86. Si Jesus Nagsalita sa Sundalo na si Alexander sa Fish Gate.

Enero 24, 1945.

¹Ngayon ay pagsikat-ng-araw na muli. At sa muli may mahahabang linya ng mga asno na nagsisiksikan sa Gate na nakasarado pa. Si Jesus ay kasama si Simon at si Juan. Ang ilang mangangalakal ay nakikilala Siya at magsisiksikan sa paligid Niya. May isang guwardiya rin na papagawi sa Kanya noong ang Gate ay nagbukas at nilapitan Siya. At binabati niya Siya: «Hail, Galilean. Sabihin sa di-mapakaling mga taong ito na huwag maging labis na rebelde. Nagrereklamo sila tungkol sa amin. Ngunit wala silang ginagawa bagkus ang isumpa kami at sumuway. At sinasabi nila na ito ay isang porma ng kulto para sa kanila. Anong relihiyon ang mayroon sila kung ito ay nakabatay sa pagsuway?»

«Tiisin sila, Aking sundalo. Katulad nila ang mga may panauhin sa kanilang bahay na hindi nila gusto, ngunit mas malakas kaysa sa kanila. At nakagaganti lamang sila sa pamamagitan ng kanilang mga dila at sa pangyayamot.»

«Oo. Ngunit kailangan naming gawin ang aming katungkulan. Kung kaya't kailangan namin silang parusahan. At kung gayon kami ay nagiging mas lalong di-ginugustong panauhin.»

«Tama ka. Kailangan gawin ninyo ang inyong katungkulan. Ngunit gawin lagi ito nang may pagkatao. Kailangan lagi ninyong sasabihin: “Kung ako ay nasa kanilang katayuan, ano ang aking gagawin?” Makikita mo pagkatapos na makararamdam ka ng awa para sa mga nasasakupan.»

«Gusto kong mapakinggan Kayong nagsasalita. Kayo ay walang panunuya at pagmamataas. Ang ibang mga Palestino ay dinuduraan kami, at pinagtatawanan kami... maliban kung mapagnanakawan kami nang maayos para sa isang babae o ilang bibilhin. Diyan ang ginto ng Roma hindi na nakapandidiri.»

«Ang mga tao ay mga tao, sundalo.»

«Oo at ang tao ay mas isang malaking sinungaling kaysa sa isang unggoy. Hindi maganda, gayunman, na mapapunta sa pagitan ng mga taong katulad ng mga ahas na naroroon nang may hinihintay... Kami ay may mga tahanan din, mga ina, mga asawa at mga anak at ang aming buhay ay mahal sa amin.»

«Nariyan ka na: kung ang lahat ay maaalaala iyan, hindi na magkakaroon ng poot. Nagtanong ka: “Anong relihiyon ang mayroon sila?” Sasagutin kita: isang relihiyon na nagtuturo bilang unang utos ang pagmamahal para sa Diyos at para sa ating kapwa. Isang relihiyon na nagtuturo ng pagsunod sa mga batas. Sa mga batas din ng kaaway na mga bansa.

