84. Si Jesus Tinagpo si Lazarus sa Bethany.

Enero 21, 1945.              

¹Ngayon ay isang napakaliwanag na bukang-liwayway ng tag-init. Kaysa bukang-liwayway, ito ay kaagahan ng umaga, sapagkat ang araw ay mataas na sa kagiliran at tumataas pa nang tumataas ngumingiti sa kaakit-akit na lupa. Ang bawat tangkay ay kumikislap na may hamog. Ang lahat na bituing gabi ay tila naging ginto at hiyas-na-batong alikabok para sa lahat na mga tangkay at sa lahat na mga dahon; kahit para sa mga batong nakakalat sa lupa, ang mala-silica na maliliit na mga kapiraso nito, basa ng hamog, ay tila mga pulbos na brilyante o gintong alikabok.

Si Jesus at si Simon ay naglalakad sa tabi ng isang maliit na daan na humihiwalay sa pangunahing kalsada sa matulis na anggulo katulad ng isang V. Sila ay patungo sa maringal na mga taniman ng mga punungkahoy at sa mga bukid ng lino  na kasing taas ng isang tao, halos handa nang gapasin. Ang iba pang mga bukid, sa mas malayo pa, ay nagpapakita lamang ng matingkad na pulang mga pulo ng mga amapola kabilang ng dilaw na mga tuud-tuod.

«Tayo ngayon ay nasa pag-aari na ng aking kaibigan. Makikita Ninyo, Guro, na ang distansiya ay nasa loob ng kautusan ng Batas. Hindi ko kailanman pangangahasan ang linlangin Kayo. Sa likuran ng taniman ng mga mansanas na iyon ay ang pader ng hardin at ang bahay. Ginawa ko Kayo na dumaan sa gawing mas maikling daan na ito upang maging nasa loob ng ipinag-uutos na milya.»

«Ang iyong kaibigan ay napakayaman!»

«Oo, napaka. Ngunit siya ay hindi masaya. Nag-aari din siya ng mga ari-arian sa iba pang mga lugar.»

«Siya ba ay isang Pariseo?»

«Ang kanyang ama ay hindi. Siya... ay napaka masunurin. Sinabi ko sa Inyo: isang totoong Israelita.»

Sila ay naglakad nang kaunti pa. May isang mataas na pader, at sa kabila nito, mga punungkahoy at mga punungkahoy pa, na ang bahay umuusli lamang sa mga ito. May isang pagtaas sa lupa rito, na, bagaman, ay hindi napahihintulutan ang isa na makita ang hardin, napakaganda na tatawagin natin ito na isang pasyalan.

Sila ay umikot sa kanto. Ang takbo ng pader ay pantay at mula sa itaas nito ang sala-salabid na mga sanga ng mga rosal at mabangong nangangamoy na mga hasmin ay nakabitin, maluningning sa kanilang mahamog na mga korola. Naroon ang mabigat na pundidong bakal na geyt. Si Simon ay kumakatok sa pamamagitan ng mabigat na tansong pangkatok.

«Napakaaga pang pumasok, Simon» wika ni Jesus.

«O! Ang aking kaibigan ay bumabangon pagsikat ng araw, dahil nakakakuha lamang siya ng kaginhawahan sa loob ng kanyang hardin o sa kanyang mga aklat. Ang gabi ay isang pagpapahirap sa kanya. Pakiusap na huwag nang mag-antala pa na mabigyan siya ng Inyong lugod.»

²Ang isang katulong ay binuksan ang geyt.

«Magandang umaga, Aseus. Sabihin sa iyong panginoon na si Simon Zealot ay dumating kasama ang kanyang Kaibigan.»

Ang katulong ay tumakbong umalis pagkatapos na sila ay napapasok, nagsasabing: «Ang inyong lingkod ay binabati kayo. Pasok kayo, ang bahay ni Lazarus ay bukas sa kanyang mga kaibigan.»

Si Simon, na kabisado ang lugar, ay hindi pumunta sa sentrong daanan, bagkus lumiko sa tabi ng isang landas na patungo sa direksiyon ng isang gloryeta ng hasmin sa pagitan ng mga hilera ng rosal.

