88. Si Jesus Kasama ang Pastol na si Jonah sa Kapatagan ng Esdraelon.

Enero 26, 1945

¹Si Jesus ay naglalakad sa tabi ng isang landas na tumatakbo sa pagitan ng tigang ng mga bukid, punó ng mga tuud-tuod at ng mga kriket. Sina Levi at Juan ay naglalakad sa tabi Niya. Sa likuran sa isang grupo ay sina Jose, Judas at si Simon.

Ngayon ay gabi. Ngunit walang kapahingahan sa init. Ang lupa ay tila nasusunog pa pagkatapos ng grabeng init sa araw. Ang hamog ay walang magawa sa labis na init. Sa palagay ko ito ay sumisingaw bago makarating sa lupa, ganyan ang bugá ng init na tumataas mula sa mga daan ng araro at sa mga bitak sa lupa.

Sila ay tahimik, hapô at naiinitan. Ngunit nakikita ko si Jesus na ngumingiti. Ito ay isang maliwanag na gabi bagamat ang lumulubog na buwan ay mahirap na makita sa malayong silangan.

«Sa palagay ba Ninyo siya ay naroroon?» Si Jesus ay tinatanong si Levi.

«Siya ay tiyak na mapupunta roon. Ito ang oras kung kailan ang mga inani ay iniimbak, ngunit hindi pa sila nagsisimula sa pagpitas ng prutas. Ang mga magbubukid kung gayon ay ábalá sa pagbabantay sa kanilang mga úbasán at mga lootan laban sa mga magnanakaw at sila ay hindi umaalis, lalo na kapag ang kanilang mga panginoon ay kasing kuripot ng kay Jonah. Ang Samaria ay hindi malayo at kapag ang mga taksil na iyon ay nakakakita ng pagkakataon... o! sila ay masayang makagawa ng kapinsalaan sa aming mga Israelita. Nalalaman ba nila na ang mga katulong ang nabubugbog para diyan? Siyempre alam nila. Ngunit kinapopootan nila kami, iyon lang.»

«Huwag magkimkim ng sama-ng-loob, Levi» sabi ni Jesus.

«Hindi. Ngunit makikita Ninyo kung papaano si Jonah nasugatan limang taon na ang nakararaan dahil sa kanila. Mula noon namumuhay siyang nagbabantay gabi-gabi. Sapagkat ang paghagupit ay isang malupit na kaparusahan...»

«Mahaba pa ba ang ating lalakarin?»

«Hindi, Guro. Nakikita ba Ninyo kung saan nagtatapos ang kapanglawan na ito at may isang madilim na lugar? Ang mga lootan ni Doras, ang malupit na Pariseo, ay nandoon. Kung pahihintulutan Ninyo ako, mauuna na ako sa harapan Ninyo, upang marinig ako ni Jonah.»

Oo, lakad.»

²«Ang lahat bang mga Pariseo ay katulad niyan, aking Panginoon?» tanong ni Juan. «O! Ayaw kong mapunta sa paglilingkod sa kanila! Mas gugustuhin ko ang aking bangka.»

«Ang iyo bang bangka ang iyon pinakamahal na bagay?» tanong ni Jesus medyo seryoso.

«Hindi, Kayo! Iyon ay ang bangka noong hindi ko alam na ang Pagmamahal ay nasa lupa» tugon ni Juan kaagad.

Si Jesus ay ngumingiti sa kanyang kapusukan. «Hindi mo alam na ang pagmamahal ay nasa lupa? At papaano ka naipanganak kung gayon, kung ang iyon ama ay hindi minahal ang iyong ina?» tanong ni Jesus, nang pabiro.

«Ang pagmamahal na iyon ay maganda, ngunit hindi ko iyan nagugustuhan. Kayo ang aking pagmamahal, Kayo ang pagmamahal sa lupa para sa abang Juan.»