²Sapagkat makinig, Aking mga kapatid sa Israel, walang nangyayari maliban na ito ay pinahihintulutan ng Diyos. Pati na rin ang mga pananakop: isang kasawiang-palad na walang katulad para sa isang sambayanan. Ngunit kung ang sambayanan na iyan ay iiksaminin ang sarili nang may katarungan, sasabihin nila nang halos lagi na sila ang nagdala ng isang kasawiang-palad sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay na kontra sa Diyos. Alalahanin ang mga Propeta. Ilang beses silang nagsalita ng tungkol diyan! Gaano kadalas nilang pinakita sa pamamagitan ng pangyayari sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap na ang isang naghahari ay isang kaparusahan, ang hagupit ng kastigo sa likod ng walang utang-na-loob na anak. At ilang beses nilang itinuro kung papaano ito maiiwasan: sa pamamagitan ng pagbabalik sa Panginoon. Ni ang rebelyon o ang digmaan ay hindi nakapagpapagaling sa mga sugat o sa mga luha, ni hindi rin nito naaalis ang mga tanikala. Ang mamuhay bilang makatarungang mga tao ang makagagawa ng lahat ng ito. Pagkatapos ang Diyos ay makikialam. At ano ang magagawa ng mga armas at mga sandatahang-lakas laban sa karingalan ng anghelikal na mga pangkat nakikipaglaban para sa mabubuting tao? Tayo ba ay nahampas? Ating marapatin na hindi na tayo maging ganito, sa pamamagitan ng pamumuhay bilang mga anak ng Diyos. Huwag doblehin ang inyong mga tanikala sa paggawa ng bagong mga kasalanan. Huwag gawin ang mga Hentil na isipin na kayo ay sambayanan na walang relihiyon o kayo ay mas pagano pa kaysa sa kanila dahil sa inyong paraan ng pamumuhay. Kayo ay ang sambayanan na tumanggap ng Batas mula sa Diyos Mismo. Igalang ito. Gawin ang mga naghahari na yumuko sa harapan ng inyong mga tanikala nagsasabing: “Sila ay mga nasasakupan ngunit sila ay mas dakila kaysa sa atin, ng kadakilaan na hindi nakabatay sa bilang, pera, armas, kapangyarihan, bagkus sa katotohanan na sila ay nagmula sa Diyos. Naririto ang tanda ng tunay na Dibinidad. Ito ay nagniningning sa pamamagitan ng mga anak nito”. At sila ay sana pagnilayan iyan at pumunta sa katotohanan ng totoong Diyos, tinatalikdan ang kanilang mga pagkakamali. Ang bawat isa, kahit na ang pinakamahirap, ang pinakamangmang sa pagitan ng sambayanan ng Diyos ay maaaring maging isang tagapagturo sa isang Hentil sa pamamagitan ng kanyang paraan ng pamumuhay at maituturo ang Diyos sa mga pagano sa pamamagitan ng mga gawa ng isang banal na pamumuhay.

Humayo. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

³«Si Judas ay hulí at ang mga pastol din» puná ni Simon.

«May hinihintay ba Kayo, Galilean?» tanong ng sundalo na nakinig nang mabuti.

«Ilang mga kaibigan.»

«Halikayo sa lamig ng daanan. Ang araw ay mainit mula pa noong mga kaagahang oras. Kayo ba ay pupunta sa bayan?»

«Hindi, babalik Ako sa Galilee.»

«Maglalakad?»

«Ako ay mahirap: maglalakad.»

«Kayo ba ay may asawa?»

«Nasa Akin ang Aking Ina.»

«Ako rin. Halikayo... kung hindi Ninyo kami pinandidirihan katulad na ginagawa ng iba.»

«Kasalanan lamang ang kinasusuklaman Ko.»

Ang sundalo ay tinitingnan Siya, nasusorpresa at nag-iisip. «Hindi kami kailanman makikialam sa Inyo. Ang aming mga espada ay hindi kailanman huhugutin laban sa Inyo. Kayo ay mabuti. Ngunit ang iba!...»

Si Jesus ay nasa loob ng medyo malabong liwanag ng daanan. Si Juan ay nakapaharap sa bayan. Si Simon ay nakaupo sa isang masa ng bato na nagsisilbing isang upuan.

«Ano ang Inyong pangalan?»

«Jesus.»

«Ah! Kayo ang isa na gumagawa ng mga himala sa mga patay na tao rin?! Akala ko Kayo ay isa lamang salamangkero... Mayroon din kaming ilan. Isang mabuting salamangkero gayunman. Sapagkat may ilan... Ngunit ang amin ay hindi makapagpagaling ng mga may sakit. Papaano Ninyo ito ginagawa?»

Si Jesus ay ngumingiti at nananahimik.

«Gumagamit ba Kayo ng mga salitang salamangka? Mayroon ba Kayo ng mga pamahid ng utak ng buto ng patay na mga tao, pinatuyong ahas na ginawang pulbos, mga mahikang bato kinuha mula sa mga kuweba ng Sawa?»

«Wala ng ganyan. Ang Aking kapangyarihan lamang ang mayroon Ako.»

«Kung gayon Kayo ay tunay ngang isang santo. Mayroon kaming mga haruspices[1] at ang mga vestal[2]... at ang ilan sa kanila ay gumagawa ng mga kababalaghan at sinasabi nila na sila ang mga pinakabanal. Naniniwala ba Kayo rito? Sila ay malala kaysa sa iba pa.»

«Bueno, kung gayon, bakit ninyo sila pinagpipitaganan?»

