77. Si Jesus sa Hebron. Ang Bahay ni Zachariah. Si Aglae.

Enero 13, 1945.

¹«Anong oras tayo darating?» tanong ni Jesus Na naglalakad sa gitna ng grupo sa likuran ng mga tupa, nanginginain sa damuhan ng mga pampang.

«Sa mga ikatlong oras. Ito ay halos sampung milya» tugon ni Elias.

«Tayo ay pupunta sa Kerioth pagkatapos?» tanong ni Judas.

«Oo, pupunta tayo roon.»

«Hindi ba't mas madali na pumunta sa Kerioth mula sa Juttah? Ito ay hindi maaaring napakahabang distansiya. Tama ba iyon, pastol?»

«Mas mahabang mga dalawang milya, humigit-kumulang.»

«Sa daan na ito, maglalakad tayo nang mahigit sa dalawampu para sa wala.»

«Judas, bakit ka masyadong nag-aalala?»

«Hindi ako nag-aalala, Guro. Ngunit nangako Kayong pupunta sa aking bahay.»

«At pupunta Ako, Lagi Kong tinutupad ang Aking mga pangako.»

«Nagpahatid ako ng salita sa aking ina… at matapos man ang lahat, sinabi Ninyo ito Mismo, ang isa ay malalapit din sa patay sa pamamagitan ng kaluluwa ng isa.»

«Sinabi Ko. Ngunit isipin lamang, Judas: hindi ka pa naghirap dahil sa Akin. Ang mga taong ito ay matagal nang naghihirap sa loob ng tatlumpung taon, at hindi sila kailanman nagtaksil, ni ang Aking alaala ay hindi nila pinagtaksilan. Hindi nila nalalaman kung Ako ay patay o buhay… gayunman nanatili silang matapat. Naalaala nila Ako bilang isang bagong-panganak na sanggol, isang sanggol na wala bagkus mga luha at ang pangangailangan ng gatas… at lagi nila Akong sinasamba bilang Diyos.  Dahil sa Akin sila ay pinahirapan, isinumpa at inuusig na tila sila ay ang kahihiyan ng Judaea, gayunman ang kanilang pananampalataya ay hindi nagbago, ni hindi ito naglaho sa ilalim ng mga dagok, sa kabaligtaran ito ay nagkaugat nang malalim at naging mas malakas.»

²«Siya nga pala. Mga ilang araw na akong nananabik na itanong sa Inyo ang isang katanungan. Ang mga taong ito ay Inyong mga kaibigan at mga kaibigan ng Diyos, hindi ba? Ang mga anghel ay pinagpalà sila sa pamamagitan ng kapayapaan ng Langit, hindi ba? Sila ay naging mga matatapat laban sa lahat na mga panunukso, hindi ba? Maaari ba Ninyong ipaliwanag sa akin, kung gayon, bakit sila di-masaya? At ang kay Anna? Siya ay pinatay dahil minamahal niya Kayo…»

«Iyo bang pinakakahulugan kung gayon na ang mahalin Ko at ang mahalin Ako ay nagdadala ng kamalasan?»

«Hindi… ngunit…»

 «Ngunit iyan ang ibig mong sabihin. Nalulungkot Akong nakikita kang napakalapit mo sa Liwanag ngunit bukás-na-bukás ka sa pagkataong mga bagay. Hindi, hindi na bale Juan, at ikaw din, Simon. Mas gusto Ko siyang magsalita. Hindi Ako kailanman nanunumbat. Ibig Ko lamang na ibukas ninyo ang inyong mga kaluluwa sa Akin upang mapaliwanagan Ko sana ito. Halika rito, Judas, makinig. Ibinabasi mo ang iyong sarili sa isang opinyon na karaniwan sa maraming tao ng ating mga panahon at magiging karaniwan sa marami sa hinaharap. Sinabi Ko: isang opinyon. Kailangan sinabi Ko: isang pagkakamali. Ngunit sa dahilan na hindi mo iyan ginagawa dala ng malisya, bagkus dala ng kamangmangan tungkol sa katotohanan, iyan ay hindi isang pagkakamali, iyan ay isa lamang di-tamang opinyon katulad ng sa isang bata. At kayo ay katulad ng mga bata, Aking kaawa-awang mga tao. At ako ay naririto, bilang isang Guro, upang magawa kayong mga adulto, na may kakayahan na makapagsabi ng kung ano ang katotohanan kompara sa huwad, ang kung ano mabuti kompara sa masama at kung ano ang mas mabuti kaysa sa kung ano ang mabuti. Makinig sa Akin, kung gayon.

