96. Si Jesus Nagtuturo sa Pulutong sa Bethsaida.

Pebrero 3, 1945.

¹Si Jesus ay nasa Bethsaida. Siya ay nagsasalita nakatayo sa bangka na nagdala sa Kanya roon at ngayon halos nakasadsad na, nakatali sa isang poste ng isang maliit na magaspang na piyer. Maraming tao, nakaupo sa buhangin nang pa-arko, ang nakikinig sa Kanya. Si Jesus ay kasisimula pa lamang na magsalita.

«... at nakikita Ko rin dito kayong mga tao ng Capernaum ay minamahal Ako, sapagkat sinundan ninyo Ako, kinalilimutan ang inyong mga negosyo at mga kaginhawahan upang pakinggan ang mga salita na nagtuturo sa inyo ng katotohanan. Nalalaman Ko na ang inyong kinikilos ay nagagawa kayong insultuhin at maaari ding makagawa sa inyo ng kapinsalaang panlipunan, mas malala pa kaysa kahit ano pang kalugihan sa pananalapi, na maaaring resulta ng inyong pagpapabaya sa inyong negosyo. Alam Ko na sina Simon, Eli, Uriah at Joachim ay laban sa Akin. Ngayon sila ay laban sa Akin, sa hinaharap sila ay magiging Aking mga kaaway. At sa dahilan na ayaw Kong manloko sa sinuman, ni ayaw Kong lokohin kayo, Aking matatapat na kaibigan, sasabihin Ko sa inyo na ang malalakas sa Capernaum ay gagamitin ang lahat na pamamaraan upang masaktan Ako, upang maghirap Ako, upang matalo Ako sa pamamagitan ng papag-isahin Ako... Magpapakalat sila ng mga parunggit bilang mga pagbabanta at mga insulto bilang paninirang-puri. Ang pagkaraniwang kaaway ay gagamitin ang lahat upang makaagaw ng mga kaluluwa mula sa Kristo at ariin sila. Sasabihin Ko sa inyo: ang sinuman na magpupursige ay maliligtas; ngunit sasabihin Ko rin sa inyo na siya na nagmamahal sa kanyang buhay at kapakanan nang mahigit pa sa eternal na kaligtasan, ay malayang makaaalis na, upang iwanan Ako at alagaan ang kanyang kaawa-awang búhay at pansamantalang kapakanan. Hindi ko pipigilan ang sinuman.

Ang tao ay malaya. Ako ay naparito upang gawin siyang mas lalo pang malaya. Malaya sa kasalanan, at ito ay may kaugnayan sa espiritu. At malaya sa mga tanikala ng isang balu-baluktot na mapaniil na relihiyon, na sa pamamagitan ng mga daloy ng mga salita, ng mga sugnay at ng mga alituntunin napúpupusan nito ang totoong salita ng Diyos, isang salita na malinaw, maikli, madali, banal at perpekto. Ako ay naparito upang salain ang mga konsiyensya. Iniipon Ko ang Aking mga butil sa sahig-giikan, at ginigiik Ko ito sa pamamagitan ng doktrina ng sakripisyo, at sinasala Ko ito sa pamamagitan ng panala ng sarili nitong kalooban. Ang magagaang walang-pakinabang na ipa, ang sorghum, ang vetch, ang dawag ay maipapadpad at babagsak nang mabigat at delikado, at kakainin ng mga ibon, at tanging ang puro, pilì, solidong mabuting butil lamang ang papasok sa Aking kamalig. Ang butil: ang mga santo.