Pagkaraan nang kaunti si Lazarus ay lumalapit mula sa gloryeta. Siya ay payat at maputla, katulad ng lagi ko siyang nakikita, at matangkad: ang kanyang maikling buhok ay ni hindi makapal o kulot, habang ang kanyang maliit na madalang na balbas ay naroon lamang sa mababang bahagi ng kanyang baba. Nakasuot siya ng niyebeng-kaputian na linen na damit, at naglalakad nang may kahirapan katulad ng isang naghihirap dahil sa problema sa paa.

Nang makita niya si Simon ikinaway niya ang kanyang kamay nang madamdamin at pagkatapos, hangga’t sa magagawa niya, siya ay tumakbo patungo kay Jesus at ibinagsak ang kanyang sarili sa kanyang mga tuhod, yumukong pababa sa lupa upang halikan ang laylayan ng tunika ni Jesus, nagsasabing: «Ako ay hindi karapat-dapat ng labis na parangal. Ngunit sa dahilan na ang Inyong kabanalan ay yumuko sa aking kahirapan, halikayo, aking Panginoon, pumasok Kayo at maging ang Panginoon sa loob ng aking abang bahay.»

«Bumangon, Aking kaibigan. At tanggapin ang Aking kapayapaan.»

Si Lazarus ay tumayo at hinalikan ang mga kamay ni Jesus at tinitingnan Siya nang may pagpipitagan hindi nang walang pag-uusyoso. Sila ay naglakad patungo sa bahay.

«Gaanong may-pananabik akong naghintay para sa Inyo! Sa tuwing umaga, sa bukang-liwayway, sasabihin ko: “Siya ay pupunta ngayon”, at sa tuwing gabi sinasabi ko: “Hindi ko rin Siya nakita ngayon”.»

«Bakit mo Ako hinihintay nang may labis na pananabik?»

«Sapagkat... sino ang aming hinihintay sa Israel, bagkus Kayo?»

³«At naniniwala ka ba na Ako ang Hinihintay na Isa?»

«Si Simon ay hindi kailanman nagsinungaling, ni hindi siya isang bata na mananabik tungkol sa wala. Ang edad at ang kapighatian ay nagawa siyang maging kasing gulang ng isang marunong na tao. Maging ano pa man... kahit na kung hindi niya nakilala ang Inyong totoong kalikasan, ang Inyong mga gawa ay makapagsasalita at magsasabi na Kayo ay isang “Santo”. Ang sinuman na nakagagawa ng mga gawain ng Diyos, ay maaaring isang tao ng Diyos. At nagagawa Ninyo ang mga ito. At nagagawa Ninyo ang mga bagay-bagay sa isang pamamaraan na nagsasabi kung gaano nga Kayo ang Tao ng Diyos. Ang aking kaibigan ay pumunta sa Inyo dahil sa kabantugan ng Inyong mga himala at tumanggap siya ng isang himala. At alam ko na ang Inyong daan ay may kalat ng mga himala. Bakit, kung gayon, hindi maniwala na Kayo ang Hinihintay na Isa? O! Napakatamis na paniwalaan kung ano ang mabuti! Kailangan naming magkunwaring pinaniniwalaan bilang mabuti, ang maraming mga bagay na hindi mabuti, alang-alang sa kapayapaan, sapagkat magiging walang saysay ang baguhin sila; maraming nakapagdududang mga salita na tila pamumuri, papuri, kabaitan ng puso, at sa halip panunuya at pamimintang, lason natatakpan ng pulot, na kailangan naming magkunwaring pinaniniwalaan sila, bagamat nalalaman namin na sila ay lason, pamimintang, panunuya... kailangan naming gawin iyan sapagkat... hindi posibleng gawin ang iba, at kami ay mahina laban sa buong mundo na malakas, at kami ay nag-iisa laban sa isang buong mundong ostil sa amin... bakit, kung gayon, mahihirapan kaming paniwalaan kung ano ang mabuti? Sa kabilang dako ang panahon ay hinog na at ang mga tanda ng panahon ay naririto na. Kung anuman ang nawawala pa upang maging tiyak ang paniniwala at hindi kailanman pagdududahan, ay kailangan na maitustos ng aming pananabik na maniwala at mapatahimik ang aming mga puso sa katiyakan na ang paghihintay ay tapos na at na ang Tagapagtubos ay dumating na, ang Mesiyas ay naririto na... Siya Na magbibigay ng kapayapaan sa Israel, at sa mga anak ng Israel, Na gagawin kaming mamatay na walang paghihirap ng kalooban, nalalaman na kami ay natubos na, at magagawa kaming mamuhay nang wala ang nostalhiyang pakiramdam para sa aming mga patay... O! Ang mga patay! Bakit ikalungkot ang kanilang kamatayan, kung hindi dahil sa, dahil nawalan na sila ng kahit alinman sa mga anak, wala pa sa kanila ang Ama at Diyos?»

