642. Ang Pagkuha sa Katawan ni Stephen.

Agosto 8, 1951.

¹Kalaliman ng gabi, at isang napakadilim na gabi, sapagkat ang buwan ay nakalubog na, noong si Maria ay lumabas sa maliit na bahay sa Gethsemane kasama sina Pedro, si Santiago ni Alfeo, si Juan, si Nicodemus at ang Zealot.

Dahil sa dilim ng gabi, si Lazarus, naghihintay sa kanila sa harapan ng bahay, sa simula ng landas na magdadala sa mas mababang geyt, ay nagsindi ng isang lampara ng langis, na kanyang nilagyan ng isang proteksiyon na manipis na kapiraso na alabaster o ibang nasisinag na materyal. Ang liwanag ay mahina, ngunit kapag ang lampara ay hinahawakan nang mababa patungo sa lupa, katulad na ito ay ngayon, laging nakakatulong itong makita ang mga bato at mga balakid na maaaring nasa dadaanan. Si Lazarus ay pumunta sa tabi ni Maria, upang Siya, higit sa lahat, ay sana makakita nang mabuti. Si Juan ay nasa kabilang tabi at sinusuportahan ang Ina sa kamay. Ang iba ay nasa likuran nila, sa isang grupo.

Lumakad sila hanggang sa layo ng Kidron at nagpatuloy sa panabi nito, upang sila ay medyo natatakpan ng mga ligaw na palumpong na tumutubo malapit sa pampang nito. Ang bulong din ng tubig ay nagsisilbing matakpan at hindi makilala ang ingay ng mga sandalyas ng mga naglalakad.

Naglalakad lagi sa patabi ng mga pader sa labas hanggang sa layo ng Gate na pinakamalapit sa Templo, at pagkatapos nagpapatuloy patungo sa tigang na disyertong lugar, narating nila ang lugar kung saan si Stephen pinagbabato. Nilalapitan nila ang isang tumpok ng mga bato sa ilalim nito kung saan siya ay halos ganap na natatabunan, at inalis nila ang mga bato hanggang ang kanyang kaawa-awang katawan ay ganap na lumitaw. Ngayon ang kanyang katawan ay maputlang-maputla na, kapwa dahil sa kamatayan at dahil sa mga tamang tinanggap nito sa pambabato, ito ay matigas na, nakapamaluktot katulad noong nalagutan siya ng hininga.

²Si Maria, Na dahil sa awa ay pinanatili ni Juan na malayo nang mga ilang hakbang, ay pinalaya ang sarili at tumakbong patungo sa kaawa-awang katawan, na sugat-sugat at puno ng dugo. Nang hindi inaalala na mamantsahan ng namuong dugo ang Kanyang damit, tinutulungan ni Santiago ni Alfeo at ni Juan, inihihiga Niya ang katawan sa isang tela na nakalatag sa lupa, sa isang lugar na walang mga bato, at sa pamamagitan ng isang linen na tela na Kanyang nailubog sa isang maliit na amphora na iniabot sa Kanya ng Zealot, nililinis Niya hanggat magagawa Niya ang mukha ni Stephen, inaayos Niya ang kanyang buhok, sinusubukan na matakpan nito ang kanyang mga sentido at ang sugatan na mga pisngi, upang hindi makita ang mga marka na iniwan ng mga bato, nililinis din Niya ang iba pang bahagi ng katawan at ibig din Niyang ayusin ang mga ito sa hindi masyadong nakakaawang hitsura. Ngunit ang paninigas sa kamatayan, na nangyari maraming oras na ang nakaraan, ay hindi ito magawa nang ganap. Ang mga lalaki rin ay sinubukan, mas malalakas katulad nila kaysa kay Maria, Na nagmumukha na muling katulad ng Namimighating Ina ng Golgotha at ng Sepulkro. Ngunit sila rin ay kailangan na tanggapin na lamang ang nakayanan nilang gawin pagkatapos ng maraming pagsisikap. Binihisan nila siyang muli ng isang malinis na mahabang tunika, sapagkat ang kanyang sariling damit ay nawala o ninakaw, sa panghahamak, ng mga nambato, at ang naiwan sa kanya na maikling tunika ay punit-punit na at puno ng dugo.

