91. Leksiyon ni Jesus sa Kanyang mga Disipulo sa Loob ng Taniman ng mga Punong-Olibo.

Enero 29, 1945.

Nakikita ko si Jesus lumalabas sa Kanyang bahay at lumalabas sa Nazareth kasama sina Pedro, Andres, Juan, Santiago, Felipe, Tomas, Bartolomeo, Judas Tadeo, Simon at si Judas Iskariote at ang pastol na si Jose. Sila ay tumigil sa paligid, sa loob ng isang palumpungan ng mga punong-olibo.

Sinabi Niya: «Halikayo sa paligid Ko. Sa loob ng mga buwan na ito ng presensya at ausensiya kayo ay Aking tinimbang at pinag-aralan. Nakilala Ko kayo at nakilala Ko ang mundo sa pamamagitan ng karanasan ng isang tao. Ngayon Ako ay nagpasya na ipadala kayo sa mundo na may kabaitan at karunungan, kakalmahan at pagpupursige, konsiyensya at siyensiya na kinakailangan para sa inyong misyon. Ang panahon na ito ng labis-labis na init, na nagagawa ang kahit na anong paglalakbay sa Palestina nang imposible, ay gagamitin Ko para sa inyong edukasyon at pormasyon bilang mga disipulo. Katulad ng isang musikero, napakinggan Ko kung ano ang wala sa tono sa inyo at Akin na kayo ngayong ilalagay sa tono ng selestiyal na armoniya na kailangan ninyong ihatid sa mundo sa ngalan Ko. Pinananatili Ko ang anak na ito (at itinuturo Niya si Jose) sapagkat aatasan Ko siya ng gawain na ihatid ang Aking mga salita sa kanyang mga kasamahan, upang doon din ang isang mahusay na grupo ay sana maporma, na magbabalita tungkol sa Akin hindi lamang sa pagsasabi na Ako ay naririto, bagkus sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng pinaka-importanteng mga katangian ng Aking doktrina.

Una sa lahat mahalagang-mahalaga para sa inyo na magmahalan sa isa’t isa at magkaisa. Sino kayo? Mga tao ng bawat katayuan sa lipunan, ng iba't ibang edad, galing sa kung saan-saan. Mas ginusto Kong piliin ang mga hindi naturuan, sapagkat mas madali Kong maitatanim sa kanila ang Aking Doktrina, at sapagkat – dahil kayo ay nakatalagang ebanghelyuhan ang mga nasa ganap na kamangmangan tungkol sa totoong Diyos – gusto Kong huwag nilang balewalain ang kanilang dating kamangmangan tungkol sa Diyos, kapag ito ay naaalaala nila, at turuan sila nang may karidad, inaalaala kung sa pamamagitan  ng  gaanong karidad Ko sila tinuruan.

Kayo ay maaaring tumutol: “Kami ay hindi mga pagano, kahit na kung kami ay hindi intelektuwal na maypinag-aralan”. Hindi, hindi kayo. Ngunit, hindi lamang kayo bagkus pati rin ang mga nasa pagitan inyo na kumakatawan sa maypinag-aralan at mayayamang tao, ang sangkot sa isang relihiyon, na may pangalan lamang ng relihiyon, dahil ang kalikasan nito ay nabaluktot ng napakaraming mga dahilan. Sasabihin Ko sa inyo na marami ang nagmamayabang ng pagiging mga anak ng Batas. Ngunit walo sa sampu sa kanila ay bagkus mga idolatra na ikinalito ang totoo, banal, eternal na Batas ng Diyos ni Abraham, Isaac, Jacob, sa kulabong ng sanlibong walang-kabuluhang pantaong mga relihiyon. Kung kaya't, tinitingnan ang isa’t isa, kapwa kayo abang mga mangingisda na walang kultura, at kayo mga mangangalakal o mga anak ng mangangalakal, at kayo mga opisyal o mga anak ng mga opisyal, at kayo mayayamang tao o mga anak ng mayayamang tao, kailangan na sabihin ninyo” “Tayo ay magkakapantay. Lahat tayo ay may pare-parehong diperensiya at lahat tayo ay nangangailangan ng pare-parehong turo. Dahil tayo ay magkakapatid sa ating personal o pambansang mga diperensiya, mula ngayon tayo ay kailangan na maging magkakapatid sa kaalaman tungkol sa Katotohanan at sa ating mga pagsisikap sa pagsasabuhay nito”.

