646. Ang Pag-akyat sa Langit sa Ating Ginang.

Disyembre 8, 1951.

¹Ilang araw na ang nakaraan? Mahirap itong malaman. Kung titingnan ng isa ang mga bulaklak na pumupormang isang korona sa paligid ng patay na katawan, masasabi ng isa na kaunting mga oras pa lamang ang nakaraan. Ngunit kung ang isa ay titingnan ang mga sanga ng mga olibo kung saan nakalatag ang sariwang mga bulaklak, mga sangang may mga dahon  na tuyo na, at ang ibang mga tuyong bulaklak na nakapatong katulad ng mga relikya sa ibabaw ng takip ng kaban, ipagpapalagay ng isa na mga ilang araw na ang nakaraan.

Ngunit ang katawan ni Maria ay eksaktong pareho pa rin katulad noong tumigil ang Kanyang paghinga. Walang bakas ng kamatayan sa Kanyang mukha o sa Kanyang maliliit na kamay. Walang masamang amoy sa loob ng silid. Sa kabaligtaran isang di mawaring amoy katulad ng insenso, ng mga liryo, ng mga rosas, ng mga liryo ng lambak, ng mga yerba ng bundok, lahat halu-halo, ang nasa ere ng silid.

Si Juan, na hindi ko alam kung ilang araw nang gising, ay nakatulog, natalo ng pagod, nakaupo sa bangkito, ang kanyang mga balikat nakadikit sa pader, malapit sa bukas na pintuan na magdadala sa terasa. Ang liwanag ng lampara, na mula sa sahig ay sumisinag pataas sa kanya, ay nagagawang makita ang kanyang pagod na mukha, na maputlang-maputla, maliban sa paligid ng kanyang mga mata, mapula sa kakaiyak.

Maaaring ngayon ay bukang-liwayway na, sapagkat sa malabong liwanag nito ang terasa at ang mga punong-olibo na nakapaligid sa bahay ay makikita, isang liwanag na lumalakas nang lumalakas at na, lumalagos sa pintuan, nagagawang kitang-kita ang mga bagay sa loob ng silid, na, bilang malayo sa maliit na lampara, ay halos maaninag lamang kanina.

Nang bigla na lamang ang isang malakas na liwanag ay napuno ang silid, isang malaplatang liwanag, na may bahid na asul, halos nanginginang, at ito ay tumitindi nang tumitindi sa lakas, ginagawa ang liwanag ng bukang-liwayway at ng lampara na di na mapansin. Isang liwanag na katulad ng bumaha sa Gruta ng Bethlehem noong sandali ng dibinong Natividad. Pagkatapos sa loob ng pamparaisong liwanag na ito, mga anghelikal na mga nilalang ang pinakita ang mga sarili, isang liwanag na mas matingkad pa  kaysa sa malakas nang liwanag na lumitaw kanina. Katulad na ganito rin ang nangyari noong ang mga anghel ay nagpakita sa mga pastol, isang sayaw ng lahat ng mga kulay ang biglang sumambulat mula sa kanilang malumanay na pinagagalaw na mga pakpak, na nagpapalabas ng isang kaaya-ayang bulong na tunog, kasing tamis ng pinatutunog na lira.

Ang anghelikal na mga nilalang ay inilalagay ang kanilang mga sarili sa paligid ng maliit na kama, niyuyukuan nila ito, binubuhat nila ang walang-galaw na katawan, at pinawawagayway nang mas malakas ang kanilang mga pakpak, na pinalalakas ang tunog na naririnig kanina, sa pamamagitan ng isang madadaanan na nabuksan nang mahimala sa bubong, katulad na mahimalang nabuksan ang sepulkro ni Jesus, sila ay umalis, dala-dala ang katawan ng kanilang Reyna, isang Kabanalbanalang Katawan, totoo, ngunit hindi pa naluwalhati, at kung gayon nakapailalim pa sa mga batas ng materyal, kung saan ang Kristo ay hindi naiilaliman, sapagkat Siya noon ay maluwalhati na pagbangon mula sa kamatayan. Ang tunog na nagawa ng anghelikal na mga pakpak ay lumalakas at ngayon ito ay kasing lakas na ng tunog ng isang organo.

mary carriedSi Juan, na, bagamat tulog pa, ay gumalaw nang dalawa o tatlong beses sa kanyang bangkito, na tila siya ay nagambala ng malakas na liwanag at ng tunog ng anghelikal na mga pakpak, ay tuluyang nagising dahil sa lakas ng tunog at dahil sa isang malakas na galaw ng hangin na, bumababa mula sa bukas na bubong at lumalabas sa pamamagitan ng nakabukas na pintuan, gumagawa ng ipu-ipo na nagpapalikot sa mga takip ng kama, na ngayon ay wala nang laman, at sa mga damit ni Juan, pinapatay ang apoy ng lampara at isinasara ang pinto nang may malakas na bagsak.

