99. Si Jesus Naghahanap para kay Jonathan sa Bahay ni Chuza sa Tiberias.

Pebrero 6, 1945.

¹Nakikita ko ang magandang bagong bayan ng Tiberias. Ang buong latag nito ay nagagawa akong maintindihan ko ito na ito ay isang bago at isang mayaman na bayan: ang pagkaplano sa bayan ay mas maayos kaysa sa alin pa man na bayan sa Palestina at nagpapakita ng isang sibilisado at pagkakasundong pagkakasama-sama na hindi matatagpuan kahit na sa Herusalem. Mayroon ditong magagandang abenida at tuwid na mga daan, na mayroon nang isang sistema ng mga kanal kung saan ang tubig at ang basura ay naaalis. May malalapad ding mga liwasan na may malalaking pontanya, na ang mga kinatatayuan nito ay nilagyan ng pinakamagagandang marmol.

Maraming gusali na kinopya ang istilo ng Romano, na may maluluwang na arkada. Sa pamamagitan ng ilang mga nakabukas nang harapang pintuan sa kaagahang oras na ito, makakakita ang isa ng malalaking bulwagan, malalaking posteng gawa sa marmol na may mga dekorasyong kurtina, mga upuan at mga mesa; sa halos lahat na mga gusali ay may isang sentral na yarda, na may lakaran na marmol, may pontanyang may tumitilandoy na tubig at mga plorerang marmol na punó ng mga bulaklak. Ito ay tiyak na imitasyon ng Romanong arkitektura, na kinopya nang napakabuti at napakayaman. Ang pinakamagagandang bahay ay nasa mga kalsada na pinakamalapit sa lawa. Ang unang tatlong kalsada, nakaagapay sa lawa, ay totoong maluho. Ang nauuna ay sinusundan ang malumanay na kurba ng lawa at absulutong maganda. Ang huling bahagi ay isang serye ng mga “villas” na ang pinakaharapan ay nasa likuran ng kalsada, at sa gawing tabi ng lawa ay mayroon silang mayayabong na hardin, na umaabot hanggang sa layo na ito ay nasasampal ng mga alon ng lawa. Halos lahat ay may isang maliit na daungan, kung saan may pamamasyal na mga bangka na may mamahaling mga habong at purpurang mga upuan.

Si Jesus ay tila hindi bumaba mula sa bangka ni Pedro sa daungan sa Tiberias, bagkus sa kung saang ibang lugar, baka sa mga arabal at ngayon naglalakad sa tabi ng isang abenida kaagapay ng lawa.

«Nakarating na ba Kayo kailanman sa Tiberias, Guro?» tanong ni Pedro.

«Hindi. Kahit kailanman.»

«Eh! Si Antipas ay nagawa nang mabuti ang mga bagay-bagay at sa magandang istilo upang mahibok si Tiberius! Siya ay totoo ngang naging marumi!...»

«Ito ay tila mas isang pasyalan na lugar kaysa isang kalakalang bayan.»

«Ang sentro ng kalakalan ay nasa kabilang tabi. Malakas ang kalakalan doon at mayamang lugar iyon.»

«At ang mga bahay na ito? Sila ba ay pag-aari ng mga Palestino?»

«Ang ilan mga Palestino, ang ilan hindi. Ang marami ay pag-aari ng mga Romano, at ang marami... bagamat punó ng mga estatuwa at kung anu-ano pang mga basura, ay pag-aari ng mga Hudyo.» Si Pedro ay nagbubuntung-hininga at pabulung-bulong: «... Sana ang kinuha lamang nila ay ang ating kasarinlan... ngunit kinuha rin nila ang ating pananampalataya... Tayo ay nagiging mas pagano sa kaisipan kaysa sa kanila!..»

«Hindi sa kanilang kagagawan, Pedro. Sila ay may kanilang mga kaugalian at hindi nila tayo pinipilit na gayahin sila. Ginusto natin mismong maging marumi. Dahil sa materyal na interes, sa pagsunod sa moda, pagpapaalipin...»

«Tama Kayo. At ang Tetrarka ay ang una...»

²«Guro, naririto na tayo» sabi ng pastol na si Jose. «Ito ang bahay ng tagapamahala ni Herodes.»

Tumigil sila sa katapusan ng abenida, kung saan mayroong pagsanga at ang abenida ay naging ang ikalawang kalsada, upang ang “villas”  ay nasa pagitan nito at ng lawa. Ang bahay na tinukoy ni Jose ay ang unang bahay at talagang maganda, na may hardin ng mga bulaklak sa paligid nito. Ang mga sanga ng hasmin at ng mga rosas at ang kanilang mabangong amoy ay kumakalat hanggang sa layo ng lawa.

«Ito ba kung saan nakatira si Jonathan?»

