79. Si Jesus sa Kanyang Pagbabalik Tumigil Kasama ang mga Pastol Malapit sa Hebron.

Enero 15, 1945.

¹Si Jesus ay naglalakad kasama ang Kanyang mga disipulo sa isang daan sa tabi ng ilog. Ang daan ay hindi talagang nakaagapay sa tabi ng ilog. Ang ilog ay nasa ibaba; sa itaas, sa tabi ng bundok ay may isang paikut-ikot na daan, katulad ng madaling makita sa  bulubundukin na mga lugar. Si Juan ay halos purpura, kargado katulad ng isang portero, ng isang malaking bag. Si Judas ay dala-dala ang bag ni Jesus at ang kanyang sariling bag. Si Simon ay dala lamang ang kanyang sariling bag at ang mga manta. Si Jesus ngayon ay suot na ang Kanyang sariling mga damit at mga sandalyas. Ngunit ang ina ni Judas ay maaaring nilabhan ang Kanyang tunika, sapagkat ito ay wala nang kulubot.

«Gaanong mga prutas! Gaano kaganda ang mga úbasán sa mga burol na iyon!» sabi ni Juan, na laging nasa mabuting pag-iisip, sa kabila ng init at pagod. «Guro, ito ba ang ilog na sa mga pampang nito pinitas ng ating mga ninuno ang mahimalang mga ubas?»

«Hindi, iyon ay sa isa pang ilog, sa mas malayo pa sa timog. Ngunit ang buong rehiyon ay pinagpalà sa mayayaman na prutas.»

«Hindi na ito kasing pinagpalà ngayon, bagama’t maganda pa rin.»

«Napakaraming mga digmaan ang sumira sa kabukiran. Ang Israel ay dito nagawa… ngunit kinailangan na madilig ito ng sariling dugo nito at ng dugo ng mga kaaway nito.»

«Saan natin matatagpuan ang mga pastol?»

«Limang milya mula sa Hebron, sa mga pampang ng ilog na itinatanong mo.»

«Sa kabila ng burol na iyon, kung gayon.»

«Tama.»

«Napakainit. Ang tag-init… Saan tayo pupunta pagkatapos, Guro?»

«Sa isang lugar na mas mainit pa. Ngunit hinihingi Ko sa inyo na sumama. Tayo ay maglalakbay sa gabi. Ang mga bituin ay napakaningning na wala diyan kadiliman. Ibig Kong ipakita sa inyo ang isang lugar…»

«Isang bayan?»

«Hindi… Isang lugar… na magagawa kayong maintindihan ninyo ang Guro… baka mas mabuti pa kaysa sa nagagawa ng Kanyang mga salita.»

²«Nawalan tayo ng mga ilang araw gawa ng katangahang insidenteng iyon. Nasira nito ang lahat… at ang aking ina na labis na naghanda, ay nadismaya. Hindi ko maintindihan kung bakit kinailangan Ninyong maihiwalay gawa ng puripikasyon…»

«Judas, bakit mo tinatawag na katangahan ang isang katotohanan na isang grasya para sa isang tunay na naniniwala? Ayaw mo ba ng isang kamatayan na ganyan para sa iyong sarili? Naghintay siya nang buong buhay niya para sa Mesiyas, at bagamat isang matanda nang tao, nilakbay niya ang di-komportableng mga daan, upang sambahin Siya, noong siya ay sinabihan: “Siya ay naririto”. Itinago niya ang salita ng Aking Ina sa loob ng tatlumpung taon sa loob ng kanyang puso. Siya ay labis-labis na nasiyahan ng apoy ng pagmamahal at pananampalataya sa huling oras na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos. Ang kanyang puso ay pumutok sa lugod at sinunog, katulad ng isang kaaya-ayang holokausto, ng apoy ng Diyos. Anong kahihinatnan ang sana naging mas mabuti pa kaysa rito? Nasayang niya ang kapistahan na iyong inihanda? Makikita mo diyan ang kasagutan ng Diyos. Ang mga bagay na pantao ay hindi kailangan na ihalo sa mga bagay ng sa Diyos... Ang iyong ina ay makakasama niya Akong muli. Ang matandang lalaki ay hindi muli. Ang buong Kerioth ay makakapunta sa Kristo, ang matandang lalaki ay wala nang lakas na gawin ito. Masaya Ako na nahawakan Ko ang matandang namamatay nang nakadikit sa Aking puso at pinapurihan Ko ang kanyang kaluluwa. Ang tungkol sa iba... Bakit magbigay ng iskandalo nagkukulang ng respeto para sa Batas? Ang isa ay kailangan na maglakad sa harapan ng iba kung gusto niyang sabihin: “Sundan ako”. At upang madala ang mga tao sa banal na landas, ang isa ay kailangan na maglakad sa landas din na iyan. Papano Ko sana nasabi, o papaano Ko sasabihin: “Maging tapat”,  kung Ako ay walang katapatan?»

