92. leksiyon ni Jesus sa Kanyang mga Disipulo Malapit sa Kanyang Tahanan.

Enero 30, 1945.

Si Jesus ay tinuturuan muli ang Kanyang mga disipulo, na Kanyang dinala sa ilalim ng lilim ng isang malaking puno ng nugales, na nasa itaas ng hardin ni Maria, na ang bahagi nito ay nalililiman ng umuusling mga sanga ng puno. Ngayon ay isang mabagyong araw at ang isang bagyo ay namiminto, ito sa palagay ko ang dahilan kung bakit si Jesus ay hindi pumuntang napakalayo mula sa Kanyang bahay. Si Maria ay paparoo’t parito sa hardin at sa bahay, at sa bawat pagkakataon Siya ay tumitingala at ngumingiti sa Kanyang Jesus, nakaupo sa damuhan malapit sa katawan ng punungkahoy, pinaliligiran ng Kanyang mga disipulo.

Si Jesus ay nagsasabi: «Sinabi Ko sa inyo kahapon na ang leksiyon sa araw na ito ay ang tungkol sa kung ano ang nagawa kahapon ng isang walang-ingat na salita. At naririto ang leksiyon.

Kailangan na tingnan ninyo na tiyak, at ito ay kailangan na maging inyong patakaran kapag kumikilos, na walang natatago ang mananatiling ganyan magpakailanman. Kung hindi ang Diyos ang siyang mangangalaga na malaman ang gawa ng isa ng Kanyang mga anak sa pamamagitan ng Kanyang mga himala, o sa pamamagitan ng mga salita ng makatarungan na mga tao na kumikilala sa mga merito ng isang kapatid. O ito ay si Satanas na, sa pamamagitan ng bunganga ng isang walang-ingat na tao, hindi na Ako magsasalita ng iba pa, nabubunyag kung ano ang gusto ng mabubuting tao na huwag na lamang magsalita ng tungkol dito, upang hindi masimulan ang isang walang-karidad na mga sitwasyon; o si Satanas ay babaluktutin ang katotohanan upang makagawa ng kalituhan sa mga isip ng mga tao. Kung gayon ang sandali ay laging dumarating kung saan ang mga natatagong bagay ay nalalaman.

Kailangan na lagi ninyo itong ilalagay sa inyong mga isip. At harinawa na mapigilan sana kayo nito na gumawa ng masama, na, subalit, hindi kayo mapigilan na makagawa ng mabuti. Gaano kadalas na ang isa ay kumikilos dala ng kabutihan, totoong kabutihan, ngunit pagkataong kabutihan! At bilang ang pagkilos ay ganito, ito ay makatao, ibig-sabihin, ang intensiyon nito ay hindi perpekto, ang isa ay gusto na ito ay malaman ng mga tao at ang isa ay mag-aalala at magagalit nakikita na ito ay nananatiling hindi nalalaman, at magsisikap na ito ay malaman. Hindi, Aking mga kapatid. Huwag ninyong gawin iyan. Gumawa ng mabuti at ibigay ito sa eternal na Panginoon. Nalalaman Niya kung papaano ito magagawang mabulgar sa mga tao, kung ito ay para sa inyong sariling kabutihan. Kung sa halip iyan ay makapaghahadlang sa inyong makatarungang mga kilos, dala ng pagsabog ng mapagmalaking kasiyahan, diyan ang Ama pananatilihin itong lihim, at bibigyan kayo ng kaluwalhatian sa Langit sa presensya ng lahat ng selestiyal na Pangkat.

At huwag kailanman husgahan ang isang gawa sa pamamagitan ng hitsura nito. Huwag kailanman akusahan ang sinuman, sapagkat ang mga kilos ng mga tao ay maaaring kung minsan tila masama ngunit may tinatagong  ibang mga dahilan. Ang isang ama, halimbawa, ay maaaring magsalita sa kanyang tamad na matakaw na anak: “Lumayas ka” na maaaring magmukhang matigas at kontra sa kanyang makaamang mga katungkulan. Ngunit ito ay hindi laging ganito. Ang kanyang “Lumayas ka” ay natimplahan ng mapapait na luha na mas nailuha ng ama kaysa ng anak, at ito ay sinamahan ng mga salita at ng mithiin na sana ang mga salita ay magkatotoo: “Babalik ka kapag makita mo na nagkamali ka sa iyong katamaran”. At ito ay isa ring pagkilos ng katarungan hinggil sa iba pang mga anak, sapagkat pipigilan nito ang isang matakaw na waldasin sa bisyo ang pag-aari din ng iba. Ito sa halip ay masama kung ang salitang ito ay binigkas ng isang ama, na mismong may pagkakamali laban sa Diyos at sa kanyang sariling mga anak, sapagkat sa kanyang pagkamakasarili tinitingnan niya ang kanyang sarili na mas mataas sa Diyos at pinapalagay na siya ay  may mga karapatan din sa kaluluwa ng kanyang anak. Hindi. Ang espiritu ay pag-aari ng Diyos at ni ang Diyos ay hindi Niya nilalabag ang kalayaan ng kaluluwa, na kung gayon malaya ito na ibigay o hindi ang sarili. Ang lahat na kilos ay tila pareho sa mata mundo. Ngunit gaano naiiba ang isa sa isa! Ang isa ay hustisya, yung isa ay isang may-depekto na di-makatarungan na gawain. Kung gayon huwag kailanman husgahan ang sinuman.