«Sapagkat... sapagkat iyan ang relihiyon ng Roma. At kung ang isang mamamayan ay hindi ginagalang ang relihiyon ng kanyang bayan, papaano niya igagalang ang Caesar, ang kanyang amangbayan, at patuloy pa, maraming mga bagay?»

Si Jesus ay tinititigan ang sundalo. «Talagang ikaw ay abanteng-abante sa daan ng Katarungan. Magpatuloy, o sundalo, at malalaman mo kung ano ang nararamdaman ng iyong kaluluwa na mayroon ito sa sarili nito, na hindi mabigyan ng pangalan kung ano ito.»

«Kaluluwa? Ano ito?»

«Kung mamatay ka, saan ka pupunta?»

«Sino ang nakaaalam?... Hindi ko alam. Kung ako ay mamatay bilang isang bayani, sa pinagsusunugan ng mga patay na bayani... kung ako ay isang abang matandang tao, isang wala lang, baka mabubulok ako sa aking butas o sa tabi ng isang daan.»

«Iyan ay hanggang sa kinalaman ng iyong katawan. Ngunit saan pupunta ang iyong kaluluwa?»

«Hindi ko alam kung ang lahat na tao ay may kaluluwa o ang mga itinalaga lamang ni Jupiter sa Elysian Fields pagkatapos ng isang magandang pamumuhay, maliban kung dadalhin niya sila sa Olympus katulad ng nangyari kay Romulus.»

«Ang bawat tao ay may isang kaluluwa at iyan ang bagay na nagpapaiba sa mga tao sa mga hayop. Gusto mo bang naging isang kabayo ka? o isang ibon? Isang isda? Laman, na ang pagkamatay, ay pagkabulok lamang?»

«O! Hindi. Ako ay isang tao at mas gusto kong maging ganyan.»

«Bueno, ikaw ay isang tao dahil sa iyong kaluluwa. Kung wala ito ikaw ay walang iba bagkus isang nagsasalitang hayop.»

«At nasaan ito? Ano ang katulad nito?»

«Iyan ay walang katawan. Ngunit iyan ay naririyan. Ito ay nasa iyo. Iyan ay nanggaling sa Kanya Na naglikha sa mundo at babalik sa Kanya pagkatapos ng kamatayan ng katawan.»

«Mula sa Diyos ng Israel, ayon sa Inyo.»

«Mula sa tangi, isa, eternal, supremong Diyos, Panginoon at Tagapaglikha ng Sansinukob.»

«At pati ang isang abang sundalong katulad ko, ay may isang kaluluwa at ito ay babalik sa Diyos?»

«Oo. Pati ang isang abang sundalo, at ang kanyang kaluluwa ay mapapasakanya ang Diyos bilang isang Kaibigan, kung ito ay naging laging mabuti, o ang Diyos bilang isang Tagapagparusa, kung ito ay naging masamâ.»

«Guro, ayón si Judas kasama ang mga pastol at ilang mga babae. Kung tama ako, ayón ang batang babae na pinag-usapan natin kahapon» sabi ni Juan.

«Lalakad na Ako, sundalo. Maging mabuti.»

«Hindi ko na ba Kayo muling makikita? Gusto kong malaman...»

«Mananatili Ako sa Galilee hanggang Setyembre. Pumunta ka, kung magagawa mo. Sa Capernaum o Nazareth masasabi sa iyo ng sinuman kung nasaan Ako. Sa Capernaum magtanong para kay Simon Pedro. Sa Nazareth para kay Maria ni Jose. Siya ang Aking Ina. Pumunta ka. Magsasalita Ako sa iyo tungkol sa totoong Diyos.»

«Simon Pedro... Maria ni Jose. Pupunta ako, kung magagawa ko. At kung Kayo ay bumalik, alalahanin Alexander. Kasama ako ng  Jerusalem Century.»

⁴Si Judas at ang mga pastol ay nasa daanan na.

«Kapayapaan sa inyong lahat» sabi ni Jesus.

At magsasalita pa sana Siya ng iba pa, nang ang isang balingkinitan na ngumingiting dalagita ay pumasok sa grupo at itinapon ang sarili sa paanan Niya: «Ang Inyong pagpapalà muli sa akin, Guro at Tagapagligtas at ang aking halik muli sa Inyo!» At  hinahalikan niya ang Kanyang mga kamay.