Si Jesus ay niyayakap siya at nagsabi: «Nananabik Akong mapakinggan kang nagsasabi nang ganyan. Ang pagmamahal ay nagtatakaw para sa pagmamahal at ang tao ay nagbibigay at laging magbibigay ng katiting na mga patak sa kauhawan nito, katulad ng mga bumabagsak na ito mula sa kalangitan at napakaliliit na sila ay nawawala sa gitna ng ere, sa grabeng init ng tag-init. Ang mga patak din ng pagmamahal ng tao ay mawawala sa gitna ng ere, napapatay ng init ng napakaraming mga bagay. Ang mga puso ay pipigain pa rin ito... ngunit ang mga interes, pagmamahal, negosyo, katakawan, napakaraming pantaong mga bagay ay susunugin sila. At ano ang tataas kay Jesus? O! Napakakaunti! Ang natitira, ang kaunting natitirang mga pagtibok ng tao, mga pagpintig ng mga taong interesado sa paghingi, paghingi, at paghingi, nasa mahigpit na pangangailangan. Ang mahalin Ako  dala ng purong pagmamahal ay ang magiging katangian ng kaunting mga tao... ng mga taong katulad ni Juan... Tingnan ang isang butil na gumulang pagkatapos ng katapusan ng panahon nito. Baka ito ay isang butil na nahulog noong panahon ng pag-ani. Ngunit nagawa nitong tumubo, nagkaporma ng isang tainga, winawasak ang makinis na bunót na humahawak sa kanila malapit sa tangkay, at sila ay magiging pangkawanggawang pagkain para sa maliliit na mga ibon, o magbubunga nang sandaan pursiyento, sila ay tutubo muli at bago dalhin muli ng taglamig ang araro sa lupa, mahihinog na ulit sila at mapupunuan ang kagutuman ng maraming mga ibon na naghihirap na sa gutom sa pinakamahirap na panahon... Tingnan, Aking Juan, kung ano ang nagagawa ng isang matapang na butil? At ang kaunting mga tao na magmamahal sa Akin dala ng purong pagmamahal, ay magiging ganyan. Isa lamang ang pupuno sa kagutuman ng marami. Isa lamang ang magpapaganda sa lugar na dati ay pangit. Isa lamang ang magbibigay búhay kung saan may kamatayan at ang lahat na mga nagugutom ay pupunta sa isang iyon. Kakain sila ng isang butil ng aktibong pagmamahal at pagkatapos, makasarili at nawawala sa isip, sila ay lilipad paalis. Ngunit nang hindi rin nila nalalaman, ang butil na iyan ay maglalagay ng mahalagang mga mikrobyo sa kanilang dugo, sa kanilang mga kaluluwa... at sila ay babalik. At ngayon, bukas at sa araw pagkatapos, katulad ng sinabi ni Isaac, ang kaalaman tungkol sa Pagmamahal ay lálaki sa kanilang mga puso. Ang ginapas na tangkay ay hindi na isang buháy na bagay: isa nang natuyong dayami. Ngunit gaanong kabutihan mula sa sakripisyo nito! At gaanong gantimpala para sa sakripisyo nito!»

Si Jesus, Na tumigil nang isang sandali sa isang manipis na tainga ng butil, tumubo sa gilid ng landas, sa isang maliit na kanal, na sa tag-ulan ay maaaring isang maliit na ilog, ay nagpapatuloy, habang si Juan ay nakikinig sa Kanya sa lahat ng sandali sa kanyang pangkaraniwan na aktitud ng isang mainit na tagahanga, na kinukuha hindi lamang ang mga salita bagkus pati ang mga pagkilos ng taong minamahal.

Ang iba, na nag-uusap-usap sa isa’t isa, ay hindi nagmamalay ng magiliw na paguusap. Narating na nila ngayon ang lootan at sila ay tumigil, pinoporma ang isang grupo. Ang init ay ganoon na lamang na lahat sila ay pinagpapawisan, bagamat hindi sila nakasuot ng mga manta. Sila ay naghihintay nang tahimik.

³Mula sa madilim na palumpungan, na bahagyang naliliwanagan ng buwan, si Levi, makikita sa kanyang maliwanag na mga gamit, ay lumitaw, sinusundan ng isang tao na nakasuot ng mas madilim na damit. «Guro, si Jonah ay naririto.»

«Harinawang ang Aking kapayapaan ay mapasaiyo!» pagbati ni Jesus, bago Siya marating ni Jonah.

Ngunit si Jonah ay hindi tumugon. Siya ay tumakbo at itinapon ang kanyang sarili umiiyak sa Kanyang paanan at hinahalikan ang Kanyang mga paa. Noong siya ay makapagsasalita na sinabi niya: «Gaano katagal akong naghintay para sa Inyo! Gaano katagal! Gaano nakalulungkot na ang aking buhay ay naglalaho, na ang kamatayan ay lumalapit, at kinailangan kong sabihin: “Hindi ko Siya nakita!”. Gayunpaman, hindi, hindi lahat ng pag-asa ay nasira. Ni hindi kahit noong ako ay mamamatay na. Sinasabi ko: “Sinabi Niya ito: ‘Paglilingkuran mo Siyang muli’ at hindi Siya maaaring magsalita ng isang bagay na hindi totoo. Siya ay ang Ina ng Immanuel. Walang sinuman, kung gayon, ang nagtataglay sa Diyos nang mas higit pa kaysa sa Kanya, at kung sino ang nagtataglay sa Diyos ay alam kung ano ang tungkol sa Diyos”.»

