647. Tungkol sa Pagyao, ang Pag-akyat sa Langit at ang Regalya ng Banal na Birhen.

Abril 18, 1948.

mary sinasabi

¹(Sinasabi ni Maria)

«Namatay ba Ako? Oo, kung tatawagin ninyong kamatayan ang paghiwalay ng pilíng bahagi ng espiritu mula sa katawan. Hindi, kung sa kamatayan ang intindi ninyo sa paghiwalay ng nagbibigay-buhay na kaluluwa mula sa katawan, ay ang pagkabulok ng laman na hindi na binibigyan ng buhay ng kaluluwa, at bago iyan, ang mapanglaw na sepulkro, at bago ang lahat na ito, ang mga biglang kirot ng kamatayan.

Papaano Ako namatay, o mas mabuti pa, papaano Ako nakatawid mula sa Lupa hanggang sa Langit, una sa pamamagitan ng Aking inmortal na bahagi, pagkatapos sa pamamagitan ng Aking nabubulok na bahagi? Ayon sa ito ay makatarungan para sa Kanya Na walang nalaman na bahid ng kasalanan.

²Nang gabing iyon, ang pagpapahinga ng Sabbath ay nakapagsimula na, Ako ay nagsasalita kay Juan. Tungkol kay Jesus at sa Kanyang mga gamit. Ang oras ng gabi ay puno ng kapayapaan. Ang Sabbath ay napigilan nito ang lahat na ingay ng pagtatrabaho ng tao. At ang oras ay napipigilan nito ang bawat tinig ng tao at ibon. Tanging ang mga punong-olibo lamang sa paligid na bahay ang kumakaluskos sa ihip ng hangin ng gabi, at ang isang paglipad ng mga anghel ang tila kumakaskas sa mga pader ng nangungulilang bahay.

Kami ay nagsasalita ng tungkol kay Jesus, tungkol sa Ama, tungkol sa Kaharian ng Langit. Ang magsalita ng tungkol sa Pagmamahal at ng tungkol sa Kaharian ng Pag-ibig, ay ang lumiwanag sa pamamagitan ng buháy na apoy, tinutupok ang mga nag-uugnay sa bagay upang makalaya ang espiritu para sa mistikal na mga paglipad nito. At kung ang apoy ay mapipigilan sa loob ng mga hangganan na itinalaga ng Diyos upang mapanatili ang mga nilalang sa ibabaw ng Lupa, sa paglilingkod sa Kanya posibleng mamuhay at masunog, nakikita sa lagablab hindi ang pagkatupok, bagkus ang pagiging ganap ng buhay. Ngunit kapag inalis ng Diyos ang mga hangganan at binigyan ng kalayaan ang dibinong Apoy na puntahan at akitin ang espiritu sa Sarili nito nang walang sukat, diyan ang espiritu, tumutugon din nang walang sukat sa Pagmamahal, hinihiwalay ang sarili nito mula a materyal at lilipad kung saan ito inuudyukan at inaanyayahan. At iyon ang katapusan ng pagkakatapon at ang (simula ng)¹ pagbabalik sa Amangbayan.

Nang gabing iyon, ang di-mapigilan na init, ang di-masukat na kasiglahan ng Aking espiritu ay nasamahan ng isang matamis na pananamlay, ng isang misteryosong pakiramdam na ang materyal ay lumalayo sa mga nakapaligid dito, na tila ang Aking katawan, pagod, ay inaantok, habang ang Aking talino, mas lalong gising sa pangangatwiran, ay lumulubog, patungo sa dibinong kaningningan.

Si Juan, ang mapagmahal na mahinahong saksi sa bawat pagkilos Ko, mula ng siya ay naging Aking ampon na anak, ayon sa kalooban ng Aking Bugtong na Anak, ay may kabaitan na nakumbinsi Ako na magpahinga sa maliit na kama at binabantayan niya Ako nagdarasal. Ang huling tunog na napakinggan Ko sa Lupa ay ang bulong ng mga salita ni Juan, ang birhen na apostol. Iyon ay para sa Akin katulad ng isang oyayi ng isang ina malapit sa kuna. At sinamahan nito ang Aking espiritu sa huling lubos na kaligayahan nito, napaka makalangit na ito ay maisalarawan. Sinamahan Ako nito hanggang sa layo ng Langit.

³Si Juan, ang tanging saksi sa matamis na misteryong ito, ay inayos niya Ako mismo, binabalot Ako sa Aking puting manta, nang hindi pinapalitan ang Aking damit o ang belo, nang walang kahit anong paghuhugas o pag-eembalsamo. Ang espiritu ni Juan, na kitang-kita sa kanyang mga salita ng ikalawang episodyo ng siklong ito na nagmula sa Pentekostes hanggang sa Pag-akyat sa Akin sa Langit, ay nalalaman na na Ako ay hindi mabubulok, at naturuan nito ang apostol kung ano ang kanyang gagawin. At siya, basal, mapagmahal, mahinahon magpatungkol sa mg misteryo ng Diyos at sa kanyang nasa malayong mga kasamahan, ay nagpasyang sarilinin ang lihim at hintayin ang iba pang mga lingkod ng Diyos, upang Ako ay sana makita nilang muli, at maginhawahan at matulungan ng tanawin na iyon para sa mga kirot at mga kahirapan sa kanilang misyon. Siya ay naghintay, na tila siya ay nakatitiyak na sila ay darating.

Ngunit ang dekreto ng Diyos ay iba. Ang mabuti ay laging para sa Paborito. Katulad lamang ng dati para sa lahat na mga naniniwala. Ginawa Niya na maging mabigat ang mga mata ng una sa antok, upang maipaliban siya sa pahirap na nakikita rin ang Aking katawan na kinukuha mula sa kanya. Nagbigay Siya sa mga naniniwala ng isang karagdagang katotohanan na magpapasigla sa kanila na paniwalaan ang resureksiyon ng laman, ang gantimpala ng isang eternal na maligayang buhay na pinagkakaloob sa makatarungan, ang pinaka malaki at kaaya-ayang mga katotohanan tungkol sa Bagong Tipan: ang aking Imakuladang Konsepsiyon, ang Aking Dibinong pambirhen na Maternidad, ang dibino at pagkataong Kalikasan ng Aking Anak, totoong Diyos at totoong Tao, pinanganak hindi sa pamamagitan ng kalooban ng tao bagkus sa pamamagitan ng dibinong kasal at dibinong binhi na inilagay sa Aking sinapupunan, at panghuli, na sana sila ay maniwala na sa Langit ay naroon ang Aking Puso ng Ina ng lahat na mga tao, pumipintig nang may nananabik na pagmamahal para sa lahat, makatarungang mga tao at mga makasalanan, nananabik na makasama kayong lahat Nito sa banal na Amangbayan magpasawalanghanggan.

⁴Noong Ako ay inilabas ng mga anghel sa maliit na bahay, ang Aking bang espiritu ay nakabalik na sa Akin? Hindi. Ang Aking espiritu ay hindi na kailangan na bumaba ulit sa Lupa. Ito ay, sumasamba, sa harapan ng Trono ng Diyos. Ngunit noong ang Lupa, ang tapon, ang panahon at ang lugar ng pagkakahiwalay sa Aking Isa at Sang-tatlong Panginoon ay iniwanan na magpakailanman, ang Aking espiritu ay bumalik upang magningning sa sentro ng Aking kaluluwa, hinahango ang laman mula sa pagkatulog nito. Kung kaya't makatarungan na sabihin na Ako ay iniakyat sa Langit sa katawan at kaluluwa, hindi sa pamamagitan ng Aking kakayahan, katulad na ito ang siyang nangyari para kay Jesus, bagkus sa pamamagitan ng tulong ng anghel. Nagising Ako  mula sa misteryoso at mistikal na tulog na iyon, tumaas Ako, lumipad Ako sa bandang huli, sapagkat sa ngayon ang Aking laman ay nakamit na ang perpeksiyon ng maluwalhating mga katawan. At Ako ay nagmahal. Minahal Ko ang Aking Anak, Na Aking natagpuang muli, at Aking Panginoon, Isa at Sang-tatlo, minahal Ko Siya, katulad na ito ang patutunguhan ng lahat na eternal na buháy na mga bagay.»

--------------------

Enero 5, 1944.

jesus sinasabi

⁵(Sinasabi ni Jesus:)

«Nang ang Kanyang huling oras ay dumating, katulad ng isang pagod na liryo na, pagkatapos na maihinga ang lahat ng pabango nito, ay yumuyuko sa ilalim ng mga bituin at isinasara ang kaputiang-niyebeng mga takupis nito, si Maria, ang Aking Ina, ay humiga sa Kanyang maliit na kama at isinara ang Kanyang mga mata sa lahat ng nakapaligid sa Kanya, upang lagumin ang Kanyang mga naiisip sa isang huling panatag na kontemplasyon tungkol sa Diyos.

