639. Ang Banal na Birhen at si Juan sa mga Lugar ng Pasyon.

Septyembre 8, 1951.

¹Pagsikat ng araw. Isang maliwanag na pagsikat ng araw ng tag-init. Si Maria, kasama ang tapat na si Juan, ay iniiwan ang maliit na bahay sa Gethsemane at naglalakad nang mabilis sa tahimik na disyertong taniman ng mga  punong-olibo. Tanging ang pag-awit lamang ng ilang ibon at ang pagsiyap ng mga inakay ang sumisira sa malalim na katahimikan ng lugar.

Si Maria nang walang pag-aalinlangan ang Kanyang mga paghakbang ay patungo sa bato ng Aguniya. Siya ay lumuhod sa tabi nito, hinahalikan Niya ang ilang maninipis na bitak kung saan nagpapakita pa ito ng kalawanging-pulang mga bakas ng Dugo ni Jesus, na sumingit at nanigas doon, hinahaplos Niya ito, na tila hinahaplos pa rin Niya ang Kanyang Anak o ang bahagi Niya. Si Juan, nakatayo sa likuran Niya, ay pinapanood Siya at umiiyak nang tahimik, pinupunasan nang mabilis ang kanyang mga mata kapag si Maria ay tila tatayo, tinutulungan pa nga niya Siya na makatayo, at ginagawa niya ito nang may labis na pagmamahal, pagpipitagan at habag.

Si Maria ngayon ay patungo na sa bukas na lugar kung saan si Jesus hinuli. Doon din Siya ay lumuhod at yumuyuko Siya upang halikan ang lupa, pagkatapos na matanong si Juan: «Ito ba ang eksaktong lugar ng nakapangingilabot na masamang halik, na nagkuntamina sa lugar na ito nang higit pa kaysa sa paglapastangan sa makalupang Paraiso ng masagwang nagpaparuming pakikipagusap ng Serpiyente kay Eba?» Siya pagkatapos ay tumayo nagsasabing: «Ngunit hindi Ako si Eba. Ako ang Babae ng Ave. Binaligtad Ko ang mga bagay. Si Eba ay itinapon niya ang pag-aari ng Langit sa maruming putik. Ako tinanggap Ko ang lahat: ang di-pagkaintindi, pamimintas, pagsospetsa, kapighatian – gaano karaming mga kapighatian at kung gaano karaming klase, bago ang kataastaasan na kalungkutan – upang maalis sa maruming pulasì kung ano ang itinapon nina Eba at Adan dito, at itinaas itong muli patungo sa Langit. Ang dimonyo ay hindi nakapagsalita sa Akin, bagamat sinubukan niya, katulad ng kanyang ginawa sa Aking Anak upang masira nang ganap ang plano na panunubos. Hindi siya nakapagsalita sa Akin, sapagkat isinara Ko ang Aking mga tainga sa kanyang tinig at ang Aking mga mata sa kanyang paningin, at higit sa lahat isinara Ko ang Aking puso at ang Aking espiritu laban sa bawat atake ng kung ano ang hindi banal at puro. Ang Aking malinaw na kaakuhan, ngunit ito, katulad ng isang purong diyamante, ay hindi makakaskasan, ay nagbukas lamang sa nagbabalitang Anghel. Ang Aking mga tainga ay ang espirituwal na tinig lamang na iyan ang pinakikinggan, kung kaya't naisa-ayos at naitayo Kong muli kung ano ang nasalanta at nasira ni Eba. Ako ang Babae ng Ave at ng Fiat. Ibinalik Ko ang kaayusan na binalisa ni Eba. At ngayon maaalis Ko at mahuhugasan Ko sa pamamagitan ng Aking halik at ng Aking mga luha ang impresyon ng isinumpang halik na iyon at ang kuntaminasyon na iyon. Ang pinaka malalâ sa kanilang lahat, sapagkat iyon ay ginawa hindi ng isang nilalang sa isang nilalang, bagkus ng isang nilalang sa kanyang Guro at Kaibigan, sa kanyang Tagapaglikha at Diyos.»

