70. Si Jesus Natagpuan si Juan ni Zebedeo sa Gethsemane.

Enero 4, 1945.

¹Nakikita ko si Jesus na patungo sa maliit na mababang puting bahay sa gitna ng taniman ng olibo. Ang isang bata-pang lalaki ay binati Siya. Siya ay tila nanggagaling doon, sapagkat may hawak siya ng pampungos at pambungkal na kagamitan. «Sumainyo ang Diyos, Rabbi: ang Inyong disipulo na si Juan ay dumating, at kaaalis pa lamang niya upang pumunta at salubungin Kayo.»

«Kailan pa?»

«Hindi pa matagal, kararaan pa lamang niya sa landas na iyon. Akala namin manggagaling Kayo sa Bethany…»

Si Jesus ay nagsimulang maglakad nang napakabilis, inikot Niya ang bangin, nakita Niya si Juan halos tumatakbong pababa patungo sa bayan at tinawag siya.

Ang disipulo ay tumalikod at ang kanyang mukha ay nagningning sa lugod. Siya ay sumigaw: »O! Aking Guro!» at nagsimula siyang tumakbong pabalik.

Si Jesus ay tinanggap siya na ang Kanyang mga bisig nakabuka nang husto at sila ay nagyakapan nang madamdamin.

«Ako ay umalis para hanapin Kayo… Akala namin Kayo ay nagpunta sa Bethany, ayon sa sinabi Ninyo sa amin.»

«Oo, ibig Kong pumunta. Kailangan Ko nang simulan na ituro ang Ebanghelyo sa mga kapaligiran din ng Herusalem. Ngunit nanatili Ako sa bayan… upang turuan ang isang bagong disipulo.

«Ang lahat ng Inyong ginagawa ay laging maayos na nagagawa, Guro. At laging matagumpay. Kita N’yo? Kahit na ngayon tayo ay nagkita kaagad.»

Sila ay nagsimulang maglakad, at si Jesus ay inakbayan ang mga balikat ni Juan, na, bilang mas mababa kaysa sa Kanya, ay tumitingala sa Kanya, kitang-kitang masaya sa labis na katalikan. Sila ay nagsimulang bumalik nang gayon patungo sa maliit na bahay.

«Matagal ka na bang naririto?»

«Hindi, Guro. Umalis ako ng Doco pagsikat ng araw, kasama si Simon, kung kanino binigay ko ang Inyong mensahe. Pagkatapos tumigil kami sa kabukiran ng Bethany, pinagsasaluhan ang pagkain na mayroon kami, at nagsasalita tungkol sa Inyo sa mga magbubukid na natagpuan namin sa mga bukid. Noong malamig-lamig na, kami'y naghiwalay. Si Simon ay lumakad upang makita ang isang kaibigan niya, kung kanino ibig niyang magsalita tungkol sa Inyo. Pag-aari niya ang halos buong Bethany. Kilala niya siya nang matagal nang panahon, noong ang kanilang mga ama ay buhay pa. Ngunit si Simon ay pupunta rito bukas. Sinabi niya sa akin na sabihin ko sa Inyo na siya ay masaya na pinaglilingkuran ka Niya. Si Simon ay napakagaling. Ibig kong maging katulad niya. Ngunit ako ay isang mangmang na bata.»

«Hindi, Juan, napakaganda rin ang ginagawa mo.»

«Totoo bang kontento Kayo sa Inyong abang Juan?»

«Oo, Ako'y kontentung-kontento, Aking mahal na Juan. Ganap na kontento.»

«O! Aking Guro!» Si Juan ay yumukong nananabik upang kunin ang isang kamay ni Jesus, na kanyang hinahalikan at pinadadaan nang mapagmahal sa kanyang mukha, na tila hinahaplos ito.

²Nakarating sila sa maliit na bahay. Pinasok nila ang mababang mausok na kusina. Ang maybahay ay binati sila: «Kapayapaan sa Inyo.»

Si Jesus ay tumugon: «Kapayapaan sa bahay na ito, sa iyo at sa mga naninirahan dito kasama mo. May kasama Akong isang disipulo.»