³Si Satanas ay hinamon ang Eternal na Ama sa loob ng mga siglo. Nasisiyahan dahil sa kanyang unang pananalo sa tao, si Satanas ay nagsabi sa Diyos: “Ang Iyong mga nilikha ay magiging akin magpakailanman. Wala, ni kahit ang kaparusahan, ni kahit pa ang Batas na gusto Mong ibigay sa kanila, ang makagagawa sa kanila na kamtin nila ang Langit, at ang Luklukan Mong iyon, mula kung saan ako ay Iyong pinalayas, ako, ang tanging matalinong nilikha sa Iyong sangnilikha, ay mananatiling walang laman, walang silbi at malungkot, katulad ng lahat ng walang mga silbing bagay”. At ang Eternal na Ama ay tumugon sa Isinumpang Isa: “Magagawa mo iyan habang ang iyong lason ay ang tanging bagay na naghahari sa tao. Ngunit ipadadala Ko ang Aking Salita at ang Kanyang salita ay kokontra sa iyong lason, panunumbalikin nito ang mga puso sa kalusugan, pinagagaling sila sa kabaliwan na sa pamamagitan nito ginawa mo silang masamâ, at sila ay babalik sa Akin. Katulad ng nawawalang mga tupa na nakita ang pastol, sila ay babalik sa Aking Kawan at ang Langit ay mapupuno ng mga kaluluwa. Ginawa Ko iyon para sa kanila. At pagngangalitin mo ang iyong nakakatakot na mga ngipin, dala ng kawalang-magawang galit, doon sa ibaba ng iyong nakakatakot na kaharian, isang isinumpang preso, at ang bato ng Diyos ay itatakip sa iyo at sisilyuhan ng mga anghel at ang kadiliman at poot ay makakasama mo kasama ang iyong mga tagasunod, habang ang Akin ay kalulugdan ang liwanag at pagmamahal, mga awit at beatitude at ang walang-hangganan, eternal, makalangit na kalayaan”. At si Mammon nang may pagsabog ng nanunuyang tawa ay nanumpa: “At sa ibabaw ng aking Gehenna isinusumpa ko na ako ay darating kapag ito ay oras na. Ako ay laging mapaparoon saan man mapunta ang Iyong napagpahayagan na mga tao at makikita natin kung ako o Ikaw ang panalo”.

Si Satanas, siyempre, ay naglalatag ng mga patibong para sa inyo, upang salain kayo. Paliliguyan Ko rin kayo upang masala kayo. Ang nagpapaligsahan ay dalawa: Ako at siya. Kayo ay nasa gitna. Ang duwelo ng Pagmamahal at Poot, ng Karunungan at Kamangmangan, ng Mabuti at Masama ay nasa inyo at sa kapaligiran ninyo. Ako ay sapat na upang mailagan ang kahit anong masamang dagok laban sa inyo. Ako ay pumapagitan sa armas ni satanas at sa inyo at pumapayag Akong masugatan sa lugar ninyo, dahil minamahal Ko kayo. Ngunit kailangan na ilagan ninyo ang panloob na mga dagok, sa pamamagitan ng inyong mga kalooban, tumatakbo patungo sa Akin, sinusundan ang Aking daan na siyang ang Katotohanan at Búhay. Ang sinuman na hindi nagmimithi ng Langit ay hindi tataglayin ang Langit. Ang sinuman na hindi angkop na maging isang disipulo ni Kristo, ay magiging katulad ng magaan na ipa, na ipapadpad ng hangin ng mundo. Ang sinuman na kaaway ng Kristo ay nakasisirang buto na tutubo sa satanikong kaharian.