«Matagal na bang patay ang iyong ama?»

Tatlong taon, at ang aking ina pitong taon... ngunit hindi ko na ipinananambitan ang kanilang mga kamatayan... gusto ko na rin na mapunta kung saan sila inaasahan kong naroroon sa paghihintay sa Langit.»

«Na sa gayong kaso hindi mapapasaiyo ang Mesiyas bilang iyong panauhin.»

«Iyan ay totoo. Ngayon ako ay nasa mas magandang katayuan kaysa sa kanila, dahil naririto Kayo sa akin... at ang aking puso ay kumakalma dahil sa lugod na ito. Pasok Kayo, Guro. Pagkalooban ako ng karangalan na gawin ang aking bahay na sa Inyo. Ngayon ay ang Sabbath at hindi ako makapag-aanyaya ng mga kaibigan upang parangalan Kayo...»

«Ni hindi Ko iyan hihilingin. Ngayong araw Ako ay lubos na para sa kaibigan ni Simon at Akin.»

⁴Sila ay pumasok sa isang magandang bulwagan, kung saan nakahanda na ang ilang mga katulong upang tanggapin sila. «Pakiusap na sundan sila» sabi ni Lazarus. «Makapagpapalamig Kayo bago ang pagkain sa umaga.» At habang si Jesus at si Simon ay patungo sa isa pang silid, si Lazarus ay nagbibigay ng mga tagubilin sa mga katulong. Nakikita ko na ang bahay ay pag-aari ng mayayamang tao at ito ay may napaka kapinuhan din...

... Si Jesus ay umiinom ng kaunting gatas, na ipinipilit ni Lazarus sa siya mismo ang personal na magsilbi, bago maupo sa mesa para sa pagkain sa umaga.

Naririnig ko si Lazarus na kinakausap si Simon at nagsasabi sa kanya: «Nakita ko na ang tao na pumapayag na bumili sa iyong ari-arian, at pumapayag sa presyo na itinalaga ng iyong ahente bilang makatarungang halaga. Hindi siya tumatawad ng kahit isang drachma.»

«Ngunit pumapayag ba siya sa aking mga kondisyon?»

«Oo, pumapayag siya. Tinatanggap niya ang lahat, maliban na makukuha niya ang ari-arian. At masaya ako sapagkat kilala ko man lamang ang aking katabi. Ngunit, sa dahilan na ayaw mong naroroon ka sa transaksiyon, gusto na rin niya na siya ay manatiling hindi mo kilalá.  At hihingin ko sa iyo na pumayag sa kanyang kahilingan.»

