7. Ang Anak Inilagay ang Kanyang Karunungan sa mga labì ng Kanyang Ina.

 Agosto 29, 1944.

¹Nakikita ko na muli si Anna: mula pa kahapon nakikita ko siya nang gayon: nakaupo sa pamasukan ng malilim na pergola, abalá sa kanyang pananahi. Nakasuot siya ng isang damit na kulay abong-buhangin, isang napakasimpleng damit at napakalapad, maaaring dahil sa matinding init.

Sa dulo ng pergola ang mga tagapágtabás ay makikitang nagpuputol ng mga dayami. Ngunit ito ay hindi maaaring ang mga dayami ng unang pag-ani sapagkat ang mga ubas ay halos ginto na ang kulay at ang mga bunga ng isang malaking púno ng mansanas ay katulad na ng makintab na dilaw at pulang waks. Ang taniman ng trigo ay walang iba bagkus mga pinaggapasan na may mga poppy na pakaway-kaway katulad ng maliliit na apoy at matitigas at malilinaw na hugis-cornflower katulad ng mga bituin at kasing asul ng silanganing kalangitan.

Ang isang maliit na Maria ay lumalapit mula sa malilim na pergola: Siya ay mabilis na at nakapag-iisa na. Ang Kanyang maikling hakbang ay matatag at ang Kanyang puting mga sandalyas ay hindi nasasabit sa mga bato. Ang kanyang mayuming paglakad ay nakakatulad na nang kaunti ang umuundayong hakbang ng isang kalapati, at Siya ay lahat puti – katulad ng isang maliit na kalapati – sa Kanyang damit na linen na umaabot hanggang sa Kanyang mga buol. Ito ay isang malapad na damit pinakulubot sa leeg sa pamamagitan ng isang asul na ribbon at ang maiikling manggas ay nagpapakita ng malarosas at bilugang mga braso. Nagmumukha Siyang isang maliit na anghel: ang Kanyang buhok ay malaseda at kulay-pulot-pukyutan na olandesa, hindi masyadong kulot ngunit mayuming alun-alon nagtatapos sa mga kulot: Ang Kanyang mga mata ay asul-kalawakan, ang Kanyang matamis na mukha ay malarosas at ngumingiti. Ang hangin din na sa pamamagitan ng Kanyang malalapad na manggas napalulubo nito ang mga balikat ng Kanyang linen na damit ay tumutulong na mabigyan Siya ng hitsura ng isang maliit na anghel na ang mga pakpak ay medyo nakabuka handa nang lumipad.

Mayhawak Siya sa Kanyang mga kamay ng mga poppy, cornflower at iba pang mga bulaklak na tumutubo sa mga bukid, ngunit hindi ko alam ang mga pangalan nito. Siya ay naglalakad at noong Siya ay malapit na sa Kanyang ina Siya ay nagsimulang tumakbo, sumisigaw nang masaya at, katulad ng isang maliit na kalapati, tinapos Niya ang Kanyang pagtakbo sa mga tuhod ng Kanyang ina: ito’y binuksan ni Anna upang tanggapin Siya. Si Anna ay itinabi ang gawaing pananahi upang ang karayom ay hindi makapanakit kay Maria at ibinuka ang kanyang mga kamay upang yakapin Siya.

Ganyan ito hanggang kagabi. Ngayong umaga Siya ay nakita muli at nagpapatuloy ang bisyon ayon sa sumusunod.

«Inay, Inay!» Ang maliit na puting kalapati ay ganap nang nasa pugad ng mga tuhod ng Kanyang ina, hinihipo ang maiikling damo sa pamamagitan ng Kanyang maliliit na paa at itinatago ang Kanyang mukha sa lapi ng Kanyang ina upang tanging ang Kanya lamang ginintuang buhok ang makikita sa batok ng Kanyang leeg sa ibabaw nito kung saan si Anna yumuyuko upang halikan ito nang magiliw.

