75. Si Jesus at ang mga Pastol na sina Elias, Levi at Jose.

Enero 11, 1945.

¹Ang mga burol ay pataas pa nang pataas at nagiging makakahoy at makakahoy pa kaysa sa mga nakapaligid sa Bethlehem at ang pagtaas nila ay patuloy at sa katapus-tapusan naporma nito ang tunay na kabit-kabit na mga bundok.

Si Jesus ay umaakyat nang nangunguna sa kanilang lahat at Siya ay tumitingin sa kapaligiran, na tila may kinasasabikan Siyang isang bagay. Siya ay hindi nagsasalita, mas nakikinig Siya sa mga tinig ng mga kakahuyan kaysa sa mga apostol, na mga ilang yarda sa likuran Niya at mga naguusap-usap.

 Ang isang kampanilya ay kumililing sa malayo, ngunit ang kililing ay dinala ng hangin. Si Jesus ay ngumingiti. Siya ay tumalikod: «Napakinggan Ko ang mga kampanilya ng mga tupa.»

«Saan, Guro?»

«Sa palagay Ko malapit sa maliit na burol na iyon. Ngunit ang mga kakahuyan ay napipigilan Akong makakita.»

Si Juan, nang walang sinasabi na kahit ano, ay hinubad ang kanyang tunika – lahat sila ay hinubad ang kanilang mga manta at dala-dala nila ito nakasablay sa kanilang mga balikat, sapagkat naiinitan sila – at suot lamang ang kanyang maikling tunika, niyakap niya ang isang mataas na makinis na katawan ng punong kahoy, na sa palagay ko ay isang ash tree, at siya ay umaakyat hanggang sa siya ay may nakikita. «Oo, Guro. Maraming kawan at may tatlong pastol doon, sa likuran ng palumpungan.» Siya ay bumaba, at sila ay nagpatuloy, nakatitiyak sa kanilang daan.

«Magiging sila kaya iyon?»

«Magtatanong tayo, Simon, at kung hindi sila, may masasabi silang isang bagay sa atin... Sila ay magkakakilala.»

Pagkaraan ng mga sandaang yarda, ay may malaking berdeng pastulan, napaliligiran sa lahat ng tabi ng malalaking matatandang punungkahoy. Maraming tupa ang nanginginain sa makapal na mga damo ng umaalun-alon na parang. Tatlong lalaki ang nagbabantay sa kanila. Ang isa ay matanda: ang kanyang buhok ay lahat puti, ang dalawa pang iba, ang isa ay mga tatlumpung taong gulang, ang isa pa ay mga apatnapung taong gulang.

«Mag-ingat, Guro. Sila ay mga pastol...» payo ni Judas, noong makita niya na si Jesus ay binibilisan ang Kanyang hakbang.

²Ngunit si Jesus ay ni hindi man lamang tumutugon. Siya ay nagpapatuloy, matangkad at makisig sa Kanyang putingelias shepherd tunika, na ang lumulubog na araw nasa harapan Niya. Siya ay tila isang anghel, napakaningning Niya... «Kapayapaan sa inyo, Aking mga kaibigan» bumabati Siya noong narating Niya ang gilid ng parang.

Ang tatlong lalaki ay tumalikod, nasorpresa. Nagkaroon ng katahimikan. Pagkatapos ang pinakamatanda ay nagtanong: «Sino Kayo?»

«Isang nagmamahal sa inyo.»

«Kayo ang magiging ang una sa loob ng napakaraming mga taon. Tagasaan Kayo?»

«Mula sa Galilee.»

«Mula sa Galilee. O!» Ang lalaki ay pinagmamasdan Siya nang mabuti. Ang dalawa pang lalaki rin ay lumapit. «Mula sa Galilee» inuulit ng pastol, at dinagdag niya sa napakababang tinig, na tila nagsasalita sa kanyang sarili: «Siya ay nagmula rin sa Galilee... Mula sa anong bayan aking Panginoon?»