Nakayuko sa Kanyang pagpapahinga, ang anghel ni Maria ay sabik na hinihintay ang pagtatapos ng labis na kaligayahan upang maihiwalay ang espiritung iyon mula sa laman, para sa oras na itinakda ng Diyos, at upang maihiwalay ito magpasawalanghanggan mula sa Lupa, habang ang matamis na nag-aanyayang utos ng Diyos ay bumababa na mula sa Langit.

Si Juan, isang makalupang anghel, nakayuko rin sa misteryosong pagpapahingang iyon, ay binabantayan ang Ina Na malapit nang iwanan siya. At noong nakita niya na nalagutan na Siya ng hininga, nagpatuloy siyang bantayan Siya, upang, hindi nalalapastangan ng mausyosong mga mata, Siya ay kailangan na manatili, kahit sa kabila pa ng kamatayan, ang Imakuladang Esposa at Ina ng Diyos, panatag-na-panatag at maganda sa Kanyang tulog.

⁶Ang isang tradisyon ay nagsasabi na mga bulaklak lamang ang natagpuan sa urna ni Maria, noong ito ay binuksan ni Tomas. Ito ay isang tanging alamat lamang. Walang sepulkro ang nagkulong sa labì ni Maria, sapagkat hindi kailanman nagkaroon ng labì, ayon sa pantaong pag-iisip, sapagkat si Maria ay hindi namatay katulad ng sinuman na nabuhay at namatay.

Sa pamamagitan ng dibinong dekreto, naihiwalay lamang Siya mula sa Kanyang espiritu, at ang Kanyang kabanalbanalang laman ay sumama muli sa espiritu na nauna na. sa pagbaligtad sa kinasanayan na mga batas, na ayon dito ang isang labis na kaligayahan ay nagtatapos kapag ang masidhing kaligayahan ay tumigil, ibig sabihin, kapag ang espiritu ay bumalik na sa normal na estado nito, ang katawan ni Maria ang siyang sumama sa espiritu, pagkatapos ng matagal na pagkakahiga sa kama.

Ang lahat ay posible sa Diyos. Ako ay lumabas sa Aking Sepulkro nang walang kahit anong tulong bukod sa Aking sariling kapangyarihan. Si Maria ay pumunta sa Akin, sa Diyos, sa Langit, nang hindi dinadanas ang Sepulkro kasama ang nakakatakot na mapanglaw na kabulukan nito. Iyon ay ang isa sa pinaka maningning na mga himala ng Diyos. Hindi natatanging isa, totoo, kung ating aalalanin si Enoch at si Elijah na, bilang mahal sa Diyos, ay kinuha mula sa Lupa, nang hindi dinadanas ang mamatay, at dinala sa ibang lugar, sa isang lugar na tanging ang Diyos lamang ang may alam at ang selestiyal na mga mamamayan ng Langit. Sila ay makatarungan, ngunit laging wala kompara sa Aking Ina, mas mababa, sa kabanalan, sa Diyos lamang.

Iyan kung bakit walang relikya ng katawan o ng sepulkro ni Maria. Sapagkat si Maria ay walang sepulkro, at ang Kanyang katawan ay dinala sa Langit.»

--------------------

Ika 8 at ika 15 ng Hulyo 1944,

mary sinasabi

⁷(Sinasabi ni Maria)

«Ang konsepsiyon sa Aking Anak ay isang labis na kaligayahan. Isang mas lalong malaking labis na kaligayahan ang ipanganak Siya. Ang labis-na-kaligayahan ng mga labis-na-kaligayahan ang Aking pagtawid mula sa Lupa patungo sa Langit. Tanging sa loob lamang ng Pasyon walang labis-na-kaligayahan ang nagpagaan sa Aking malupit na paghihirap

Ang bahay mula kung saan Ako kinuha patungo sa Langit, ay ang isa sa mga di-mabibilang na mga kagandahang-loob ni Lazarus, para kay Jesus at sa Kanyang Ina. Ang maliit na bahay sa Gethsemane, malapit sa lugar ng Kanyang Pag-akyat sa Langit. Walang kabuluhan ang hanapin ang mga labì nito. Sa pagsira sa Herusalem ng mga Romano, ito ay nawasak, at ang mga tira-tira nito ay naikalat sa pagtakbo ng mga panahon.»

-------------------

Disyembre 18, 1943.

mary sinasabi

⁸(Sinasabi ni Maria:)

«Katulad na ang Aking panganganak sa Aking Anak ay isang nagtatalik-sa-kaligayahan na sandali para sa Akin, at mula sa masidhing kaligayahan sa Diyos na humawak sa Akin sa oras na iyon, nakabalik Ako sa Aking Sarili at sa Lupa na ang Aking Anak nasa Aking mga bisig, kung kaya't ang Aking di-maayos na pagkatawag na “kamatayan” ay isang biglang masidhing kaligayahan sa Diyos.

Umaasa sa pangako na Aking tinanggap noong maningning na umaga ng Pentekostes, naisip Ko na ang paglapit ng huling pagdating ng Pagmamahal, upang kunin Akong kasama Siya, ay ipababatid ang sarili nito sa pamamagitan ng isang paglaki ng apoy ng pagmamahal na laging lumalagablab sa loob Ko. At Ako ay hindi nagkamali.

Sa ganang Akin, habang mas dumaraan ang oras, mas lalong lumalaki ang Aking mithiin na mapahalo sa Eternal na Pagmamahal. Ako ay nauudyukan ng mithiin na makasama ang Aking Anak at ng katiyakan na hindi Ako makagagawa ng labis para sa mga tao katulad na kung Ako ay nasa paanan ng Trono ng Diyos, nagdarasal at kumikilos sa katauhan nila. At nang may paggalaw na mas lalu’t lalo pang lumalagablab at bumibilis, madalas Kong isigaw sa Langit nang buong lakas ng Aking kaluluwa: “Halikayo, Panginoong Jesus! Halikayo, Eternal na Pagmamahal!”.

⁹Ang Eukaristiya, iyan ay para sa Akin katulad ng hamog para sa isang natuyong bulaklak, talagang búhay, ngunit habang mas dumaraan ang oras mas lalo itong nagiging di-sapat na makapuno sa di-mapigilan na pananabik ng Aking puso. Hindi na nagiging sapat para sa Akin na tanggapin ang Aking Dibinong Anak sa loob Ko at dalhin Siya sa loob Ko sa Sagradong Porma, katulad na dinala ko Siya sa Aking birhen na katawan. Ang Aking buong Sarili ay gusto ang Diyos Isa at Sang-tatlo, ngunit hindi sa ilalim ng mga belo na pinili ng Aking Jesus upang maitago ang di-maisasalarawang misteryo ng Pananampalataya, bagkus katulad ng kung ano Siya dati, at magiging ganito sa sentro ng Langit. Ang Aking Anak Mismo, sa Kanyang Eukaristiyang pagpapa-abot, ay napaaapoy Ako sa pamamagitan ng mga yakap ng walang-hangganang pagmimithi, at sa tuwing dumarating Siya sa Akin, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang pagmamahal, halos mawala ang Aking kaluluwa sa una, pagkatapos nananatili Siyang tinatawag Ako nang may walang-hangganang pagmamahal: “Inay!”, at naramdaman Ko na nananabik Siyang makasama Niya Ako.

¹⁰Wala na Akong iba pang minimithi. Kahit na ang mithiin na protektahan ang bagong-panganak na Simbahan ay nawala na sa Akin, sa mga huling araw ng Aking mortal na buhay.ang lahat ay nakansela ng mithiin na kamtin ang Diyos, dahil Ako ay kumbinsido na magagawa ng isa ang lahat kapag nasa kanya Siya.

Magsikap, o mga Kristiyano, na makarating sa gayong totál na pagmamahal. Gawin na ang lahat na makalupang mga bagay ay walang halaga. Tangkain lamang ang Diyos. Kapag kayo ay mayaman sa karukhaan na ito ng mithiin, na isang di-masusukat na kayamanan, ang Diyos ay yuyukuan ang inyong mga espiritu, upang turuan muna sila, upang kunin sila pagkatapos, at kayo ay tataas kasama sila sa Ama, sa Anak, sa Banal na Espiritu, upang makilala sila at mahalin sila para sa banal na eternidad at kamtin ang kanilang mga kayamanan ng mga grasya para sa inyong mga kapatid. Ang mga tao ay hindi kailanman naging napaka aktibo para sa kanilang mga kapatid katulad kung sila ay wala na sa pagitan nila, ngunit sila ay mga liwanag na nakapiling na muli ang Dibinong Liwanag.

