93. Ang Pagtuturo sa mga Disipulo sa Presensya ng Kabanalbanalang Birhen sa Hardin ng Nazareth.

Enero 31, 1945.

¹Si Jesus ay pumunta sa pangkusinang-hardin, na nagmumukhang tila hinugasan ito ng bagyo ng nakaraang gabi. At nakita Niya ang Kanyang Ina na niyuyukuan ang ilang maliliit na tanim. Pinuntahan Niya Siya at binati. Gaano katamis ang kanilang halik! Niyayakap ni Jesus ang mga balikat ni Maria sa pamamagitan ng Kanyang kaliwang kamay at kinakabig Siya hinahalikan ang Kanyang noo, sa ibaba lamang ng guhit ng buhok at pagkatapos yumuko upang mahalikan sa pisngi ng Kanyang Ina. Ngunit ang kumukumpleto sa katamisan nito ay ang sulyap na sumunod pagkatapos nito. Ang tingin ni Jesus ay puno ng pagmamahal, bagamat mahestuwoso at mapagprotekta; ang kay Maria ay puno ng pagpipitagan at pagmamahal. Kapag nagpapalitan sila ng halik nang ganyan, si Jesus ang tila mas matanda sa dalawa, at si Maria ay katulad ng isang bata-pang anak na tumatanggap ng halik sa umaga mula sa kanyang ama o mula sa mas nakatatandang kapatid na lalaki.

²«Ang Inyo bang mga bulaklak ay nasira ng ulang-yelo at ng hangin kagabi?» tanong ni Jesus.

«Walang pinsala, Guro. Tanging ang mga sanga lamang ang masamang nagusot» tugon ni Pedro sa medyo paos na tinig, bago makapagsalita si Maria.

Si Jesus ay tumingala at nakita si Simon Pedro, na nakasuot lamang ng kanyang maikling tunika, ábalá sa pagtutuwid sa ilang mga sanga ng púno ng igos na nabaluktot nang pataas. «Ikaw ba ay nagtatrabaho na kaagad?»

«Eh! Kaming mga mangingisda ay natutulog katulad ng isda: sa kahit anong oras, kahit saan, ngunit kapag pinahihintulutan lamang nila kaming makapagpahinga.  At ang isa ay nasasanay na nito. Ngayong umaga narinig ko ang pinto na lumangitngit pagsikat ng araw at sinabi ko: “Simon, si Maria ay gising na. Maging mabilis! Lakad at tulungan Siya sa pamamagitan ng iyong malalakas na braso”. Naisip ko na baka Siya nag-aalala tungkol sa Kanyang mga bulaklak sa gayong mahangin na gabi. At hindi ako nagkamali. Eh! Alam ko kung ano ang katulad ng mga babae!... Ang aking asawa ay pagulung-gulong din sa kanyang higaan, katulad ng isda sa lambat, kapag may bagyo at inaalala niya ang kanyang mga tanim... Mahal na babae! Minsan sinasabi ko sa kanya: “Pustahan tayo na hindi ka pagulung-gulong nang labis kapag ang iyong Simon ay naitatapun-tapon katulad ng isang dayami sa lawa!” Ngunit iyan ay hindi makatarungan, sapagkat siya ay isang mabuting asawa. Tila imposible na ang kanyang ina ay... Bueno, manahimik, Pedro. Iyan ay walang kaugnayan sa pinag-uusapan. Hindi tama na bumulung-bulong at nang walang kahinahunan upang sabihin sa mga tao ang hindi dapat na banggitin dala ng kabaitan. Kita Ninyo, Guro, ang Inyong mga salita ay nakapasok din sa aking matigas na ulo!»

Si Jesus ay tumugon nang tumatawa: «Sinasabi mo ang lahat mismo. Ako ay bagkus makapagsasang-ayon at hangaan ang iyong karunungan bilang isang magbubukid.»

«Naitali na niya ang lahat na mga usbong na nawala sa porma, nasuportahan na niya ang púno ng peras na mabigat-na-mabigat na, at nailagay niya ang mga lubid na iyon sa ilalim ng púno ng granadang iyon, na tumutubong patungo lahat sa isang tabi» sabi ni Maria.

