89. Ang Pagbalik sa Nazareth Pagkatapos Iwanan si Jonah.

Enero 27, 1945.

¹Ang liwanag ay napakalabo tila kumukurap-kurap ito. Sa pintuan ng isang napaka maralitang kubo – kalabisan na tawagin itong isang bahay – ay naroon si Jesus kasama ang Kanyang mga disipulo, si Jonah at iba pang mga magbubukid katulad niya. Ito ay oras ng pagpapaalam.

«Hindi ko na ba Kayo ulit makikita, aking Panginoon?» tanong ni Jonah. «Nagdala Kayo ng liwanag sa aming mga puso. Ang Inyong kabaitan ay nagawa ang mga araw na ito na maging isang kapistahan na tatagal sa buong buhay namin. Ngunit nakita Ninyo kung papaano kami tinatrato. Ang isang asno ay mas inaalagaan pa kaysa sa amin. At ang mga punungkahoy ay mas nakatatanggap pa ng pantaong atensiyon. Ang mga ito ay pera. Kami ay panggiling na mga bato lamang upang kumita ng pera. Kami ay ginagamit hanggang kami ay mamatay sa labis na pagtatrabaho. Ngunit ang Inyong mga salita ay kasing dami ng mapagmahal na mga haplos. Ang aming tinapay ay tila naging mas marami at nagkalasa ito nang mas masarap sapagkat nakisalo Kayo sa amin, ang tinapay na ito na ni hindi niya binibigay sa kanyang mga aso. Bumalik Kayo upang pagsaluhan itong kasama kami, aking Panginoon. Tanging dahil lamang na Kayo ito, na nangangahas akong sabihin iyan. Isang pag-insulto na ialok sa sino pa mang iba ang aming kubo at pagkain na kahit na ang isang pulubi ay pandidirihan. Ngunit Kayo...»

«Ngunit nakatagpo Ako sa mga ito ng makalangit na pabango at lasa, sapagkat sa mga ito ay may pananampalataya at pagmamahal. Ako ay darating, Jonah. Ako ay babalik. Manatili sa iyong lugar, nakataling katulad ng isang hayop sa mga panulay. Harinawang ang iyong lugar ay maging ang hagdan ni Jacob. At sa katunayan ang mga anghel ay panhik-at-panaog mula sa Langit sa iyo, maingat na iniipon ang iyong mga merito at dinadala ito sa Diyos. Ngunit Ako ay babalik sa iyo. Upang paginhawahan ang iyong espiritu. Maging tapat sa Akin, lahat kayo. O! Gusto Ko rin sanang bigyan kayo ng kapayapaang pantao. Ngunit hindi Ko magawa. Kailangan Kong sabihin sa inyo: magpatuloy na maghirap. At iyan ay napakalungkot para sa Isa Na nagmamahal...»

«Panginoon, kung minamahal Ninyo kami, hindi na kami naghihirap. Dati wala kaming sinuman na nagmamahal sa amin... O! Kung magagawa ko, ako man lamang, makita ko sana ang Inyong Ina!»

«Huwag kang mag-alala. Dadalhin Ko Siya sa iyo. Kapag ang panahon ay hindi mas masungit, darating Akong kasama Siya. Huwag makipagsapalaran na makakuha ng malulupit ng mga kaparusahan dahil sa pananabik na makita Siya. Kailangan na maghintay ka para sa Kanya katulad na naghihintay ka para sa pagtaas ng isang bituin, ng bituin ng gabi. Siya ay lilitaw sa iyo nang bigla na lamang, eksaktong katulad ng bituing gabi, na wala sa isang sandali, at pagkaraan ng isa pang sandali ay nagniningning sa kalangitan. At kailangan na isipin mo na kahit na ngayon pínagsasawá ka Niya ng Kanyang mga regalo ng pagmamahal. Paalam, sa lahat. Harinawang ang Aking kapayapaan ay maprotektahan kayo laban sa kagaspangan niya na nagpapahirap sa inyo. Paalam, Jonah, huwag umiyak. Nakapaghintay ka nang napakaraming taon nang may matiyagang pananampalataya. Nangangako Ako sa iyo ngayon ng isang napakaikling paghihintay. Huwag tumangis. Hindi kita pababayaang nag-iisa. Ang iyong kabaitan ay pinunas ang Aking mga luha noong Ako ay isang Bagong-Panganak na Sanggol. Ang Akin ba ay hindi sapat na mapunas ang sa iyo?»

