98. Si Jesus sa Lawa ng Tiberias. Pagtuturo sa Kanyang mga Disipulo malapit sa Bayan din na iyon.

Pebrero 5, 1945.

¹Si Jesus ay kasama ang Kanyang labintatlong mga disipulo sa lawa ng Galilee. May dalawang bangka na may pitong taong laman sa bawat isa. Si Jesus ay nasa kay Pedrong bangka, ang nauuna, kasama sina Pedro, Andres, Simon, Jose at ang Kanyang dalawang pinsan. Sa isa pang bangka ay naroon ang dalawang anak ni Zebedeo kasama si Judas Iskariote, si Felipe, si Tomas, si Natanael at si Mateo.

Ang dalawang bangka ay naglalayag nang mabilis sa harapan ng isang malamig na Boreas, na nagpapa-alun-alon sa tubig nang napakabanayad at ang mga marka ng alun-alon ay naipakikita ng isang manipis na belo ng bulâ na nakakatulad ang isang pinong pagbuburda sa asul na turkesa ng magandang malinaw na lawa. Ang mga bangka ay nag-iiwan sa likuran ng dalawang alimbukay, na nagtatagpo nang halos kaagad, kung gayon napoporma ang isang maningning na kumikislap na bulâ, kaaya-ayang makita, habang naglalayag sila nang magkasama, ang bangka ni Pedro bilang mga ilang yarda lamang ang úna sa isa.

Mula sa isang bangka patungo sa isa pa, mga ilang yarda lamang ang agwat, ang mga disipulo ay nagpapalitan ng mga sinasabi at mga komentaryo. Naintindihan ko kung gayon na ang mga Galilean ay pinakikita at pinaliliwanag sa mga Judaean ang iba ibang lugar sa lawa, ang kanilang mga pangangalakal, ang importanteng mga tao na nakatira sa lugar, ang distansiya mula sa kanilang inalisang lugar hanggang sa kanilang pupunta, ibig sabihin mula Capernaum hanggang Tiberias. Ang mga bangka ay hindi ginagamit para sa pangingisda, ginagamit lamang para sa pagdala ng mga pasahero.

Si Jesus ay nakaupo sa unahan ng bangka at kitang-kitang kinalulugdan ang mga kagandahan ng kalikasan sa paligid Niya, ang katahimikan, ang asul na kalangitan at ang lawa, ang hulí napalilibutan ng berdeng mga baybayin, kung saan ang maraming puting mga nayon ay nangingibabaw sa kaberdehan ng kabukiran. Halos nakahiga sa isang tambak ng mga panlayag, sa pinakadulo ng dulo ng bangka, hindi Niya binibigyan ng pansin ang paguusap ng mga disipulo, at madalas itinutungo ang Kanyang ulo tinitingnan ang sapirong salamin ng lawa, na tila pinag-aaralan Niya ang lalim nito at interesado sa mga nilikhang nabubuhay sa malinaw na tubig. Iniisip ko kung ano kaya ang Kanyang iniisip... Si Pedro ay kinakausap Siyang dalawang beses upang malaman kung ang araw ay nakakabalisa sa Kanya – dahil ito ay nakataas na mula sa silangan at sumisinag nang ganap sa bangka, at ito ay mainit na, bagamat hindi napakainit - ; at sa ikalawang beses ay tinanong niya kung gusto Niya ng ilang tinapay at keso katulad ng iba. Ngunit si Jesus ay ayaw ng tolda o kahit anong tinapay. At si Pedro ay pinabayaan Siyang mag-isa.

²Mga ilang maliliit na pamamasyal na bangka, halos kasing laki ng isang shallop, ngunit nilagyan ng purpurang mga trapal at mga kutson, ang tumawid sa dadaanan ng mga bangka ng mga mangingisda. Mga sigawan, halakhakan at amoy ng mga pabango ang kasama sa kanilang pagtawid.

Ito ay punó ng magagandang babae, maraming nagsasayang mga Romano, may ilang mga Palestino at kaunting mga Griyego. Ito ay aking napag-alaman mula sa mga salita ng isang payat na bata-pang lalaki, kasing kulay-kape ng isang halos hinog nang olibo, ismarteng nakadamit ng isang maikling pulang tunika, na may mabibigat na Griyegong mga palawit ang gilid at nahahawakan nang mahigpit sa kanyang baywang ng isang sinturon, na siyang ang obra-maestra ng isang platero. Sinabi niya: «Si Hellas ay maganda! Ngunit ni kahit ang aking Olimpik na amangbayan ay may ganitong asul at ganitong mga bulaklak. Totoong hindi nakapagtataka na ang mga diyosa ay pinabayaan ito na pumunta rito. Magkalat tayo ng mga bulaklak, mga rosas at ating mga paghanga sa mga diyosa, hindi na Griyego bagkus Judaean...» At nagkakalat siya sa mga babae sa kanyang bangka ng mga petalo ng magagandang rosas at nagtatapon siya ng ilan sa kalapit na bangka.

