78. Si Jesus sa Kerioth. Kamatayan ng Matandang Saul.

Enero 14, 1945.

¹Ako ay nasa pagkaintindi na ang pinaka matarik na bahagi, ibig-sabihin ang pinakamalapit na pagkakaumpugan ng mga bundok ng Judaea, ay nasa pagitan ng Hebron at Juttah. Ngunit maaari akong magkamali, at ang lambak na ito ay maaaring mas malawak, nagbubukas sa mas malawak na mga kagiliran, na may nangungulilang mga bundok dito at doon, hindi nagpoporma ng kahit anong tunay na kabit-kabit na mga bundok. Ito ay maaaring isang lambak sa pagitan ng dalawang kabit-kabit na mga bundok. Hindi ko alam. Ito ang una kong pagkakita nito, at ako ay nalilito. Ang mga bukid ay hindi napaka-lálakí, ngunit sila ay maayos na binubukid na may iba't ibang mga butil: karamihan sebada at senteno. Mayroon ding ilan na mga úbasán sa maaaraw na mga bahagi. Sa mas matataas pa, nakakakita ako ng ilang magagandang kakahuyan ng mga pine-tree at fir-tree at iba pang mga punungkahoy tipikal ng makakahoy na mga lugar. Ang isang maganda-ganda naman na daan ay nagdadala patungo sa isang maliit na nayon.

«Ito ang arabal ng Kerioth. Pakiusap na pumunta sa aking bahay sa bukid. Ang aking ina ay naghihintay para sa Inyo roon. Pupunta tayo sa Kerioth saka na» sabi ni Judas na wala sa kanyang sarili nang may pananabik.

Hindi ko nabanggit na tanging sina Judas, Simon at Juan lamang ang kasama ngayon ni Jesus. Ang mga pastol ay wala rito. Baka nanatili sila sa mga pastulan ng Hebron o sila ay bumalik patungong Bethlehem.

«Ayon sa ibig mo, Judas, ngunit makatitigil tayo kahit na rito upang tagpuin ang iyong ina.»

«O! Hindi! Ito ay isa lamang bahay sa bukid. Ang aking ina ay pumupunta rito sa anihan. Ngunit siya ay naninirahan sa Kerioth. At ayaw ba Ninyong makita Kayo ng mga taumbayan? Ayaw ba Ninyong dalhin ang Inyong liwanag sa kanila?»

«Tiyak na gusto Ko, Judas. Ngunit nalalaman mo na na walang anuman sa Akin ang kaabahan ng lugar na nagbibigay sa Akin ng pag-aruga.»

«Ngunit ngayon Kayo ay aking panauhin… at alam ni Judas kung papaano maging mapag-aruga.»

Sila ay naglakad pa nang kaunting yarda sa pagitan ng mga kabahayan nakakalat sa bukid, habang ang mga kalalakihan at kababaihan ay dumudungaw, tinawag ng mga bata. Halatang ang kanilang pag-uusyoso ay napukawan. Si Judas ay maaaring nagpahatid ng salita upang pasabihan sila.

«Naririto ang aking abang bahay. Patawarin ang karukhaan nito.»

Ngunit, matapos ang lahat, ang bahay ay hindi isang dampa: ito ay may isang malaki at maayos na naaalagaang iisang palapag lamang na bahay, sa gitna ng isang makapal ng namumulaklak na lootan.

«Maaari bang mauna na ako sa inyo, Guro?»

«Oo, lakad.»

Si Judas ay umuna.

«Guro, si Judas ay ginawa ang mga bagay-bagay sa dakilang estilo» sabi ni Simon. «Ako kung baga ay nagsospetsa na gagawin niya ang ganito. Ngunit ngayon nakatitiyak na ako. Guro, lagi Ninyong sinasabi espiritu, at tamang-tama ito, … Ngunit siya… siya ay hindi nakikita ang mga bagay-bagay na ganyan. Hindi niya Kayo kailanman maiintindihan… o baka sa kahuli-hulihan na lamang» dagdag niya upang hindi pamighatiin si Jesus.

Si Jesus ay nagbubuntung-hininga at tahimik.

²Si Judas ay lumabas kasama ang isang babae na mga limampung taong gulang. Siya kung baga ay matangkad, ngunit hindi kasing tangkad ng kanyang anak, na nakuha ang kanyang gayon ding madidilim na mata at kulot na buhok. Ngunit ang kanyang mga mata ay mabait at kung baga malungkot, samantalang ang kay Judas ay mapagmataas at tuso.

«Binabati ko Kayo, Hari ng Israel» sinasabi niya ipinagpapatirapa ang sarili sa tunay na pagbibigay-galang ng isang nasasakupan. «Pahintulutan ang Inyong lingkod na bigyan Kayo ng pag-aruga.»

«Kapayapaan sa inyo, babae. At sana mapasainyo ang Diyos at sa inyong anak.»

«O! oo! sa aking anak.» Ang tunog nito ay mas katulad ng isang buntung-hininga kaysa isang tugon.

«Tumayo kayo, ina. Ako ay may isang Ina rin, at hindi Ko kayo mapahihintulutan na halikan ninyo ang Aking mga paa. Hinahalikan Ko kayo, babae, sa ngalan ng Aking Ina. Siya ay inyong kapatid na babae… sa pagmamahal at sa masakit na kapalaran ng ina ng mga namarkahan.»