¹¹Ang paglapit ng Eternal na Pagmamahal ay mayroong tanda na Aking inaasahan. Ang lahat ay nawawalan ng liwanag at kulay, tinig at presensya sa kaningningan at ang Tinig na, bumababa mula sa Langit, nakabukas sa Aking espirituwal na paningin, ay bumababa sa Akin upang kunin ang Aking kaluluwa. Ang mga tao ay nagsasabi na sana Ako ay nagbunyi bilang tinutulungan, sa oras na iyon, ng Aking Anak. Ngunit ang Aking matamis na Jesus ay totoong naroroon kasama ang Ama noong ang Pagmamahal, ibig sabihin ang Banal na Espiritu, ang Ikatlong Person ng Eternal na Trinidad, ay hinalikan Ako sa ikatlong beses sa Aking buhay, sa pamamagitan ng isang halik na dibinong napaka makapangyarihan na ang Aking kaluluwa ay napabuntung-hininga, nawawala sa kontemplasyon, katulad ng isang patak ng hamog na nasipsip ng araw sa loob ng takupis ng isang liryo. At Ako ay tumaas kasama ang Aking espiritu umaawit ng mga hosana patungo sa mga paa ng Tatlo, Na Aking laging sinasamba.

Pagkatapos, sa tamang sandali, katulad ng isang perlas sa isang ayos ng apoy, tinutulungan sa una, pagkatapos sinusundan ng prusisyon ng anghelikal na mga espiritu na dumating upang tulungan Ako sa Aking eternal na selestiyal na kapanganakan, inasahan ng Aking Jesus kahit bago pa man sa pamasukan ng Langit, at sa pamasukan nito ng Aking makatarungan na makalupang esposo, ng mga Hari at mga Patriyarka ng Aking lahi, ng unang mga santo at mga martir, pumasok Ako bilang Reyna, pagkatapos ng labis na kapighatian at labis na pagpapakumbaba ng abang katulong na Babae ng Diyos, patungo sa kaharian ng walang-hangganang kasiyahan. »

--------------------

Mayo 1, 1946.

jesus sinasabi

¹²(Sinasabi ni Jesus:)

«May pagkakaiba sa pagitan ng paghiwalay ng kaluluwa sa katawan, sa pamamagitan ng tunay na kamatayan, at ang pansamantalang pagkahiwalay ng espiritu sa katawan at sa nagbibigay-buhay na kaluluwa, sa pamamagitan ng labis na kaligayahan o masidhing kaligayahan sa kontemplasyon. Habang ang paghiwalay ng kaluluwa sa katawan ay naghahatid ng kamatayan, ang masidhing kaligayahan ng kontemplasyon, ibig sabihin, ang pansamantalang paglipad ng espiritu sa labas ng mga hangganan ng mga pandama at materyal, ay hindi naghahatid ng kamatayan. At iyan dahil ang kaluluwa ay hindi ganap na tikal at nakahiwalay sa katawan, bagkus nakahiwalay lamang ito sa pamamagitan ng mas mabuting bahagi, na tumalon sa apoy ng kontemplasyon.

¹³Ang lahat na mga tao, habang sila ay nabubuhay, ay may isang kaluluwa sa loob nila, patay o buháy man ito, sa pamamagitan ng kasalanan o katarungan; ngunit tanging ang malalim na mga nagmamahal lamang na mga kaluluwa sa Diyos ang nakararating sa tunay na kontemplasyon.

Pinatutunayan nito na ang kaluluwa, na nagpapanatili sa katawan na buháy habang ito ay nakakabit dito – at ang katangiang ito ay pare-pareho sa lahat na mga tao – ay mayroon sa loob nito mismo ng isang mas nobleng bahagi: ang kaluluwa ng kaluluwa, o espiritu ng espiritu, na sa mga makatarungan na tao ay napakalakas, samantalang sa mga tumigil sa pagmahal sa Diyos at sa Kanyang Batas, kahit na kung sa panlalamig o benyal na mga kasalanan, ito ay nagiging mahina, napagkakaitan ang tao ng kakayahan na makapagnilay at makilala ang Diyos at ang Kanyang eternal na mga katotohanan, hanggang sa ito ay magagawa ng isang nilalang na tao, ayon sa antas ng perpeksiyon na naabot. Habang mas lalong minamahal ng isang nilalang at pinaglilingkuran ang Diyos nang lahat ng lakas at kapangyarihan nito, mas lalong lumalaki ang kapasidad ng mas nobleng bahagi ng espiritu nito na makaalam, makapagnilay at malagos ang eternal na mga katotohanan.

¹⁴Ang tao, niregaluhan ng isang nangangatwirang kaluluwa, ay isang kapasidad na pinupuno ng Diyos ng Kanyang Sarili. Dahil si Maria, pagkatapos ng Kristo, ay ang kabanalbanalan sa lahat na mga nilalang, Siya ay isang kapasidad na punung-puno ng Diyos, ng Kanyang mga grasya, karidad at awa, na ito ay umaapaw sa mga kapatid kay Kristo ng lahat ng edad hanggang sa katapusan ng panahon.

Siya ay yumao nakalubog sa mga alon ng pagmamahal. Ngayon, nasa Langit, kung saan Siya ay naging isang karagatan ng pagmamahal, pinaaapaw Niya ang Kanyang mga alon ng karidad sa Kanyang mga anak na tapat sa Kanya at sa Kanyang mga alibughang anak din, para sa kanilang pansansinukuban na kaligtasan, dahil Siya ay ang pansansinukuban na Ina ng lahat na mga tao.»

---------------------

Disyembre 1943.

mary sinasabi

(Sinasabi ni Maria:)

«Ang Aking pagpapakababang-loob ay hindi Ako pinahihintulutan na isipin na labis na kaluwalhatian ang itinabi para sa Akin sa Langit. Sa Aking isip ay naroon ang halos katiyakan na ang Aking laman ng tao, nagawang banal sa pagdala sa Diyos, ay hindi makararanas ng pagkabulok, sapagkat ang Diyos ay Búhay, at kapag binubusog at pinupuno Niya ang isang nilalang ng Kanyang Sarili, ang pagkilos Niyang ito ay katulad ng isang aroma na nagpapanatili mula sa pagkabulok sa kamatayan.

Ako ay nakapanatili nang hindi lamang imakulada, hindi lamang Ako napakabit sa Diyos sa pamamagitan ng isang basal na mabungang yakap, bagkus Ako ay binusog, kahit hanggang sa pinaka loob-looban na mga sulok, ng mga sinag ng Dibinidad na nakatago sa loob ng Aking sinapupunan at ginustong mabalutan ng mortal na laman. Ngunit na ang kabaitan ng Eternal na Ama ay magtabi para sa Kanyang katulong na Babae ng lugod na maramdaman muli ang hipo ng kamay ng Aking Anak sa Aking katawan, ang Kanyang yakap, Kanyang halik, at ang mapakinggan muli ng Aking mga tainga ang Kanyang tinig, at nakikita ng Aking mga mata ang Kanyang mukha, hindi Ko inisip na ito ay ipagkakaloob sa Akin, ni hindi Ko ito hiniling. Naging sapat na sana kung ang mga beatitude na ito ay ipinagkaloob sa Aking espiritu, at nakapuno na sana iyan sa Aking kaakuhan nang may kaaya-ayang kaligayahan.

Ngunit, sa pagsaksi sa Kanyang unang paglilikhang isip tungkol sa tao, na itinalaga Niya, ang Tagapaglikha, na mabuhay, tumatawid nang hindi namamatay, mula sa makalupang Paraiso patungo sa selestiyal na Paraiso, sa eternal na Kaharian ng Diyos, ginusto ng Diyos na Ako, ang imakulada, ay nasa Langit, magkasama ang katawan at kaluluwa, kaagad pagkatapos ng Aking makalupang pamumuhay.

Ako ang isang saksi na iyon tungkol sa kung ano ang naisip ng Diyos at Kanyang ginusto para sa tao: isang inosenteng pamumuhay at walang nalalaman na kasalanan, isang patanag na pagtawid mula sa buhay na ito patungo sa eternal na Buhay, kung saan, katulad ng isang dumaraan sa pamintuan ng isang bahay upang makapasok sa isang palasyo, ang tao kasama ang kanyang kumpletong pagiging tao, may materyal na katawan at isang espirituwal na kaluluwa, ay tatawid mula sa Lupa patungo sa Paraiso, dinadagdagan ang perpeksiyon ng kanyang kaakuhan, ibinigay sa kanya ng Diyos, nang may kumpletong perpeksiyon, kapwa sa katawan at sa espiritu, na, sa dibinong isip, ay nakatalaga sa bawat nilalang na nanatiling tapat sa Diyos at sa Grasya. Narating sana ng tao ang perpeksiyon na ito sa loob ng ganap na liwanag na nasa Langit at pinupuno ito, nanggagaling sa Diyos, ang eternal na Araw Na nagpapaliwanag dito.