«Magkakaroon din ng tinapay at langis para sa kanya.»

«Nagdala ako ng ilang daing na isda na ibinigay sa akin nina Santiago at Pedro. At dumaraan ng Nazareth, ang Inyong Ina ay binigyan ako ng ilang tinapay at pulot para sa Inyo. Naglakad ako nang walang tigil, ngunit tuyong-tuyo na ito ngayon.»

«Hindi na bale, Juan. Laging may lasa iyan ng mga kamay ng Aking Ina.»

Si Juan ay inilabas ang kanyang tagong kayamanan mula sa kanyang sukbit na bag na kanyang inilapag sa isang sulok. Nakita ko silang inihahanda ang daing na isda sa isang kakaibang paraan. Ibinabad nila ito nang ilang mga minuto sa mainit na tubig, pagkatapos nilagyan nila ito ng ilang olibong langis at kanila itong inihaw sa apoy.

Si Jesus ay pinagpapalà ang pagkain at naupo sa mesa kasama ang Kanyang disipulo. Ang may-ari din, na ang pangalan napakinggan ko ay Jonah, at ang kanyang anak, ay naupo sa mesa din na iyon. Ang maybahay na babae ay dumating at pumunta nagdala ng isda, ilang maitim na olibo, pinakuluang mga gulay na may langis. Si Jesus ay nag-alok din ng ilang pulot. At Kanya itong inalok sa maybahay na babae, ikinakalat ito sa ilang tinapay. «Iyan ay nanggaling sa Aking mga bahay pukyutan» sabi Niya. «Ang Aking Ina ang nag-aalaga sa mga pukyutan. Kainin mo iyan. Masarap iyan. Napakabait mo sa Akin, Maria, at karapat-dapat ka ng higit pa nito» dagdag Niya pagkatapos, sapagkat ang babae ay ayaw niya Siyang mawalan ng matamis na pulot.

Ang hapunan ay natapos sa maikling sandali, habang naguusap-usap sila nang kaunti tungkol sa mga pangkaraniwang paksa. ³Nang kaagad  matapos sila, at pagkatapos na makapagpasalamat para sa pagkain, si Jesus ay nagsabi kay Juan: «Halika. Pumunta tayo sa taniman ng olibo nang kaunting oras. Ngayon ay maliwanag, katamtaman na gabi. Masarap na tumigil sa labas nang kaunting oras.»

Ang maybahay na lalaki ay nagsabi: «Guro, sasabihin ko “magandang gabi” sa Inyo. Ako ay pagod at ang aking anak ay pagod din. Kami ay matutulog na. Iiwanan ko ang pinto na nakabukas at ang lampara sa mesa. Alam na Ninyo ang gagawin.»

«Lakad, Jonah. At patayin mo na ang lampara. May maliwanag na sinag ng araw, na  makakakita kami nang walang kahit anong ilaw.»

«Ngunit saan matutulog ang Inyong disipulo?»

«Kasama Ko. Sa Aking banig ay may lugar din para sa kanya. Tama ba iyon, Juan?»

Si Juan ay lubos na nasisiyahan sa idea na matutulog sa tabi ni Jesus.

Sila ay lumabas sa taniman ng olibo. Ngunit bago lumabas, si Juan ay may kinuha mula sa sukbit na bag sa sulok. Sila ay naglakad nang kaunti at narating nila ang isang matarik na lugar mula kung saan ang buong Herusalem ay makikita.

«Tayo'y maupo rito at mag-usap nang kaunti» sabi ni Jesus.

Ngunit mas gusto ni Juan na maupo sa paanan ni Jesus sa maikling mga damo, at ipinatong niya ang kanyang braso sa mga tuhod ni Jesus, na ang kanyang ulo nakapatong sa kanyang braso, patingin-tingin kay Jesus. Kamukha niya ang isang maliit na bata malapit sa taong kanyang pinakamamahal.⁴ «Maganda rin dito, Guro. Tingnan kung gaano tila kalaki ang bayan sa gabi. Mas malaki kaysa sa araw.»