Isang Romano ang tumugon sa kanya: «Ikalat sila, ikalat sila, Griyego! Ngunit si Venus ay kasama ko. Hindi ako nagkakalat ng mga rosas, pinipitas ko sila mula sa magandang bungangang ito. Ito ay mas matamis!» at siya ay yumuyuko upang halikan ang nakabukang ngumingiting bunganga ni Maria ng Magdala, na nakasandal sa mga kutson na ang kanyang olandesang ulo nasa lapi ng Romano.

Sa ngayon ang maliliit na bangka ay nasa harapan na ng dalawang mas malalaking bangka at kapwa dahil sa pagka-walang-karanasan ng mga mananagwan at dahil sa isang biglang buga ng hangin, ang mga bangka ay halos magkabanggaan.

«Mag-ingat, kung ang inyong mga buhay ay mahal sa inyo» sigaw ni Pedro, na mabangis noong siya ay tumagilid, kinakabig ang timon, upang maiwasan ang banggaan. Mga insulto mula sa mga lalaki at mga sigaw ng takot mula sa mga babae ang palipat-lipat sa mga bangka.

Ang mga Romano ay iniinsulto ang mga Galilean nagsasabing: «Umalis kayo sa daan, kayong maruruming Hudyong mga aso.»

Si Pedro at ang ibang mga Galilean ay hindi pinalalampas ang insulto at si Pedro lalo na, namumula katulad ng isang tandang, nakatayo sa gilid ng bangka, na tumatagilid nang husto, na ang kanyang mga kamay nasa kanyang mga balakang, ay gumaganti at walang pinagpapaliban maging mga Romano o mga Griyego o mga Hudyo o mga babaeng Hudyo. Hindi, bagkus, kinagagalitan niya ang mga babae sa pamamagitan ng magagalang na mga titulo na ginusto kong hindi isulat. Ang pagtatalo ay tumagal hanggang nakalas ang pagkakabuhul-buhol ng mga sagwan at sila ay nagpatuloy sa kani-kanilang mga pupuntahan.

Si Jesus ay hindi gumalaw mula sa Kanyang lugar. Siya ay nanatiling nakaupo, ang Kanyang isip nasa malayo, wala ni sulyap o isang salita sa mga bangka o sa mga pasahero. Nakasandal sa isang siko, nagpatuloy Siya sa pagtingin sa nasa malayong baybayin, na tila walang kahit ano ang nangyayari. Ang isang bulaklak din ay itinapon sa Kanya, hindi ko alam kung kanino galing, tiyak mula sa isang babae, sapagkat naririnig ko ang isang babae na tumatawa noong ito ay itinatapon. Ngunit Siya... ay hindi gumagalaw. Ang bulaklak ay halos tamaan ang Kanyang mukha, pagkatapos bumagsak sa mga tabla at nagtapos sa ilalim ng mga paa ng galít na si Pedro.

³Noong ang maliliit na bangka ay aalis na, nakita ko ang Magdalena na tumayo at sinusundan ang itinuturo ng isa sa kanyang mga kapareha sa bisyo, ibig sabihin, ibinaling niya ang kanyang magagandang mata patungo sa panatag na mukha ni Jesus, Na ang Kaninong isip ay nasa malayo. Gaano kalayo mula sa mundong ito ang mukha na iyon!...

«Sabihin, Simon!» tanong ni Judas Iskariote. «Dahil ikaw ay isang Judaean katulad ko, sabihin sa akin. Ang magandang olandesa na nasa lapi ng Romano, ang isa na tumayo mga ilang sandali kanina, hindi ba’t iyon ay ang kapatid na babae ni Lazarus ng Bethany?»

«Hindi ko alam» ang matalas na tugon ni Simon ang Kananeo. «Bumalik ako sa pagitan ng mga buháy kamakailan lamang, at siya ay isang bata pang babae...»

«Hindi mo sasabihin sa akin na hindi mo kilala si Lazarus ng Bethany, sana! Alam na alam ko na siya ay iyong kaibigan at na ikaw ay nanggaling doon kasama rin ang Guro.»

«At kung ganyan ito?»