«Oo! Iyan ay nagmumukhang katulad ng isang Pariseo. Nakakiling iyan sa isang tabi na imaayon sa kanya. At itinuwid ko iyan na tila iyan ay isang panlayag at sinabi ko diyan: “Hindi mo ba nalalaman na ikaw ay dapat na manatiling isang masayang pamamaraan? Halika rito, ikaw na tanga, o matutumba ka dahil sa iyong kalabisang bigat”. Ngayon ginagawa ko ang púno ng igos na ito. Ngunit gawa ng pagkamakasarili. Iniisip ko ang gana ng lahat: sariwang igos at bagong tinapay! Ah! Ni kahit si Antipas ay hindi nagkakaroon ng masarap na pagkain na ganyan! Ngunit kailangan na mag-ingat ako, sapagkat ang mga sanga ng púno ng igos ay kasing lambot ng puso ng isang dalaga, kapag sinasabi niya ang kayang unang mga salita ng pagmamahal, at ako ay mabigat, at ang pinaka-masasarap na igos ay nasa tuktok. Natuyo na sila ng maagang araw. Maaaring masarap sila. Eh! Bata. Huwag tumayo diyan nakatingin sa akin. Gising! Ibigay sa akin ang basket na iyan.»

Si Juan, na kalalabas pa lamang sa talyer, ay sumunod at umakyat sa malaking púno ng igos. Noong nakababa ang dalawang mangingisda, sina Simon Zealot, Jose at si Judas Iskariote ay nakalabas na rin sa talyer. Hindi ko nakikita ang iba.

Si Maria ay nagdala ng ilang bagong tinapay: maliliit na bilugang kulay-kapeng mga tinapay, na hinahati-hati ni Pedro ng kanyang maliit na lanseta pagkatapos ipinapatong ang nahiwang igos sa ibabaw nito, at inialok muna ang una kay Jesus, pagkatapos kay Maria at sa iba pa. Sila ay kumakain nang may gana sa lumamig na pangkusinang-hardin, na napakaganda sa maningning na umagang sinag ng araw, dahil din sa katatapos pa lamang na ulan na luminis sa hangin.

Si Pedro ay nagsabi: «Ito ay Biyernes... Guro, bukas ay ang Sabbath...»

«Alam natin lahat iyan» wika ng Iskariote.

«Siyempre. Ngunit ang Guro ay alam kung ano ang ibig kong sabihin...»

«Oo, alam Ko. Ngayong gabi tayo ay pupunta sa lawa, kung saan iniwan mo ang iyong bangka at tayo ay maglalayag patungo sa Capernaum. Bukas Ako ay magsasalita doon.»

Si Pedro ay masayang masaya.

Sina Tomas, Andres, Santiago, Felipe, Bartolomeo at Judas Tadeo, na maaaring natulog sa kung saang lugar, ay dumating nang sabay-sabay. Sila ay nagbabatian.

Sinabi ni Jesus: «Magsama-sama tayong lahat dito. Makakasama rin ang isang bagong disipulo. Inay, halikayo.»

Sila ay naupo, ang ilan sa ibaba ng mga bato, ang ilan sa mga bangkito, pinoporma ang isang paikot kay Jesus, Na naupo sa isang batong upuan sa tabi ng pader na ang Kanyang Ina nasa tabi Niya at sa Kanyang paanan si Juan, na mas ginusto pa ang maupo sa lupa upang mápalapít.

³Si Jesus ay nagsimulang magsalita nang unti-unti at masolemne katulad ng dati.

«Saan Ko maikukumpara ang apostoladong pormasyon? Sa kalikasan na nakapaligid sa atin. Tingnan. Ang lupa sa taglamig ay tila patay. Ngunit sa loob ang mga butil ay aktibo at ang mga limpa ay nabubuhay sa singaw ng tubig na kanilang iniimbak sa mga sanga na nasa ilalim ng lupa – matatawag Ko ang mga ugat na ganyan – upang sila ay magkaroon ng marami para sa nasa itaas na mga sanga kapag panahon na sa pamumulaklak. Maikukumpara din kayo sa taglamig na lupa: tigang, hubad, pangit tingnan. Ngunit ang Tagahasik ay dumaan sa inyo at ikinalat ang binhi. Ang Tagabungkal ay nakapunta malapit sa inyo at binungkal ang lupa sa paligid ng inyong mga katawan, na kasing tigas at gaspang ng lupa na pinagtamnan sa kanila, upang ang mga ugat ay sana tumanggap ng sustansiya mula sa mga ulap at mula sa ere at ang mga katawan ay sana mapalakas para sa bunga sa hinaharap. At tinanggap ninyo ang binhi at ang pagbungkal sapagkat pumayag kayo na magkabunga sa gawain ng Diyos.