Ang apostol ay tumingin-tingin sa paligid, halos tulog pa, upang maintindihan kung ano ang nangyayari. Napuna niya na ang kama ay walang-laman at na ang bubong ay butás. Naintindihan niya na ang isang magandang bagay ay nangyari. Tumakbo siyang palabas sa terasa, at na tila sa pamamagitan ng espirituwal na instinto, o ng isang tawag ng Langit, itinaas niya ang kanyang tingin, pinoprotektahan ang kanyang mga mata sa liwanag ng araw, upang makakita.

At nakita niya. Nakikita niya ang katawan ni Maria, wala pa ring buhay, at ganap na nakakatulad ang isang tao na natutulog, na tumataas nang tumataas, suportado ng grupo ng mga anghel. Katulad ng isang huling pagpapakita ng pagpapaalam, ang isang laylayan ng manta at ng belo ang kumakaway-kaway, baka gawa ng hangin ng biglang pagtaas at ng paggalaw ng mga pakpak ng mga anghel; at ilang mga bulaklak, ang mga inilagay ni Juan at pinapagpanibago sa paligid ng katawan ni Maria, at na tiyak na mga nanatili sa mga lupi ng mga damit, ay bumabagsak sa terasa at sa lupa ng Gethsemane, habang ang malakas na hosana ng grupo ng mga anghel ay papalayo nang papalayo at pahina nang pahina sa pakinig.                 mary assumption

 

Si Juan ay patuloy na tinititigan ang katawan na iyon na tumataas patungo sa Langit at, tiyak na sa pamamagitan ng kababalaghan na pinagkaloob sa kanya ng Diyos, upang paginhawahan siya at gantimpalaan siya para sa kanyang pagmamahal para sa kanyang umampon na Ina, malinaw niyang nakikita si Maria, nababalot na ngayon ng mga sinag ng araw na nakataas na, Na nabuhay muli, tumayo sa Kanyang mga paa, dahil nasa Kanya na rin ngayon ang mga regalong tipikal sa mga katawan na naluwalhati na.

Si Juan ay tingin nang tingin. Ang himalang pinagkaloob sa kanya ng Diyos ay nagagawa siya, salungat sa lahat ng mga batas, na makita niya si Maria katulad na kung ano na Siya ngayon, habang mabilis Siyang tumataas sa Langit, napaliligiran, ngunit hindi na tinutulungan na makataas, ng mga anghel na umaawit ng mga hosana. At si Juan ay nagtatalik sa kaligayahan gawa ng bisyon na iyon ng kagandahan na walang panulat ng tao, o salita ng tao, o gawa ng pintor ang makapagsasalarawan o makakagaya, dahil sa di-maisasalarawan na kagandahan nito.

Si Juan, nakasandal pa rin sa mababang pader ng terasa, ay nagpapatuloy sa pagtitig sa marilag na sumisinag na porma ng Diyos na iyon – sapagkat si Maria ay talagang masasabi na ganyan, pinorma sa isang namumukod na pamamaraan ng Diyos, Na ginusto Siyang imakulada, upang Siya ang sana maging ang porma para sa Nagkatawang-Tao na Salita – habang tumataas ito nang tumataas pa. At ang Diyos-Pag-ibig ay nagkakaloob ng isang huling kataastaasang kababalaghan sa Kanyang perpektong mapagmahal na disipulo: ang makita ang pakikipagtagpo ng Kabanalbanalang Ina sa Kanyang Kabanalbanalang Anak, Na marilag at nagniningning din, makisig sa di-maisalarawang kagandahan, bumababang mabilis mula sa Langit, ay narating ang Kanyang Ina, dinidiin Siya sa Kanyang puso, at magkasabay, mas nakakasilaw kaysa sa dalawang mayor na mga planeta, na bumabalik kasama si Maria mula kung saan si Jesus nanggaling.

mary met jesus⁴Ang bisyon ni Juan ay tapos na. Itinungo niya ang kanyang ulo. Sa kanyang pagod na mukha ay maaaninag ang kanyang kapighatian para sa pagkawala ni Maria at ang kanyang lugod para sa Kanyang maluwalhating kapalaran. Ngunit sa ngayon nahihigitan ng lugod at kapighatian.