«Ito ay dahil ang sinag ng buwan ay napadidilim ang mga balangkas. Tingnan: ang mga hangganan ay tila lumalawak sa platang kaningningan. Tingnan ang tuktok ng Templo, sa itaas doon. Hindi ba't ito ay tila nakabitin sa ere?»

«Ito'y tila suportado ng mga anghel.»

Si Jesus ay nagbubuntung-hininga.»

«Bakit Kayo nagbubuntung-hininga, Guro?»

«Sapagkat ang mga anghel ay inabandona na ang Templo. Ang hitsura ng kadalisayan at kabanalan nito ay ngayon nasa mga pader na lamang. Ang mga dapat na siyang naglalapat nito sa kaluluwa nito – sapagkat ang bawat lugar ay may kanyang kaluluwa, ibig sabihin ang espiritu para sa kung bakit ito itinayo, at ang Templo ay mayroon, o dapat magkaroon, ng isang kaluluwa ng pananalangin at kabanalan – ang mga dapat na nagpapasigla sa gayong espiritu, ay sa halip ang unang sumasakal dito. Hindi mo maibibigay kung ano ang wala ka, Juan. At kung marami diyan na naninirahan na mga pari at mga Levita, wala ni isang kasampu ang may kakayahan na makapagbigay ng buhay sa Banal na Lugar. Kamatayan ang ibinibigay nila sa halip. Naipadadala nila ang kamatayan ng kanilang sariling mga kaluluwa, na patay sa kung ano ang banal. Mayroon sila ng kanilang mga pormularyo. Ngunit wala sila ng esensiya ng mga ito. Sila ay mga labí  na mainit lamang sapagkat ang pagkabulok ay napabibintog sila.

«Nakagawa ba sila nang mali sa Inyo, Guro?» Si Juan ay balisang-balisa.

«Hindi. Sa kabaligtaran pinahintulutan nila Akong makapagsalita noong hiningi Ko ito.»

«Hiningi Ninyo sa kanila? Bakit?»

«Sapagkat ayaw Ko na Ako ang magsisimula ng giyera. Magkakaroon ng giyera gayunpaman. Sapagkat Ako ang magiging ang dahilan ng isang walang kuwentang pagkataong takot para sa ilan, at ang dahilan ng paninisi para sa iba. Ngunit ito ay kailangan na maisulat sa kanilang aklat, hindi sa Akin.»

Sila ay tahimik sa loob ng kaunting mga sandali, pagkatapos nagpatuloy si Juan sa pagsasalita. «Guro, kilala ko si Annas at si Caiaphas. Ang aking pamilya ay matagal nang nakikipagkalakalan sa kanila, at kapag pumupunta ako sa Judaea upang makita si Juan, madalas akong pumunta sa Templo, at sila ay mabait sa anak ni Zebedeo. Ang aking ama ay lagi silang pinadadalhan ng pinakamagandang isda. Ito ang kaugalian, alam Ninyo? Kung ibig mo silang maging mapagkaibiganin at magpatuloy nang ganyan, kailangan mong gawin iyon…»

«Alam Ko.» Si Jesus ay seryoso.

«Bueno, kung ibig Ninyo, magsasalita ako sa Mataas na Pari tungkol sa Inyo. At… kung gusto Ninyo, may kilala akong isang lalaki kanegosyo ng aking ama. Siya ay isang mayaman na mangangalakal ng isda. Siya ay may isang magandang malaking bahay malapit sa Hippicus Tower, dahil sila ay napakayaman na mga tao, ngunit sila ay napakabuti din. Magiging mas komportable Kayo at hindi Kayo masyadong mapapagod. Ang pumunta rito, kailangan Ninyong dumaan sa arabal ng Ophel, na napakagulo at laging puno ng mga asno at palaaway na mga batang lalaki.»

