8. Si Maria Iniharap sa Templo.

Agosto 30, 1944.

¹Nakikita ko si Maria sa pagitan ng Kanyang ama’t ina naglalakad sa mga kalsada ng Herusalem.

Ang mga nagdaraan ay tumitigil upang tingnan ang magandang Batang Babae nakasuot nang lahat puti at may napakagaang manta. Ang manta, dahil sa disenyo nito na mga sanga at mga bulaklak, na mas madilim nang kaunti kaysa sa banayad na kaligiran, ay tila ang manta rin na suot ni Anna sa araw ng kanyang Puripikasyon. Ang tanging kaibahan lamang habang ito ay umaabot sa baywang ni Anna, sa kaso ni Maria, Na isa lamang bata, ito ay umaabot sa Kanyang mga buol at binabalot Siya nito sa isang maliit na magaan at maningning na ulap ng pambihirang kagandahan.

Ang Kanyang maningning na buhok, nakalaylay sa Kanyang mga balikat, o kung baga, sa Kanyang mayuming leeg, ay nagniningning sa loob ng belo na walang disenyo, maliban sa napakabanayad na kaligiran lamang. Ang belo ay nahahawakan sa Kanyang noo sa pamamagitan ng isang napakaputlang asul na ribon, kung saan nakaburda ang maliliit na liryo sa pamamagitan ng pilak na mga sinulid, tiyak na gawa ng Kanyang ina.

Katulad ng sinabi ko, ang niyebeng kaputiang damit ay umaabot sa lupa, at ang Kanyang maliliit na paa ay makikita lamang, habang Siya ay naglalakad, sa Kanyang puting mga sandalyas. Ang Kanyang mga kamay ay katulad ng dalawang magnolia na mga petalo, sumisilip mula sa mahahabang manggas. Bukod sa asul na ribon, wala nang iba pang kulay. Ito ay lahat puti. Si Maria ay tila nakadamit ng niyebe.

Si Joachim ay suot din ang dating damit na suot niya sa Puripikasyon. Si Anna, sa halip, ay suot ang isang napakadilim na biyoletang damit. Ang manta rin, na nagtatakip din sa kanyang ulo, ay madilim na biyoleta. Hinahawakan niya itong nakababa sa babâ ng kanyang mga mata. Dalawang kaawa-awang mata ng isang ina, namumula sa mga luha, na ayaw umiyak at higit sa lahat ayaw makitang umiiyak, bagkus makaluluha lamang sa ilalim ng proteksiyon ng manta, isang proteksiyon na may silbi lamang para sa mga nagdaraan at kay Joachim din, na ang kaninong mga mata, dati rati malinaw, ay sa araw na ito mapula at malabo, dahil sa mga luhang kanyang nailuha at niluluha pa. Siya ay naglalakad na may pagkakuba, ang kanyang ulo natatakpan ng isang belo na suot katulad ng isang turban, na ang mga dulo ay nakalaylay sa kanyang mukha.

Isang napakatandang Joachim. Sinuman ang makakita sa kanya, ay maaaring isipin na siya ay ang lolo o ang tatay ng lolo ng batang babae na hawak niya sa kamay. Ang kirot na mawala ang kanyang anak ay nagagawa ang kaawa-awang ama na hilahin na lang ang kanyang mga paa at siya ay pagod-na-pagod na siya ay naging mas matanda nang dalawampung taon. Siya ay malungkot-na-malungkot at pagod na nagmumukha siyang isang matandang may sakit. Ang kanyang bunganga ay nanginginig nang kaunti sa pagitan ng dalawang kulubot na iyon na ang dalawang tabi ng kanyang ilong ay napakalalim ngayon.

Kapwa sila nagsisikap na itago ang kanilang mga luha. Ngunit kung sila ay nagtatagumpay sa mga tao, hindi kay Maria, Na, dahil sa Kanyang taas, nakikita sila mula sa ibaba, at itinitingala ang Kanyang ulo titingnan ang Kanyang ama’t ina nang salit-salitan. Gumagawa sila ng pagsisikap na ngumiti sa Kanya sa pamamagitan ng kanilang nanginginig na bunganga at hinahawakan nila nang mas mahigpit ang Kanyang kamay sa tuwing titingnan sila ng kanilang anak at ngingiti. Maaaring iniisip nila: «Ayan. Isang ngiting pawala na.»

