640. Ang Dalawang Shroud ng Panginoon.

Oktubre 5, 1951.

¹Gabi ngayon. Ang buwan, nasa kanyang pinakamataas na lugar, sa pamamagitan ng kanyang malaplatang liwanag ay pinaliliwanag ang buong Gethsemane at ang maliit na bahay nina Maria at Juan. Ang lahat ay tahimik. Kahit na ang Kidron, na naging isang pinong agos ng tubig, ay walang ingay.

Nang bigla na lamang ang isang pagkaluskos ng mga sandalyas ay narinig sa malalim na katahimikan at ito ay mas lalu’t lalo pang naging malinaw at malapit, at kasama nito ang pagbubulungan ng ilang mga tinig ng mga lalaki. Pagkatapos tatlong tao ang lumitaw mula sa kumpol ng mga punungkahoy at ang kanilang paghakbang ay patungo sa maliit na bahay. Kumatok sila sa pinto.

Isang lampara ang sinindihan at isang mahinang kumukurap-kurap na liwanag ang tumatagos sa isang bitak sa pintuan. May isang kamay ang nagbubukas, isang ulo ang sumisilip, isang tinig, kay Juan, ang nagtanong: «Sino kayo?»

«Si Jose ng Arimathea. At kasama ko ay si Nicodemus at si Lazarus. Ang oras ay hindi maganda. Ngunit ang kahinahunan ay ipinilit ito sa amin. May dala kaming isang bagay para may Maria at si Lazarus ay sinamahan kami.»

«Pasok. Pupunta ako at tatawagin Siya. Siya ay hindi natutulog, Siya ay nagdarasal sa itaas doon, sa loob ng Kanyang maliit na silid, sa terasa. Gustung-gusto Niya iyon!» sabi ni Juan, at mabilis niyang inakyat ang maliit na hagdanan na magdadala sa terasa at sa silid.

Ang tatlo, na nananatili sa kusina, ay nag-uusap-usap sa mabababang tinig, sa loob ng malabong liwanag ng lampara, magkakalapit sa mesa, nakabalot pa rin sa kanilang mga manta, maliban sa kanilang mga ulo, na kanilang inalisan ng saklob.

²Si Juan ay pumasok muli kasama si Maria, Na binabati ang tatlo nagsasabing: «Kapayapaan sa inyong lahat.»

«At sa Inyo, Maria» tumugon silang yumuyukod.

«Mayroon bang kahit anong panganib? May nangyari bang kahit ano sa mga lingkod ni Jesus?»

«Wala, Babae. Nagpasya kaming pumarito upang ibigay sa Inyo ang isang bagay na – ngayon alam na namin nang may katiyakan, ngunit nagkaroon na kami ng pag-alala tungkol doon – ibig Ninyong makuha. Hindi kami pumunta kaagad, sapagkat nagkaroon sa amin ng magkakaibang mga idea, at sa pagitan din namin at ni Maria ni Lazarus. Si Martha ay hindi nagpahayag ng kanyang opinyon tungkol sa bagay na ito. Sinabi lamang niya: “Ang Panginoon, maging ito man ay diretso, o sa pagpasigla sa ibang mga tao na magsalita, ay sasabihin sa inyo ang kailangang gawin”. At, sa katunayan, kami ay nasabihan kung ano ang gagawin. At iyan kung bakit kami ay naparito» paliwanag ni Jose.

«Ang Panginoon ba ay nagsalita sa inyo? Siya ba ay pumunta sa inyo?»

«Hindi, Ina. Siya ay hindi na uli pumupunta, pagkaraan ng Kanyang Pag-akyat sa Langit. Dati, oo. Nagpakita Siya sa amin, at sinabi namin sa Inyo, sa isang sobrenatural na paraan, pagkatapos ng Kanyang resureksiyon, sa loob ng aking bahay. Noong araw na iyon nagpakita Siya sa maraming mga tao, nang sabay-sabay, upang magbigay ng katibayan tungkol sa Kanyang Dibinidad at sa Kanyang Resureksiyon. Pagkatapos nakita namin Siyang muli habang nananatili Siyang kasama ang mga tao, ngunit hindi na sa isang sobrenatural na paraan, bagkus katulad ng nakita Siya ng mga apostol at mga disipulo» sabi ni Nicodemus tumutugon sa Kanya.

«Kung gayon? Papaano Niya pinaabot sa inyo ang daan na kailangan ninyong sundan?»