«Ano ang ibig Ninyong sabihin, Mesiyas?» tanong ni Judas medyo nag-aalala.

Ngunit si Jesus ay hindi tumutugon. Niyayakap Niya ang babae, na Kanyang may-kabaitan na itinaas mula sa sahig at ngayon Kanya nang hinahalikan sa mga pisngi. At, hinahawakan ang kanyang kamay, Siya ay naglalakad patungo sa bahay.

Sila ay pumasok sa isang malamig na silid, na napalililiman ng magagaan na rayado na mga kurtina. Ang malalamig na inumin at sariwang mga prutas ay nakahain na. Ngunit una sa lahat ang ina ni Judas ay tinawag ang isang katulong na babae na nagdala ng tubig at ang maybahay ay ibig na alisin ang mga sandalyas ni Jesus at hugasan ang Kanyang maalikabok na mga paa. Ngunit si Jesus ay tumutol. «Hindi, ina. Ang isang ina ay isang napakabanal na tao, lalo na kung siya ay matapat at mabait, katulad ninyo, upang pabayaan na kunin ang isang aktitud ng isang alipin…»

Ang ina ay tinitingnan si Judas… isang pambihirang tingin. Siya pagkatapos ay umalis. Si Jesus ay pinalamigan ang Sarili. Nang isusuot na Niya ang Kanyang mga sandalyas, ang babae ay bumalik dala ang isang bagong pares ng mga sandalyas. «Naririto, Mesiyas. Sa palagay ko nagawa ko ang tamang bagay… ayon sa gusto ni Judas… Sinabi niya sa akin: “Mas mahaba-haba nang kaunti ng akin, ngunit pareho ng lapad”.»

«Ngunit, bakit, Judas?»

«Hindi ba Ninyo ako papayagan na bigyan Kayo ng isang regalo? Hindi ba't Kayo ang aking Hari at aking Diyos?»

«Oo, Judas. Ngunit hindi kailangan na bigyan mo ng labis na problema ang iyong ina. Alam mo kung ano ang katulad Ko…»

«Alam ko. Kayo ay banal. Ngunit kailangan na lumabas Kayong isang banal na Hari. Ganyan kung papaano ipipilit ng isa ang kanyang sarili. Sa mundong ito, kung saan ang siyam sa sampu ay mga tangang tao, kailangan na ipilit natin ang ating sarili sa pamamagitan ng ating hitsura. Pagtiwalaan ako.»

Si Jesus ay itinali ang pulang balát ng bukás na mga istrap ng bagong mga sandalyas, na umaabot hanggang sa Kanyang mga buol. Malayong mas maganda ito kaysa sa lisong mga sandalyas ng isang manggagawa, at nakakamukha nito ang kay Judas, na nakakatulad ng sapatos na may mga butas naipakikita ang mga bahagi ng mga paa.

«Ang tunika rin, aking Hari. Inihanda ko iyan para kay Judas… Ngunit ginawa niya itong regalo para sa Inyo. Iyan ay isang linen na tunika: malamig at bago. Pahintulutan ang isang ina na isuot ito sa Inyo… na tila Kayo ay aking anak.»

Si Jesus ay tinitingnan si Judas muli… ngunit hindi nagsasalita. Kinakalag Niya ang tali ng Kanyang tunika, sa paligid ng Kanyang leeg, at hinayaang bumagsak ang Kanyang malapad na tunika sa sahig at kung gayon naiwanan lamang ng Kanyang maikling pang-ilalim na tunika. Ang babae ay isinusuot sa Kanya ang magandang bagong damit. Binibigyan niya Siya ng isang sinturon, na isang marangyang binurdahan na tirintas, mula kung saan ang isang tali ay nakabitin, may dekorasyon ng napakakapal na mga palawit. Maaaring nagiginhawahan si Jesus sa loob ng malamig na malinis na mga damit, ngunit tila hindi Siya napakasaya. Sa pansamantala ang iba Niyang kasama ay nalinisan na nila ang kanilang mga sarili.

«Halikayo, Guro. Ito ay nanggaling sa aking abang taniman. At ito ay may-pulot na tubig, inihanda ng aking ina. Baka, Simon, mas gugustuhin mo ang white wine na ito. Kumuha ng kaunti. Iyan ay ang alak ng aking úbasán. At papaano ka, Juan? Gusto mo ba ang kinuha ng Guro?» Si Judas ay labis na nasisiyahan sa pagbubuhos ng mga inumin sa magagandang platang mga kopa, sa gayon naipakikita ang kanyang kayamanan.

Ang kanyang ina ay hindi masyadong masálita. Siya ay nakatingin… nakatingin… kay Judas, at lalo na kay Jesus, at nang si Jesus, bago kumain, ay inalok siya ng pinakamagandang prutas (maaaring napakalaking mga apricot, ito ay mga dilaw na pulang mga prutas, tiyak na hindi mga mansanas) sinabi Niya sa kanya: «Una sa lahat sa ina, lagi», ang kanyang mga mata ay bumukal ng mga luha.

«Inay, ang iba ba ay handa na?» tanong ni Judas.

