94. Ang Paggaling ng Kagandahan ng Korazim. Ang Sermon sa Sinagoga sa Capernaum.

Pebrero 1, 1945.

¹Si Jesus ay lumabas sa bahay ng biyanan ni Pedro kasama ang Kanyang mga disipulo, maliban kay Judas Tadeo. Isang bata ang unang nakakita sa Kanya at sinabihan din niya ang mga ayaw na makaalam. Si Jesus, Na nasa baybayin ng lawa, nakaupo sa bangka ni Pedro, ay kaagad napalibutan ng mga tao na tumatanggap sa Kanya at binibigyan Siya ng walang-katapusang mga katanungan, na sinasagot ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang walang-katulad na tiyaga, ngumingiti nang magiliw na tila ang lahat na daldalan ay isang selestiyal na armoniya.

Ang arsosinagoga rin ay dumating. Si Jesus ay tumayo upang batiin siya. Ang kanilang paggagantihang saluduhan ay puno ng pansilanganing paggalang. «Guro, maaari ko ba Kayong asahan na pumunta at turuan ang mga tao?»

«Siyempre, kung kayo at ang mga tao ay gusto ito.»

«Matagal na naming minimithi iyan. Makapagsasabi sila sa Inyo.» Ang mga tao sa katotohanan ay sumisigaw sa pagpapatotoo.

«Bueno, kung gayon, makakasama ninyo Ako ngayong gabi.  Ngayon makakauwi na kayo. Kailangan Kong umalis upang tingnan ang isang tao na may kailangan sa Akin.»

²Ang mga tao ay umalis nang nagdadalawang-isip, habang si Jesus, si Pedro at si Andres ay pumunta sa lawa sa bangka. Ang iba pang mga disipulo ay nananatili sa baybayin.

Ang bangka ay naglayag nang isang maikling distansiya at pagkatapos ang dalawang mangingisda ay pinaliko ito patungo sa isang maliit na loók, sa pagitan ng dalawang mababang burol, na nagmumukhang dati sila ay isang burol lamang, ang gitnang bahagi nito ay bumagsak dahil sa erosyón ng tubig o dahil sa isang lindol, kung gayon naporma ang isang napakaliit na piyordo. Datapwat, sa dahilan na ito ay hindi isang Norwegian na piyordo, wala ritong mga fir-trees, bagkus tanging mga gusot na mga púnong-olibo lamang na, walang sinuman ang nakaaalam kung bakit, ay tumubo sa matarik na mga dalisdis, sa pagitan ng dumalusdos na mga bato at malalaking umuusling mga kahoy. Nahipan ng mga hangin ng lawa, na halatang napakalakas dito, ang mga sanga ng mga punungkahoy ay lahat nagkasala-salabid, at nakaporma ng isang klase ng bubungan, na sa ilalim nito ang isang medyo nakakatakot na maliit na agos ng tubig ay bumubulà: ito ay napaka-ingay dahil sa napakaraming kaskada nito at punó ng bulà dahil bumabagsak ito sa tuwing isang yarda mga ganoon, ngunit sa katunayan ito ay isa lamang maliit na sapa sa pagitan ng mga agos ng tubig.

Si Andres ay tumalon sa tubig upang isadsad ang bangka hanggang sa walang tubig hangga’t maaari at itinali ito sa isang katawan ng punungkahoy, habang si Pedro ay ipinapasok ang panlayag at nagtatali ng isang tabla para matutulayan ni Jesus. «Ngunit» sinabi niya, «pinapayo ko sa Inyo na alisin Ninyo ang Inyong mga sandalyas at ang Inyong tunika, katulad ng ginawa namin. Ang baliw na iyon doon (at tinuturo niya ang maliit na agos ng tubig) ay ginagawa niyan ang tubig ng lawa na tumaas at ang tabla ay hindi ligtas gawa ng lahat ng paggalaw na ito.»

Si Jesus ay sumunod nang walang tanung-tanong. Sa baybayin isinuot nilang muli ang kanilang mga sandalyas at si Jesus ay isinuot din Niya ang Kanyang tunika. Ang dalawang disipulo ay nakasuot lamang ng kanilang maikling maitim na pang-ilalim na mga tunika.