Sila ay nagpapatuloy nang mabagal. Napakabagal. Tila ibig nilang mapatagal ang kanilang paglalakbay hangga't maaari. Ang lahat ay nagsisilbing dahilan na sila ay tumigil… Ngunit ang paglalakbay ay kailangan na matapos! At ang isang ito ay malapit na. Sa itaas doon, sa tuktok ng huling daan na ito, ay naroroon ang mga pader ng Templo. Si Anna ay napaungol at hinawakan nang mas mahigpit ang kamay ni Maria.

²«Anna, aking mahal, ako ay naririto kasama mo!» ang isang tinig ay nagsalita, nanggagaling sa lilim ng isang mababang arko na ginawa sa ibabaw ng sangahan ng mga daan. At si Elizabeth, na naghihintay sa kanila, ay nilapitan at niyakap si Anna. At dahil si Anna ay umiiyak sinabi niya: «Halika nang sandali sa loob ng mapagkaibigang bahay na ito. Pagkatapos tayo ay lalakad nang magkakasama. Si Zachariah din ay naririto.

Pinasok nilang lahat ang isang mababang madilim na silid kung saan ang tanging liwanag ay ang isang malaking apoy. Ang maybahay, halatang isang kaibigan ni Elizabeth, ngunit hindi kilala ni Anna, ay may-kabaitan na nagkusang umalis at pinabayaan silang mag-isa.

«Kailangan na huwag mong isipin na pinagsisisihan ko o binibigay ko ang aking tagong-kayamanan sa Panginoon nang may pag-aalinlangan» nagpapaliwanag si Anna nang umiiyak, «bagkus ito ay ang aking puso… o! gaano sumasakit ang aking puso, ang aking puso na bumabalik sa dating walang-anak na pangungulila! Kung iyo lamang mararamdaman…»

«Alam ko, mahal kong Anna… Ngunit ikaw ay mabuti at ang Diyos ay pagiginhawahan ka sa iyong pangungulila. Si Maria ay mananalangin para sa kapayapaan ng Kanyang ina. Hindi ba, Maria?»

Si Maria ay hinahaplos ang mga kamay ng Kanyang ina at hinahalikan ito. Idinidiin Niya ito sa Kanyang mukha upang mahaplos at si Anna ay hinahawakan nang mahigpit ang Kanyang maliit na mukha at hinahalikan ito nang paulit-ulit. Hindi siya kailanman napapagod sa paghalik sa Kanya.

Si Zachariah ay pumasok at binati sila: «Harinawang ang kapayapaan ng Panginoon ay mapasa- makatarungan.»

«Oo» tugon ni Joachim, «makiusap na magkaroon ng kapayapaan para sa amin, sapagkat ang aming mga puso ay nanginginig sa aming alay, katulad ng nangyari kay Abraham, habang siya ay umaakyat sa bundok, ngunit kami ay hindi makatatagpo ng isang alay na pamalit sa isang ito. Ni hindi namin ito gusto, sapagkat kami ay matapat sa Panginoon. Ngunit kami ay naghihirap, Zachariah. Dahil ikaw ay isang pari ng Diyos, pakiusap na unawain kami at huwag kang mabalisa.»

