87. Si Jesus at si Isaac Malapit sa Doco. Pag-alis Pagawing Esdraelon.

Enero 25, 1945.

¹«At sasabihin ko sa Inyo, Guro, na ang mapagkumbabang mga tao ay mas mabuti pa. Ang mga taong aking kinakausap ay kung hindi ako pagtawanan ako ay hindi pinapansin. O! Ang maliliit na bata sa Juttah!» Si Isaac itong nagsasalita kay Jesus. Lahat sila ay nasa isang grupo nakaupo sa damo sa pampang ng ilog. Si Isaac ay tila nag-uulat tungkol sa kanyang trabaho.

Si Judas ay nakialam at, sa isang namumukod na kaso, tinawag niya ang pastol sa kanyang pangalan: «Isaac, pareho tayo ng opinyon. Nagsasayang tayo ng ating panahon at nawawala ang ating pananampalataya sa pakikipagusap sa kanila. Titigil na ako.»

«Hindi ako titigil. Ngunit ginagawa ako nitong maghirap. Titigil lamang ako kung sinabi sa akin ito ng Guro. Sa loob ng maraming taon ako ay nasanay na sa paghihirap dala ng katapatan sa katotohanan. Hindi ako makapagsisinungaling upang tanawing maganda ng malalakas na tao. At nalalaman mo ba kung ilang beses silang pumupunta sa akin upang pagtawanan ako, sa loob ng silid kung saan ako may sakit, nangangako ng tulong – o! Iyon ay tiyak na mga huwad na pangako – kung sasabihin ko na ako ay nagsinungaling, at na Kayo, Jesus, ay hindi ang Bagong-Panganak na Tagapagligtas?! Ngunit hindi ako makapagsisinungaling. Kung ako ay nagsinungaling tinanggihan ko sana ang aking sariling lugod, napatay ko sana ang aking tanging pag-asa, tinanggihan ko sana Kayo, aking Panginoon! Tanggihan Kayo! Sa loob ng aking madilim na paghihirap, sa loob ng aking mapanglaw na pagkakasakit ay laging may isang kalangitan na may nakakalat ng mga bituin sa itaas ko: ang mukha ng aking ina, ang tanging lugod ng aking ulilang pamumuhay, ang mukha ng isang nobya, na hindi kailanman napasaakin at aking pinagpatuloy na mahalin kahit na pagkaraan ng kanyang kamatayan. Ito ang dalawang minor na mga bituin. At ang dalawang mayor na mga bituin, katulad ng dalawang pinakapurong mga buwan: sina Jose at Maria ngumingiti sa Bagong-Panganak na Sanggol at sa amin mga abang pastol, at ang Inyong maningning, inosente, mabait, banal, banal, banal na mukha, sa gitna ng kalangitan ng aking puso. Hindi ko matatanggihan ang kalangitan kong iyan! Ayaw kong ipagkait sa aking sarili ang liwanag na iyan, dahil wala nang iba pang kasing puro niyan. Mas gugustuhin ko pang tanggihan ko ang aking sariling buhay, o mamumuhay ako sa loob ng pahirap, kaysa tanggihan ko Kayo, aking pinagpalang alaala, aking Bagong-Panganak na Jesus!»

Si Jesus ay pinapatong ang Kanyang kamay sa balikat ni Isaac at ngumingiti.

Si Judas ay nagsalita muli: «Kung gayon mamimilit ka?»

«Mamimilit ako. Ngayon, bukas, at sa araw pagkatapos muli. May darating na kung sino.»

«Gaano tatagal ang pagtatrabaho?»

«Hindi ko alam. Ngunit maniwala sa akin. Sapat na ang huwag tumingin maging sa unahan at sa likuran. At gawin ang mga bagay-bagay araw-araw. At sa gabi, kung nakapagtrabaho tayo nang may kita, sasabihin natin: “Salamat sa Inyo, aking Diyos”, kung wala kahit anong kinita, sabihin lamang: “Umaasa ako sa tulong Ninyo bukas”.»

«Ikaw ay marunong.»

«Ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin niyan. Ngunit ginagawa ko sa aking misyon kung ano ang aking ginawa noong may sakit ako. Tatlumpung taon ng pagkakasakit ay hindi basta-bastang bagay!.»

«Ehi! Pinaniniwalaan ko iyan. Hindi pa ako pinapanganak at ikaw ay imbalido na.»

