72. Sina Jesus, Juan, Simon at Judas Pupunta sa Bethlehem.

Enero 7, 1945.

¹Nakikita ko, maaga ng umaga, si Jesus, Na sa gayon ding geyt ay tinatagpo ang Kanyang mga disipulo na sina Simon at Judas. Si Juan ay kasama na ni Jesus. At napapakinggan ko Siya na nagsasabi: «Aking mga kaibigan, hinihiling Ko sa inyo na sumama sa Akin sa Judaea. Kung ito ay hindi kalabisan sa inyo, lalo na para sa iyo, Simon.»

«Bakit, Guro?»

«Mahirap maglakad sa mga bundok ng Judaea… at baka mas masakit pa para sa iyo na makatagpo ng isang nanakit sa iyo.»

«Kung tungkol sa daan ang pag-uusapan, ibig kong makatiyak Kayo, sa muli, na pagkatapos na mapagaling Ninyo ako, ang pakiramdam ko mas malakas pa ako kaysa sa isang bata-pang lalaki at walang trabaho ang mabigat para sa akin, at dahil din ito ay ginagawa para sa Inyo, at ngayon, kasama Kayo. Ang tungkol sa makatagpo ng mga tao na nanakit sa akin, walang magaspang na sama-ng-loob o pakiramdam sa loob ng puso ni Simon, mula nang siya ay mapasa Inyo. Ang poot ay nawala kasama ang mga langib ng sakit. At maniwala sa akin, hindi ko masabi sa Inyo kung nakagawa Kayo ng mas malaking himala sa pagpagaling sa aking agnas na laman o sa aking kaluluwa na inuubos ng poot. Sa palagay ko hindi ako nagkakamali sa pagsasabing ang huli na himala ay ang mas malaki. Ang sugat ng kaluluwa ay mas mahirap gumaling… at pinagaling Ninyo ako nang isang sandali. Iyon ay isang himala. Sapagkat ang isa ay hindi nakapanunumbalik nang bigla, kahit gustuhin ng isa sa pamamagitan ng buong lakas niya at ang isang tao ay hindi niya maaalis ang isang masamang moral na ugali, kung hindi Ninyo sisirain ang ugaling iyan sa pamamagitan ng Inyong nagpapabanal na kapangyarihan ng kalooban.»

«Ang iyong paghusga ay tama.»

²«Bakit hindi Ninyo iyan ginagawa sa lahat?» tanong ni Judas, medyo nagtatampo.

«Ngunit ginagawa Niya, Judas. Bakit ka nagsasalita nang ganyan sa Guro? Sa pakiramdam mo ba hindi ka nagbago mula nang Siya ay nakahalubilo mo? Dati, ako ay isang disipulo ni Juan Bautista. Ngunit natagpuan ko ang aking sarili na ganap na nabago mula nang sinabi Niya sa akin: “Halika”.» Si Juan, na sa pangkalahatan ay bihirang makialam, at hindi kailanman nakikialam sa presensya ng Guro, ngayon ay hindi makapanahimik. Mabait at mapagmahal, nagpatong siya ng isang kamay sa braso ni Judas na tila upang pakalmahin siya at nagsasalita siya nang nananabik at nakakakumbinsi. Pagkatapos kanyang napuna na siya ay nakapagsalita bago si Jesus, siya ay namula at nagsabi: «Patawarin Ninyo ako, Guro. Nagsalita ako sa katauhan Ninyo, ngunit ibig kong… ayaw kong Kayo ay pamighatiin ni Judas.»

«Oo, Juan. Ngunit hindi niya Ako pinamighati bilang Aking disipulo. Kapag siya ay Aking disipulo, diyan, kung magpupumilit siya sa kanyang paraan ng pag-iisip, mapamimighati niya Ako. Namimighati lamang Ako na makita kung gaano ang tao naparumi ni Satanas na siyang bumabaluktot sa kanyang mga kaisipan. Lahat ng tao, alam mo! Ang mga kaisipan ninyo ay nailigaw niya! Ngunit ang araw ay darating, kung kailan mapapasainyo ang Lakas at ang Grasya ng Diyos, mapapasainyo ang Karunungan kasama ang Kanyang Espiritu… mapapasainyo pagkatapos ang lahat upang magawa kayong makapaghusga nang tama.»