«Ako ay sinabihan na siya ay nakatira dito. Siya ang tagapamahala ng tagapamahala. Siya ay naging masuwerte. Si Chuza ay hindi isang masamang tao at makatarungan sa pagkilala sa mga merito ng kanyang tagapamahala. Siya ay ang isa sa kaunting matatapat na tao sa korte. Pupunta ba ako at tawagin siya?»

«Lakad.»

Si Jose ay pumunta sa mataas na harapang pintuan at kumakatok. Ang namamahala sa pinto ay dumating. Nagpalitan sila ng ilang mga salita. Nakikita ko na si Jose ay nagpapakita ng kabiguan at ang portero ay inilabas ang kanyang ubanin na ulo at tinitingnan si Jesus; pagkatapos may itinanong siya na isang bagay at si Jose ay tumatango sa pagsang-ayon. Sila ay nagpatuloy sa paguusap.

Si Jose pagkatapos ay lumapit kay Jesus Na matiyagang naghihintay sa ilalim ng lilim ng isang punungkahoy. «Si Jonathan ay wala rito. Siya ay nasa Mataas na Lebanon. Dinala niya si Johanna sa itaas doon, sa sariwa at purong hangin, sapagkat malala ang kanyang sakit. Sinabi ng katulong na si Jonathan ang umalis sapagkat si Chuza ay nasa korte at hindi makaalis pagkatapos ng iskandalo ng pagkatakas ni Juan Bautista. Si Johanna ay lumalala at sinabi ng doktor na siya ay mamamatay dito. Ngunit sinabi ng katulong na Kayo ay kailangan na pumasok at magpahinga. Si Jonathan ay nakapagsalita ng tungkol sa sanggol na Mesiyas at dito rin Kayo ay kilala sa pangalan at Kayo ay inaasahan.»

«Tayo na.» Ang grupo ay nagsimulang kumilos.

Ang portero, pagkatapos ng isang patagong tingin, ay tinatawag ang iba pang mga katulong at binuksan nang maluwang ang pinto, at tumakbong patungo kay Jesus, nang may pinakamalaking paggalang: «Pagpalain kami, Panginoon, at ang malungkot na bahay na ito. Pasok Kayo. O! Si Jonathan ay magiging napakalungkot na siya ay wala rito! Labis siyang naghihintay na makita Kayo. Pakiusap na pumasok kasama ang Inyong mga kaibigan.»

Sa loob ng bulwagan ay naroon ang mga katulong na mga lalaki’t babae ng lahat ng edad. Lahat sila ay yumuyuko nang magalang, binabati si Jesus, at sila ay mausisa rin. Ang isang maliit na matandang babae ay umiiyak sa isang sulok.

Si Jesus ay pumasok at nagpapalà sa pamamagitan ng Kanyang dating pagkilos at ng Kanyang dating pagpapalà ng kapayapaan. Nag-alok sila sa Kanya ng mga pampalamig. Si Jesus ay nakaupo sa isang upuan at lahat sila ay nakapaligid sa Kanya. «Nakikita Ko na Ako ay hindi na bago sa inyo» wika ni Jesus.

«O! Si Jonathan ang nagpalaki sa amin, nagkukuwento siya ng tungkol sa Inyo. Si Jonathan ay mabuti. Sinasabi niya na siya ay mabuti sapagkat ang halik na binigay niya sa Inyo ay nagawa siyang maging mabuti. Ngunit iyon ay dahil din na siya ay mabuti.»

«Ako ay nagbigay at tumanggap ng mga halik..., ngunit, katulad ng sinasabi mo, sa mabubuting tao lamang lumalago ang kanilang kabutihan. Kaaalis pa lamang ba niya? Pumunta Ako upang makita siya.»

«Katulad ng sinabi ko: siya ay nasa itaas sa Lebanon. May mga kaibigan siya roon... Iyon ang huling pag-asa para sa aming bata-pang sinyora, kung hindi yon makakatulong...»

³Ang maliit na babae sa sulok ay umiyak nang mas malakas. Si Jesus ay tinitingnan siya nang may pag-usisa.

«Siya ay si Esther, ang yaya ng sinyora. Siya ay umiiyak sapagkat hindi niya matanggap na nawawala na siya sa kanya.»

«Halikayo rito, inay. Huwag umiyak nang ganyan» si Jesus ay pinagiginhawahan siya. «Halikayo rito malapit sa Akin. Ang isang sakit ay hindi nangangailangan na ang ibig sabihin nito ay kamatayan!»

«O! Ito ay kamatayan! Ito ay kamatayan! Pagkatapos na nagkaroon siya ng kanyang tanging walang-suwerteng panganganak, siya ay namamatay! Ang mga adultera ay may mga lihim na panganganak ngunit sila ay nabubuhay, at siya, napakabuti, napakatapat, mahal, mahal na mahal, siya ay kailangan na mamatay!»

