81. Sa Piyordo ng Jordan. Pakikipagtagpo sa mga Pastol na Sina Juan, Matthias at Simeon.

Enero 18, 1945.

¹Nakikita ko muli ang piyordo ng Jordan: ang berdeng daan na nagpapanabi sa ilog sa dalawang pampang, bugbog sa mga paa ng maraming manlalakbay gawa ng lilim nito. Mga linya ng maliliit na asno ay paparoo’t parito, pati na rin ang maraming mga tao. Sa pampang ng ilog, tatlong lalaki ang nagpapastol ng kaunting bilang ng mga tupa.

Si Jose ay nasa daan, naghihintay, at siya ay tumitingin pataas at pababa.

Si Jesus ay lumitaw sa malayo, kasama ang Kanyang tatlong disipulo, sa sangahan ng daan ng ilog at ng pangunahing daan. Si Jose ay tinawag ang mga pastol, na pinasusunod ang mga tupa sa daan, pinadadaan ito sa madamong pampang. Sila ay naglakad nang mabilis patungo kay Jesus.

«Wala akong lakas ng loob… Ano ang aking sasabihin upang batiin Siya?»

«O! Siya ay mabait! Sabihin: “Kapayapaan sa Inyo”. Lagi Niyang sinasabi iyan.»

«Oo, Siya… ngunit tayo…»

«At ano sa akin? Ni hindi ako ang isa sa Kanyang unang mga tagasamba, at Siya ay gustung-gusto ako… o! gustung-gusto!»

«Alin dito?»       :

«Ang pinakamataas na Isa, na may magandang buhok.»

«Matthias, sasabihin ba natin sa Kanya ang tungkol kay Juan Bautista?»            

«Siyempre sasabihin natin!»

«Hindi ba Niya iisipin na mas gusto natin si Juan Bautista kaysa sa Kanya?»

«Hindi, Simeon. Kung Siya ay ang Mesiyas, nakakakita Siya sa loob ng mga puso ng tao, at sa loob natin makikita Niya na kay Juan Bautista hinahanap pa rin natin Siya.»

«Oo, tama ka.»

Ang dalawang grupo ay mga ilan metro na lamang ang layo. Si Jesus ay ngumingiti ng Kanyang di-maisasalarawang ngiti. Si Jose ay binilisan ang kanyang hakbang. Ang mga tupa rin ay nagsimulang tumakbo tinataboy ng mga pastol.

«Kapayapaan sa inyo» sabi ni Jesus itinataas ang Kanyang mga kamay na tila niyayakap Niya sila. At Kanyang nilinaw: «Kapayapaan sa inyo, Simeon, Juan at Matthias, matatapat sa Akin, at matatapat kay Juan ang Propeta! Kapayapaan sa iyo, Jose» at hinahalikan Niya siya sa kanyang mga pisngi. Ang tatlong iba pa ay ngayon nasa kanila nang mga tuhod. «Halikayo, Aking mga kaibigan. Sa ilalim ng mga punong ito, sa nakalantad na kanal ng ilog at tayo ay mag-usap.»

Sila ay lumúsong at si Jesus ay naupo sa isang nakausling ugat, ang iba pa sa lupa. Si Jesus ay ngumingiti at tinitingnan sila nang sadya, isa-isa: «Hayaan masanay Ako sa inyong mga mukha. Ang inyong mga kaluluwa ay kilala Ko na, mga kaluluwa na naghahanap at nagmamahal sa kung ano ang mabuti laban sa lahat ng makamundong mga pagnanasa. Sina Isaac, Elias at Levi ay pinaaabot sa inyo ang kanilang mga pagbati, at mayroon pang ibang mga pagbati, mula sa Aking Ina. ²Mayroon ba kayong kahit anong balita tungkol kay Juan?»