²Pagkatapos itiningala Niya ang Kanyang ulo at binibigyan Niya ang Kanyang ina ng mga bulaklak. Lahat iyon ay para sa Kanyang ina at ang tungkol sa bawat isa Siya ay nagkukuwento ng Kanyang sariling inimbento.

Ang asul at malaking bulaklak na ito, ay isang bituin na bumaba mula sa Langit upang dalhin ang halik ng Panginoon sa Aking nanay. Narito: halikan ninyo ang selestiyal na bulaklak na ito diyan, sa puso nito, at makikita ninyo na naglalasa iyan ng Diyos.

Ang isang ito, sa halip, na mas malabnaw na asul, katulad ng mga mata ni itay, ay isinulat nito sa mga dahon nito na ang Panginoon ay minamahal si itay nang labis dahil siya ay mabait.

At ang isang munting ito, ang tanging matatagpuan, (ito ay isang “myosote”), ay ang isang ginawa ng Diyos upang sabihin kay Maria na minamahal Niya Siya. At ang mga mapulang ito, alam ba ng inay kung ano ang mga ito? Ito ay mga kapiraso ng damit ni haring David, na namantsahan ng mga dugo ng mga kaaway ng Israel at naitanim sa mga lugar ng digmaan at sa mga lugar ng tagumpay. Sila ay nanggaling sa mga kapirasong iyon ng makabayaning regaladong damit napunit sa pakikipaglaban para sa Panginoon.

Sa halip ang puti at mayuming isang ito, na tila ginawa na may pitong sedang mga kopa nakatingin sa kalangitan, punó ng mga pabango, at iyan ay tumutubo sa banda roon, malapit sa bukal – pinitas iyan ng itay para sa Kanya sa pagitan ng mga tinik – ay gawa sa damit ni Solomon. Sinuot ito ni Solomon, maraming-maraming taon na bago pa man, sa loob ng buwan din na iyon kung kailan ipinanganak ang kanyang apo-sa-tuhod na babae, noong si Solomon ay lumakad sa gitna ng napakaraming Israelita sa harapan ng Kaban at ng Tabernakulo, sa loob ng maringal na kagandahan ng kanyang mga kapa. Siya ay nagbunyi sapagkat ang ulap ay lumabas muli upang paikutan ang kanyang kaluwalhatian, at inaawit niya ang kantiko at ang panalangin ng kanyang lugod.

«Ibig Kong maging laging katulad ng bulaklak na ito,  at katulad ng marunong na hari ibig Kong umawit sa buong buhay Ko ng mga kantiko at mga panalangin sa harapan ng Tabernakulo» pagtatapos ni Maria.

«Papaano Mo nalaman ang mga banal na bagay na ito, aking mahal? Sino ang nagsabi sa Iyo? Ang Iyong ama?»

«Hindi. Hindi Ko alam kung sino. Sa palagay Ko lagi Ko nang alam ang mga ito. Baka may isang nagsabi sa Akin at hindi Ko siya nakikita. Baka isa sa mga anghel na pinadala ng Diyos upang magsalita sa mabubuting tao. Inay, maaari bang kuwentuhan ninyo Ako ng isa pa?

«O, mahal ko! Anong kuwento ang ibig Mong malaman?» Si Maria ay nag-iisip, lubos na nasa Kanyang pag-iisip. Ang Kanyang hitsura ay kailangang mapreserba nang ganito magpakailanman. Ang Kanyang mga naiisip ay masasalamin sa Kanyang musmos na mukha. May mga ngiti at buntung-hininga rito, sinag ng araw at mga ulap, iniisip ang kasaysayan ng Israel. Pagkatapos nagpasya ang Kanyang isip: «Ang kuwento ulit tungkol kina Gabriel at Daniel, kung saan naipangako ang Kristo.»

At Siya'y nakikinig, ang Kanyang mga mata nakasara, inuulit sa mahinang tinig ang mga salita ng Kanyang ina, na tila upang maalaala ang mga ito nang mas mabuti. Noong si Anna ay nakatapos Siya ay nagtanong: «Gaano katagal bago mapunta sa atin ang Immanuel?»