«Sa palagay ko ang pagkakamaling iyan ay dahil sa ating pagkasira. Ang mga rabbi at ang mga Pariseo ay dinudurog ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga alituntunin at pagkatapos... umaasal silang katulad ng tao na naglapastangan sa bahay ni Juan, ginagawa iyon na isang lugar ng kasalanan» wika ni Simon.

«Siya ay isa sa mga tauhan ni Herodes...»

«Oo, Judas, ngunit ang gayon din na mga kapintasan ay matatagpuan din sa mga grupo na sinasabi – sa pamamagitan nila mismo siyempre – na banal. Ano ang Inyong masasabi tungkol diyan, Guro?» tanong ni Simon.

«Sasabihin Ko lamang na kung may sandakot na totoong lebadura at totoong insenso sa Israel, ang tinapay ay magagawa at ang altar mapababanguhan.»

«Ano ang ibig Ninyong sabihin?»

«Ang ibig Kong sabihin kung may pupunta sa Katotohanan nang may sinsirong puso, ang Katotohanan ay kakalat katulad ng lebadura sa masa ng harina at katulad ng insenso sa buong Israel.»

«Ano ang sinabi sa Inyo ng babae?» tanong ni Judas.

Si Jesus ay hindi tumutugon. Siya sa halip ay kinakausap si Juan: «Ang iyong dala ay napakabigat at ikaw ay pagod na. Ibigay mo iyan sa Akin.»

«Hindi, Jesus, sanay akong magdala ng mabibigat at maging ano pa man… ang alaala tungkol sa lugod ni Isaac ay nagagawa itong maging magaan.»

³Inikot nila ang maliit na burol. Ang mga tupa ni Elias ay nasa loob ng lilim ng kakahuyan, sa kabilang tabi. At ang mga pastol, nakaupo sa loob ng lilim ay pinagmamasdan sila. Noong makita nila si Jesus sila ay nagsimulang tumakbo.

«Kapayapaan sa inyo. Naririto kayo?»

«Kami ay nag-aalala tungkol sa Inyo… dahil sa antala… at hindi namin malaman kung kami'y pupunta at salubungin Kayo o sumunod… pagkatapos nagpasya kaming pumunta hanggang dito… at kung gayon masunod ang Inyong mga tagubilin at mapagbigyan din ang aming pagmamahal. Maraming araw na sana Kayong naririto na.»

«Kinailangan namin na manatili…»

«Walang… problema?»

«Wala, Aking mga kaibigan, wala. Ang isang matapat na naniniwala ay namatay sa ibabaw ng Aking dibdib. Wala nang iba pa.»

«Ano sa palagay mo ang dapat na nangyari, pastol? Kung ang mga bagay ay naisaayos nang mabuti… Tiyak na ang isa ay kailangan na alam kung papaano ihanda ang mga bagay at ihanda rin ang mga puso na tatanggap sa mga ito. Ang aking bayan ay nagbigay ng bawat karangalan sa Kristo. Hindi ba, Guro?»

«Oo, ginawa nila. Isaac. Sa aming pagbabalik dumaan kami sa bahay ni Sarah. Ang bayan din ng Juttah, nang wala kahit anong preparasyon kaysa sa simpleng kabutihan at katotohanan ng mga salita ni Isaac, ay naintindihan ang esensiya ng Aking doktrina at natuto kung papaano magmahal sa pamamagitan ng isang banal na praktikal na di-makasariling pagmamahal. Si Sarah ay nagpadala sa iyo ng ilang damit at pagkain, Isaac, at ang lahat ay ibig na magdagdag ng kahit ano sa limos na iniwan mo sa iyong higaan, sapagkat ikaw ngayon ay bumalik na sa mundo at nagkukulang ka ng lahat. Kunin ito. Hindi Ako kailanman kumukuha ng pera. Ngunit ito ay tinanggap Ko sapagkat ito ay napadalisay ng karidad.»