Pagkatapos na magawa iyon, laging sa ilalim ng malabong liwanag ng lampara na hinahawakan ni Lazarus nang napakalapit sa kaawa-awang katawan, binuhat nila siya at inilagay ulit sa isa pang malinis tela. Si Nicodemus ay pinulot ang unang tela, basa sa tubig na ipinamunas sa martir at sa namuong dugo, at itinago ito sa ilalim ng kanyang manta. Na si Juan at si Santiago sa uluhan, si Pedro at ang Zealot sa mga paa, binuhat nila ang tela na nilalaman ang katawan, at sila ay naglakad, pinangungunahan ni Lazarus at ni Maria. Ngunit hindi sila dumaan sa daan na kanilang dinaanan nang pagpunta, sa kabaligtaran, pumupunta sa kabukiran at iniikutan ang Mount of Olives, narating nila ang daan na papuntang Jericho at Bethany.

stephen diposition

³Sila ay tumigil doon upang magpahinga at upang magsalita. At si Nicodemus, na bilang nandoon sa paghatol kay Stephen, bagamat sa pagiging walang-kibong paraan, at bilang isa sa mga nakatatanda ng mga Judaean, ay mas may nalalaman kaysa sa iba tungkol sa mga pasya ng Sanhedrin, at kanyang binalaan ang mga naroroon na ang pang-uusig sa mga Kristiyano ay iniutos na at pinakawalan na, at na si Stephen ay ang una lamang sa isang mahabang listahan na sinasabing mga tagasunod ng Kristo.

Ang unang sigaw ng mga apostol ay: «Gawin nila ang kanilang gusto! Hindi kami magbabago, dahil sa kanilang mga pananakot o dala ng kahinahunan!.

Ngunit ang mas magagaling magpasya sa mga taong naroroon, ibig sabihin sina Lazarus at Nicodemus, ay pinakikita kay Pedro at kay Santiago ni Alfeo na ang Simbahan ay may kakaunting mga pari lamang ng Kristo, at na kung ang mas importanteng mga pari ay mapatay, ibig sabihin si Pedro ang Pontipise at si Santiago ang Obispo ng Jerusalem, ang Simbahan ay mahihirapan na mabuhay. Pinaaalalahanan nila si Pedro na ang kanilang Tagapagpundar at Guro ay iniwan ang Judaea upang pumunta sa Samaria, upang hindi mapatay habang hindi pa sila napoporma nang mabuti, at kung papaano pinayuhan Niya ang Kanyang mga lingkod na gayahin ang Kanyang pinakita hanggang sa dumami na ang mga pastol na ang isa ay hindi na katatakutan ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga naniniwala dahil sa kamatayan ng mga pastol. At sila ay nagtapos nagsasabing: «Kayo rin ay kailangan na maghiwa-hiwalay sa Judaea at Samaria. Kumuha ng mga proselito roon, mas marami pang mga pastol, at mula diyan kumalat sa buong Lupa, upang, katulad na Kanyang iniutos sa inyo na gawin, ang lahat na mga tao ay malaman sana nila ang Ebanghelyo.»

⁴Ang mga apostol ay nalilito. Tinitingnan nila si Maria, na tila ibig nilang malaman ang Kanyang opinyon tungkol sa bagay.

At si Maria, Na naiintindihan ang kanilang mga tingin, ay nagsabi: «Iyan ay isang mabuting payo. Kunin iyan. Iyan ay hindi karuwagan, bagkus kahinahunan. Itinuro Niya sa inyo: «Maging kasing simple ng mga kalapati at maingat katulad ng mga ahas. Pinadadala Ko kayo katulad ng mga tupa sa pagitan ng mga lobo. Mag-ingat sa mga tao...»

