644. Si Pedro Nakikipag-usap kay Juan.

Top of Form

Nobyembre 4, 1951.

¹Sina Pedro at Juan ay nasa terasa ng bahay ni Simon, na ganap na naliliwanagan ng buwan na nasa tuktok ng arko nito. Sila ay nagsasalita sa mabababang tinig, tinuturo ang bahay ni Lazarus, na ganap na nakasarado at tahimik. Matagal silang nagsasalita, naglalakad nang paatras at paabante sa terasa. Pagkatapos, para sa dahilan na hindi ko alam, ang pag-uusap ay naging mas may-buhay, at ang kanilang mga tinig, dati pigíl, ay naging mas mataas sa tunog at napakalinaw.

Si Pedro, sinusuntok ang barandilya, ay bumulalas: «Ngunit hindi mo ba naiintindihan na kailangan natin na kumilos nang ganyan? Ako ay nagsasalita sa iyo sa ngalan ng Diyos,, kung kaya't makinig sa akin at huwag maging matigas ang ulo. Mas mabuti nang kumilos katulad ng sinasabi ko. Hindi dahil sa karuwagan at takot, bagkus upang maiwasan ang ganap na pagkasira, na makasasamâ sa Simbahan ng Kristo. Pinagmamasdan na nila ngayon ang bawat kilos natin. Napuna ko iyan, at si Nicodemus ay napatotohanan na tama ako. Bakit hindi tayo makapanatili sa Bethany? Para lamang sa rason na iyan. Bakit mas mabuti na manatili sa bahay na ito, o sa bahay ni Nicodemus, o sa bahay ni Nike, o sa bahay ni Anastasica? Laging para sa gayon din na rason. Upang maiwasan na mamatay ang Simbahan, dahil sa kamatayan ng mga lider nito.»

«Ang Guro ay tiniyak sa atin nang makailang beses na kahit ang impiyerno ay hindi nito ito malilipol at mapangingibabawan» tugon ni Juan sa kanya.

«Iyan ay totoo. At hindi mangingibabaw ang impiyerno, katulad na ito ay hindi nangibabaw laban sa Kristo. Ngunit ang mga tao ay magagawa ito. Katulad ng sila ay nangibabaw laban sa Tao-Diyos, Na tumalo kay Satanas, ngunit hindi nanagumpay sa mga tao.»

«Sapagkat ayaw Niyang manalo. Kinailangan Niyang makatubos, at kung gayon kinailangan Niyang mamatay. At ng gayong kamatayan. Ngunit kung ginusto Niyang matalo sila! Gaano karaming beses Niyang naiwasan ang mga patibong ng lahat na klase na kanilang inilatag sa Kanya!»