«Hindi, Guro, itago Ninyo iyan. Ako… ako ay sanay na ng wala iyan.»

«Kakailanganin mo na ngayon na pumunta sa iba't ibang mga nayon, kung saan kita ipadadala. At kakailanganin mo iyan. Ang isang manggagawa ay karapat-dapat sa kanyang upa, kung ang kanya ding inaasikaso ay ang tungkol sa mga kaluluwa... sapagkat mayroon pang isang katawan na kailangan na pakanin, na tila ito ay isang asno na tumutulong sa kanyang panginoon. Ito ay hindi labis. Ngunit makakaraos ka. Si Juan ay may ilang damit at mga sandalyas sa bag na iyon. Kinuha ni Joachim ang ilan ng kanyang sariling mga damit. Baka malalaki sila...  ngunit may labis na pagmamahal sa regalo!»

Si Isaac ay kinuha ang bag at pumunta sa kabila ng palumpong upang magbihis. Siya ay nakapaa pa rin at suot ang kanyang kakatwang toga na gawa sa isang blanket.

⁴«Guro» sabi ni Elias. «Ang babaeng iyon... ang babaeng nasa bahay ni Juan... tatlong araw pagkatapos na Kayo ay nakaalis at kami ay nagpapastol ng mga tupa sa mga parang ng Hebron – sila ay pag-aari ng lahat, ang mga parang, at hindi nila kami mapaaalis – pinadala niya ang kanyang katulong sa amin kasama ang bag na ito at sinabi sa amin na ibig niyang makipagusap sa amin... Hindi ko alam kung nagawa ko ang tamang bagay... ngunit noong una binalik ko ang bag sa kanya at sinabi kong: “Ayaw kong mapakinggan siya”... Pagkatapos pinadala niya ang mensaheng ito: “Pumunta kayo  sa ngalan ni Jesus” at pumunta ako. Naghintay siya hanggang ang kanyang... bueno, ang lalaki na nagkukulong sa kanya roon, ay nakaalis... Gaano ang mga bagay na ibig niyang malaman. Ngunit hindi... ako nagsalita sa kanya nang labis. Dala ng kahinahunan. Siya ay isang puta. Natatakot ako na iyon ay baka isang patibong para sa Inyo. Tinanong niya kung sino Kayo, saan Kayo nakatira, ano ang ginagawa Ninyo, kung Kayo ba ay isang maginoo... Sinabi ko: “Siya ay si Jesus ng Nazareth, Siya ay pumupunta kahit saan, sapagkat Siya ay isang Guro, at umiikot Siya sa Palestina nagtuturo”; Sinabi ko na Kayo ay isang mahirap na tao, isang simpleng manggagawa, naging marunong gawa ng Karunungan... Wala nang iba pa.»

«Maganda ang ginawa» sabi ni Jesus, at si Judas ay bumulalas nang kasabay: «Maling bagay ang nagawa mo! Bakit hindi mo sinabi na Siya ay ang Mesiyas, ang Hari ng mundo? Ang mapagmalaking babaeng Romano ay kailangan na madurog sa ilalim ng bagsik ng kaluwalhatian ng Diyos.»

«Hindi sana niya ako naintindihan... Maging ano pa man papaano ako makatitiyak na siya ay sinsiro? Noong nakita mo siya, sinabi mo kung ano siya. Kailangan ko bang itapon ang mga banal na bagay, at ang lahat na siyang si Jesus ay banal, sa kanyang bunganga? Kailangan ko bang ilagay sa panganib si Jesus, nagbibigay ng labis na impormasyon. Kahit sino ay makapananakit sa Kanya, ngunit hindi ako.»

«Juan, tayo na at sabihin sa kanya kung sino ang Guro, at ipaliwanag ang banal na katotohanan sa kanya.»

«Hindi ako. Maliban na sabihin sa akin ni Jesus.»