«Hindi kailanman. Sa kabaligtaran, ang inyong kapighatian na hindi lumalabis sa makatwirang mga limitasyon at hindi nito pinahihina ang inyong pananampalataya, ay tinuturuan ako kung papaano mahalin ang Kataastaasan. Ngunit laksan ang loob ninyo. Si Anna, ang propeta, ay aalagaan ang bulaklak na ito nina David at Aaron. Sa kasalukuyan Siya lamang ang liryo ng banal na tubô ni David sa loob ng Templo at Siya ay aalagaan katulad ng isang maharlikang perlas. Bagama't lumalapit na tayo sa panahon kung kailan ang Mesiyas ay darating, at ang mga babae na kabilang sa sambahayan ni David ay kailangan na manabik na ikonsagra ang kanilang mga anak na babae sa Templo, sapagkat ang Mesiyas ay ipanganganak ng isang birhen mula sa tubô ni David, subalit, dahil sa pangkalahatang panghihina ng pananampalataya, ang mga lugar ng mga birhen sa Templo ay walang laman. Napakakaunti nila at walang mula sa maharlikang inapu, mula nang si Sarah ni Eliseo ay umalis tatlong taon na ang nakararaan upang mag-asawa. Totoo na may tatlumpung taon pa bago ang itinakdang panahon, ngunit… Bueno umasa tayo na si Maria ay ang una sa maraming birhen ng mga inapu ni David sa harapan ng Sagradong Belo. At pagkatapos… sino ang nakaaalam…» Si Zachariah ay hindi na nagsasalita ng ano pa man. Ngunit tinitingnan niya si Maria nang nag-iisip. Pagkatapos siya ay nagpatuloy: «Babantayan ko rin Siya. Ako ay isang pari at ako ay may kapangyarihan dito. Gagamitin ko iyan para sa anghel na ito. At si Elizabeth ay madalas na pupunta rito upang tingnan Siya.»

«O! Tiyak iyan! Ako ay nasa ganyang pangangailangan sa Diyos na ako ay pupunta at sabihan ang maliit na Batang ito, upang sana sabihan Niya ang Eternal na Isa.»

«Si Anna ay nagkaroon muli ng lakas ng loob. Upang mapagaanan pa lalo ang kanyang pag-aalala siya ay tinanong ni Elizabeth: «Hindi ba't ito ang belo mo sa iyong kasal? O ikaw kaya ay matagal nang naghahabi ng bagong byssus?»

«Ito nga, kinokonsagra ko ito sa Panginoon kay Maria. Ang aking mata ay hindi na maganda… at ang amin ding kayamanan ay nabawasan ng pagbubuwis at ng mga kamalasan… hindi ko na kaya ang malalaking gastusin. Siniguro ko lang ang Kanyang pananamit para sa panahon na Siya ay nasa loob ng Bahay ng Panginoon at pagkatapos… Sapagkat sa palagay ko wala na ako roon upang bihisan Siya para sa Kanyang kasal… ngunit ibig ko na ang mga kamay ng Kanyang ina, kahit na kung malamig na ito at wala nang galaw, ang siyang maghahanda sa Kanya para sa kasal at maghahabi ng Kanyang mga linen at mga damit.»

«O! Bakit mo iisipin iyan?»

«Matanda na ako, aking mahal na pinsan. Hindi ko kailanman naramdaman ito nang labis katulad ngayon sa aking malaking paghihirap. Naibigay ko na sa bulaklak na ito ang huling onsa ng lakas ng aking buhay, sa pagdalang-tao at pagpalaki sa Kanya at ngayon ang kirot na mawala Siya ay hinuhugot ang aking huling lakas at kinakalat ito.»

«Huwag mong sabihin iyan, alang-alang kay Joachim.»

«Oo, tamang-tama ka. Sisikapin ko at mabubuhay ako para sa aking asawa.»

Si Joachim ay nagkukunwari na hindi niya narinig, abaláng katulad niya sa pakikinig kay Zachariah, ngunit napakinggan niya ito at siya'y nagbubuntung hininga nang malalim, ang kanyang mga mata nagniningning sa mga luha.

«Nasa pagitan na ng ikatlo at ikaanim na oras. Sa palagay ko kailangang lumakad na tayo» sabi ni Zachariah.

Lahat sila ay lumabas upang isuot ang kanilang mga manta at umalis.

⁵Ngunit bago lumabas si Maria ay lumuhod sa pamasukan ang Kanyang mga kamay nakaunat: isang nangungusap na kerubin. «Itay! Inay! Ang inyong pagpapalà, pakiusap.»

Siya ay hindi umiiyak, ang maliit na matapang na batang babae. Ngunit ang Kanyang mga labì ay nanginginig at ang Kanyang tinig, napuputol ng paghikbi, ay mas nakakatulad higit pa kailanman ang nanginginig na paghuni ng isang maliit na kalapati. Ang Kanyang mukha ay maputla, at ang Kanyang mga mata may tingin ng pagpapasa-Diyos na paghihirap na aking makikitang muli sa Kalbaryo at sa Sepulkro, kung saan ito ay mas matindi na Siya ay imposibleng tingnan nang hindi ka maghihirap nang labis.

