95. Si Santiago ni Alfeo Tinanggap na Kabilang sa mga Disipulo. Si Jesus Nagtuturo malapit sa Tanggapan ng Pagbubuwis ni Mateo.

Pebrero 2, 1945.

¹Ito ay umagang palengke sa Capernaum. Ang liwasan ay punó ng mga mangangalakal nagbebenta ng lahat ng uri ng mga paninda.

Si Jesus, nanggagaling sa lawa, ay dumarating sa liwasan at nakita Niya ang Kanyang mga pinsan na si Judas at si Santiago paparating patungo sa Kanya. Binilisan Niya ang Kanyang hakbang patungo sa kanilang direksiyon at pagkatapos na mayakap sila nang madamdamin, tinanong Niya sila nang nangungusap: «Kumusta ang inyong ama? Ano ang nangyari?»

Walang bago, kung tungkol sa kanyang buhay ang pag-uusapan» tugon ni Judas.

«Bakit kayo pumarito kung gayon? Sinabi Ko sa inyo na manatili.»

Si Judas ay itinungo ang kanyang ulo at nananahimik. Ngunit si Santiago ay bumulalas: «Ito ay aking kasalanan kung siya ay hindi sumunod. Oo, kagagawan ko. Ngunit hindi ko na matagalan pa ang sitwasyon. Silang lahat ay laban sa akin. Bakit? Mayroon bang masamâ sa pagmámahal sa Iyo? Mali ba kami sa pagiging malapít sa Iyo? Magpahanggang ngayon ako ay napipigilan ng pag-aalangan na baka magagawa ko ang maling bagay. Ngunit ngayon na alam ko na, ngayon na sinabi Mo na kahit ang isang ama ay hindi magiging mataas pa sa Diyos, hindi ko na matagalan pa ang sitwasyon. O! Nagsikap akong magpakita ng paggalang, upang maintindihan niya ang aking mga rason, upang malinawan ang sitwasyon. Sinabi ko: “Bakit kayo laban sa akin? Kung Siya ay ang Propeta, ang Mesiyas, bakit gusto ninyong sabihin ng mundo: ‘Ang Kanyang sariling pamilya ay laban sa Kanya. Ang mundo ay sinusundan Siya, ang Kanyang pamilya ay hindi’? Sapagkat, kung Siya ay baliw katulad ng sinasabi ninyo, hindi ba’t tayo ng pamilya ang kailangan na maging malapit sa Kanya upang maiwasan ang Kanyang pagkabaliw na masaktan Niya ang Kanyang sarili at tayo?” O Jesus, iyan ang aking sinabi nakikipagtalo sa isang pantaong paraan, katulad ng ginawa nila. Ngunit nalalaman Mo na si Judas at ako ay hindi naniniwala na Ikaw ay baliw. Nalalaman Mo na tinitingnan ka namin ang Banal na Tao ng Diyos. Nalalaman Mo na lagi ka naming tinitingnan bilang ang aming Mayor na Bituin. Ngunit hindi nila kami maintindihan. Ayaw na nilang makinig pa sa amin. At ako ay umalis. Sa pagitan ni Jesus at ang pamilya, pinili Kita. Naririto ako, kung gusto Mo ako. Kung hindi Mo ako gusto, ako ang magiging pinaka di-masaya sa lahat na mga tao, sapagkat hindi ako magkakaroon ng kahit ano: ni ang Iyong pakikipagkaibigan o ang pagmamahal ng pamilya.»

«Nakarating na ba tayo sa yugtong ito? O Santiago, Aking kaawa-awang Santiago, sana hindi kita nakitang naghihirap nang ganito,  sapagkat minamahal kita! Ngunit kung si Jesus-Tao ay umiiyak kasama mo, si Jesus-Salita ay nagbubunyi dahil sa iyo. Halika. Natitiyak Ko na ang lugod na madala ang Diyos sa mga tao ay palalakihin ang iyong kaligayahan sa bawat oras ng araw hanggang marating nito ang ganap na katalikan sa huling oras ng lupa at sa eternal na oras ng Langit.»