«Ano na ang kanyang kalagayan ngayon?»

«Siya ay may lagnat na umuubos sa kanya... Katulad niya ang isang lampara na nagniningas sa loob ng isang mahangin na lugar... palakas nang palakas ang hangin araw-araw at siya ay nanghihina. O! Gusto kong sumama sa kanya. Ngunit si Jonathan ang gusto ay mga bata-pang mga katulong na babae, sapagkat wala na siyang natitirang lakas at kailangan nang buhatin ang kanyang buong katawan at hindi ko na ito kaya... Hindi ko na kaya iyan... ngunit may kakayahan akong mahalin siya... Tinanggap ko siya mula sa sinapupunan ng kanyang ina... Ako ay isang katulong noon at may asawa, mayroon akong isang-buwan na pasusuhing anak at pinasusuko siya, sapagkat ang kanyang ina ay mahinang-mahina at hindi makapagpasuso... Ako ang tumayong kanyang ina noong siya ay naulila at halos hindi pa siya makapagsalita ng “inay”. Ako ay tumanda at kumulubot na sa pagbabantay sa tabi niya noong siya ay nagkasakit... Binihisan ko siya bilang isang nobya at dinala sa kanyang higaang pangkasalan... Ngumiti ako sa kanyang pag-asa ng pagiging isang ina... Umiyak akong kasama siya sa kamatayan ng kanyang sanggol... Naipon ko ang lahat na ngiti at lahat na luha ng kanyang buhay... Naibigay ko sa kanya ang lahat na ngiti at lahat na konsolasyon ng aking pagmamahal... at ngayon siya ay namamatay at ako ay wala sa tabi niya...» Ang isa ay bagkus malulungkot para sa matandang babae..

Si Jesus ay hinahaplos siya, ngunit walang mangyari. «Makinig, inay. Mayroon ba kayong pananampalataya?»

«Sa Inyo? Oo, may pananampalataya ako.»

«Sa Diyos, babae. Naniniwala ka ba na ang Diyos ay magagawa ang lahat?»

«Naniniwala ako, at naniniwala ako na Kayo, Kanyang Mesiyas, ay magagawa rin ito. O! Sila ay nagsasalita na sa bayan tungkol sa Inyong kapangyarihan! Ang taong iyon doon (at tinuturo niya si Felipe) kamakailan ay nagsasalita ng tungkol sa Inyong mga himala malapit sa sinagoga. At si Jonathan ay tinanong siya: “Nasaan ang Mesiyas?” at siya ay tumugon: “Hindi ko alam”. Si Jonathan kung gayon ay nagsabi sa akin: “Kung Siya ay naririto, sinusumpa ko ito, siya ay mapagagaling”. Ngunit Kayo ay wala rito... at siya ay umalis kasama siya... at ngayon siya ay mamamatay na...»

«Hindi. Manampalataya. Sabihin mo sa Akin kung ano talaga ang nararamdaman mo sa iyong puso: makapaniniwala ka ba na siya ay hindi mamamatay dahil sa iyong pananampalataya?»

«Dahil sa aking pananampalataya? O! Kung iyan ang gusto Ninyo, naririto ito. Kunin din ang aking buhay, ang aking matandang buhay... gawin lamang na makita ko siyang magaling na.»

«Ako ang Buhay. Nagbibigay Ako ng buhay hindi kamatayan. Binigyan mo siya ng buhay, isang araw, sa pamamagitan ng gatas ng iyong dibdib, at iyon ay isang kaawa-awang buhay na mamamatay. Ngayon sa pamamagitan ng iyong pananampalataya, binibigyan mo siya ng walang-katapusang buhay. Ngumiti, inay!»

«Ngunit siya ay wala rito...» Ang matandang babae ay hindi makatiyak sa pagitan ng pag-asa at takot. «Siya ay nasa malayo, at Kayo ay naririto...»

«Magkaroon ng pananampalataya. Makinig. Ako ngayon ay patungo na sa Nazareth para sa kaunting mga araw. At mayroon ding ilang mga kaibigan Ko ang may sakit... Pagkatapos pupunta Ako sa Lebanon. Kung si Jonathan ay makabalik sa loob ng anim na araw, papuntahin mo siya sa Nazareth, kay Jesus ni Jose. Kung siya ay hindi dumating, diyan Ako aalis.»

«Papaano Ninyo siya makikilala?»

«Si arkanghel ni Tobias ay gagabayan. Palakasin ang iyong pananampalataya. Iyan lamang ang hihilingin Ko sa iyo. Huwag ka nang umiyak pa, inay.»