«At dahil iyon ay iyon, sasabihin ko na kilala mo rin ang makasalanan na kapatid na babae ni Lazarus. Kahit na ang patay ay kilala siya! Ang mga tao ay siya ang pinag-uusapan sa nakaraang sampung taon. Siya ay nagsimulang maging parang-baliw noong pumasok siya sa edad ng pagdadalaga. Ngunit sa loob ng apat na taon! Maaaring nalalaman mo ang iskandalo, kahit na kung ikaw ay nasa “lambak ng patay”. Ang buong Herusalem ay siya ang pinag-uusapan. At si Lazarus ay ikinulong ang kanyang sarili sa Bethany... Nagawa niya ang tamang bagay, pagkatapos ng lahat. Walang maaaring pumunta sa kanyang magandang bahay sa Zion, kung saan ang Magdalena ay paparoo’t parito rin... Ang ibig kong sabihin: walang banal na nabubuhay na tao. Sa kabukiran... bueno!... Maging ano pa man siya ay laging nasa paligid, ngunit hindi kailanman sa bahay... Siya ay tiyak na nasa Magdala na ngayon... Kasama ang bagong mangingibig... Hindi mo ba ako sasagutin? Mapasisinungalingan mo ba ako?»

«Hindi kita pinasisinungalingan. Ako ay tahimik.»

«Kung gayon siya iyon! Nakilala mo rin siya!»

«Nakita ko siya noong siya ay bata pa at siya noon ay puro. Nakita ko siya uli ngayon... Ngunit nakilala ko siya. Bagamat mahalay, siya ang buháy na imahe ng kanyang ina, isang banal na babae.»

«Bueno, kung gayon, bakit nasa punto ka na na pasinungalingan na siya ay kapatid na babae ng iyong kaibigan?»

«Nagsisikap tayo lagi na itago ang ating mga sugat at ang mga sugat ng mga taong ating minamahal. Lalo na kung ang isa ay tapat.»

Si Judas ay nagbigay ng isang puwersadong tawa.

⁴«Tamang tama ka, Simon. At ikaw ay tapat» wika ni Pedro.

«At nakilala mo ba siya? Ikaw ay tiyak na pumupunta sa Magdala upang ibenta ang iyong isda, at iniisip ko kung ilang beses mong nakita siya!...»

«Aking bata, kailangan na malaman mo na kapag ang iyong likod ay biyak pagkatapos ng isang araw ng tapat na pagtatrabaho, hindi ka interesado sa mga babae. Mahal mo lamang ang tapat na higaan ng iyong asawa.»

«Eh! Ang lahat ay gusto ang magagandang bagay! Hindi sa kung ano pang ibang rason kaysa matingnan man lamang sila.»

«Bakit? Upang sabihin: “Iyan ay hindi pagkain para sa aking mesa”? Hindi, tiyak na hindi. Maraming mga bagay ang aking natutunan sa lawa at mula sa aking trabaho, at ito ay ang isa sa kanila: ang isang isda sa tabang at kalmanteng tubig ay hindi angkop para sa maalat o sa isang maipu-ipong daan ng tubig.»

«Ano ang ibig mong sabihin?»

«Ang ibig kong sabihin ang lahat ay kailangan na doon lamang siya sa lugar niya, upang maiwasan na mamatay nang masamang kamatayan.»

«Ang Magdalena ba ay nagawa kang pakiramdam mo mamamatay ka na?»

«Hindi, matigas ito. Ngunit sabihin sa akin: masama ba kaya ang pakiramdam mo?»

«Ako? O! Ni hindi ko nga siya tiningnan!...»

«Sinungaling ka! Natitiyak ko na naubos ka ng inggit sapagkat wala ka sa bangkang ito, upang málapit sa kanya... nakipagtalo ka sana kahit na sa akin, upang mapalapit... Kung kaya't pinararangalan mo ako ng inyong pakikipagusap, dahil sa kanya, pagkatapos ng napakaraming araw ng pananahimik.»

«Ako? Ni hindi niya ako makikita! Lagi siyang nakatingin sa Guro!»

«Ah! Ah! Ah! At sinasabi niya na hindi siya nakatingin sa kanya! Papaano mo makikita kung saan siya nakatingin, kung hindi mo siya tinitingnan»

Lahat sila ay tumatawa sa winika ni Pedro, maliban si Judas, si Jesus at si Simon Zealot.

Si Jesus ay tinapos ang pagtatalo na Kanyang ipinagkukunwaring hindi Niya naririnig sa pagtanong kay Pedro: «Iyan ba ang Tiberias?»

«Oo, Guro, iyan nga. Babatak na ako.»

«Sandali. Makatitigil ka ba sa tahimik na maliit na look na iyon? Gusto Kong magsalita sa inyo lamang.»