«Hindi, Juan. Salamat sa iyo. Ngunit maayos Ako rito. Kita mo kung gaanong kapayapaan ang mayroon dito? Sinabi Ko rin ito sa isa pang disipulo na nagmungkahi ng ganyan din. Sinabi niya: “Upang kasiyahan ang mas mataas na reputasyon”.»

«Binanggit ko ito upang hindi Kayo masyadong mapagod.»

«Hindi Ako napapagod. Maglalakad Ako nang labis, at hindi Ako kailanman mapapagod. ⁵Alam mo ba kung ano ang nagpapapagod sa Akin? Ang kawalang-pakialam. O! Anong pabigat ito! Katulad ito ng nagdadala ka ng isang mabigat sa iyong puso.»

«Minamahal ko Kayo, Jesus.»

«Oo, at napagiginhawahan mo Ako. Mahal na mahal kita, Juan, at lagi kitang mamahalin, sapagkat hindi mo Ako kailanman pagtataksilan.»

«Pagtaksilan Kayo! O!»

«Gayunman marami ang magtataksil sa Akin… Juan makinig. Sinabi Ko sa iyo na Ako ay nanatili rito upang turuan ang isang bagong disipulo. Siya ay isang bata-pang Hudyo, edukado at kilala.»

«Bueno, kung gayon. Magtatrabaho Kayo nang mas kaunti kasama siya kaysa kong kasama kami, Guro. Masaya ako na mayroon Kayo ng isa na mas may kakayahan kaysa sa amin.»

«Sa palagay mo ba magtatrabaho Ako nang mas kaunti?»

«Oo, kung siya ay hindi masyadong mangmang kaysa sa amin, mas maiintindihan niya Kayo nang mas mabuti, mapaglilingkuran Kayo nang mas mabuti, lalo na kung minamahal niya Kayo.»

«Ang sinasabi mo ay tama. Ngunit ang pagmamahal ay hindi proporsiyonado sa edukasyon o pormasyon. Ang isang birhen ay nagmamahal nang lahat ng lakas ng kanyang unang pag-ibig. Iyan ay ganyan din sa pagkabirhen ng isip. At ang minamahal ay lumalagos at mas malalim na tumitimo sa birhen na puso at sa isang birhen na isip, kaysa sa mga puso at mga isip na tigmak sa ibang mga pagmamahal. Ngunit kung gugustuhin ng Diyos… Makinig, Juan. Ibig Kong maging mapagkaibigan ka sa kanya. Ang Aking puso ay nanginginig sa kaisipan na ilalagay ka, isang di pa nagupitan na kordero, malapit sa isang sanay sa buhay. Ngunit ito ay kumakalma tinitingnan na ikaw ay maaaring isang kordero, ngunit ikaw ay isa ring agila, at kung ang mga sanay ay magsikap na mahipo mo ang lupa, na laging maputik, ang lupa ng mabuting sentido komun, sa pamamagitan ng isang bigwas ng iyong mga pakpak, mapalalaya mo ang iyong sarili at mimithiin lamang ang malinaw na asul na kalangitan at ang araw. Iyan kung bakit hinihiling Ko sa iyo na manatili kang katulad mo ngayon at maging mapagkaibiganin sa bagong disipulo, pinasisigla siya sa pamamagitan ng iyong pagmamahal, sapagkat hindi siya masyadong mamahalin ni Simon Pedro at ng iba pa…»

«O! Guro! Hindi ba Kayo sapat?»

«Ako ay ang Guro. Hindi lahat ay masasabi sa Akin. Ikaw ay isang kasamahan, mas bata nang kaunti, kung kanino magiging mas madali para sa kanya na ibukas ang kanyang sarili. Hindi Ko minumungkahi na kailangan mong ulitin sa Akin ang kanyang sasabihin sa iyo. Kinasusuklaman Ko ang mga espiya at mga traydor. Ngunit hinihingi Ko sa iyo na turuan mo siya sa pamamagitan ng iyong pananampalataya, iyong karidad, iyong kadalisayan, Juan. Iyon ay isang lupa na narungisan ng bungkok na mga tubig. Kailangan na matuyo iyon ng araw ng pagmamahal, mapadalisay ng integridad ng mga kaisipan, mga mithiin at mga gawa, at mabukid ng pananampalataya. Magagawa mo iyan.»