«Natatakot ka ba? Ano ang maaaring gawin niya sa iyo? Pinandidirihan mo ba siya? Ang Guro ay hindi nandiri?»

«Ako ay hindi natatakot o nandidiri sa kanya. Ako ay naaawa sa kanya. Ngunit sa palagay ko kung ginusto ni Jesus, tumigil na sana Siya upang turuan siya. Hindi Niya ito ginawa... hindi kinakailangan para sa atin na gawin ito.»

⁵Sa oras na iyon ay walang mga tanda ng isang kombersiyon... Ngayon... ipakita mo sa Akin ang bag, Elias.» At si Judas, na nakaupo sa damo, ay ibinuhos ang bag sa kanyang manta. Mga singsing, mga brasaleta, mga pulseras, at isang kuwintas ang lumabas: dilaw na ginto sa madilim na ginto ng manta ni Judas. «Ito ay mga alahas!... Ano ang maaari nating gawin sa mga ito?»

«Maipagbibili sila.» sabi ni Simon.

«Iyan ay maproblemang mga bagay» wika ni Judas, na, bagamat, ay hinahangaan ang mga ito.

«Iyan ang sinabi ko sa kanya, noong kinuha ko iyan; sinabi ko rin: “Ang iyong panginoon ay bubugbugin ka”. Sumagot siya: “Hindi niya sila pag-aari. Sila ay akin at ginagawa ko kung ano ang gusto ko sa kanila. Alam ko na iyan ay ang ginto ng mga kasalanan... ngunit magiging mabuti iyan kung gagamitin para sa mahihirap at sa banal. Na sana maalaala nila ako” at siya ay umiiyak.»

«Lakad at puntahan siya, Guro.»

«Hindi.»

«Ipadala si Simon.»

«Hindi.»

«Bueno, ako ang pupunta.»

«Hindi.» Ang «Hindi» ni Jesus ay matalas at tumatapos sa lahat na ano pa mang pag-uusap.

«Mali ba ako, Guro, sa pagsasalita sa kanya at sa pagkuha sa ginto?» tanong ni Elias noong makita niya na si Jesus ay seryoso.

«Wala kang ginawang masamâ. Ngunit wala nang dapat na gawin pa.»

«Ngunit baka ang babaeng iyon ay gustong matubos ang sarili at kailangan niyang maturuan...» si Judas ay tumutol muli.

«Napakarami na niya sa sarili niya ng kislap na makapagsisimula ng isang apoy na masunog ang kanyang mga bisyo at mapadalisay ang kanyang kaluluwa at ang pagsisisi ay magagawa siyang maging inosente muli. Kani-kanina pa lamang nagsalita Ako sa inyo tungkol sa lebadura na inihalo sa harina at ginawa itong maging banal na tinapay. Makinig ngayon sa isang maikling parabula.

Ang babaeng iyon ay ang harina. Ang harina na hinaluan ng Masamang Isa ng kanyang mala-impiyernong mga pulbos. Ako ang lebadura. Ibig sabihin, ang Aking salita ay ang lebadura. Ngunit kung may labis na ipa sa harina, o kung ang buhangin, o ang maliliit na bato o ang mga abo ay inihalo dito, posible bang makagawa ng tinapay sa pamamagitan nito, kahit na kung ang harina ay maganda? Hindi posible. Kinakailangan na matiyagang alisan ng ipa, ng mga abo, ng mga bato at ng buhangin ang harina.

Pagkatapos ang awa ay daraan at iaalok ang unang pansala... Ang unang pansala: gawa sa maiikling basikong mga katotohanan, na maaaring maintindihan ng isa na nápasabíd sa lambat ng totál na kamangmangan, sa bisyo at sa Hentilismo. Kung ang pansala ay tanggapin ng kaluluwa, ang unang pagpapadalisay ay magsisimula. Ang ikalawa ay mangyayari sa pamamagitan ng pansala ng kaluluwa mismo, na ikukumpara ang sarili nito sa Sarili na ibinunyag ang Sarili. At ang kaluluwa ay mahihintakutan. At sisimulan nito ang trabaho nito. Sa pamamagitan ng isang mas partikular at mas partikular pang operasyon, pagkatapos ng mga bato, ng buhangin at ng mga abo, mararating nito ang punto na aalisan din ito ng bahagi ng harina na may mga butil na napakabigat at napakagaspang upang makagawa ng magandang tinapay. Ang kaluluwa ay ngayon nakahanda na. Ang awa pagkatapos ay daraan muli at lalagusin ang harina na ngayon ay handa na – iyan ay isang paghahanda rin, Judas – at itataas ito at gagawin itong tinapay. Ngunit iyan ay isang matagal na operasyon: isang operasyon ng “kapangyarihan ng kalooban” ng kaluluwa.

