641. Ang Pagmamartir kay Stephen. Si Saul at si Gamaliel.

Agosto 7, 1944.

Ang bulwagan ng Sanhedrin, nakakapareho, kapwa sa disposisyon at sa mga tao, kung ano ito dati noong gabi sa pagitan ng Huwebes at Biyernes, sa loob ng paglilitis kay Jesus. Ang Mataas na Pari at ang mga iba pa ay nakaupo sa kanilang mga upuan. Sa gitna, sa harapan ng Mataas na Pari, sa bakanteng lugar kung saan si Jesus ang dating naroroon, ay ngayon ang naroroon ay si Stephen.

Maaaring nakapagsalita na siya pinapahayag ang kanyang pananampalataya at sumasaksi sa totoong Kalikasan ng Kristo at sa Kanyang Simbahan, sapagkat ang pagkakagulo ay nasa kasagsagan at ang karahasan ay kapareho ng umiiral laban sa Kristo sa patal na gabi ng pagkanulo at pagpatay sa Kristo. Mga dagok, panunumpa, nakapangingilabot na mga pagbabantay ay ibinabato laban sa diyakono na si Stephen na, sa ilalim ng brutal na mga dagok, ay sumusuray at humuhupaypay habang may-kabangisan siyang hinahatak dito at doon.

Ngunit pinananatili niya ang kanyang kakalmahan, at mahigit pa nga. Hindi lamang siya kalmante at maringal, bagkus siya ay maligayang-maligaya at halos nagtatalik sa kaligayahan. Hindi pinapansin ang mga dura na bumababa sa kanyang mukha at ang dugo na bumababa mula sa kanyang ilong, na marahas na hinampas, sa isang sandali kanyang itinataas ang kanyang inspiradong mukha at ang kanyang maliwanag na ngumingiting mga mata upang titigan ang isang bisyon na siya lamang ang nakaaalam. Inuunat niya ang kanyang mga kamay nang pa-krus, itinataas niya ito na tila ibig niyang yakapin ang kanyang nakikita, pagkatapos bumagsak siya sa kanyang mga tuhod bumubulalas: «Dito, nakikita ko ang mga Langit na nagbukas, at ang Anak ng Tao, si Jesus, ang Kristo ng Diyos, Na inyong pinatay, ay nakatayo sa kanang kamay ng Diyos.»

Pagkatapos ang kaguluhan ay nawawalan ng kahit na ng pinakamaliit na bahaging iyon na naiiwan pa rin sa pagkatao at ng legalidad at, nang may pagngangalit ng isang pangkat ng mga lobo, ng mga tsakal, ng baliw na mababangis na hayop, dinumog nila ang diyakono, kinakagat, tinatapakan, hinahablot, itinataas siya sa pamamagitan ng kanyang buhok, ibinabagsak siya muli, habang ang pagngangalit ay nilalabanan ang pagngangalit, sapagkat sa pagmamadali ang mga gustong hilahin ang martir sa labas ay nahahadlangan ng mga gustong hilahin siya sa ibang direksiyon upang dagukan at tapakan siya muli.

²Kasama sa pinaka mababangis ay ang isang bata-pang pandak na pangit tingnan na lalaki, ang pangalan ay Saul. Ang kabangisan ng kanyang mukha ay di-maisasalarawan.

Sa isang sulok ng bulwagan ay naroon si Gamaliel. Hindi siya kailanman sumali sa bugbúgan, ni hindi niya kailanman kinausap si Stephen o kahit sinong malakas na tao. Ang kanyang pagkasuklam sa di-makatarungan na magulong tagpo ay kitang-kita. Sa isa pang sulok ay naroon si Nicodemus, na nasusuklam din at hindi nakikibahagi sa paglilitis o sa kaguluhan, at tinitingnan si Gamaliel, na ang hitsura ay mas maliwanag ang ibig sabihin kaysa kahit anong salita. Ngunit bigla na lamang, at eksakto sa punto noong makita niya si Stephen na itinataas sa pamamagitan ng kanyang buhok sa ikatlong beses, si Gamaliel ay binalot ang sarili sa kanyang napakalapad na manta at pumunta siya sa labasan sa kasalungat na direksiyon kung saan ang diyakono ay kinakaladkad.