«Humayo. Maging masaya at mabuti. Isang mabuting anak, pagkatapos isang mabuting asawa, at pagkatapos isang mabuting ina. Ituro sa iyong mga anak sa hinaharap ang Aking Pangalan at ang Aking doktrina. Kapayapaan sa iyo at sa iyong ina. Kapayapaan at mga pagpapalà sa lahat na mga kaibigan ng Diyos. Kapayapaan din sa iyo, Alexander.»

Si Jesus ay umalis.

«Kami ay náhuli. Ngunit ang ilang mga babae ay tinambakan kami» paliwanag ni Judas. «Sila ay nasa Gethsemane at gusto nilang makita Kayo. Kami ay pumunta roon nang hindi nagmamalay tungkol sa kanila, upang samahan Kayo at pumunta rito nang magkakasama. Ngunit Kayo pala ay nakaalis na at ang mga babae sa halip ang naroon. Gusto namin silang iwanan... Ngunit mas mapilit pa sila kaysa sa mga langaw. Gusto nilang malaman ang napakaraming bagay... Pinagaling ba Ninyo yung bata?»

«Oo.»

«At Kayo ba ay nakipagusap sa Romano?»

«Oo. Siya ay may isang tapat na puso. At hinahanap niya ang Katotohanan...»

Si Judas ay nagbubuntung-hininga.

«Bakit ka nagbubuntung-hininga, Judas?» tanong ni Jesus.

«Nagbubuntung-hininga ako sapagkat sana ang ating sambayanan ay naghahanap ng Katotohanan. Sa halip iniiwasan nila ito, o pinagtatawanan, o nananatiling walang-pakialam. Ako ay pinanghihinaan ng loob. Ang pakiramdam ko ay tila ayaw ko nang bumalik pa rito muli, bagkus walang ginagawa bagkus makinig sa Inyo. Maging ano pa man, bilang isang disipulo, ako ay mabuti para sa wala.»

«At sa palagay mo ba Ako ay matagumpay na matagumpay? Huwag panghinaan ng loob, Judas. Iyan ang pakikibaka ng apostolado. Mas marami ang talo kaysa panalo. Ang talo ay dito. Sa itaas doon sila ay laging mga panalo. Ang Ama ay nakikita ang iyong mabuting kalooban at kahit na kung ikaw ay hindi nagtagumpay pinagpapala ka pa rin Niya.»

«O! Kayo ay mabuti!» si Judas ay hinahalikan ang Kanyang kamay. «Ako ba ay kailanman magiging mabuti?»

«Oo, kung gugustuhin mo.»

«Sa palagay ko ako ay naging mabuti nang mga nakaraang araw na ito... Naghirap ako upang maging ganyan... sapagkat napakarami ang aking minimithi... ngunit lagi ko Kayong iniisip.»

«Magpursige, kung gayon. Binibigyan mo Ako ng labis na lugod. At anong balita ang mayroon kayo para sa Akin?» Tinatanong Niya ang mga pastol.

«Si Elias ay pinaaabot sa Inyo ang kanyang pagpapalà, at ilan ding mga pagkain. At hinihingi niya sa Inyo na huwag siyang kalilimutan.»

«O! Ang Aking mga kaibigan ay nasa loob ng Aking puso! Lumakad tayo hanggang sa layo ng maliit na nayon na iyon, napaliligiran ng berdeng mga bukid. Pagkatapos magpapatuloy tayo sa gabi. Ako ay masayang nakakasama Ko kayo, natutuwa Ako na Ako ay papunta sa Aking Ina at na Ako ay nakapagsalita ng tungkol sa Katotohanan sa isang tapat na tao. Oo, Ako ay masaya. Kung nalalaman lamang ninyo kung ano para sa Akin ang magawa ang Aking misyon at nakikita ang mga kaluluwa na patungo rito, ibig sabihin sa Ama, o! Susundan Ako ninyo nang lalu’t lalo pa ng inyong mga kaluluwa!...»

Wala na akong nakikita pang iba.

 (459)160810/042413



¹ Haruspices – katumbas ng mga manghuhula. RLB.

² Vestal –  isang birhen, o katulad ng isang madre. RLB.

 

 

 

Sunod na kabanata.