«Mga tatlumpung taon, aking mahal.»

«Ganyan katagal! At Ako ay nasa Templo na… Sabihin sa Akin, kung Ako ay magdarasal nang napakabuti, mabuting-mabuti, araw at gabi, gabi at araw, at ginusto Kong maging pag-aari lamang ng Diyos, sa buong buhay Ko, para sa pakay na ito, ang Eternal na Ama kaya ay ipagkakaloob sa Akin ang grasya na ipadala ang Mesiyas sa Kanyang sambayanan nang mas maaga?»

«Hindi ko alam, aking mahal. Ang mga Propeta ay nagsasabi: “Pitumpung linggo”. Hindi sa palagay ko nagkakamali ang mga Propeta. Ngunit ang Panginoon ay napakabuti» dagdag niya kaagad, nakikitang may mga luhang lumalabas sa magandang mga pilikmata ng kanyang anak, «ang Panginoon ay napakabuti na naniniwala ako na kung Ikaw ay magdarasal nang mabuti, mabuting-mabuti, pakikinggan Niya ang iyong panalangin.»

Ang isang ngiti ay lumabas ulit sa Kanyang maliit na mukha, na Kanyang itinaas sa Kanyang ina at ang mga sinag ng araw, na lumalampas sa mga sanga ng baging ay nagagawa ang Kanyang mga luha na magningning katulad ng mga patak ng hamog sa napakanipis na mga tangkay ng lumot ng mga bundok ng Alps.

«Kung gayon Ako ay magdarasal at Ako ay magiging isang birhen para rito.»

«Ngunit nalalaman Mo ba ang ibig-sabihin niyan?»

«Ang ibig-sabihin nito ang isa ay walang nalalaman na pantaong pagmamahal, bagkus pagmamahal lamang ng Diyos. Ang ibig-sabihin nito ang isa ay walang ibang naiisip bagkus ang para sa Panginoon lamang. Ang ibig-sabihin nito ang manatiling mga bata sa laman at mga anghel sa puso. Ang ibig-sabihin nito ang isa ay walang mga mata bagkus ang tingnan ang Diyos, at mga tainga upang pakinggan Siya, at isang bunganga upang papurihan Siya, mga kamay upang ialay ang sarili bilang isang biktima, mga paa upang sundan Siya kaagad, at isang puso at isang buhay na maibibigay sa Kanya.»

«Pagpalain Ka nawa ng Diyos! Ngunit kung gayon hindi Ka magkakaroon kailanman ng anak, samantalang mahal-na-mahal Mo ang mga sanggol at maliliit na kordero at mga kalapati… Nalalaman Mo ba iyan? Ang isang sanggol ay para sa kanyang ina isang maliit na maputi at kulot na kordero, siya ay katulad ng isang maliit na kalapati na may sedang mga balahibo at may kurales na bunganga na mámahalin at háhalikan at pakikinggan na nagsasabi: “Inay!”»

«Walang anuman ito. Ako ay mapapasa-Diyos. Magdarasal Ako sa Templo. At baka isang araw makikita Ko ang Immanuel. Ang Birhen na siyang magiging Kanyang Ina ay maaaring naipanganak na, katulad ng sinasabi ng dakilang Propeta, at Siya ay nasa Templo… Ako ang magiging Kanyang kasa-kasama… at isang katulong. O! Oo. Kung makikilala Ko lamang Siya, sa pamamagitan ng liwanag ng Diyos, ibig Ko Siyang paglingkuran, ang Pinagpalang Isa. At pagkatapos, dadalhin Niya sa Akin ang Kanyang Anak, dadalhin Niya Ako sa Kanyang Anak, at paglilingkuran Ko rin Siya… Isipin na lang, inay! Ang paglingkuran ang Mesiyas!!» Si Maria ay napangingibabawan ng Kanyang naiisip na nagpapataas sa Kanya at nagagawa rin Siyang lubos na mapagpakumbaba. Na ang Kanyang mga kamay nakakrus sa Kanyang dibdib na ang Kanyang maliit na ulo medyo nakatungong paharap at puno ng emosyon, Siya ay katulad ng isang maliit na kopya ng Anunsiyasyon na nakita ko na. Siya’y nagpapatuloy: «Ngunit ang Hari ng Israel kaya, ang Pinahiran-ng-langis ng Panginoon, ay pahihintulutan Akong paglingkuran Siya?»