«Nasaan ang babae?» tanong ni Jesus.

«Maaaring nagtatago siya sa kakahuyan, pagkatapos na marinig ang ating mga boses. Alam N’yo.. sa lahat ng kanyang maaaring maisuot...»

«Tawagin siya.»

Si Pedro ay sumisigaw nang malakas: «Ako ang disipulo ng Rabbi ng Capernaum. Ang Rabbi ay naririto. Lumabas ka.»

Wala ng tanda ng buhay.

«Hindi ligtas ang kanyang pakiramdam» paliwanag ni Andres. «Isang araw may tumawag sa kanya at nagsabi: “Halika, may ilang pagkain para sa iyo” at pagkatapos nagtapon ng mga bato sa kanya. Nakita namin siya noon sa unang pagkakataon, sapagkat hindi ko siya naalaala noong siya ay ang Kagandahan ng Korazim.»

«At ano ang inyong ginawa pagkatapos?»

«Tinapunan namin siya ng isang piraso ng tinapay at ilang isda at isang basahan, isang piraso ng lumang panlayag na ginagamit naming tuwalya, sapagkat siya ay hubad. Pagkatapos kami ay tumakbo upang hindi kami makuntamina.»

«At ano ang nagpabalik sa inyo?»

«Guro... Kayo ay nasa malayo at iniisip namin kung ano ang kailangan naming gawin upang makilala Kayo ng mga tao. Inisip namin ang lahat na mga may sakit na tao, ang bulag, ang pilay, ang pipi... at siya rin. Sinabi namin: “Subukan natin”. Alam N’yo... marami... o! iyon ay tiyak na aming kasalanan, marami ang nagsabi na kami ay baliw at hindi sila makinig sa amin. Ang iba sa halip ay naniwala sa amin. Nakipagusap ako sa kanya mismo. Pumunta ako rito sa bangka, nang ako lamang, mga ilang gabing maliwanag ang buwan. Madalas kong tawagan siya at sabihin sa kanya: “Sa ibabaw ng bato, sa paanan ng púnong olibo, may ilang tinapay at isda. Huwag matakot, halika” at pagkatapos ako ay aalis. Maaaring naghintay siya hanggang nakita niya na akong nawala bago siya pumunta, sapagkat hindi ko siya kailanman nakita. Sa ikaanim na beses nakita ko siyang nakatayo sa baybayin, eksakto kung nasaan Kayo ngayon. Siya ay naghihintay para sa akin... Gaano siyang nakakatakot! Hindi ako tumakbo sapagkat inisip ko Kayo...

Sinabi niya sa akin: “Sino ka? Bakit may awa ka sa akin? Tumugon ako: “Sapagkat ako ang disipulo ng Awa”.

“Sino Siya?”

“Siya ay si Jesus ng Galilee”.

«At tinuturuan ba Niya kayo na magkaroon ng awa sa amin?”

“Sa lahat.”

”Ngunit kilala mo ba kung sino ako?”

“Ikaw ang Kagandahan ng Korazim, ngayon isang ketongin”.

“At mayroon din bang awa para sa akin?”

“Sinasabi Niya na ang Kanyang awa ay para sa lahat, at kami, upang maging katulad Niya, ay kailangan na may awa sa lahat”.

Sa puntong ito, Guro, ang ketongin ay naglapastangan nang hindi niya nalalaman kung ano ang kanyang sinasabi. Sinabi niya: “Maaaring Siya ay naging isang malaking makasalanan Mismo”.

Sinabi ko sa kanya: “Hindi. Siya ay ang Mesiyas, ang Banal na Tao ng Diyos”. Gusto kong sabihin sa kanya: “Maisumpa ka sana gawa ng iyong dila”, ngunit wala na akong sinabi pang iba, sapagkat naisip ko: “Sa kanyang paghihirap hindi siya makaisip ng dibinong awa”. Pagkatapos nagsimula siyang umiyak at nagsabi: “O! Kung Siya ay isang Banal na Tao hindi Siya maaaring magkaroon ng awa sa Kagandahan. Baka kaawaan Niya ang ketongin... ngunit hindi ang Kagandahan. At ako ay umaasa....”