«Susukatin ko ang lalim at sasabihin ko sa Inyo.» At si Pedro ay nagbababa ng isang mahabang kahoy sa tubig at pinakikilos ang bangka nang dahan-dahan patungo sa baybayin.

«Oo, maitatabi ko, Guro. Lalapit pa ba ako sa baybayin?»

«Hanggang sa makakalapit ka. May lilim at pag-iisa. Gusto Ko ito.»

Si Pedro ay pinalalapit ang bangka sa baybayin. Ang lupa ay mga labinlima ang layo. «Susundo na ako ngayon.»

«Tigil. At lumapit kayo hangga’t maaari at makinig.»

Si Jesus ay iniiwan ang Kanyang lugar at naupo sa gitna ng bangka, sa ibabaw ng isang tablang inilagay nang pahalang. Ang isa pang bangka ay nasa harapan Niya, habang ang mga disipulo sa Kanyang bangka ay nakaupo sa paligid Niya.

⁵«Makinig. Baka inisip ninyo na hindi ako nakikinig sa paguusap ninyo at dahil diyan Ako ay isang tamad na tagapagturo na hindi tinitingnan ang kanyang mga mag-aaral. Kailangan na malaman ninyo na ang Aking kaluluwa ay hindi kayo iniiwanan kahit isang sandali. Nakakita na ba kayo ng isang doktor na pinag-aaralan ang isang pasyente na apektado ng isang sakit na hindi pa nalalaman at nagpapakita ng magkakaibang mga sintomas? Lagi niya siyang tinitingnan, pagkatapos na madalaw siya, babantayan siya kapwa kapag siya ay natutulog at kung gising, sa umaga at sa gabi, kapag siya ay nagsasalita at kung siya ay tahimik, sapagkat ang bawat sintomas ay maaaring makatulong na malaman ang sakit at makapagmungkahi ng ikagagaling. Ganyan din ang Aking ginagawa sa inyo. Hinahawakan Ko kayo sa pamamagitan ng di-nakikita ngunit sensitibong mga sinulid, na nakatanim sa Akin, at dinadala nito sa Akin kahit na ang pinakamaliit na panginginig ng inyong kaakuhan. Pinababayaan Ko kayo na maniwala na kayo ay libre, na sana maibunyag ninyo ang inyong mga sarili para sa kung ano kayo, na nangyayari kapag ang isang mag-aaral o isang loko-loko ay iniisip na siya ay hindi pinagmamasdan ng kanyang bantay.

Kayo ay isang grupo ng mga tao, ngunit pinoporma ninyo ang isang nukleo, ibig sabihin, isang bagay lamang. Kayo kung gayon ay isang yunit, na pinorma bilang isang katawan at na kailangang pag-aralan sa indibidwal na mga katangian, na humigit-kumulang mabuti, upang mahubog ito, mapagsama ito, mapulido ito, dagdagan ang nagkakatulad na mga tabi nito, at gawin itong isang perpektong yunit. Iyan kung bakit pinag-aaralan Ko kayo. At pinag-aaralan Ko rin kayo kung kayo ay natutulog.

Ano kayo? Magiging ano kayo? Kayo ang asin ng lupa. Magiging ganyan kayo dapat: ang asin ng lupa. Sa pamamagitan ng asin, ang karne ay napananatiling hindi mabulok at ang marami pang ibang makakain din. Ngunit kung ang asin ay hindi maalat, magagamit ba ito na pang-asin? Gusto Kong asnan ang mundo sa pamamagitan ninyo, upang magkaroon ito ng timplang may selestiyal na lasa. Ngunit papaano kayo makapang-aasin kung kayo ay maging walang-lasa?

Papaano kayo nawawalan ng isang selestiyal na lasa? Nang kung ano ang pantao. Ang tubig ng dagat, ibig sabihin: ang tubig ng tunay na dagat, ay labis na maalat na ito ay hindi mabuting inumin, hindi ba? Gayunpaman, kung ang isa ay kumuha ng isang tasa ng tubig ng dagat at ibuhos ito sa isang amphora ng sariwang tubig, diyan maiinom ito ng isa, sapagkat ang tubig ng dagat ay labis na napatabang na ito ay nawalan ng nangangagat na lakas nito. Ang sangkatauhan ay katulad ng sariwang tubig na inihalo sa inyong selestiyal na kaalatan. Sa muli, halimbawa na makakakuha tayo ng isang maliit na agos ng tubig mula sa dagat at gawin itong dumaloy patungo sa lawa na ito, matutunton ba ninyo ang maliit na agos na iyon? Hindi. Mawawala ito sa sariwang tubig. Ganyan ang mangyayari sa inyo kapag inilulubog, o kung baga, inilulubog ninyo ang inyong misyon sa labis na pagkatao.