«At kaming lahat ay makapaghuhusga nang tama.»

«Hindi, Judas.»

«Ngunit Inyo bang tinutukoy kami, mga disipulo, o ang lahat na mga tao?»

«Kayo ang una Kong tinutukoy, at ang lahat na iba pa. Kapag dumating na ang oras, ang Guro ay inunomina ang Kanyang mga manggagawa at ipadadala sila sa buong mundo…»

«Hindi ba't ginagawa na Ninyo iyan?»

«Pansamantala, ginagamit Ko lamang kayo upang sabihin: “Ang Mesiyas ay naririto. Pumunta sa Kanya”. Pagkaraan gagawin Ko kayo na may kakayahan na magpahayag sa ngalan Ko, na gumawa ng mga himala sa ngalan Ko…»

«O! Mga himala din?»

«Oo, sa mga katawan at sa mga kaluluwa.»

«O! Gaano nila tayo kahahangaan, pagkatapos!!» Si Judas ay labis na nalulugod tungkol sa kaisipan.

«Ngunit, pagkatapos, hindi na natin makakasama ang Guro… at lagi na akong matatakot na gawin sa pamamagitan ng aking pagkataong kakayahan kung ano ang nanggagaling lamang sa Diyos» sabi ni Juan, at siya ay tumitingin nang nag-iisip at medyo malungkot kay Jesus.

³«Juan, kung pahihintulutan ako ng Guro, ibig kong sabihin sa iyo kung ano ang aking naiisip» sabi ni Simon.

«Oo, sabihin kay Juan. Ibig Ko kayo na nagbibigayan ng payo sa isa’t isa.»

«Nalalaman na ba Ninyo na ito ay isang payo?»

Si Jesus ay ngumingiti at tahimik.

«Bueno, sasabihin ko sa iyo, Juan, na kailangan na huwag kang matakot, tayong lahat ay huwag matakot. Tumayo tayo sa ibabaw ng Kanyang karunungan ng isang banal na Guro at sa ibabaw ng Kanyang pangako. Kung sinasabi Niya: “Ipadadala Ko kayo”, ibig-sabihin nito nalalaman Niya na maipadadala Niya tayo nang walang anumang takot na baka tayo makapinsala sa Kanya o sa ating mga sarili, ibig-sabihin sa ipinaglalaban ng Diyos, na napakamahal sa bawat isa sa atin, katulad ng bagong kasal na nobya. Kung nangangako Siya na daramtan Niya ang ating intelektuwal at espirituwal na kahirapan ng kaningningan ng kapangyarihan na ibinibigay ng Ama sa Kanya para sa atin, kailangan na matiyak tayo na gagawin Niya iyan at na tayo ay magtatagumpay, hindi sa pamamagitan natin mismo, bagkus sa pamamagitan ng Kanyang awa. Ang lahat na ito ay tiyak-na-tiyak na mangyayari, maliban na ang ating mga gawa ay malaya sa pagmamalaki at pagkataong mga ambisyon. Sa palagay ko kung ating hahaluan ang ating misyon, na ganap na espirituwal na misyon, ng makalupang mga sangkap, diyan ang pangako rin ng Kristo hindi na makatatayo. Hindi dahil sa anumang kawalang-kakayahan sa Kanyang panig, bagkus masasakal natin ang gayong abilidad sa pamamagitan ng tali ng pagmamalaki. Hindi ko alam kung nagawa ko ang aking sarili na maintindihan.»

⁴«Nakapagsalita ka nang napakalinaw. Ako ay mali. Ngunit alam mo… Sa palagay ko pagkatapos ng lahat, ang hilingin na kahangaan bilang mga disipulo ng Mesiyas, napakalapit sa Kanya upang marapatin na gawin ang ginagawa Niya, ay pareho din ng hilingin na dagdagan pa nang lalo ang makapangyarihang pigura ng Kristo sa paningin ng mga tao. Kapurihan sa Guro, Na mayroong ganyang mga disipulo, iyan ang ibig kong sabihin» tugon ni Judas.