Ang matandang babae, sa halip, ay umiyak nang mas malakas. Siya ay nasa paanan ni Jesus, nakasandal ang kanyang ulo sa Kanyang dibinong mga tuhod, hinahalikan at iniiyakan ang Kanyang pinagpalang kamay.

Si Jesus ay hinahaplos siya sa pamamagitan ng Kanyang isa pang kamay at sa dahilan na ang iba pang mga katulong ay kinagagalitan siya dahil siya ay napapagod sa kaiiyak, sinabi Niya: «Pabayaan lang siya. Isang kaginhawahan para sa kanya ang makaiyak ngayon. Makakabuti ito sa kanya. Lahat ba kayo ay natutuwa na ang inyong sinyora ay baka gumaling?»

«O! Napakabuti niya! Kapag ang isa ay katulad niya, ang isa ay hindi isang panginoon, bagkus isang kaibigan at minamahal bilang isang kaibigan. Minamahal namin siya, maniwala sa amin.»

«Nakikita Ko sa inyong mga puso. Maging laging mabuti rin. Aalis na Ako. Hindi Ako makapaghihintay. Mayroon Akong isang bangka. Pinagpapala Ko kayo.»

«Bumalik Kayo, Guro. Bumalik Kayong muli!»

«Babalik Ako. Madalas Akong babalik. Paalam. Kapayapaan sa bahay na ito at sa inyong lahat.»

Si Jesus ay lumabas kasama ang Kanyang mga disipulo, sinasabayan ng mga katulong na nagbubunyi sa Kanya.

⁴Mas kilala Ka rito kaysa sa Nazareth» wika nang malungkot ng Kanyang pinsan na si Santiago.

«Ang bahay na ito ay naihanda ng isang tao na may totoong pananampalataya sa Mesiyas. Sa ganang pakialam ng Nazareth, Ako ay isa lamang karpintero... Wala nang iba pa.»

«At... wala kaming lakas na ipahayag Ka para sa kung ano Ikaw...»

«Wala ba kayo?»

«Hindi, aking pinsan. Kami ay hindi mga bayani katulad ng Iyong mga pastol...»

«Sa palagay mo ba, Santiago?» Si Jesus ay ngumingiti tinitingnan ang Kanyang pinsan na katulad na katulad ng Kanyang kinikilalang ama, sa pamamagitan ng kanyang kulay-kapeng mga mata at buhok, ng kanyang kayumanggihing mukha, samantalang si Judas ay mas maputla, dahil ang kanyang mukha ay napalilibutan ng isang napakaitim na balbas at kulot na buhok, at ang kanyang mga mata ay halos isang biyoletang asul na kulay, at malabong nakakatulad ang kay Jesus. «Bueno sasabihin Ko sa inyo na hindi ninyo nakikilala ang inyong sarili. Ikaw at si Judas at dalawang malalakas na karakter.»

Ang Kanyang mga pinsan ay iniiling ang kanilang mga ulo.

«Malalaman ninyo na Ako ay hindi nagkakamali.»

«Talaga bang pupunta tayo sa Nazareth?»

«Oo, Gusto Kong makausap ang Aking Ina at... at gumawa ng iba pang bagay. Ang gustong sumama, ay makakasama.»

Lahat sila ay gustong sumama. Ang mga pinsan ay ang pinakamasaya sa lahat. «Ito ay dahil sa aming ama at ina, kita Mo?»

«Oo, naintindihan Ko. Pupunta tayo sa Cana at pagkatapos sa Nazareth.»

«Sa Cana? O! Bueno, pupunta tayo sa bahay ni Susanna. Bibigyan niya tayo ng itlog at prutas para sa ating ama, Santiago.»

«At tiyak na bibigyan niya tayo ng ilan ng kanyang masarap na pulot pukyutan. Gustung-gusto ito ng itay!»

«At labis na nakapagpapalakas iyon.»

«Kaawa-awang ama! Naghihirap siya nang labis! Katulad ng binunot na punungkahoy, ang pakiramdam niya ang kanyang buhay ay naglalaho na... at gusto niyang hindi mamatay...» Si Santiago ay tinitingnan si Jesus. Nang may isang tahimik na panalangin... si Jesus ay nagkukunwaring hindi Niya siya nakikita. «Si Jose rin ay namatay nang ganyan, nang may matinding mga kirot, hindi ba?»

«Oo, siya nga» tugon ni Jesus. «Ngunit mas kulang ang kanyang paghihirap sapagkat tinanggap niya.»

«At kasama Ka niya.»

«Si Alfeo din ay makakasama Ako...»

Ang mga pinsan ay malungkot na nagbubuntung-hininga at ang lahat ay natatapos.

(526) 010910/051013

 

Sunod na kabanata.