Ikukumpara Ko rin ang inyong apostoladong pormasyon sa bagyo na humampas at nambaluktot at tila isang walang kabuluhang karahasan. Ngunit tingnan kung gaanong kabutihan ang nagawa nito. Ang hangin ay mas puro, mas sariwa, walang alikabok o alinsangan. Ang araw ay ang gayon ding araw katulad ng kahapon. Ngunit hindi ito kasing nanununog katulad kahapon noong ito ay tila katulad ng isang mataas na temperatura, sapagkat ang mga sinag nito ay nakararating sa atin dumaraan sa napadalisay at sariwang mga estrato ng ere. Ang mga yerba at mga tanim ay napaginhawahan din katulad ng mga tao, sapagkat ang kalinisan at ang katiwasayan ay nagpapasaya sa lahat na mga bagay. Ang mga kaibhan din ay nakakatulong na maabot ang isang mas eksaktong kaalaman at kapaliwanagan. Kung hindi sila ay walang iba bagkus kasamaan. At ano ang mga kaibhan kung hindi ang mga bagyo na nagpapagalaw sa iba't ibang uri ng mga ulap? At ang ganyan bang mga ulap ay hindi naiipon nang unti-unti sa mga puso ng mga tao sa walang-kabuluhang masasamang timpla ng pag-iisip, walang kakuwenta-kuwentang mga paninibugho at kahambugang pagmamalaki? Pagkatapos ang hangin ng Grasya ay iihip at pagsasama-samahin sila na sana mapakawalan nila ang kanilang masasamang sumpong at ang kalangitan ay sana magliwanag muli.

At ang inyong apostoladong pagmomolde ay katulad ng gawaing ginagawa ni Pedro ngayong umaga para sa kasiyahan ng Aking Ina: na siyang ang pagtutuwid, pagtatali, pagsusuporta o pagtanggal, ayon sa nag-iiba-ibang sitwasyon at pangangailangan, upang kayo ay maging “malalakas na mga manggagawa” sa paglilingkod sa Diyos. Kinakailangan na itama ang maling mga idea, itali at pigilan ang nagrerebeldeng laman, suportahan ang mga kahinaan, putulin ang masasamang kiling kung kinakailangan, at mapalaya sa pagkaalipin at sa kakimian. Kailangan na kayo ay maging malaya at malakas. Katulad ng mga agila, na iniiwan ang kanilang tinubuang mga tuktok ng bundok at lumipad nang mas mataas at mas mataas pa. Ang paglilingkod sa Diyos ay ang paglipad. Ang mga damdamin ay ang mga tuktok ng bundok.

⁴Ang isa sa inyo ay malungkot ngayon sapagkat ang buhay ng kanyang ama ay nasa paghina. At siya ay humihina na ang kanyang puso nakasarado sa Katotohanan at sa kanyang anak na sumusunod sa Katotohanan. Mahigit pa sa sarado: ostil. Ang ama ay hindi pa sinasabi ang di-makatarungan na: “Lumayas ka”, na Aking binanggit sa inyo kahapon, na kung gayon dinideklara ang kanyang sarili na mataas  sa Diyos. Ngunit ang kanyang saradong puso at selyadong mga labì ay wala pang kakayahan na sabihin man lamang: “Sundan mo ang tinig na tumatawag sa iyo”. Ni ang anak o Ako Na nagsasalita sa inyo, ay hindi umaasa na mapakinggan ang mga lábing iyon na magsabi: “Halika at gawin ang Guro na sumama sa iyo. At pagpalain nawa ang Diyos sapagkat pumili Siya ng isang lingkod sa aking pamilya, lumilikha kung gayon sa Salita ng Panginoon, ng isang relasyon na mas makalangit pa kaysa sa dugo”. Ngunit Ako man lamang, alang-alang sa kanya, at ang anak para sa mas komplikadong mga dahilan, ay ayaw na makarinig ng ostil na mga salita mula sa kanya.