«Sa Nazareth.»

«O! Bueno, sabihin sa akin. May isang Bata bang nakabalik kailanman sa Nazareth, isang Bata na may kasamang isang babae na ang pangalan ay Maria at isang lalaking tinatawag na Jose, isang Bata, Na mas maganda pa nga sa Kanyang Ina, napakaganda na hindi pa ako nakakita ng isang mas maganda pang bulaklak sa mga dalisdis ng Judah? Isang Batang pinanganak sa Bethlehem ng Judah, noong panahon ng edikto? Isang Bata Na pagkatapos ay nakatakas, malaking suwerte para sa mundo, isang Bata, o! Ibibigay ko ang aking buhay mapakinggan lamang na Siya ay buháy... Maaaring isa na Siyang ganap na lalaki ngayon.»

«Bakit mo sinasabi na ang Kanyang pagtakas ay isang malaking suwerte para sa mundo?»

«Sapagkat Siya ay ang Tagapagligtas, ang Mesiyas at si Herodes ay ginusto Siyang patay. Wala ako roon noong umalis Siya kasama ang Kanyang ama’t ina. Noong mapakinggan ko ang tungkol sa pagpápapatáy at bumalik ako... sapagkat ako rin ay may mga anak (siya ay humikbi), aking Panginoon, at isang asawa... (siya ay humihikbi), at napakinggan kong sila ay napatay (siya ay humihikbi muli), ngunit sinusumpa ko sa Diyos ni Abraham, na ako ay mas natatakot para sa Kanya kaysa para sa aking sariling pamilya – napakinggan ko na Siya ay nakaalis at ni hindi ako makapagtanong, ni hindi ko maalis ang aking sariling mga mahal sa buhay na napatay ... Nagtatapon sila ng mga bato sa akin, katulad ng kanilang ginagawa sa mga ketongin at sa di-malilinis na tao, tinatrato nila akong katulad ng isang mamamatay-tao... at kinailangan kong magtago sa mga kakahuyan, at mamuhay katulad ng mga asong-gubat... hanggang sa nakakuha ako ng isang panginoon. O! Ito ay hindi na si Anna... Siya ay matigas at malupit... Kung may isang tupa na masaktan, kung ang isang asong-gubat ay binibiktima ang isang kordero, ako ay kanyang papaluin hanggang dumugo ako o kukunin niya ang aking abang upa, at kinailangan kong magtrabaho sa mga kakahuyan para sa ibang mga tao, kailangan kong gumawa ng kahit ano, upang mabayaran siya nang tatlong ulit ng halaga. Ngunit hindi na bale ito. Lagi kong sinasabi sa Kataastaasan: “Gawin Ninyong makita ko ang Inyong Mesiyas, malaman ko man lamang na Siya ay buháy, at ang lahat na iba pa ay bale wala”. Aking Panginoon, nasabi ko sa Inyo kung papaano ang mga tao sa Bethlehem trinato ako, at kung papaano ako tinatrato ng aking panginoon. Nabayaran ko sana sila ng kanilang sariling ginagawa sa akin, ginawan ko sana sila ng mali, nagnanakaw, upang hindi ako maghirap sa ilalim ng aking panginoon. Ngunit mas ginusto ko pang maghirap, magpatawad, maging tapat, sapagkat sinabi ng mga anghel: “Kaluwalhatian sa Diyos sa Kataastaasan at kapayapaan sa lupa sa mga tao ng mabuting kalooban”.»

«Iyan ba ang kanilang sinabi?»