Ang mga lalaki, magpahanggang ngayon nabubusalan ng kahihiyan, ay naglakas-loob. Nakatagpo sila sa wakas ng mga salita: «Siya ay nasa kulungan pa. Ang aming mga puso ay nanginginig para sa kanya, sapagkat siya ay nasa kamay ng isang malupit na tao na napangingibabawan ng isang maka-dimonyong bagay at napaliligiran ng isang bulok na korte. Minamahal namin siya… Alam Ninyo na minamahal namin siya at nararapat siya ng aming pagmamahal. Pagkatapos na Kayo ay makaalis sa Bethlehem, kami ay inusig ng mga tao… ngunit kami ay bagabág at nasiraan ng loob sapagkat nawala Kayo sa amin, kaysa ng kanilang kapootan, at katulad namin ang mga punungkahoy na binunot sa lupa ng hangin. Pagkatapos, pagkaraan ng mga taon ng paghihirap, katulad ng isang tao, na ang mga pilikmata ay itinahi, nagsikap siyang makita ang araw, ngunit di makita, dahil din siya ay nasa isang kulungan, ngunit nararamdaman ang init ng araw sa kanyang katawan, naramdaman namin na si Juan Bautista ay ang tao ng Diyos, na hinulaan ng mga Propeta na siyang maghahanda sa daan ng Kanyang Kristo at kami ay pumunta sa kanya. Sinabi namin: “Kung si Juan Bautista ay mauuna sa Kanya, kung tayo ay pupunta kay Juan Bautista, matatagpuan natin Siya.” Sapagkat, aking Panginoon, Kayo ito na siyang aming hinahanap.»

«Alam Ko, at natagpuan ninyo Ako. At ngayon Ako ay kasama na ninyo.»

«Si Jose ay sinabi sa amin na pumunta Kayo kay Juan Bautista. Ngunit wala kami roon noong araw na iyon.  Baka kami ay pinadala niya kung saan. Pinaglilingkuran namin siya, sa espirituwal na mga bagay, kapag hinihingi niya sa amin, nang may labis na pagmamahal, at nakikinig kami sa kanya nang may pagmamahal, bagama’t napakahigpit niya, sapagkat siya ay hindi Kayo – ang Salita – ngunit lagi siyang nagsasalita ng mga salita ng Diyos.»

«Alam Ko. ³At kilala ba ninyo ang taong ito?» at tinuturo Niya si Juan.

«Nakikita namin siya kasama ang iba pang mga Galilean sa loob ng mga pulutong ng mga pinakamatatapat kay Juan Bautista. At, kung hindi kami nagkakamali, ikaw ang isa na ang pangalan ay Juan, at ang tungkol kanino lagi siyang nagsasabi sa amin, kanyang mga pinakamalapit na disipulo: “Naririto: ako ang una, siya ang huli. At pagkatapos: siya ang magiging una at ako ang huli”. Ngunit hindi namin maintindihan ang kanyang ibig sabihin.»

Si Jesus ay lumingon sa Kanyang kaliwa kung saan naroroon si Juan at Kanya siyang idinikit sa Kanyang puso at nang may napakabait na ngiti Siya ay nagpaliwanag: «Ang ibig niyang sabihin siya ang una na nakapagsabi: “Naririto ang Kordero” at ang Juan na isang itong naririto ay ang magiging huli sa mga kaibigan ng Anak ng tao, na magsasalita ng tungkol sa Kordero sa mga pulutong; ngunit sa loob ng puso ng Kordero, si Juan ay ang una, sapagkat siya ay mas mahal sa Kordero kaysa sa iba pang tao. Iyan ang ibig niyang sabihin. Ngunit kapag makita ninyo si Juan Bautista – makikita ninyo siyang muli, at paglilingkuran ninyo siyang muli hanggang sa itinakdang oras – sabihin sa kanya na siya ay hindi ang huli sa puso ng Kristo. Hindi labis dahil sa dugo, katulad na ito ay dahil sa kanyang kabanalan, siya ay minamahal katulad na minamahal si Juan. At alalahanin iyan. Kung ang santo sa kanyang kababaang-loob ay pinoproklama ang kanyang sarili na “huli”, ang Salita ng Diyos ay pinoproklama siyang kapantay ng disipulo na mahal sa Akin. Sabihin sa kanya na minamahal Ko ang disipulong ito sapagkat kaparehas niya ang kanyang pangalan at sapagkat natagpuan Ko sa kanya ang mga tanda ni Juan Bautista, na siyang naghahanda sa mga kaluluwa para sa Kristo.»