«Tumayo ka. Pinaaabot Niya sa iyo ang Kanyang mga pagbati. Ikaw ay nápalapít sa Kanya at malápit ka pa rin sa Kanya. Siya ay nakatira sa Nazareth.»

«Kayo! Siya! Sa Nazareth? O! Sana nalaman ko. Sa gabi, sa malalamig na mga buwan ng taglamig, nakapunta sana ako, nakatakbo sana ako roon upang halikan ang Inyong mga paa at nakabalik sana ako dala ang aking tagong-kayamanan ng katiyakan ng pananampalataya. Bakit hindi Ninyo pinakita ang Inyong Sarili, Panginoon?»

«Sapagkat hindi iyon ang panahon. Ang panahon ay ngayon dumating na. Kailangan nating matutong maghintay. Sinabi mo: “Sa mga buwan ng taglamig kapag ang mga bukid ay nagpapahinga”. Gayunpaman sila ay hinasikan, hindi ba? Bueno, Ako ay katulad ng butil na naihasik. Pagkatapos Ako ay nawala. Inilibing sa kinakailangan na katahimikan.  Na sana Ako ay lumago at marating ang panahon ng pag-aani at magningning sa mga mata ng mundo at sa mga nakakita sa Akin bilang isang Bagong-Panganak na Sanggol. Ang oras na iyan ay dumating na. Ang Bagong-Panganak ay ngayon handa na na maging ang Tinapay ng mundo. At Aking hinahanap muna ang Aking matatapat, at sabihin sa kanila: “Halikayo. Bubusugin Ko ang inyong kagutuman”.»

Ang lalaki ay nakikinig sa Kanya, ngumingiting masaya, at lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili: «O! Kayo ay talagang naririto! Kayo ay talagang naririto!»

⁴«Ikaw ay mamamatay na? Kailan?»

«Noong ako ay pinalo hanggang mamatay, sapagkat nilimas nila ang dalawang mga úbasán. Tingnan kung gaanong mga sugat!» ibinaba niya ang kanyang tunika at pinakikita ang kanyang mga balikat lahat markado ng iregular na mga peklat. «Pinalo niya ako ng isang bakal na pamalo. Binilang niya ang mga buwig ng ubas na pinitas, nakikita niya kung saan ang mga tangkay nasira, at binigyan niya ako ng palô para sa bawat buwig. Pagkatapos iniwan niya ako roon, halos patay na. Ako ay tinulungan ni Maria, siya ay ang bata-pang asawa ng isang kaibigan ko, at siya ay laging gustung-gusto ako. Ang kanyang ama ay ang ahente ng lupa wala pa ako at nang ako ay dumating naging mahal na mahal sa akin ang maliit na batang babae, sapagkat ang kanyang pangalan ay Maria. Inalagaan niya ako at ako ay nakapanumbalik pagkaraan ng dalawang buwan, dahil ang mga sugat ay naimpeksiyon gawa ng init, at nagkaroon ako ng mataas na temperatura. Sinabi ko sa Diyos ng Israel: “Walang anuman ito. Gawing makita kong muli ang Inyong Mesiyas, at ang kasawiang palad na ito ay walang kahalagahan sa akin. Tanggapin ito bilang isang sakripisyo. Hindi ko Kayo kailanman magagawan ng sakripisyo. Ako ay isang katulong ng isang malupit na tao at nalalaman Ninyo. Ni hindi niya ako pinahihintulutan na makapunta sa Inyong altar sa Paskuwa. Tanggapin ako bilang isang biktima. Ngunit ibigay Ninyo Siya sa akin!”»

«At ang Kataastaasan ay pinagbigyan ka. ⁵Jonah, ibig mo bang paglingkuran Ako, katulad ng ginagawa na ng iyong mga kaibigan?»

«O! Papaano ko magagawa iyan?»

«Katulad ng ginagawa nila. Alam ni Levi at sasabihin niya sa iyo kung gaano kasimple ito na maglingkod sa Akin. Kailangan Ko lamang ang iyong mabuting kalooban.»

«Ibinigay ko sa Inyo iyan mula pa noong umiyak Kayo sa sabsaban. Nagawa ako nitong malampasan ko ang lahat. Kapwa ang kalungkutan at kapootan. Ang katotohanan ay... hindi kami labis na nakapagsasalita rito... Ang panginoon ay minsan tinadyakan ako dahil namimilit ako na Kayo ay naririto. Ngunit kapag siya ay nasa malayo, at kasama ko ang mga mapagkakatiwalaan ko, o! kinukuwento ko ang kababalaghan ng gabing  iyon!»

«At ngayon ikuwento ang kababalaghan ng ating pagkikita. Natagpuan Ko na ang halos lahat, at ang lahat ay tapat. Hindi ba’t iyan ay kababalaghan? Dahil lamang pinagninilayan mo Ako nang may pananampalataya at pagmamahal ikaw ay naging makatarungan sa mga mata ng Diyos at mga tao.»