«Sa pamamagitan ng mga salita ng isa sa Kanyang mga paborito at mga hahalili.»

«Si Pedro? Hindi sa palagay Ko. Siya ay takot na takot pa rin, kapwa tungkol sa kanyang nakaraan at sa kanyang bagong misyon.»

«Hindi, Maria, hindi si Pedro, na, bagamat, ay palakas na nang palakas ang kompiyansa at, ngayon na nalalaman na niya kung para sa anong pakay ni Lazarus gagamitin ang bahay ng silid Hapunan, ay nagpasyang simulan ang regular na mga agape at ipagdiwang nang regular ang mga misteryo sa araw pagkatapos ng bawat Sabbath. Sapagkat sinasabi niya na iyan na ang araw ng Panginoon, dahil sa araw na iyon Siya bumangon mula sa kamatayan at nagpakita sa maraming tao upang kumpirmahan sila sa kanilang pananampalataya sa Kanyang eternal na Kalikasan ng Diyos. Wala nang Sabbath pa, katulad na ito ay ganito para sa mga Hebreo baka mula pa noong Shabuoth¹. Wala na ang Sabbath, sapagkat wala na ang sinagoga para sa mga Kristiyano, bagkus ang Simbahan, katulad ng hinulaan ng mga propeta. Ngunit mayroon pa rin, at laging magkakaroon, ng araw ng Panginoon, sa pag-alaala sa Tao-Diyos, sa Guro, sa Tagapagtayo, sa eternal na Pontipise, pagkatapos ng pagiging ang Tagapagtubos, ng Simbahang Kristiyano. Kung kaya't mula sa araw pagkatapos ng susunod na Sabbath magkakaroon ng mga agape sa pagitan ng mga Kristiyano, at magiging marami sila, sa bahay ng Hapunan na silid. Na hindi posible noon, kapwa dahil sa kapootan ng mga Pariseo, mga Pari, mga Saduseo at mga eskriba, at dahil sa pansamantalang pagkakawatak-watak ng mga tagasunod ni Jesus, nayanig ang kanilang pananampalataya sa Kanya at natakot ng kapootan ng mga Judaean. Ngunit ngayon ang mga napopoot sa atin, kapwa dahil sa kanilang takot sa Roma, na nakakita ng pagkakamali sa inasal ng Proconsul, at ng mga pulutong, at dahil iniisip nila na ang “pananabik ng mga panatiko” ay tapos na – ganyan kung papano nila sabihin ang pananampalataya ng mga Kristiyano sa Kristo, dahil sa panandalian na pagkakawatak-watak ng mga naniniwala, talagang sandaling pagkakawatak-watak at ngayon ganap na tapos na, sapagkat ang lahat na mga tupa ay nakabalik na sa Kawan ng totoong Pastol – ay hindi na nila tayo pinagmamanmanan, sasabihin ko na hindi sila nagkaka-interes dito, na tila iyon ay isang patay nang bagay na nagkaroon na ng katapusan. At napahihintulutan tayo niyan na magpulong para sa mga agape.

³Ibig namin na mapasa-Inyo, magpatungkol din sa nauna, ang ala-alang ito Niya na maipakita sa mga naniniwala, upang makumpirmahan sila sa kanilang pananampalataya, nang hindi Kayo nito napamimighati nang labis.» At si Jose ay inaabot sa Kanya ang isang matambok na rolyo, na nababalot ng isang madilim na pulang tela, na kanyang tinatago magpahanggang ngayon sa ilalim ng kanyang manta.

«Ano iyan?» tanong ni Maria, nagiging maputla. «Baka kaya, ang Kanyang mga damit? Ang isang Aking ginawa para sa Kanya para sa... O!...» Nagsasalita Siyang umiiyak.

«Kahit anong ibayad namin hindi na namin iyon matagpuan. Sino ang nakaaalam kung papaano at saan iyon nagtapos!» tugon ni Lazarus. At dinagdag niya: «Ngunit ito ay Kanya ring suot. Kanyang huling suot. Ito ang malinis na Shroud kung saan ang kapurupuruhang Panginoon ay ibinalot pagkatapos ng pahirap sa Kanya at pagkatapos ng bagamat madaliang puripikasyon at pag-embalsamo ng Kanyang mga galamay na dinumihan ng Kanyang mga kaaway. Noong Siya ay nakabangon, kinuha ni Jose ang dalawa mula sa Sepulkro at dinala iyon sa amin sa Bethany upang maiwasan ang mapaglapastangang  pag-abuso sa kanila. Ang mga kaaway ni Jesus ay hindi labis na mangangahas sa bahay ni Lazarus. At lalo pa noong malaman nila na ang Roma ay kinukontrulan ang aksiyon ni Poncio Pilato. Pagkatapos pagkaraan ng unang mga araw, ang pinaka mapanganib na mga araw, binigay namin sa Inyo ang unang Shroud, at si Nicodemus ay kinuha ang isa at dinala iyon sa kanyang bahay sa bukid.»