Tinanong ko siya: “Ano ang iyong inaasahan, babae?”

“Ang mapagaling... ang makabalik sa mundo... sa pagitan ng mga tao... ang mamatay na humihingi ng limos, ngunit sa pagitan ng mga tao... at hindi katulad ng isang hayop sa lungga ng mababangis na hayop na nahihintakutan sa pagkakita sa akin”.

Sinabi ko sa kanya: “Maisusumpa mo ba sa akin na kung ikaw ay makabalik sa mundo, ikaw ay magiging tapat?”

Siya ay tumugon: “Oo. Ang Diyos ay makatarungan na pinarusahan ako para sa aking mga kasalanan. Ngayon ako ay nagsisisi. Pinagbabayaran ng aking kaluluwa ang mga kasalanan, ngunit kinasusuklaman nito ang kasalanan magpakailanman”.

Akala ko mapangangakuan ko siya ng kaligtasan sa ngalan Ninyo.

Sinabi niya sa akin: “Bumalik ka, bumalik ka muli... Magsalita ka sa akin tungkol sa Kanya na sana makilala Siya ng aking kaluluwa bago Siya makita ng aking mga mata...”. At ako ay pumunta at nagsalita sa kanya tungkol sa Inyo hanggang sa makakayanan ko...»

«At Ako ay pumunta upang ipagkaloob ang kaligtasan sa unang kumbertido ng Aking Andres.» (Si Andres ang laging nagsasalita magpahanggang ngayon, habang si Pedro ay pumunta sa itaas ng ilog, patalun-talon sa mga bato, tinatawag ang ketongin).

³Ang babae sa wakas ay pinakita ang kanyang nakakatakot na mukha sa pagitan ng mga sanga ng isang púno ng olibo. Nakakita siya at sumigaw.

«Bumaba ka, kung gayon» bulalas ni Pedro. «Hindi kita babatuhin! Sa banda roon, nakikita mo ba Siya? Naroon ang Rabbi na si Jesus.»

Ang babae ay nagpabali-balintong pababa sa dalisdis, sinasabi ko iyan, sapagkat tumatakbo siyang napakabilis pababa, at narating niya ang paanan ni Jesus bago makabalik si Pedro malapit sa Guro. «Maawa, Panginoon!»

«Makapaniniwala ka ba na maipagkakaloob Ko iyan sa iyo?»

«Oo, sapagkat Kayo ay isang santo at ako ay nagsisisi. Ako ay Kasalanan, ngunit Kayo ay Awa. Ang Inyong disipulo ang unang nagkaroon ng awa sa akin, at dinalhan niya ako ng tinapay at pananampalataya. Linisin Ninyo ako, Panginoon, ang aking kaluluwa muna bago ang aking katawan, sapagkat tatlong beses akong di-dalisay, at kung ibig Ninyong bigyan ako ng isang kadalisayan, isa lamang, nakikiusap ako sa Inyo na bigyan ako ng kadalisayan ng aking makasalanan na kaluluwa. Bago mapakinggan ang Inyong mga salita, na kanyang inulit sa akin, madalas kong sabihin: “Ang mapagaling at makabalik sa pagitan ng mga tao”.  Ngayon na alam ko na, sinasabi ko: “Ang mapatawad, na sana ako ay magkaroon ng eternal na buhay””.»

«At pinagkakalooban kita ng kapatawaran. Ngunit wala nang iba pa...»

«Pagpalain nawa Kayo! Mamumuhay ako sa aking lungga kasama ang kapayapaan ng Diyos... malaya... o! malaya sa pangungutya ng konsiyensya at malaya sa takot! Hindi na natatakot sa Diyos, ngayon na ako ay Inyong nang pinatawad!»

«Pumunta sa lawa at hugasan ang sarili mo. Manatiling nakalubog hanggang sabihin Ko sa iyo.»

Ang babae, naging isa nang miserableng kalansay, lahat agnas, ang kanyang puting magaspang na buhok lahat gusot, ay tumayo mula sa lupa at pumunta sa lawa nakadamit sa kanyang kaunting mga basahan, na nakapagtatakip sa napakakaunti niya.