«Oo... Ngunit Kayo ay umaalis... at kinailangan kong manatili rito...»

«Jonah, Aking kaibigan, huwag mo Akong gawin na umalis na naghihirap ang damdamin dahil hindi kita mapaginhawahan...»

«Hindi ako umiiyak, aking Panginoon... Ngunit papaano ako makapamumuhay nang hindi Kayo nakikita, ngayon na alam ko na na Kayo ay buháy?»

Si Jesus ay hinahaplos muli ang nangungulilang matandang lalaki at pagkatapos umalis. Ngunit nakatayo sa gilid ng miserableng sahig ng giikan, si Jesus ay inuunat ang Kanyang mga kamay nang papalabas at pinagpapala ang kabukiran. Pagkatapos Siya ay umalis.

«Ano ang Inyong ginawa, Guro?» tanong ni Simon na nakapuna sa pambihirang ginawa ni Jesus.

«Naglagay Ako ng selyo sa lahat. Na walang dimonyo ang sana manira ng mga bagay at kung gayon makagawa ng problema sa mga kaawa-awang sawing-palad na mga taong ito. Wala na Akong magagawa pa...»

²«Guro, maglakad tayo nang mabilis-bilis nang kaunti. Gusto kong magsabi sa inyo ng isang bagay na ayaw kong mapakinggan ng iba.» Sila ay lumayo nang kaunti sa iba at si Simon ay nagsimulang magsalita: «Gusto kong sabihin sa Inyo na si Lazarus ay may mga tagubilin na gamitin ang aking pera upang matulungan ang lahat na lalapit sa kanya sa ngalan ni Jesus. Hindi ba natin mapalalaya si Jonah? Ang lalaking iyon ay gastado na at ang kanyang tanging lugod ay ang makasama Kayo. Ating ibigay sa kanya ito. Ano ang kahalagahan ng kanyang pagtatrabaho rito? Kung sa halip siya ay malaya, siya ay magiging Inyong disipulo sa maganda ngunit malungkot na kapatagan na ito. Ang pinaka mayayamang tao sa Israel ay nagmamay-ari ng matatabang lupain dito at sinasamantala nila sila nang may usuryang kalupitan, humihingi ng sandaang ibayong kita mula sa kanilang mga manggagawa. Maraming taong ko nang alam ito. Hindi Kayo makatitigil dito nang matagal, sapagkat ang sekta ng mga Pariseo ay siyang naghahari sa kabukiran at hindi sa palagay ko magiging mapagkaibigan ito sa Inyo kailanman. Ang nasisiil at walang-pag-asang mga manggagawang ito ay ang pinaka di-masayang mga tao sa Israel. Napakinggan Ninyo ito Mismo, ni kahit sa Paskuwa sila ay hindi nagkaroon ng kapayapaan, ni hindi sila makapagdasal, habang ang kanilang mahihigpit na panginoon, nang may solemneng mga pagkilos at pakunwaring mga pagpapakita, ay kumukuha sa mahahalagang pusisyon sa harapan ng lahat ng mga tao. Sila man lamang ay magkakaroon ng lugod na nalalaman na Kayo ay naririto, at sa pakikinig sa Inyong mga salita, na uulitin sa kanila ng isa na hindi mangangahas na baguhin kahit isang letra ng Inyong mga salita. Kung Kayo ay sumasang-ayon, Guro, pakiusap na sabihin ito, at si Lazarus ay gagawin ang kinakailangan.»