³Alam Ko kung bakit kayong mga tao ng Capernaum ay pumunta rito. Ang Aking konsiyensya ay malinis ng kasalanan na iniaakusa sa Akin, na dahil sa kasalanan na wala naman ang mga tao ay nagsasalita ng hindi mabuti tungkol sa Akin sa Aking likuran, ipinapahiwatig na ang makinig sa Akin at ang sumunod sa Akin ay ang makasama ng isang makasalanan, na hindi Ako natatakot na sabihin ang dahilan sa sambayanan ng Bethsaida. Sa pagitan ninyo, mga mamamayan ng Bethsaida, ay may ilang maedad na mga tao, na dahil sa iba't ibang mga rason ay hindi nakakalimutan ang Kagandahan ng Korazim. May mga taong nagkasalang kasama niya, may mga babaeng umiyak dahil sa kanya. Sila ay umiyak – hindi pa Ako nakararating sa pagsasabi: “Mahalin ang mga nanakit sa inyo!” – sila ay umiyak at sila ay nagbunyi noong mapakinggan nila na siya ay kinapitan ng pagkabulok na lumalabas mula sa kanyang maruming mga bituka, patungo sa kanyang magandang katawan, at siyang simbolo ng mas seryosong ketong na umagnas sa kanyang kaluluwa ng isang nangangalunya, isang pagpatay-sa-kapwa at isang puta. Isang nangangalunyang makapitumpung-pitong beses, sa sinuman na isang “lalaki” at may pera. Isang pagpatay-sa-kapwa nang makapitong-pitong beses ng kanyang ilegal na mga paglilihi; isang puta para kasiyahan hindi para sa pangangailangan.

O! naiintindihan Ko kayo mga maybahay, na ang kaninong mga asawa ay naging di-matapat! Naiintindihan Ko ang inyong pagbubunyi noong kayo ay sinabihan: “Ang laman ng Kagandahan ay mas mabaho at bulok pa kaysa sa isang labí ng hayop na nakakalat sa kanal ng isang pangunahing daan, isang  pinagpipistahan ng mga uwak at mga uod”. Ngunit sinasabi Ko sa inyo: kailangan na magpatawad kayo. Ang Diyos ay kinuha ang inyong paghihiganti at pagkatapos nagpatawad. Kayo ay kailangan na magpatawad din. Pinatawad Ko rin siya sa katauhan ninyo, sapagkat nalalaman Ko na kayo ay mabuti, o mga babae ng Bethsaida, na bumabati sa Akin sumisigaw: “Pinagpala ang Kordero ng Diyos! Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!” Kung Ako ang Kordero at kilala ninyo Ako bilang ganyan, kung Ako, Kordero, ay pumunta sa pagitan ninyo, kayong lahat ay kailangan na maging mapagkumbabang mga tupa, kayo rin na ang kaninong kirot ng isang di-matapat na asawa, isang kirot ng isang matagal nang panahon, ay nabibigyan kayo ng instinto ng isang mabangis na hayop na nagsasanggalang ng lungga. Kung kayo ay mga tigre at mga ayena, Ako, ang Kordero, ay hindi makapananatiling kasama kayo.

Siya Na naparito sa kabanalbanalang pangalan ng Diyos upang ipunin ang makatarungang mga tao at ang mga makasalanan upang dalhin sila sa Langit, ay pumunta rin sa nagsisising babae at sinabi sa kanya: “Maging malinis. Humayo at magbayad-sala”. Ginawa Ko iyan sa isang araw ng Sabbath. At iyan ang iniaakusa sa Akin. Isang pormal na akusasyon. Ang ikalawang akusasyon ay ng nilapitan Ko ang isang puta. Ang isang babae na noon naging isang puta. Ngunit ngayon ay isang kaluluwa na pinagsisisihan ang kanyang mga kasalanan.