Ang Diyos ay inilagay Ako, nakataas sa katawan at kaluluwa sa kaluwalhatian ng Langit, sa harapan ng mga Patriyarka, mga Propeta, mga Santo, mga Angel at ng mga Martir at sinabi Niya:

“Naririto ang perpektong gawa ng Tagapaglikha. Ito ang Aking nilikha sa Aking mas totoong imahe at pagkakatulad sa lahat ng mga anak ng tao, ang bunga ng isang dibinong obra-maestra, ang kababalaghan ng sansinukuban na nakikitang nakasarado sa isa lamang bilang dibino, sa loob ng eternal na espiritu katulad ng Diyos at katulad Niya espirituwal, matalino, malaya, banal, at materyal na nilalang sa loob ng pinaka banal at inosenteng katawan, kung kanino ang bawat iba bang buháy na nilalang, sa tatlong mga kaharian ng sangnilikha, ay napipilitan na yumuko. Ito ang saksi ng Aking pagmamahal para sa tao, para kung kanino ginusto Ko ang isang perpektong organismo at isang maligayang-maligayang kapalaran ng eternal na buhay sa Aking Kaharian. Ito ang saksi na Aking pinatawad ang tao na, sa pamamagitan ng kalooban ng Sang-tatlong Pagmamahal, ipinagkaloob Kong maibalik at malikhang muli sa Aking mga mata. Ito ang mistikal na bato ng pagkukumpara, ito ang ugnayan ng panagpuan sa pagitan ng tao at Diyos, sapagkat Siya ang Ina ng Aking Salita, at dahil Siya ang  Martir ng pinakadakilang pagpapatawad. Para sa Kanyang Imakuladang Puso na hindi kailanman nakaalam ng kahit anong bahid, ni kahit ang pinakamaliit, binubuksan Ko ang mga tagong-yaman ng Langit, at para sa Kanyang ulo, na hindi kailanman nakaalam ng pagmamalaki, gumagawa Ako ng girnalda ng Aking kaningningan at kinukoronahan Ko Siya, sapagkat Siya ay napakabanal sa Akin, upang sana Siya ay maging inyong Reyna”.

Walang mga luha sa Langit. Ngunit sa lugar ng malulugod na luha, na padadaluyin sana ng mga espiritu, kung sila ay pinagkalooban na lumuha – ang likido na pumapatak napiga ng emosyon – mayroon noon, pagkatapos ng mga dibinong mga salitang iyon, isang kumikislap ng mga liwanag, isang pagbabago ng mga kariktan sa mas kitang-kitang mga kariktan, isang paglagablab ng mapagkawanggawang mga apoy sa isang mas maalab na apoy, isang di-mahihigitan at di-maisasalarawan na pagtugtog ng selestiyal na mga armoniya, na sinalihan ng tinig ng Aking Anak, sa pagpuri sa Diyos ang Ama at sa Kanyang Katulong na Babae magpakailanman maligayang-maligaya.»

ANG MGA RASON PARA SA GAWA. PAGPAPAALAM SA GAWA.

(Abril 28 1947.)

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ang mga rason na nag-udyok sa Akin na liwanagin at idikta ang mga episodyo at ang Aking mga salita kay munting Juan ay, bukod sa lugod na ipaabot ang eksaktong kaalaman tungkol sa Akin sa nagmamahal na biktimang kaluluwang ito, ay marami.

Ngunit ang nagpapagalaw na espiritu ng lahat sa kanila ay ang Aking pagmamahal para sa Simbahan, kapwa nagtuturo at militante, at ang Aking mithiin na tulungan ang mga kaluluwa sa kanilang pagtaas patungo sa perpeksiyon. Ang kaalaman tungkol sa Akin ay nakakatulong sa pagtaas. Ang Aking Salita ay Buhay.

Babanggitin Ko ang mga pinaka-rason:

1. Ang mga rason na binanggit sa diktasyon na may petsang Enero 18 1947 at na ilalagay na kahalo rito ng munting si Juan. Ito ang pinaka-importanteng rason dahil kayo ay namamatay at gusto Ko kayong iligtas.

Ang pinaka malalim na rason para sa regalo ng gawang ito ay na sa kasalukuyang panahon, noong ang modernism, na kinundina ng Aking banal na Bikaryo na si Pius X, ay nagiging marumi sa parami nang parami na mga nakasasamang doktrina, ang Simbahan, kinakatawan ng Aking Bikaryo, ay magkaroon sana ng karagdagang materyal upang labanan ang mga pinasisinungalingan:

ang pagka natural-na-natural ng mga dogma;

ang dibinidad ng Kristo;

ang Katotohanan tungkol sa Kristo Diyos at Tao, tunay at perpekto kapwa sa pananampalataya at sa kasaysayan na ibinaba tungkol sa Kanya (ang Ebanghelyo, ang Mga Gawa ng mga Apostol, ang Apostoladong mga Sulat, ang tradisyon);

 ang doktrina ni Pablo at ni Juan at sa mga pagpupulong sa Nicaea, Ephesus at Chalcedon, bilang Aking tunay na doktrina na Aking itinuro nang pagsasalita;

ang Aking walang-hangganang siyensiya, katulad na ito ay dibino at perpekto;

ang dibinong pinagmulan ng mga dogma ng mga Sakramento ng Simbahan na Isa, Banal, Katoliko, Apostolado;

ang pagiging pansansinukuban at ang pagpapatuloy, hanggang sa katapusan ng panahon, ng Ebanghelyo na binigay Ko at para sa lahat na mga tao;

ang perpektong kalikasan, mula sa simula, ng Aking doktrina na hindi pinorma, katulad na ito ay ganito, sa pamamagitan ng magkakasunod na mga pagbabagu-bago, bagkus ito ay binigay katulad na ito ay ngayon: ang Doktrina ng Kristo, ng panahon ng Grasya, ng Kaharian ng Langit at ng Kaharian ng Diyos sa inyo, dibino, perpekto, di-mababago. Ang Ebanghelyo para sa lahat na nauuhaw para sa Diyos.

Sa pulang dragon na may pitong ulo, sampung sungay at may pitong diyadema sa ulo, na sa pamamagitan ng buntot nito ay hinatak ang ikatlong bahagi ng mga bituin mula sa kalangitan at inihulog ito – at sasabihin Ko sa inyong totoo ito ay bumagsak nang mas mababa pa kaysa sa lupa – at inuusig ang Babae; sa mga halimaw ng dagat at ng lupa na marami, napakarami ang sumasamba, naaakit katulad nila ng kanilang hitsura at mga kababalaghan, hinihingi Ko sa inyo na itapat ang Aking Anghel  lumilipad sa gitna ng kalangitan, hinahawakan nang lantad na lantad ang Eternal na Ebanghelyo, at ang mga Pahina rin na sarado magpahanggang ngayon, upang ang mga tao, sa pamamagitan ng liwanag nito, ay maligtas sana sa mga buntot ng dambuhalang serpiyente na may pitong panga, na gustong lunurin sila sa kadiliman nito, at sa Aking pagbabalik makatagpo pa rin sana Ako ng pananampalataya at karidad sa mga puso ng mga nagpursige, at sila ay sana maging mas marami pa kaysa sa gawa ni Satanas at ng mga tao na nagpapa-asa sa isa na sila maging.

II. Upang makapukaw ng isang may-damdamin na pagmamahal para sa Ebanghelyo at para sa lahat ng tungkol sa Kristo sa mga Pari at sa mga layko. Una sa lahat, pinanibagong pagmamahal para sa Aking Ina, na sa Kaninong mga panalangin ay naroon ang lihim ng kaligtasan ng mundo. Siya, ang Aking Ina, ay ang Kongkistadora ng sumpang Dragon. Tulungan ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng inyong pinanibagong pagmamahal para sa Kanya at ng inyong pinanibagong pananampalataya at kaalaman ng kung ano ang magpatungkol sa Kanya. Si Maria ay ibinigay ang Tagapagligtas sa mundo. Ang mundo ay tatanggap ng kaligtasan muli mula sa Kanya.

III. Upang mabigyan ang espirituwal na mga guro at mga direktor ng tulong sa kanilang ministeryo, pinag-aaralan ang iba’t ibang mga kaluluwa ng mundo kung saan Ako namuhay at ang iba't ibang mga pamamaraan na ginamit Ko upang mailigtas sila.