Si Jesus ay tumalikod at tinatawag ang Kanyang mga disipulo, na hindi nagpahalatang tumigil mga ilang yarda ang layo. «Halikayo dito, Aking mga kaibigan. Ang Aking pinsan na si Santiago ay ngayon isa na sa Aking mga kaibigan at kung gayon isang kaibigan ninyo. Gaano Ko hinintay ang oras na ito, ang araw na ito sapagkat siya ay isang dating perpektong kaibigan ng Aking kabataan at isang mabuting kapatid ng Aking kasibulan!»

²Ang mga disipulo ay tinatanggap ang bagong dating at si Judas, na kanilang hindi nakita nang ilang mga araw.

«Hinanap namin kayo sa bahay... ngunit kayo ay nasa lawa.»

«Oo, Ako ay nasa lawa nang dalawang araw kasama si Pedro at ang iba pa. Si Pedro ay nagkaroon ng mabuting húli. Tama ba iyon?»

«Oo, ngunit ang nagpapainis sa akin ay ngayon kailangan ko nang magbigay ng maraming didrachma sa magnanakaw na iyon sa banda roon...» at tinuturo niya si Mateo, ang kolektor ng buwis, na ang kaninong mesa ay pinagsisiksikan ng mga tao nagbabayad para sa kanilang okupadong lugar lupa, sa palagay ko, o para sa mga makakain.

«Iyan ay magiging proporsiyonado, sa palagay Ko. Habang mas marami ang húli, mas malaki ang babayaran mo at mas malaki ang kikitain mo.»

«Hindi, Guro. Habang mas nakakahúli ako, mas malaki ang kita ko. Ngunit kung ang bigat ng aking huli ng isda ay doble, ang lalaking iyon doon ay hindi niya ako pinagbabayad ng doble. Pinagbabayad niya ako nang apat na beses... Ang buwaya!»

Pedro! Bueno, tayo ay pumunta doon lamang. Gusto Kong magsalita. Laging maraming mga tao malapit sa tanggapan ng adwana.»

«Hindi nakapagtataka!» pabulung-bulong ni Pedro. «Maraming tao at mga panunumpa.»

«Bueno, pupunta Ako at magkakaloob ng mga pagpapalà. Baka ilang tapat na mga damdamin ay makapasok sa puso ng kolektor.»

«Hindi Kayo dapat mag-alala tungkol diyan. Ang Inyong mga salita ay hindi kailanman makakalampas sa kanyang balat ng buwaya.»

«Malalaman natin.»

«Ano ang Inyong sasabihin sa kanya?»

«Walang diretso. Ngunit Ako ay magsasalita sa isang paraan na ang Aking mga salita ay nakatuon din sa kanya.»

«Sabihin na ang isang magnanakaw ay kapwa ang nandudumog ng mga tao sa daan at ang nandaraya sa mahihirap na tao na nagtatrabaho para sa kanilang pang-araw-araw na tinapay at hindi para sa mga babae at sa mga paglalasing.»

«Pedro, gusto mo bang magsalita sa lugar Ko?»

«Hindi, Guro: hindi ako makapagsasalita nang maayos.»

«At sa pamamagitan ng talas ng iyong pananalita masasaktan mo ang iyong sarili at siya.»

³Narating nila ang tanggapan ng adwana. Si Pedro ay magbabayad na sana. Si Jesus ay pinatigil siya at nagsabi: «Ibigay mo sa Akin ang pera. Ako ang magbabayad ngayong araw.» Si Pedro ay tinitingnan Siya nang nagtataka at pagkatapos binigay niya sa Kanya ang isang balat na lukbutan na naglalaman ng ilang pera.

Si Jesus ay hinihintay ang Kanyang pagkakataon at noong Siya ay nasa harapan na ng kolektor sinabi Niya: «Nagbabayad Ako para sa walong basket ng isda na pag-aari ni Simon ni Jonas. Ang mga basket ay nasa banda roon, kung saan nakatayo ang mga katulong. Maaari mong tingnan, kung ibig mo. Ngunit ang matatapat na tao ay magagawa nilang pagtiwalaan ang mga salita ng bawat isa. At sa palagay Ko maniniwala ka na Ako ay tapat. Magkano ang Aking ibabayad?»