«Mga patibong ay ilalatag din para sa Simbahan, ngunit hindi ito mamamatay nang ganap, maliban na tayo ay labis na nagmamahinahon, na maiwasan na malipol ang kasalukuyang mga lider, bago makalikha tayo, Kanyang mga nauna, ng marami pang mga Pari Niya ng lahat ng mga ranggo, at maihanda sila para sa kanilang ministeryo. Huwag mong linlangin ang iyong sarili, Juan! Ang mga Pariseo, mga eskriba, mga pari at mga miyembro ng Sanhedrin, ay ginagawa ang lahat upang mapatay ang mga pastol, upang ang kawan ay sana maikalat. Ang kawan na mahina pa rin at matatakutin. Higit sa lahat, ang kawan na ito sa Palestina. Hindi natin kailangan na maiwanan ito nang walang mga pastol, hanggang ang maraming mga kordero na susunod ay maging mga pastol. Nakita mo kung gaano na karami ang napatay. ²Isipin kung gaano kalaking bahagi ng mundo ang naghihintay sa atin! Ang Kanyang utos ay maliwanag: «Humayo at ebanghelyuhan ang lahat na mga nasyon, binibinyagan sila sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, tinuturuan sila na gawin ang Aking iniutos sa inyo`. At sa dalampasigan sa lawa, tatlong beses Niya akong inutusan na ipastol ang Kanyang mga tupa at Kanyang mga kordero, at nagpropesiya Siya na tanging kapag ako ay matanda na na  ako ay tatalian at dadalhin upang ipagtapat ang Kristo sa pamamagitan ng aking dugo at ng aking buhay. At napakalayo mula rito! Kung naintindihan ko nang maayos ang isa sa Kanyang mga talumpati, bago ang kamatayan ni Lazarus, kailangan kong pumunta sa Roma at doon itatag ang inmortal na Simbahan. At hindi ba Niya Mismo ipinasya na tama ang umurong sa Ephraim, sapagkat ang Kanyang pag-eebanghelyo ay hindi pa natatapos. At tanging sa tamang sandali lamang Siya bumalik sa Judaea upang arestuhin at ipako sa krus. Atin Siyang gayahin. Walang tiyak na makapagsasabi na si Lazarus, si Maria at si Martha ay matatakutin na mga tao. Gayunpaman, nakikita mo na, bagamat may matinding kapighatian, sila ay umalis dito, upang dalhin ang dibinong Salita sa ibang lugar, dahil dito iyon ay iinisin ng mga Judaean. Ako, pinili Niya bilang Kanyang Pontipise, ay nakapagpasya na. At kasama ko ay ang iba pa, ang mga apostol at mga disipulo, ay nagpasya na rin nang ganyan. Tayo ay maghihiwa-hiwalay. Ang iba ay pupunta sa Samaria, at ang iba pagawi sa dakilang dagat, at ang iba patungo sa Phoenicia, tutulak nang tutulak, sa Syria, sa mga isla, sa Gresya, patungo sa  Imperyo ng Roma. Kung sa mga lugar na ito rito, ang dawag at ang lason ng Judaean ay ginagawa ang mga bukid at mga ubasan ng Panginoon na maging baog, pumunta tayo sa ibang lugar at maghasik ng ibang mga binhi sa ibang mga bukid at mga ubasan, upang hindi lamang sana magkaroon ng isang ani, bagkus ito sana ay maging isang mayaman na ani. Kung sa mga lugar na ito ang poot ng mga Hudyo ay nilalason ang mga tubig at nilalalinan sila, upang ako, isang mangingisda ng mga kaluluwa, at ang aking mga kapatid ay hindi makahuli ng mga kaluluwa para sa Panginoon, pumunta tayo sa ibang mga tubig. Kailangan natin na maging maingat at maging tuso rin. Maniwala sa akin, Juan.»

³«Tama ka. Ngunit ako ay namimilit dahil kay Maria. Hindi ako magagawa, hindi ko kailangan na iwanan Siya. Kailangan na kapwa tayo maghirap nang labis. At magiging isang masamang gawa iyan, sa parte ko...» tugon ni Juan sa kanya.

«Ikaw ay mananatili. At Siya ay mananatili, sapagkat magiging kahangalan iyan na ilayo Siya sa lugar na ito...»

«At si Maria ay hindi kailanman sasang-ayon diyan. Sasamahan ko kayo saka na. Kapag wala na Siya sa Lupa.»

«Ikaw ay darating. Ikaw ay bata pa... Mayroon ka pang mahabang panahon na mabuhay.»

«At si Maria ay may napakaikling panahon.»

«Bakit? Siya ba ay may sakit, naghihirap, mahina, kaya?»

«O! hindi! Ang panahon at mga kapighatian ay walang kapangyarihan sa Kanya. Siya ay laging bata pa, sa hitsura at sa espiritu. Panatag, mahigit pa, sasabihin ko masayang-masaya.»

«Kung gayon bakit mo sinasabing...»