«Talaga, Lazarus, pag-aari sila ni Jose» wika ni Maria.

«Iyan ay totoo, Babae. Ngunit ang bahay ni Nicodemus ay sa labas ng bayan, kaya hindi iyon napapansin nang labis at mas ligtas iyon para sa iba pang mga rason» tugon ni Jose sa Kanya.

«Oo, lalo na mula nang si Gamaliel kasama ang kanyang anak ay madalas bumisita roon» dagdag ni Nicodemus.

⁴«Si Gamaliel?»  bulalas ni Maria labis na nasorpresa.

Hindi mapigilan ni Lazarus na ngumiting may panunuya habang tumutugon siya sa Kanya: «Oo. Ang tanda, ang alam-ng-lahat na tanda na kanyang hinihintay, upang maniwala na si Jesus ay ang Mesiyas, ay nayanig siya. Walang makatatanggi na ang tanda ay gayon na lamang na madurog nito ang may pinaka-matigas na mga ulo at mga puso at gawin silang sumuko. At si Gamaliel ay nayanig, nadurog at nagiba ng pinakamalakas na tanda, nang mahigit pa sa mga bahay na bumagsak noong Araw ng Preparasyon, habang ang mundo ay tila namamatay kasama ng Dakilang Biktima. Ang paninisi ng konsiyensya ay winasak siya, nang higit pa sa pagkawasak ng belo ng Templo, ang paninisi para sa hindi pagka-intindi kay Jesus kung ano talaga Siya. Ang saradong sepulkro ng kanyang espiritu ng isang matandang may-katangahang katigasan ng ulo na Hudyo ay bumukas, katulad ng mga libingan na bumukas upang lumitaw ang mga katawan ng makatarungan, at siya ngayon ay nananabik hinahanap ang katotohanan, ang liwanag, ang kapatawaran, ang buhay. Ang bagong buhay. Ang isa na tanging sa pamamagitan lamang ni Jesus at kay Jesus lamang makukuha. O! kakailanganin pa niyang magtrabaho nang husto upang malinis nang ganap ang kanyang lumang kaakuhan ng eskombro ng kanyang nakaraang pamamaraan ng pág-iisíp! Ngunit siya ay magtatagumpay. Naghahanap siya ng kapayapaan, kapatawaran at kaalaman. Kapayapaan para sa pangungutya ng kanyang konsiyensya at kapatawaran para sa kanyang katigasan ng ulo. At ganap na kaalam tungkol sa Kanya Na, noong magagawa niya, hindi niya ginustong malaman nang ganap. At pumupunta siya kay Nicodemus upang maabot ang tinatangka na ngayon determinado siyang maabot.»

«Nakatitiyak ka ba na hindi ka niya pagtataksilan, Nicodemus?» tanong ni Maria.