«Oo, anak. Sa palagay ko nagawa ko ang lahat nang maayos. Ngunit ako ay pinalaki rito at lagi akong nanirahan dito at hindi ko alam… hindi ko alam ang mga kinaugalian ng mga hari.»

«Anong mga kaugalian, babae? Aling mga hari? Ano ang ginawa mo, Judas?»

«Hindi ba Kayo ang ipinangakong Hari ng Israel? Panahon na na ang mundo ay saluduhan Kayo bilang ganyan, at iyan ay kailangan na mangyari para sa unang pagkakataon dito, sa aking bayan, sa loob ng aking bahay. Pinagpipitaganan ko Kayo bilang ganyan. Alang-alang sa Inyo, at para sa respeto na karapat-dapat sa Inyong mga pangalan na Mesiyas, Kristo, Hari, na ibinigay sa Inyo ng mga Propeta sa pamamagitan ng utos ni Yahweh, huwag Ninyo akong pasinungalingan.»

³«Babae, mga kaibigan, pakiusap. Kailangan Kong magsalita kay Judas. Mayroon Akong eksaktong mga tagubilin na ibibigay sa kanya.»

Ang ina at ang mga disipulo ay umalis.

«Judas: ano ang ginawa mo? Kakaunti pa lamang ba ang iyong naiintindihan tungkol sa Akin magpahanggang ngayon? Bakit ibaba Ako hanggang sa gawin Akong isang malakas na tao lamang ng mundo, hindi lamang ‘yan, bagkus: isang tao na nang-iintriga na maging malakas? At hindi mo ba naiintindihan na iyan ay isang pananakit, hindi, bagkus, isang balakid sa Aking misyon? Oo. Huwag itong tanggihan. Ito ay isang balakid. Ang Israel ay naiilaliman ng Roma. Nalalaman mo kung ano ang nangyari noong sila ay nagtaas ng laban sa Roma ng kung sino na tila isang namumuno ng isang grupo at nagising ang suspetsa ng paggawa ng insureksiyon. Kamakailang araw pa lamang napakinggan mo kung gaano sila naging walang-awa laban sa isang Sanggol sapagkat natatakot sila na Siya ay baka maging isang hari ayon sa mundo. Subalit ikaw!...

O! Judas! Ano ang inaasahan mo mula sa paghahari ng laman? Ano ang inaasahan mo? Binigyan kita ng panahon na makapag-isip at makapagpasya. Nagsalita Ako sa iyo nang napakalinaw mula sa pinaka simula. Pinaalis din kita sapagkat nalalaman Ko… sapagkat nalalaman Ko, nababasa at nakikita Ko kung ano ang nasa loob mo. Bakit gusto mo Akong sundan, kung ayaw mo na maging ayon sa gusto Ko sa iyo? Umalis ka, Judas. Huwag mong saktan ang iyong sarili at huwag mo Akong saktan… Umalis ka. Iyan ay mas mabuti para sa iyo. Hindi ka isang nababagay na manggagawa para sa gawaing ito. Ito magpahanggang ngayon ay labis na napakataas para sa iyo. Sa loob mo ay nariyan ang pagmamalaki, nariyan ang kasakiman at ang lahat na tatlong mga sanga nito, nariyan ang arogansiya… kahit na ang iyong ina ay maaaring natatakot sa iyo… ikaw ay nakakiling sa pagsisinungaling… Hindi, ang Aking tagasunod ay hindi kailangan na katulad niyan. Judas, hindi kita kinapopootan, hindi kita sinusumpa. Sinasabi Ko lamang sa iyo, at sinasabi Ko ito na may kapighatian ng isa na nakaaalam na hindi niya mababago ang tao na kanyang minamahal, sinasabi Ko lamang sa iyo: magpatuloy ka sa iyong sariling daan, magpatuloy ka sa iyong daan sa mundo, sa dahilan na iyan ang gusto mo, ngunit huwag kang manatiling kasama Ko.

Ang Aking buhay!... Ang Aking maharlikang palasyo! Gaano kaliit at kaaba ito! Nalalaman mo ba kung saan Ako magiging isang Hari? Kung kailan Ako ipuproklamang Hari? Kung kailan Ako itataas, sa ibabaw ng isang kinatatakutang piraso ng kahoy at ang Aking sariling dugo ay ang Aking magiging purpura, at ang Aking korona ay ang isang girnalda ng mga tinik at ang Aking sagisag isang nangungutyang paskil at ang mga panunumpa ng lahat na mga tao, ng Aking sambayanan, ay ang magiging mga trumpeta, mga tamburin, mga organo, mga cittern sinasaluduhan ang proklamasyon ng Hari. At nalalaman mo ba kung kaninong gawa ang lahat na ito mangyayari? Sa pamamagitan ng gawa ng isa na hindi sa Akin nakaintindi. Ang isa na walang naiintindihan. Ang isa, na ang kaninong puso ay isang hungkag na kapirasong tanso, na ang pagmamalaki, kahalayan at kasakiman nito ay pupunuin ito ng katatawanan ng mga ito, na magpapalabas ng nakaikot na mga ahas na siyang gagamitin upang maigapos Ako at… at maisumpa siya. Ang iba ay hindi masyadong nag-aalam ng tungkol sa Aking patutunguhan. Pakiusap na huwag silang sabihan. Gawin natin itong atin-atin lamang. Maging ano pa man, ito ay isang pangaral… at ikaw ay mananahimik upang maiwasan na masabi mo: “Ako ay pinagsabihan”… Malinaw ba ito, Judas?»