«Simon,  alam Ko kung bakit ibinigay mong lahat ang iyong ari-arian. Ang mga naiisip ng mga tao ay nalalaman Ko. At minamahal din kita dahil diyan. Sa pagpapasaya kay Jonah, nagagawa mo si Jesus na masaya. ³O! Gaano Akong napahihirapan nakikita ang mabubuting tao na naghihirap! Ang Aking sitwasyon ng isang mahirap na tao hinahamak ng mundo ay nakaaapekto sa Akin dahil lamang diyan. Kung Ako ay napakinggan ni Judas, sasabihin niya: «Ngunit hindi ba’t Kayo ang Salita ng Diyos? Ibigay ang utos, at ang mga batong ito ay magiging ginto at tinapay para sa mahihirap na tao”. Uulitin niya ang patibong ni Satanas. Ako ay nanabik na paginhawahan ang kagutuman ng mga tao. Ngunit hindi sa pamamagitan ng gusto ni Judas. Kayo ay hindi pa sapat na magulang upang masakyan ang kalaliman ng kung ano ang gusto Kong sabihin.  Ngunit sasabihin Ko sa iyo: kung ang Diyos ay ang gagawa ng lahat mapagnanakawan Niya ang Kanyang mga kaibigan. Mapagkakaitan Niya sila ng pagkakataon ng pagiging maawain at magampanan ang utos ng pagmamahal. Ang Aking mga kaibigan ay kailangan na magkaroon ng markang ito ng Diyos, nakakapareho ng sa Kanya: ang banal na awa na ang laman ay mga gawa at mga salita. At ang pagiging di-masaya ng ibang mga tao ay nabibigyan ang Aking mga kaibigan ng pagkakataon na isabuhay ito. Naintindihan mo ba kung ano ang ibig Kong sabihin?»

«Ang Inyong kaisipan ay isang malalim na kaisipan. Pagninilayan ko ang Inyong mga salita. At pinababába ko ang aking sarili, dahil nakikita ko kung gaano ako kapurol at kung gaano kadakila ang Diyos Na gusto kaming maregaluhan ng lahat ng Kanyang pinaka-matatamis na mga katangian, upang matawag Niya sana kaming Kanyang mga anak. Ang Diyos ay nabubunyag sa akin sa Kanyang iba't iba at sari-saring mga perpeksiyon sa pamamagitan ng araw-araw na liwanag na ginagamit Ninyong maliwanagan ang aking puso. Araw-araw, katulad ng isa na naglalakad sa isang di-kilalang lugar, ang kaalaman tungkol sa di-masukat na Bagay na siyang ang Perpeksiyon Na gusto kaming matawag na Kanyang “mga anak” ay lumalago sa akin at ako ay tila umaakyat katulad ng isang agila o bumubulusok katulad ng isang isda patungo sa dalawang walang-katapusang kalaliman, katulad ng kalangitan at karagatan, at pataas pa ako nang pataas sa pag-akyat at palalim pa nang palalim ang pagbulusok, ngunit hindi ko kailanman nararating ang katapusan. Ngunit ano, kung gayon, ang Diyos?»

«Ang Diyos ay ang di-kailanman maaabot na Perpeksiyon, ang Diyos ay ang Perpektong Kagandahan, ang Diyos ay ang walang-hangganang Kapangyarihan, ang Diyos ay ang di-mahaharok na Esensiya, ang Diyos ay ang di-mapapantayang Kagandahang-loob, ang Diyos ay ang di-masisirang Awa, ang Diyos ay ang di-masusukat na Karunungan, ang Diyos ay ang Pag-ibig na naging Diyos. Siya ay ang Pag-ibig! Siya ay ang Pag-ibig! Sinasabi mo na habang mas nakikilala mo ang Diyos sa Kanyang perpeksiyon, ikaw ay tila mas lalong tumataas at mas malalim ang pagbulusok sa dalawang walang-katapusang mga kalaliman ng walang-hugis na asul... Ngunit kapag maintindihan mo kung ano ang pagmamahal na naging Diyos, ikaw ay hindi na aakyat pa o bubulusok patungo sa asul, bagkus patungo sa isang lumiliyab na ipu-ipo at ikaw ay hihigupin patungo sa isang beatitude na siyang magiging kamatayan at búhay para sa iyo. Tataglayin mo ang Diyos, sa pamamagitan ng isang perpektong pag-aari, kapag, gawa ng iyong kalooban, nagtagumpay ka sa pagkaintindi at pagmarapat sa Kanya.