Eksakto: mga magkakapatid. Ibig Ko na tawagin at tingnan ninyo ang isa’t isa nang ganyan. Katulad ninyo ang isang pamilya. Kailan ang isang pamilya sumusulong at kailan ito hinahangaan ng mundo? Kapag ang mga miyembro nito ay nagkakaisa at nang iisang isip. Kung ang isang anak ay naging kaaway ng isa pa, kung ang isa ay sinasaktan ang isa pa, posible ba na ang pag-unlad ng pamilyang iyan ay tumagal? Hindi. Walang kabuluhan ang pagsisikap ng ama ng pamilya na magtrabaho, na malampasan ang mga paghihirap, na maipilit ang sarili sa mundo. Ang kanyang mga pagsisikap ay hindi namumunga, sapagkat ang mga kayamanan ng pamilya ay nagkakawatak-watak, ang kanilang mga problema dumarami, ang mundo tumatawa sa kanilang walang-tigil na pag-aaway-away na sa pamamagitan nito ang mga puso at mga ari-arian – na kung nagkakaisa ay malakas laban sa mundo – ay nasisira sa pagiging maliliit na mga buhol ng maliliit na magkakasalungat na mga interes, at ang mga kaaway ng pamilya ay mas lalu’t lalo pang pagsasamantalahan sila upang mapabilis ang kanilang pagbagsak. Hindi kayo kailanman dapat maging ganyan. Maging nagkakaisa. Magmahalan sa isa’t isa. Kailangan na mahalin ninyo ang isa’t isa upang kayo ay magkatulungan.

Tingnan. Ang mga nakapaligid din sa atin ay tinuturuan tayo tungkol sa dakilang lakas na ito. Tingnan ang armada ng mga langgam na ito na tumatakbong lahat sa iisang direksiyon. Atin silang sundan. Matutuklasan natin ang dahilan ng kanilang may-kabuluhang pagmamadali patungo sa isang lugar...  Naririto ito. Ang isang maliit na kapatid nilang ito, sa pamamagitan ng kanyang munting mga sangkap na hindi natin nakikita, ay nakatuklas ng isang malaking kayamanan sa ilalim ng malaking dahon ng layas na atsikorya na ito. Ito ay isang mumo ng tinapay na baka nailaglag mula sa mga kamay ng isang magbubukid na pumunta rito upang asikasuhin ang kanyang mga punong-olibo, o mula sa mga kamay ng isang manlalakbay na namahinga rito sa lilim kumakain ng kanyang baon, o sa mga kamay ng isang bata na baka masayang naglalaro sa damuhan puno ng mga bulaklak. Papaano niya madadala sa butas sa pamamagitan ng kanyang sarili ang kayamanan na ito na sanlibong beses ang laki sa kanyang sarili? Kung kaya't tumawag siya ng isang kapatid at sinabi sa kanya: “Tingnan. Pumunta ng mabilis at sabihin sa ating mga kapatid na may pagkain dito para sa lahat ng tribu at para sa loob ng maraming araw. Pumunta bago ang isang ibon ay matuklasan ang kayamanan na ito at tawagin ang kanyang mga kalaguyo at kainin nila ito”. At ang maliit na langgam ay tumakbo, naghihikahos dahil sa magaspang na daan, pataas at pababa sa mga maliliit na bato at mga tangkay, hanggang narating niya ang punso at sinabi niya: “Halikayo. Ang isa sa atin ay tinatawag kayo. Nakatagpo siya ng sapat para sa ating lahat. Ngunit hindi niya iyon madadala sa pamamagitan ng sarili lamang niya. Halikayo”. At ang lahat na mga langgam ay tumakbo, pati ang iba na mga pagod na dahil sa isang mahirap na araw ng pagtatrabaho at nagpapahinga sa tabi ng mga tunel ng pugad; pati rin ang mga nagkakamada sa mga imbakan ng mga taguan na mga selda. Isa, sampu, sandaan, sanlibo... Tingnan... Sinasakmal nila ito sa pamamagitan ng kanilang mga panga, itinataas nila ito sa pamamagitan ng kanilang mga katawan at pinakikilos nila ito nang itinutulak ang kanilang mga paa sa lupa. Ang isang ito ay bumagsak... ang isang iyon doon ay halos pilay sapagkat ang gilid ng mumo, bumabaligtad, ay naiipit siya  sa bato; at ang isang ito, napakaliit, halatang ang isa sa mga pinakabata sa tribu, ay tumitigil pagod... ngunit dahil nakakahinga na muli, siya ay nagsisimula na ulit.