Ano ang buhay? Ito ay isang panahon ng pagtigil nang sandali, sasabihin Ko na limbo ng Limbo, na ipinagkaloob sa inyo ng Diyos Ama bilang isang pagsubok upang malaman kung kayo ay mabubuti o masasamang anak, pagkatapos nito kung saan Siya ay magbibigay, ayon sa inyong mga ginawa, ng isang hinaharap na búhay na walang mga sandaling-pagtigil o mga pagsubok. Ngayon sabihin sa Akin: hindi ba't di magiging makatarungan kung ang isang tao, sa simpleng dahilan na siya ay pinagkalooban ng pambihirang regalo ng pagiging nasa pusisyon na makapaglingkod sa Diyos sa isang espesyal na pamamaraan, ay magkaroon din ng walang-katapusang kayamanan sa buong buhay niya? Hindi ba't sa palagay mo napagbigyan na siya nang malaki at kung gayon matitingnan niya ang kanyang sarili na masaya, kahit na kung ang mga pagkataong bagay ay laban sa kanya? Hindi ba't di magiging makatarungan kung siya, na may liwanag na ng dibinong pagbubunyag sa loob ng kanyang puso at ngiti ng isang malinis na konsiyensya, ay magkakaroon din ng mga pangmundong mga parangal at kayamanan? At ito ba ay hindi rin magiging kawalang-karunungan?»

«Guro, sasabihin ko rin na siya ay magiging isang tagapaglapastangan. Bakit ilagay ang pantaong mga kaluguran kung saan naroroon na Kayo? Kung ang isa ay nasa kanya na Kayo – at sila ay nasa kanila na Kayo – sila lamang ang tanging mayayamang tao sa Israel sapagkat nasa kanila Kayo sa loob ng tatlumpung taon – ang isa ay hindi na kailangan na magkaroon pa ng iba. Hindi natin inilalagay ang mga pantaong bagay sa Propitiatory… at ang konsagradong plorera ay ginagamit lamang para sa sagradong mga paggamit. At ang mga taong ito ay konsagrado mula pa noong araw na nakita nila ang Inyong ngiti… at walang iba bagkus Kayo ang kailangan na makapasok sa kanilang mga puso, na nagtataglay sa Inyo.  Sana ako ay katulad nila!» sabi ni Simon.

«Ngunit hindi ka nag-aksaya ng panahon, pagkatapos na makita mo ang Guro at gumaling ka, kaagad kang bumalik sa iyong ari-arian» si Judas ay tumugon nang may panunuya.

«Iyan ay totoo. Sinabi ko gagawin ko at ginawa ko. Ngunit alam mo ba kung bakit? Papaano ka makapanghuhusga kung hindi mo nalalaman ang buong sitwasyon? Ang aking tagapangatawan ay binigyan ng eksaktong mga tagubilin. Ngayon na si Simon Zealot ay napagaling na – at ang kanyang mga kaaway ay hindi na siya ulit masasaktan, ni hindi na nila siya mauusig sapagkat siya ay kay Jesus na lamang at hindi sa kung kaninong sekta: si Jesus lamang ang mayroon siya at wala nang iba pa – mapakawawalan na ni Simon ang kanyang kayamanan na inalagaan ng isang makatotohanan at matapat na lingkod para sa kanya. At ako, bilang ang may-ari para sa maikli pang panahon, ay nagbigay ng mga tagubilin na ang ari-arian ay kilalanin, upang makakuha ako ng mas malaking pera sa pagbebenta nito at magawa kong masabi… hindi, hindi ko sasabihin ang kung ano.»

