65. Ang Mahimalang Bigat ng mga Isda.
Nobyembre 10, 1944.
Ang bisyon ay nagsimula ulit nang si Jesus ay nagsimulang magsalita.
¹«Kapag ang lahat na mga punungkahoy ay namumulaklak sa tagsibol, ang
masayang magbubukid ay nagsasabi: “Magkakaroon ako ng mabuting ani” at ang
pag-asa na iyan ay nagagawa ang kanyang puso na magsaya. Ngunit mula sa
tagsibol hanggang taglagas, mula sa buwan ng mga bulaklak hanggang sa buwan
ng mga bunga, ilang araw, mga hangin, mga ulan, mga pagsikat ng araw at mga
bagyo ang kailangang dumaan, at kung minsan mga digmaan o kalupitan ng
malalakas na tao; at mga sakit ng mga tanim, at kung minsan mga sakit ng mga
tao sa mga bukid, upang ang mga tanim, hindi na nakakalkalan ng lupa, hindi
na napapatubigan, napupungusan, nasusuportahan o nalilinisan, bagama't
nangangako ng maraming bunga, ay natutuyo at namamatay o hindi namumunga!
Ako ay sinusundan ninyo. Minamahal ninyo Ako. Katulad ng mga tanim sa
tagsibol inaadornohan ninyo ang inyong mga sarili ng mga pakay at
pagmamahal. Ang Israel nga sa pagsimula ng Aking misyon ay katulad ng ating
matamis na kabukiran sa maningning na buwan ng Nisan. Ngunit makinig.
Katulad ng labis-labis na init sa tuyong mga panahon, si Satanas, na
naiinggit sa Akin, ay darating upang parusahan kayo ng kanyang galit. Ang
mundo ay darating kasama ang malayelong mga hangin nito upang patigasin ang
inyong mga pamumulaklak. At ang masisimbuyong damdamin ay darating katulad
ng mga bagyo. At ang pagkainip ay darating katulad ng walang-tigil na ulan.
Ang lahat ng Aking mga kaaway at ang inyo ay darating upang esterilisahin
ang dapat maging bunga ng inyong kiling na pamumulaklak sa Diyos.
Binabalaan Ko kayo, sapagkat nalalaman Ko. Ang lahat ba kung gayon ay
mawawala, kapag Ako, katulad ng isang may sakit na magbubukid, mas malala pa
kaysa sa may-sakit: ay patay, ay hindi na nakapagsasalita sa inyo at
nakagagawa ng mga himala para sa inyo? Hindi. Ako ay maghahasik at
magbubúkid hangga't Ako ay may panahon. Pagkatapos ang lahat ay tutubo at
mahihinog para sa inyo, kung kayo ay magbabantay nang mabuti.
Tingnan ang puno ng igos malapit sa bahay ni Simon ni Jonas. Sinuman ang
nagtanim niyan ay hindi nakakita ng tama at pinakamagandang lugar. Naitanim
katulad niyan malapit sa basang hilagaing pader, namatay na sana iyan,
kung sa pamamagitan ng sarili niyan hindi iyan nakatagpo ng proteksiyon
upang mabuhay. At hinanap nito ang sikat ng araw at liwanag. Ayón:
namamaluktot, ngunit malakas at nagmamalaki, kinukuha ang mga sinag ng araw
mula pa nang madaling araw at ginagawa itong pagkain para sa daan-daan ng
matatamis na prutas nito. Ipinagsanggalang nito ang sarili sa pamamagitan ng
sarili nito. Sinabi nito: “Ang Tagapaglikha ay ginusto ako, upang ako ay
sana makapagbigay ng lugod at pagkain sa tao. At ibig kong isama ang aking
kalooban sa Kanyang kalooban”. Isang puno ng igos! Isang di-makapagsalitang
puno! Isang walang-kaluluwang puno! At kayo ba, mga anak ng Diyos, ang mga
anak ng tao, magiging mas imperyor pa kaysa sa isang tanim na kahoy?
Magbantay nang mabuti upang mamunga ng eternal na buhay. Bubukirin Ko kayo,
at sa katapusan bibigyan Ko kayo ng ganyang kabisang katas, na hindi na kayo
makatatagpo pa ng mas malakas pa. Huwag pabayaan si Satanas na pagtawanan
ang kasiraan ng Aking gawain, ng Aking sakripisyo at ng inyong mga kaluluwa.
Hanapin ang liwanag, Hanapin ang sinag ng araw. Hanapin ang lakas. Hanapin
ang buhay. Ako ang Buhay, Lakas, Sinag ng araw at Liwanag ng mga nagmamahal
sa Akin. Ako ay naparito upang dalhin kayo kung saan Ako nanggaling. Ako ay
nagsasalita sa inyo rito, upang tawagin kayong lahat at ituro sa inyo ang
sampung kautusan na nagbibigay ng eternal na buhay. At nang may nagmamahal
na payo sasabihin Ko sa inyo: “Mahalin ang Diyos at ang inyong kapwa”. Ito
ang unang kondisyon upang
magawa nang mabuti ang lahat na iba pa.