Sinasabi niya: «Maraming salamat, aking Diyos! Maraming salamat! Nakinikinita ko ito na ito ang mangyayari. At ginusto kong ako ay gising, upang hindi sa akin makalampas ang kahit anong tagpo ng Pag-akyat sa Kanya sa Langit. Ngunit wala akong tulog nang tatlong araw na! Ang antok, pagkapagod, napasama sa kapighatian, ay napangibabawan at natalo ako kung kailan lamang namiminto na ang Pag-akyat sa Kanya sa Langit... Ngunit baka iyan ang Inyong ginusto Mismo, o Diyos, upang hindi ko sana mabalisa ang sandaling iyon at hindi ako maghirap nang labis pa... Oo. Tiyak na iyon ang ginusto Ninyo, katulad na ngayon ay ginusto Ninyong makita ko ang, kung wala ang isang himala Ninyo, hindi ko makikita. Pinagkaloob Ninyo na makita ko Siyang muli, bagamat napakalayo, naluwalhati na at maluwalhati, na tila Siya ay napakalapit sa akin. At ang makita muli si Jesus! O! masayang-masaya, hindi inaasahan at hindi kailangan na asahan na bisyon! O regalo ng mga regalo ni Jesus-Diyos sa Kanyang Juan! Kataastaasang Grasya! Ang makita muli ang aking Guro at Panginoon! Ang makita Siyang malapit sa Kanyang Ina! Siya katulad ng isang araw, si Maria katulad ng isang buwan, kapwa marilag na marilag, sapagkat sila ay maluwalhati at masaya na magkasamang muli  nang magpasawalanghanggan! Ano na ang magiging katulad ng Paraiso ngayon na Kayong dalawa na ang nagniningning doon. Kayo mga mayor na mga planeta ng makalangit na Herusalem? Ano ang pagbubunyi ng anghelikal na koro at ng mga santo? Ito ay ang katulad ng lugod ng bisyon na binigay sa akin tungkol sa Ina kasama ang Kanyang Anak, isang bagay na nagkakansela sa bawat kirot ni Jesus, ang bawat kirot nila, mahigit pa rito, ang akin din ay tumitigil, at ang kapayapaan ang sumasakop sa akin. Sa tatlong himala na aking hiningi mula sa Diyos, dalawa ang pinangyari. Nakita ko ang buhay na bumalik kay Maria, at naramdaman kong bumalik ang aking kapayapaan. Ang lahat ng paghihirap ng aking damdamin ay natapos, sapagkat nakita ko Kayong nagkasamang muli sa kaluwalhatian. Maraming salamat para diyan, o Diyos. At maraming salamat na ginawa Ninyong posible para sa akin na makita, kahit para sa isang napakabanal na nilalang, ngunit tao pa rin, kung ano ang kalalabasan ng mga santo, ano ang mangyayari pagkatapos ng huling paghuhukom, at ang resureksiyon ng mga katawan, at ang kanilang pagsasamang muli, ang pagsasama ng kanilang mga espiritu, na nakataas sa Langit sa sandali ng kanilang kamatayan. Hindi ako nangangailangan na makakita upang maniwala. Sapagkat ako ay laging taimtim na naniniwala sa bawat salita ng Guro. Ngunit marami ang pagdududahan na, pagkaraan ng mga panahon at libu-libong mga taon, ang laman, na naging alikabok, ay maaaring maging isang nabubuhay na katawan. Masasabi ko sa kanila, nanunumpa sa ngalan ng pinaka makalangit na mga bagay, na hindi lamang ang Kristo ang naging buháy muli, sa pamamagitan ng Kanyang sariling kapangyarihan, bagkus na ang Kanya ring Ina, tatlong araw pagkatapos ng Kanyang kamatayan, kung kamatayan nga ang maitatawag doon, ay nabuhay muli, at na ang Kanyang laman naisama sa Kanyang kaluluwa ay kinuha ang Kanyang eternal na luklukan sa Langit, sa tabi ng Kanyang Anak. Magagawa kong sabihin: “Maniwala, o mga Kristiyano, sa resureksiyon ng mga katawan, sa katapusan ng panahon, at sa eternal na buhay ng mga kaluluwa at mga katawan, isang masayang-masayang buhay ng mga santo, nakapangingilabot para sa hindi nagsisising nagkasalang mga tao. Maniwala at mamuhay katulad ng mga santo, katulad na namuhay sina Jesus at Maria, upang magkaroon ng katulad ng kanilang tinamo. Nakita ko ang kanilang mga katawan na tumaas sa Langit. Maaari akong saksi tungkol diyan. Mamuhay katulad ng makatarungang mga tao, upang isang araw kayo ay mapapunta sa bagong eternal na mundo, sa katawan at kaluluwa, malapit kay Jesus-araw, at malapit kay Maria ang Tala ng mga tala”. Salamat sa Inyong muli, o Diyos! ⁵At ngayon ating pagsama-samahin kung ano ang natira ng tungkol sa Kanya. Ang mga bulaklak na bumagsak mula sa Kanyang mga damit, ang mga sanga ng olibo na naiwan sa ibabaw ng kama, at atin itong itago. Magsisilbi silang... Oo, magsisilbi sila na matulungan at mapaginhawahan ang aking mga kapatid, na aking hinintay nang walang nangyari. Makikita ko rin sila balang araw...»