Sapagkat magiging katangahan ang magkaroon ng isang paraan lamang sa lahat na mga kaluluwa. Ang paraan upang madala ang pansin sa Perpeksiyon ng isang makatarungang tao na nagkukusang kumiling dito, ay iba sa dapat gamitin sa isang naniniwala na nasa pagkakasala, at sa gagamitin sa isang Hentil. Marami din kayo ng katulad nila sa pagitan ninyo, kung magtatagumpay kayo sa paghuhusga, katulad ng ginawa ng inyong Guro, katulad ng mga Hentil ang kaawa-awang mga tao na pinalitan ang totoong Diyos ng mga diyus-diyusan ng kapangyarihan at arogansiya, o ng ginto, o ng kahalayan, o ng diyus-diyusan ng pagmamalaki ng kanilang kaalaman.  At iba ang paraan na gagamitin upang mailigtas ang modernong mga proselito, ibig sabihin ang mga taong tinatanggap nila ang ideang Kristiyano, ngunit hindi ang pagiging mamamayang Kristiyano, dahil sila ay kabilang sa nakahiwalay na mga Simbahan. Walang sinuman ang kailangan na kasuklaman, at lalo na ang mga nawawalang tupang ito. Mahalin sila at pagsikapan na maibalik silang muli sa Tanging Kawan, upang ang mithiin ng Pastol na Jesus ay sana magkatotoo.

Ang ilang mga tao, kapag binabasa ang Gawang ito, ay tututol: “Hindi lumilitaw sa Ebanghelyo na si Jesus ay nakihalubilo sa mga Romano at mga Griyego, at dahil diyan hindi namin tinatanggap ang mga pahinang ito”. Gaano karaming bagay ang hindi lumilitaw sa Ebanghelyo, o matitiktikan lamang sa likuran ng makapal na mga kurtina ng pananahimik, na itinakip ng mga Ebanghelista sa mga episodyo, na ang tungkol dito sila ay hindi sumasang-ayon, dahil sa kanilang di-mabasag na Hudyong kaisipan! Sa palagay ba ninyo nalalaman ninyo ang lahat na ginawa Ko?

Sasabihin Ko sa inyong totoo na kahit pagkatapos na mabasa at tanggapin ang paglalarawang ito ng Aking publikong pamumuhay hindi ninyo malalaman ang lahat tungkol sa Akin. Mapapatay Ko ang Aking munting Juan, sa pagod sa pag-uulat sa lahat na mga araw tungkol sa Aking ministeryo at lahat na mga ikinilos sa bawat araw, kung ginawa Kong malaman niya ang lahat upang maihatid sana niya ang lahat sa inyo! “Pagkatapos may iba pang mga ginawa si Jesus, na, kung isusulat isa-isa, sa palagay ko hindi kakasya sa mundo ang mga aklat na kailangang maisulat” sabi ni Juan. Bukod sa hiperbole, sasabihin Ko sa inyong totoo na kung ang bawat isa ng Aking ikinilos ay isusulat, ang lahat na Aking partikular na mga leksiyon, ang Aking mga pagtitika at mga panalangin upang makaligtas ng isang kaluluwa, mauukupa nito ang mga bulwagan ng isa sa iyong mga libreriya, at isa sa pinakamalaki, upang maitabi ang mga aklat na nagsasalita ng tungkol sa Akin. At sasabihin Ko rin sa inyong totoo na lalong makakabuti pa para sa inyo na sunugin ang labis na maalikabok at nakalalasong siyensiya, upang magkaroon ng lugar para sa Aking mga aklat, kaysa makaalam nang kaunting-kaunti tungkol sa Akin at sambahin nang labis ang inimprentang iyan na halos laging may dumi ng kahalayan at erehiya.

IV. Upang maibalik sa kanilang katotohanan ang mga pagkatao ng Anak ng Tao at ni Maria, totoong mga anak ni Adan sa laman at dugo, ngunit ng isang inosenteng Adan. Ang mga anak ng Tao ay kailangan na naging katulad namin sana, kung ang ating Unang mga Magulang ay hindi napababa ang kanilang perpektong pagkatao – sa pag-unawa ng tao, ibig sabihin ng isang nilalang kung saan naroon ang dobleng kalikasan, espirituwal, sa imahe at pagkakatulad ng Diyos, at ang materyal na kalikasan – katulad na alam ninyo na nagkaroon sila. Perpektong mga pandama, ibig sabihin, nakapailalim sa rason kahit na sa kanilang malaking kahusayan. Sa mga pandama isinasama Ko kapwa ang moral at ang korporyal. Kung gayon totál at perpektong pagmamahal kapwa para sa Kanyang esposo, kung kanino Siya ay hindi nakakabit sa pamamagitan ng sensuwalidad, bagkus ng isang tali ng espirituwal na pagmamahal lamang, at para sa Kanyang Anak. Labis na minahal. Minahal nang lahat na perpeksiyon ng isang perpektong babae para sa batang pinanganak Niya. Ganyan kung papaano si Eba nagmahal sana: katulad ni Maria: ibig sabihin, hindi para sa kung anong pisikal na kasiyahan ang kanyang anak noon, bagkus dahil ang anak na iyon ay ang anak ng Tagapaglikha at dala ng pagsunod kasabwat sa Kanyang utos ng pagpaparami sa lahi ng tao.

At minahal nang lahat ng init ng isang perpektong naniniwala na nakaaalam na ang Anak Niyang iyon ay hindi isang representasyon lamang bagkus tunay na ang Anak ng Diyos. Sa mga tao na ang tingin sa pagmamahal ni Maria para kay Jesus ay napaka-madamdamin, sasabihin Ko na kailangan nilang tingnan kung sino nga si Maria: ang Babaeng walang kasalanan at kung gayon walang pagkakamali sa Kanyang pagmamahal sa Diyos, sa Kanyang mga kamag-anak, sa Kanyang esposo, sa Kanyang Anak, sa Kanyang kapwa tao; kailangan nilang tingnan kung ano ang nakita ni Maria sa Akin bukod sa nakikita ang Anak ng Kanyang sinapupunan, at panghuli kailangan na tingnan nila ang nasyonalidad ni Maria. Lahing Hebreo, lahing silanganin, at ng mga panahon na napakalayo sa kasalukuyang mga panahon. Kung kaya't ang kapaliwanagan sa ilang mga salitang nagpapalaki, na baka eksaherasyon sa inyo, ay nanggagaling sa mga elementong ito. Ang silanganin at Hebreong mga istilo ay mabulaklak at mapalabok din kapag binibigkas nang pangkaraniwan. Ang lahat na mga panulat ng panahon na iyon at ng lahing iyon ay pinatutunayan ito, at sa pagdaan ng mga panahon ang istilong silanganin ay hindi nagbago nang masyado.

Dahil dalawampung siglo pagkatapos inyong iiksaminin ang mga pahinang ito, kapag ang kasamaan ng buhay ay napatay na ito ang labis na pagmamahal, makakaasa ba kayo na bibigyan Ko kayo ng isang Maria ng Nazareth na katulad ng tigang na paimbabaw na babae ng inyong mga araw? Si Maria ay kung ano Siya, at ang matamis, puro, mapagmahal na Babae ng Israel, ang esposa ng Diyos, ang Birheng Ina ng Diyos ay hindi maaaring mabago sa pagiging isang labis-labis na nakasasamang pinararangalang babae, o isang napakalaking makasariling babae ng inyong mga araw.

At sinasabi Ko sa mga tao na ang iniisip tungkol sa pagmamahal ni Jesus kay Maria ay napaka-madamdamin na isipin na sa loob ni Jesus ay naroon ang Diyos, at na ang Diyos Isa at Sang-tatlo ay tumanggap ng Kanyang konsolasyon sa pagmahal kay Maria, Na ibinayad si Jesus para sa kapighatian ng buong lahi ng tao, at siyang ang pamamaraan na ang Diyos ay makapagbubunyi muli sa Kanyang Sangnilikha na nagbibigay ng mga mamamayan sa Kanyang mga Langit. At panghuli, gawing isipin nila na ang bawat pagmamahal ay nagiging makasalanan kapag, at tanging kapag lamang gumagawa ito ng kawalang-kaayusan, ibig sabihin, kapag ito ay sumasalungat sa Kalooban ng Diyos at sa katungkulan na kailangang magawa.

Ngayon isipin: ang pagmamahal ba ni Maria ay nagawa ito? Nagawa ba ito ng Aking pagmamahal? Pinigilan ba Niya Ako, sa pamamagitan ng makasariling pagmamahal, na magawa Ko ang Kalooban ng Diyos? Sa pamamagitan ng isang kawalang-kaayusan na pagmamahal para sa Aking Ina, nagawa Ko ba kayang iwanan ang Aking misyon? Hindi. Ang kapwa pagmamahal ay bagkus may isang mithiin: ang magawa ang Kalooban ng Diyos para sa kaligtasan ng mundo. At ang Ina ay sinabi ang lahat na mga pagpapaalam sa Kanyang Anak, at ang Anak ay sinabi ang lahat na mga pagpapaalam sa Kanyang Ina, inaabot ang Anak sa krus ng Kanyang pagtuturo sa publiko at sa Krus ng Kalbaryo, inaabot ang Ina sa pangungulila at pahirap, upang Siya ay sana maging ang Kapwa-Tagapagtubos, nang hindi na tinitingnan ang aming pagkatao na nakaramdam ng panunugat at ang aming mga puso na nadurog sa kapighatian. Iyan ba ay kahinaan? Iyan ba ay pagpapaka-sentimental? Iyan ay perpektong pagmamahal, o mga tao, na hindi nakaaalam kung papaano magmahal at na hindi na nakaiintindi ng pagmamahal at ng mga tinig nito!