Si Mateo, na nakaupo noong sinabi ni Jesus: «At sa palagay Ko maniniwala ka na Ako ay tapat», ay tumayo. Siya ay isang maliit at kung baga maedad na lalaki, mga kasing edad ni Pedro, ngunit ang kanyang mukha ay may pagód na tingin ng mahilig sa pagpapakasarap at siya ay halatang nalilito. Sa una iniyuko niya ang kanyang ulo, pagkatapos itinaas niya ito at tinitingnan si Jesus. At si Jesus ay tinititigan siya nang mahigpit, pinaghahari siya mula sa Kanyang mapangibabaw na taas.

«Magkano?» tanong muli ni Jesus, pagkaraan ng ilang mga segundo.

«Walang pagbubuwis para sa disipulo ng Guro» tugon ni Mateo. At sa mas mahinang tinig dinagdag niya: «Manalangin para sa aking kaluluwa.»

«Dala-dala Ko iyan sa loob Ko, sapagkat iniipon Ko ang mga makasalanan. Ngunit... bakit hindi mo iyan inaalagaan?» At si Jesus ay tinalikuran siya kaagad at bumalik kay Pedro, na nagtataka nang husto. Ang iba rin ay natulalà. Sila ay nagbubulungan at nagkikindatan nang makahulugan...

⁴Si Jesus ay sumandal sa isang katawan ng punungkahoy, mga sampung yarda mula kay Mateo at nagsimulang magsalita.

«Ang mundo ay maikukumpara sa isang malaking pamilya, na ang mga miyembro nito ay nasa iba't ibang mga pangangalakal, ang lahat nito ay kinakailangan. Mayroon ditong mga magbubukid, mga pastol, mga tagapag-alaga ng mga úbasán, mga karpintero, mga mangingisda, mga tagapaglatag ng mga ladrilyo, mga tagadugtong at mga platero, at pagkatapos mga eskribyente, mga sundalo, mga opisyal na may pananagutan para sa espesyal na mga misyon, mga doktor, mga pari. Naroon ang lahat. Ang mundo ay hindi maaaring magkaroon lamang ng isang klase ng mga tao. Lahat sila ay kinakailangan, lahat banal, kung ginagawa nila ang kailangan nilang gawin nang may katapatan at katarungan. Papano nila magagawa ito kung si Satanas sa lahat ng banda ay tinutukso sila? Sa pagbaling ng kanilang mga isip sa Diyos, Na nakakakita sa lahat, pati na rin ang pinakatagu-tagong mga gawain, at sa Kanyang Batas, at sa Kanyang Batas na nagsasabi: “Mahalin ang iyong kapwa katulad ng pagmahal mo sa iyong sarili, huwag gawin sa ibang mga tao ang ayaw mong gawin sa iyo mismo, huwag magnakaw sa kahit anong paraan”.

Sabihin sa Akin, kayong mga nakikinig sa Akin: kapag ang tao ay mamatay, dinadala ba niya ang kanyang lukbutan ng pera? At kahit na kung siya ay maging napakatanga na ilibing ang mga lukbutan kasama niya sa libingan, may paggagamitan ba siya ng mga ito roon sa kabilang mundo? Wala. Ang pera ay nagiging isang piraso ng naagnas na metal sa kabulukan ng isang naagnas na labí. Ngunit ang kanyang kaluluwa ay magiging hubad kahit saan at kahit mas mahirap pa kaysa sa pinagpalang si Job, pagkakaitan ito ng pinakamaliit na sentimos, kahit na kung nag-iwan ito ng tambak-tambak na mga talento dito at sa kanyang libingan. Hindi, bagkus, makinig, makinig! Sasabihin Ko sa inyong totoo na mahirap kamtin ang Langit sa pamamagitan ng mga kayamanan, sa kabaligtaran ang Langit ay sa pangkalahatan nawawala dahil sa mga kayamanan, kahit na rin kung ito ay nakuha nang tapat o dahil sa mana, sapagkat kakaunting mayayaman na mga tao lamang ang may alam kung papaano gamitin ang kanilang kayamanan nang tapat.