Pinupulot niya ang mga petalo ng mga bulaklak na natanggal sa pagbagsak, bumalik siya sa silid, hawak sila sa lupi ng kanyang tunika. Pagkatapos tiningnan niyang mabuti ang butas sa bubong at bumulalas: «Isa pang himala! At isa pang magandang proporsiyon  sa mga kababalaghan ng buhay nina Jesus at Maria! Siya, Diyos, ay bumangon sa pamamagitan Niya Mismo, at sa pamamagitan ng Kanyang Sariling kalooban pinabaligtag Niya ang bato ng Kanyang Sepulkro, at sa pamamagitan lamang ng Kanyang sariling kapangyarihan umakyat Siya sa Langit. Sa pamamagitan Niya Mismo. Si Maria, ang Kabanalbanalang Ina, ngunit isang anak ng tao, sa pamamagitan ng tulong ng mga anghel ay binutas ang daanan para sa Kanyang pag-akyat sa Langit, at laging sa pamamagitan ng tulong ng mga anghel Siya ay tumaas patungo doon. Sa Kristo ang espiritu ay bumalik upang pagalawin ang Kanyang Katawan hang ito ay nasa Lupa pa, sapagkat iyon ay kailangan na ganoon, upang mapatahimik ang Kanyang mga kaaway at makumpirmahan sa pananampalataya ang lahat ng Kanyang mga tagasunod. Kay Maria ang espiritu ay bumalik noong ang Kanyang kabanalbanalang katawan ay nasa pamasukan na ng Paraiso, sapagkat wala nang iba pang pangangailangan para sa Kanya. Perpektong kapangyarihan ng Walang-hangganang Karunungan ng Diyos!...»

Ngayon iniipon ni Juan sa isang piraso ng tela ang mga bulaklak at mga sanga na nasa maliit na kama pa, dinadagdag niya dito ang kanyang naipon sa labas, at inilalagay silang lahat sa ibabaw ng takip ng kaban. Pagkatapos binuksan niya ito at inilalagay sa loob ang maliit na unan ni Maria at ang maliit na sapin ng maliit na kama; bumaba siya sa kusina, kinukuha niya ang iba pang mga gamit na ginamit ni Maria – ang ikiran at sulidan at ang Kanyang gamit sa kusina – at dinagdag ito sa iba pang mga bagay.

⁶Isinara niya ang kaban at naupo sa bangkito bumubulalas: «Ngayon ang lahat ay natapos na rin para sa akin! Ngayon makakapunta na ako saan man ako pasundin ng Espiritu ng Diyos. Makakapunta ako! At itanim ang Dibinong Salita na binigay sa akin ng Guro upang maibigay ko ito sa mga tao. At ituro ang Pagmamahal. Turuan sila upang paniwalaan sana nila ang Pagmamahal at ang kapangyarihan nito. Gawing malaman nila kung ano ang ginawa ng Diyos-Pag-ibig para sa mga tao. Ang Kanyang Sakripisyo at ang Kanyang perpetwong Sakramento at Ritwal, na sa pamamagitan nito, hanggang sa katapusan ng panahon, makakaisa natin si Jesucristo sa Eukaristiya at panibaguhin ang Ritwal at ang Sakripisyo katulad ng Kanyang iniutos sa amin na gawin. Ang lahat na mga regalo ng perpektong Pagmamahal! Gawin silang mahalin ang Pagmamahal, upang maniwala sana sila sa Kanya, katulad na kami ay naniwala at naniniwala. Ihasik ang Pagmamahal upang ang ani at ang huli ay maging sagana para sa Pagmamahal. Ang Pagmamahal ay nakakamit nito ang lahat. Si Maria ay sinabi ito sa akin sa Kanyang huling pakikipagusap sa akin, na Kanyang makatarungan na tinuran, sa Apostoladong Kolehiyo, ang isa na nagmamahal, ang namumukod-tanging nagmamahal na isa, ang antitesis ng Iskariote, na siyang kapootan, katulad na si Pedro ay kapusukan, at si Andres pagpapakumbaba, ang mga anak ni Alfeo kabanalan at karunungang nakadugtong sa karingalan ng mga asal, at iba pa. Ako, ang mapagmahal na disipulo, ngayon na wala na sa akin ang Guro at ang Ina upang mahalin sa Lupa, ay lalakad at ikakalat ang pagmamahal sa pagitan ng mga nasyon. Ang Pagmamahal ay ang aking magiging sandata at aking doktrina. At sa pamamagitan nito tatalunin ko ang dimonyo, ang paganismo at magagapi ko ang maraming mga kaluluwa. Ako kung gayon ay maipagpapatuloy ko si Jesus at si Maria, Na mga perpektong pagmamahal sa Lupa.»

012613

 

 

 


Sunod na kabanata