«Ang mga anghel ay nagsasabi, Simon at isinusulat nila ito sa eternal na mga aklat» sabi ni Jesus.

Si Simon ay tinitingnan si Jesus. Ang kanilang mga mata ay nagkatagpo: ang kay Simon ay nagpapakita ng pagkasorpresa, ang kay Jesus nagpapalang pagsang-ayon.

«Katulad ng dati. Ako ay mali.»

«Hindi, Judas. Ikaw ay may praktikal na pag-unawa, sinabi mo ito mismo.»

«O! ngunit kung kasama si Jesus!... Si Simon Pedro din ay puno ng praktikal na pag-unawa, ngayon sa halip!... Ikaw, din, Judas, ay magiging katulad niya. Nakasama mo pa lamang naman ang Guro nang maikling panahon, kami ay mas matagal nang kasama Niya, at kami ay mas mabuti-buti na» sabi ni Juan na laging mabait at mapagkasunduin.

«Hindi Niya ako gusto. Kung hindi'y nasa Kanya na ako mula pa noong Paskuwa.» Si Judas ay totoong masama ang timpla ngayon.

Si Jesus ay tinapos ang pagtatalo sa pagtanong kay Levi: «Nakapunta ka na ba sa Galilee kahit kailan?»

«Oo, aking Panginoon.»

«Ikaw ay sasama sa Akin, upang dalhin Ako kay Jonah. Kilala mo siya?»

«Oo, kilala ko. Lagi kaming nagkikita sa Paskuwa. Madalas akong pumunta at makita siya pagkatapos.»

Si Jose, napapahiya, ay iniyuko ang kanyang ulo. Si Jesus ay napuna ito at nagsabi: «Hindi kayong dalawa makakasama. Si Elias ay maiiwan na mag-isa kasama ang mga tupa. Ngunit makakasama ka sa Akin hanggang sa layo ng daan ng Jericho, kung saan tayo maghihiwa-hiwalay para sa ilang mga araw. Sasabihin Ko sa inyo pagkatapos kung ano ang kailangan ninyong gawin.»

«Papaano kami? Wala ba kaming gagawin kahit ano?»

«Oo, Judas, may gagawin kayo, may gagawin.»

³«May ilan-ilan na mga bahay sa banda roon» sabi ni Juan, na naglalakad mga ilang hakbang sa harapan ng iba.

«Iyan ay Hebron. Sa pagitan ng dalawang ilog na may taluktok nito. Kita Ninyo, Guro? Ang bahay na iyon doon, sa gitna ng lahat na berde na iyon, mataas nang kaunti kaysa sa iba? Iyan ang bahay ni Zachariah.»

«Bilisan natin ang ating paghakbang.»

Tinahak nila ang huling layo ng daan nang napakabilis at pinasok ang nayon. Ang maliliit na kuko ng mga tupa ay tumutunog katulad ng mga kastanyas sa di-pantay na mga bato ng daan, na ginawang napakagaspang. Narating nila ang bahay. Ang mga tao ay tinitingnan ang grupo ng mga kalalakihan, na lubos na magkakaiba sa hitsura, sa edad at sa mga kasuutan sa pagitan ng puting mga tupa.

«O! Ito'y iba! Mayroong geyt dito!» sabi ni Elias. Ngayon sa lugar ng geyt ay may metal na pinto upang ang isa ay hindi makakita, at ang bakod ng bakuran ay mas mataas kaysa sa tao at kung gayon walang makikita sa loob.

«Baka sa likod ay bukas.» Sila ay umikot sa isang malaking kuwadrilateral na pader, ito ay kung baga mas mahabang rektanggulong bakod, ngunit ang pader ay pare-pareho ang taas sa paligid.

«Ang pader ay hindi pa nagtatagal na ginawa» wika ni Juan, iniiksamin ito. «Wala pa ni gasgas dito at may apog na eskombro pa sa lupa.»