Kayo ay mga tao. Alam Ko. At sino Ako? Ako ay Siya Na may lahat ng posibleng lakas. At ano ang Aking ginagawa? Ipinaaabot Ko ang ganyang lakas sa inyo pagkatapos na tawagin kayo. Ngunit ano ang kabuluhan na ipaabot ito sa inyo, kung pinakakawalan ninyo ito sa ilalim ng mga pagguho ng pagkataong mga impluwensiya at mga sentimyento?

Kayo ay, kayo ay dapat na maging ang liwanag ng mundo. Pinili Ko kayo: Ako, ang Liwanag ng Diyos sa pagitan ng mga tao, na sana maipagpatuloy ninyo na mapaliwanagan ang mundo, pagkatapos na makabalik na Ako sa Ama. Ngunit makapagpapaliwanag ba kayo kung kayo ay mauusok na lampara na namatay na? Hindi. Hindi lamang, bagkus, sa pamamagitan ng inyong usok – ang isang hindi mo maintindihan na usok ay mas malala pa kaysa sa isang ganap nang patay na mitsa – padidilimin ninyo ang malabong liwanag na maaaring mayroon pa ang mga puso ng tao.

O! Miserable ang mga naghahanap sa Diyos na lalapit sa mga apostol, at sa halip na liwanag ay tatanggap ng usok! Ito ay magiging iskandalo at kamatayan para sa kanila. Ngunit ang di-karapat-dapat na apostol ay isusumpa at parurusahan. Ang inyong kapalaran ay isang dakilang kapalaran! At isang malaking nakapanghihilakbot na katungkulan din! Ngunit tandaan na kung sino ang pinagbigyan ng mas marami, ay obligadong magbigay nang mas marami. At kayo ang pinagbigyan nang pinakamarami, kapwa sa paraan ng edukasyon at ng mga regalo. Kayo ay tinuruan Ko, ang Salita ng Diyos at tinanggap ninyo mula sa Diyos ang regalo ng pagiging “ang mga disipulo”, ibig sabihin, ang mga tagapagpatuloy ng Anak ng Diyos.

⁶Gusto Kong pagnilayan ninyo ang pagkapili sa inyo, na iksaminin ninyo nang mabuti ang inyong mga sarili, timbang-timbangin ninyo ang inyong mga sarili... at kung mayroon man na ang kanyang pakiramdam siya ay angkop lamang na maging isang naniniwala – ni hindi Ko sasabihin: kung may nakararamdam na siya ay bagkus isang di-nagsisising makasalanan; sinasabi Ko lamang: kung mayroong ang pakiramdam na siya ay angkop lamang na maging isang naniniwala – ngunit hindi maramdaman ang lakas ng isang apostol, gawin siyang tumiwalag.

Ang mundo ay malaki, maganda, sapat, sapat na sari-sari at iba-iba para sa mga nagmamahal dito! Iniaalok nito ang lahat na mga bulaklak at ang lahat na prutas angkop para sa tiyan at sa mga pándamá. Isa lamang ang Aking inaalok: kabanalan. At sa lupa ito ang pinakamahigpit, ang pinakadukha, ang pinakamagaspang, ang pinaka-matinik at ang pinaka-inuusig na bagay na naririyan. Sa Langit ang kahigpitan nito ay nagiging ang kalawakan, ang karukhaan nito mga kayamanan, ang pagkamatinik nito isang mabulaklak na alpombra, ang katigasan nito isang makinis na kaaya-ayang landas, ang pagka-inuusig nito kapayapaan at beatitude. Ngunit dito ito ay isang pagtatrabaho ng isang bayani upang maging isang santo. Iyan lamang ang Aking maiaalok.

Payag ba kayong manatiling kasama Ko? Hindi ba ninyo nararamdaman na manatili? O! Huwag mamangha o malungkot.  Mapapakinggan ninyo Akong tinatanong sa inyo ito nang maraming beses. At kapag mapakinggan ninyo ito, pakiusap na isipin na ang Aking puso ay lumuluhang tinatanong ito, sapagkat nasusugatan ito ng inyong kawalang-maramdaman tungkol sa inyong bokasyon. Kung kaya't iksaminin ang inyong sariling mga konsiyensya, pagkatapos maghusga nang may katapatan at sinseridad, at pagkatapos magpasya. Magpasya, upang kayo ay hindi maging mga kasumpa-sumpa. Sabihin “Guro, mga kaibigan, nadama ko na hindi ako ginawa para sa buhay na ito. Hinahalikan ko kayo ng pagpapaalam at sinasabi ko sa inyo: manalangin para sa akin”.