⁴Si Judas ay labis na namula, na siya ay nagmumukhang purpura. Siya ay nakatayo sa harapan ni Jesus, napahiya, ang kanyang ulo nakatungo.. Siya ay lumuhod at umiyak ang kanyang ulo nasa mga tuhod ni Jesus: «Minamahal ko Kayo, Guro. Huwag Ninyo akong tanggihan. Oo, ako ay mapagmalaki at tanga, ngunit huwag Ninyo akong paalisin. Huwag, Guro. Hindi ko na ito ulit gagawin. Tama Kayo. Ako ay hindi nag-iisip. Ngunit may kaunting pagmamahal sa aking pagkakamali. Ibig ko Kayong parangalan… at ibig ko rin na ang iba ay parangalan Kayo… sapagkat minamahal ko Kayo. Sinabi Ninyo ang ganito tatlong araw na ang nakararaan: “Kapag nakagagawa ka ng pagkakamali nang walang malisya, dala ng kamangmangan, iyan ay hindi isang pagkakamali, bagkus isang di-perpektong paghusga: katulad ng pagkakamali ng mga bata, at naririto Ako upang gawin kayong mga adulto”. Naririto ako, dito sa Inyong mga tuhod na tila ang mga ito ay mga tuhod ng aking ama, at hinihingi ko sa Inyo na ako ay patawarin, at gawin akong isang “adulto”, isang banal na adulto… Huwag Ninyo akong paalisin, Jesus, Jesus, Jesus… Hindi lahat sa akin ay masama. Nalalaman Ninyo: iniwan ko ang lahat para sa inyo at ako ay sumama. Kayo ay mahigit pang labis kaysa sa mga parangal at mga tagumpay na nakuha ko sa paglilingkod sa ibang mga tao. Kayo nga ay totoong ang pagmamahal ng abang di-masayang si Judas na ibig Kayong bigyan ng bagkus kaluguran lamang, ngunit sa halip ako ang naging dahilan ng kirot para sa Inyo…»

«Iyan ay walang anuman, Judas. Pinatatawad kita muli…» Si Jesus ay nagmumukhang pagod… «Pinatatawad kita, umaasa… umaasa na sa hinaharap maiintindihan mo Ako.»

«Oo, Guro. Ngunit, ngayon, huwag Ninyo akong pasinungalingan kung hindi'y pagtatawanan nila ako. Ang lahat sa Kerioth ay nalalaman na ako ay darating kasama ang Inapu ni David, ang Hari ng Israel… at ang bayan ay gumawa ng mga paghahanda upang salubungin Kayo… Akala ko ginagawa ko ang isang mabuting bagay… pinakikita sa Inyo kung ano ang dapat gawin ng isa upang igalang at sundin… at ibig ko rin ipakita kina Juan at Simon, at sa pamamagitan nila, sa lahat pang iba na nagmamahal sa Inyo ngunit tinatrato Kayong kanilang kapareho… ang akin ding ina ay pagtatawanan, bilang ang ina ng isang baliw na sinungaling. Alang-alang sa kanya, aking Panginoon… At isinusumpa ko iyan!...»

«Huwag kang manumpa sa Akin. Manumpa ka sa iyong sarili, kung magagawa mo, na hindi mo na ulit gagawin ang ganyang kasalanan. ⁵Alang-alang sa iyong ina at sa iyong kapwa mga kababayan hindi kita hihiyain sa pamamagitan ng pag-alis nang hindi tumitigil dito. Tumayo ka.»

«Ano ang Inyong sasabihin sa iba?»

«Ang katotohanan…»

«Hindi, huwag.»

«Ang katotohanan na binigyan kita ng mga tagubilin para sa araw na ito ngayon. Laging posible na sabihin ang katotohanan sa isang mapagkawanggawang pamamaraan. Tayo na. Tawagin ang iyong ina at ang iba pa.»

Si Jesus ay kung baga mahigpit. Siya ay ngumiti muli noong makita Niya si Judas na bumalik kasama ang kanyang ina at ang mga disipulo. Ang babae ay tinititigan si Jesus, ngunit nagkakumpiyansa siya nang kanyang makita ang mabait na disposisyon ni Jesus. May kutob akong malaki ang ipinaghihirap ng kanyang kalooban.

«Pupunta na ba tayo sa Kerioth? Ako ay nakapagpahinga na at ibig Ko kayong pasalamatan, ina, para sa lahat ng inyong kabaitan. Gantimpalaan sana kayo ng Langit at pagkalooban kayo ng kapahingahan at kapayapaan sa inyong yumaong asawa, para sa lahat ng inyong karidad para sa Akin.»

Ang babae ay nagsisikap na halikan ang Kanyang kamay, ngunit si Jesus ay hinaplos ang kanyang ulo at sa gayon napigilan siya na gawin iyon.

«Ang bagón ay handa na, Guro. Halikayo.»