«Ni hindi ko makita ang sepulkro… Ito ay malapit sa kakahuyan. Ngayon ang kakahuyan ay nasa labas ng pader at… at ito ay tila pag-aari ng lahat.  Sila ay nangunguha ng mga panggatong dito.» Si Elias ay nalilito.

Ang isang lalaki, isang matandang magtotroso, maliit ngunit malakas, na nagmamasid sa grupo, ay tumigil sa paglalagari sa isang katawan ng kahoy na kanyang naitumba, at lumakad papunta sa grupo. «Sino ang inyong hinahanap?»

«Ibig naming pumasok, upang magdasal sa libingan ni Zachariah.»

«Wala nang libingan. Hindi ba ninyo alam? Sino kayo?

«Ako ay kaibigan ni Samuel, ang pastol. Ito ay…»

«Hindi na kinakailangan, Elias» sabi ni Jesus at si Elias ay nanahimik.

«Ah! Si Samuel!... Alam ko na! Ngunit mula nang si Juan, ang anak ni Zachariah, ay ikinulong, ang bahay ay hindi na sa kanya. At ito ay isang kamalasan, sapagkat ibinigay niya ang lahat ng kita ng ari-arian sa mahihirap na tao sa Hebron. Isang umaga ang isang lalaki mula sa Korte ni Herodes ay dumating, pinalayas niya si Jowehel, naglagay ng selyo, pagkatapos bumalik siyang may kasama ng mga kantero at nagsimula silang pataasin ang pader… ang sepulkro ay nasa banda roon. Sa sulok. Hindi niya ito gusto… at isang umaga nakita namin itong nasayang at sira ang kalahati… ang kaawa-awang mga buto ay nakakalat lahat… pinagsama-sama namin itong muli, hangga't magagawa namin… Ito ay nasa loob na ngayon ng isang sarkopago… At sa loob ng bahay ng paring si Zachariah, ang maruming lalaking iyon ay doon nagtatago ng kanyang mga kulasisi. Ngayon diyan ay may isang mananayaw mula sa Roma.  Iyan kung bakit niya itinaas ang pader. Ayaw niyang makakita ang mga tao… Ang bahay ng pari ay isang bahay-aliwan! ⁴Ang bahay ng himala at ng Prekursor! Dahil iyon ay tiyak na siya, kung siya ay hindi ang Mesiyas. At gaanong problema ang nagkaroon kami dahil kay Juan Bautista! Ngunit siya ay ang aming dakilang tao! Siya ay totoong dakila! Kahit na noong siya ay ipinanganak ay may isang himala. Si Elizabeth ay kasing tanda ng isang tuyong matinik na halaman ngunit siya ay naging kasing mabunga katulad ng isang mansanas sa buwan ng Adar, at iyon ang unang himala. Pagkatapos ang isang pinsan niya ay dumating at Siya ay isang banal na babae, at Kanya siyang pinagsilbihan at pinakawalan ang dila ng pari. Ang Kanyang pangalan ay Maria. Naaalaala ko Siya, bagaman bihira namin Siyang makita. Kung papaano ito nangyari hindi ko alam. Sinasabi nila na upang mapasaya si Elizabeth ginawa Niya si Zachariah na idikit ang kanyang bunganga sa Kanyang tiyan o na inilagay Niya ang Kanyang mga daliri sa kanyang bunganga. Hindi ko alam. Ito ay isang nangyari, na pagkatapos ng siyam na buwan ng katahimikan, si Zachariah ay nagsalita pinupuri ang Panginoon at nagsasabi na mayroong isang Mesiyas. Hindi na siya nagpaliwanag pa. Ngunit ang aking asawa ay naroroon nang araw na iyon at tiniyak niya sa akin na si Zachariah, pinupuri ang Panginoon, ay sinabi na ang kanyang anak ay  pangungunahan Siya. Ngayon sasabihin ko: hindi iyan ang pinaniniwalaan ng mga tao. Si Juan ay ang Mesiyas at siya ay pupunta sa harapan ng Panginoon, katulad na si Abraham ay pumunta sa harapan ng Diyos. Iyan ‘yan. Hindi ba't tama ako?»