«Huwag magkaroon ng mga pagdududa tungkol diyan. Hindi ba't sinabi ni Haring Solomon: “May animnapung mga reyna at walumpung mga babae at di-mabilang na mga katulong na babae?” Makikita Mo na sa loob ng palasyo ng Hari ay magkakaroon ng di-mabilang na mga katulong na babae na maglilingkod sa Panginoon.»

«O! Nakikita ninyo kung gayon na kailangan Kong maging isang birhen? Kailangan. Kung gusto Niya ang isang birhen bilang Kanyang Ina, ibig-sabihin mahal Niya sa lahat na mga bagay ang pagiging birhen. Ibig Kong mahalin Niya Ako, Kanyang katulong na babae, sapagkat sa pagiging birhen Ako kahit na papaano ay makakatulad ng Kanyang minamahal na Ina… Iyan ang gusto Ko. Ibig Ko rin maging isang makasalanan, isang malaking makasalanan, kung hindi Ako natatakot na masaktan ang Panginoon… Sabihin ninyo sa Akin, inay, maaari ba ang isa maging isang makasalanan dala ng pagmamahal ng Diyos?»

«Ngunit ano ba ang Iyong sinasabi, mahal ko? Hindi kita maintindihan.»

«Ang ibig Kong sabihin: ang gumawa ng kasalanan upang mahalin ng Diyos, Na magiging ang Tagapagligtas. Ang nawawala, ay nililigtas. Hindi ba't ganyan iyan? Ibig Kong mailigtas ng Tagapagligtas upang tanggapin ang Kanyang mapagmahal na tingin. Iyan kung bakit ibig Kong magkasala, ngunit hindi magkasala na kasusuklaman Niya. Papaano Niya Ako ililigtas kung Ako ay hindi naliligaw?» Si Anna ay natitigilan. Hindi niya malaman ang kanyang sasabihin. Si Joachim ay tinulungan siya. Nilapitan niya sila naglalakad nang walang ingay sa damo, sa likuran ng mababang hilera ng tanim ng mga usbong ng baging. «Nailigtas Ka na Niya bago pa man, sapagkat nalalaman Niya na minamahal Mo Siya at ibig Mong Siya lamang ang mamahalin Mo. Kung kaya't Ikaw ay natubos na at maaari Kang maging isang birhen ayon sa gusto Mo» sabi ni Joachim.

«Totoo ba iyan, itay?» Si Maria ay niyayapos ang mga tuhod ng Kanyang itay at tinitingnan Niya siya sa pamamagitan ng Kanyang malilinaw na asul na mata, katulad-na-katulad ng mga mata ng Kanyang ama at Siya ay masayang-masaya dahil sa pag-asa na Kanyang tinanggap mula sa Kanyang ama.

«Iyan ay totoo, aking munting mahal. Tingnan Mo! Dala ko pa lamang sa Iyo ang maliit na pipit na ito, na sa unang paglipad bumagsak malapit sa bukal. Iniwanan ko sana ito roon ngunit ang mahihinang pakpak nito ay walang sapat na lakas na makalipad muli, at ang munting mga paa nito ay hindi makahawak sa madulas na malumot na mga bato. Maaari itong nahulog sa tubig. Ngunit hindi ko na hinintay na mangyari iyan. Kinuha ko ito at ngayon binibigay ko ito sa iyo. Gawin Mo ang gusto Mong gawin sa kanya. Ang katotohanan siya ay nailigtas bago pa man mahulog sa peligro. Ganyan din ang ginawa ng Diyos sa Iyo. Ngayon, sabihin sa akin, Maria: mas minahal ko ba ang pipit sa pagligtas sa kanya bago may nangyaring masama, o minahal ko siya nang higit sa pagligtas sa kanya pagkatapos na may nangyaring masama?»

