit nararamdaman ko na Kayo, ang totoong Arko ng totoong buháy na Diyos, ay hindi mapapailalim, hindi Kayo maaaring mapailaliman ng pagkabulok. Katulad na prenotektahan at ginabayan ng ulap ng Apoy ng Diyos ang Arko ni Moses patungo sa Lupang ipinangako, ganyang din ang Apoy ng Diyos aakitin Kayo patungo sa Sentro nito. Katulad na ang sanga ni Aaron ay hindi natuyo, hindi namatay, sa kabaligtaran, bagamat pinutol mula sa puno, ito ay nagka-buko, nagka-dahon at namunga at nabuhay sa Tabernakulo, kung kaya't Kayo, pinili ng Diyos sa lahat na mga kababaihan na nabuhay at mabubuhay sa Lupa, ay hindi mamamatay katulad ng isang tanim na natutuyo, bagkus Kayo ay mabubuhay magpasawalanghanggan, kasama ang Inyong buong Sarili, sa Tabernakulo ng Langit. Katulad na ang mga tubig ng Jordan ay nagbukas upang paraanin ang Arko, ang mga tagadala nito at ang lahat na mga tao ay nakaraan sa mga araw ni Joshua, kung kaya't ang mga hadlang na inilagay ng kasalanan ni Adan sa pagitan ng Langit at Lupa ay magbubukas para sa Inyo, at magmula sa mundong ito Kayo ay daraan patungo sa eternal na Langit. Nakatitiyak ako tungkol diyan. Sapagkat ang Diyos ay makatarungan. At ang dekreto na pinalabas ng Diyos para sa mga walang pamana o kinusang kasalanan sa kanilang mga kaluluwa ay para sa Inyo.»

«Iyan ba ay binunyag sa iyo ni Jesus?»

«Hindi, Inay. Ang Espiritung Paraklito ay sinabi sa akin, Siya Na sinabi ng Guro sa amin na magbubunyag sa amin ng tungkol sa mga bagay sa hinaharap at lahat na katotohanan. Ang Tagapagpaginhawa ay nagsasabi na sa aking espiritu, upang hindi maging masyadong mapait para sa akin ang isipin na mawala Kayo, banal na Ina, Na aking minamahal at pinagpipitagan katulad at mas mahigit pa kaysa sa aking sariling ina, dahil sa Inyong ipinaghirap, dahil kayo ay mabuti at banal, mas mababa lamang sa Inyong Kabanalbanalang Anak sa lahat na mga Santo sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ang pinakadakilang Santo.» At si Juan, lubos na naaantig, ay pinagpapatirapa ang sarili pinagpipitaganan Siya.

011313

 



Sunod na kabanata