Ang kanyang ginawa ay hindi nakaligtas sa pansin ni Saul na sumigaw: «Rabbi, umaalis ba kayo?»

Si Gamaliel ay hindi tumugon.

Si Saul, natatakot na baka hindi naintindihan ni Gamaliel na ang tanong ay para sa kanya, ay inulit ito at espisipikong pinangalanan siya: «Rabbi Gamaliel, iniiwasan ba ninyo ang paghuhukom na ito?»

Si Gamaliel ay tumalikod at, nagmumukhang galit, nasusuklam katulad niya, maringal at malamig, tumugon lamang ng: «oo.» ngunit ang kanyang «oo» ay mas mahalaga pa kaysa sa isang mahabang talumpati.

Si Saul ay naintindihan ang lahat na pinakakahulugan ng «oo» na iyon, at iniiwan ang mabangis na pangkat, nagmadali siya patungo kay Gamaliel. Inabutan niya siya, pinatigil, sinabi niya sa kanya: «Hindi ninyo sasabihin sa akin, o rabbi, na hindi kayo sumasang-ayon sa aming pagkukundina.»

Si Gamaliel ay hindi siya tinitingnan, ni hindi siya tumutugon sa kanya.

Si Saul ay namimilit: «Ang lalaking iyon ay dobleng may kasalanan, dahil itinatangi niya ang Batas, sinusundan ang isang Samaritano na nilulukuban ni Beelzebub, at para sa paggawa nito pagkatapos na maging inyong disipulo.»

Si Gamaliel ay nagpapatuloy sa hindi pagtingin sa kanya at sa pananahimik.

Si Saul kung gayon ay tinanong siya: «Ngunit baka kayo kaya ay isang tagasunod din ng kriminal na iyon na ang pangalan ay Jesus?»

Si Gamaliel ay ngayon nagsasalita at nagsabi: «Ako ay hindi pa. Ngunit kung Siya ay Siya Na sinasabi Niya na Siya, at talagang maraming mga bagay ang nagsasabi na Siya nga, nananalangin ako sa Diyos na sana ako ay maging isang tagasunod Niya.»

«Nakapangingilabot» sigaw ni Saul.

«Walang nakapangingilabot diyan. Ang bawat tao ay may isang katalinuhan na magamit ito, at isang kalayaan na gamitin iyon. Kung kaya't pabayaan ang lahat na gamitin iyon ayon sa kalayaan na binigay ng Diyos sa bawat tao at ayon sa liwanag na inilagay ng Diyos sa puso ng lahat. Ang makatarungan, pagdating man ng araw, ay gagamitin ang dalawang regalong iyan ng Diyos, para sa Mabubuting pakay, at ang masama, para sa Masasamang pakay.» At siya ay umalis, ang kanyang mga hakbang ay patungo kung saan naroroon ang Tesoreriya, at siya ay pumunta at sumandal sa parehong malaking poste sa tabi nito kung saan si Jesus ay nagsalita tungkol sa mahirap na balo na ibinigay niya sa Tesoreriya ng Templo ang lahat na mayroon siya: dalawang sentimos.

³Hindi pa siya nagtatagal doon noong si Saul ay sinamahan ulit siya at inilagay ang sarili sa harapan niya. Ang kaibhan ng dalawa ay napakalaki.

Si Gamaliel ay matangkad, na may nobleng tayò, makisig sa kanyang malakas na mga palatandaang Semitiko, may mataas na noo, matang napakadilim, matalino, nanlalagos, mahaba at masyadong nakalubog sa ilalim ng kanyang makapal na tuwid na mga kilay, at nagpapaalaala nang kaunti ng ilong ni Jesus. Ngunit ang balbas at bigote ni Gamaliel, minsan napakaitim, ay ngayon may mapuputing buhok at mas mahaba.