«Wala akong nakikitang dahilan na dapat hindi ako pumayag. Ikaw, aking kaibigan, ang tatayo sa aking lugar... Anuman ang gawin mo, ay mabuting pagkagawa. Sapat na para sa akin na ang aking tapat na katulong ay hindi napalayas... Guro, nagbebenta ako, at sa ganang akin, masaya ako na wala nang magpipigil sa akin na kahit ano na hindi sa paglilingkod para sa Inyo. Ngunit mayroon akong isang matapat na katulong, ang tanging natirang isa pagkaraan ng aking kasawiang-palad at, katulad ng nasabi ko na sa Inyo, lagi niya akong tinulungan sa loob ng aking pag-iisa, pinangangasiwaan ang aking ari-arian, na tila iyon ay sarili niya, hindi lamang, bagkus, sa tulong ni Lazarus, pinalalabas na iyon ay sa kanya, upang mailigtas ito at kung gayon natutulungan ako sa pananalapi. Ngayon magiging hindi makatarungan kung pababayaan ko siya nang walang natutuluyan, ngayon na siya ay matanda na. Nagpasya ako na ang isang maliit na bahay, malapit sa hangganan ng ari-arian, ay maging pag-aari niya at na ang bahagi ng pera ay ibigay sa kanya para sa kayang pagmamantini sa hinaharap. Ang matatandang tao, alam Ninyo, ay katulad ng mga kapít na tanim: bilang namuhay nang matagal sa isang lugar, naghihirap sila nang labis kapag pinalalayas doon. Gusto ni Lazarus na makuha niya ang aking katulong sapagkat mabuti siya. Ngunit mas ginusto ko ang gayon. Ang matanda ay hindi maghihirap nang labis...»

«Mabuti ka rin, Simon. Kung ang lahat ay kasing makatarungan katulad mo, ang Aking misyon ay magiging mas madali...» wika ni Jesus.

⁵«Natatagpuan ba Ninyo ang mundo na salungat, Guro?» tanong ni Lazarus.

«Ang mundo?... Hindi. Ang Lakas ng mundo: si Satanas. Kung siya ay hindi ang panginoon ng mga puso ng tao at hindi sila nahahawakan, hindi Ako makatatagpo ng kahit anong panlalaban. Ngunit ang Kasamaan ay laban sa Mabuti, at kinakailangan Kong matalo ang kasamaan sa bawat tao upang mailagay ang mabuti sa kanila... at hindi sila lahat payag...»

«Iyan ay totoo. Sila ay hindi payag! Guro: anong mga salita ang Inyong ginagamit upang makumberti at makumbinsi ang mga makasalanan? Mga salita ng paninisi, katulad ng mga salita na pumuno sa kasaysayan ng Israel laban sa nagkakasalang mga tao, at ang Prekursor ay ang huling gumamit nito, o mga salita ng awa?»

«Pagmamahal at awa ang ginagamit Ko. Maniwala sa Akin, Lazarus, ang isang mapagmahal na sulyap ay mas makapangyarihan sa mga bumagsak, kaysa isang sumpa.»

«At kung ang pagmamahal ay pinagtatawanan?»

«Ang isa ay kailangan na mamilit. Mamilit sa pinaka sukdulan. Lazarus, nalalaman mo ba yung mga lupain kung saan ang mga kumunoy ay nilulunok ang di-nagmamalay na mga tao?»

«Oo, alam ko. Nakapagbasá ako tungkol sa kanila, sapagkat sa aking sitwasyon marami ako kung magbasa, kapwa dahil sa pananabik at upang mapalampas ang mahahabang di-makatulog na mga oras sa gabi. Alam ko na may ilan sa Syria at sa Ehipto, at sa ilan din malapit sa Chaldeans. Alam ko na katulad nila ang mga maninipsip. Sinisipsip nila ang kanilang nahuhuli. Ang isang Romano ay nagsasabi na ang mga ito ay ang mga bunganga ng Impiyerno, kung saan ang paganong mga halimaw ay nakatira. Totoo ba ito?»

«Hindi, iyan ay hindi totoo. Sila ay isang espesyal na mga pormasyon lamang ng lupa. Ang Olympus ay walang pakialam sa kanila. Ang mga tao ay titigil sa paniniwala sa Olympus, at ang mga iyan ay mananatiling nandiyan pa rin, at ang progreso ng sangkatauhan ay makapagbibigay lamang ng isang mas makatotohanang kapaliwanagan tungkol sa kanila, ngunit hindi nito ito maaalis. Ngayon sasabihin Ko sa iyo: dahil nakapágbasa ka tungkol sa kanila, baka nabasa mo rin kung papaano ang isang tao na bumagsak sa mga ito maililigtas.»