Pagkatapos Siya ay nagpatungo sa geyt, na binuksan ni Juan. Lumabas silang magkasama mula sa Gethsemane, bumaba sila patungo sa Kidron, tinawid nila ang maliit na tulay, at doon si Maria rin ay lumuhod upang halikan ang pangkabukiran na barandilya ng tulay, sa lugar kung saan ang Kanyang Anak ay doon bumagsak. Sinabi Niya: «Ang bawat lugar kung saan Niya ipinaghirap ang kataastaasang mga kapighatian at pang-aabuso ay sagrado sa Akin. Gusot Ko ang lahat na nasa Aking maliit na silid. Ngunit hindi posibleng makuha ang lahat!»

²Nagbubuntung-hininga Siya at pagkatapos nagsabi: «Magpatuloy tayo nang mabilis, bago maglabasan ang mga tao.» At nasa daan na muli Siya kasama si Juan.

Hindi Siya pumapasok sa bayan. Nagpapanabi sila sa Hinnom valley at sa mga kuweba kung saan nakatira ang mga ketongin. Itinataas Niya ang Kanyang mga mata patungo sa mga kuweba ng kapighatian na iyon. Tumango Siya kay Juan at kaagad siyang naglatag ng makakain na dala niya sa kanyang bag sa ibabaw ng isang bato, sabay na sumisigaw upang tawagin sila. Ilang mga ketongin ang dumungaw at ang iba ay lumalapit sa bato pinasasalamatan sila. Ngunit wala sa kanila ang humingi na mapagaling. Napuna ito ni Maria at nagsabi: «Alam nila na Siya ay wala na rito at nagimbal katulad nila sa Kanyang nakapangingilabot na Kamatayan, hindi na sila magkaroon ng pananampalataya sa Kanya at sa Kanyang mga disipulo. Dalawang beses na di-masaya! Dalawang beses na mga ketongin! Dalawang beses! Hindi, mahigit pa, ganap na pagka-di-masaya, mga ketongin, patay! Kapwa sa Lupa at sa susunod na mundo.»

«Susubukan ko ba at magsalita sa kanila, Inay?»

«Walang silbi ito! Si Pedro, si Judas ni Alfeo, si Simon Zealot ay sinubukan nila... At sila ay hinamak nila. Si Maria ni Lazarus ay dumating, dahil lagi niya silang tinutulungan sa pag-alaala kay Jesus, at siya ay hinamak din. Si Lazarus ay pumunta rin, kasama si Jose at si Nicodemus, upang kumbinsihin sila na Siya ay ang Kristo, sinasabi sa kanila ang tungkol sa kanyang resureksiyon na ginawa ni Jesus, pagkatapos ng apat na araw na nasa sepulkro, at ang tungkol sa resureksiyon ng Tao-Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang sariling kapangyarihan, at ang tungkol sa Kanyang Pag-akyat sa Langit. Ang lahat na iyon ay sayang lang. Ang tugon nila: “Mga kasinungalingan. Ang mga nakaaalam sa katotohanan ay nagsasabing iyon ay  mga kasinungalingan”...»

«At iyon ay tiyak na ang mga Pariseo at ang mga pari. Sila ang mga nagtatrabaho upang sirain ang pananampalataya sa Kanya. Natitiyak ko na sila iyon!»

«Maaari, Juan. Tiyak na na ang mga ketongin na hindi nakumberti noon, sa harapan ng mga himala ni Jesus, ay makukumberti pa. Hindi na. Isang tanda at simbolo ng lahat na mga na, sa buong mga panahon, ay hindi makukumberti sa Kristo, at sa pamamagitan ng kanilang sariling malayang kalooban, ay magiging mga ketongin ng kasalanan, patay sa Grasya, na siyang ang Buhay, ang simbolo ng lahat ng mga para kung kanino Siya ay namatay nang walang kabuluhan... At sa gayong pamamaraan!...» at Siya ay umiiyak, nang tahimik, nang walang paghikbi, ngunit may isang tunay na pagbuhos ng mga luha.