«May sakit ako. Ngunit hindi ko kailanman binilang ang mga taong na iyon. Hindi ko kailanman sinabi: “Ngayon ay ang buwan ng Nisan muli, ngunit ako ay hindi namumulaklak muli kasabay ng mga rosas. Ngayon ay Tishri at namamatay pa rin ako”. Nagpapatuloy ako, nagsasalita tungkol sa Kanya, kapwa sa aking sarili at sa mabubuting tao. Napuna ko na ang mga taon ay dumaraan, sapagkat ang maliliit na bata noong nakaraang mga araw ay dumating upang dalhin sa akin ang kanilang mga handa sa kanilang kasal o ang mga keyk ng kapanganakan ng kanilang maliliit na anak. Ngayon, kung titingin ako sa likuran, ngayon na mula sa pagiging matanda ako ay naging bata, ano ang nakikita ko sa aking nakaraan? Wala. Iyan ay nakaraan na.»

«Wala rito. Ngunit sa Langit iyan ay “lahat” para sa iyo, Isaac, at ang “lahat” na iyan ay naghihintay para sa iyo» sabi ni Jesus. ²At pagkatapos nagsasalita sa lahat: «Kailangan na ganyan ang gawin. Ginagawa Ko ang ganyan Mismo. Kailangan na tayo ay magpatuloy. Nang hindi napapagod. Ang pagkapagod ay ang isa sa mga ugat ng pagkataong pagmamalaki. At gayon din ang pagmamadali. Bakit ang tao naiinis ng mga pagkatalo, bakit siya nababalisa ng mga pagka-antala? Sapagkat sinasabi ng pagmamalaki: “Bakit magsabi ng ‘hindi’ sa akin? Labis na pagka-antala sa akin? Ito ay isang pagkukulang ng respeto para sa apostol ng Diyos”. Hindi, Aking mga kaibigan. Tingnan ang buong sansinukuban at isipin Siya Na gumawa nito. Pagnilayan ang progreso ng tao, at isipin ang kanyang pinanggalingan. Isipin ang oras na ito na kinukumpleto at bilangin kung gaano karaming mga siglo ang nauna rito. Ang sansinukuban ay gawa ng isang kalmanteng paglilikha. Ang Ama ay hindi ginawa ang mga bagay-bagay sa isang walang-kaayusan na paraan. Bagkus ginawa Niya ito sa magkakasunod na pase. Ang tao ay ang gawa ng matiyagang progreso, ang kasalukuyang tao, at mas lalu’t lalo pa siyang uunlad sa kaalaman at sa kapangyarihan. At ang ganyang  kaalaman at kapangyarihan ay magiging banal o hindi banal, ayon sa kanyang kalooban. Ngunit ang tao ay hindi naging magaling kaagad. Ang Unang mga Magulang, napalayas sa Hardin, ay kinailangan na matutunan ang lahat, nang dahan-dahan, nang paunlad. Kinailangan nilang malaman ang pinakasimpleng mga bagay: na ang isang butil ng butil ay mas malasa kung gigilingin na maging harina, pagkatapos minamasa at pagkatapos hinuhorno. At kinailangan nilang matuto na gilingin ito at ihurno. Kinailangan nilang matutong magsindi ng apoy. Kung papaano gumawa ng isang kasuutan sa pag-obserba sa balahibo ng mga hayop. Kung papaano gumawa ng isang lungga sa panonood sa mga hayop. Kung papaano gumawa ng banig, sa pagtingin sa mga pugad. Natuto silang pagalingin ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga yerba at tubig, sa pag-obserba sa mga hayop, na gumagawa nang ganito sa pamamagitan ng katutubong kaalaman. Natuto silang maglakbay sa mga disyerto at mga karagatan, pinag-aaralan ang mga bituin, pinaaámô ang mga kabayo, natututunan kung papaano ibalanse ang mga bangka sa ibabaw ng tubig, sa pag-obserba sa balat ng manì lumulutang sa tubig ng isang ilog. At gaanong kabiguan bago tagumpay! Ngunit ang tao ay nagtagumpay. At siya ay makalalayo pa. Ngunit hindi siya magiging mas masaya dahil sa kanyang progreso, sapagkat magiging mas magaling siya sa kasamaan kaysa sa kabutihan. Ngunit uunlad siya. Ang Panunubos ba ay hindi isang matiyagang trabaho? Ito ay napagpasyahan maraming-maraming mga siglo ang nakaraan, ito ay nangyayari na ngayon pagkatapos na maihanda sa loob ng maraming mga siglo. Ang lahat ay tiyaga. Bakit magmadali, kung gayon? Hindi kaya magagawa ng Diyos ang lahat sa isang iglap lamang? Hindi kaya posible para sa tao, niregaluhan ng pangangatwiran, nilikha ng mga kamay ng Diyos, na malaman ang lahat sa isang iglap lamang? Hindi kaya Ako makakapunta sa simula ng mga siglo? Ang lahat ay posible. Ngunit wala ang kailangan na maging karahasan. Wala. Ang karahasan ay laging salungat sa kaayusan; ang Diyos, at kung ano ang nanggagaling sa Diyos ay kaayusan. Huwag magtangkang maging mas superyor pa sa Diyos.»