Si Pedro kahapon ay tinanong si Judas: “Sino ang iyong naging tagapagturo?” Gawin siyang huwag na kailanman na itanong itong muli. Gawin na walang sinuman ang mag-akusa sa isa ng kung ano ang nakikita ng isa sa sinuman. Ang mga tagapagturo ay may pare-parehong mga salita para sa lahat na mag-aaral. Bakit, kung gayon, na sampu ay nagiging makatarungan at sampu masama? Ito ay sapagkat ang bawat isa ay nagdadagdag ng kanyang sarili kung ano ang mayroon siya sa kanyang puso, at ito ang nagpapakiling sa timbangan patungo sa kabutihan o patungo sa kasamaan. Papaano kung gayon ang tagapagturo maaakusahan ng pagtuturo nang mali, kung ang kabutihan na kanyang iniukit ay natatalo ng labis na kasamaan na naghahari sa isang puso? Ang unang dahilan ng pagtatagumpay ay nakadepende sa inyo. Ang tagapagturo ay tinatrabaho ang inyong kaakuhan. Ngunit kung hindi kayo natatablan ng pag-unlad, ano ang magagawa ng tagapagturo? Ano ba Ako? Sasabihin Ko sa inyong totoo na wala nang magiging tagapagturo na mas matiyaga, marunong at perpekto kaysa sa Akin. Gayunpaman, ang tungkol din sa iba ng Aking mga disipulo ay itatanong: “Sino ang kanyang naging tagapagturo?”

Kapag naghuhusga huwag hayaan ang inyong mga sarili na mapangibabawan ng personal na mga dahilan. Kahapon, si Judas, na minamahal ang kanyang rehiyon nang mahigit pa kaysa sa makatarungan, ay nag-akala na Ako ay hindi naging makatarungan dito. Ang tao ay madalas na naiilaliman ng gayong mga di-mawari na mga elemento katulad ng pagmamahal para sa kanyang amangbayan, o pagkakakabit sa isang idea, at katulad ng isang kingfisher na nawala sa kanyang direksiyon, napapalayo siya sa kanyang pupuntahan. Ang Diyos ay ang pupuntahan. Kinakailangan na makita ang lahat sa Diyos, makakita nang mabuti, nang hindi inilalagay ang sarili o kahit ano pa man nang mataas pa sa Diyos. At kung ang isa ay magkamali... ikaw Pedro at kayong lahat, huwag maging matigas ang ulo! Talaga bang hindi kayo nagkamali na nasasaktan kayo nang labis kung nagawa ng iba? Nakatitiyak kayo? At kung sakali na hindi kayo kailanman nagkamali, ano ang inyong gagawin? Pasalamatan ang Diyos at wala nang iba pa? At mag-ingat nang mabuti. At nang walang tigil, upang bukas kayo ay di bumagsak sa naiiwasan ninyo magpahanggang ngayon. Kita ninyo? Ang kalangitan ngayon ay madilim dahil sa namimintong ulan-na-yelo. At tinitingnan ang kalangitan sinabi natin: “Huwag tayong lumayong masyado sa bahay”. Bueno, kung nahuhusgahan natin ang mga bagay, na gaano pa man kapanganib, ay wala kompara sa panganib na baka mawala ang pakikipagkaibigan ng Diyos gawa ng pagkakasala, bakit hindi tayo makakita kung saan maaaring may panganib para sa ating mga kaluluwa?

Tingnan, naroroon ang Aking Ina sa banda roon. May nakikita ba kayo ng kiling sa kasamaan sa Kanya? Bueno, sa dahilan na ang pagmamahal ay hinihimok Siya na sundan Ako, iiwanan Niya ang Kanyang tahanan kapag ang Aking pagmamahal ay gugustuhin ito. Ngunit ngayong umaga, pagkatapos na tanungin Akong muli – sapagkat Siya, Aking Tagapagturo, ay madalas sabihin sa Akin: “Anak, gawin ang Iyong Ina na maging kasama ng Inyong mga disipulo. Ibig Kong matutunan ang Iyong doktrina?; Siya, Na tinaglay ang doktrinang iyan sa loob ng Kanyang sinapupunan at kahit nang bago pa man sa loob ng Kanyang kaluluwa, bilang regalo ng Diyos sa hinaharap na Ina ng Kanyang Nagkatawang-Tao na Salita – sinabi Niya: “Ngunit... magpasya kung Ako ay makakasama nang hindi Ko mawawala ang Aking pakikiisa sa Diyos, at  nang hindi mapaparumi ang Aking puso ng kung ano ang naririyan sa mundo at na Iyong sinasabi na nanlalagos kasama ang baho nito, sapagkat ang Aking puso ay naging laging gusto, at kahit ngayon gustong makaisa lamang ang Diyos. Tiningnan Ko ang Aking puso, at hanggang sa nalalaman Ko, sa palagay Ko magagawa Ko ito, sapagkat... (at sa puntong ito nang hindi Niya nalalaman, nabigyan Niya ang Kanyang Sarili ng pinakamataas na papuri)... sapagkat wala Akong nakikitang kaibahan sa pagitan ng walang-batik na kapayapaan na tinamasa Ko bilang isang bulaklak sa loob ng Templo at sa kapayapaan na mayroon Ako ngayon sa loob Ko, ngayon na Ako ay naging isang maybahay sa loob ng tatlumpung taon. Ngunit Ako ay isang di-karapat-dapat na lingkod na hindi masyadong nakaaalam ng tungkol sa mga bagay ng  espiritu at mas lalo pang walang kakayahan na mahusgahan sila. Ikaw ang Salita, ang Karunungan, ang Liwanag.  At maaaring Ikaw ang liwanag ng Iyong abang Ina Na pumapayag na hindi Ka na makita pa, kaysa sa maging di- mapagpasalamat sa Panginoon”. At kinailangan Kong sabihin sa Kanya, habang nanginginig ang Aking puso sa paghanga: “Inay, sasabihin Ko sa Inyo: Ito ay hindi Kayo ang mapaparumi ng mundo. Bagkus ito ay ang mundo na mapapadalisay Ninyo”.