Mas mabuti na ang ganyan kaysa magtaksil. Mas mabuti na ang ganyan... Anong masasabi ninyo?  Pagtaksilan sino? Sino? Ako. Ang Aking dahilan, na siyang dahilan ng Diyos, sapagkat Ako ay kaisa ng Ama. At ang inyong mga sarili, oo, pagtataksilan ninyo ang inyong mga sarili, pagtataksilan ninyo ang inyong mga kaluluwa, ibinibigay sila kay Satanas. Gusto ninyong manatiling mga Hudyo? Hindi Ko kayo pipilitin na magbago. Ngunit huwag magtaksil. Huwag pagtaksilan ang inyong mga kaluluwa, si Kristo at ang Diyos. Sinusumpa Ko na ni Ako, o ang mga tapat sa Akin ay pipintasan kayo, ni hindi nila kayo gagawin na kayo ay hamakin ng tapat na pulutong. Kani-kanina pa lamang ang isa sa inyong mga kapatid ay nagsabi ng isang dakilang salita: “Lagi nating pinagsisikapan na itago ang ating mga sugat at ang mga sugat ng mga taong ating minamahal”. At siya na aalis, ay magiging isang sugat, isang kanser, na pagkatapos ng lumaki sa ating apostoladong katawan ay lalabas, dahil sa ganap na ganggrena nito, nag-iiwan ng isang masakit na marka na ating maingat na itatago.

Hindi, huwag umiyak, kayo na mas mabubuti. Huwag umiyak. Wala Akong kinikimkim na masamang loob, ni hindi Ako nagpapabayang makita kayong napakabagal. Kapipili pa lamang sa inyo at hindi Ko inaasahan kayo na maging perpekto. Ni hindi Ko iyan hihingin pagkaraan ng ilang mga taon, pagkatapos na maulit nang sandaan o dalawang daang beses ang pareho ding mga bagay nang walang mangyari. Hindi, bagkus, makinig: sa loob ng kaunting mga taon kayo ay hindi magiging kasing init katulad ngayon, na kayo ay mga baguhan. Ganyan ang buhay... ganyan ang sangkatauhan... Nawawalan kayo ng sigla pagkatapos ng unang talon. Ngunit (si Jesus ay napatayong bigla) sinusumpa Ko sa inyo na Ako ay mananalo. Napadalisay sa pamamagitan ng natural na pagpili, napalakas sa pamamagitan ng isang sobrenatural na halô, kayo, mas mabubuti, ay magiging Aking mga bayani. Ang mga bayani ng Kristo. Ang mga bayani ng Langit. Ang kapangyarihan ng mga Caesar ay magiging katulad ng alikabok kompara sa pagkahari ng inyong pagkapari. Kayo, mga kaawa-awang mga mangingisda ng Galilee, kayo, di-kilalang mga Judaean, kayo, tanging mga bilang lamang sa masa ng kasalukuyang mga tao, ay magiging mas kilala, mas pinapupurihan, mas pinagpipitaganan kaysa sa Caesar, at kaysa sa lahat ng mga Caesar na nagkaroon ang mundo o magkakaroon. Kayo ay makikilala at pagpapalain sa nalalapit na hinaharap at sa pinakamalayong mga siglo, hanggang sa katapusan ng mundo.

⁷Itinatalaga Ko kayo sa ganyang makalangit na kapalaran, sapagkat kayo ay tapat na pumapayag. At Aking babalangkasin ang esensiyal na mga katangian ng apostoladong karakter, upang kayo ay sana maging angkop para sa inyong kapalaran.

Maging laging mapagmatyag at handa. Ang inyong mga baywang ay kailangang laging may bigkis, at ang inyong mga lampara laging may sindi, na tila kayo ay paalis mga ilang sandali na lamang o tatakbo upang tagpuin ang kung sinong parating. Kayo sa katunayan, at hanggang sa inyong kamatayan, ang magiging walang-kapagurang mga peregrino naghahanap ng mga naglalagalag; at hanggang patayin sila ng kamatayan, ang inyong mga lampara ay kailangang nakataas at may sindi upang ipakita ang daan sa naliligaw na mga kaluluwa patungo sa kawan ng Kristo.