«Kung sinasabi Ninyo na magagawa ko… Oo! Kung sinasabi Ninyo na magagawa ko iyan, gagawin ko iyan. Alang-alang sa Inyo…»

«Salamat sa iyo, Juan.»

⁶«Guro, binanggit Ninyo si Simon Pedro. At iyan ay nagpaalaala sa akin ng isang bagay na sana nasabi ko sa Inyo kaagad, ngunit ang lugod ng pakikinig sa Inyo ay nagawa akong makalimutan ito. Noong kami ay bumalik sa Capernaum pagkatapos ng Pentekostes, natagpuan namin ang dating halaga ng pera mula sa di-kilalang tao. Ang bata ay dinala iyon sa aking ina. Ibinigay ko iyon kay Pedro, at ibinalik niya iyon ulit sa akin, nagsasabing gamitin ko ang iba niyon sa aking pagbabalik at sa aking pananatili sa Doco at kailangan kong dalhin sa Inyo ang natira, para sa anumang Inyong pangangailangan… sapagkat si Pedro ay iniisip din na ang lugar na ito ay baka hindi komportable… ngunit sinasabi Ninyo na ito ay komportable… Kinuha ko lamang ang dalawang sentimos para sa dalawang mahirap na tao na nasalubong ko malapit sa Ephraim. Para sa iba pa, namuhay ako sa pamamagitan ng ibinigay sa akin ng aking ina at ng kung ano ang ibinigay sa akin ng ilang mabubuting tao kung kanino Ako nagpahayag sa ngalan Ninyo. Naririto ang lukbutan.»

«Ibibigay natin ang pera sa mahihirap bukas. Upang si Judas din ay masanay na sa ating kaugalian.»

«Ang Inyo bang pinsan ay dumating na? Papaano siya naging napakabilis? Siya ay nasa Nazareth at hindi niya sinabi sa akin na siya ay aalis…»

«Hindi. Si Judas ay ang bagong disipulo. Siya ay taga Kerioth. Ngunit nakita mo siya noong Paskuwa, dito, nang gabing Aking pinagaling si Simon. Kasama niya si Tomas.»

«Ah! Siya iyon?» Si Juan ay medyo nalito.

«Oo, siya iyon. ⁷At ano ang ginagawa ni Tomas?»

«Ginawa niya ang Inyong mga tagubilin, iniwan niya si Simon ang Kananeo at sa pamamagitan ng daan sa tabing dagat lumakad siya at tinagpo sina Felipe at Bartolomeo.»

«Oo, gusto Kong magmahalan kayo sa isa’t isa, nang walang pinipili, nagtutulungan ang isa’t isa at tinitiis ang isa’t isa. Walang sinuman ang perpekto, Juan. Ni ang bata o ang matanda. Ngunit kung mayroon kayong mabuting kalooban, mararating ninyo ang perpeksiyon at kung ano ang kakulangan sa inyo, pupunuan Ko. Kayo ay katulad ng mga anak ng isang banal na pamilya. Diyan ay may iba-ibang mga ugali. Ang isa ay malakas, ang isa pa ay magiliw, o matapang, o mahiyain, o pabigla-bigla o napaka maingat. Kung kayo ay magkakatulad, kayo ay tunay ngang malakas sa iisang ugali, ngunit napakahina sa lahat na iba pa. Samantalang kung kayo ay ganyan mapoporma ninyo ang isang perpektong samahan, nakukumpleto ninyong lahat. Ang pagmamahal ay pinag-iisa kayo, kailangan na mapag-isa kayo nito, alang-alang sa dahilan ng Diyos.»

«At alang-alang sa Inyo, Jesus.»

«Una ang dahilan ng Diyos at pagkatapos ang pagmamahal para sa Kanyang Kristo.»

«Ako… at ano ako sa ating pamilya?»