Si Saul sa halip ay pandak, mataba, halos babagsak, ang kanyang mga paa ay maikli at makapal, medyo humihiwalay sa mga tuhod, na kitang-kita sapagkat inalis niya ang kanyang manta at suot lamang ang kanyang maikling kulay-abong tunika. Ang kanyang mga kamay ay maikli at maskulado katulad ng kanyang mga paa, ang kanyang leeg ay maikli at mataba, suportado ang malaking kulay-kapeng ulo na may maikling magaspang na buhok, na may kung baga umuusling mga tainga, punggok na ilong, makakapal na labì, may mataas na malaking mga buto ng pisngi, maumbok na noo, madilim na kung baga maumbok na mga mata, hindi banayad o mabait, ngunit matalinong-matalino sa ilalim ng kanyang naka-arko, makapal, kusot na mga pilikmata. Ang kanyang mga pisngi ay natatakpan ng napakakapal na balbas, may puting mga buhok katulad ng kanyang buhok, ngunit pinaikli. Baka dahil sa kanyang maikling leeg na siya tila kubang tingnan o dahil may mga balikat na bilugan na bilugan.

Siya ay tahimik sa isang sandali, tinititigan si Gamaliel. Pagkatapos may sinabi siya sa kanya sa isang mababang tinig.

Si Gamaliel ay tumugon sa kanya sa isang maliwanag na malakas na tinig: «Hindi ako sumasang-ayon sa karahasan, sa kahit ano pa man na dahilan. Hindi mo makukuha ang aking pagsang-ayon para sa kahit anong marahas na plano. Sinabihan ko rin ang lahat ng Sanhedrin, sa harapan ng publiko, noong si Pedro at ang iba pang mga apostol ay inaresto sa ikalawang beses at dinala sa harapan ng Sanhedrin upang husgahan. At inulit ko ang gayon ding mga bagay: “Kung iyon ay ang plano at gawa ng mga tao, , mawawala iyan nang kusa; kung iyan ay nanggaling sa Diyos, hindi iyan maaari sirain ng mga tao, sa kabaligtaran sila ay baka hampasin ng Diyos”. Itanim iyan sa isip.»

«Kayo ba ang protektor ng mga mapaglapastangang tagasunod ng Nazareno, kayo, ang pinakadakilang rabbi ng Israel?»

«Ako ang protektor ng katarungan. At ang katarungan ay tinuturuan tayo na maging mahinahon at makatarungan sa paghuhusga. Inuulit ko ito sa iyo. Kung ang bagay ay nanggaling sa Diyos, iyan ay tatagal, kung hindi, babagsak iyan nang sarili niyan mismo. Ngunit ayaw kong bahiran ang aking mga kamay ng dugo na hindi ko alam kung iyan ay nararapat ng kamatayan.»

«Ganyan ba kung papaano, ang isang Pariseo at doktor, magsalita? Hindi ba kayo natatakot sa Kataastaasan?»

«Mahigit pa kaysa sa iyo. Ngunit iniisip ko. At naaalaala ko... Ikaw ay isa pa lamang maliit na bata, hindi pa isang anak ng Batas, at ako ay nagtuturo na sa Templong ito kasama ang pinakamarunong na rabbi ng aming mga araw... at ang iba pa, marurunong, ngunit hindi makatarungan. Sa pagitan ng mga pader na ito ang ating karunungan ay tumanggap ng isang leksiyon na nagawa tayong mag-isip hanggang sa katapusan ng ating mga buhay. Ang mga mata ng pinaka marunong at makatarungang tao ng aming mga panahon nakasarado sa pagsasariwa ng oras na iyon, at ang kanyang isip sa pag-aaral sa mga katotohanan na iyon, narinig mula sa mga labì ng isang bata, na binubunyag ang kanyang sarili sa mga tao, lalo na kung makatarungan. Ang aking mga mata ay nagpatuloy sa pagmasid at ang aking isip sa pag-isip, pinag-uugma-ugma ang mga pangyayari at mga bagay... Nagkaroon ako ng pribilehiyo na mapakinggan ang Kataastaasan na magsalita sa pamamagitan ng bunganga ng isang bata, na pagkatapos ay naging makatarungan na tao, marunong, malakas, banal, at pinapatay, dahilan lamang sa mga katangian niyang iyon. Ang Kanyang mga salita ng panahon na iyon ay napatunayan ng mga pangyayari na nagkatotoo maraming mga taon pagkatapos, sa panahon na binanggit ni Daniel... Kaawa-awang ako, dahil hindi ko naintindihan kaagad! Dahil hinintay ko ang huling teribleng tanda upang maniwala, upang makaintindi! Kaawa-awang sambayanan ng Israel, na hindi nakaintindi noon at hindi makaintindi kahit na ngayon! Ang propesiya ni Daniel at ng iba pang mga propeta at ang Salita ng Diyos ay nagpapatuloy, at magkakatotoo para sa matigas-ang-ulo na Israel, bulag, bingi, di-makatarungan, dahil patuloy na inuusig nito ang Mesiyas sa Kanyang mga lingkod!»