Kayo ay dapat na maging matapat sa Guro Na nagtalaga sa inyo sa ganyang paglilingkod. Ang lingkod na iyon ay gagantimpalaan na lagi Niyang natatagpuan na mapagbantay at na sa kanyang kamatayan ay nasa estado ng grasya. Hindi ninyo masasabi at kailangan na huwag ninyong sabihin: “Bata pa ako, may panahon pa ako para dito at para diyan, at pagkatapos iisipin ko ang tungkol sa aking Guro, ang tungkol sa aking kamatayan at sa aking kaluluwa! Ang mga bata pa ay namamatay katulad ng matatanda, at ang malalakas katulad ng mahihina. At ang matanda at ang bata pa, ang malakas at ang mahina ay parehong nakapailalim sa mga pananalakay ng panunukso. Mag-ingat, sapagkat ang kaluluwa ay maaaring mamatay bago ang katawan at baka nagdadala kayo nang hindi ninyo nalalaman ng isang bulok na kaluluwa. Ang pagkamatay ng isang kaluluwa ay labis na hindi mapapansin! Katulad ng pagkamatay ng isang bulaklak. Wala ni isang iyak, wala ni isang kombulsiyon... itinutungo nito ang apoy nito katulad ng isang pagod na korola, at mamamatay. Pagkatapos, kung minsan pagkaraan ng matagal na panahon, kung minsan kaagad, mapupuna ng katawan na maydala-dala ito sa loob nito ng isang labí na punó ng mga mumúnsík na hayop, mababaliw ito sa takot at magpapakamatay upang mapigilan ang pagsasamang iyon... O! Hindi nito ito mapipigilan! Babagsak ito sa isang kawan ng mga ahas sa Gehenna kasama ang kaluluwa na punung-puno ng mumúnsík na mga hayop.

Huwag maging walang-katapatan katulad ng mga ahente o mareklamong mga abugado na pumapanig sa dalawang magkatunggaling kliyente, huwag maging kasing huwad katulad ng mga pulitiko, na tinatawag ang taong ito at ang taong iyon na isang “kaibigan”, samantalang sila ay mga kaaway ng kapwa sa kanila. Huwag kumilos sa dalawang magkaibang paraan. Hindi ninyo mapagtatawanan ang Diyos o lokohin Siya. Umasal sa mga tao katulad na umaasal kayo sa Diyos, sapagkat ang isang insulto sa tao ay isang insulto sa Diyos. Gawing makita kayo ng Diyos katulad na gusto ninyong makita kayo ng mga tao.

Maging mapagpakumbaba. Hindi ninyo mapipintasan ang inyong Guro sa pagiging hindi mapagpakumbaba. Ako ang nagtatatag ng halimbawa. Gumawa katulad ng paggawa Ko. Maging mapagpakumbaba, maamo, matiyaga. Ganyan kung papaano nakukuha ang mundo. Hindi sa pamamagitan ng karahasan o puwersa. Maging malakas at marahas laban sa inyong mga bisyo. Alisin sila, hanggang sa ikadudurog ng inyong mga puso. Mga ilang araw ang nakaraan sinabi Ko sa inyo na bantayan ang inyong mga mata. Ngunit hindi ninyo alam kung papaano ito gagawin. Sinasabi Ko sa inyo: mas mabuti nang maging bulag sa pagtanggal sa mapag-imbot na mga mata, kaysa sa maging mahalay.

Maging sinsiro. Ako ang Katotohanan: kapwa sa makalangit at pantaong mga bagay. Ibig Kong kayo ay maging tunay din. Bakit maging madaya sa Akin, o sa inyong mga kapatid, o sa inyong kapwa? Bakit dayain ang mga tao? Mapagmalaking katulad ninyo, bakit hindi ninyo sinasabi: “Ayaw kong matuklasan ng mga tao na ako ay isang sinungaling”? At maging sinsiro sa Diyos. Sa palagay ba ninyo maloloko ninyo Siya sa pamamagitan ng mahahabang mapagpakitang mga panalangin? O! Kaawa-awang mga anak! Nakikita ng Diyos ang laman ng inyong puso!

Maging basal sa paggawa ng mabuti. Sa pagbibigay din ng mga limos. Ang isang kolektor ng buwis ay alam kung papaano maging basal bago ang kanyang kombersiyon. At hindi ba ninyo kaya? Oo, pinupuri Ko si Mateo, para sa iyong lingguhan na alay, na tanging ang Ama at Ako lamang ang nakaalam na mula iyon sa iyo at binabanggit kita bilang halimbawa. Iyan din ay isang porma ng kabasalan, Aking mga kabasalan. Huwag ninyong ipaalam ang inyong kabutihan katulad na hindi ninyo huhubaran ang isang bata-pang anak na babae sa harapan ng isang pulutong ng mga tao. Maging mga birhen sa paggawa ng mabuti. Ang isang mabuting gawa ay birhen kapag ito ay malaya mula sa kahit anong koneksiyon nang may mga kaisipan ng pagmamalaki at papuri, o mula sa insentibo ng pagmamalaki.