Sa labas, sa katunayan, ang isang kariton na hila ng isang baka ay dumarating. Ito ay isang komportableng kariton, kung saan naglagay sila ng mga kutson bilang mga upuan at isang pulang trapal bilang takip.

«Sumakay Kayo, Guro.»

«Ang iyong ina muna.»

Ang babae ay sumakay at pagkatapos si Jesus at ang iba pa. «Maupo kayo rito, Guro. (Si Judas ay hindi na Siya tinatawag na hari). Si Jesus ay naupo sa harapan, at si Judas sa tabi Niya. Ang babae at ang mga disipulo sa likuran. Ang lalaki na nagpapatakbo sa kariton ay pinalalakad ang baka naglalakad sa tabi nila.

⁶Iyon ay isang maikling paglalakbay: mga apat na raang metro, baka mahigit nang kaunti. Ang unang mga kabahayan ng Kerioth ay makikita na at ito ay nagmumukhang isang disenteng maliit na bayan. Ang isang maliit na batang lalaki sa maaraw na daan ay nanonood at siya ay kaagad tumakbong paalis. Nang ang kariton ay narating ang unang mga bahay ang mga kinikilalang tao at ang sambayanan ay sinasalubong Siya; ang mga bahay ay may mga pasinaya ng mga kurtina at mga sanga ng punungkahoy. Ang mga tao ay nagsisigawan nang may lugod at yumuyuko nang malalim. Si Jesus, mula sa taas ng Kanyang umuugang trono, ay bagkus mababáti at mapagpapala sila.

Ang kariton ay nagpapatuloy at pagkatapos na matawid ang isang liwasan ito ay lumiko sa isang kalsada, kung saan ito ay tumigil sa harapan ng isang bahay na ang pinto nito ay maluwang na nakabukas na. Dalawa o tatlong babae ang nakatayo sa may pintuan. Sila ay tumigil at bumaba. «Ang aking bahay ay sa Inyo, Guro.»

«Kapayapaan diyan, Judas. Kapayapaan at kabanalan.»

Sila ay pumasok. Sa kabila ng isang bulwagan ay may isang malaking silid, na may mabababang supa at may mga may-dekorasyong  muwebles. Ang mga kinikilalang tao at iba pa ay pumasok kasama si Jesus. Maraming mga pagyuko at pag-usyoso: isang pagpapakitang kaluguran.

Ang isang kahanga-hangang maedad na lalaki ay gumagawa ng talumpati: «Isang malaking karangalan para sa lupain ng Kerioth na tanggapin Kayo, aking Panginoon. Isang malaking suwerte! Ito ay isang malaking suwerte na mapasaamin Kayo at ang makita na ang isang anak ng Kerioth ay Inyong kaibigan at katulong. Pagpalain nawa siya sapagkat natagpuan niya Kayo bago nagawa ito ng sino pa man! At pagpalain nawa Kayo nang sampung beses sapagkat ibinunyag Ninyo ang Inyong Sarili: Kayo ang Isang siyang hinihintay sa loob ng mga henerasyon at mga henerasyon. Magsalita, aking Panginoon at Hari. Ang aming mga puso ay nananabik na mapakinggan ang Inyong salita, katulad na ang lupa na natuyo ng maapoy na tag-init ay naghihintay sa unang magaang mga pag-ulan sa Setyembre.»

«Salamat sa inyo, maging sino pa man kayo. Salamat sa inyo. At salamat sa mga mamamayang ito na ang mga puso ay pinarangalan ang Salita ng Ama, at ang Ama na ang Kaninong Salita ay Ako. Sapagkat kailangan ninyong maintindihan na ang mga pasasalamat at karangalan ay nararapat hindi sa Anak ng tao, Na nagsasalita sa inyo, bagkus sa Kataastaasan, para sa panahon na ito ng kapayapaan kung saan itinatatag Niyang muli ang nasirang paternidad sa mga anak ng tao. Ating purihin ang totoong Panginoon, ang Diyos ni Abraham, Na nagkaroon ng awa at nagmahal sa Kanyang sambayanan at nagkaloob sa kanila ng ipinangakong Tagapagtubos. Kaluwalhatian at papuri hindi kay Jesus, ang lingkod ng Eternal na Kalooban, bagkus sa nagmamahal na Kalooban.»

«Ang Inyong mga salita ay mga salita ng isang banal na tao: ako ay ang hepe ng sinagoga. Ang araw ngayon ay hindi isang Sabbath. Ngunit pumunta Kayo sa aking bahay, upang ipaliwanag ang Batas, sa dahilan na Kayo ay pinahiran ng Karunungan, kaysa ng maharlikang langis.

«Ako ay pupunta.»

«Baka ang aking Panginoon ay pagod…»

«Hindi, Judas, Ako ay hindi kailanman napagod sa pagsasalita ng tungkol sa Diyos at hindi Ako kailanman nananabik na biguin ang mga puso ng mga tao.»

«Halikayo, kung gayon» ang hepe ng sinagoga ay namimilit. «Ang buong Kerioth ay naroroon naghihintay para sa Inyo.»

«Tayo na.»

Sila ay lumabas. Si Jesus ay nasa pagitan ni Judas at ng arsosinagoga, sa paligid nila ay naroon ang mga kinikilalang tao at ang mga pulutong. Si Jesus ay dumaraan sa gitna nila nagpapalà.