O! Gaano sila nagkakaisa! Tingnan: ngayon ang mumo ng tinapay ay ganap nang nahahawakan nila at ito ay gumagalaw, napakabagal, ngunit ito ay gumagalaw. Atin silang sundan... Kaunti pa, kaunti pa mga kapatid, mas kaunti pa, at ang inyong mga pagsisikap ay magagantimpalaan... Sila ay pagod na. Ngunit sila ay hindi tumitigil. Sila ay nagpapahinga at nagsisimula ulit... Ngayon nararating na nila ang punso. At ngayon? Ngayon nagtatrabaho sila upang mapiraso ang malaking mumo sa mas maliliit pang piraso. Tingnan kung papaano sila magtrabaho! Ang ilan ay nagpipiraso, ang ilan ay dinadala ito nang palayo... Ang lahat ay tapos na. Ngayon ito ay ligtas nang nakatago at masaya silang nawala patungo sa kanilang mga bitak, sa ibaba sa mga tunel. Sila ay mga langgam. Walang iba bagkus mga langgam. Gayunman sila ay malakas sapagkat sila ay nagkakaisa.

Pagnilayan ito. Mayroon ba kayong itatanong sa Akin?»

«Ibig ko Kayong tanungin: ngunit hindi na ba tayo babalik ulit sa Judaea?» tanong ni Judas Iskariote.

«Sino ang nagsabi?»

«Sinabi Ninyo, Guro. Sinabi Ninyo na ibig Ninyo ihanda si Jose upang maturuan sana niya ang iba sa Judaea! Kayo ba ay nasaktan na ayaw na Ninyo ulit na pumunta roon?»

«Ano ang kanilang ginawa sa Inyo sa Judaea?» tanong ni Tomas nang balisa at ni Pedro, nang kasabay, nagngangalit: «Ah! Tama ako sa pagsasabing Kayo ay bumalik na mas payat. Ano ang ginawa sa Inyo ng mga “perpektong tao” sa Israel?»

«Wala, Aking mga kaibigan.  Wala ng higit pa kaysa sa Aking matatagpuan kahit na rito. Kung Ako ay iikot  sa buong mundo, makatatagpo Ako ng mga kaibigan at mga kaaway kahit saan. Ngunit, Judas, sinabihan kita na manahimik...»

«Iyan ay totoo, ngunit... Hindi, hindi ako makapananahimik kapag nakikita ko na mas gusto pa Ninyo ang Galilee kaysa sa aking amangbayan. Kayo ay hindi makatarungan. Kayo ay pinarangalan din doon...»