«Oo, sa pamamagitan ng isang lubid na itinapon sa tao, o sa pamamagitan ng isang kahoy o kahit na ng isang sanga. Kung minsan ang isang maliit na bagay ay sapat nang makapagbigay sa isang lumulubog na tao ng pinakamaliit na suportang mahahawakan, at bilang karagdagan, ang kinakailangan na kakalmahan, nang hindi nanlalaban, upang mahintay ang tulong.

«Bueno, ang isang makasalanan, ang isang taong naalihan, ay isa na nahigop ng isang manlilinlang na lupa, na ang ibabaw nito ay punó ng mga bulaklak, samantalang ang ilalim ay isang kumunoy. Sa palagay mo ba na ang isang tao kung nalalaman lamang niya ang ibig sabihin ng magbigay ng kahit isang atoma ng kanyang sarili kay Satanas, gagawin niya ito? Ngunit hindi niya nalalaman... at pagkatapos... ang pagtataka at ang lason ng Kasamaan ay paparalisahin siya, o gagawin siyang mabaliw at upang maiwasan ang pangungutya ng konsiyensya na siya ay mawawala siya ay manlalaban, hahawak siya sa ibang mga buhangin, makagagawa siya ng malalaking alon sa pamamagitan ng kanyang biglaang mga paggalaw, at kung gayon mapapadali ang kanyang sariling katapusan. Ang pagmamahal ay ang lubid, ang kawad, ang sanga na binanggit mo. Kailangan na mamilit ka, mamilit... hanggang sa ito ay mahawakan. Isang salita... pagpapatawad... isang pagpapatawad na mas malaki pa kaysa sa pagkakamali... para lamang mapatigil ang paglubog at mahintay ang tulong ng Diyos. Lazarus, nalalaman mo ba ang kapangyarihan ng pagpapatawad? Nakukuha nito ang Diyos na matulungan ang nagliligtas... ⁶Nagbabasa ka ba nang labis?»

«Oo, labis. Ngunit hindi ko alam kung ginagawa ko ang tamang bagay. Ang aking sakit at... ang iba pang mga bagay ay napagkaitan ako ng maraming kinasisiyahan ng mga lalaki... at ngayon mayroon na lamang ako ng masimbuyong damdamin para sa mga bulaklak at sa mga aklat. Para sa mga tanim at para rin sa mga kabayo. Alam ko na ako ay pinupuna para dito. Ngunit papaano ako makakarating sa aking mga lupa sa ganitong kalagayan (at inaalisan niya ng takip ang dalawang malalaking binti na ganap na nababalot ng mga bendahe) nang paglalakad o pangangabayo sa isang mola? Kailangan kong gumamit ng isang kariton, at isang mabilis na kariton. Iyan kung bakit bumili ako ng ilang mga kabayo, na ngayon ay kinahihiligan ko na nang labis, tinatanggap ko ito. Ngunit kung sasabihin Ninyo sa akin na iyan ay mali... ipagbibili ko sila.»

«Hindi, Lazarus. Ang mga iyan ay hindi nakapagpaparuming mga bagay. Kung ano ang nagpapabalisa sa kaluluwa at nagpapalayas mula sa Diyos ay ang dahilan ng kurupsiyon.»

«Ngayon, Guro. Ang ibig kong malaman ay ito. Marami ako kung mágbasá. Ito lamang ang kaginhawahan na mayroon ako. Ibig kong matuto... Sa palagay ko na pagkatapos man ng lahat mas mabuti na ang makaalam kaysa gumawa ng mali, mas mabuti nang mágbasá kaysa gumawa ng ibang mga bagay. Ngunit hindi ko lamang binabasa ang ating mga pahina. Ibig kong malaman ang tungkol sa mundo ng ibang mga tao at naiingganyo ako ng Roma at Athena.  Ngayon, nalalaman ko ang kasamaan na bumagsak sa Israel noong siya ay naparumi ng mga Assyrian at ng mga Ehipsiyo at ang tungkol sa malaking kapinsalaan na nagawa sa atin ng Helenistang mga pamahalaan. Hindi ko alam kung ang isang tao ay  magagawa sa kanyang sarili ang gayon din na kapinsalaan na nagawa ni Judas sa kanyang sarili at sa atin, kanyang mga anak. Ano ang Inyong opinyon tungkol sa bagay na ito? Nananabik akong maturuan Ninyo, dahil Kayo ay hindi isang rabbi, bagkus ang marunong at dibinong Salita.»