«Oo, sinabi nila, aking Panginoon, kailangan na paniwalaan Ninyo ako, Kayo man lamang, Na isang mabuti. Kailangan na malaman Ninyo at maniwala na ang Mesiyas ay naipanganak. Wala nang naniniwala rito ngayon. Ngunit ang mga anghel ay hindi makapagsisinungaling... At kami ay hindi lasing, katulad ng sinasabi nila. Ang lalaking ito rito, ay isang bata pa lamang noon, at siya ang unang nakakita sa anghel. Ang iniinom niya ay bagkus gatas. Ang gatas ba ay nakalalasing sa isang tao? Ang mga anghel ay nagsabi: “Ngayon, sa bayan ni David ang Tagapagligtas ay pinanganak, Siya ay ang Kristo, ang Panginoon. At naririto ang isang tanda para sa inyo. Makatatagpo kayo ng isang Bata na nakabalot sa mga lampin nakahiga sa isang sabsaban”.»

«Iyan ba ang sinabi nilang iksakto? Hindi kaya ninyo napagkamalan? Hindi kaya kayo nagkakamali, pagkaraan ng ganyang katagal na panahon?»

«O! Hindi! Hindi ba, Levi? Upang hindi namin makalimutan - hindi kami makakalimot ganoon pa man, sapagkat ang mga salita ay makalangit na mga salita at nakasulat sa loob ng aming mga puso sa pamamagitan ng isang makalangit na apoy – sa tuwing umaga, sa tuwing gabi, kapag tumataas ang araw, kapag ang unang mga bituin ay magniningning, inuulit namin ang mga salita bilang isang panalangin, bilang isang pagpapalà, upang magkaraon ng lakas at kaginhawahan sa Kanyang pangalan at sa ngalan ng Kanyang Ina.»

«Ah! Sinabi mo: “Kristo!?»

«Hindi, aking Panginoon. Sinasabi namin: “Kaluwalhatian sa Diyos sa Kataastaasang Langit at kapayapaan sa lupa sa mga tao ng mabuting kalooban, sa pamamagitan ni Jesucristo Na pinanganak ni Maria sa isang establero sa Bethlehem at Na, nakabalot sa mga lampin, ay nasa isang sabsaban, Siya Na siyang ang Tagapagligtas ng mundo”.»

³«Ngunit, sa maikling pananalita, sino ang iyong hinahanap?»

«Si Jesus Kristo, ang Anak ni Maria, ang Nazareno, ang Tagapagligtas.»

«Ako Siya.» Si Jesus ay nagliliwanag noong sinasabi ito, binubunyag ang Kanyang Sarili sa Kanyang nagpupursiging mga mángingibig: nagpupursige, tapat, matiyaga.

«Kayo! O! Panginoon, Tagapagligtas, Aming Jesus!» Ang tatlong kalalakihan ay nakapatirapa sa lupa at hinahalikan ang mga paa ni Jesus, umiiyak sa galak.

«Tumayo kayo. Tayo, Elias at ikaw, Levi at ikaw, na ang pangalan hindi Ko alam.»

«Si Jose, ang anak ni Jose.»

«Ito ang Aking mga disipulo, si Juan, isang Galilean, sina Simon at si Judas, mga Judaean.»

Ang mga pastol ay hindi na nakapatirapa sa lupa, sila ay nakaluhod, nakaupo sa kanilang mga sakong, sumasamba sila nang gayon sa Tagapagligtas, nang may nagmamahal na mga mata, nanginginig na mga labì, habang ang kanilang mga mukha ay namumutla at namumula sa tuwa.

⁴Si Jesus ay naupo sa damuhan.

«Hindi, aking Panginoon. Kayo, Hari ng Israel, ay hindi kailangan na maupo sa damo.»

«Hindi na bale, Aking mahal na mga kaibigan. Ako ay mahirap. Isang karpintero hanggang sa pakialam ng mundo. Mayaman lamang Ako sa Aking pagmamahal para sa mundo, at sa pagmamahal na nakukuha Ko mula sa mabubuting tao. Ako ay naparito upang manatiling kasama ninyo, upang saluhan ang hapunan ninyo at matulog nang katabi ninyo sa dayami, at mapaginhawahan ninyo...»

«O! Paginhawahan! Kami ay magagaspang at inuusig.»