At ang pakay ng Gawang ito ay upang linawin din ang ilang mga punto na napadilim ng ilang mga sirkunstansiya at kung gayon nakagawa ng madidilim na pulô  sa kaningningan ng larawan ng ebanghelyo at mga punto na tila isang pagkaputol at tanging mga malalabong punto lamang, sa pagitan ng isang episodyo at ng kasunod, mga puntong di maunawaan, at ang abilidad upang maunawaan ang mga ito ay ang susi upang maintindihan nang tama ang mga sitwasyon na lumitaw at ang ilang malalakas na pamamaraan na kinailangan Kong magkaroon, ibang iba sa Aking walang-tigil na pamimilit na magpatawad, maging mapagpakumbaba at mababa-ang-kalooban, ilang kahigpitan sa matitigas ang ulo, di-makumberti na mga kalaban. Kailangan ninyong tandaan na ang Diyos, pagkatapos na gamitin ang lahat ng Kanyang awa, alang-alang sa Kanyang sariling karangalan, ay makapagsasabi rin ng “Tama na” sa mga na sa akala, dahil Siya ay mabuti, tama na samantalahin ang Kanyang pagtitimpi at tuksuhin Siya. Ang Diyos ay hindi dapat na tinutuya. Ito ay isang matanda nang salawikain.

V. Upang magkaroon ng isang eksaktong kaalaman tungkol sa kaguluhan at tagal ng Aking mahabang paghihirap, na nagtapos sa madugong Pasyon na tinapos sa loob kaunting oras, na umubos sa Akin sa pang-araw-araw na pasakit na tumagal nang maraming mga taon, at lumaki pa nang lumaki, at kasama ang pasyon ng Aking Ina, Na ang Kaninong puso ay nilagos ng espada ng kapighatian sa loob ng ganoon din kahabang panahon. At mahikayat kayo, sa pamamagitan ng kaalaman na ito, na mahalin pa kami nang lalo.

VI. Upang ipakita ang kapangyarihan ng Aking Salita  at ang iba't ibang epekto nito ayon sa kung ang taong tumatanggap nito ay kabilang sa grupo ng mga tao na may mabuting kalooban, o kasama ng mga tao na may sensuwal na kalooban, na hindi kailanman naging matuwid.

Ang mga Apostol at si Judas. Ito ang dalawang magkasalungat na mga halimbawa. Ang una, hinding-hindi perpekto, magaspang, mangmang, marahas, ngunit may mabuting kalooban. Si Judas, may pinag-aralan nang higit pa kaysa sa kanila, naging pino sa pamamagitan ng paninirahan sa kapitolyo at sa Templo, ngunit may masamang kalooban. Tingnan ang ebolusyon ng una sa Kabutihan, ang kanilang pagtaas. Tingnan ang ebolusyon ng huli sa Kasamaan, at ang kanyang pagbaba.

Ang ebolusyon na ito sa perpeksiyon ng Labing-isang mabubuti ay kailangan na tingnan nang higit sa lahat ng mga tao na, gawa ng isang visual na mental na diperensiya, ay nasanay na baluktutin ang kalikasan ng reyalidad ng mga santo, ginagawa ang tao na nakakarating sa kabanalan sa pamamagitan ng isang mahirap, napakahirap na pakikipaglaban sa mabigat na mahirap-makitang mga kapangyarihan, na isang di-natural na nilalang na walang mga insentibo at emosyon, at kung gayon walang mga merito. Sapagkat ang merito ay talagang dahil sa pananagumpay sa walang-kaayusan na masimbuyong mga damdamin at mga panunukso, isang pananagumpay na nakakamit sa pamamagitan ng pagmamahal para sa Diyos at upang kamtin ang pinaka tinatangka: ang kalugdan ang Diyos magpakailanman. Ang Diyos ay nagbibigay ng pamamaraan upang makumberti, ngunit hindi Siya gumagawa ng karahasan sa kalooban ng tao, at kung ang tao ay ayaw na makumberti, sayang na mayroon siya ng kung ano ang may silbi sa ibang tao na makumberti.

Gawin ang mga nag-iiksamin sa sitwasyon na maisip ang marami at iba't ibang mga epekto ng Aking Salita hindi lamang sa tao na tao, bagkus sa espirituwal na tao rin. Hindi lamang sa espirituwal na tao, bagkus sa tao na tao rin. Ang Aking Salita, kapag ito ay tinanggap nang may mabuting kalooban, ay nababago ang dalawa, umaabot sa panlabas at panloob na perpeksiyon.

Ang mga apostol na sa pamamagitan ng kanilang kamangmangan at ng Aking pagpapakumbaba ay trinato ang Anak ng Tao nang may kalabisan ng pagiging kaibigan – isang mabuting guro sa pagitan nila, wala nang iba pa, isang mapagpakumbaba at matiyagang guro kung kanino ipinahihintulot ang pagmalabisan kung minsan; ngunit iyon ay hindi pagwawalang-pakundangan sa parte nila: iyon ay kamangmangan, at kailangang bigyan ng paumanhin – ang mga apostol palaaway sa isa’t isa, makasarili, naninibugho ng kanilang pagmamahal at ng Akin, walang-tiyaga sa mga tao, medyo nagmamalaki ng pagiging “ang mga Apostol”, nananabik para sa kahanga-hangang mga kakayahan, na magpapakilala sa kanila sa mga pulutong bilang mga pinagkalooban ng pambihirang kapangyarihan, ay dahan-dahan ngunit patuloy na nagbabago sa pagiging bagong mga tao, pinipigilan muna ang kanilang masisimbuyong damdamin upang gayahin Ako at gawin Akong masaya, pagkatapos, habang mas lalo nilang nakikilala ang Aking totoong Kaakuhan, binabago ang mga asal at nagmamahal nang labis upang makita Ako, mahalin Ako at tratuhin Ako bilang ang dibinong Panginoon. Sa katapusan ng Aking buhay sa Lupa, sila ba kaya ay ang dating paimbabaw na masayang mga kasama ng mga unang panahon? Sila ba, higit sa lahat pagkatapos ng Resureksiyon, ang mga kaibigan na tinatrato ang Anak ng Tao bilang isang Kaibigan? Hindi, hindi sila iyon. Sila ang mga ministro ng Hari, muna. Sila ang mga pari ng Diyos, pagkatapos. Sila ay ganap na iba at ganap na nagbago.

Ito ay kailangang isipin ng mga tao na nakikita ang kalikasan ng mga apostol na, malakas, katulad na ito ay sinalarawan, at huhusgahan ito na hindi natural. Ako ay hindi isang mahirap pakisamahan na doktor at isang mapagmalaking hari. Hindi Ako isang guro na hinuhusgahan ang ibang mga tao na di-karapat-dapat sa kanya. Ako ay matiyaga sa mga tao. Gusto Kong magporma gumagamit ng mga panangkap, at nagpupuno ng walang-laman na mga plorera ng lahat ng klase ng perpeksiyon, pinatutunayan na magagawa ng Diyos ang lahat. Makagagawa Siya ng isang anak ni Abraham mula sa isang bato, isang anak ng Diyos, at mula sa isang wala-sinasabi makagagawa Siya ng isang guro upang lituhin ang mga guro na nagmamalaki ng kanilang siyensiya, na madalas nawawalan ng Aking pabango.

VII. Panghuli: upang malaman ninyo ang misteryo ni Judas, ang misteryong iyon na siyang ang pagbagsak ng isang espiritu na binigyan ng Diyos ng pabor sa isang pambihirang pamamaraan. Isang misteryo na madalas nauulit at siyang ang sugat na kumikirot sa Puso ng inyong Jesus.