Si Juan ay inakay Siya sa kamay noong si Maria, upang maitago ang Kanyang mga luha sa mga nagdaraan na nakatingin sa Kanya, ay tinakpan ang Kanyang mukha sa pamamagitan ng Kanyang belo. Si Juan, habang inaakay Siya nang mapagmahal, ay nagsabi sa Kanya: «Hindi posible para sa Inyong mga luha, para sa Inyong mga panalangin, para sa Inyong, higit pa lalo, para sa Inyo at kay Jesus na pagmamahal para sa lahat na mga tao – na hindi mamunga. Magkaroon ng pag-asa, Inay! Ang mga tao ay binigyan Kayo at bibigyan pa Kayo ng labis na kapighatian, ngunit bibigyan din Kayo ng pagmamahal at lugod. Sino ba ang hindi magmamahal sa Inyo, kapag makapakinig siya ng tungkol sa Inyo? Ngayon dito Kayo ay hindi kilala, ang mundo ay walang nalalaman tungkol sa Inyo. Ngunit kapag makaalam ang Lupa, sapagkat naging Kristiyano na ito, gaanong pagmamahal ang darating sa Inyo! Natitiyak ko, o banal na Ina.»

³Ang Golgotha ngayon ay malapit na, at ang pangkusinang-hardin ni Jose ay lalong mas malapit. Noong marating nila ang huli, si Maria ay hindi pumapasok. Pumunta muna Siya sa Golgotha. At sa mga lugar kung saan nangyari ang partikular na mga episodyo sa loob ng Pasyon, ibig sabihin, sa mga lugar ng Kanyang mga pagbagsak, ng Kanyang pagkatagpo kay Nike at sa Kanya rin, Siya ay lumuluhod at hinahalikan Niya ang lupa.

Noong makarating Siya sa tuktok, ang Kanyang paghalik ay naging mas madalas sa lugar ng Krusipiksiyon. Mga halik at mga luha, ang una halos nanginginig, ang huli mas kalmante, ngunit kasing kapal ng ulan, ang bumabagsak sa manilaw-nilaw na lupa binabasa ito at ginagawa ang manilaw-nilaw na kulay na maging mas madilim.

Isang maliit na tanim ang tumubo kung saan lamang naitambak ang hinukay na lupa upang may butas na mapasakan ang krus, isang abang layas na maliit na tanim, na may hugis puso na mga dahon at maliliit na bulaklak kasing pula ng mga rubi. Si Maria ay tinitingnan ito, Siya ay napag-isip, pagkatapos inaalis Niya ito nang maingat mula sa lupa na may kaunting buhaghag na lupa, inilagay Niya ito sa laylayan ng Kanyang manta, nagsasabi kay Juan: «Ilalagay Ko ito sa isang plorera. Nakakamukha ito ng Kanyang dugo, at ito ay tumubo mula sa lupa na naging mapula sa Kanyang Dugo. Ito ay tiyak na isang butil na nadala ng ipu-ipo ng hangin ng araw na iyon, nanggaling ito sa kung sino ang nakaaalam kung saan at bumagsak doon sino ang nakaaalam kung bakit, upang magkaugat sa alikabok na napataba ng Dugo na iyon. Sana ganito nga ito para sa lahat na mga kaluluwa! Bakit ang karamihan sa kanila ay mas nag-aalinlangan kaysa sa tigang at isinumpang lupa ng Golgotha, ang lugar ng pahirap para sa mga mandarambong at mga mamamatay-tao, at ng mamamatay ng diyos ng isang buong sambayanan? Isinumpa? Hindi. Napabanal Niya ang alikabok na ito. Ang isinumpa ng Diyos ay ang mga gumawa sa burol na ito na maging ang lugar ng pinaka nakapangingilabot, di-makatarungan, nanlalapastangang krimen na makikita kailanman sa Lupa.» ngayon ang Kanyang mga hikbi ay nasasamahan ng Kanyang mga luha.

Si Juan ay niyayakap ang Kanyang mga balikat sa pamamagitan ng kanyang kamay, upang maramdaman Niya ang lahat ng kanyang pagmamahal, at kinukumbinsi niya Siya na iwanan ang lugar na iyon, na napaka nakapamimighati para sa Kanya.