«Ako ay inuusig din. Ngunit binibigay ninyo sa Akin ang Aking hinahanap: pagmamahal, pananampalataya, at pag-asa na Ako ay tatagal nang maraming mga taon at mamulaklak. Kita ninyo? Naghintay kayo para sa Akin at kayo ay naniwala nang walang kahit anong pagdududa, na Ako ay ang Mesiyas. At Ako ay naparito sa inyo.»

«O! Oo, Kayo ay naparito. Ngayon kahit na kung ako ay mamatay, hindi ako mababalisa, gawa ng katotohanan na ako ay nanalig nang walang kabuluhan.»

«Hindi, Elias, mabubuhay ka hanggang magtagumpay ang Kristo at pagkatapos pa. Nakita mo ang Aking pagdating, kailangan na makita mo ang Aking kaluwalhatian. At nasaan ang mga iba pa? Kayo ay labindalawa: Elias, Levi, Samuel, Jonah, Isaac, Tobias, Jonathan, Daniel, Simeon, Juan, Jose, Benjamin. Ang Aking Ina ay laging inuulit ang inyong mga pangalan sa Akin, sapagkat kayo ang Aking unang mga kaibigan.»

«O!» Ang mga pastol ay lalong lalo pang naaantig.

«Nasaan ang iba pa?»

«Ang matandang Samuel ay namatay sa katandaan mga dalawampung taong na ang nakararaan. Si Jose ay napatay dahil nakipaglaban siya sa geyt ng bakuran upang mabigyan ng panahon ang kanyang asawa, na kapapanganak pa lamang nang mga ilang oras, na makatakas kasama ang lalaking ito, na aking inampon alang-alang sa aking kaibigan... at upang magkaroon muli ng mga bata sa paligid ko. Isinama ko na rin si Levi... Siya ay inuusig. Si Benjamin ay isang pastol sa Lebanon kasama si Daniel, si Simeon, si Juan at si Tobias, na ngayon ay gustong matawag na Mateo sa ala-ala ng kanyang ama, na napatay din, ay mga disipulo ni Juan Bautista. Si Jonah ay nagtatrabaho sa kapatagan ng Esdraelon para sa isang Pariseo. Si Isaac ay naghihirap nang labis gawa ng kanyang likod na nabaluktot sa dalawa, namumuhay siya sa lubos na karukhaan, nang lubos na nag-iisa sa Juttah, tinutulungan namin siya hangga't magagawa namin, ngunit kaming lahat ay masamang tinamaan at ang aming tulong ay katulad ng isang hamog sa isang apoy. Si Jonathan ay ngayon ang katulong ng isa sa mabibigat na tauhan ni Herodes.

«Papaano kayo, lalo na si Jonathan, si Jonah, si Daniel at si Benjamin nakakuha ng ganyang mga trabaho?»

«Naalaala ko ang Inyong kamag-anak na si Zachariah... Ang Inyong Ina ay pinadala ako sa kanya... Noong kami ay nasa mga bangin ng bundok sa Judaea, tinutugis at sinusumpa, dinala ko sila sa kanya, siya ay mabuti sa amin. Pinatuloy at pinakain niya kami. At nakakuha siya ng trabaho para sa amin, ginawa niya ang magagawa niya. Nadala ko nang lahat ang mga kawan ni Anna para sa Herodian... at ako ay nanatili sa kanya... Noong si Juan Bautista, malaki na, ay nagsimulang magturo, sina Simeon, Juan at Tobias ay pumunta sa kanya.»

«Ngunit ngayon si Juan ay nasa kulungan.»

«Oo, at sila ay nagbabantay malapit sa Machaerus, nang may kaunting mga tupa, upang hindi mapagdudahan. Sila ay binigyan ng mga tupa ng isang mayaman na lalaki, isang disipulo ng Inyong kamag-anak na si Juan.

«Ibig Kong makita silang lahat.»