«Minahal ninyo siya ngayon, sapagkat hindi ninyo siya pinabayaan na masaktan sa malamig na tubig.»

«At ang Diyos ay minahal Ka nang mahigit, sapagkat minahal Ka Niya bago Ka magkasala.»

«At mamahalin Ko Siya nang buong puso. Buong puso. Aking magandang pipit, Ako ay katulad mo. Ang Panginoon ay kapwa tayo minahal nang magkapareho, sa pagligtas sa atin… Ngayon kita'y Aking aalagaan at pagkatapos pakakawalan kita. At ikaw sa kakahuyan at Ako sa Templo aawit ng mga papuri sa Diyos, at sasabihin natin: “Pakiusap na ipadala Ninyo ang Isang Ipinangako Ninyo sa mga umaasa sa Kanya”. ⁶O! Itay, kailan ninyo Ako dadalhin sa Templo?»

«Malapit na, aking mahal. Ngunit hindi Ka ba nalulungkot na iwanan ang Iyong ama?»

«Oo, labis! Ngunit kayo ay pupunta… maging ano pa man, kung ito ay hindi masakit, anong uri ng sakripisyo ito?»

«At maaalaala Mo ba kami?»

«Lagi Ko kayong maaalaala. Pagkatapos na makapagdasal para sa Immanuel magdarasal Ako para sa inyo. Na sana ang Diyos ay bigyan kayo ng lugod at mahabang buhay… hanggang sa araw na Siya ay maging ang Tagapagligtas. Pagkatapos ipakikiusap Ko sa Kanya na dalhin kayo sa selestiyal na Herusalem.»

Ang bisyon ay nagtatapos na si Maria yakap ng Kanyang ama.

jesus sinab

Sinasabi ni Jesus:

«Naririnig Ko na ang mga komentaryo ng mga doktor na may mga mapunahing pagtutol: “Papaano ang isang maliit na batang babae wala pang tatlong taong gulang makapagsasalita nang gayon? Iyan ay isang eksaherasyon”. At hindi nila tinitingnan na ginagawa nila Akong isang halimaw sa pagbibigay sa Aking kabataan ng mga adultong pagkilos.

Ang talino ay hindi binibigay sa lahat sa magkakaparehong paraan at sa magkakasabay na panahon. Ang Simbahan ay itinalaga ang edad ng pangangatwiran sa anim na taong gulang, sapagkat iyan ang edad kung kailan kahit na ang isang paurong na bata ay makapagsasabi kung ano ang mabuti at kung ano ang masama, tungkol sa pangkaraniwang mahahalagang bagay man lamang. Ngunit may mga bata na bago pa man ang edad na iyan ay nakauunawa at nakaiintindi at may-kakulangan nang may sapat na napaunlad na pag-unawa. Ang maliit na si Imelde Lambertini, si Rosa da Viterbo, si Nellie Organ, si Nennolina, ay makapagbibigay sa inyo ng patotoo, o mahihirap intindihin na mga doktor, na maniwala na ang Aking Ina ay nakapag-iisip at nakapagsasalita nang katulad niyan. Nagbanggit Ako ng apat na pangalan nang hindi pinipili sa libu-libong pangalan ng banal na mga bata na naninirahan sa Aking Paraiso, pagkatapos na mangatwiran sa lupa bilang mga adulto sa loob ng posibleng marami o kaunting mga taon.

⁸Ano ba ang pangangatwiran? Isang regalo ng Diyos. Ang Diyos ay maibibigay ito kung gayon ayon sa Kanyang kagustuhan, kung kanino at kung kailan Niya gustuhin. Ang pangangatwiran sa katunayan ay ang isa sa mga bagay na mas nakakatulad ninyo ang Diyos, ang Matalino at Nangatwiran na Espiritu. Ang Pangangatwiran at katalinuhan ay mga grasyang binigay ng Diyos sa Tao sa Makalupang Paraiso. Gaano sila kapuno ng búhay, noong ang Grasya ay buháy pa, buo pa at aktibo sa espiritu ng unang dalawang Magulang!