⁷Ang sinagoga ay nasa liwasan. Sila ay pumasok. Si Jesus ay pumunta sa atril. Siya ay nagsimulang magsalita, maningning sa Kanyang magandang mga kapa, ang Kanyang mukha inspirado, ang Kanyang mga kamay nakaunat sa Kanyang karaniwang tayo.

«Sambayanan ng Kerioth, ang Salita ng Diyos ay nagsasalita sa inyo. Makinig. Siya Na nagsasalita sa inyo ay bagkus ang Salita ng Diyos. Ang Kanyang paghahari ay nanggagaling sa Ama at babalik sa Ama pagkatapos na ma-ebanghelyuhan ang Israel. Harinawang ang inyong mga puso at mga isipan ay mabuksan sa katotohanan, upang mapalaya sana kayo sa mga pagkakamali at kalituhan.

Sinabi ni Isaiah: “Para sa lahat na mga gamit ng digmaan, ang bawat balabal na natigmak sa dugo, ay sinusunog at tinutupok sa apoy. Dahil may isang Batang pinanganak sa atin, isang Anak na binigay sa atin, at ang paghahari ay ipinataw sa Kanyang mga balikat; at ito ang pangalang binigay nila sa Kanya: Kababalaghang-Tagapagpayo, Makapangyarihang-Diyos, Eternal na Ama, Prinsipe ng Kapayapaan”. Iyan ang Aking Pangalan. Iniiwan natin kay Caesar at sa mga Tetrarka ang kanilang mga biktima. Gagawa Ako ng isang panloloob. Ngunit hindi isang panloloob na karapat-dapat na maparusahan ng apoy. Sa kabaligtaran aagawin Ko mula sa apoy ni Satanas ang marami sa kanyang mga biktima at dadalhin Ko sila sa Kaharian ng kapayapaan, na Ako ang Prinsipe doon, at sa hinaharap na siglo: sa eternal na panahon na Ako ang Ama nito.

Ang “Diyos”, sabi ni David, mula kung kanino Ako bumaba, katulad ng prenopesiya ng mga nakakita sa hinaharap dahil sa kanilang kabanalan na kaaya-aya sa Diyos, na sila ay pinili Niya bilang Kanyang mga mensahero, ang “Diyos ay pumili ng isa lamang... aking anak... ngunit ang gawain ay malaki: ang palasyong ito ay hindi para sa tao bagkus para sa Diyos”. Ito ay ganito. Ang Diyos, ang Hari ng mga hari, ay pumili ng isang tao lamang: ang Kanyang Anak, upang itayo ang Kanyang bahay sa mga puso ng mga tao. At naihanda na Niya ang mga materyales. O! Gaanong ginto ng karidad! At tanso, plata, bakal, pambihirang kahoy at mamahaling mga bato! Lahat sila ay inipon sa kanyang Salita Na ginagamit ang mga ito upang itayo ang tirahan ng Diyos sa inyo. Ngunit kung ang tao ay hindi tutulungan ang Panginoon, ang Panginoon ay nagtatayo ng Kanyang tirahan nang walang kabuluhan. Ang isa ay kailangan na tumugon sa ginto ng ginto, sa plata ng plata, sa tanso ng tanso, sa bakal ng bakal. Ibig sabihin, ang pagmamahal ay kailangan na ibigay para sa pagmamahal, pagpipigil upang mapagsilbihan ang Kadalisayan, pagpupursige upang maging tapat, lakas upang maging matatag. At ang isa ay kailangan na magdala ng mga bato ngayon, kahoy bukas: isang sakripisyo ngayon, isang gawain bukas at kung gayon magtayo. Kailangan na lagi ninyong itinatayo ang Templo ng Diyos sa loob ng inyong mga puso.

Ang Guro, ang Mesiyas, ang Hari ng magpasawalanghanggang Israel at ng eternal na sambayanan ng Diyos, ay tinatawagan kayo. Ngunit ibig Niyang kayo ay maging puro para sa gawain. Iwaksi ang pagmamalaki: ang kapurihan ay natatangi sa Diyos. Iwaksi ang mga kaisipang pantao: ang Kaharian ay pag-aari ng Diyos. Maging mapagpakumbaba at sabihing kasama Ko: “Ang lahat na mga bagay ay sa Inyo, Ama. Ang lahat na mabuti ay sa Iyo. Turuan kami kung papaano makilala Kayo at paglingkuran Kayo sa katotohanan”. Sabihin: “Sino ako?” at kilalanin na kayo ay magiging may kahalagahan lamang kung kayo ay maging mga napadalisay na mga tirahan kung saan ang Diyos ay baka bumaba at magpahinga. Kayong lahat ay mga peregrino at mga estranghero sa mundong ito, matutong magkasama-sama at magpatuloy patungo sa ipinangakong Kaharian. Ang daan: ang mga kautusan na tinupad hindi dahil sa takot ng isang kaparusahan, bagkus dala ng pagmamahal para sa Inyo, banal na Ama. Ang Kaban: isang perpektong puso kung saan nakatago ang nagbibigay sustansiya na manna ng karunungan at ang sanga ng isang dalisay na kalooban ay tiyak na mamumulaklak. At pumunta sa Liwanag ng mundo, na sana ang inyong mga bahay ay maging maningning sa ilaw. Dinadala Ko sa inyo ang Liwanag. Walang iba pa. Ako ay walang mga kayamanan at hindi Ako nangangako ng makamundong mga parangal ngunit nasa Akin lahat ang sobrenatural ng kayamanan ng Aking Ama at pinapangako Ko ang eternal na karangalan ng Langit sa mga susunod sa Diyos nang may pagmamahal at karidad.