«Ikaw ang nagmamahal na kapayapaan ng Kristo ng Diyos. Pagod ka ba, Juan? Ibig mo bang bumalik na? Mananatili Ako rito at magdarasal.»

«Mananatili rin ako, at magdarasal ako kasama Kayo. Hayaan akong manatili at magdasal kasama Kayo.»

«Makapananatili ka.»

Binibigkas ni Jesus ang ilang mga salmo at si Juan ay nagdarasal kasama Niya. Ngunit ang kanyang tinig ay naglalaho at siya ay nakatulog na ang kanyang ulo nasa lapi ni Jesus. Si Jesus ay ngumingiti at inunat ang Kanyang manta sa ibabaw ng mga balikat ng natutulog na disipulo at nagpatuloy sa pagdarasal sa isip lamang.

Ang bisyon ay natapos nang gayon.

⁸Pagkatapos sinasabi ni Jesus:

«Isa pang paghahambing sa pagitan ng Aking Juan at ng isa pang disipulo. Isang paghahambing na nagagawa ang pigura ng Aking minamahal na disipulo na maging mas malinaw na malinaw pa.

Siya  ay ang isa na hinuhubaran ang kanyang sarili ng kanyang sarili ding paraan ng pag-iisip at paghuhusga, upang maging “ang disipulo”. Siya ang isa na ibinibigay ang sarili nang walang iniisip na magtira kahit isang kapiraso ng kanyang sarili, katulad ng sarili niya bago maging isang disipulo. Si Judas ay ang isa na ayaw hubaran ang kanyang sarili ng sarili niya. Ang kanyang donasyon ay kung gayon hindi tunay. Dala-dala ng kanyang sarili ang kanyang kaakuhan na may sakit ng pagmamalaki, kahalayan at kasakiman. Pinananatili niya ang kanyang pamamaraan ng pag-iisip. Nakukontra kung gayon ang epekto ng donasyon at ng Grasya.

Si Judas: ang una sa lahat na mga apostol na bumagsak. At napakarami nila! Si Juan: ang una sa mga naging mga biktima dala ng pagmamahal para sa Akin. At ikaw ay isa sa kanila.

Ang Aking Ina at Ako ay ang dakilang mga Biktima. Mahirap na abutin kami, hindi, bagkus, ito ay imposible, sapagkat ang aming sakripisyo ay sakripisyo ng ganap na kapaitan. Ngunit ang Aking Juan! Siya ay ang biktima na maaaring gayahin ng lahat ng Aking mga mangingibig: mga birhen, mga martir, mga kompesor, mga tagapag-ebanghelyo, mga lingkod ng Diyos at ng Ina ng Diyos, deboto sa pagkilos o pagnilay-nilay: siya ay isang halimbawa para sa bawat isa. Siya ang isa na nagmamahal.

Punahin ang kanilang magkaibang pamamaraan ng pangangatwiran. Si Judas ay nag-iimbestiga, nag-iisu-iso, matigas ang ulo, kahit na kung siya ay nagkukunwaring nagpaparaya mayroon pa rin siyang mental na pagpipigil. Si Juan ang kanyang pakiramdam siya ay wala, tinatanggap niya ang lahat, hindi siya nagtatanong para sa mga rason, kontento na siya sa magawa Akong masaya. Siya ay ang halimbawa.

⁹At hindi mo ba naramdaman na ganap kang mapayapa sa harapan ng kanyang simpleng mahal na pagmamahal? O! Aking Juan! At Aking munting Juan, na gustung-gusto Ko na maging katulad na katulad ng Aking minamahal. Tanggapin ang lahat, laging nagsasabi katulad ng apostol: “Ang lahat ng Inyong ginagawa, ay laging maayos na nagagawa, Guro”, upang marapatin na lagi mo Akong mapapakinggan na nagsasabi sa iyo: “Ikaw ay ang Aking nagmamahal na kapayapaan”. Nangangailangan din Ako ng kaginhawahan, Maria. Ibigay mo  sa Akin ito. Ang Aking puso para sa iyong kapahingahan.»

(360)030810/041113

Sunod na kabanata.