Ngunit ang anak na ito ay hindi kailangan na umiyak. Kailangan niyang malaman na Ako ay walang kinikimkim na masamang loob o hinanakit sa kanyang ama. Naaawa lamang Ako sa kanya. Ako ay naparito at tumigil dito, bagamat nalalaman Ko na walang mangyayari, upang sana isang araw ang anak ay hindi masasabi sa Akin: “O! Bakit hindi Ka pumunta?” Ako ay naparito upang sana makumbinsi siyang ganap na ang lahat ay lubos na walang silbi, kapag ang isang puso ay napatigas ng poot. Naparito rin Ako upang paginhawahan ang isang mabuting babae na naghihirap dahil sa pagkakahating ito ng pamilya, na tila ang kanyang puso ay nadudurog. Ngunit kapwa ang anak at ang mabuting ina ay kailangan na makumbinsi na hindi Ako nagsusukli ng poot sa poot. Iginagalang Ko ang katapatan ng matandang naniniwala nang tapat sa kung ano magpahanggang ngayon ang kanyang relihiyon, bagamat ang kanyang pananampalataya ay nalihis ng daan.

Marami ang katulad niya sa Israel... Iyan kung bakit Ko sinasabi sa inyo: Ako ay mas tatanggapin ng mga pagano kaysa ng mga anak ni Abraham. Napasamâ ng Sangkatauhan ang idea ng Tagapagligtas at napabába ang Kanyang sobrenatural na pagkahari sa pagiging ang kaawa-awang idea ng isang pantaong paghahari. Kailangan na mabiyak Ko ang matigas na balat-kahoy ng Hebraismo, lagusin ito, at  hiwain ito hanggang maabot Ko ang kailaliman at pagkatapos ilagay ang mabungang bagong Batas eksakto kung saan naroroon ang puso ng Hebraismo. O! Israel, pinalaki sa paligid ng mahalagang bato ng Batas ng Sinai, ay naging katulad ng isang napakapangit na bunga, na ang kalamnan nito ay naporma ng mga sapin ng patigas nang patigas na mga himaymay, protektado sa labas ng isang kabibi na matatag laban sa bawat panlalagos at laban din sa bawat pagpapalabas ng mikrobyo, upang ang Eternal na Ama ay minarapat na ang sandali ay dumating na upang likhain ang bagong tanim ng pananampalataya sa isa at sang-tatlong Diyos. Upang mapangyari ang kalooban ng Diyos at maging Kristiyanismo ang Hebraismo, kailangan Kong gatgatan, butasan, pasukin at mapuntahan ang pinakabato, pagkatapos painitan ito sa pamamagitan ng Aking pagmamahal, upang ito ay sana magising at mamagà, sumibol at lumaki pa nang lumaki at sa gayon maging ang malaking-malaking tanim ng Kristiyanismo, ang perpekto, eternal, dibinong relihiyon. At sasabihin Ko sa inyong totoo na posibleng mapasok ang Hebraismo sa proporsiyon lamang ng isa sa sandaan.

Hindi Ko kung gayon tinitingnan na isang masamang tao ang Israelitang ito na ayaw sa Akin at ayaw na ibigay sa Akin ang kanyang anak. Iyan kung bakit sinasabi Ko sa anak: huwag umiyak dahil sa laman at dugo na naghihirap bilang tinatalikdan ng laman at dugo na  bumuhay sa mga ito. Iyan kung bakit sinasabi Ko: ni huwag umiyak dahil sa kaluluwa. Ang iyong paghihirap ay mas tumatrabaho kaysa ano pa man pabor sa iyong kaluluwa at sa kanya, pabor sa iyong ama na hindi nakaiintindi at hindi nakakakita. At sinasabi Ko rin sa iyo: huwag makunsiyensya para sa pagiging mas sa Diyos kaysa sa iyong ama.

At sinasabi Ko sa inyong lahat: ang Diyos ay mahigit pa kaysa sa ama, ina, mga kapatid. Ako ay naparito upang pagsamahin ang mga tao hindi ayon sa mundo, sa laman at sa dugo, bagkus ayon sa espiritu at sa Langit. Kinakailangan Ko kung gayon na paghiwalayin ang laman at dugo upang maisama Ko ang mga kaluluwa na, kahit noong nasa mundo, ay angkop para sa Langit, madala ang mga lingkod sa Langit. Kung kaya't Ako ay naparito upang tawagin ang “malalakas”, at gawin silang mas malalakas pa, sapagkat ang Aking sandatahang-lakas ng mapakumbabang mga tao ay binubuo ng “malalakas” na mga tao. Mapakumbaba sa kanilang mga kapatid, malakas laban sa kanilang sariling kaakuhan at sa pagkamakasarili ng dugo ng pamilya.