Ang Aking Ina, katulad ng inyong napakinggan pa lamang, ay nagawang makita ang mga panganib ng pamumuhay sa mundo, mga panganib din para sa Kanya.  At kayo, mga lalaki, hindi ba ninyo kailangan na makita ito? O! si Satanas ay totoo ngang naririyan naghihintay. At tanging ang mga mapagbantay lamang ang mananalo. At ang iba? Nagtatanong kayo ng tungkol sa iba? Para sa iba ito ay magiging ayon sa naisulat na.»

«Ano ang naisulat na, Guro?»

«”At si Cain ay sinugod si Abel at pinatay siya. At ang Panginoon ay sinabi kay Cain: ‘Nasaan ang iyong kapatid? Ano ang iyong ginawa sa kanya? Ang tinig ng kanyang dugo ay sumisigaw sa Akin. Ngayon ikaw ay magiging isinumpa sa lupa na nakatikim ng dugo ng tao sa mga kamay ng isang kapatid na nagbukas sa mga ugat ng kanyang kapatid at ang nakasisindak na uhaw ng lupa para sa dugo ng tao ay hindi kailanman mawawala. At ang lupa, nalason ng dugo na iyan, ay magiging mas baog pa kaysa sa isang babae na natuyo ng edad. At ikaw ay magiging isang tinutugis naghahanap ng kapayapaan at tinapay. At hindi mo ito matatagpuan. Gawa ng iyong paninisi sa sarili, makakakita ka ng dugo sa bawat bulaklak at dahon ng damo, sa lahat na mga tubig at pagkain. Ang kalangitan ay magiging tila dugo sa iyo at ang karagatan dugo mula sa kalangitan, mula sa lupa at sa karagatan tatlong tinig ang makakarating sa iyo: ang tinig ng Diyos, ng inosente, ng Dimonyo. At papatayin mo ang iyong sarili upang hindi ito mapakinggan’ “.»

«Ang Genesis ay hindi iyan sinasabi» wika ni Pedro.

«Hindi. Ang Genesis ay hindi ito sinasabi. Ngunit sinasabi Ko. At Ako ay hindi nagkakamali. At sinasabi Ko ang ganyan para sa mga bagong Cain ng mga bagong Abel. Dahil ang mga hindi nagbabantay sa kanilang mga sarili at sa Kaaway, ay magiging katulad niya.»

«Ngunit wala sa amin ang magiging ganyan, tama ba iyon. Guro?»

«Juan, kapag ang Belo ng Templo ay pupunitin, ang isang dakilang katotohanan ay maisusulat nang matingkad sa buong Zion.»

«Alin, aking Panginoon?»

«Na ang mga anak ng kadiliman ay nagsayang ng pakikihalubilo sa Liwanag. Alalahanin iyan, Juan.»

«Ako ba ay magiging isang anak ng kadiliman, Guro?»

«Hindi, hindi ikaw. Ngunit alalahanin iyan, upang maipaliwanag ang Krimen sa mundo.»

«Alin na krimen, Panginoon? Ang kay Cain?»

«Hindi: iyan ang unang nota ng himno ni Satanas. Ang tinutukoy Ko ay ang perpektong Krimen. Ang di-mahihinagap na krimen. Ang isa, na upang maintindihan ito, kinakailangan na tingnan ito sa pamamagitan ng araw ng dibinong Pagmamahal at sa pamamagitan ng isip ni Satanas. Sapagkat tanging ang perpektong Pagmamahal lamang at ang perpektong kapootan, ang walang-hanggang Kabutihan lamang at ang walang-hanggang Kasamaan ang makapagpapaliwanag sa gayong Alay at sa gayong Kasalanan.

At sila ay tumakbong pababa sa bangin tumatalon patungo sa hardin ni Maria habang ang bagyo ay nagsisimulang humampas.

190810




Sunod na kabanata