Sa Aklat ni Jesus Ben Sirach ito ay sinasabi: “Ang lahat na karunungan ay mula sa Panginoon, at ito ay Kanya magpasawalanghanggan”. Anong karunungan, kung gayon, ang sana nagkaroon ang mga tao, kung sila ay nanatiling mga anak ng Diyos?

Ang mga puwang sa inyong katalinuhan ay ang natural na mga bunga ng inyong pagbagsak mula sa Grasya at katapatan. Sa pagkawala ng Grasya napalayas ninyo ang Karunungan sa loob ng maraming mga siglo. Katulad ng isang bulalakaw na nakatago sa likuran ng mga masa ng mga ulap, ang Karunungan ay hindi na kayo nararating ng maningning na mga kislap nito, bagkus sa pamamagitan na lamang ng hamog na gawa ng inyong mga kasinungalingan ay pakapal na rin nang pakapal.

Pagkatapos ang Kristo ay dumating at ibinalik ang Grasya, ang kataastaasang regalo ng pagmamahal ng Diyos. Ngunit alam ba ninyo kung papaano panatilihin ang hiyas na ito na malinaw at puro? Hindi, hindi ninyo alam. Kung ito ay hindi ninyo dinudurog ng indibidwal na pagkakasala, dinudumihan ninyo ito ng inyong walang-tigil na mga maliliit na pagkakasala, ng inyong mga kahinaan, ng inyong pagkakakabit sa bisyo. Ang ganyang mga pagtatangka, kahit na kung sila ay hindi ang isang tamang pagkakakasal sa ina ng mga bisyo, ay isang pagpapahina sa liwanag ng Grasya at sa mga ginagawa nito. At pagkatapos, upang pahinain ang maringal na liwanag ng katalinuhan na binigay ng Diyos sa Unang mga Magulang, mayroon kayo ng mga siglo at mga siglo pa ng kurupsiyon, na nagbibigay ng masamang impluwensiya sa katawan at sa isip.

«Ngunit si Maria ay hindi lamang ang Puro, ang bagong Eba na nilikha para sa lugod ng Diyos: Siya ay ang super Eba, ang Obra-Maestra ng Kataastaasan, Siya ay ang Napupuno ng Grasya, ang Ina ng Salita sa isip ng Diyos.

Si Jesus Ben Sirach ay nagsasabi: “Pinagmumulan ng Karunungan ay ang Salita”. Ang Anak ba kaya kung gayon ay hindi inilagay ang Kanyang karunungan sa mga labì ng Kanyang Ina?

Kung ang bunganga ng isang Propeta ay pinadalisay sa pamamagitan ng mga bagâ, sapagkat kinailangan niyang ulitin sa mga tao ang mga salita na ang Salita, ang Karunungan, ay ipinagkatiwala sa kanya, hindi kaya nilinis ng Pag-ibig at itinaas ang talumpati ng Kanyang sanggol na Esposa Na siyang magdadala sa Salita, upang Siya ay hindi na sana magsasalita bilang isang maliit na batang babae at pagkatapos bilang isang ganap na babae, bagkus tangi at laging bilang isang selestiyal na nilikha na tinunaw sa dakilang liwanag at karunungan ng Diyos?

Ang himala ay wala sa superyor na katalinuhan na pinakita ni Maria sa Kanyang kamusmusan, katulad na pagkatapos ay pinakita Ko naman. Ang himala ay nasa paghawak sa Walang-Hangganang Katalinuhan, na nanirahan doon, sa loob ng angkop na mga hangganan, upang ang mga pulutong ay hindi magulat at ang atensiyon ng dimonyo ay hindi magising.

Magsasalita ulit Ako tungkol sa paksang ito na siyang bahagi ng “pag-alaala” na mayroon ang mga santo ng Diyos.»

(37)270510/021213/032313



Sunod na kabanata.