Ito ang pinakabanal sa banal na mga utos. Pagmamahal. Ang mga nagmamahal sa
Diyos, sa Diyos at para sa Panginoong Diyos, ay magkakaroon ng kapayapaan
kapwa sa lupa at sa Langit, para sa kanilang luklukan at kanilang korona.»
Ang mga tao ay umaalis nang may kahirapan pagkatapos ng pagpapalà ni Jesus.
Wala ngayong maysakit o mahihirap na tao.
²Si Jesus ay nagsabi kay Simon: «Tawagin ang dalawa pa. Tayo'y pumunta sa
lawa at magbaba ng lambat.»
«Guro, ang aking mga braso ay nananakit sa pagod: buong gabi nagbababa at
nagbabanton ako ng lambat, at lahat walang nangyari. Ang isda ay nasa ibaba
sa ilalim. Hindi ko alam kung saan.»
«Gawin ang sinasabi Ko, Pedro. Laging makinig sa mga nagmamahal sa iyo.»
«Gagawin ko ayon sa sinasabi Ninyo, dala ng paggalang para sa Inyong
salita.» At siya ay sumisigaw sa mga alalay at kina Santiago at Juan din:
«Tayo'y mangisda. Ang Guro ay ibig na mangisda.» At habang sila ay lumalayo,
sinabi niya kay Jesus: «Ngunit, Guro, tinitiyak ko sa Inyo na hindi ito ang
tamang oras. Ang Kabutihan ang nakaaalam kung saan namamahinga ang mga isda
ngayon lamang!...»
Si Jesus, nakaupo sa unahan ng bangka, ay ngumingiti at nananahimik.
Ginagawa nila ang kalahating paikot sa lawa at pagkatapos ibinaba ang
lambat. Pagkaraan ng ilang minutong paghihintay, ang bangka ay nauga sa
kakaibang paraan, sapagkat ang lawa ay kasing kinis ng isang salamin sa
ilalim ng katanghaliang araw.
«Ngunit iyan ay isda, Guro!» sabi ni Pedro, na ang kanyang mga mata
nanlalaki.
Si Jesus ay ngumingiti at nananahimik.
«Hila! Hila!» utos ni Pedro sa mga alalay. Ngunit ang bangka ay kumiling sa
isang tabi, kung nasaan ang lambat: «Hoy kayo diyan! Santiago! Juan! Bilis!
Halikayo rito. Bilis! Nang mga sagwan! Bilis!»
Sila ay nagmadali at ang magkasamang pagsisikap ng dalawang pangkat ay
nagtagumpay sa paghila sa lambat nang hindi napipinsala ang huli.
Ang dalawang bangka ay nagkakalapit. Sila ngayon ay magkasama na. Isa,
dalawa, lima, sampung basket. Lahat ito ay puno ng magagandang isda, at
marami pang kumikisay sa loob ng lambat: buháy na plata at tanso, nanlalaban
na matakasan ang kamatayan. Iisang bagay na lamang ang kailangang gawin: ang
ibuhos ang laman ng lambat sa ilalim ng dalawang bangka. Ginawa nila ito at
ang ilalim ay naging isang kagulo ng paghihirap ng mga buháy. At ang mga
tauhan ay hanggang sa kanilang mga bukung-bukong ang dami ng isda na ang mga
bangka ay bumaba nang mas mababa pa kaysa sa ligtas-na-guhit ng bangka dahil
sa labis-labis na bigat.
«Sa baybayin! Manyobra! Bilis! Ang mga panlayag! Tingnan ang guhit sa
bangka! Ihanda ang mga tikin upang maiwasan ang sadsad. Labis-labis ang
ating bigat!»
³Habang tumatagal ang manyobra, si Pedro ay walang naiisip na iba. Ngunit
nang siya ay makarating sa baybayin, nagsimula siyang makaintindi.
Naintindihan niya. Siya ay natakot. «Guro! Aking Panginoon! Lumayo Kayo sa
akin! Ako ay isang makasalanan! Hindi ako karapat-dapat na málapít sa Inyo!»
Siya ay nasa kanyang mga tuhod sa basang baybayin.
Si Jesus ay tinitingnan siya at ngumingiti: «Tumayo ka! Sundan mo Ako! Hindi
na kita iiwanan pang muli! Mula ngayon, ikaw ay magiging mangingisda ng mga
tao, at ang iyong mga kasamahan kasama mo. Huwag matakot sa kahit na ano.
Tinatawag kita. Halika!»
«Kaagad, Panginoon. Tingnan ninyo ang mga bangka. Dalhin ang lahat kay
Zebedeo at sa aking bayaw. Tayo na. Kaming lahat ay para sa Inyo, Jesus!
Pagpalain ang Eternal na Ama sa pagpili na ito.»
At ang bisyon ay natapos.
(341)220710/040913