«Oo, Panginoon. Tayo ay pupunta at sasabihin sa kanila: “Halikayo. Siya ay buhay. Naalaala Niya tayo at minamahal tayo”.»

«At ibig Niya kayong maging Kanyang mga kaibigan.»

«Oo, aking Panginoon.»

«Ngunit pupunta muna tayo kay Isaac. At saan si Samuel at si Jose nakalibing?»

«Si Samuel sa Hebron. Nanatili siya sa paglilingkod kay Zachariah. Si Jose... ay walang libingan. Nasunog siya kasama ng bahay.»

«Wala na siya sa malupit na apoy, bagkus sa mga apoy na ng pagmamahal ng Diyos  at malapit na sa Kanyang kaluwalhatian. Sinasabi Ko sa inyo, at lalo na sa iyo, Jose, anak ni Jose. Halika rito, na sana mahalikan kita upang pasalamatan ang iyong ama.»

«At ang aking mga anak?»

«Sila ay mga anghel, Elias. Mga anghel na uulitin ang “Gloria” kapag kinoronahan na ang Tagapagligtas.

«Hari?»

«Hindi, Tagapagtubos. O! Anong prusisyon ng makatarungang mga tao at ng mga santo! At sa harapan ay nariyan ang maputi at mapulang mga palangka ng mga martir! Kapag kaagad mabuksan ang mga geyt ng Limbo, tataas tayong magkakasama sa eternal na Kaharian. At pagkatapos kayo ay darating at matatagpuan ninyo ang inyong mga ama, mga ina at mga anak sa Panginoon! Maniwala sa Akin.»

«Oo, aking Panginoon.»

«Tawagin mo Ako: Guro. ⁵Dumidilim na, ang unang bituin ng gabi ay nagsisimula nang magningning. Bigkasin ang inyong panalangin bago ang hapunan.»

«Hindi ako. Sabihin Ninyo ito, pakiusap.»

«Kaluwalhatian sa Diyos sa kataastaasang Langit, at kapayapaan sa lupa sa mga tao ng mabuting kalooban na naging karapat-dapat na makita ang Liwanag at paglingkuran ito. Ang Tagapagligtas ay nasa pagitan nila. Ang Pastol ng maharlikang linya ay kasama ang Kanyang kawan. Ang Tala sa umaga ay tumaas na. Magbunyi, makatarungang mga tao! Magbunyi sa Panginoon. Siya na gumawa sa mga tarangkahan ng langit at kinalatan ito ng mga bituin, Na naglagay ng mga dagat sa nga hangganan ng lupa, Na lumikha sa mga hangin at hamog, at nagtalaga sa takbo ng mga panahon upang magbigay ng tinapay at alak sa Kanyang mga anak, nagpapadala na Siya sa inyo ngayon ng isang mas makalangit na pagkain: ang buháy na Tinapay na bumababa mula sa Langit, ang Alak ng eternal na Baging. Halikayo sa Akin, kayo na mga una Kong  mga tagasamba. Halikayo at tagpuin ang Eternal na Ama sa katotohanan, upang sundan Siya sa kabanalan at tanggapin ang Kanyang eternal na gantimpala.» binigkas ni Jesus ang panalangin, nakatayo, na ang Kanyang mga kamay nakaunat, habang ang mga disipulo at mga pastol ay mga nakaluhod.

Sila pagkatapos ay nag-aalay ng tinapay at ng bagong gatas, at sa dahilan na may tatlo lamang na mangkok, o walang-laman na mga buto, hindi ko alam kung alin, si Jesus ang unang kumain, kasama sina Simon at Judas. Pagkatapos si Juan, kung kanino binigay ni Jesus ang Kanyang tasa, kasama sina Levi at Jose. Si Elias ang huli.