«Salbahe! Naglalapastangan kayo! Talagang hindi magkakaroon ng kaligtasan para sa sambayanan ng Diyos, kung ang mga rabbi ng Israel ay naglalapastangan at itinatanggi si Jehovah, ang totoong Diyos, upang ipagbunyi at maniwala sa isang huwad na Mesiyas!»

«Hindi ako naglalapastangan, ngunit naglalapastangan ang mga nang-iinsulto sa Nazareno at nagpapatuloy na maliitin Siya, sa panunuya sa Kanyang mga tagasunod. Ikaw, oo, ikaw ay naglalapastangan, sapagkat kinapopootan mo Siya, sa Kanyang Sarili, at sa Kanyang mga tagasunod. Ngunit tama ka noong sinabi mo na wala nang kaligtasan para sa Israel. Hindi dahil may mga Israelita na lumipat sa Kanyang kawan, bagkus dahil ang Israel ay pinapatay Siya.»

«Pinupuno ninyo ako ng takot! Pinagtataksilan ninyo ang Batas, ang Templo!»

«Isumbong ako, kung gayon, sa Sanhedrin, upang sana mapasa-akin din ang patutunguhan niya na malapit nang pagbabatuhin. Iyan ang magiging simula at ang masayang kongklusyon ng iyong misyon. At ako ay mapapatawad, sa pamamagitan ng sakripisyo kong ito, para sa hindi pagkakilala at pagkaintindi sa Diyos Na dumaraan, bilang Tagapagligtas at Guro, sa pagitan natin, Kanyang mga anak at Kanyang Sambayanan.»

⁵Si Saul, nang may pagdabóg, ay umalis nang may kagaspangan, patungo sa korte na nakaharap sa bulwagan ng Sanhedrin, ang korte kung saan ang pulutong ay sumisigaw pa rin pagkayamot kay Stephen. Sa loob ng korteng ito sinamahan ni Saul ang mga nagpapahirap na naghihintay para sa kanya, at kasama ang iba lumabas siya sa Templo at pagkatapos lumabas ng mga pader ng bayan. Ang abuso, mga panunuya ay patuloy na isinisigaw, at mga dagok sa diyakono, na pagod na at sugatán, ay nagpapatuloy nang sumusuray patungo sa lugar ng págbabató.

Sa labas ng mga pader ay mayroon isang malawak na lugar na pinababayaan na puno ng mga bato, ganap na disyerto. Noong dumating ang mga mambábato, pumorma sila ng isang pabilog na hanay, iniiwan ang nasentensiyahan na lalaki na nag-iisa sa gitna, na ang kanyang damit punit-punit at ang kanyang katawan dumurugo sa maraming bahagi  dahil sa mga sugat na tinanggap. Inalis nila ang damit sa kanya bago sila lumayo sa kanya. Si Stephen ay naiwanan ng isang napakaikling tunika. Lahat sila ay hinubad ang kanilang mahahabang damit iniiwan lamang ang mga tunika., kasing ikli katulad ng suot ni Saul, kung kanino ipinagkatiwala nila ang kanilang mga damit, dahil hindi siya sumasali sa pambabato, baka dahil nabalisa siya ng mga salita ni Gamaliel, o dahil alam niya na hindi siya magaling magpatama ng bato.