Maging tapat sa inyong bokasyon sa Diyos. Hindi ninyo mapaglilingkuran ang dalawang panginoon. Ang isang higaang pangkasalan ay hindi magkakasya sa dalawang nobya nang sabay. Ang Diyos at si Satanas ay hindi maibabahagi ang inyong mga yakap. Hindi babahagi ang tao, ni ang Diyos o si Satanas, sa isang tatluhang yakap na naiiba sa tatlong nagyayakapan. Maging salungat sa kasakiman para sa ginto pati na rin sa kasakiman sa laman, sa kasakiman para sa laman katulad sa kasakiman para sa kapangyarihan. Iyan ang iniaalok sa inyo ni Satanas. O! Ang kanyang nanlolokong mga kayamanan! Karangalan, tagumpay, kapangyarihan, kayamanan: masasagwang bilíhan kung saan ang inyong mga kaluluwa ang pambayad. Maging kontento sa kaunti. Binibigay ng Diyos kung ano ang kinakailangan. Sapat na iyan. Ginagarantiyahan Niya iyan para sa inyo katulad na ginagarantiyahan Niya iyan para sa mga ibon ng ere, at mas mahahalaga pa kayo kaysa sa mga ibon. Ngunit gusto Niya ang pagsandal at hinahon mula sa inyo. Kung sasandal kayo sa Kanya, hindi Niya kayo bibiguin. Kung kayo ay may hinahon, ang Kanyang pang-araw-araw na regalo ay magiging sapat para sa inyo.

Huwag maging mga pagano, sa pagiging ng Diyos sa pangalan lamang. Iyon ay mga pagano na nagmamahal sa ginto at kapangyarihan, upang lumabas bilang mga maliliit na diyos, nang higit pa sa kanilang pagmamahal sa Diyos. Maging banal at kayo ay magiging katulad ng Diyos sa eternidad.

Huwag maging intolerante. Sa dahilan na kayong lahat ay mga makasalanan, umasal sa iba katulad na gusto ninyo ang iba na umasal sa inyo: ibig sabihin, nang may awa at pagpapatawad.

Huwag manghusga. O! Huwag manghusga! Nakasama pa lamang ninyo Ako nang kaunting panahon, ngunit nakita ninyo kung gaano na karaming beses Ako, bagamat inosente, napagkamalang husgahan at akusahan ng mga kasalanan na wala naman talaga. Ang isang masamang paghusga ay isang insulto. At tanging mga santo lamang ang hindi nagsusukli sa pamamagitan ng salapi ng nananakit. Magpigil kung gayon sa pananakit upang kayo ay sana hindi saktan. Sa gayon hindi kayo makakalimot sa inyong mga katungkulan maging sa karidad, o sa banal, mahal, mabait na kababaang-loob, na siyang kaaway ni Satanas, kasama ang kabasalan. Magpatawad, laging magpatawad. Sabihin: “Nagpapatawad ako, Ama, na sana ako ay mapatawad Ninyo ng aking di-mabilang na mga kasalanan”.

Umunlad nang oras-oras, nang may tiyaga, pagpupursige, kabayanihan. Sino ang nagsabi sa inyo na hindi masakit ang maging mabuti? Hindi, bagkus, sasabihin Ko sa inyo: ito ang pinakamalaking pagtatrabaho. Ngunit ang gantimpala ay Langit at kung gayon sulit na magpakapagod sa gayong pagtatrabaho.

At magmahal. O! Anong mga salita ang gagamitin Ko upang kumbinsihin kayo na magmahal? Walang aangkop upang kombertihin kayong magmahal, kaawa-awang mga tao, na inuudyukan ni Satanas! ⁸Kung kaya't sasabihin Ko: “Ama, madaliin ang oras ng puripikasyon. Ang lupang ito at ang kawan na ito Ninyo ay tuyô at may sakit. Ngunit may hamog na makapaglilinis at magpapakinis sa kanila. Buksan ang pontanya nito. Buksan Ako, Ama. Dito umaapoy  Ako sa pagmimithi na tupdin ang Inyong kalooban, na siyang Akin din at ng Eternal ng Pag-ibig. Ama, Ama, Ama! Tingnan ang Inyong Kordero at maging ang Tagapagsakripisyo Nito”.»

Si Jesus ay tunay na inspirado. Nakatayo, ang Kanyang mga kamay nakaunat sa hugis ng krus, ang Kanyang mukha nakataas patungo sa kalangitan, sa Kanyang linen na tunika at na ang asul na lawa nasa likuran Niya, tila Siya isang nagdarasal na arkanghel.

Ang bisyon ay nagtatapos sa ginagawang ito ni Jesus.

(518) 270810/050813

Sunod na kabanata.