Ano ang kinakailangan kung gayon upang kamtin ang Paraiso at mamahinga sa sinapupunan ng Ama. Kinakailangan na huwag maging sakim para sa kayamanan. Ibig sabihin, huwag manabik na makakuha ng kayamanan kahit na anong mangyari, kahit malabag pa ang katapatan at pagmamahal. Huwag manabik hanggang mahalin ang kayamanan nang higit pa sa Langit at sa kapwa, tumatangging tumulong sa nangangailangan na kapwa. Huwag maging sakim sa kung ano ang maibibigay ng kayamanan, ibig sabihin: mga babae, mga pagpapakasarap, isang masaganang mesa, magagandang damit, na isang insulto sa mga giniginaw at nagugutom. Mayroong pera na maipapalit sa di-makatarungan na pera ng mundo na may halaga sa Kaharian ng Langit. At iyan ay ang banal na karunungan na gawing eternal na mga kayamanan, ang pantaong mga kayamanan na madalas di-makatarungan o ang dahilan ng pagka di-makatarungan. Ibig sabihin, kailangan na kumita kayo nang matapat, isauli kung ano ang inyong nakuha nang di-makatarungan, gamitin ang inyong mga kayamanan nang may pagkamatipid at pagkahiwalay, pinag-aaralan kung papaano mapahiwalay sa kanila, sapagkat darating ang panahon na iiwanan tayo nito, samantalang ang mabubuting gawain ay hindi kailanman nila tayo iiwanan. Kailangan na isipin ninyo iyan!

Ibig nating lahat na tayo ay tawaging “makatarungan” at tingnan na ganyan at magantimpalaan ng Diyos para sa pagiging makatarungan. Ngunit papaano ng Diyos gagantimpalaan ang makatarungan lamang sa pangalan ngunit sa katunayan ay hindi? Papaano Niya sasabihin: “Pinatatawad kita”, kung ang pagsisisi ay sinasaad lamang ng salita ng bibig at hindi suportado ng isang tunay na pagbabago ng espiritu? Walang tunay na pagsisisi habang ang kasakiman para sa bagay na dahil dito tayo ay nagkakasala ay nagpapatuloy. Ngunit kapag ang isang tao ay pinahiya ang kanyang sarili, kapag pinutol niya ang lahat na kaugnayan sa masasamang masimbuyong damdamin, katulad ng sa babae at sa ginto at nagsabi: “Alang-alang sa Inyo Panginoon, ako ay wala na ng mga ito”, siya ay tunay ngang nagsisisi. At ang Diyos ay tatanggapin siya nagsasabing: “Halika, ikaw ay kasing mahal sa Akin katulad ng isang inosenteng bata, at isang bayani”.»

Si Jesus ay nakatapos. Siya ay umalis nang ni hindi man lamang tumatalikod upang tingnan si Mateo, na lumapit sa pabilog na hanay ng mga nakikinig pagkatapos ng pinaka-unang mga salita.

⁵Noong sila ay malapit na sa bahay ni Pedro, ang kanyang asawa ay tumakbo upang salubungin ang kanyang asawa at nagsabi ng kung ano sa kanya. Si Pedro ay kinawayan si Jesus na lumapit sa kanya. «Ang ina nina Santiago at Judas ay naririto. Ibig niyang makipag-usap sa Inyo ngunit ayaw niya na may makakita. Ano ang ating gagawin?»

«Ganito. Pupunta Ako sa bahay na tila gusto Kong magpahinga at kayong lahat ay lalakad upang magbigay ng limos sa mahihirap. Kunin din ang pera na hindi kinuha para sa pagbubuwis. Lakad.» Si Jesus ay kinakawayan silang lahat ng pagpapaalam, habang si Pedro ay pinipigilan sila kinukumbinsi sila na sumama sa kanya.

«Nasaan ang ina, babae?» si Jesus ay tinatanong ang asawa ni Pedro.

«Nasa terasa, Guro. Iyon ay nasa lilim pa at malamig pa. Makakaakyat na Kayo. At mas makakapag-isa kayo roon kaysa sa loob ng bahay.»

Inakyat ni Jesus ang maliit na hagdanan.

Sa isang sulok, sa ilalim ng makapal ng balag ng baging, ay naroon si Maria ni Alfeo, nakaupo sa isang maliit na bangkito sa tabi ng parapet, nakadamit ng lahat itim, na ang kanyang belo nakahilang pababa na matakpan ang kanyang mukha. Siya ay lumuluha nang tahimik.

Si Jesus ay tinawag siya: «Maria! Aking mahal na tiya!»

Itinaas ni Maria ang kanyang kaawa-awang namimighating mukha at iniunat ang kanyang mga kamay: «Jesus! Gaano ako nalulungkot sa aking puso!»