«O Panginoon...» Si Simon ay napananaigan.

⁴Nagkaroon ng katahimikan. Narating nila ang daan. Si Jesus ay tumigil, hinihintay ang iba. Noong sila ay nagkasama-sama nang muli, si Levi ay lumuhod: «Ako ay kailangang umalis na, Guro. Ngunit ang Inyong lingkod ay humihingi ng isang pabor. Dalhin Ninyo ako sa Inyong Ina. Ang lalaking ito ay isang ulila katulad ko. Huwag ipagkait sa akin kung ano ang binibigay Ninyo sa kanya, na sana makita ko ang mukha ng isang ina...»

«Halika. Kung ano ang hinihingi sa ngalan ng Aking Ina, pinagkakaloob ko sa ngalan ng Aking Ina.»

⁵... Si Jesus ay nag-iisa, Siya ay naglalakad nang mabilis sa pagitan ng makapal na mga punong-olibo na may maliliit na bunga na magaganda na ang korte. Ang araw, bagamat halos lumulubog na, ay umaapoy pababa sa abuhin na berdeng bobida ng mahalagang mapayapang mga punungkahoy, ngunit hindi nito nalalagos ang sabid-sabid na mga sanga bukod sa makagawa ito ng ilang munting mga bilug-bilog na liwanag. Ang pangunahing daan, sa kabilang dako, itinanim sa dalawang pampang, ay isang maalikabok na umaapoy na nakasisilaw na ribon.

Si Jesus ay nagpapatuloy sa paglalakad ngumingiti. Narating Niya ang isang bangin... at lalo pang ngumiti nang mas masaya. Ayon ang Nazareth... Ang panorama nito ay tila kumukurap-kurap, ganyan ang init ng lumalagablab na araw. Si Jesus ay bumaba nang mas mabilis pa. Narating na Niya ngayon ang daan, nang hindi pinapansin ang araw. Siya ay naglalakad nang napakabilis na Siya ay tila lumilipad: napoprotektahan Niya ang Kanyang ulo sa pamamagitan ng Kanyang manta, na pumapagaypay sa Kanyang mga panabi at sa Kanyang likuran. Ang daan ay walang mga tao at tahimik hanggang man lang sa pinakamalapit na mga bahay. Paminsan-minsan ang mga tinig ng isang bata o ng isang babae ay maririnig mula sa loob ng isang bahay o ng isang pangkusinang-hardin, na ang mga sanga ng mga punungkahoy nito ay umaabot sa itaas ng daan. Si Jesus ay sinasamantala ang lilim na ito upang maiwasan ang walang-awang sikat ng araw. Lumiko Siya sa medyo nalililiman na daan. May ilang mga babae na nagkaipun-ipon sa paligid ng isang malamig na bubon. Halos ang lahat sa kanila ay sinasaluduhan Siya binibigyan Siya ng pasalubong ng kanilang matitiling tinig.

«Kapayapaan sa inyong lahat... Ngunit pakiusap na manahimik. Gusto Kong sorpresahin ang Aking Ina.»

«Ang Kanyang hipag ay kaaalis pa lamang may dalang isang pitsel ng malamig na tubig. Ngunit siya ay babalik. Sila ay nawalan ng tubig. Ang bukal ay kung hindi natuyuan, ang tubig nito ay nasipsip ng natuyong lupa bago makarating sa Inyong hardin. Hindi namin alam. Ganyan ang sinasabi ni Maria ni Alfeo. Ayon siya... siya ay dumarating.»

Ang ina nina Judas at Santiago ay dumarating may dalang isang amphora sa ibabaw ng kanyang ulo at isa pa sa kanyang kamay. Hindi niya nakikita si Jesus kaagad; siya ay sumisigaw: «Magiging mas madali ako nang ganito. Si Maria ay malungkot na malungkot sapagkat ang Kanyang mga bulaklak ay namamatay sa uhaw. Ito ay ang mga itinanim ni Jose at ni Jesus at nadudurog nito ang Kanyang puso nakikita silang namamatay.»