³«Ngunit, kung gayon, kailan Kayo makikilala?»

«Nino, Judas?»

«Ng mundo!»

«Hindi kailanman!»

«Hindi kailanman? Ngunit hindi ba’t Kayo ang Tagapagligtas?»

«Ako nga. Ngunit ang mundo ay ayaw na maligtas. Tanging isa lamang sa sanlibo ang magugustong makilala Ako, at tanging isa sa sampung libo ang talagang makakakilala sa Akin. At sasabihin Kong mas mahigit pa nga. Hindi Ako makikilala kahit na ng pínakamálapít Kong mga kaibigan.»

«Ngunit kung sila ay Inyong mga kalapit na mga kaibigan, makikilala nila Kayo.»

«Oo, Judas. Makikilala nila Ako bilang Jesus, bilang Jesus ang Israelita. Ngunit hindi nila Ako makikilala bilang Siya Na Ako nga. Sasabihin Ko sa inyong totoo na hindi Ako makikilala ng lahat ng Aking mga kalapit. Ang makilala ang ibig sabihin ang mahalin nang may katapatan at birtud... at magkakaroon ng hindi sa Akin nakakikilala.» Si Jesus ay kinukuha ang aktitud ng pagpapasa-Diyos na pinanghihinaan ng loob na siyang kinasanayan na Niya kapag ibinabalita Niya ang pagkakanulo sa Kanya sa hinaharap: binubukas Niya ang Kanyang mga kamay at itinataas ito, nang papalabas, ang Kanyang namimighating mukha hindi nakatingin sa tao o sa Langit, bagkus sa Kanya lamang na kapalaran sa hinaharap ng isang ipinagkanulong tao.

«Huwag Ninyong sabihin iyan» nakikiusap si Juan.

«Sinusundan namin Kayo upang makilala Kayo nang lalu’t lalo pa» sabi ni Simon, at ang mga pastol ay isinasama ang kanilang mga tinig sa kanya.

«Sinusundan namin Kayo, katulad na sinusundan namin ang isang nobya at Kayo ay mas mahal sa amin kaysa maaari pa siya; kami ay mas naninibugho sa Inyo kaysa naninibugho ang isang babae, o! Hindi. Kilala na namin Kayo nang labis na hindi na namin Kayo makakalimutan pa. Siya (at si Judas ay tinuturo si Isaac) ay nagsabi na ang tanggihan ang Inyong alaala ng isang Bagong-Panganak na Sanggol ay mas  nakapamimighati pa kaysa mawala ang kanyang buhay. At Kayo noon ay bagkus isang bagong-panganak na sanggol. Kilala namin Kayo bilang Tao at Guro. Pinakikinggan namin Kayo at nakikita namin ang Inyong mga gawa. Ang Inyong kontakto, ang Inyong hininga, Inyong halik: sila ang aming patuloy na konsagrasyon at ang aming patuloy na puripikasyon. Tanging isang satanas lamang ang makapagkakanulo sa Inyo pagkatapos na maging Inyong málapít na kasama.»

«Iyan ay totoo, Judas. Ngunit magkakaroon ng isa.»

«Kapahamakan sa kanya! Ako ang kanyang magiging tagapagpatay.»

«Hindi. Ipaubaya ang hustisya sa Ama. Maging kanyang tagapagtubos. Ang tagapagtubos sa kaluluwang ito na nakakiling kay Satanas. Ngunit tayo ay magpaalam kay Isaac. Gabi na. Pinagpapala kita, Aking matapat na lingkod. Ngayon nalalaman mo na na si Lazarus ng Bethany ay ating kaibigan at pumapayag na tumulong sa Aking mga kaibigan. Ako ay lalakad na. Ikaw ay mananatili rito. Ihanda ang tuyong lupain ng Judaea para sa Akin. Babalik Ako saka na. Kung sakaling may pangangailangan alam mo kung saan mo Ako matatagpuan. Ang Aking kapayapaan ay sumaiyo» at si Jesus ay pinagpapala at hinahalikan ang Kanyang disipulo.

(463)160810/042413

Sunod na kabanata.