Ang Kanyang mga magulang ay pinagpapalà Siya at hinahalikan: nang minsan, dalawang beses, sampung beses, hindi sila kailanman nakukontento… Si Elizabeth ay tahimik na lumuluha at si Zachariah, sa kabila ng kanyang pagsisikap na maitago ang kanyang mga luha, ay lubos na naaantig.

Sila ay lumabas. Si Maria ay nasa pagitan ng Kanyang ama’t ina katulad kanina. Si Zachariah at ang kanyang asawa ay nasa harapan nila.

Sila ay nasa loob na ng mga pader ng Templo ngayon. «Pupunta ako sa Mataas na Pari. Kayo ay pupunta sa Great Terrace.»

Tinawid nila ang tatlong bakuran at ito ay sa pamamagitan ng tatlong bulwagan, na magkakasunod ngunit mas mataas ng lebel ng kasunod. Sila ay nasa paanan na ngayon ng isang malaking marmol na kubiko na may koronang ginto. Ang bawat bobida, paumbok katulad ng kalahating dalanghita, ay tila umaapoy sa sinag ng araw, na ngayon, sa katanghalian, ay nasa tuktok mismo ng malaking bakuran na nakapaikot sa solemneng gusali at pinupuno nito ng liwanag ang malaking liwasan at ang malalapad na baytang pataas sa Templo. Tanging ang portiko lamang na nakaharap sa mga baytang na lupa, sa tabi ng harapan ng gusali, ang nasa lilim at ang napakataas na tanso at gintong pintuan ay mas lalo pang mas madilim at mas solemne kung nakatingin ka sa loob ng labis na liwanag.

Si Maria ay nagmumukhang mas maputi sa loob ng labis na sikat ng araw. Siya ay nasa paanan na ngayon ng daang mga baytang, sa pagitan ng Kanyang ama’t ina. Gaano karahas kaya ang pagtibok ng kanilang mga puso? Si Elizabeth ay nasa tabi ni Anna, ngunit sa malayu-layo nang kaunti sa likuran niya, mga kalahating hakbang.

⁶Sa pagtunog ng isang platang trumpeta ang pinto ay gumalaw nang pabukás sa mga bisagra nito, na tila nagpapalabas ng tunog ng isang makalumang bandurya, habang bumubukas sa paggulong ng tansong mga bola. Ang looban ay lumitaw na may mga lampara sa malayong dulo at ang isang prusisyon ay gumagalaw patungo sa pinto, isang maringal na prusisyon na may mga pilak na trumpeta, mga ulap ng insenso at mga ilawan.

Ito ngayon ay nasa pamasukan na. Sa harapan ay ang Mataas na Pari… isang maringal na matandang lalaki, nakasuot ng napaka-pinong linen, at may isang maikling linen na tunika sa ibabaw nito at sa ibabaw naman ng huli ay isang katulad ng kasulya, isang bagay na marami ang kulay sa pagitan ng isang kasulya at isang kasuutan ng isang diyakono: purpura at ginto, biyoleta at puti salit-salitan at kumikislap katulad ng mga batong-hiyas sa ilalim ng sikat ng araw: dalawang tunay na batong-hiyas ang nagniningning nang mas matingkad sa ibabaw ng kanyang mga balikat. Baka ito ay mga hibilya na may mamahaling mga tampok. Sa ibabaw ng kanyang dibdib ay may malaking metal na plaka nagningning na may mga batong-hiyas at hawak ng isang gintong kuwintas. Mga palawit at mga palamuti ang kumikislap sa laylayan ng kanyang maikling tunika at may gintong nagniningning sa itaas ng kanyang noo sa kanyang mitra, na nagpapaalaala sa akin ng mitra na suot ng mga obispo ng simbahan ng Orthodox, isang mitra na kinorteng isang domo sa halip na patulis katulad ng mitra ng Romano Katoliko.