«Tama ka tungkol sa espiritu ni Juan Bautista, na laging nauuna sa harapan ng Diyos. Ngunit mali ka tungkol sa Mesiyas».

«Bueno, ang babae na nagsabi na Siya ay ang Ina ng Anak ng Diyos – sinabi ito ni Samuel – hindi ba't totoo na Siya nga? Siya ba ay buhay pa?»

«Oo, Siya nga. Ang Mesiyas ay ipinanganak, pinangunahan niya na magtaas ng kanyang tinig sa disyerto, katulad ng sinabi ng Propeta.»

«Kayo ang una na nagsabi nang ganyan. Si Juan, sa huling pagdala ni Jowehel sa kanya ng isang balat ng tupa, na lagi niyang ginagawa taun-taon sa pagsimula ng taglamig, bagama’t siya ay tinanong tungkol sa Mesiyas, ay hindi nagsabi: “Ang Mesiyas ay naririto”. Kapag sasabihin niya ang ganyan…»

«Mamâ, ako ay isang disipulo ni Juan at napakinggan ko siya na nagsabi: “Naririto ang Kordero ng Diyos” itinuturo si…»

«Hindi, hindi. Siya ang Kordero. Isang tunay na Kordero na lumaking sarili niya mismo, wala halos ng pangangailangan ng isang ama at ina. Kaagad nang siya ay naging isang anak ng Batas, siya ay nanirahan nang nag-iisa sa loob ng mga kuweba ng bundok natatanaw ang disyerto, at siya ay lumaki roon nakikipagusap sa Diyos. Sina Elizabeth at Zachariah ay namatay, at siya ay hindi pumunta. Ang Diyos lamang ang kanyang ama at ina. Walang banal na tao na mas dakila pa kaysa sa kanya. Maitatanong ninyo sa kahit sino sa Hebron. Si Samuel ay madalas sabihin ang ganyan, ngunit ang mga tao sa Bethlehem ay maaaring naging tama. Si Juan ay ang banal na tao ng Diyos.»

«Kung may isang magsabi sa iyo: “Ako ang Mesiyas”, ano ang sasabihin mo?» tanong ni Jesus.

«Tatawagin ko siya na isang “tagapaglapastangan” at palalayasin ko siya, binabato siya.»

«At kung siya ay gumawa ng isang himala upang mapatunayan na siya ay ang Mesiyas?»

«Sasabihin ko na siya ay “nakukuluban ng dimonyo”. Ang Mesiyas ay darating kapag ibinunyag ni Juan ang kanyang sarili sa kanyang tunay na kalikasan. Ang pinaka poot ni Herodes ay ang katibayan. Tuso na katulad niya, nalalaman niya na si Juan ay ang Mesiyas.»

«Siya ay hindi ipinanganak sa Bethlehem.»

«Ngunit kapag siya ay pinalaya, pagkatapos na ibalita niya mismo ang kanyang napipintong pagdating, ibubunyag niya ang kanyang sarili sa Bethlehem. Ang Bethlehem din ay naghihintay para diyan. Habang… o! Lakad, kung malaki ang lakas ng loob Ninyo, at magsalita sa mga Bethlehemita tungkol sa isa pang Mesiyas… at makikita ninyo…»

«Mayroon ba kayong isang sinagoga?»

«Mayroon, mga dalawang daang hakbang sa unahan. Hindi Kayo magkakamali. Malapit diyan ay naroroon ang sarkopago kasama ang nalapastangang mga labí.»

«Paalam, harinawang paliwanagan ka ng Diyos.»

Sila ay umalis. Sila ay umikot sa harapan ng bahay.

⁵Sa may pintuan ay may isang bata-pang babae may kabastusang nakabihis. Siya ay maganda. «Aking Panginoon, ibig ba Ninyong pumasok sa bahay? Pasok Kayo.»

Si Jesus ay tinititigan siya nang kasing higpit ng isang hukom, ngunit hindi nagsasalita.