«Sapagkat nakita ko na ang Kanyang pag-unlad sa kagandahan at lugod ay ang tanda na Siya ay malapit na sa Kanyang pakikiisa sa Kanyang Anak. Ang ibig kong sabihin ay ang totál na pakikiisa. Sapagkat ang espirituwal na pakikipagkita ay hindi tumitigil. Hindi ko itataas ang nakatakip sa mga misteryo ng Diyos.  Ngunit natitiyak ko na nakikita Niya ang Kanyang Anak araw-araw, sa Kanyang maluwalhating hitsura. At iyan ang Kanyang beatitude. Sa palagay ko na sa pagninilay-nilay sa Kanyang Anak, ang Kanyang espiritu ay naliliwanagan at nalalaman Niya ang lahat na hinaharap, katulad na nalalaman ito ng Diyos. Ang Kanya ring hinaharap. Siya ay naririto pa sa Lupa sa pamamagitan ng Kanyang katawan, ngunit halos masasabi ko, nang walang takot na nagkakamali, na ang Kanyang espiritu ay halos laging nasa Langit. Ganyan ang Kanyang pakikiisa sa Diyos na sa palagay ko hindi ako nakapagsasalita ng mapaglapastangang salita nagsasabi na ang Diyos ay nasa Kanya, katulad noong dinala Niya Siya sa Kanyang sinapupunan. Mahigit pa. Katulad na ang Salita ay naging kaisa Niya upang maging Jesucristo, ngayon naman Siya ay kaisang-kaisa ng Kristo katulad na maging isang pangalawang Kristo, katulad ng pagkakaroon ng isang bagong pagkatao, ang pagkatao ni Jesus Mismo. Kung ang aking sinasabi ay erehiya, harinawang ipaalam sa akin ng Diyos ang aking pagkakamali at patawarin ako para dito. Siya ay namumuhay sa pagmamahal. Ang apoy na ito ng pagmamahal ay pinaaalab Siya, sinusustentuhan Siya, pinaliliwanagan Siya, at ang apoy na iyan ng pagmamahal ay ang siyang kukuha rin sa Kanya mula sa atin, sa itinalagang sandali, nang walang kahit anong kirot para sa Kanya, nang walang pagkabulok para sa Kanyang katawan... Tayo lamang ang magdaramdam... ako lalo na... Mawawalan na tayo ng ating Tagapagturo, ating Gabay, ating Tagapagpaginhawa... At ako ay totoong talagang mag-iisa...» At si Juan, na ang kaninong tinig ay nanginginig na sa nagsisikap na mapigilan ang kanyang mga luha, ay nagkaroon ng makabagbag-damdamin na sunud-sunod na paghikbi, katulad ng hindi pa niya naranasan dati, ni hindi sa paanan ng Krus o sa Sepulkro.

⁴Si Pedro rin, bagamat mas kalmante, ay nagsimulang lumuha at sa isang lumuluhang tinig nakikiusap siya kay Juan na siya ay pasabihan, kung magagawa niya, upang sana siya ay makarating sa Kanyang paghayo o sa Kanyang paglilibing man lamang.

«Ganyan ang aking gagawin, kung magagawa ko. Ngunit pinagdududahan ko iyan ng labis. May isang bagay sa loob ko na nagsasabi sa akin na katulad na iyon ay ang nangyari kay Elijah na kinuha ng isang selestiyal na ipu-ipo sa isang karwaheng apoy, kung kaya't mangyayari iyan sa Kanya. Hindi ako magkakaroon ng panahon na malaman ang Kanyang napipintong pag-alis na Siya ay nasa Langit na kasama ang Kanyang kaluluwa.

«Ngunit ang Kanyang katawan man lamang ay mananatili rito. Ang katawan din ng Guro ay nanatili. At Siya ay Diyos!»

«Iyon ay kinakailangan para sa Kanya na iyon ay maging gayon. Ngunit hindi para kay Maria. Sa pamamagitan ng Kanyang Resureksiyon kinailangan Niyang pasinungalingan ang mga paninira ng mga Judaean, sa pamamagitan ng Kanyang mga aparisyon kinailangan Niyang makumbinsi ang mundo, na naging mapagduda, at mapagtanggi pa nga, dahil sa kanyang pagkamatay sa Krus. Ngunit hindi iyan kinakailangan ni Maria. Ngunit, maging ano pa man,  kung iyan ay magagawa ko, paaalamin kita. Paalam, Pedro, aking Pontipise at aking kapatid kay Kristo. Babalikan ko na Siya, dahil tiyak na Siya ay naghihintay para sa akin. Ang Diyos ay makasama mo.»