«Hindi. Hindi niya ako pagtataksilan, Matapos man ang lahat siya ay isa lamang tao. Alalahanin na naglakas-loob siyang igiit ang kanyang sarili sa Sanhedrin, sa loob ng masamang paglilitis na iyon, at na lantaran na pinakita niya ang kanyang pagka-inis at pagkasuklam sa di-makatarungan na mga hukom, sa pamamagitan ng pag-alis at utusan ang kanyang anak na umalis upang hindi maging isang kasabwat, ni sa pamamagitan ng isang walang-kibong presensya, sa kataastaasang krimen na iyon. Iyan ang magpatungkol kay Gamaliel. ⁵Pagkatapos, ang magpatungkol sa mga Shroud, sa dahilan na ako ay hindi na isang Hebreo at dahil diyan hindi na napaiilaliman ng mga pagbabawal ng Deuteronomio tungkol sa inukit na mga imahen at mga minolde, iniisip ko ang gumawa ng isang estatuwa ni Jesus na ipinako sa krus, hanggang sa magagawa ko – gagamitin ko ang isa sa aking malalaking sedro ng Lebanon – at ang itago ang isa sa mga Shroud sa loob nito, ang unang Shroud, kung Kayo, Ina, ay ibibigay Ninyo ulit iyon sa amin. Lagi Kayong masasaktan nang labis na makita iyon, sapagkat ang karumihan na sa pamamagitan nito hinampas ng Israel ang Anak ng Diyos ay kitang-kita roon. Mahigit pa rito, sigurado dahil ang paggalaw na tinanggap nito pagbaba mula sa Golgotha, mga paggalaw na patuloy na pinagagalaw ang pinahirapan na Ulo, ang imahe ay nakakalitong tingnan na mahirap itong makilala. Ngunit ang tela na iyon, bagamat ang imahe ay nakakalito at iyon ay marumi, ay laging mahal at sagrado sa akin, sapagkat naroon lagi ang ilan ng Kanyang dugo at pawis. Nakatago sa sepulkrong iyon iyon ay magiging laging ligtas, sapagkat walang Israelita ng matataas na kasta ang maglalakas-loob na humipo ng isang inukit. Ngunit ang isa pa, ang ikalawang Shroud, na nakabalot sa Kanya mula sa gabi ng Araw ng Preparasyon hanggang sa pagsikat-ng-araw ng Resureksiyon, ay kailangan na mapasa-Inyo. At – binabalaan ko Kayo upang hindi Kayo masyadong maapektuhan na nakikita ito – at kailangan na masabihan Kayo na habang mas dumaraan ang araw, mas lalong nagiging maliwanag ang labas ng Kanyang imahe, katulad na siyang labas Niya pagkatapos na mahugasan. Noong kinuha namin ito mula sa Sepulkro, tila nakuha lamang nito ang impresyon ng mga galamay Niya na napahiran ng mga langis, at, nakahalo sa mga ito, ang daan ng daloy ng dugo at serum mula sa napakaraming sugat. Ngunit sa pamamagitan ng isang natural na proseso o, na siyang mas tiyak, sa pamamagitan ng isang sobrenatural na kalooban, isang himala Niya upang makapagbigay ng lugod sa Inyo, habang dumaraan ang panahon, mas lalong nagiging eksakto at malinaw ang impresyon. Siya ay naroroon sa tela, makisig, kahanga-hanga, kahit na kung sugatán, banayad, mapayapa, pagkatapos din ng napakaraming mga pahirap. May lakas-ng-loob ba Kayong makita ito?»

«O! Nicodemus! Iyan ang kataastaasan Kong mithiin! Sinasabi mo na ang Kanyang hitsura ay mapayapa... O! ang makita Siyang ganyan, hindi nang may pinahihirapan na ekspresyon na nasa belo ni Nike!» tugon ni Maria, pinagdadaop ang Kanyang mga kamay nakadiin sa Kanyang puso.

⁶Pagkatapos ang apat ay tinutulak ang mesa upang magkaroon ng mas malaking espasyo; pagkatapos, habang sina Lazarus at Juan ay nakatayo sa isang tabi, sina Nicodemus at Jose sa kabilang tabi, unti-unti nilang nilaladlad ang mahabang tela. Ang panlikod na tabi ang unang nakikita, nagsisimula sa mga paa; pagkatapos matapos makita ang quasi-junction ng mga ulo, ang harapang tabi. Ang mga linya ay kitang-kita, at malinaw ang mga tanda, ang lahat na tanda ng paghahagupit, pagkorona ng mga tinik, pagkuskos ng krus, mga pasang gawa ng mga palô o ng mga pagbagsak, at ang mga sugat ng mga pako at ng sibat.

burial shroud1                                    burial shroud2

Si Maria ay bumagsak sa Kanyang mga tuhod, hinahalikan Niya ang tela, hinahaplos Niya ang mga bakat na iyon, hinahalikan Niya ang mga sugat. Siya ay naghihirap ang damdamin, ngunit kitang-kita na masaya na makuha ang sobrenatural na mahimalang imahe  ni Jesus.

Nang Siya ay makatapos na pagpitaganan iyon, Siya ay tumalikod at sinabi kay Juan, na hindi maaaring makalapit sa Kanya dahil siya ay napipigilan sa isang kanto ng tela: «Ikaw ang siyang nagsabi sa kanila, Juan. Ikaw lamang ang maaaring makapagsabi sa kanila, sapagkat ikaw lamang ang nakaaalam tungkol sa mithiin Kong ito.»

«Oo, Inay, ako iyon. At ni hindi nga ako nagkaroon ng panahon na masabihan sila tungkol sa Inyong mithiin, na sila ay pumayag dito. Ngunit kinailangan nilang hintayin ang naaangkop na sandali na gawin iyon...»