Upang malaman ninyo kung papaano ang mga tao bumabagsak nagbabago mula sa pagiging mga lingkod at mga anak ng Diyos patungo sa pagiging mga dimonyo at mga mamamatay-ng-diyos, na pinapatay ang Diyos sa loob nila sa pamamagitan ng pagpatay sa Grasya, upang ang ganitong kaalaman ay mapigilan sana kayo na lumakad sa mga landas mula kung saan nahuhulog ang isa sa Kalaliman, at maturuan sana kayo nito kung papaano umasal kapag sinisikap ninyong pigilan ang walang-hinahon na mga tupa na nagpupumilit na makaabante sa kalaliman. Gamitin ang inyong talino upang pag-aralan ang nakapangingilabot subalit pangkaraniwang pigura ni Judas, isang kaguluhan kung saan hindi mapakali katulad ng mga ahas ang lahat na malalaking bisyo na matatagpuan ninyo at kailangan na labanan ito sa taong ito o iyon. Ito ang pinaka importanteng leksiyon na kailangang matutunan ninyo, sapagkat ito ang magiging mas mahalaga sa inyo sa inyong ministeryo ng espirituwal na mga guro at mga direktor. Gaano karaming mga tao, sa bawat estado ng buhay, ang gumagaya kay Judas binibigay ang kanilang mga sarili kay Satanas at eternal na kamatayan ang nagpapalâ!

Pitong dahilan, katulad na pito ang parte:

I. Ang Natatagong Pamumuhay (mula sa Imakuladang Konsepsiyon sa Banal na Birhen Maria hanggang sa kamatayan ni San Jose).

II. Ang unang taon ng Publikong Pamumuhay.

III. Ang ikalawang taon ng Publikong Pamumuhay.

IV. Ang ikatlong taon ng Publikong Pamumuhay.

V. Paghahanda para sa Pasyon (mula Tebeth hanggang Nisan, ibig sabihin mula sa aguniya ni Lazarus hanggang sa hapunan sa Bethany).

VI. Ang Pasyon (mula sa pagpapaalam kay Lazarus hanggang sa Aking Paglilibing at ang mga sumunod na araw hanggang bukang-liwayway ng Linggo ng Pagkabuhay).

VII. Mula sa Resureksiyon hanggang Pentekostes.

Ang dibisyon na ito ng mga parte ay kailangan na masunod katulad ng tinuran sa itaas, sapagkat ito ang tamang dibisyon.

At ngayon? Ano ang inyong sasabihin sa inyong Guro? Hindi kayo nagsasalita sa Akin. Ngunit nagsasalita kayo sa loob ng inyong mga puso, at tanging kung magagawa lamang ninyo, nagsasalita kayo sa munting Juan. Ngunit ni hindi sa dalawang kasong ito nagsasalita kayo nang may katarungan na gusto Kong makita sa inyo. Sapagkat nagsasalita kayo sa munting Juan upang pamighatiin siya, niyuyurakan ang karidad para sa Kristiyanong kapatid at instrumento ng Diyos. Totoong sasabihin Ko sa inyong muli na ang maging instrumento Ko ay hindi isang panatag na lugod: ito ay patuloy na pagod at pagsisikap, ito ay kapighatian sa lahat, sapagkat ang mundo ay binibigay sa mga disipulo ng Guro kung ano ang binigay nito sa Guro: kapighatian; at ang mga pari man lamang, at lalo na ang mga pagpupulong, ay kailangan na tulungan ang maliliit na martir na ito na nagpapatuloy sa ilalim ng kanilang mga krus... At dahil sa loob ng inyong mga puso, nagsasalita sa inyong mga sarili, bumibigkas kayo ng pagrereklamo ng pagmamalaki, ng inggit, ng di-paniniwala at iba pang mga bagay. Ngunit bibigyan Ko kayo ng isang tugon sa inyong mga reklamo at sa inyong naiskandalong sorpresa.

Noong gabi ng Huling Hapunan, sinabi Ko sa Labing-isa na nagmamahal sa Akin: “Pagdating ng Comforter, paaalalahanan Niya kayo ng lahat ng sinabi Ko sa inyo”. Kapag Ako ay nagsalita noon lagi Kong sinasaisip, bukod sa mga nasa harapan Ko, ang lahat na magiging Aking mga disipulo sa espiritu, at may katotohanan at isang kalooban na gusto nila. Ang Banal na Espiritu, na nakapaglagay sa inyo sa pamamagitan ng Kanyang Grasya ng pakultad ng pag-alaala sa Diyos, pinalalaya ang mga kaluluwa mula sa kapurulan ng Orihinal na Kasalanan at inaalisan sila ng mga kalabuan na, dahil sa malungkot na pamana ni Adan, bumabalot sa kaningningan ng mga espiritu na nilikha ng Diyos upang kalugdan ang nakikita Siya at ang espirituwal na kaalaman, ay kinukumpleto ang Kanyang gawa ng Guro sa “pagpapaalaala” sa mga puso ng Kanyang mga pinasusunod at siyang mga anak ng Diyos, ng tungkol sa Aking sinabi, at bumubuo sa Ebanghelyo. Ang paalalahanan dito ang ibig sabihin ay paliwanagan ang espiritu tungkol dito. Sapagkat walang kabuluhan ang maalaala ang mga salita ng Ebanghelyo kung ang espiritu nito ay hindi naiintindihan.

At ang espiritu ng Ebanghelyo, na siyang pagmamahal, ay magagawang maintindihan sa pamamagitan ng Pag-ibig, ibig sabihin, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, Na, katulad na Siya ay ang totoong  Tagasulat ng Ebanghelyo, ay Siya rin ang tanging Komentarista, sapagkat tanging ang Awtor lamang ng isang gawa ang nakaaalam sa espiritu nito at nakaiintindi dito, kahit na kung hindi siya nagtagumpay na magawa ang mga nagbabasa na maintindihan ito. Ngunit kung ang isang tao na awtor ay nabibigo, sapagkat ang bawat perpeksiyon ng tao ay mayaman sa diperensiya, ang Pinaka-Perpekto at Pinaka-Marunong na Espiritu ay nagtatagumpay. Kung kaya't tanging ang Banal na Espiritu lamang, ang awtor ng Ebanghelyo, ang Siya rin Na makakaalaala at makakapagbigay ng komentaryo at makapagbubuo nito sa pinaka kaloob-looban na mga parte ng mga kaluluwa ng mga anak ng Diyos.

“Ang Comforter, ang Banal na Espiritu, Na siyang ipadadala sa inyo ng Ama sa Ngalan Ko, ay ituturo sa inyo ang lahat, ipaaalaala sa inyo ang lahat na sinabi Ko sa inyo”. (Juan 14:26).

“Kapag ang Espiritung iyan ng Katotohanan ay dumating, ituturo Niya sa inyo ang lahat na katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita sa pamamagitan ng Sarili Niya Mismo, bagkus sasabihin Niya ang lahat na Kanyang narinig at ibabalita sa inyo ang hinaharap. Luluwalhatiin Niya Ako, sapagkat dadalhin Niya kung ano ang Akin at ibabalita ito sa inyo. Ang lahat na mayroon ang Ama ay Akin; iyan kung bakit sinabi Ko na tatanggapin Niya kung ano ang Akin at ibabalita ito sa inyo”. (Juan 16:13-14-15).

Pagkatapos kung tumututol kayo na, dahil ang Banal na Espiritu ay ang totoong Awtor ng Ebanghelyo, nakakaligtaan ng isa na maintindihan kung bakit hindi Niya naalaala kung ano ang binanggit sa gawang ito at kung ano ang ginagawa ni Juan na maintindihan na siyang nangyari, sa huling mga salita na nagsasara sa Ebanghelyo. Tumutugon Ako sa inyo na ang mga naiisip ng Diyos ay iba sa mga naiisip ng mga tao, at laging makatarungan at hindi dapat na pintasan.

Karagdagan pa: kung kayo ay tumututol na ang pagbubunyag ay nagsara kasabay ng huling Apostol, at wala nang kailangan na idadagdag, sapagkat ang Apostol din na iyon ay nagsabi sa Pagbubunyag: “Kung may magdadagdag ng kahit ano sa kanila, ang Diyos ay idadagdag sa kanya ang bawat salot na binanggit sa aklat na ito” (22:18) at iyan ay maiintindihan na para sa lahat ng Pagbubunyag, na ang huling pagbubuo nito ay ang Pagbubunyag ni Juan, tumutugon Ako sa inyo na sa pamamagitan ng gawa na ito walang karagdagan ang ginawa sa pagbubunyag, bagkus ang mga patlang lamang, na nagawa ng natural na mga dahilan at ng sobrenatural na kalooban, ang pinunuan. At kung gusto Kong masiyahan na ibalik sa dati ang larawan ng Aking Dibinong Karidad, katulad ng ginagawa ng isang tagabalik ng mga mosayko pinapalitan ang nasira o nawawalang mga tisa, ibinabalik ang mosayko sa kumpletong kagandahan nito, at nagpasya Akong gawin ito sa siglong ito kung saan ang Sangkatauhan ay itinatapon ang sarili patungo sa Kalaliman ng kadiliman at kilabot, mapagbabawalan ba ninyo Akong gawin ito?

Masasabi kaya ninyo sa halip na hindi ninyo ito kailangan, kayo na ang kaninong mga espiritu ay mapurol, mahina, bingi sa mga liwanag, sa mga tinig at sa mga paanyaya mula sa Itaas?