Ngunit si Judas ay nagsasalita, sinusuportahan ng lahat na iba pa. «Bumalik ka sa loob, walang-hiyang babae! Huwag mo kaming lapastanganin sa pamamagitan ng iyong hininga, masibang puta.»

Ang babae ay namumula at itinutungo ang kanyang ulo. Siya ay aalis na sana hinihiya at nililibak ng mga pilyong bata at mga nagdaraan.

«Sino ang napakadalisay na makapagsasabi: “Hindi ko kailanman minithi ang mansanas na inialok ni Eba?» tanong ni Jesus nang mahigpit at idinagdag Niya: «Ipakita ninyo siya sa Akin at tatawagin Ko siyang isang banal na tao. Wala? Bueno, kung gayon, kung hindi dala ng pagkasuklam, bagkus dala ng kahinaan, hindi kayo makatagal na makalapit sa babaeng ito, makaaalis na kayo. Hindi Ko mapipilit ang mahihina sa di-patas na mga pakikipaglaban. Babae, ibig Kong pumasok. Ang bahay na ito ay pag-aari ng isang kamag-anak Ko at ito ay mahal sa Akin.»

«Pasok Kayo, aking Panginoon, kung hindi Ninyo ako pinandidirihan.»

«Iwanang nakabukas ang pinto, na ang mundo ay sana makakita at hindi magtsismis…»

Si Jesus ay pumasok nang seryoso at solemne. Ang babae, napatahimik, ay yumuko sa harapan Niya at hindi maglakas-loob na gumalaw. Ngunit ang mga pasaring ng mga tao ay nagawa siyang maging maramdamin. Tumakbo siyang umalis patungo sa dulo ng hardin, habang si Jesus ay pumupunta sa kasing layo ng paanan ng hagdanan. Siya ay tumitingin sa pamamagitan ng medyo nakabukas na mga pintuan ngunit hindi pumapasok. Siya pagkatapos ay pumunta sa lugar ng sepulkro, kung saan mayroon na ngayon ng isang klase ng maliit na templo ng pagano.

«Ang mga buto ng makatarungan, kung tuyo at nakakalat din, ay may lumalabas na nagpapadalisay na langis na pamahid at nagkakalat ng binhi ng eternal na buhay. Kapayapaan sa patay na nabuhay na gumagawa ng kabutihan! Kapayapaan sa dalisay na natutulog sa Panginoon! Kapayapaan sa naghihirap, ngunit walang nalalamang bisyo! Kapayapaan sa totoong mga dakila ng mundo at ng Langit! Kapayapaan!»

⁶Ang babae ay narating si Jesus, naglalakad sa gilid ng nakahilerang mga tanim na nagpoprotekta sa kanya.

«Aking Panginoon!»

«Babae.»

«Ang Inyong Pangalan, aking Panginoon.»

«Jesus.»

«Hindi ko kailanman napakinggan iyan. Ako ay isang Romano: isang aktres at mananayaw. Ako ay isang eksperto lamang sa kahalayan. Ano ang ibig sabihin ng Inyong pangalan? Ang aking pangalan ay Aglae at… at ang ibig-sabihin nito: bisyo.»

«Ang Akin ang ibig-sabihin: Tagapagligtas.»

«Papaano Kayo nanliligtas? At sino?»

«Ang mga nananabik na mailigtas. Nagliligtas Ako sa pamamagitan ng pagtuturo na maging dalisay, na mas gustuhin ang mga kapighatian kaysa mga parangal, ang mithiin ang mabuti anuman ang mangyari.» Si Jesus ay nagsasalita nang walang kapaitan, ni hindi man lamang hinaharap ang babae.

«Ako ay nawawala…»

«Ako ang Isa na naghahanap sa nawawala.»                 

«Ako ay patay.»                                                                  

«Ako ang Isa Na nagbibigay Buhay.»                                                   

«Ako ay dumi at kasinungalingan.»                                                       

«Ako ay Kadalisayan at Katotohanan.»                                                               

«Kayo ay Kagandahang-loob din, hindi Ninyo ako tinitingnan, hindi Ninyo ako hinihipo, hindi Ninyo ako tinatapakan. Maawa sa akin…»

«Una, kailangan na may awa ka muna sa iyong sarili. Sa iyong kaluluwa.»      