Si Jesus ay malapit sa kanya. Ginawa Niya siyang manatiling nakaupo. Nananatiling Siyang nakatayo na ang Kanyang manta suot Niya, ang isang kamay nasa balikat ng Kanyang tiya, habang ang isa pa ay hinahawakan ni Maria. «Ano ang nangyayari sa inyo? Bakit labis kayong umiiyak?»

«O! Jesus! Ako ay umalis ng bahay nagsasabing: “Pupunta ako sa Cana upang kumuha ng ilang mga itlog at alak para sa imbalido”. Ang Iyong ina ay kasama si Alfeo at inaalagaan siya at nalalaman Mo naman kung gaano Siya kagaling, at hindi ako nag-aalala. Ngunit sa katunayan pumunta ako rito. Panay ang takbo ko nang dalawang gabi upang makarating dito nang mas mabilis. Ako ay hapô... Ngunit ang pagod ay walang kuwenta... Ito ay ang kirot sa loob ng aking puso na nagpapahirap nang labis!... Ang aking Alfeo... ang aking Alfeo... ang aking mga anak... Bakit may labis na pagkakaiba sa mga magkakapareho ng dugo at bakit ang pagkakaibang iyan kasing tigas ng mga panggiling na bato upang durugin ang puso ng isang ina? Sina Judas ba at Santiago ay kasama Mo? Kasama Mo? Kung gayon alam Mo na... O! Jesus! Bakit ang aking Alfeo hindi makaintindi? Bakit siya namamatay? Bakit gusto niyang mamatay siya nang ganyan? At sina Simon at Jose? Bakit sila laban sa Iyo at hindi kasama Mo?»

«Huwag umiyak, Maria. Wala Akong masamang loob sa kanila. Sinabi Ko na iyan kay Judas. Naiintindihan Ko at nalulungkot Ako para sa kanila. Kung iyan ang dahilan kung bakit kayo umiiyak, pakiusap na huwag nang umiyak.»

«Oo, iyan kung bakit, sapagkat sinasaktan Ka nila. Iyan ay isang rason at pagkatapos... pagkatapos... Ayaw kong mamatay ang aking asawa na ostil sa Iyo. Hindi siya patatawarin ng Diyos... at ako, o! Hindi na siya mapapasaakin... ni kahit sa hinaharap na buhay...» Si Maria ay totoong naghihirap ang kalooban. Iniiiyak niya ang laman ng kanyang puso at ang kanyang mga luha ay bumabagsak sa kaliwang kamay ni Jesus, na hawak pa rin ng kanyang mga kamay at paminsan-minsan kanyang hinahalikan at tinitingala ang kanyang kaawa-awang mukha na pinasasakitan ng kirot.

«Hindi» sabi ni Jesus. ««Hindi. Huwag mong sabihin iyan. Ako ay nagpapatawad. At kung Ako ay nagpapatawad...»

«O! Halika, Jesus. Halika at iligtas ang kanyang kaluluwa at ang kanyang katawan. Halika... Ang mga tao ay sinasabi rin, upang akusahan Ka, sinasabi na nila na kinuha Mo na ang dalawang anak ng isang namamatay na tao, iyan ang kanilang sinasabi sa Nazareth, kita Mo? Sinasabi rin nila: “Gumagawa Siya ng mga himala kahit saan, ngunit hindi Niya magawa ang mga ito sa loob ng Kanyang sariling tahanan” at nakikipagtalo sila sa akin kapag upang maipagsanggalang Ka sinasabi ko: “Ano ang Kanyang magagawa kung para na rin ninyo Siyang pinalayas sa pamamagitan ng inyong mga paninita at kung hindi kayo naniniwala?”»

«Nasabi mo ang tamang mga salita: kung kayo ay hindi naniniwala. Ano ang Aking magagawa kung saan walang pananampalataya?»

«O! Magagawa Mo ang lahat. Naniniwala ako para sa kanilang lahat. Pakiusap na pumunta. Gumawa ng isang himala... para sa Iyong kaawa-awang tiya...»