«Sasabihin namin sa kanya… Ngunit makikita pa ba namin siya ulit?»

«Oo, makikita ninyo.»

⁴«Oo, si Herodes ay hindi mangahas na patayin siya dahil sa takot sa mga tao at sa kanyang korte, na puno ng kasakiman at kabulukan, magiging madali na mapalaya siya kung kami ay maraming pera. Ngunit, bagama’t marami dahil nagbigay nang husto ang mga kaibigan – malaki pa rin ang kulang. At natatakot kami na kami ay mawawalan ng panahon… at siya ay baka patayin.»

«Gaano sa palagay ninyo ang inyong kailangan para pantubos?»

«Hindi para sa pantubos sa kanya, Panginoon. Siya ay labis na kinapopootan ni Herodias at labis ang kanyang kontrol kay Herodes, na isipin ang posibilidad na pantubos. Ngunit sa palagay ko ang lahat na sakim na tao sa kaharian ay nagkaipun-ipon sa Machaerus. Ang lahat ay nananabik na magkaroon ng masarap na oras at mangibabaw, mula sa mga ministro hanggang sa ibaba sa mga katulong. At upang magawa ito mangangailangan sila ng pera… Natagpuan na rin namin ang magpapalabas kay Juan Bautista para sa isang malaking halaga ng pera. Baka si Herodes din ay mas gugustuhin ito… sapagkat siya ay natatakot. Hindi dahil sa kung ano pang ibang rason, at siya ay hindi maaakusahan na hindi niya sinunod si Herodias.»

«At magkano ang gusto ng taong iyon?»

«Dalawampung pilak na talento. Ngunit mayroon lamang kami ng labindalawa’t kalahati.»

«Judas, sinabi mo na ang mga alahas na iyon ay magaganda.»

«Oo, magaganda at mahahalaga.»

«Magkano magkakahalaga ang mga iyon? Sa palagay Ko ikaw ang eksperto.»

«Oo, ako ay isang magaling na maghusga. Bakit ibig Ninyong malaman kung magkano ang halaga ng mga iyon, Guro? Ibig ba Ninyong ipagbili ang mga iyon? Bakit?»

«Baka… Sabihin mo sa Akin: magkano iyon magkakahalaga?»

«Mga anim na talento man lamang, kung maipagbibili sila nang mabuti.»

«Nakakatiyak ka?»

«Oo, Guro. Ang kuwintas na lang mismo, napakalaki at mabigat, ng purong ginto, ay magkakahalaga man lamang ng tatlong talento. Tiningnan ko ito nang mabuti. At ang mga pulseras din… Hindi ko malaman kung papaano ang maninipis na pupulsuhan ni Aglae nahahawakan ang mga iyon.»

«Ang mga iyon ay ang kanyang mga posas, Judas.»

«Totoo iyan, Guro… Ngunit napakarami ang may gusto na magkaroon ng magagandang posas na gayon!»

«Sa palagay mo? Sino?

«Bueno… maraming tao!»

«Oo, marami na mga tao lamang sa pangalan… At may nalalaman ka bang posibleng bibili?»

«Kung gayon, ibig Ninyong ipagbili ang mga iyon? At ito ba ay para kay Juan Bautista? Ngunit tingnan Ninyo, iyon ay isinumpang ginto!»