Ang mga magsasagawa ng sentensiya ay pumupulot ng ilang malalaking bato at ilang matatalas, na napakarami ang lugar na iyon, at sinimulan nila ang pambabato.

stephen

Si Stephen ay tinanggap ang unang mga bato nakatayo, at nang may ngiti ng pagpapatawad sa kanyang may-sugat na mga labì na, kani-kanina pa lamang bago magsimula ang ulan ng mga bato, ay sumigaw kay Saul, abala sa pagkolekta ng mga damit ng mga mambábato: «Aking kaibigan, hihintayin kita sa daan ng Kristo.»

Kung saan si Saul ay tumugon: «Baboy! Inalihan!» dinadagdag sa mga insulto ang isang tadyak sa lulod ng diyakono, na halos bumagsak dahil sa tadyak at sakit.

Pagkatapos ng mga tama ng mga bato, na nanggagaling sa lahat na direksiyon, si Stephen ay bumagsak sa kanyang mga tuhod, sinusuportahan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang may mga sugat na kamay, at tiyak na naaalaala ang isang matagal nang episodyo, bumubulong siya, hinihipo ang kanyang sentido at ang kanyang nasugatan na noo: «Katulad ng Kanyang inihula sa akin! Ang korona... Ang mga rubi... O aking Panginoon, Guro, Jesus, tanggapin ang aking espiritu.»

Isa pang pag-ulan ng mga dagok sa kanyang sugatán nang ulo ay nagawa siyang bumagsak sa lupa na tigmak na sa kanyang dugo. Habang nakahiga siya sa mga bato, laging sa ilalim ng ulan ng marami pang bato, nasa punto nang maputulan ng hininga, siya ay bumulong: «Panginoon... Ama... patawarin sila... huwag magtanim ng sama-ng-loob para sa kasalanan nilang ito... Hindi nila nalalaman ang kanilang...» Ang kamatayan ay pinutol ang kanyang pangungusap sa kanyang mga labì, ang isang huling pagkisay ay nagawa siya mamaluktot, at nananatili siyang gayon. Patay.

⁶Ang mga bumabato ay nilapitan siya, nagpaulan pa sila ng mga bato ng isa pa, at halos mailibing siya sa ilalim ng mga bato, isinuot nila ang kanilang mga damit, at umalis sila bumalik sa Templo, lasing sa sigasig ng dimonyo, upang iulat kung ano ang kanilang nagawa.

Habang sila ay nagsasalita sa Mataas na Pari at sa iba pang malalaking tao, si Saul ay lumakad upang hanapin si Gamaliel. Hindi niya siya kaagad nakita. Umaapoy sa galit laban sa mga Kristiyano, bumalik siya sa mga Pari, may sinasabi siya sa kanila, kinukumbinsi niya sila na bigyan siya ng kasulatan na may selyo ng Templo, binibigyan siya ng awtoridad na usigin ang mga Kristiyano. Ang dugo ni Stephen ay maaaring nagawa siyang magngalit katulad ng isang toro na nakakakita ng pula, o katulad ng nagagawa ng isang saganang alak na binigay sa isang lasinggo.

Siya ay papalabas na sa Templo nang makita niya si Gamaliel sa ilalim ng Porch of the Gentiles. Pinuntahan niya siya. Baka ibig niyang masimulan ang isang pagtatalo o isang pangangatwiran ngunit si Gamaliel ay tinawid ang korte, pinasok ang isang bulwagan at isinara sa pinto sa mukha ni Saul, na, nasaktan at nagngangalit, tumakbong palabas a Templo upang usigin ang mga Kristiyano

--------------------

jesus sinasabi

⁷(Jesus says:)

«Pinakita Ko ang Aking Sarili nang maraming beses at sa maraming mga tao, at sa di-pangkaraniwang mga manipestasyon din. Ngunit ang Aking manipestasyon ay hindi nagkaroon ng parehong epekto sa lahat. Makikita natin kung papaano sa bawat manipestasyon Ko may tumapat na isang pagpapakabanal sa mga nagtataglay ng mabuting kalooban na kinakailangan sa mga tao upang magkaroon ng Kapayapaan, Buhay, Katarungan.