«Judas! Judas!... O! Judas. Ang iyong paninita ay hindi makatarungan. At inaakusahan mo ang iyong sarili, nagagalit ka at naninibugho. Ginawa Ko ang magagawa Ko upang malaman lamang ang mabuti na Aking tinanggap sa iyong Judaea at nang hindi nagsisinungaling nagawa Kong mabanggit ang gayong kabutihan nang may lugod, upang kayong mga tao ng Judaea ay sana mahalin. Ginawa Ko ito nang may lugod. Sapagkat para sa Salita ng Diyos walang pagkakaiba ng mga rehiyon, walang mga antagonismo, mga samaan ng loob, mga pagkakaiba. Mahal Ko ang lahat na mga tao. Lahat sila... Papaano mo masasabi na mas gusto Ko ang Galilee kung ginawa Ko ang unang mga himala at ang unang mga pagpapakita sa loob ng banal na lupa ng Templo at ng Banal na Siyudad, na napakamahal sa bawat Israelita? Papaano ka makapagsasabi na Ako ay may kinikilingan, kung sa labing isa ng Aking mga disipulo, o kung baga sampu, sapagkat ang Aking pinsan ay isa sa pamilya, hindi lamang isang kaibigan, ang apat ay mga Judaean? At kung Akin ding isasama ang mga pastol na lahat mula sa Judaea, makikita mo kung ilan na mga kaibigan ang mayroon Ako sa Judaea. Papaano mo masasabi na hindi kita minamahal kung, nalalaman ang lahat na mga bagay, isinaayos Ko ang Aking paglalakbay upang maibigay ang Aking pangalan sa isang bagong-panganak sa Israel at tanggapin ang kaluluwa ng isang namamatay na makatarungang tao ng Israel? Papaano mo masasabi na hindi Ko minamahal kayong mga Judaean, kung ginusto Ko na dalawang Judaean at isa lamang Galilean ang mapunta sa pagbubunyag ng Aking kapanganakan at ng Aking preparasyon sa Aking misyon? Inaakusahan mo Ako ng kawalang-katarungan. Ngunit iksaminin mo ang sarili mo, Judas, at isipin kung hindi ikaw ang di-makatarungan na isa.»

Si Jesus ay nakapagsalita nang may mahestad at kabaitan. Ngunit kahit na kung hindi Siya nagsalita ng kahit ano pang iba, ang tatlong pamamaraan kung papaano Niya binigkas ang «Judas» ay naging sapat na sana na mabigyan siya ng isang magandang leksiyon. Ang unang «Judas» ay binigkas ng mahestuwusong Diyos Na humingi ng respeto, ang ikalawa ng Guro Na nagtuturo sa maka-amang pamamaraan, ang ikatlo ay ang panalangin ng isang kaibigan namimighati sa asal ng isang kaibigan. Si Judas ay itinungo ang kanyang ulo napapahiya, ngunit masama pa ang timpla, mukhang pangit dahil sa mabababang sentimyento na umiibabaw.

Si Pedro ay hindi makapanahimik. «Humingi ka man lamang ng kanyang pagpapatawad. Kung ako ang  napapunta sa katayuan ni Jesus, hindi lamang mga salita ang tatanggapin mo! Mahigit ka pa sa di-makatarungan! Nagkukulang ka ng respeto, aking pinong maginoo! Ganyan ba nila kayo tinuturuan sa Templo? O ikaw ito na hindi kailanman matuturuan? Dahil, kung iyan, kung gayon...»

«Tama na iyan, Pedro. Sinabi Ko na kung ano ang kailangan na sabihin. Ito ang magiging panimulang punto para sa leksiyon bukas. At ngayon uulitin Ko sa lahat kung ano ang Aking sinabi sa mga disipulong ito sa Judaea: huwag sabihin sa Aking Ina na ang Kanyang Anak ay minaltrato ng mga Judaean. Siya ay labis nang nalulungkot sapagkat nadama Niya na Ako ay naghihirap. Pakundanganan ang Aking Ina. Siya ay namumuhay nang nakabukod at tahimik. Aktibo lamang Siya sa birtud at panalangin para sa Akin, para sa inyo, para sa lahat. Gawin na ang malulungkot na liwanag ng mundo at ang mararahas na pag-aaway ay malayo sa Kanyang pagreretiro, na pinoprotektahan ng mabuting pagpapasya at kadalisayan. Huwag maglagay ng ni anino ng kapootan kung saan ang lahat ay pagmamahal. Pakiusap na irespeto Siya. Siya ay mas matapang pa kaysa kay Judith, katulad sa inyong makikita. Ngunit huwag ninyo Siyang pilitin, bago sa Kanyang oras, upang matikman ang mga latak, na siyang ang sentimyento ng masasamang tao ng mundo. Ibig-sabihin, ang mga sentimyento ng mga wala ni magaspang na idea ng tungkol sa Diyos at sa Batas ng Diyos. Ako ay nagsalita sa inyo tungkol sa mga ito sa simula: sila ay ang mga idolatra na tinitingnan ang mga sarili ang marurunong na mga tao ng Diyos at sila kung gayon ay idinadagdag ang idolatra sa pagmamalaki. Umalis na tayo.»

At si Jesus ay bumalik sa Nazareth.

190810

 



Sunod na kabanata