«O! Pagbabagu-bago ng tao! Kasasabi mo pa lamang nang may kitang-kitang pagmimithi, na maraming tao ang ibig na magkaroon ng gintong iyon, at pagkatapos sasabihin mo na iyon ay isinumpa?! Judas, Judas!... Iyon ay isinumpa, totoo nga. Ngunit sinabi ni Aglae: “Iyan ay mapapabanal kung gagamitin para sa mahihirap at banal na mga tao” at iyan kung bakit niya iyon binigay, na ang sinuman na makinabang dito, ay baka magdasal para sa kanyang kaluluwa na katulad ng embryo ng isang paru-paro sa hinaharap ay sana lumaki sa loob ng binhi ng kanyang puso. Sino ang mas banal at mas mahirap pa kaysa kay Juan Bautista? Siya ay kapantay si Elijah sa kanyang misyon ngunit mas dakila kaysa kay Elijah sa kabanalan. Siya ay mas mahirap pa kaysa sa Akin. Ako ay may isang Ina at isang tahanan… At kapag ang isa ay may ganyang mga bagay, at puro at banal katulad ng mayroon Ako, ang isa ay hindi kailanman kaawa-awa. Siya ay wala nang tahanan, at ni wala na sa kanya ang libingan ng kanyang ina. Ang lahat ay pinakialaman at nilapastangan ng malaking kasalanan ng tao. ⁵Kung gayon sino ang bibili?»

«Mayroong isa sa Jericho at marami sa Herusalem. Ngunit ang isa sa Jericho!!! Siya ay isang tuso na Levantine na platero ng ginto, isang buwaya, isang ahente, isang bugaw, siya ay tiyak na isang magnanakaw, baka isang mamamatay-tao, siya ay tiyak na inuusig ng Roma. Pinalitan niya ang kanyang pangalan na maging Isaac, upang tingnan na isang Hebreo… Ngunit ang kanyang tunay ng pangalan ay Diomedes. Kilalang-kilala ko siya…»

«Oo, nakikita namin iyan!» pakialam ni Simon Zealot, na kaunti kung magsalita, ngunit napupuna ang lahat. At siya ay nagtanong: «Bakit kilalang-kilala mo siya?»

«Bueno… alam mo… Upang mapasaya ang ilang malalakas na kaibigan. Ako ay nakipagkita sa kanya… at nakipag-transaksiyon nang kaunti… Alam mo… kami na mga mula sa Templo…»

«Alam ko… ginagawa mo ang lahat na klase ng trabaho» pagtatapos ni Simon nang may malamig na panunuya. Si Judas ay uminit, ngunit nanatiling tahimik.

«Bibilhin ba niya?» tanong ni Jesus.

«Sa palagay ko. Siya ay maraming pera. Siyempre, ang isa ay kailangan na magaling sa pagbebenta sapagkat ang Griyego ay tuso at kung makita niya na siya ay nakikipagusap sa isang makatotohanang tao, na hihina-hina, sasakalin niya siya nang walang-awa. Ngunit kung siya ay makikipagusap sa isang buwitreng katulad niya…»

«Kailangan na ikaw ang pumunta, Judas. Ikaw ang tamang tao. Ikaw ay kasing tuso ng isang lobo at mapanílâ katulad ng isang buwitre. O! Patawarin Ninyo ako, Guro. Ako ay nagsalita bago Kayo!» sabi ulit ni Simon.

«Ganyan din ang Aking opinyon, at sasabihin Ko kung gayon kay Judas na pumunta. Juan, ikaw ay sasama sa kanya. Magkikita muli tayo paglubog ng araw, at ang tagpuang lugar ay ang liwasan ng palengke. Lakad. At gawin ang makakayanan mo.»

Si Judas ay tumayo kaagad. Ang mga mata ni Juan ay nangungusap katulad ng isang pinarusahan na tuta. Ngunit si Jesus ay nagsasalita sa mga pastol at hindi napuna ang nangungusap na tingin ni Juan. At si Juan ay lumakad sa likuran ni Judas.