⁶«Hindi Ko magagawa.» Si Jesus ay malungkot na malungkot sa pagsasabi nito. Nakatayo at hinahawakan ang ulo ng umiiyak na babae sa Kanyang dibdib, tila ikinukumpisal Niya ang Kanyang kawalang kakayahan sa kalikasan mismo at tila tinatawagan Niya ang kalikasan bilang isang saksi sa Kanyang kirot sa Kanyang pagkawalang magawa dahil sa eternal na dekreto.

Ang babae ay mas umiiyak nang mas malakas.

«Makinig, Maria. Maging mabuti. Sinusumpa Ko na kung magagawa Ko, kung ito ang tamang bagay na gawin, gagawin Ko ito. O! Aagawin Ko ang grasyang ito mula sa Ama, para sa inyo, para sa Aking Ina, para kina Judas at Santiago, at para rin kay Alfeo, kay Jose at Simon. Ngunit hindi Ko magagawa. Kayo ngayon ay durog na durog ang inyong puso na hindi ninyo maintindihan ang katarungan ng Aking kawalang kakayahan. Sasabihin Ko sa inyo, bagamat hindi ninyo maiintindihan. Noong oras ng kamatayan ng aking ama, hindi Ko siya ibinalik muli sa mga búhay, at nalalaman ninyo kung gaano siya ka-makatarungan at gaano siya minamahal ng Aking Ina. Hindi Ko siya binuhay muli. Hindi makatarungan na ang isang miyembro ng pamilya ay ipagpapaliban sa hindi maiiwasan na mga kasawiang-palad ng buhay sa tanging dahilan lamang na ang isa sa mga miyembro nito ay isang banal na tao. Kung ganyan ang kaso, kailangan Kong manatili sa mundo magpakailanman, datapwat Ako ay mamamatay din, at Maria, ang Aking banal na Ina, ay hindi Niya Ako maaagaw mula sa kamatayan. Hindi Ko magagawa. Ito ang Aking magagawa at gagawin Ko.» Si Jesus ay naupo at hinahawakan ang ulo ng Kanyang kamag-anak sa Kanyang balikat. «Ganito ang Aking gagawin. Nangangako Ako ng kapayapaan para sa iyong Alfeo dahil sa iyong kirot at binibigyan kita ng katiyakan na hindi ka mahihiwalay sa kanya at binigay Ko sa iyo ang Aking salita na ang ating pamilya ay magkakasama muli sa Langit magpakailanman, at habang Ako ay nabubuhay at kahit na pagkatapos, pagkakalooban kita ng labis na kapayapaan at labis na lakas na ikaw ay magiging Aking apostol para sa napakaraming mga kaawa-awang mga babae, na magiging mas madali para sa iyo, isang babae, na makahalubilo. Ikaw ang Aking magiging pinakamamahal na kaibigan sa panahon na ito ng pag-eebanghelyo. Ang kamatayan ni Alfeo – huwag umiyak – ay palalayain ka sa iyong mga katungkulan ng isang asawa at itataas ka sa mas makalangit na katayuan ng isang mistikal na babaeng pagpapari, na kailangang-kailangan malapit sa altar ng Dakilang Biktima at sa pagitan ng napakaraming mga pagano, na mas magbibigay daan nang maluwag sa banal na kabayanihan ng isang babae disipulo kaysa sa mga lalaking disipulo. O! Ang inyong pangalan, aking mahal na tiya, ay magiging katulad ng isang maningning na bituin sa Kristiyanong kalangitan... Huwag nang umiyak pa. Humayo sa kapayapaan. Maging malakas, nagpapasa-Diyos at banal. Ang Aking Ina... ay naging isang balo bago kayo... at pagiginhawahan kayo katulad na Siya ay nakapagbibigay kaginhawahan. Halikayo. Ayaw Kong kayo ay lumakad sa ilalim ng init na ito. Si Pedro ay dadalhin kayo sa kanyang bangka hanggang sa layo ng Jordan at pagkatapos patungo sa Nazareth sa isang asno. Maging mabuti.»

«Pagpalain mo ako, Jesus. Bigyan mo ako ng lakas.»

«Oo, pinagpapalà Ko kayo at hinahalikan kayo, Aking mabuting tiya.» At hinahalikan Niya siya nang magiliw, dinidiin siya nang matagal sa Kanyang puso hanggang nakita Niya siya na kumakalma.

(500) 200810/050413

Sunod na kabanata.