Bueno, sinasabi Ko: ginawa Ko iyon at gagawin Ko iyon. Dalhin sa Akin ang Aklat, magbusiklat dito, pag-aralan ito, iksaminin ito nang mabuti. Hanapin, kung may makikita kayo, ng isang pasahe na nagbabawal sa isang doktor na manggamot ng isang may-sakit na tao, o isang Levita na alagaan ang altar, o isang pari na makinig sa isang naniniwala, dahil lamang na ang araw ay ang Sabbath. At kung makita ninyo ito at maipakita ito sa Akin, dadagukan Ko ang Aking dibdib at magsasabi: “Panginoon, Ako ay nagkasala sa harapan Ninyo at sa harapan ng mga tao. Ako ay hindi karapat-dapat ng pagpapatawad. Ngunit kung  may awa Kayo sa Inyong lingkod, pagpapalain Ko Kayo hanggang sa Ako ay nabubuhay”. Sapagkat ang kaluluwang iyon ay may sakit. At ang may-sakit na mga tao ay nangangailangan ng isang doktor. Iyon ay isang nilapastangang altar at ang isang Levita ay kinakailangan upang malinisan iyon. Iyon ay isang naniniwala na iiyak sa totoong Templo ng totoong Diyos, at nangangailangan iyon ng isang pari upang maipakilala iyon. Sasabihin Ko sa inyong totoo na Ako ang Doktor, ang Levita, ang Pari. Sasabihin Ko sa inyong totoo na kung hindi Ko gagawin ang Aking katungkulan, at nawala Ko ang kahit isang kaluluwa na nananabik na maligtas, ang Diyos Ama ay hihingan Ako ng paliwanag tungkol diyan at parurusahan Ako sa pagkawala ng kaluluwang iyon.

Iyan ang Aking kasalanan, ayon sa malalakas sa Capernaum. Naghintay sana Ako hanggang sa sumunod na araw. Oo. Ngunit bakit antalahin nang dalawampu’t apat na oras na pagkalooban ang isang tapat na nagsisising puso ng kapayapaan ng Diyos? Sa loob ng pusong iyon ay may tunay na kababaang-loob, purong sinseridad, perpektong pagsisisi. Nakita Ko ang loob ng pusong iyon. Ang ketong ay nasa kanya pa ring katawan. Ngunit ang kanyang puso ay napagaling na ng balsamo ng maraming taon ng pagsisisi, ng mga luha at pagbabayad-sala. Tanging ang Akin na lamang pagkonsagrang muli ang kinakailangan upang mailapit ang pusong iyon sa Diyos, nang hindi nakukuntamina ang dalisay na hangin sa paligid ng Diyos sa pagkakalapit nito. At ginawa Ko iyon. Lumabas siya mula sa lawa na malinis na rin sa kanyang laman. Ngunit mas malinis pang lalo sa kanyang puso.

⁴Gaano karami sa mga pumunta sa tubig ng Jordan sa pagsunod sa panghihikayat ng Prekursor ang umahon na hindi kasing linis katulad niya! Sapagkat ang kanilang binyag ay hindi ang buluntad, sinsiro, taos-sa-puso pagkilos ng isang kaluluwang nananabik na maging handa para sa Aking pagdating. Iyon ay isa lamang pormalidad na lumabas na perpektong banal sa mga mata ng mundo. Iyon kung gayon ay pagkukunwari at pagmamalaki. Dalawang kasalanan na nagpapalaki sa masa ng mga pagkukulang na dati nang nasa loob ng mga puso. Ang binyag ni Juan ay bagkus isang simbolo. Ang ibig sabihin niyon: “Tanggalin ninyo ang inyong pagmamalaki sa pagpapahiya sa inyong mga sarili at pagtanggap na kayo ay mga makasalanan; tanggalin ninyo ang inyong kahalayan sa paghuhugas ninyo mismo ng putik nito”. Ang inyong mga kaluluwa ay kailangan na mabinyagan ng inyong kalooban na maging malinis at maging handa para sa bangkete ng Diyos. Walang kasalanan ang napakalaki na hindi ito maaalis muna ng pagsisisi, pagkatapos ng Grasya at panghuli ng Tagapagligtas. Walang makasalanan ang napakasamâ na hindi niya maitataas ang kanyang napahiyang mukha at ngumiti sa pag-asa ng katubusan. Sapat na para sa kanya na talikdan nang ganap ang kasalanan, ang maging makabayani sa pakikipaglaban sa mga tukso, ang maging sinsiro sa kanyang mithiin na maipanganak muli sa isang bagong buhay.