«Bakit Ninyo siya pinapunta para hugasan ang sarili niya? Totoo na ang masamang amoy ay nakakahawa, ngunit... hindi ko maintindihan» sabi ni Pedro.

«Babae, umahon ka sa tubig at halika rito. Kunin mo ang damit na iyon sa sanga» (Iyon ay ang kapiraso ng tela na ginamit ni Jesus upang punasan ang Kanyang Sarili pagkatapos na maglakad sa tubig mula sa bangka patungo sa baybayin).

Ang babae ay umahon nang masunurin, ganap na hubad, dahil iniwan niya ang kanyang mga basahan sa tubig upang kunin ang tuyong kapiraso ng tela. Ang unang sumigaw ay si Pedro, na nakatingin sa kanya, habang si Andres, mas mahiyain, ay tumatalikod sa kanya. Ngunit siya ay humarap noong marinig niya ang kanyang kapatid na sumigaw at siya ay sumigaw din. Ang babae, na nakatingin kay Jesus nang sadya na siya ay walang nalalamang iba, noong marinig niya ang mga sigaw at nakita niya ang mga kamay na nakaturo sa kanya, tiningnan niya ang kanyang sarili... At nakita niya na ang kanyang ketong ay naiwanan sa lawa kasama ng kanyang mga basahan. Siya ay hindi tumakbo katulad na maaaring asahan ng isa na kanyang gagawin.  Itinapon niya ang kanyang sarili sa ibaba, nagyuyumukyok sa baybayin, nahihiya ng kanyang kahubaran, balisá na siya ay maka-iiyak lamang nang may isang mahabang mahinang hinaing, na mas makabagbag damdamin kaysa sa kahit anong iyak.

Si Jesus ay kumikilos patungo sa kanya... Narating siya... Itinapon Niya ang tela sa kanya, hinahaplos nang napakagaan ang kanyang ulo, sinabi Niya sa kanya: «Paalam. Maging mabuti. Nararapat ka ng grasya dahil sa sinseridad ng iyong pagsisisi. Lumago sa pananampalataya kay Kristo. At tupdin ang batas ng puripikasyon.»

Ang babae ay umiiyak lagi... Tanging noong napakinggan niya ang ingay ng tabla na hinihila ni Pedro patungo sa bangka, siya tumingala, iniunat ang kanyang mga kamay at sumisigaw: «Maraming salamat, aking Panginoon. Maraming salamat, Pinagpalang Panginoon. O! Pinagpala, pinagpala!...»

Si Jesus ay kinawayan siya ng pagpapaalam bago nawala sa paningin ang bangka sa pagliko sa mabatong lungos ng maliit na piyordo.

⁴... Si Jesus kasama ang Kanyang mga disipulo ay pumasok sa sinagoga sa Capernaum pagkatapos na matawid ang liwasan at ang kalsada na nagpapatungo roon. Ang balita tungkol sa kanina lamang na himala ay kumalat na, sapagkat maraming tao ang bumubulong at gumagawa ng mga komentaryo.

Sa pamasukan lamang ng pintuan ng sinagoga nakita ko si Mateo, ang apostol sa hinaharap. Siya ay nakatayo roon, kalahati ng katawan nasa loob kalahati nasa labas, at hindi ko alam kung siya ay nahihiya o naiinis sa lahat na mga makahulugang sulyap na ginagawa sa kanya at sa ilang di-magandang kung baga panunukso kung saan siya ang pinatutungkulan. Ang dalawang marangyang-nakadamit na Pariseo ay kinakalap nang may pakunwari ang kanilang malalapad na manta, na tila sila ay natatakot na mahawahan ng salot, kung masagi nila nang kahit kaunti ang tunika ni Mateo.

Noong si Jesus ay pumapasok, tinititigan Niya siya at tumigil nang isang sandali. Ngunit si Mateo ay itinungo ang kanyang ulo: iyon lamang.