Ang mga tupa ay hindi na nanginginain. Nag-ipun-ipon sila sa isang siksik na grupo, baka naghihintay upang madala sa kanilang mga kulungan. Sa halip, nakita ko ang tatlong pastol dinadala sila sa loob ng kakahuyan, sa ilalim ng isang pangkabukiran na silungan ginawa sa mga sanga at nasasaraduhan sa palibot ng mga lubid. Pagkatapos inabala nila ang kanilang mga sarili sa paghahanda ng mga dayaming mahihigaan para kina Jesus at sa Kanyang mga disipulo. Nagsindi sila ng mga apoy, baka upang mapanatiling malayo ang mababangis na hayop.

Sina Judas at Juan ay nahiga, at pagod katulad nila, kaagad silang nakatulog. Si Simon ay gustong masamahan si Jesus. Ngunit pagkatapos ng kaunting sandali, siya ay nakatulog na rin, nakaupo sa dayami nakasandal sa isang poste. ⁶Si Jesus ay nananatiling gising kasama ang mga pastol. At pinag-uusapan nila si Jose, si Maria, at ang pagtakas patungong Ehipto, at ang kanilang pagbabalik... at pagkatapos ng gayong mga katanungan tungkol sa mapagmahal na pagkakaibigan, nagtanong sila ng mas nobleng mga tanong: ano ang kanilang magagawa upang mapaglingkuran si Jesus? Papaano sila, mahihirap na magagaspang na pastol, makagagawa ng kahit ano?

At sila ay tinuturuan ni Jesus at nagpapaliwanag: «Ngayon Ako ay pupunta sa Judaea. Ang Aking mga disipulo ay laging makikipag-ugnayan sa inyong lahat. Pagkatapos gagawin Ko kayong sumama. Pansamantala, magsama-sama, tiyakin na kayong lahat ay nagkakaugnayan, at na ang lahat ay alam na Ako ay naririto, sa mundong ito, bilang Guro at Tagapagligtas. Gawing malaman ng lahat, hangga't sa magagawa ninyo. Hindi Ako nangangako na kayo ay paniniwalaan. Ako ay pinagtawanan at binugbog. Gagawin din nila iyan sa inyo. Ngunit sa dahilan na kayo ay naging malakas at makatarungan sa inyong matagal na paghihintay, magpursige sa pagiging ganyan, ngayon na kayo ay sa Akin na. Bukas, tayo ay pupunta sa Juttah. Pagkatapos sa Hebron. Makakasama ba kayo?»

«Siyempre, makakasama kami. Ang mga daan ay para sa lahat at ang mga pastulan ay sa Diyos. Tanging ang Bethlehem lamang ang ipinagbabawal sa pamamagitan ng di-makatarungan na poot. Ang ibang mga nayon ay alam... ngunit tinutuya nila kami, tinatawag kaming “mga lasinggo”. Kung gayon wala kaming masyadong magagawa rito.»

«Gagamitin Ko kayo sa ibang mga lugar. Hindi Ko kayo iaabandona.»

«Sa loob ng aming mga pamumuhay?»

«Sa loob ng Aking pamumuhay.»

«Hindi, Guro. Mamamatay muna ako. Ako ay matanda na.»

«Sa palagay mo ba? Hindi sa isip Ko. Isa sa mga unang mukhang Aking nakita, Elias, ay ang iyong mukha. Iyan din ang magiging isa sa mga huli. Dadalhin Ko, nakatatak sa Aking mga mata, ang imahe ng iyong mukha na nasira ng kapighatian para sa Aking kamatayan. Ngunit pagkatapos, pagyayamanin mo sa iyong puso ang alaala ng lugod ng isang matagumpay na umaga, at ganyan maghihintay ka ng kamatayan... Kamatayan: ang magpasawalanghanggan pakikipagkita kay Jesus, Na iyong sinamba noong Siya ay isang sanggol. Ang mga anghel din pagdating ng araw na iyan ay aawitin ang Gloria: “para sa tao ng mabuting kalooban”.»

Wala na akong napapakinggan pa, ang matamis na bisyon ay naglalaho at nagtatapos.

(389)230810/041313

Sunod na kabanata.