⁵Sasabihin Ko na sa inyo ngayon ang isang bagay na totoo, datapwat tila paglalapastangan sa Aking mga kaaway. Ngunit kayo ay Aking mga kaibigan. Ako ay nagsasalita na ang partikular na nasa isip ay kayo, Aking mga disipulo na mga napili na, at sa inyong lahat na mga nakikinig sa Akin. Ang mga anghel, puro at perpektong mga espiritu, namumuhay at nagbubunyi sa liwanag ng Kabanalbanalang Trinidad, bagamat perpekto, ay imperyor sa inyo mga tao, na malayo sa Langit, at tinatanggap nila ang kanilang pagiging imperyor. Ang kanilang pagka-imperyor ay nasa kanilang ka-imposiblehan na isakripisyo ang kanilang sarili at maghirap upang makisama sa panunubos sa tao. Ano ang iniisip ninyo tungkol diyan? Ang Diyos ay hindi kumukuha ng isang anghel at sabihin sa kanya: “Maging tagapagtubos ng sangkatauhan!” Bagkus kinuha Niya ang Kanyang sariling Anak. At bagamat ang sakripisyo ng Anak ay may di-masusukat na kahalagahan at ang Kanyang kapangyarihan ay walang-hangganan, ang Ama, nalalaman na mayroon pang isang bagay na nawawala mula sa halaga ng mga merito upang maitapat sa dami ng mga kasalanan na idinadagdag ng sangkatauhan oras-oras, ay hindi kumukuha ng iba pang mga anghel upang ipampuno at hindi nagsasabi sa kanila: “Maghirap upang gayahin ang Kristo”, bagkus sinasabi Niya iyan  sa inyo, mga tao. Ganyan ang Kanyang maka-amang kabutihan na hindi Niya tinitingnan ang kaibahan sa pagitan ng Anak ng Kanyang pagmamahal at ng mga anak ng Kanyang kapangyarihan. Sinasabi Niya sa inyo: “Maghirap, isakripisyo ang inyong mga sarili, maging katulad ng Aking Kordero. Maging kapwa mga tagapagtubos...!” O! Nakakakita Ako ng mga pangkat ng mga anghel na tumitigil sa pag-inog nang isang sandali sa kanilang sumasambang ekstasi sa paligid ng Sang-tatlong Pulkro, lumuluhod, tumitingin sa lupa at nagsasabi: “Pinagpala kayong nakapaghihirap kasama ang Kristo para sa inyo at aming Eternal na Diyos!”

Marami ang hindi pa makaiintindi sa ganyang kadakilaan. Ito ay napakataas sa mga tao. Ngunit kapag ang Biktima ay isasakripisyo na, kapag ang eternal na Butil ay tumaas mula sa kamatayan upang hindi na muli mamatay, pagkatapos ng gapasin, giikin, alisan ng ipa at ilibing sa mga bituka ng lupa, diyan ang labis-labis na espirituwal na Tagapagpaliwanag ay darating at paliliwanagan ang mga espiritu, kahit na ang mga pinaka-paurong na tao, ngunit tapat pa rin sa Kristong Tagapagtubos, at pagkatapos maiintindihan ninyo na Ako ay hindi naglapastangan, bagkus ipinahayag Ko ang pinakamataas na dignidad ng tao sa inyo: ang maging mga kapwa tagapagtubos, kahit na kung dati kayo ay mga makasalanan.

⁶Pansamantala maging handa para sa ganyang dignidad nang may purong mga puso at mga intensiyon. Habang nagiging mas puro kayo mas lalo kayong makaiintindi. Sapagkat ang pagiging di-puro, maging ano pa man ito, ay laging usok na nagpapalabo at nagpapabigat sa inyong paningin at sa inyong katalinuhan. Maging puro. Magsimula sa inyong mga katawan at pagkatapos puntahan ang inyong mga kaluluwa. Magsimula sa limang mga pándamá at pagkatapos puntahan ang pitong masisimbuyong damdamin.