Ang babaeng iyon ay nasa kanya nang sarili ang pinakamaliit na makatarungan lamang na maibigay sa kanya at maaari niyang gamitin para sa kanyang pagtatrabaho. Hayaan siyang gawin ito, kung gugustuhin niya, ngunit kailangan na hindi natin siya dapat na magambala. Ang lahat ay makapagpapabalisa sa isang kaluluwa na nagtatrabaho: ang pag-uusyoso, ang di-ipinapayong kasigasigan, ang intoleransiya pati na rin ang labis-labis na awa.»

⁶«Hindi natin siya pupuntahan, kung gayon?»

«Hindi. At na upang wala sa inyo ang matukso, tayo ay kailangan na umalis na kaagad. May lilim sa loob ng kakahuyan, titigil tayo sa paanan ng Terebinth Valley. At tayo ay doon maghihiwa-hiwalay. Si Elias ay babalik sa kanyang mga pagpapastol kasama si Levi: si Jose ay sasama sa Akin hanggang sa layo ng bantilan ng Jericho. Pagkatapos... tayo ay magkikita muli. Ikaw, Isaac, ipagpatuloy mo ang iyong ginawa sa Juttah, pumupunta mula rito, daan ng Arimathea at Lydda, hanggang sa Doco. Tayo ay magkikita roon. Kinakailangan na ihanda ang Judaea, at nalalaman mo kung papaano gawin ito. Eksaktong katulad ng iyong ginawa sa Juttah».

«At papaano kami?»

«Kayo? Kayo ay sasama, katulad ng sinabi Ko, upang makita ang Aking paghahanda. Ako rin ay naghanda para sa Aking misyon.»

«Pumunta ba Kayo sa isang rabbi?»

«Hindi.»

«Pumunta ba Kayo kay Juan?»

«Ako ay kanya lamang bininyagan.»

«Bueno, pagkatapos?»

«Ang Bethlehem ay nagsalita sa pamamagitan ng mga bato nito at ng mga puso nito. Sa pagdadalhan Ko rin sa inyo, Judas, ang mga bato at ang isang puso, ang Akin, ay magsasalita sa Inyo at ibibigay sa inyo ang kasagutan.»

⁷Si Elias, na nagdala ng ilang gatas at kulay-kapeng tinapay, ay nagsabi: «Habang naghihintay sa Inyo, sinubukan ko, at si Isaac kasama ko, na makumbinsi ang mga tao sa Hebron... Ngunit hindi sila maniwala, hindi sila manumpa, wala silang gustong iba bagkus si Juan. Siya ang kanilang “banal na tao” at wala silang ibang gusto.»

«Iyan ay isang kasalanan na pangkaraniwang-pangkaraniwan sa maraming mga lugar at sa pangkasalukuyan at sa panghinaharap na mga maniniwala. Tinitingnan nila ang manggagawa, at hindi ang guro na nagpadala sa manggagawa. Tinatanong nila ang manggagawa ng maraming mga katanungan at ni hindi sila nagsasabi sa kanya: “Sabihin sa iyong guro”. Nakakalimutan nila na mayroon lamang manggagawa sapagkat may isang guro at na siyang nagtuturo sa manggagawa at nagagawa siyang makapagtrabaho. Nakakalimutan nila na ang manggagawa ang makapamamagitan, ngunit tanging ang guro lamang ang makapapayag. Sa kasong ito ang Diyos at ang Kanyang Salita kasama Niya. Hindi na bale. Ang Salita ay nalulungkot ngunit hindi nagtatanim ng sama-ng-loob. Tayo na.»

Ang bisyon ay natatapos.

(419)050810/041813.

Sunod na kabanata.