«Ngunit ngayon na nakikita na Niya Ako...» sabi ni Jesus lumilitaw mula sa likuran ng mga babae.

«O! Aking Jesus! Pinagpala Ka nga! Lalakad ako at sasabihin...»

«Hindi. Ako ang pupunta. Ibigay ninyo sa Akin ang mga amphora.»

«Ang pinto ay medyo nakasarado. Si Maria ay nasa hardin. O! Gaano Siya magiging masaya! Siya ay nagkukuwento tungkol sa Iyo ngayong umaga. Ngunit bakit pumunta sa ilalim ng init na ito! Ikaw ay lahat pawis! Nag-iisa Ka ba?»

«Hindi. May mga kaibigan. Ngunit nauna na Ako sa kanila. Upang makita Ko muna ang Aking Ina. At si Judas?»

«Siya ay nasa Capernaum. Siya ay madalas pumunta roon.» si Maria ay walang sinasabi pang iba. Ngunit siya ay ngumingiti habang tinutuyo niya ang basang mukha ni Jesus ng kanyang belo.

⁶Ang mga pitsel ay handa na. Si Jesus ay kinuha ang dalawa, itinali Niya ang bawat isa sa mga dulo ng Kanyang sinturon na nakasaklay sa Kanyang balikat at kinukuha ang ikatlo sa Kanyang kamay.

Siya ay umalis, lumiko sa isang sulok, narating ang bahay, itinulak ang pinto, pinasok ang maliit na silid na tila madilim kompara sa maningning na sikat ng araw sa labas. Dahan-dahan Niyang tinataas ang kurtina na nagpoprotekta sa pintuan ng hardin at Siya ay nanonood.

Si Maria ay nakatayo malapit sa isang palumpong ng rosal, na ang Kanyang likod nakaharap sa bahay at kinaaawaan ang nadarang na tanim. Ibinaba ni Jesus ang pitsel sa sahig at ang tanso ay tumaginting sa isang bato. «Nandidito ka na kaagad, Maria?» sabi ng Kanyang Ina nang hindi lumilingon. «Halika, halika, tingnan ang rosal na ito! At ang kaawa-awang mga liryong ito. Lahat sila ay mamamatay, kung hindi natin sila tutulungan. Magdala rin ng isang maliit na kahoy upang mahawakan ang bumabagsak na tangkay na ito.»

«Dadalhin Ko ang lahat sa Inyo, Inay.»

Si Maria ay biglang tumalikod. Nananatili Siyang ang mga mata lubos na nakabukas nang isang sandali, pagkatapos nang may isang sigaw Siya ay tumakbong nakabukas ang Kanyang mga kamay patungo sa Kanyang Anak, Na naibuka na ang Kanyang mga kamay at naghihintay para sa Kanya nang may pinaka-mapagmahal na ngiti.

«O! Aking Anak!»

«Inay! Mahal!»

Ang kanilang yakap ay isang matagal at mapagmahal na yakap at si Maria ay masayang-masaya na hindi Niya naramdaman kung gaano ka-init si Jesus. Ngunit maya-maya napuna Niya ito: «Bakit, Anak, ikaw ay pumunta sa oras na ito ng araw? Ikaw ay purpurang pula at pinagpapawisan katulad ng isang babad na espongha. Halika Ka sa loob, Na sana mapunasan Kita at mapalamigan. Magdadala Ako ng bagong tunika at malinis na mga sandalyas. Aking Anak! Aking Anak! Bakit naglalakad Ka sa init na ito! Ang mga halaman ay namamatay dahil sa init, at Ikaw, Aking Bulaklak, ay palakad-lakad.»

«Ako ay papunta sa Inyo kaagad hangga’t maaari, Inay.»

«O! Mahal Ko! Nauuhaw Ka ba? Maaari nga. Maghahanda na Ako ngayon...»

«Oo, nauuhaw Ako para sa Inyong mga halik, Inay. At para sa Inyong mga haplos. Hayaan Akong makapanatiling ganito, na ang Aking ulo nasa Inyong balikat, katulad noong Ako ay isang maliit na bata... O! Inay! Gaano Ko Kayo hinahanap-hanap!»