Magsimula sa inyong mata, ang hari ng mga pándamá, na naghahatid sa pinakamasakit at komplikadong mga gana. Ang mata ay nakikita ang katawan ng isang babae at pagnanasaan nito ang isang babae. Ang mata ay nakikita ang kayamanan ng mayamang tao, at nagmamasakim ito sa ginto. Ang mata ay nakikita ang kapangyarihan ng mga naghahari at nagmamasakim ito sa kapangyarihan. Gawin ang inyong mga mata na mapayapa, matino at puro. Habang ang inyong mata ay puro, mas magiging puro ang inyong puso. Bantayan ang inyong mata, isang matakaw na tagatuklas ng nakapanunuksong mga mansanas. Maging basal sa inyong tingin kung gusto ninyong maging basal sa inyong mga katawan. Kung taglay ninyo ang kabasalan ng laman, tataglayin ninyo ang kabasalan sa mga kayamanan at kapangyarihan. Tataglayin ninyo ang lahat na mga kabasalan at maging ang kaibigan ng Diyos.

Huwag matakot na pagtawanan dahil sa inyong pagkabasal. Matakot lamang ng pagiging mga kaaway ng Diyos. Isang araw napakinggan Ko ang isa na nagsabi: “Pagtatawanan Kayo bilang isang sinungaling o isang taong-kapon kung magpapakita Kayong walang pagnanasa para sa mga babae”. Sasabihin Ko sa inyong totoo na itinatag ng Diyos ang kasal upang gawin kayong mga tagagaya sa paglilikha at Kanyang mga katulong sa pagpuno sa Langit ng mga tao. Ngunit may isang mas mataas na katayuan, na sa harapan nito ang mga anghel ay yumuyuko, dahil nakikita nila ang karingalan nito na, bagamat, hindi nila magaya. Isang katayuan, na perpekto kung ito ay tatagal mula sa kapanganakan hanggang kamatayan, ngunit dito ay hindi ipinipuwera ang hindi na mga birhen, na tinatalikdan ang kanilang pagiging mabunga, maging lalaki man o babae, at kinakalimutan ang kanilang sensual na kalakasan, upang maging mabunga at malakas lamang sa espiritu. Ito ay ang katayuan ng isang eunuko na walang pisikal na imperpeksiyon o buluntad o marahas na pagpuputol. Ang katayuan na hindi nagbabawal sa isang tao na lumapit sa altar, sa kabaligtaran, sa hinaharap na mga siglo, ang altar ay pagsisilbihan at paliligiran ng ganyang mga tao. Iyan ang pinakamataas na eunukong katayuan: kung saan ang pagpuputol ay gawa ng kalooban na maging pag-aari lamang ng Diyos, na panatilihin ang katawan at ang puso ng isa na basal para sa Kanya, na sana sila ay magpakailanman maging napakaliwanag sa kadalisayan na mahal na mahal sa Kordero.

⁷Ako ay nakapagsalita para sa mga tao at para sa mga napili sa pagitan ng mga tao. Ngayon, bago pasukin ang bahay ni Felipe upang pagsaluhan ang kanyang tinapay at asin, pinagpapala Ko kayong lahat: ang mabubuting tao bilang isang gantimpala, ang mga  nagkakasala upang hikayatin silang pumunta sa Kanya Na naparito upang magpatawad. Harinawang mapasainyong lahat ang kapayapaan.»

Si Jesus ay bumaba mula sa bangka at naglakad sa pagitan ng pulutong na sumisiksik sa paligid Niya. Sa isang sulok ng isang bahay ay naroon si Mateo na nakinig sa Guro, mula sa lugar na iyon, hindi naglalakas-loob na mas lumapit. Si Jesus ay tumigil noong Siya ay nakarating doon at na tila Siya ay nagpapalà sa lahat, Siya ay nagpapalang muli, tinitingnan si Mateo at pagkatapos umalis, napalilibutan ng Kanyang mga disipulo at sinusundan ng pulutong at nawala sa paningin patungo sa isang bahay.

Ang lahat ay nagtatapos.

(506) 250810/050513

 

Sunod na kabanata.