Kaagad nang sila ay nasa loob na, si Pedro ay bumulong kay Jesus: «Kilala ba Ninyo kung sino ang kulot-ang-buhok na taong iyon, ang isa na mas pinabanguhan kaysa sa isang babae? Siya ay si Mateo, ang aming tagakolekta ng buwis... Ano ang kanyang ipinunta rito? Ito ay ang unang pagkakataon. Baka hindi niya natagpuan ang kanyang mga kaparehas at higit sa lahat ang kanyang mga babae, na kanyang mga kasama sa pagpapalampas ng mga Sabbath, nilulustay sa mga paglalasing ang doble at tripleng buwis na kanyang napipigà sa amin, upang magkaroon ng marami para sa kita at sa kanyang mga bisyo.»

Tinitingnan ni Jesus nang napakahigpit si Pedro, na si Pedro ay naging kasing pula ng isang amapola, itinungo ang ulo at tumigil, upang siya ay bumagsak sa hulihan ng apostoladong grupo sa katapusan.

⁵Narating ni Jesus ang Kanyang lugar. Pagkatapos ng ilang mga awit at mga panalangin na binigkas kasama ang mga tao, Siya ay humarap upang magsalita. Ang arsosinagoga ay tinanong Siya kung gusto Niya ng isang rolyo ng Bibliya, ngunit si Jesus ay tumugon: «Hindi na iyan kinakailangan. Ako ay mayroon nang isang paksa.»

At Siya ay nagsimula: «Ang dakilang hari ng Israel, si David ng Bethlehem, pagkatapos na magawa ang kanyang kasalanan, ay umiyak nang may nagsisising puso, isinisigaw sa Diyos ang kanyang pagsisisi humihingi ng kapatawaran ng Diyos. Ang kaluluwa ni David ay napadilim ng ulap ng kahalayan na nagpigil sa kanya na makita niya ang Mukha ng Diyos at maintindihan ang Kanyang salita.

Kanyang Mukha, sinabi Ko. Sa loob ng puso ng isang tao ay may isang lugar na nakaka-alaala sa Mukha ng Diyos: ang pinakanobleng lugar, na siyang ating “Sancta Sanctorum”, mula kung saan ang banal na mga inspirasyon at mga disisyon ay nagmumula, ang punto na pinababanguhan katulad ng isang altar, nagniningning katulad ng isang apoy, at umaawit katulad ng isang koro ng Serapin. Ngunit kapag ang kasalanan ay nagngangalit sa atin, ang lugar na iyon ay nagiging napakadilim, ang liwanag, pabango at pag-awit ay naglalaho at tanging ang baho ng makapal na usok at ang lasa ng abo ang naiiwan. Ngunit kapag ang liwanag ay bumalik, sapagkat ang isang lingkod ng Diyos ay dinala ito sa dumilim na tao, makikita niya diyan ang kanyang sariling kapangitan, ang kanyang kababaang katayuan at nahihintakutan siya ay bubulalas katulad ni haring David: “Maawa sa akin, Panginoon, sa Inyong kabutihan, sa Inyong dakilang kagiliwan linisin ang aking mga pagkukulang” at hindi niya sinasabi: “Hindi ako mapatatawad, magpapatuloy ako kung gayon sa pagkakasala”. Bagkus sinasabi niya: “Ako ay napahiya at nagsisisi, ngunit, nakikiusap ako sa Inyo, nalalaman Ninyo na ako ay pinanganak na may pagkakasala, ngunit hugasan ako at padalisayin, na sana ako ay maging kasing puti ng niyebe sa mga tuktok ng bundok”. Sinasabi rin niya: “Ang aking holokausto ay hindi maglalaman ng mga lalaking tupa at mga toro, bagkus ng totoong pagsisisi ng aking puso. Sapagkat alam ko na ito ang Inyong gusto mula sa amin at hindi Ninyo ito kamumuhian”.

Iyan ang sinabi ni David pagkatapos ng kanyang kasalanan, pagkatapos na ang lingkod ng Diyos, si Nathan, ay ginawa siyang magsisi. Iyan ang dapat na sabihin ng mga nagkakasala, mas lalo pa ngang ganyan, ngayon na ang Panginoon ay pinadala hindi isang lingkod, bagkus ang Tagapagtubos Mismo, ang Kanyang Salita, Na, bilang isang makatarungang naghahari hindi lamang sa mga tao, bagkus sa mga selestiyal at maka-dimonyong mga nilikha, ay lumitaw sa pagitan ng Kanyang sambayanan, katulad ng liwanag ng bukang-liwayway, na sa pagsikat-ng-araw ay sumisinag sa walang-ulap na kalangitan.