«At makasama mo. At sabihin kay Maria na magdasal para sa akin at patawarin akong muli para sa aking karuwagan a gabi ng Pagsubok, isang alaala na hindi ko makansela mula sa aking puso, at mabigyan ako ng kapayapaan...» at mga luha ang bumababa sa mga pisngi ni Pedro, na nagtatapos: «Harinawang Siya ay maging isang Ina para sa akin. Isang Ina ng pagmamahal para sa Kanyang miserableng alibughang anak...»

«Kailangan kong sabihan Siya.  Minamahal ka Niya nang higit pa sa isang ina sa dugo. Minamahal ka Niya bilang ang Ina ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagmamahal ng Ina ng Diyos. Kung nakahanda Siyang patawarin si Judas, na ang kaninong kasalanan ay di-masusukat, isipin kung ikaw ay Kanya nang pinatawad! Kapayapaan sa iyo, kapatid, aalis na ako.»

«At susundan kita, kung pahihintulutan mo ako. Ibig ko Siyang makita muli.»

«Halika. Alam ko kung ano ang daan na kukunin patungo sa Gethsemane, nang walang nakakakita.»

⁵Sila ay nagsimulang maglakad at nang mabilis at sa katahimikan pagawing Herusalem, ngunit kinukuha ang mas mataas na daan, na dumarating sa Mount of Olives sa tabi ng pinakamalayong bayan. Nang sila ay makarating bukang-liwayway na. Pinasok nila ang Gethsemane, at bumababa patungo sa maliit na bahay.

Si Maria, Na nasa terasa, ay nakikita silang dumarating at, sumisigaw sa tuwa, Siya ay bumaba upang salubungin sila.

Si Pedro ay talagang bumagsak sa Kanyang paanan, ang kanyang mukha nasa lupa, nagsasabi sa Kanya: «Ina, patawarin ako!»

«Para saan? Ikaw ba kaya ay nagkasala sa kung anong bagay? Siya Na nagbubunyag sa Akin ng lahat, ay ibinunyag lamang sa Akin na ikaw ay ang Kanyang karapat-dapat na kapalit sa Pananampalataya. Lagi kitang natatagpuan na isang makatarungan na tao, kahit na kung minsan pabigla-bigla. Kung kaya't ano ang kailangan Kong patawarin sa iyo?»

Si Pedro ay lumuluha at tahimik.

Si Juan ay nagpapaliwanag: «Si Pedro ay hindi mapalagay ang isip sa kanyang pagkatatwa kay Jesus, sa Korte ng Templo.»

«Iyan ay isang bagay na nakaraan na at iyan ay nakansela na, Pedro. Si Jesus ba kaya ay kinagalitan ka?»

«O! hindi!»

«Siya ba ay naging mas kulang ang pagmamahal sa iyo kaysa dati?»

«Hindi. Hindi talaga. Sa kabaligtaran!...»

«At iyan ba ay hindi nagsasabi sa iyo kung gaano ka Niya, at Ako kasama Niya, naintindihan at pinatawad?»

«Iyan ay totoo. Ako ay laging ganoon pa rin na tanga.»

«Kung gayon humayo at maging nasa kapayapaan. Sasabihin Ko sa iyo na tayong lahat ay magsasama-sama, ikaw, Ako, ang iba pang mga apostol at mga diyakono, lahat sa Langit, malapit sa Tao-Diyos. Para sa kung ano ang ibinigay sa Akin, pinagpapala kita» at katulad ng Kanyang ginawa kay Gamaliel, ipinatong ni Maria ang Kanyang mga kamay sa ulo ni Pedro at ginuguhit ng Kanyang kamay sa hangin ang isang tanda ng krus.

Si Pedro ay yumuyuko upang halikan ang Kanyang mga paa, pagkatapos siya ay tumayo, mas panatag kaysa kanina, at kasama pa rin si Juan, pumunta siya sa mas mataas na geyt, nilalampasan ito, at umalis, habang si Juan, pagkatapos na maisara ang entrada, ay bumalik kay Maria.

012213

 

 


Sunod na kabanata