Kapayapaan sa inyo.»

⁸Ang mga taong nakinig nang maasikaso ay nagsimulang magbulung-bulungan nang medyo nababalisa. Si Jesus ay nakikipagusap sa namumuno ng sinagoga. Ang ibang mga tao, baka ang mga kilalang-kilala, ay sumali sa grupo.

«Guro, ngunit hindi ba’t Kayo ang Hari ng Israel? Kami ay nasabihan...»

«Ako nga.»

«Ngunit sinabi Ninyo...»

«Na hindi Ako nag-aari o nangangako ng makamundong kayamanan. Makapagsasalita lamang Ako ng bagkus katotohanan. Oo, ganyan iyan. Alam Ko kung ano ang iniisip ninyo. Ngunit ang pagkakamali ay dahil sa di-tamang pag-interpreta at sa inyong malaking paggalang para sa Kataastaasan. Kayo ay sinabihan: “Ang Mesiyas ay darating” at akala ninyo, katulad ng marami sa Israel, na ang Mesiyas at ang hari ay pareho lang. Itaas ninyo nang mas mataas pa ang inyong mga isip. Tingnan ang magandang kalangitang ito ng tag-init. Sa palagay ba ninyo iyan ay nagtatapos diyan, kung saan ang ere ay tila isang sapirong tarangkahan? Hindi, ang pinaka-asul, ang pinaka asul na mga espera ay nasa kabila pa niyan, sa itaas pa hanggang sa Paraiso, na walang sinuman ang maka-iimahina, kung saan pasusunurin ng Mesiyas ang lahat na makatarungan na namatay sa Panginoon. Ganyan din ang pagkakaiba sa pagitan ng pagkahari ng Mesiyas, katulad ng naiintindihan ng mga tao, at sa Kanyang totoong Paghahari: na ganap na dibino.»

«Ngunit kami ba, mga kaawa-awang tao, ay maitataas namin ang aming mga isip nang ganyang kalayo?»

«Oo, kung gugustuhin lamang ninyo. At kung gugustuhin ninyo, tutulungan Ko kayo.»

«Papaano namin Kayo tatawagin, kung Kayo ay hindi isang hari?»

«Tawagin ninyo Akong Guro, o Jesus, ayon sa gusto ninyo. Ako ay isang Guro at Ako ay si Jesus, ang Tagapagligtas.»

⁹Isang matandang lalaki ang nagsabi: «Makinig, aking Panginoon. Mga ilang panahon na, isang matagal nang panahon, noong panahon ng edikto, napakinggan namin dito na ang Tagapagligtas ay pinanganak sa Bethlehem... at ako ay pumunta roon kasama ang iba pang mga tao... Nakita ko ang isang Sanggol, eksaktong katulad ng lahat ng bagong mga panganak na mga sanggol. Ngunit sinamba ko Siya nang may pananampalataya. Pagkatapos napakinggan ko na may isang banal na tao, na ang pangalan ay Juan. Alin ang tunay na Mesiyas?»

«Ang isang iyong sinamba. Ang isa ay ang Kanyang Prekursor: isang dakilang santo sa mga mata ng Kataastaasan. Ngunit hindi siya ang Mesiyas.»

«Kayo ba iyon?»

«Ako iyon. At ano ang nakita mo sa kapaligiran ng bagong-panganak na Bata?»

«Karukhaan at kalinisan, katapatan at kadalisayan... Isang mabait na masinsinan na karpintero, na ang pangalan ay Jose, isang karpintero ng Sambahayan ni David, isang bata-pang ina, maganda at mabait, na ang pangalan ay Maria, na sa harapan ng Kanyang kayumihan ang pinakamagandang mga rosas ng Engedi ay mamumutla at ang mga liryo ng maharlikang taniman ng mga bulaklak ay tila hindi maganda ang hitsura, at isang Sanggol na may malalaking asul na mata at malabnaw na gintong buhok... wala na akong nakitang iba pa... At napapakinggan ko pa ang tinig ng Ina nagsasabi sa akin: “Sa katauhan ng Aking Anak sinasabi Ko sa iyo: harinawang mapasaiyo ang Panginoon hanggang sa eternal na pagkikita at harinawang ang Kanyang Grasya ay mapapunta sa iyong daan”. Ako ay walumpu’t apat na taong gulang na... ang aking daan ay malapit nang matapos. Hindi ko na inaasahan na matagpuan ang Grasya ng Diyos. Sa halip Kayo ang natagpuan ko... at ngayon ayaw ko nang makakita ng ibang liwanag pa kaysa ng sa Inyo... Oo. Nakikita ko Kayo katulad na Kayo ay nasa Inyong kaawa-awang damit, na siyang ang laman na Inyong kinuha. Nakikita ko Kayo! Pakinggan ang tinig ng isang tao na nakakakita sa Liwanag ng Diyos habang namamatay!»