«O! Ngayon magkakaroon ako ng lakas-ng-loob! At gaanong lakas-ng-loob!  Ngayon na alam ko na na Kayo ay buhay masasabi ko: “Siya ay naroroon. Pumunta sa Kanya!...” Ngunit saan, aking Panginoon?»

«Sa buong Israel. Hanggang sa Setyembre Ako ay mapupunta sa Galilee. Madalas Akong mapupunta sa Nazareth o sa Capernaum, at Ako ay matutunton mula diyan. Pagkatapos... Ako ay mapupunta kung saan-saan. Ako ay naparito upang ipunin ang mga tupa ng Israel.»

«O! Aking Panginoon! Makakatagpo Kayo ng maraming lalaking-kambing. Mag-ingat sa malalakas sa Israel!»

«Hindi sila makagagawa ng kahit anong kapinsalaan sa Akin, kung iyon ay hindi pa ang oras. Sabihin sa patay, sa mga natutulog, sa buháy: “Ang Mesiyas ay nasa pagitan natin”.»

«Sa patay, Panginoon?»

«Sa mga tao na ang mga kaluluwa ay patay. Ang iba pa, ang makatarungan na namatay sa Panginoon, ay nagbubunyi na para sa kanilang namimintong liberasyon mula sa Limbo. Sabihin sa patay: “Ako ay ang Búhay”. Sabihin sa mga natutulog: “Ako ang Araw na tumataas gumigising mula sa tulog”. Sabihin sa buháy: “Ako ang Katotohanan na kanilang hinahanap”.»

«At nagpapagaling din Kayo ng may sakit na mga tao? Si Levi ay kinuwento sa akin ang tungkol kay Isaac. Ang himala ba ay para sa kanya lamang, sapagkat siya ay ang Inyong pastol, o ito ay para sa lahat?»

«Para sa mabubuting tao, ang isang himala ay isang makatarungan na gantimpala. Para sa hindi masyadong mabuti, niyayakag sila nito patungo sa totoong kabutihan. Ito ay para din sa masasamang tao, upang mauga sila at makaintindi Ako ay Ako nga at na ang Diyos ay kasama Ko. Ang isang himala ay isang regalo. Mga regalo para sa mabubuting tao. Ngunit Siya Na siyang Awa at nakikita ang pagkataong daláhin, na mapapagaanan lamang sa pamamagitan ng makapangyarihang mga pangyayari, ay ginagawa rin ang pamamaraan na ito na sana masabi Niya: “Ginawa Ko ang lahat para sa iyo, ngunit ang lahat ay naging walang kabuluhan. Sabihin sa Akin, kung gayon, ano pa ang kailangan Kong gawin”.»

⁶Panginoon, maaari bang pumasok Kayo sa aking bahay? Kung bibigyan Ninyo ako ng katiyakan na walang magnanakaw ang pupunta sa ari-arian, ibig kong bigyan Kayo ng ospitalidad, at anyayahan din ang ilang mga tao na nakakakilala sa Inyo dahil nagsalita ako sa kanila tungkol sa Inyo. Ang aming panginoon ay pinayuko kami at sinira katulad ng imbing mga tangkay. Mayroon kami bagkus ng pag-asa ng isang eternal na gantimpala. Ngunit kung ipakikita Ninyo ang Inyong Sarili sa mga nalulungkot na puso, makararamdam sila ng bagong lakas.»

«Pupunta Ako. Huwag matakot tungkol sa iyong mga punungkahoy at mga úbasán. Makapaniniwala ka ba na ang mga anghel ay babantayan ito nang tapat?»

«O! Aking Panginoon. Nakita ko ang Inyong makalangit na mga lingkod. Naniniwala ako. At sasama ako sa Inyo at ligtas ang aking pakiramdam. Pinagpala ang mga punungkahoy na ito at mga úbasán na may ihip ng hangin at mga awit ng anghelikal na mga pakpak at mga tinig! Pinagpala ang lupa na napabanal ng Inyong mga paa! Halikayo, Panginoong Jesus! Makinig, mga punungkahoy at mga úbasán. Makinig, lupa. Ngayon sasabihin ko sa Kanya ang Pangalan na ipinagtapat ko sa inyo para sa aking sariling kapayapaan. Si Jesus ay naririto. Makinig, at harinawang ang dagta ay magsaya sa pamamagitan ng mga sanga at ng mga usbong ng baging. Ang Mesiyas ay kasama natin.»

Ang lahat ay nagtatapos sa pamamagitan ng malulugod na salitang ito.

(466)160810/042513

Sunod na kabanata.