⁶Nabasa na ninyo kung gaano ang isang tao, isang binibiktima ni Mammon, ay mas mahina pa kaysa sa isang tao na namamatay sa TB, kahit na kung noon siya ay ang “malakas” na isa. Nalalaman ninyo kung gaano si Samson naging walang-silbi pagkatapos na pinabayaan niya ang kanyang sarili sa kahalayan. Ibig Kong maintindihan ninyo ang leksiyon kay Samson, ang anak ni Manoah, nakatalagang talunin ang mga Pilisteo, ang mga maniniil ng Israel. Ang unang kondisyon upang maging gayon ay na mula pa sa paglilihi sa kanya siya ay kailangan na panatilihing birhen sa lahat ng gumigising sa mababang mga pakiramdam, at nanghahawa sa mga bituka sa pamamagitan ng di-purong mga pagkain: ibig sabihin ang alak, sidra at matatabang karne, na nagpapainit sa mga puson nang may di-purong apoy. Ang ikalawang kondisyon: upang maging ang tagapaghango ng sambayanan siya ay kailangan na maging sagrado sa Panginoon mula pa sa kanyang kabataan at kailangan na manatiling ganyan sa pamamagitan ng walang-pagkaputol ng pagiging nazir. Siya ay sagrado na nananatiling banal hindi lamang sa panlabas bagkus pati sa panloob. Diyan ang Diyos makakasama niya.

Ngunit ang laman ay laman at si Satanas ay Tukso. At ang Tukso, upang malabanan ang Diyos sa mga puso ng mga tao at sa Kanyang banal na mga dekreto, ay ginagamit bilang isang armas ang laman na nagpapabalisa sa mga lalaki: babae. Ang lakas ng “malakas” na lalaki ay diyan nanginginig at siya ay nagiging isang mahina na magsasayang sa regalo ng Diyos. Ngayon makinig: si Samson ay tinalian ng pitong bagong tali ng panà, ng pitong bagong tali, siya ay ipinirmi sa lupa ng pitong tirintas ng kanyang buhok. At siya ay laging nananalo dati. Ngunit ang isa ay hindi kailangan na tuksuhin ang Diyos, ni kahit sa Kanyang kabutihan. Iyan ay hindi legal. Siya ay nagpapatawad, lagi Siyang nagpapatawad. Ngunit hinihingi Niya ang matatag na kalooban na talikdan ang kasalanan, na sana Siya ay magpatuloy na magpatawad. Ang nagsasabi: “Panginoon, patawad” ngunit hindi iniiwasan kung ano ang nang-uudyok sa kanya na patuloy na magkasala, ay tanga! Si Samson tatlong beses na panalunan, ay hindi iniwasan si Delilah, ang kahalayan, ang kasalanan, at naiinip na hanggang sa mamatay, sinabi ng Aklat, at bilang nawalan na ng lakas ng loob, sabi ng Aklat, binunyag niya ang kanyang lihim: “Ang aking lakas ay nasa aking pitong tirintas na buhok”.