«Ibig sabihin, isang napakaliwanag na gabi, upang makapunta na walang mga sulô o mga lampara, at isang panahon na walang mga kapistahan na kumakalap sa mga pulutong at mga kilalang tao sa Herusalem at kalapit na mga lugar. At iyan dala ng kahinahunan...» paliwanag ni Nicodemus.

«At ako ay sumama sa kanila para sa mas tiyak na kaligtasan. Bilang ang may-ari ng Gethsemane, nakakapunta ako at tingnan ang lugar na ito nang hindi nakakagulat sa mga mata ng sinuman... na inutusan na manmanan ang lahat na bagay at lahat na tao» sabi ni Lazarus sa pagtatapos.

«Pagpalain nawa kayong lahat ng Diyos. Ngunit gumasta kayong pera para sa mga Shroud... At hindi iyan makatarungan...»

«Makatarungan, Ina. Ako, mula sa Kristo, Inyong Anak, ay tumanggap ng isang regalo na hindi mabibili ng pera: buhay na ibinigay ulit sa akin pagkatapos ng apat na araw sa loob ng isang sepulkro, at bago iyan, ang kombersiyon ng aking kapatid na si Maria. Sina Jose at Nicodemus ay nagkaroon mula kay Jesus ng Liwanag, ng Katotohanan, ng Buhay na walang kamatayan. At Kayo... Kayo, sa pamamagitan ng Inyong kapighatian ng isang Ina at ng Inyong pagmamahal ng Kabanalbanalan na Ina para sa lahat na mga tao, ay nabili para sa Diyos, hindi isang tela, bagkus ang buong mundo ng Kristiyano na laging magiging dakila at dakila pa. Walang pera ang maaaring ipalit para sa kung ano ang Inyong naibigay. Kung kaya't kunin ito man laman. Ito ay sa Inyo na. At makatarungan na iyan ay ganyan. Si Maria din, ang aking kapatid, ay ganyan ang iniisip. Iyan ang kanyang laging naging opinyon, mula pa noong sandali na si Jesus ay bumangon at mas lalo na noong Siya ay iniwanan Kayo upang umakyat sa Kanyang Ama» tugon ni Lazarus sa Kanya.

«Kung gayon maging ganyan iyan. ⁷Lalakad Ako upang kunin ang isa pa. Iyon sa katunayan ay napamimighati Ako nang labis nakikita iyon... Ang isang ito ay iba. Ang isang ito ay nagbibigay sa Akin ng kapayapaan! Sapagkat dito Siya ay panatag, nasa kapayapaan sa ngayon. Sa Kanyang mortal na tulog, tila nararamdaman na Niya ang Buhay na bumabalik at ang kaluwalhatian na walang sinuman ang kailanman nakahahampas at makasisira. Ngayon wala na akong  iba pang minimithi, bukod sa makaisa Siya. Ngunit iyan ay mangyayari kung kailan at ayon sa itinalaga ng Diyos. Ako ay aalis na. At harinawang bigyan kayo ng Diyos ng sandaang ulit ng lugod ng katulad ng inyong binigay sa Akin.»

Kinukuha ni Maria nang magalang ang Shroud, pagkatapos na malupi ito ng apat, lumabas Siya sa kusina at mabilis na inaakyat ang maliit na hagdanan... At Siya ay kaagad bumaba ulit at pumasok dala ang unang Shroud na Kanyang inaabot kay Nicodemus, na nagsabi sa Kanya: «Gantimpalaan sana Kayo ng Diyos, Babae. Aalis na kami ngayon, dahil halos madaling araw na, at mabuting nasa bahay na bago kumalat ang liwanag at ang mga tao makalabas na sa kanilang mga bahay.»

Ang tatlo ay pinagpipitagan Siya bago lumabas, at pagkatapos sa pamamagitan ng mabibilis na hakbang, binabalikan ang dati nilang dinaanan pagpunta rito, naglakad silang patungo sa mga geyt ng Gethsemane, at sa isang pinakamalapit sa daang Bethany.

Sina Maria at Juan ay nananatili sa may pintuan ng maliit na bahay hanggang nakita nila silang nawala, pagkatapos sila ay bumalik sa kusina at isinara ang pinto nagsasalita sa isa’t isa sa mabababang tinig.

011513

 



¹ Shabuoth – kung baga pentekostes para sa mga Hebreo – RLB.



Sunod na kabanata