«Ano ang kaluluwa?»

«Iyan ay ang nagpapagawang isang diyos sa tao at hindi isang hayop. Ang bisyo at ang kasalanan ay pinapatay ito, at kapag ito ay napatay, ang tao ay nagiging isang kasuklam-suklam na hayop.»

«Posible ba para sa akin na makita ko Kayong muli?»

«Ang sinuman na naghahanap sa Akin, natatagpuan Ako.»

«Saan Kayo nakatira?»

«Kung saan ang mga puso ay naghahanap ng mga manggagamot at ng mga gamot upang maging mga matatapat muli.»

«Kung gayon… hindi ko na Kayo makikitang muli… Ako ay naninirahan kung saan walang manggagamot, gamot o katapatan na ginugusto.»

«Walang pumipigil sa iyo na makapunta kung saan Ako naroroon. Ang Aking pangalan ay isisigaw sa mga kalsada at mararating ka. Paalam.»

«Paalam, aking Panginoon. Pahintulutan Ninyo akong tawagin ko Kayong “Jesus”. O! hindi dahil sa pagkakakilala!... Bagkus na sana ang isang maliit na kaligtasan ay makapunta sa akin. Ako ay si Aglae, alalahanin ako.»

«Aalalahanin kita. Paalam.»

Ang babae ay nananatili sa dulo ng hardin, si Jesus ay lumalabas dito nang mahigpit. Tinitingnan Niya ang lahat. Nakakakita Siya ng kalituhan sa Kanyang mga disipulo at nakaririnig ng mga panunuya mula sa mga Hebronita. Ang isang katulong ay isinasara ang pinto.

⁷Si Jesus ay pumuntang tuluyan sa tabi ng kalsada. Siya ay kumatok sa sinagoga. Ang isang maramdaming matandang lalaki ang dumungaw sa labas. Ni hindi niya binigyan ng panahon si Jesus na makapagsalita. «Ipinagbabawal sa banal na lugar na ito ng sinagoga, ang mga nakikipagusap sa mga puta. Layas.»

Si Jesus ay umalis na hindi tumutugon at nagpatuloy sa paglalakad sa tabi ng kalsada. Ang Kanyang mga disipulo ay sinusundan Siya. Sila ay nagsimulang magsalita nang sila ay nasa labas na ng Hebron.

«Naghahanap Kayo ng problema, Guro» sabi ni Judas. «Isang puta, sa dami ng mga tao!»

«Judas, sasabihin Ko sa iyong totoo na siya ay lalampasan ka. At ngayon, sa dahilan na sinisisi mo Ako, ano ang masasabi mo tungkol sa mga Judaean? Sa pinakabanal na mga lugar sa Judaea tayo ay pinagtawanan at pinalayas… Iyan ang katotohanan. Ang araw ay darating kung kailan ang Samaria at ang mga Hentil ay sasambahin ang totoong Diyos, at ang sambayanan ng Panginoon ay marurumihan ng dugo at ng isang krimen… isang krimen na sa pagkumpara rito ang mga kasalanan ng mga puta na nagbibili ng kanilang mga katawan at kanilang mga kaluluwa, ay magiging napakaliit na bagay. Ako ay hindi nakapagdasal sa puntod ng Aking mga pinsan at ng makatarungan na si Samuel. Hindi na bale. Magpahinga, banal na mga buto, magbunyi, mga kaluluwa, na naninirahan sa mga ito. Ang unang resureksiyon ay malapit na. Pagkatapos ang araw ay darating kung kailan kayo ay ipakikita sa mga anghel bilang mga kaluluwa ng mga lingkod ng Panginoon.»

Si Jesus ay tumigil sa pagsasalita at ang bisyon ay nagtatapos.

(402)030810/041313

Sunod na kabanata.