Mayroon bang sinuman sa inyo, na, pagod na ng dakilang kapaguran ng kasalanan, ay nawawalan na ng lakas-ng-loob, sapagkat wala nang mas nakalulungkot pa kaysa sa isang masamang konsiyensya, at susuko na sa Kaaway? Huwag, maging sino ka man, huwag gawin iyan. Si Samson ay ibinunyag sa tukso ang lihim upang matalo ang kanyang pitong mga birtud: ang pitong sumisimbulong mga tirintas, ang kanyang mga birtud, ibig sabihin ang kanyang katapatan sa nazir; pagod katulad niya siya ay nakatulog sa lapi ng babae at natalo. Siya ay bulag, isang alipin, walang lakas, sapagkat hindi siya naging matapat sa kanyang panata. Ni hindi na rin siya muling naging ang “malakas na tao”, ang “tagapaghango ng sambayanan”, hanggang sa matagpuan niyang muli ang kanyang lakas sa kapighatian ng pagsisisi. Pagsisisi, tiyaga, pagpupursige, kabayanihan at pagkatapos, o mga makasalanan, pinapangako Ko sa inyo kayo ang magiging inyong sariling mga tagapaghango. Sasabihin Ko sa inyong totoo na walang binyag, walang ritwal ang may pakinabang na kahit ano, kung walang pagsisisi at kalooban na kalimutan ang kasalanan. At walang sinuman ang napakalaking makasalanan na hindi niya mapanunumbalik sa pamamagitan ng kanyang mga luha ang mga birtud na pinunit ng kasalanan mula sa kanyang puso.

⁷Ngayong araw ang isang babae, isang nagkasalang babae ng Israel, pinarusahan ng Diyos para sa kanyang mga kasalanan, ay tumanggap ng awa dahil sa kanyang pagsisisi. Sinabi Ko: awa. Ang mga hindi nagkaroon ng awa sa kanya at trinato ang pinarusahan na babae nang walang habag, ay tatanggap ng mas kulang na awa. Sila ba ay walang ketong ng pagkakasala sa kanilang mga puso? Gawin ng lahat na iksaminin ang kanilang mga sarili... at magkaroon ng awa upang tumanggap ng awa. Inilalabas Ko ang Aking kamay sa katauhan ng nagsisising babaeng ito, na bumabalik sa buháy pagkaraan ng isang pagkakahiwalay ng kamatayan. Si Simon ni Jonas, hindi Ako, ang mangungulekta sa mga alay para sa nagsising babae, na mula sa pintuan ng búhay ay bumabalik sa tunay na Búhay. At huwag bumulung-bulong, kayong matatandang tao. Huwag bumulong-bulong. Ako ay wala rito noong siya ay ang Kagandahan. Ngunit kayo ay narito. Hindi na Ako magsasalita pa.»

«Kami ba ay Inyong inaakusahan ng pagiging kanyang mga mangingibig?» tanong ng isa sa dalawang matampuhing matandang lalaki.

«Hayaan ang bawat isa na ilagay sa kanyang harapan ang kanyang puso at ang kanyang mga ikinilos.  Hindi Ako nag-aakusa. Ako ay nagsasalita sa ngalan ng katarungan. Tayo na.» at si Jesus ay lumabas kasama ang Kanyang mga disipulo.

Si Judas Iskariote ay pinipigilan ng dalawang tao na lumalabas na nakakakilala sa kanya. Narinig ko silang nagsasabi: «Kasama mo rin ba Siya? Siya ba ay talagang isang banal na tao?»

Tumugon si Judas ayon sa isa sa kanyang nakalilitong mga bulalas: «Umaasa ako na maiintindihan man lamang ninyo ang Kanyang kabanalan.»

«Ngunit nagpagaling Siya sa araw ng Sabbath.»

«Hindi, nagpatawad Siya sa araw ng Sabbath. At aling araw ang mas bagay sa pagpapatawad kaysa sa araw ng Sabbath? Hindi ba kayo magbibigay sa akin ng kahit ano para sa natubos na babae?»

«Hindi kami nagbibigay ng aming pera sa mga puta. Ito ay inaalay sa banal na Templo.»

Si Judas ay tumawa nang walang-galang at iniwanan sila sa alanganin. Sinamahan niya ang Guro, na pinapasok ang bahay ni Pedro na may sinasabi sa Kanya: «Narito, sa labas lamang ng sinagoga, ang maliit na Santiago ay binigay sa akin itong dalawang lukbutan ngayon, sa halip na isa lamang, sa katauhan ng di-kilalang tao. Sino siya Guro? Nalalaman Ninyo... Sabihin sa akin.»

Si Jesus ay ngumingiti: «Sasabihin Ko sa iyo kung matuto kang huwag magsalita ng masamâ tungkol sa sinuman.»

At ang lahat ay nagtatapos.

(494) 200810/050213



Sunod na kabanata.