Si Santiago ay pinutol Siya: «Oo, Inay. Ngunit sinabi rin Niya: “Ngunit kapag kayo ay dinakip at kakaladkarin kayo sa hanapan ng mga gobernador, huwag mag-alala kung ano ang inyong dapat na isagot. Hindi kayo ang magiging nagsasalita, bagkus ang Espiritu ng Ama ang magsasalita para sa inyo at sa loob ninyo”. At ako ay mananatili rito. Ang isang disipulo ay kailangan na maging katulad ng kanyang Guro. Namatay Siya upang magbigay ng buhay sa Simbahan. Ang bawat kamatayan namin ay magiging isang bato na maidadagdag sa dakilang bagong Templo, isang pampahaba sa buhay para sa dakilang inmortal na katawan ng pansansinukuban na Simbahan. Hayaan silang patayin nila ako, kung gusto nila. Namumuhay sa Langit ako ay magiging mas masaya, sapagkat magiging katabi ko ang aking Kapatid, at magiging mas makapangyarihan pa. Hindi ako natatakot ng kamatayan. Bagkus ng kasalanan. Sa pag-abandona sa aking puwesto tila ginagaya ko ang ginawa ni Judas, ang perpektong tagapagkanulo. Si Santiago ni Alfeo ay hindi kailanman gagawin ang kasalanan na iyan. Kung ako ay kailangan na bumagsak, babagsak akong katulad ng isang bayani, sa aking lugar na ginagalawan, kung saan Niya ako ginustong naroroon.»

Si Maria ay tumugon sa kanya: «Hindi Ko pipilitin na malaman kung ano ang iyong mga lihim sa Tao-Diyos. Kung iyan ang Kanyang pinasigla sa puso mo na siyang iyong gagawin, maging ganyan iyan. Tanging Siya lamang, Na Diyos, ang may karapatan na magbigay ng mga utos.  Ang ating karapatan lamang ay ang sundin Siya lagi, sa lahat na bagay upang gawin ang Kanyang Kalooban.»

⁵Si Pedro, hindi masyadong makabayani, ay nakikipagusap sa Zealot upang pakinggan ang kanyang opinyon tungkol sa bagay.

Si Lazarus, na nasa malapit sa dalawa at napapakinggan sila, ay nagmungkahi” «Halika sa Bethany. Iyon ay malapit sa Herusalem at sa daan patungo sa Samaria. Ang Kristo ay umalis mula roon nang maraming beses upang maiwasan ang Kanyang mga kaaway...»

Si Nicodemus naman ay nagmungkahi: «Pumunta ka sa aking bahay sa bukid. Ligtas iyon at malapit kapwa sa Bethany at sa Herusalem, at iyon ay nasa daan na maghahatid sa Ephraim, daan ng Jericho.»

«Hindi, ang sa akin ay mas mabuti, dahil protektado iyon ng Roma» pamimilit ni Lazarus.

«Ikaw ay kinapopootan na nang labis, mula nang ibinangon ka ni Jesus mula sa kamatayan, ipinipilit, nang napakalakas ang Kanyang dibinong Kalikasan. Isipin na ang Kanyang kinahinatnan ay napagpasyahan dahil lamang diyan. Mag-ingat na hindi mo maipagpasya ang iyo» tugon ni Nicodemus sa kanya.

«At ano ang aking bahay? Iyon ay talagang kay Lazarus. Ngunit ang tawag nila roon ay akin pa rin» sabi ni Simon Zealot.

Si Maria ay nakialam nagsasabing: «Hayaan Akong mag-isip, isipin, magpasya kung alin ang pinakamagandang gawin. Hindi Ako pababayaan ng Diyos nang walang liwanag galing sa Kanya. Kapag alam Ko na, sasabihin Ko sa inyo. Pansamantala, sumama kayo sa Akin sa Gethsemane.»

«Luklukan ng lahat ng Karunungan, Ina ng Salita at ng Liwanag, laging Kayo ang Tala na gumagabay sa amin nang ligtas. Sinusunod namin Kayo» sinasabi nilang lahat, na tila ang Banal na Espiritu ay talagang nagsalita sa kanilang mga puso at sa kanilang mga labì.

Sila ay tumayo mula sa damuhan na kanilang inuupuan sa gilid ng daan, at habang sina Pedro, Santiago, Simon at si Juan ay sumasama kay Maria patungo sa Gethsemane, sina Lazarus at Nicodemus ay binubuhat ang tela kung saan nakabalot ang katawan ni Stephen, at sa unang liwanag ng bukang-liwayway, sila ay lumakad patungong daan ng Bethany at Jericho.

Saan nila dadalhin ang martir? Isang misteryo.

011913

 



Sunod na kabanata