«Sabihin Mo sa Akin na pumunta, Anak, at pupunta Ako. Ano ang naging kulang sa Iyo gawa ng Aking ausensiya? Ang pagkain na gusto Mo? Malilinis na damit? Isang maayos na naihandang kama? O Aking Lugod, sabihin Mo sa Akin kung ano ang nagkukulang Ka. Ang Inyong lingkod, Aking Panginoon, ay magsisikap na maglaan.»

«Wala, bagkus Kayo...»

Si Jesus ay pumunta sa bahay magkakapit ang kanilang mga kamay. Naupo si Jesus sa ibabaw ng kaban malapit sa pader, niyayakap si Maria Na nasa harapan Niya, pinahihingalay ang Kanyang ulo sa Kanyang puso at hinahalikan Siya paminsan-minsan. Ngayon tinititigan ni Jesus si Maria: «Hayaan Ninyong tingnan Ko Kayo, sa ikasisiya ng Aking puso, banal Kong Ina.»

«Ang Iyong tunika muna. Hindi maganda para sa Iyo na manatiling basâ. Halika.»

Si Jesus ay sumunod. ⁷Noong Siya ay nakabalik nakasuot ng isang tunika na bagong tingnan, ipinagpatuloy nila ang kanilang matamis na pag-uusap.

«Ako ay pumunta kasama ang Aking mga disipulo at mga kaibigan. Ngunit iniwan Ko sila sa kakahuyan ni Melcha. Sila ay darating bukas sa pagsikat ng araw. Hindi na... Ako makapaghintay nang matagal pa. Aking Inay!...» at hinahalikan Niya ang Kanyang mga kamay. «Si Maria ni Alfeo ay umalis upang maiwan tayong mag-isa. Naintindihan din niya kung gaano Ako nananabik na makasama Kayo. Bukas... bukas aasikasuhin Ninyo ang Aking mga kaibigan at Ako ang mga Nazareno. Ngunit ngayong gabi Kayo ang Aking Kaibigan at Ako ay sa Inyo. Dinalhan Ko Kayo... O! Inay: natagpuan Ko ang mga pastol ng Bethlehem. At dinala Ko sa Inyo ang dalawa sa kanila: sila ay mga ulila at Kayo ang Ina. Ng lahat na mga tao. At lalo na ng mga ulila. At dinala Ko rin sa Inyo ang isa na nangangailangan sa Inyo upang mapigilan ang kanyang sarili. At isa pa na isang makatarungang tao at naghirap nang labis. At pagkatapos si Juan... At dinadala Ko sa Inyo ang mga alaala nina Elias, Isaac, Tobias, ngayon tinatawag na Mateo, ni Juan at ni Simon. Si Jonah ang pinaka di-masaya sa lahat sa kanila. Dadalhin Ko Kayo sa kanya... pinangakuan Ko siya. Magpapatuloy Ako sa paghahanap sa iba pa. Sina Samuel at Jose ay nagpapahinga sa kapayapaan ng Diyos.»

«Galing Ka ba sa Bethlehem?»

«Oo, Inay. Dinala Ko roon ang mga disipulo na nakasama Ko. At dinala Ko sa Inyo ang maliliit na bulaklak na ito, na tumutubo malapit sa mga bato ng pamasukan.»

«O!» Si Maria ay kinuha ang natuyong mga tangkay at hinahalikan sila. «At papaano si Anna?»

«Siya ay namatay sa pagpapapatay ni Herodes.»

«O! Kaawa-awang babae! Gustung-gusto Ka niya!»

«Ang mga Bethlehemita ay naghirap nang husto. Ngunit hindi sila naging makatarungan sa mga pastol. Ngunit sila ay naghirap nang labis...»

«Ngunit sila ay mabuti sa Iyo noon!»

«Oo. At iyan kung bakit sila ay kailangan na kaawaan. Si Satanas ay naninibugho sa kanilang nakaraan na kabaitan at inuudyukan sila na gumawa ng mga bagay ng kasamaan. Ako ay nanggaling din sa Hebron. Ang mga pastol, inuusig...»