Huwag umiyak, Aking pinsan. Matitiyak Ko sa iyo na ang iyong kirot ay tumatrabaho sa harapan ng Diyos pabor sa iyong ama at mga kapatid kaysa sa ano pa mang salita, hindi lamang ng iyo, bagkus ng Akin din. Maniwala sa Akin, ang mga salita ay hindi nakakapasok kung saan ang hinakang mga idea ay ang harang. Ngunit ang Grasya ay nakakapasok. At ang isang sakripisyo ay nakakakuha ng mga grasya.

Sinasabi Ko sa inyong totoo na kapag tinawag Ko ang isa bilang isang disipulo, wala nang hihigit pang pagsunod kaysa sa isang ito. At tayo ay kailangan na sumunod nang ni hindi tumitigil upang tingnan kung papaano at gaano ang iba tutugon sa ating pagpunta sa Diyos. Ang isa ay ni hindi kailangan na tumigil upang ilibing ang kanyang ama. At tatanggap kayo ng gantimpala para sa inyong kabayanihan, isang gantimpala na hindi lamang para sa inyong sarili, bagkus para din sa mga kung kanino kayo inihihiwalay, nang biyak ang mga puso, at na ang kaninong mga salita ay may tinatamaan kayo nang mas masakit kaysa sa isang sampal sa mukha, sapagkat inaakusahan kayo ng pagiging walang utang-na-loob na mga anak at sa kanilang pagkamakasarili isinusumpa kayo bilang mga rebelde. Hindi, hindi mga rebelde. Mga santo.

Ang unang mga kaaway ng mga tinawag, ay ang kanilang mga kamag-anak. Ngunit kailangan nating makita ang kaibahan sa pagitan ng pagmamahal at ng pagmamahal at magmahal sa isang sobrenatural na paraan. Ibig sabihin ang mahalin nang higit ang Guro ng sobrenatural kaysa ang mga lingkod ng Guro. Kailangan na mahalin natin ang ating mga kamag-anak sa Diyos. Ngunit nang hindi mas mahigit pa sa Diyos.»

⁵Si Jesus ay tahimik, tumayo Siya at nilapitan ang Kanyang pinsan na, nakayuko ang ulo, halos hindi mapigilan ang kanyang mga luha. Si Jesus ay hinahaplos siya. «Judas.. iniwan Ko ang Aking Ina upang sundan ang Aking misyon. Kailangan na maalis nito ang lahat na pagdududa tungkol sa katapatan ng iyong asal. Kung ito ay hindi isang mabuting gawain, gagawin Ko ba ito sa Aking Ina, Na, higit sa lahat, ay walang iba bagkus Ako?»

Si Judas ay idinidiin ang kamay ni Jesus sa kanyang mukha at itinatango ang kanyang ulo. Ngunit hindi siya makapagsalita ng kahit ano.

«Tayo na, tayong dalawa lamang, katulad noong tayo ay mga bata pa at si Alfeo noon akala niya Ako ang pinakamatinong bata sa Nazareth. Tayo na at dalhin natin ang magagandang bungkos ng ginintuang mga ubas na ito sa matanda, upang hindi niya isipin na kinakalimutan Ko siya o na Ako ay ostil sa kanya. Ang iyong ina at si Santiago ay masisiyahan din. Sasabihin Ko sa kanila na Ako ay mapupunta sa Capernaum bukas at na ang kanyang anak ay ganap na magiging deboto sa kanya. Alam ninyo, ang matatanda ay katulad ng mga bata: sila ay naninibugho. At lagi nilang iniisip na sila ay kinakalimutan. Kailangan na maawa tayo sa kanila...»

Si Jesus ay nakaalis na, iniiwan sa hardin ang mga disipulo na natutulalà sa pagbubunyag ng kirot at di pagkakaunawaan sa pagitan ng isang ama at isang anak dahil kay Jesus. Si Maria ay sumama kay Jesus hanggang sa layo ng pintuan at ngayon Siya ay bumalik nagbubuntung-hininga sa paghihirap ng damdamin.

Ang lahat ay nagtatapos.

(489) 200810/050113

 

Sunod na kabanata.