«Ang sinasabi mo ay hindi ganap na mali. Ngunit… tingnan, Judas. Ako ay nagmula sa isang lipì na inuusig sapagkat… sapagkat napagkamalan nito kung ano at papaano ang Mesiyas kailan na maging Mesiyas. Oo. Kung kami ay naghintay sa Kanya na may tamang bisyon ng Kanyang pagkatao, hindi sana kami bumagsak sa mga pagkakamali, na mga paglalapastangan laban sa Katotohanan at isang rebelyon laban sa Batas ng Roma, kung kaya't kami ay pinarusahan kapwa ng Diyos at ng Roma. Inisip namin ang Kristo bilang isang kongkistador na magpapalaya sa Israel, bilang isang bagong Macabeo, mas dakila pa sa dakilang Judas… Iyan lang. At bakit? Sapagkat kaysa sa alalahanin ang interes ng Diyos inasikaso namin ang aming sariling mga interes: interes ng amangbayan at ng mga tao. O! Ang mga interes ng amangbayan ay tiyak-na-tiyak na sagrado. Ngunit ano ang mga ito kompara sa eternal na mga Kalangitan? ⁵Sa mahabang mga oras ng pang-uusig, una, pagkatapos ng pangungulila, kung kailan bilang isang tinutugis, ako ay napilitan na magtago sa mga lungga ng mababangis na hayop, nakikibahagi sa pagkain at higaan nila, upang matakasan ang kapangyarihan ng Roma at higit sa lahat ang mga pang-uusig ng huwad na mga kaibigan; o nang, habang naghihintay ng kamatayan natitikman ko na ang lasa ng sepulkro, sa loob ng isang kuweba ng isang ketongin, gaano ako nagnilay-nilay, at gaano ang aking nakita: nakita ko ang pigura ng Mesiyas… Ang Inyo, aking aba at mabuting Guro, ang Inyo, Guro at Hari ng Espiritu, ang Inyo, O Kristo, Anak ng Ama, nagpapasunod patungo sa Ama, at hindi patungo sa makaharing mga palasyo ng alikabok, o hindi sa mga diyos ng putik. Kayo… O! Madali para sa akin na sundan Kayo… Sapagkat, patawarin ang aking pangangahas na umaamin sa sarili na tama ito, sapagkat nakikita ko Kayo katulad na naisip ko ang tungkol sa Inyo, nakilala ko Kayo, nakilala ko Kayo kaagad. Hindi, iyon ay hindi ang tungkol sa makita Kayo, bagkus ang makilala ang Isa na nakita na ng aking kaluluwa…»

«Iyan kung bakit tinawag kita… at iyan kung bakit isinasama kita, ngayon, sa unang paglalakbay Kong ito sa Judaea. Ibig Kong makumpleto mo ang iyong pagkakakilala… At gusto Ko rin ang mga ito, na gawa ng kanilang mga edad ay nagagawa silang mas nagkukulang sa kakayahan na marating ang Katotohanan sa pamamagitan ng malalim na pagninilay-nilay, ibig Kong malaman nila kung papaano ang kanilang Guro narating ang oras na ito… Maiintindihan ninyo pagkatapos. Naririyan ang Tore ni David. Ang Eastern Gate ay malapit na.»

«Tayo ba ay lalabas sa pamamagitan niyan?»

«Oo, Judas. Pupunta muna tayo sa Bethlehem. Kung saan Ako pinanganak… Kailangan na malaman ninyo… upang masabi sa iba. Iyan din ay bahagi ng kaalaman tungkol sa Mesiyas at tungkol sa mga Iskriptura. Matatagpuan ninyo ng mga hula na isinulat sa mga bagay hindi bilang mga hula bagkus bilang mga kasaysayan. Tayo'y umikot sa mga kabahayan ni Herodes…»

«Ang matandang, masamang, mahalay na asong-gubat.»

«Huwag manghusga. Naririyan ang Diyos, Na nanghuhusga. Dumaan tayo sa landas na dumaraan sa mga hardin ng gulayin na ito. Tayo ay titigil sa ilalim ng lilim ng isang punungkahoy,  malapit sa ilang mapag-arugang bahay, hanggang sa lumamig. Pagkatapos ipagpapatuloy natin ang ating paglalakad.»

Ang bisyon ay nagtatapos.

(369)230810/041213

Sunod na kabanata.