«O! Hanggang sa layong iyon?!»

«Oo, sila ay tinulungan ni Zachariah, na nakakuha para sa kanila ng mga trabaho at pagkain, kahit na kung ang kanilang mga panginoon ay matitigas na tao. Ngunit sila ay makatarungan na mga kaluluwa at ginawa nila ang pang-uusig sa kanila at ang mga sugat na maging mga merito ng tunay na kabanalan. Inipon Ko silang lahat. Pinagaling Ko si Isaac... at binigay Ko ang Aking pangalan sa isang maliit na batang lalaki... Sa Juttah, kung saan si Isaac naghihintay ng kamatayan at kung saan siya nakabalik sa búhay muli, ay mayroon nang isang inosenteng grupo, tinatawag na Maria, Jose at Jesai...»

«O! Ang Iyong Pangalan!»

«At ang Inyo at ang pangalan ng Makatarungang Isa. At sa Kerioth, ang amangbayan ng isang disipulo, ang isang tapat na Israelita ay namatay nakapahinga sa Aking puso, dala ng kaluguran, sa pagkatagpo sa Akin... At pagkatapos... ah! Gaano karami ang kailangan Kong sabihin sa Inyo, Aking perpektong Kaibigan, magiliw na Ina! Ngunit una sa lahat, nakikiusap Ako sa Inyo, hinihingi Ko sa Inyo na magkaroon ng labis na awa sa mga darating bukas. Makinig: minamahal nila Ako... ngunit sila ay hindi perpekto. Kayo, Tagapagturo ng birtud... o! Inay, tulungan Ninyo Ako na sila ay maging mabuti... Gusto Kong mailigtas Ko silang lahat...» Si Jesus ay napadalusdos na nang unti-unti sa mga paanan ni Maria. Si Maria ngayon ay nasa Kanya nang Makainang mahestad.

«Aking Anak! Ano ang gusto Mong gawin ng Iyong abang Ina nang mas mabuti pa kaysa sa nagagawa Mo?»

«Pabanalin sila... Ang Inyong birtud ay nagpapabanal. Dinala Ko sila rito nang sadya, Inay... isang araw sasabihin Ko sa Inyo: “Halikayo”, sapagkat magiging mahalaga na magpabanal ng mga kaluluwa, na sana matagpuan Ko silang gustong matubos. At hindi Ko magagawa nang Aking sarili... Ang Inyong katahimikan ay magiging kasing galing ng Aking mga salita. Ang Inyong kadalisayan ay matutulungan ang Aking kapangyarihan. Ang Inyong presensya ay mapananatili si Satanas na malayo... at ang Inyong Anak, Inay, ay magiging mas malakas ang pakiramdam nalalaman na Kayo ay malapit sa Kanya. Kayo ay pupunta, hindi ba, Aking magiliw na Ina?»

«Jesus! Mahal na Anak! May pakiramdam Ako na Ikaw ay hindi masaya... Ano ang nangyayari. Mahal ng Aking puso? Ang mundo ba ay ostil sa Iyo? Hindi? Isang kaginhawahan na paniwalaan iyan... ngunit... O! Oo. Pupunta Ako. Saan man gustuhin Mo, katulad at kung kailan Mo gusto. Kahit na ngayon, sa umaapoy na sikat ng araw na ito, o sa gabi, sa lamig o sa basang panahon. Gusto Mo Ako? Naririto Ako.»

«Hindi. Hindi ngayon. Ngunit isang araw... Gaano katamis ang ating tahanan. At ang Inyong mga haplos! Hayaan Akong makatulog nang ganito, na ang Aking ulo nasa Inyong mga tuhod. Ako ay pagod na pagod! Ako ay ang Inyong maliit na Anak pa rin...» At si Jesus ay totoo ngang nakatulog. Pagod at hapô, nakaupo sa banig, ang Kanyang ulo nasa lapi ng Kanyang Ina, Na masayang hinahaplos ang Kanyang buhok.

(471) 160810/042513



Sunod na kabanata.