Ang mga tao ay sumisiksik sa paligid ng matandang lalaki, na nasa grupo ni Jesus. Hindi na nakasandal sa kanyang tungkod, itinataas niya ang kanyang nanginginig na mga kamay at itinataas ang kanyang maputing ulo, na, sa pamamagitan ng kanyang may-hating balbas, ay nagmumukhang ang ulo ng isang patriyarka o ng isang propeta. «Nakikita ko Siya: Ang Pinili, ang Kataastaasan, ang Perpektong Isa, Na bumaba rito dala ng pagmamahal, nakikita ko Siya na bumabangon muli sa kanang kamay ng Ama at naging Kaisa Niya. Ngunit… O! Siya ay hindi lamang isang Tinig o isang di-materyal na Esensiya, katulad ng makita ni Moses ang Kataastaasan, o katulad ng sinasabi ng Genesis na ang Unang mga Magulang ay napakinggan Siya at nagsalita sa Kanya sa loob ng ihip ng hangin sa gabi. Nakikita ko Siya katulad ng isang tunay na Laman tumataas sa Eternal na Ama. Lumalagablab na Laman! Maluwalhating Laman! O! Rangya ng Dibinong Laman! O! Kagandahan ng Tao-Diyos! Siya ay ang Hari! Oo. Ang Hari. Hindi ng Israel: ng mundo. Ang lahat na mga kaharian ng lupa ay yumuyuko sa Kanya at ang lahat na mga setro at mga korona ay naglalaho sa kariktan ng Kanyang setro at mga alahas. Siya ay may isang korona sa Kanyang ulo at isang setro sa Kanyang kamay. Siya ay nakasuot ng isang rational sa Kanyang dibdib: ito ay adornado ng mga perlas at mga rubi, ang kaningningan nito ay hindi pa kailanman nakita. Mga apoy ang lumalabas dito na tila ito ay isang nagbabagang pugon. May dalawang rubi sa Kanyang mga pupulsuhan at mga hibilya na may mga rubi ang nasa Kanyang banal na mga paa. May napakalabis na liwanag mula sa mga rubi! Hangaan, mga tao, ang Eternal na Hari! Nakikita ko Kayo! Nakikita ko Kayo! Ako ay tumataas kasama Kayo… Ah! Panginoon! Aming Tagapagtubos!... Ang liwanag ay lumalaki sa loob ng aking kaluluwa… Ang Hari ay inadornohan ng Kanyang sariling Dugo! Ang korona ay isang girnalda ng dumurugo na mga tinik. Ang setro ay isang krus… Naririto ang Tao! Siya ay naririto! Ito ay Kayo!... Panginoon, alang-alang sa Inyong sakripisyo maawa sa Inyong lingkod, Jesus, ipinauubaya ko ang aking kaluluwa sa Inyong awa.»…

Ang matandang lalaki, na magpahanggang ngayon ay nakatayo, napasigla ng apoy ng hula, ay bigla na lamang bumagsak at bumagsak sana sa lupa kung hindi si Jesus naging mabilis sa pagsalo sa kanya sa Kanyang dibdib.    

«Saul.»

«Si Saul ay namamatay!»

«Tulong!»

«Bilisan.»

«Kapayapaan sa makatarungan na tao na namamatay» sabi ni Jesus, Na nakaluhod na nang unti-unti upang suportahan ang matandang lalaki, na bumigat na nang bumigat.

Nagkaroon ng katahimikan.

Pagkaraan si Jesus ay inilapag siya sa lupa. At Siya ay tumayo. «Kapayapaan sa kanyang kaluluwa. Namatay siyang nakikita ang Liwanag. Sa kanyang paghihintay na magiging isang maikling panahon, nakikita na niya ang mukha ng Diyos at siya'y nagiging masaya. Walang kamatayan, ibig-sabihin paghiwalay sa buhay, para sa mga namamatay sa Panginoon.»

¹⁰Ang mga tao pagkaraan nang kaunting sandali, ay umalis nagkukumentaryo. Ang mga nakatatanda, si Jesus, ang Kanyang mga disipulo at ang arsosinagoga ay nananatili.

«Siya ba ay nagpropesiya, Panginoon.»

«Ang kanyang mga mata ay nakita ang Katotohanan. Tayo na.»

Sila ay lumabas.

«Guro, si Saul ay namatay pinaliligayahan ng Espiritu ng Diyos. Nahipo namin siya, kami ba ay malinis o di-malinis?»  

«Di-malinis.»

«At papaano Kayo?»

«Ako ay katulad lamang ng iba. Hindi Ko binabago ang Batas. Ang Batas ay batas at ang isang Israelita ay susundin ito. Tayo ay di-malinis. Sa loob ng ikatlo at ng ikapitong araw tayo ay magpapadalisay. Hanggang diyan, tayo ay di-malinis. Judas, Ako ay hindi babalik sa bahay ng iyong ina. Ayaw Kong madala ang di-kalinisan sa kanyang bahay. Magpasabi sa kanya sa pamamagitan ng kung sinuman na pupunta roon. Kapayapaan sa bayan na ito. Tayo na.»

Wala na akong makitang iba pa.

(409)230810/041513

Sunod na kabanata.