Kung gayon, ang Grasya ay gumana sa mga pastol sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon ng Aking natatagong pamumuhay, pagkatapos ito ay namulaklak na naging isang banal na tainga ng butil noong panahon na na ang mabuti ay humiwalay sa masama upang sundan ang Anak ng Diyos, Na dumaraan sa mga daan ng mundo, isinisigaw ang Kanyang pagmamahal upang maipon ang mga tupa ng eternal na Kawan, naikalat at napaghiwa-hiwalay ni Satanas. Kasama sa mga pulutong  na sumunod sa Akin, sila ang Aking mga mensahero, sapagkat sa pamamagitan ng kanilang simple at nakakukumbinsing mga ulat, naipahayag nila ang Kristo nagsasabing: :Siya iyon. Nakilala namin Siya. Ang mga oyayi ng mga anghel ay bumaba sa Kanyang unang iyak, at kami ay sinabihan ng mga anghel na ang mga tao na may mabubuting kalooban ay magkakaroon ng kapayapaan. Ang Mabuting kalooban ay ang mithiin na magkaroon ng Kabutihan at Katotohanan. Sundan natin Siya! Sundan Siya! Tayong lahat ay magkakaroon ng Kapayapaan na ipinangako ng Panginoon”.

Mabababa ang kalooban, mangmang, mahihirap, ang Aking unang mga mensahero sa pagitan ng mga tao, ay nagmadaling katulad ng mga tanod sa daan ng Hari ng Israel, ng Hari ng mundo. Matapat na mga mata, tapat na mga bunganga, nagmamahal na mga puso, mga insensaryong nagpapalabas ng bango ng kanilang mga birtud upang hindi masyadong maging marumi ang ere ng Lupa sa paligid ng Aking Dibinong Katauhan, na nagkatawang-tao para sa kanila at para sa lahat na mga tao, at natagpuan Ko sila kahit nga sa paanan ng Krus, pagkatapos na mapagpala sila ng Aking mga mata sa madugong daan ng Golgotha, ang tanging mga tao, kasama ang napakakaunti pang iba, na hindi nanumpa sa Akin sa pagitan ng hindi mapigilan na pulutong, bagkus mga nagmahal sa Akin, naniwala, naniniwala pa rin, at tumingin sa Akin nang may maawaing mga mata, iniisip ang gabing nasa malayo na ng Aking kapanganakan at umiiyak sa Inosente, Na itinulog ang Kanyang unang tulog sa ibabaw ng isang di-komportableng kapirasong kahoy, at ang Kanyang huling tulog sa ibabaw ng isang mas masakit pa ngang kahoy. Iyan dahil ang Aking manipestasyon sa kanila, na matutuwid na mga kaluluwa, ay napabanal sila.

At ganito rin ang nangyari sa tatlong Mago mula sa Silangan, kay Simeon at kay Anna sa Templo, kay Andres at kay Juan sa Jordan, at kay Pedro, kay Santiago at kay Juan sa Tabor, kay Maria ng Magdala sa pagsikat ng araw noong Linggo ng Pagkabuhay, sa labing-isa noong nasa Mount of Olives, at kahit bago pa nito, sa Bethany, pinatawad sila sa kanilang pagkataranta... Hindi, si Juan, ang purong apostol, ay hindi nangailangan na patawarin. Siya ang matapat mapagmahal kailanman na bayani. Ang kanyang pinakapurong pagmamahal, ang kadalisayan ng kanyang isip, ng kanyang puso, ng kanyang katawan, ay napanatili siyang ligtas sa lahat na kahinaan.

⁸Si Gamaliel, at si Hillel kasama niya, ay hindi kasing simple katulad ng mga pastol, kasing banal katulad ni Simeon, kasing dunong katulad ng tatlong Mago. Sa kanya, at sa kanyang guro at kamag-anak, ay naroon ang pagkakabuhol-buhol ng mga pam-Pariseo baging-kakahuyan na sumasakal sa liwanag at sa malayang paglaki ng punungkahoy ng pananampalataya. Ngunit sa kanilang pagiging pam-Pariseo ay may kadalisayan ng mga intensiyon. Akala nila sila ay nasa tama at gusto nilang maging ganoon. Ginusto nila iyon sa pamamagitan ng instinto, sapagkat sila ay makatarungan, at sa pamamagitan ng katalinuhan, sapagkat ang kanilang espiritu ay sumisigaw dala ng hindi sila nasisiyahan: “Dito ay napakaraming abo na nakahalo sa tinapay na ito. Ibigay sa amin ang tinapay ng tunay na Katotohanan”.