Ang solemneng personahe ay lumalapit, nag-iisa, hanggang sa layo ng pagsimula ng mga baytang, sa loob ng ginintuang sikat ng araw na nagagawa siyang magmukhang mas maringal. Ang iba ay nakatayong naghihintay sa ilalim ng malilim na portiko, sa isang kurbada sa labas ng pintuan. Sa kaliwa ay naroon ang grupo ng mga batang babae, lahat nakasuot ng puti, kasama ang propetang si Anna at iba pang maedad na mga binibini, tiyak na mga tagapagturo.

Ang Mataas na Pari ay tinitingnan ang maliit na Batang Babae at ngumingiti. Si Maria ay maaaring nagmumukhang napakaliit sa paanan ng magkakasunod na mga baytang na lupa na nababagay sa isang Ehipsiyong templo! Itinaas ng Mataas na Pari ang kanyang mga kamay sa kalangitan sa pagdarasal. Lahat sila ay nakatungo ang kanilang mga ulo sa perpektong kababaang-loob sa harapan ng pamparing mahestad nakikipag-ugnayan sa Eternal na Mahestad.

Pagkatapos, siya ay kumaway kay Maria. At si Maria ay humiwalay mula sa Kanyang ina at ama, at tila nararahuyo, inaakyat ang mga baytang. At Siya ay ngumingiti. Siya ay ngumingiti sa lilim ng Templo, kung saan ang mahalagang Belo ay nakabitin… Siya ngayon ay nasa itaas na ng mga baytang, sa paanan ng Mataas na Pari, na ipinapatong ang kanyang kamay sa ulo ni Maria. Ang biktima ay tinanggap na. Anong mas puro pang biktima ang kailanman tinanggap sa Templo?

Pagkatapos ang pari ay tumalikod at pinananatili ang kanyang kamay sa balikat ni Maria Na tila pinasusunod niya ang imakuladang maliit na Kordero sa Altar, dinadala niya Siya sa pintuan ng Templo. Bago niya Siya papasukin, tinanong niya Siya: «Maria ni David, nalalaman Mo ba ang tungkol sa Iyong panata?» Noong Siya ay tumugon ng «Oo» sa Kanyang malaplatang tinig, ang pari ay sumigaw: «Pumasok, kung gayon. Maglakad sa aking presensya at maging perpekto.»

Si Maria ay pumasok at nilulon ng kadiliman… Ang grupo muna ng mga birhen at mga tagapagturo, pagkatapos ang mga Levita ay tuluyan na Siyang naitatago at naihihiwalay nang lalu’t lalo pa… Ngayon hindi na Siya maaaring makita…

Ang pinto rin ay ngayon sumasara na sa pamamagitan ng magandang tunog ng mga bisagra nito. Sa pamamagitan ng puwang na panipis nang panipis, ang prusisyon ay makikitang lumalapit sa Banal ng mga Banal. Ngayon ito ay kasing nipis na lamang ng sinulid. Ngayon ito ay wala na: sarado na ang pinto.

Ang huling tunog ng mga bisagra ay tinugunan ng isang hikbi mula sa dalawang matandang magulang at ng magkasabay na iyak: «Maria! Anak!» at pagkatapos dalawang ungol, ang isa nananawagan sa isa pa: «Anna!», «Joachim!» at natapos sila bumubulong: «Luwalhatiin natin ang Diyos Na tumatanggap sa Kanya sa Kanyang Bahay at magdadala sa Kanya sa Kanyang landas.»

Ang lahat ay nagtapos nang gayon.

jesus sinab

⁷Sinasabi ni Jesus:

«Ang Mataas na Pari ay nagsabi: “Maglakad sa loob ng aking presensya at maging perpekto”. Ang Mataas na Pari ay hindi alam na siya ay nagsasalita sa Babae Na mas mababa sa perpeksiyon sa Diyos lamang. Ngunit siya ay nagsasalita sa ngalan ng Diyos, at kung gayon ang kayang utos ay isang sagradong utos. Ito ay laging sagrado, lalo na magpatungkol sa Birhen Na Napupuno ng Karunungan.