Si Jesus ay tinititigan siya nang mga ilang sandali, ang Kanyang sulyap ay nakapanlalagos at napakalayo din. Tila nilalagos Niya ang opaque na katawan ni Lazarus at sinusuri ang kanyang puso at nilalagos nang mas malayo pa, tila may nakikita Siya... ano kaya hindi ko alam. Sa wakas Siya ay nagsalita: «Ikaw ba ay nababalisa ng iyong nababasa? Naihihiwalay ka ba nito sa Diyos at sa Kanyang Batas?»

«Hindi, Guro. Sa kabaligtaran, nauudyukan ako nito na gumawa ng mga pagkumpara sa pagitan ng ating totoong Diyos at ng kasinungalingan ng pagano. Gumagawa ako ng mga pagkukumpara at pinagninilayan ko ang mga kaluwalhatian ng Israel, ang kanyang makatarungang sambayanan, ang mga Patriyarka, ang mga Propeta, at ang kaduda-dudang mga pigura ng mga kasaysayan ng ibang mga sambayanan. Kinukumpara ko ang ating pilosopiya, kung matatawag natin ng ganyan ang Karunungan na nagsasalita sa ating sagradong mga teksto, sa kaawa-awang mga pilosopiya ng Griyego at Romano na may nakapaloob ng mga kislap ng apoy, ngunit hindi ang apoy na umaapoy at sumisinag sa mga aklat ng ating Marurunong na Tao. At pagkatapos, nang may mas malaking pagpipitagan, yumuyuko ako kasama ang aking kaluluwa upang sambahin ang ating Diyos Na nagsasalita sa Israel sa pamamagitan ng mga gawa, ng mga tao at ng ating mga aklat.»

«Bueno, kung gayon, magpatuloy sa pagbabasa... matutulungan ka nitong maintindihan ang daigdig ng pagano... Magpatuloy. Maaari kang makapagpatuloy. Wala sa iyo ang pangangasim ng kasamaan o ang ganggrenang espirituwal. Ikaw, kung gayon, ay makapagbabasa nang walang kahit anong ikatatakot. Ang pagmamahal na mayroon ka para sa iyong Diyos ay nagagawa nitong baog ang nanlalapastangang mikrobyo, na maaaring ikalat sa iyo ng pagbabasa. Sa lahat ng ikinikilos ng tao ay nariyan ang posibilidad ng kabutihan at kasamaan. Ito ay depende kung papaano ito isinasagawa. Ang pagmahal ay hindi isang kasalanan, kung ang isa ay nagmamahal sa banal na paraan. Ang pagtrabaho ay hindi kasalanan, kung nagtatrabaho ang isa kapag ito ang tamang oras. Ang kumita ay hindi kasalanan, kung ang isa ay kontento na kung ano ang tapat. Ang turuan ang sarili ay hindi kasalanan, maliban na ang pagtuturo ay hindi nito pinapatay ang idea ng tungkol sa Diyos sa atin. Samantalang kasalanan ang maglingkod din sa altar, kung ginagawa ito ng isa para sa kanyang pansariling benepisyo. Kumbinsido ka ba, Lazarus?»

«Oo. Guro. Tinanong ko ang ibang mga tao tungkol sa bagay na iyan din at ako ay kanilang tinutuya... Ngunit Kayo ay binigyan Ninyo ako ng liwanag at kapayapaan. O! Kung ang lahat ay napakinggan Kayo! Halikayo, Guro. Sa pagitan ng mga hasmin ay may malamig na ihip ng hangin at katahimikan. Masarap magpahinga sa ilalim ng kanilang malamig na lilim hinihintay ang gabi.»

Sila ay lumabas at ang lahat ay natatapos.

 (449)130810/042113

 

Sunod na kabanata.