Si Gamaliel, bagaman, ay hindi napakalakas na magkaroon ng tapang na sirain ang pam-Pariseong mga baging na iyon. Ang kanyang pagkatao ay naaalipin pa rin siya nito nang labis, at kasama nito, ay ang konsiderasyon ng pagtingin ng tao, ang pampersonal na panganib, ang kabutihan ng pamilya. Sapagkat sa lahat ng mga bagay na ito hindi naintindihan ni Gamaliel “ang Diyos na dumaraan sa pagitan ng Kanyang sambayanan”, o magamit ang talino at kalayaan na iyon “na ibigay ng Diyos sa bawat tao upang mapakinabangan niya para sa kanyang sariling kabutihan. Tanging ang tanda lamang na hinintay sa loob ng maraming taon, ang tanda na sumira at nagpahirap sa kanya nang walang katapusang paninisi ng konsiyensya, ang nagtulak sa kanya upang makilala ang Kristo at baguhin ang kanyang lumang kaisipan, kung saan, mula sa pagiging ang rabbi ng pagkakamali – katulad na naparumi ng mga eskriba, mga Pariseo at mga doktor  ang esensiya at ang espiritu ng Batas, sinasakal ang simpleng maningning na katotohanan na nanggaling sa Diyos sa ilalim ng napakaraming pantaong mga alituntunin, na sa kadalasan ay mali, ngunit laging sa ikalalamang nila - siya sana ay naging isang disipulo ng dibinong Katotohanan, pagkatapos ng matagal na pakikibaka sa pagitan ng kanyang lumang kaakuhan at ng kanyang kasalukuyan na kaakuhan.

Maging ano pa man hindi lamang siya ang tanging naging walang-katiyakan sa pagpapasya at malakas sa pagkilos. Si Jose ng Arimathea rin, at lalo na si Nicodemus, ay hindi nila niyapakan ang mga kaugaliang Hudyo at ang mga baging kaagad at niyakap nang hayagan ang bagong Doktrina, kung kaya't sila ay madalas pumunta sa Kristo nang “lihim”, dala ng takot sa mga Judaean, o madalas silang makipagkita sa kanya nang di-sinasadya, at kadalasan sa kanilang mga bahay sa bukid, o sa bahay ni Lazarus sa Bethany, dahil nalalaman nila na doon ay mas ligtas at mas kinatatakutan ng mga kaaway ng Kristo, na alam na alam ang proteksiyon ng Roma para sa anak ni Theophilus. Gayunpaman, sila ay tiyak na laging mas abante sa Kabutihan at mas matatapang, kung ikukumpara kay Gamaliel, hanggang sa sukdulan na nangahas silang gawin ang maawaing pagkilos noong Biyernes Santo.

⁹Si rabbi Gamaliel ay mas hindi abante. Ngunit kayo, na nagbabasa, tingnan ang kapangyarihan ng kanyang matuwid na intensiyon. Sa pamamagitan nito, ang kanyang napaka pantao na katarungan, ay nabahiran ng isang mahigit pa sa pantaong kulay. Ang kay Saul sa halip, ay narumihan ng isang bagay na maladimonyo, noong ang di-pinipigilan na pagngangalit ng kasamaan ay napilitan siya at ang kanyang guro na si Gamaliel na harapin ang alternatibong hakbang sa pagitan ng Kabutihan at Kasamaan, ng katarungan at kawalang-katarungan.