Kailangan talagang pagpalain ninyo Ako para sa pagdagdag ng bagong mga liwanag sa liwanag na nasa inyo na at na hindi na sapat para sa inyo “upang makita” ang inyong Tagapagligtas. Upang makita ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay, at maramdaman ang espirituwal na emosyon na iyon ng makatarungan ng Aking panahon na tumaas sa loob ninyo, kinakamit sa pamamagitan ng kaalaman na ito ang pagpapanibago ng inyong mga espiritu sa pagmamahal, na siyang magiging inyong kaligtasan, sapagkat iyan ang isang pagtaas patungo sa perpeksiyon.

Hindi Ko sinasabi na kayo ay “patay”, bagkus natutulog, inaantok. Katulad ng mga tanim sa loob ng kanilang tulog sa taglamig. Ang dibinong Araw ay binibigay sa inyo ang kaningningan nito. Gumising at pagpalain ang Araw na binibigay ang sarili, tanggapin ito nang malugod upang painitan sana kayo Nito, mula sa ibabaw hanggang sa ilalim sa loob ninyo, baka magising kayo nito at punuin kayo ng mga bulaklak at mga bunga.

Bangon. Halikayo sa Aking Regalo.

“Kunin at kanin. Kunin at inumin” sinabi Ko sa mga apostol.

“Kung nalalaman lamang ninyo ang regalo ng Diyos at kung sino itong nagsasabi sa inyo: ‘bigyan ako ng maiinom’, kayo sana ang siyang manghihingi, at naibigay sana niya sa inyo ang buháy na tubig”  sinabi Ko ito sa babaeng Samaritano.

Sinasabi Ko rin iyan ngayon: sa mga doktor at sa mga Samaritano din. Sapagkat kapwa ang dalawang nasa tigkabilang dulo ng mga klase ay kailangan ito, at kailangan din ito ng nasa pagitan ng dalawang dulo. Ang una hindi kailangan na kulang ang ipakain at pagkaitan din ng lakas magpatungkol sa kanilang mga sarili, at ng sobrenatural na pagkain para sa mga namamatay sa kakulangan sa kaalaman tungkol sa Diyos, sa Diyos-Tao, sa Guro at Tagapagligtas. Ang huli sapagkat ang mga kaluluwa ay nangangailangan ng buháy na tubig, kapag sila ay namatay malayo sa mga bukal. Ang mga nasa gitna, sa pagitan ng una at ng hulk, ang malaking masa ng hindi malalaking makasalanan, at ang mga nakapako din sa hindi paggawa ng kahit anong progreso, gawa ng katamaran, kawalang-init, dahil sa isang maling konsepto ng kabanalan, ang mga iskrupuloso na hindi sila mapapahamak, na sila ay maingat, na hindi sila mapapasabid sa isang labirinto ng paimbabaw na mga pagsasagawa, ngunit hindi naglalakas-loob na humakbang sa matarik, napakatarik na daan ng kabayanihan, upang mula sa gawang ito makatanggap sana sila ng panimulang insentibo na makawala sa pagiging walang-galaw at makapagsimula sa makabayaning daan.

Sinasabi Ko sa inyo ang mga salitang ito. Inaalok Ko sa inyo ang pagkain na ito at ang inumin na ito ng buháy na tubig. Ang Aking Salita ay Búhay. At gusto Ko kayong nasa Buháy, kasama Ko. At pinalalaki Ko ang Aking salita upang matapatan ang masamang impluwensiya ni Satanas dahil sinisira nito ang mahalagang lakas ng espiritu.

Huwag Akong tanggihan. Nananabik Akong ibigay ang Aking Sarili sa inyo, sapagkat minamahal Ko kayo. At ang Aking pananabik ay hindi maaaring mawala. Marubdob Kong hinihiling na maipaabot Ko ang Aking Sarili sa inyo upang maihanda kayo para sa bangkete ng selestiyal na kasalan. At kinakailangan ninyo Ako upang hindi mamatay, upang damtan kayo ng mga damit na adornado para sa Kasalan ng Kordero, para sa malaking kapistahan ng Diyos pagkatapos na malampasan ang kahirapan sa disyertong ito na puno ng mga patibong, ng mga dawag at mga ahas, na siyang ang Lupa, upang makalampas sa mga apoy nang hindi nasasaktan, upang matapakan ang mga ahas at kinailangan na tanggapin ang mga lason nang hindi namamatay, dahil Ako ay nasa inyo.

At sinasabi Ko rin sa inyo: “Kunin, gawin na kunin ang gawang ito at ‘huwag itong selyuhan’, bagkus basahin ito at gawin itong mabasa ‘sapagkat ang oras ay malapit na’ “ (Juan, Pagbubunyag, 22:10) at gawin ang mga banal na maging mas banal” (ib. 22:10).

Harinawang ang grasya ng inyong Panginoon Jesucristo ay mapunta sa lahat na sa aklat na ito nakakita ng isang paglapit Ko at ipilit ito na mangyari, sa kanilang depensa, nang may sigaw ng Pagmamahal: “Halikayo, Panginoong Jesus!”.»

At partikular sa akin sinabi ni Jesus pagkatapos:

«Bilang introduksiyon sa Gawa ilalagay mo ang unang kabanata ng Ebanghelyo ni Juan, mula unang berso hanggang sa ika-labing-walo walang inaalis, buo, ayon sa ito ay isinulat. Si Juan ay isinulat ang mga salitang iyon, katulad na isinulat mo ang lahat na mga kaugnay sa Gawa, mula sa diktasyon ng Espiritu ng Diyos. Walang kailangan na idagdag o alisin, katulad na walang kailangan na idagdag o alisin mula sa dasal na Ama Namin at mula sa Aking dasal pagkatapos ng Huling Hapunan. Ang bawat salita ng mga puntong ito ay isang dibinong hiyas at hindi kailangan na magalaw. Isang bagay lamang ang kailangang gawin magpatungkol sa mga puntong ito: mainit na manalangin sa Banal na Espiritu na sana liwanagin niya ang mga ito sa inyo sa lahat ng kagandahan at karunungan ng mga ito.

Kapag nakarating ka sa punto kung saan ang Aking publikong pamumuhay ay nagsisimula, kokopyahin mo ang unang kabanata ng Juan, nang buo rin, mula sa berso labinsiyam hanggang berso dalawampu’t walo  walang inaalis at ang ikatlong kabanata ng Lukas mula ikatlong berso hanggang ika-labingwalo walang inaalis, magkakasunod, na tila sila ay isang kabanata lamang. Naroon lahat ang Prekursor, isang asetiko ng kakaunting mga salita at mahirap na disiplina, at walang ibang kailangang sabihin. Pagkatapos ilalagay mo ang Aking Binyag at ikaw ay magpapatuloy katulad ng sinabi Ko sa iyo paminsan-minsan.

At ang iyong pagod ay tapos na. Ngayon ang pagmamahal ang nananatili at ang gantimpala upang kalugdan.

Aking kaluluwa, at ano ang kailangan Kong sabihin sa iyo? Na ang iyong espiritu nawawala sa Akin tinatanong mo Ako: “At ngayon, Panginoon, ano ang Inyong gagawin sa akin, Inyong lingkod?”

Masasabi Ko: “Babasagin Ko ang luwad na plorera upang kunin ang esensiya nito at dalhin ito kung nasaan Ako”. At iyan ay magiging lugod ng dalawa. Ngunit kailangan kita sa maikling panahon, at nang mas maikli pa ulit, dito, upang mailabas ang iyong mga pabango na amoy pa rin ng Kristo Na naninirahan sa loob mo. Kung kaya't sasabihin Ko sa iyo katulad ng sinabi Ko kay Juan: “Kung gusto Kong ikaw ay manatili hanggang sa Ako ay dumating upang kunin ka, magiging ano naman ito sa iyo ang manatili?”

Kapayapaan sa iyo, Aking munting walang-kapaguran na tinig. Kapayapaan sa iyo. Kapayapaan at mga pagpapalà. Ang Guro ay sinasabi sa iyo: “Maraming salamat”. Ang Panginoon ay sinasabi sa iyo: “Harinawang pagpalain ka”. Si Jesus, ang iyong Jesus, nagsasabi sa iyo: “Lagi mo Akong makakasama sapagkat kaaya-aya sa Akin ang makasama ang mga nagmamahal sa Akin”.

Aking kapayapaan, munting Juan. Halika at magpahinga sa Aking Dibdib.»

At sa pamamagitan ng mga salitang ito ang mga mungkahi rin para sa pagbubuo ng gawa ay nagtapos at ang huling mga kapaliwanagan ay naibigay.

Viareggio, Abril 28, 1947.

                                                                (Lagda:) Maria Valtorta

020213

 



¹ Isiningit ni RLB.