Naging karapat-dapat si Maria na “ang Karunungan ay pangunahan Siya at ipakita ang Sarili Nito Mismo una muna sa Kanya”, sapagkat “mula sa simula ng Kanyang araw napagmasdan Niya Ito sa Pintuan Nito, at nagnanais na maturuan, dala ng pagmamahal, ginusto Niyang maging dalisay upang marating ang perpektong pagmamahal at marapatin na ang Karunungan ay Kanyang maging tagapagturo”.

Sa Kanyang kababaang-loob hindi Niya alam na nagtataglay Siya ng Karunungan bago pa maipanganak at na ang pakikipag-isa sa Karunungan ay bagkus isa lamang pagpapatuloy ng dibinong mga pintig ng Paraiso. Hindi Niya ito maimahina. At noong ang Diyos ay bumulong ng makalangit na mga salita sa Kanya sa kaila-ilaliman ng Kanyang puso, sa Kanyang kababaang-loob naisip Niya na ang mga ito ay mga kaisipan ng pagmamalaki at itinataas ang Kanyang inosenteng puso sa Diyos, nakiusap Siya sa Kanya: “Panginoon, maawa sa Inyong Lingkod!”

O! Totoo na ang Totoong Marunong na Birhen, ang Eternal na Birhen, ay nagkaroon ng isang kaisipan lamang mula pa nang bukang-liwayway ng Kanyang araw: ang itaas ang Kanyang puso sa Diyos mula sa umaga ng buhay at ang magbantay para sa Panginoon, nagdarasal sa harapan ng Kataastaasan, humihingi ng kapatawaran para sa mga kahinaan ng Kanyang puso, ayon sa pagkakumbinsi sa Kanya ng Kanyang kababaang-loob, at hindi Niya nababatid na ginagawa Niyang maaga ang paghingi ng kapatawaran para sa mga nagkakasala, na gagawin Niya pagkatapos sa paanan ng Krus, kasama ang Kanyang namamatay na Anak.

“Kapag ang dakilang Panginoon ay magpapasya, ang Birhen ay mapupuno ng Espiritu ng katalinuhan” at diyan pagkatapos maiintindihan Niya ang Kanyang dakilang misyon. Sa pansamantala Siya ay isa lamang bata, na sa sagradong kapayapaan ng Templo, ay nagtatatag at nagtatatag pa ulit ng mas malapit at mas malapit pang mga kaugnayan, mga damdamin at mga alaala sa Kanyang Diyos.

Ito ay para sa lahat.

⁸Ngunit para sa iyo, Aking munting Maria, ang iyo bang Tagapagturo ay walang espesyal na sasabihin sa iyo? “Maglakad sa loob ng Aking presensya, maging perpekto kung gayon”. Aking binabago nang kaunti ang sagradong parirala at binibigay Ko ito sa iyo bilang utos. Maging perpekto sa pagmamahal, perpekto sa kagandahang-loob, perpekto sa paghihirap. Tingnan muli ang Ina. At isipin kung ano ang di-pinapansin ng napakarami o gustong huwag pansinin, sapagkat ang pamimighati, ay labis na nakayayamot sa kanilang panlasa at sa kanilang espiritu. Pamimighati. Si Maria ay naghirap mula pa sa pinaka-unang-unang oras ng Kanyang buhay. Ang maging perpekto katulad ng Kanyang pagiging perpekto ay nagpapakahulugan ng pagkakaroon ng isang perpektong katalasan ng pakiramdam. Ang resulta nito ang sakripisyo ay nagiging mas nakapanlalagos. At kung gayon mas nakapagbibigay ng merito. Ang nagtataglay ng kadalisayan ay nagtataglay ng pagmamahal, ang nagtataglay ng pagmamahal ay nagtataglay ng karunungan, ang nagtataglay ng karunungan ay nagtataglay ng kagandahang-loob at kabayanihan, sapagkat nalalaman niya kung bakit niya ginagawa ang isang sakripisyo. Itaas ang inyong espiritu, kahit na kung ang krus ay binabaluktot kayo, binabali kayo at pinapatay kayo. Ang Diyos ay kasama mo.»

(42)010610/021613/032313


Sunod na kabanata.