⁴Bumaba ulit sila sa paanan ng burol. Pumunta sila sa pangkusinang-hardin ni Jose. Ang Sepulkro ay pinakikita nito ang loob na may isang malapad na butas, hindi na nahaharangan ng bato, na nakahiga pa rin na patihaya sa lupa sa damuhan. Ang loob ay walang laman. Ang lahat na bakas ng paglalatag sa katawan ni Jesus at ng Kanyang Resureksiyon ay wala na. Nagmumukha itong isang sepulkro na hindi kailanman nagamit.

Si Maria ay hinahalikan Niya ang bato ng unsiyon, tinitingnan Niyang may pagmamahal ang mga pader. Pagkatapos tinanong Niya si Juan: «Sabihin mo sa Aking muli kung papaano mo natagpuan ang mga bagay dito, noong pumunta ka rito kasama si Pedro noong pagsikat-ng-araw ng Resureksiyon.»

At si Juan, paparoo’t parito, sa labas at sa loob ng Sepulkro, ay sinasalarawan kung papaano ang mga bagay noon at kung ano ang kanyang ginawa at ni Pedro, at nagtatapos siya sa pagsasabing: «Kinuha sana namin ang mga linen. Ngunit kami ay balisang-balisa ng lahat ng mga pangyayari ng mga araw na iyon, na hindi namin naisip ang tungkol diyan.. Noong kami ay bumalik dito, ang mga linen ay wala na rito.»

«Ang mga taga-Templo ay maaaring kinuha ang mga iyon, upang lapastanganin iyon» sabi ni Maria pinuputol siya at umiiyak. At nagtatapos Siya: «Ni kahit si Maria ng Magdala ay hindi naisip na kunin ang mga iyon upang maibigay sa Akin. Siya ay balisang-balisa rin.»

«Ang Templo? Hindi. Sa palagay iyon ay kinuha ni Jose.»

«Sinabi sana niya sa Akin... O! ang mga kaaway ni Jesus ay maaaring kinuha iyon para sa huling insulto!» sabi ni Maria umuungol.

«Huwag umiyak, huwag nang maghirap pa. Siya ngayon ay nasa Kanya nang kaluwalhatian. Sa walang-hangganan na perpektong pagmamahal.»

«Iyan ay totoo. Ngunit ang mga linen na iyon...»

«Iyon ang magiging dahilan ng kapighatian sa Inyo, katulad ng unang Shroud, na wala Kayong lakas na iladlad, sapagkat bukod sa bakas ng Kanyang Dugo, naroon din ang maruruming bagay na itinapon sa Kabanalbanalang Katawan na iyon.»

«Ang shroud na iyon, oo. Ngunit ang mga linen na ito, hindi. Sinipsip nito ang pumatak mula sa Kanya noong hindi na Siya naghihirap... O! hindi mo maintindihan!»

«Nakikita ko, Inay. Ngunit hindi ko naisip na Kayo, Na tiyak na hindi nakahiwalay mula sa Kanya Diyos, katulad na kami ay nakahiwalay, at lalo na ang simpleng mga naniniwala sa Kanya, ay nararamdaman nang napakalakas ang mithiin, mas lalo na, ang pangangailangan na magkaroon ng kahit ano tungkol sa Kanya, ang pinahirapang Tao. Patawarin ang aking katangahan. Halikayo.... babalik tayo ditong muli. Umalis na tayo, sapagkat mas lalo nang tumataas ang araw, ito ay malakas, at mahaba ang daan na lalakarin natin upang maiwasan ang bayan.»

«Sila ay lumabas sa Sepulkro, at pagkatapos sa pangkusinang-hardin, at dumaraan muli sa dating daan nang kanilang pagparito, bumabalik sila sa Gethsemane. Si Maria ay naglalakad nang mabilis at tahimik, ganap na nakabalot sa Kanyang manta. Mayroon lamang Siyang pagkasuklam at takot nang dumaraan Siya malapit sa taniman ng mga punong-olibo kung saan binigti ni Judas ang sarili at sa malapit sa pangkabukiran na bahay ni Caiaphas, at Siya ay bumubulong: «Dito kinumpleto niya ang kanyang kapahamakan ng isang ayaw-magsising kaluluwa na desesperado, at doon niya tinapos ang sabwatan.»

011413

 



Sunod na kabanata