⁶«Ibig Kong makita Ko kayo na masaya» sabi ni Jesus.

«Lagi Ninyo kaming magagawang masaya, Guro. Pagpalain nawa Kayo ng Diyos para rito. Ang lalaki bang iyon ay isang kaibigan Ninyo?»

«Oo, siya nga. Sa palagay na ninyo siya ay hindi dapat?»

Ang pastol na si Juan ay itinungo ang kanyang ulo, at nanatiling tahimik. Si Simon, ang disipulo, ay nagsalita: «Tanging siya lamang na mabuti, ang makakakita.  Ako ay hindi mabuti, at kung gayon hindi ko nakikita kung ano ang nakikita ng Kagandahang-loob. Nakikita ko ang panlabas. Kung sino ang mabuti ay napapasok din nito ang panloob. Ikaw, Juan, ay nakakakita nang katulad ko. Ngunit ang Guro ay mabuti… at nakakakita…»

«Ano ang nakikita mo sa loob ni Judas, Simon? Gusto Kong sabihin mo sa Akin.»

«Bueno, kapag tinitingnan ko siya, naiisip ko ang ilan na misteryosong mga lugar na nagmumukhang mga lungga ng mababangis na hayop at ang ma-malarya na mga sanaw. Tanging malaking pagkakabuhul-buhol lamang ang makikita at ang isa ay mahihintakutan, at iiwas… Sa halip… sa likuran nito ay may mga kalapati at mga ruwinsensor at ang lupa ay mayaman sa malusog na mga tubig at nakabubuting mga yerba. Ibig kong maniwala na si Judas ay katulad niyan… Sa palagay ko siya nga ay maaaring ganito, sapagkat pinili Ninyo siya. At nalalaman Ninyo…»

«Oo, nalalaman Ko… Maraming kapintasan sa puso ng taong iyon…  Ngunit may ilan siyang mabubuting punto. Nakita mo mismo ito sa Bethlehem at sa Kerioth. At ang kanyang mabubuting punto na pantao ay kailangan na maitaas sa isang espirituwal na kabutihan. Si Judas kung gayon ay magiging katulad ng gusto mong  maging siya. Siya ay bata pa…»

«Si Juan din ay bata pa…»

«At sa iyong puso, sa hinuha mo siya ay mas mabuti. Ngunit si Juan ay si Juan! Mahalin ang kaawa-awang si Judas, Simon, nakikiusap Ako sa iyo. Kung mahal mo siya… siya ay lalabas na mas mabuti.»

«Nagsisikap ako na mahalin siya, alang-alang sa Inyo. Ngunit sinisira niya ang lahat ng aking mga pagsisikap na tila ang mga ito ay patpat… Ngunit, Guro, may iisang batas lamang para sa akin: ang gawin ang gusto Ninyo. Mamahalin ko kung gayon si Judas, bagama’t ang isang bagay na nasa loob ko ay sumisigaw laban sa kanya at sa akin mismo.»

«Ano iyon, Simon?»

«Hindi ko alam nang eksakto kung ano ito: isang bagay na nakakatulad ng sigaw ng tanod sa gabi… at nagsasabi sa akin: “Huwag matulog! Magbantay!” Hindi ko alam. Ang isang bagay na iyan ay walang pangalan. Ngunit iyan ay naririto… sa loob ko, laban sa kanya.»

«Kalimutan mo ang tungkol diyan, Simon. Huwag mag-abala na bigyan iyan ng isang pangalan. Mas mabuti na ang hindi malaman ang ilan na mga katotohanan… at maaaring nagkakamali ka. Iwanan ang tungkol diyan sa iyong Guro. Ibigay mo sa Akin ang iyong pagmamahal, at makatitiyak ka na nagagawa Ako niyan na masaya…»

At ang lahat ay nagtatapos.

(433)220810/012913/042013

Sunod na kabanata.