Ang punungkahoy ng Mabuti at Masama ay nakatayong tuwid sa harapan ng bawat tao upang ipakita ang mga bunga ng Kasamaan sa kanya, sa pinaka nakaaakit at nakakakuha ng pansin na hitsura, habang sa pagitan ng kadahunan sa isang mapaglinlang na tinig ng isang ruwinsensor, ang nanunuksong Serpiyente ay sumisirit. Nasa sa tao na, na isang nilalang na niregaluhan ng katuwiran at ng isang kaluluwa na binigay ng Diyos sa kanya, na makita niya ang kaibahan at gustuhin ang mabuting bunga sa marami, na hindi mabuti at nakakasama at nakamamatay sa espiritu; at piliin ang isang iyon, kahit na kung ito ay matinik at pahirap pitasin, mapait sa lasa at miserableng tingnan. Ang pagbabago nito, kung saan ito ay nagiging mas makinis at mas malambot hawakan, mas matamis sa lasa, mas maganda sa tingin, ay nangyayari lamang kapag, sa pamamagitan ng katarungan ng espiritu at ng katuwiran, pinipili ang mabuting bunga at kumakain sa katas nito, na mapait ngunit banal.

Si Saul ay iniunat ang kanyang sakim na mga kamay sa bunga ng Masama, ng kapootan, ng kawalang-katarungan, ng krimen, at inuunat niya ito hanggang tamaan siya ng kidlat, durog, nawalan ng pantaong paningin, upang kamtin sana nito ang mahigit pa sa tao na paningin at maging hindi lamang makatarungan, bagkus isang apostol at kompesor Niya, Na kanyang dating kinapopootan at inuusig sa Kanyang mga lingkod.

Si Gamaliel sinisira ang mapilit na mga baging ng kanyang pagkatao at ng Hebraismo, upang sumibol at mamulaklak ang malayong-nakaraan na binhi ng liwanag at katarungan, hindi lamang pantao bagkus ng mahigit pa sa tao, na inilagay sa kanyang puso ng Aking ikaapat na epipaniya, o manipestasyon, na baka ang salita na mas maliwanag at mas maiintindihan ninyo, inilagay sa kanyang puso nang may matuwid na mga intensiyon, ang binhi na kanyang napanatili at naipagsanggalang nang may tapat na pagmamahal at nobleng pananabik na makita itong sumibol at mamulaklak, ay iniunat ang kanyang mga kamay sa bunga ng Mabuti. Ang kanyang kalooban at ang Aking Dugo ay sinira ang matigas na bao ng malayong-nakaraan na binhing iyon, na kanyang napanatili sa loob ng kanyang puso sa loob ng maraming mga taon, sa loob ng puso na iyon ng bato na nabiyak kasabay ng pagkahati ng belo ng Templo at ng pagbuka ng lupa ng Herusalem, at isinigaw ang kataastaasang mithiin nito sa Akin, Na hindi na makarinig sa kanya sa pamamagitan ng pantaong pandinig, ngunit naririnig Ko siyang mabuti sa pamamagitan ng Aking Dibinong espiritu, noong siya ay naroroon, nakapatirapa sa lupa, sa paanan ng krus. At sa ilalim ng maliwanag na apoy ng mga apostoladong salita at ng pinakamagagaling na disipulo, at ng ulan ng dugo ni Stephen, ang unang martir, ang binhi na iyon ay nagkaugat, naging isang punungkahoy, namulaklak at namunga. Ang bagong punungkahoy ng Pananampalatayang Kristiyano, na tumubo kung saan ang trahedya ng Biyernes Santo ay naalis nito, nabunot nito at nasira nito ang lahat na lumang mga puno at mga yerba.

Ang tanim ng kanyang bagong Kristiyanong pananampalataya at ng kanyang bagong kabanalan ay tumubo at lumaki sa harapan ng Aking mga mata. Pinatawad Ko, bagamat nagkasala ng hindi pagkaintindi sa Akin noong una, dahil sa kanyang katarungan na tumangging bumahagi sa paghatol sa Akin o kay Stephen, ang kanyang mithiin na maging Aking tagasunod, maging anak ng Katotohanan, ng Liwanag ay pinagpala din ng Ama at ng Nagpapabanal na Espiritu, at mula sa pagiging mithiin ito ay naging nagkatotoo, nang walang pangangailangan ng marahas na kidlat, katulad na ito ang kinailangan para kay Saul sa daan ng Damascus, para sa aroganteng lalaki, na walang ibang maaaring makapagpayuko at makapagdala sa Hustisya, sa Karidad, sa Liwanag, sa Katotohanan, at sa eternal na maluwalhating Buhay sa Langit. »

011813

 



Sunod na kabanata